You are on page 1of 12

HINDI IPINAGBIBILI

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of City of Bogo
Buac, Cayang , Bogo City Cebu

FILIPINO SA PILING LARANGAN


(Tech – Voc)

SELF – LEARNING KIT


PAUNANG SALITA

Ang Self – Learning Kit na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang malinang
ang kanilang kahusayan sa pagsulat ng mga sulating manwal, liham pangnegosyo,
leaflets/flyers at promotional materials . Ang materyal na ito ay makatutulong sa
patuloy na pag –aaral at pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal.

Ang mga gawain dito ay makapagpatibay ng kanilang kaalaman at kakayahan sa


mga iba’t – ibang katunayan sa nasabing learning competency na pwedeng gamitin
araw – araw at makakapag – unlad ng pang araw- araw na pamumuhay at ng
sariling karanasan.

MGA LAYUNIN:
 Natutukoy ang kahalagahan ng wastong pagsulat ng menu ng pagkain;
 Natitiyak ang mga kinakailangang pundasyon sa pagsulat ng menu ng
pagkain;
 Nagagamit ang mga wastong element at teknik sa pagsulat ng menu;
 Nakakalikha nang mahusay na menu ng pagkain; at
 Naipapaliwanag ang likhang materyal tungo sa praktikal na
pangangailangan.
I. ANONG NANGYARI?

Gawain1. SURILAWAN
Ilarwan ang sumusunod na mga putahe gamit ang pinakaangkop na mga
salita.

A.
B.

__________________________
_____________________________
__________________________ _____________________________
__________________________ _____________________________

Madali bang magbigay ng pina kaangkop na salita o deskripsiyon sa mga pagkain


na makikita sa larawan? Ipaliwanag ang inyong sagot.
_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

1
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

MENU NG PAGKAIN

Ang menu ay isang mahalagang kagamitan sa restawran at ito ay nagsisilbing


pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao kung nais nilang
kumain sa isang napiling restawran.

Pagsulat ng Menu

Sa pagsulat ng menu o paglalarawan sa pagkain ay itinuturing na isa rin sa anyo ng


komunikasyong teknikal at sinusukat din dito ang pagkamalikhain.
Wika nga ng kasabihan, ang salita ay makapangyarihan. Ang kaangkupan ng salita
ay kayang bumago sa gawi o paniniwala ng isang tao. Kadalasan binibili natin ang
isang produkto batay sa kung ano ang sinasabi sa patalastas o promosyon nito.
Higit sa lahat , kung paano tayo na paniniwala na ang isang produkto o serbisyo ay
epektibo at nakapanghikayat. Sa kasalukuyan ,napakaraming kainan ang
matatagpuan sa mall,parke at iba pang lugar kung saan may mga potensiyal na
tagatangkilik. Nag – iba na rin ang anyo ng mga ito na hindi lamang limitado sa
mga ordinaryong tapsihan o kapehan, bagkus marami na ring mamahaling kainan
mula sa mga local at global na foodchains.Bawat isa sa kanila ay lumilikha ng
identidad upang makahikayat ng mga konsyumer at isa na nga rito ay ang iba’t –
ibang kaparaanan kung paano nila ibebenta ang kanilang mga produkto.
Upang magabayan sa pagbuo ng malikhaing pagpapangalan sa menu, gayundin sa
paglalarawan ng mga ito, tatlong salita ang dapat na isaalang – alang: hitsura,
tekstura at lasa. Ito ang pangunahing tinitingnan ng mga tagatangkilik bago sila
umorder ng kanilang kakainin. Kung hindi sila makukumbinsi sa listahan pa
lamang ng menu. Maaaring hindi sila bumalik sa isang restawran at hindi na
muling kumain.
1. Hitsura – Layunin nitong palawayin ang tumitingin sa litrato upang masigurong
pipiliin ng tagatangkilik ang pagkain na kaniyang nakita. Inaasahan dito ang
pagiging kakaiba ang kulay o presentasyon ng pagkain at salitang gagamitin upang
mailarawan ito. Halimbawa, ipang mas maging kapani – paniwala na masarap ang
isang pritong manok, maaari itong lagyan ng paglalarawan sa hitsura nito na
golden brown. Kung green mango shake naman ang nais inumin, inaasahang
maipapakita sa larawang tunay na pagkaberde ng isang sariwang mangga.
2. Tekstura . Ito ay tumutukoy sa pagkahahabi ng pagkain na nakikita sa menu
At kung gaano kaartistiko ang pagkahahain upang mas maging kapana – panabik
ito sa mga tagatangkilik. Inilalarawan ditto kung ang manok ba ay malutong,
makatas, malasa, matamis o iba pang paglalarawan.
3. Lasa. Ang lasa ng pagkain ay ang dahilan kung bakit binabalik – balikan ng
mga tagatangkilik ang produkto. Sa menu, inaasahang mailalarawan kung ano ang
lasa ng pagkaing nakikita nila bago pa man bumili ang mga tao. Halimbawa,
matamis, maalat, maasim – asim, maanghang at iba pang uri ng paglalarawan.
2
Tandaan, sa pagbibigay ng deskripsiyon ng pagkain lalo’t kung ikaw ay maatasang
lumikha ng menu, siguruduhing mahusay at detalyado mong mailalarawan kung
ano ang hitsura, tekstura at lasa nito. Ang tanging batayang prinsipyo ukol dito ay
mag pokus sa panlahat na konsepto ng iyong inihahain sa pamamagitan ng
pagtalakay sa lasa at amoy niyo upang maakit ang kakain.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Menu

1. Iwasan ang paggamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal na sahog.


2. Maging tiyak at payak sa paggamit ng salita.
3. Iwasan ang paggamit ng salitang pang –ugnay.
4. Ipakitta ng personalidad ng pagkaing ilalarawan.
5. Mainam na magkaroon ng tema ang menu na bumabatay sa imahe ng restawran.
6. Iwasan ang mga tipograpikal na pagkakamali.

