You are on page 1of 1

La Salle Green Hills – Alrenative Education Maikling Pagsusulit – ALS Filipino

Maikling Pagsusulit Pokus: Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang
titik ng pinakaangkop na pangungusap batay sa mga pokus ng pandiwang hinihingi sa
bawat bilang.
1. Pokus sa Aktor / Tagaganap
2. Pokus sa Ganapan
3. Pokus sa Gamit
A. Nanghuli ng isda sa ilog sina Marie.
B. Inihuli ni Ben ng sariwang dalag si Marie.
C. Ipinanghuli ni Marie ng isda ang bingwit ni Ben.
D. Pinaghulihan nina Ben ng isda ang dagat sa Navotas.
4. Pokus sa Layon
5. Pokus sa Tagatanggap
6. Pokus sa Ganapan
A. Pinagkuhanan ni John ng libro ang silid-aklatan.
B. Kumuha si John ng libro sa silid-aklatan.
C. Kinuha ni John ang mga libro sa silid-aklatan.
D. Ikinuha ni John si Joseph ng libro sa silid-aklatan.
7. Pokus sa Ganapan
8. Pokus sa Aktor / Tagaganap
9. Pokus sa Gamit
A. Ipinanligo ni Joy ang tubig sa swimming pool.
B. Ipanligo mo sa mga bata ang tubig sa swimming pool.
C. Naligo ang mga bata sa swimming pool na kagagawa lamang.
D. Pinagpaliguan ng mga bata ang swimming pool na kagagawa lamang.
10. Pokus sa Tagatanggap
11. Pokus sa Aktor / Tagaganap
12. Pokus sa Gamit
A. Nagluto ng lugaw si Nerissa para sa kanyang inang may sakit.
B. Ipinagluto ni Nerissa ng lugaw ang kanyang inang may sakit.
C. Pinaglutuan ni Nerissa ng lugaw ang kaldero sa kusina.
D. Ipinanghalo ni Nerissa ng lugaw ang bagong biling sandok.
13. Pokus sa Sanhi
14. Pokus sa Aktor / Tagaganap
15. Pokus sa Layon
A. Natuwa ang bata dahil sa pagdating ng kanyang ina.
B. Ikinatuwa ni Junior ang pasalubong na bitbit ng kanyang ina.
C. Napagkatuwaan nilang itago ang sapatos ni Kenneth.
D. Nagkatuwaan ang magkakaibigan sa bahay nina Kenneth.

Maikling Pagsusulit Kganapan: Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin
ang pinakaangkop na uri ng kaganapan ng pandiwa na nasa kahon na maglalarawan sa
mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ipinanghiwa ni Edward ng keyk ang kutsilyo.
2. Naghiwa ng manggang hilaw si John Loyd upang iulam.
Kaganapang Aktor /
3. Nagpupunta si Yolly sa silid-aklatan araw-araw.
Tagaganap
4. Nagluto ng lugaw si Nerissa para sa kanyang inang may sakit. Kaganapang Layon
5. Natuwa ang bata dahil sa pagdating ng kanyang ina. Kaganapang Ganapan
6. Nagluto si Nerissa ng lugaw gamit ang bagong biling sandok. Kaganapang Tagatanggap
7. Tinawagan ni Erma ang kanyang ina sa pamamagitan ng cellphone. Kaganapang Sanhi
8. Natuwa si Junior sa pasalubong na bitbit ng kanyang ina. Kaganapang Instrumental o
9. Kumuha si John ng libro sa silid-aklatan para kay Joseph. Gamit
10. Nanghuli sina Ben ng isda sa dagat ng Navotas.
11. Ipinagluto ni Nerissa ng lugaw ang kanyang inang may sakit.
12. Ipinanligo ni Jomari ang tubig sa swimming pool.
13. Nanligaw si Joseph kay Ruby.
14. Niligawan ni Joseph si Ruby dahil sa panunukso ng mga kaibigan.
15. Niligawan ni Joseph si Ruby dahil sa panunukso ng mga kaibigan.

Pahina 1

You might also like