You are on page 1of 15

Mga Layunin:

A.nakapagbibigay ng kahulugan at
konsepto ng akademikong sulatin sa
iba’t ibang disiplina;
B.nakasusulat ng sulatin batay sa
maingat, wasto, at angkop na paggamit
ng wika; at
C.napahahalagahan at napagtitibay ang
natamong kasanayan sa pagsulat ng
akademikong sulatin sa larangan ng
Humanidades.
Panimulang Gawain: Magbahagi
ng inyong konsepto tungkol sa
salitang…

Akademya
Disiplina
Humanidades
Pagtalakay

Pangkalahatang tinatawag na
patalastas ang anomang
paunawa, babala, o anunsiyo.
Nagsasaad ang mga ito ng
mahalagang impormasyon sa tao.
Pagtalakay
Ang isang paunawa ay isang
mensahe na nagsasaad ng
mahalagang impormasyon at mistula
din itong magsasabi kung ano ang
maaari at hindi maaaring gawin.
Maaari ding pumaksa ang paunawa
tungkol sa anumang pagbabago ng
naunang nabanggit na impormasyon.
Pagtalakay

Halimbawa ng isang paunawa ay


pagsaad ng pagbabago ng lugar
ng gaganaping pagpupulong.

PAUNAWA: Gaganapin ang


pagpupulong ng mag-aaral sa
Jose Rizal Hall sa halip na Marcelo
del Pilar Room.
Pagtalakay

PAUNAWA:
Inaabisuhan ang lahat na mula
ngayong Lunes, ika-30 ng Marso
ay hindi muna magpapapasok
ng mga tao sa bilding na ito.
Pagtalakay
Samantala, ang babala ay nagsasaad ng
maaaring maging panganib sa buhay, estado,
o nararanasan ng tao. Maaaring sa
pamamagitan ng salita o larawan maisaad ang
babala.
Halimbawa:
Babala:
Nahuhulog na bato.
Babala:
Malakas ang alon. Mag-ingat sa paglangoy.
Pagtalakay
Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng
mahalagang impormasyon na
makapagbibigay ng sapat na
kaalaman sa sinomang tao. Maaari
din itong isang panawagan sa ilang
importanteng gawain o aktibidad.
Pagtalakay
Halimbawa:
ANUNSIYO: Ang mga mag-aaral ng
Tech-Voc ay inaabisuhan na pumunta
sa Opisina ng Kalihim sa Lunes, ika-
23 ng Marso, mula ika-10 ng umaga
hanggang ika-12 ng tanghali para
malaman ang mga sabdyek na
kukunin sa susunod na semestre.
Pagtalakay
Halimbawa:
ANUNSIYO:
Iniimbitahan ang lahat na dumalo sa
pagtitipon ng mga kilalang
manunulat. Gaganapin ang
pagtitipon sa Claro M. Recto Hall,
Bulwagang Rizal, UP Diliman sa ika-
30 ng Mayo 2018 mula ika-4
hanggang ika-6 ng gabi.
Paglalahat: Kompletuhin:

Ang pagsulat ng anunsyo, babala,


at paunawa ng sulating tek-bok ay
isang mahalagang sangkap ng ___
tungo sa ___ kaya nararapat
lamang na ___.

You might also like