Mga hakbang sa Pagbuo ng isang Epektibong Menu

1. Pagpaplano
Sa bahaging ito, mahalagang mapagplanuhan ang sumusunod:
a. Ano lalamanin ng menu?
b. Ano pagkakasunod-sunod ng pagkain at inumin?
c. Paano ang paggrupo ng mga pagkain?
d. May palatandaan ba sa mga pagkain na “best seller” o kaya’y “house specialty?”
e. Magkano ang halaga ng bawat pagkain?

2. Pagsusulat at lay-out
Sa bahaging ito, inilalarawan ang bawat pagkain. Mahalagang maging maikli ang
paglalarawan upang hindi mawala ang atensiyon ng mamimili sa pagkain.
a. Ano-anong pagkain ang bibigyan ng maikling deskripsiyon?
b. Lalagyan ba ng larawan o hindi?
c. Ang bawat larawan ba ay may caption?
d. Ilang pahina ang menu?
e. Anong kulay at disenyo ang nababagay sa pagkain?

3. Rebisyon .
Matapos ang pagkakaroon ng inisyal na pagtaya sa menu, gumawa ng mock-up ng
menu. Tukuyin ang ilang maaaring baguhin sa disenyo:
a. Naaayon na ba ang font size at font face para sa menu?
b. Hindi ba masyadong marami ang salita?
c. Malinaw ba ang mga imahen?
d. May mga mali bang pagbaybay?

4. Reproduksiyon .
Matapos matiyak na wala nang pagbabago, ilathala na ang huling bersiyon ng
menu.
3

Gawain 1. Malayang sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bakit sinasabing ang pagsulat ng menu ay isang anyo ng komunikasyong


teknikal?
2. Maituturing bang isang prayoridad ang pagsulat ng menu sa kasalukuyang
panahon?Panindigan ang inyong sagot.
3. Masasabi mo bang inobatibo na ang restawran sa kasalukuyan lalo na sa
pagdedebelop nila ng kanilang menu?
4. Ano – ano ang tatlong salita na dapat isaalang – alang tungo sa mahusay na
pagdedebelop ng menu ng pagkain?
5. Ilarawan ang batayang prinsipyo upang makalikha ng epektibo at kaakit – akit
na menu ng pagkain.
Gawain 2. Suriin ang menu na makikita sa ibaba gamit ang tatlong pangunahing
pamantayang tinatalakay sa Aralin. Isulat ang iyong mga kabuluhang puna ukol
ditto.

1. Hitsura
______________________
______________________
______________________

2. Tekstura
______________________
_______________________
________________________

3. Lasa
__________________________
__________________________
___________________________

https://images.app.goog.gl/JTFsWsegFh7VaiZ97

III. ANO ANG NATUTUNAN?

PAGSASANAY

Pangalan _____________________________ Petsa ____________


Taon at Seksyon _______________________ Iskor ___________

A. Isulat sa patlang sa Hanay A ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa


Hanay B.
A. B.

_______________1.
Lasa A. Batayang Prinsipyo
__________2. Menu B. Listahan ng pagkain
__________3. Artipisyal na sahog C. Kakambal ng mga kainan
__________4. Tekstura D. Binabalik - balikan
__________5. Salita E. Paghahabi ng pagkain
__________6. Tagatangkilik F. Makapangyarihan
__________7. Hitsura G. Kakaiba
__________8. Tematik H. Prinsipyong dapat iwasan
__________9. Panlahat na konsepto I. Mga mamimili o kliyente
__________10. Turismo J. Disenyo ng restoran
K. Tipograpikal na pagkakamali
B. Upang higit pang mapagpatibay ang kasanayan sa pagbuo ng menu,
nakatala sa ibaba ang ilang salitang Ingles na maaari mong magamit. Isalin
ang mga salitang ito sa wikang Filipino.

1. Bittersweet 6. Yummy
2. Juicy 7. Delectable
3. Fresh 8. Irresistible
4. Paired with 9. Tasty
5. Spicy 10. Melted

This material was contextualized by the Curriculum Implementation Division (CID)


Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)
Department of Education
Region VII
DIVISION OF CITY OF BOGO

ROSELLER N. GELIG
Schools Division Superintendent

NILO J. SENDRIJAS
Assistant Schools Division Superintendent

JOCELYN M. CONTA
Chief, Curriculum Implementation Division

LOURDESITA P. GUARDIARIO
Education Program Supervisor, LRMDS

CHARM VIDAMAE ABELLANA


Education Program Supervisor, FILIPINO

REGIONAL OFFICE

DR. SALUSTIANO T. JIMENEZ


Regional Director, RO7

DR. CRISTITO A. ECO


Assistant Regional Director, RO7

DR. MARIA JESUSA C. DESPOJO


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
Education Program Supervisor, LRMDS/MTB

Ang May – Akda: EMMA R. BECERO


Ang may – akda sa Self Learning Kit na ito ay guro sa FILIPINO na nagtuturo sa
paaralang Odlot National High School, Odlot , Bogo City , Cebu. Isang Teacher II
ng Filipino (SHS). Nakapagtapos sa pag – aaral ng BSED - Major in Filipino sa
Northern Cebu Colleges noong March 25, 2011.

MGA SANGGUNIAN:

Filipino sa Piling Larangan Tech – Voc (TG)


Filipino sa Piling Larangan(Tech – VOC)REX Book Store

Mga May – akda:


Curriculum and Learning Management Division(CLMD)
Learning Resource Management and Development Center(LRMDC)
Department of Education Region VII

You might also like