Professional Documents
Culture Documents
Brgy. Landayan
City of San Pedro, Laguna
Setyembre 21, 2017
G. Georgie Pennywise
Bank Branch Manager
Banco de Oro (BDO) San Pedro-Pacita Branch
G/F M. Allen Bldg., Km. 31 Old National Highway
City of San Pedro, Laguna
Gng. Pennywise:
Magandang araw!
Nais ko pong mag-aplay sa inyong kumpanya bilang isang Bank Teller. Napag-alaman ko po sa isang
kaibigan na kayo ay nangangailangan ng mga empleyado para sa posisyong ito. Bilang nagtapos sa
kursong Bachelor of Science in Accountancy ay pamilyar na po sa aking kakayahan ang tungkuling
nakaakibat dito. Batid ko po na tinataglay ko ang mga katangiang hinahanap ng inyong kumpanya
para sa nabanggit na posisyon.
Kung mamarapatin ninyo na ipagkaloob sa akin ang trabahong ito ay tiyak na maipapakita ko sa
inyo ang aking angking dedikasyon at kahusayan na maaaring makatulong sa paglago ng inyong
kumpanya.
Umaasa po ako na mabigyang atensyon ninyo ang aking liham at malugod ko pong aabangan ang
sandaling makarinig ako ng balita mula sa inyo. Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,