You are on page 1of 34

FLYERS AT

LEAFLETS
Ang araling ito ay naglalayon
mapatatag ang kaalaman ng mga
mag-aaral sa mga konsepto ng
teknikal-bokasyonal na pagsulat
na nakatuon sa flyers/ leaflets
at promo materials
Sa pamamagitan ng mga
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto
na nakikilala ang iba’t ibang teknikal na
sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian,
anyo, target na gagamit at Naipapaliwanag
nang pasalita sa paraang sistematiko at
malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan
ng paggamit ng angkop na mga termino, ikaw
bilang mag-aaral ay inaasahang malinang at
matamo ang mga sumusunod na layunin:
• natutukoy ang mga dapat
isaalang-alang sa paggawa ng
material pampromosyon tulad ng
flyers at leaflets;
• nakagagawa ng mga material
pampromosyon tulad flyers at
leaflets
Kalimitang ipinamumudmod ang mga
flyer/leaflet at promotional material upang
makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang
produkto o serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay-
impormasyon din ang mga materyales na ito
para sa mga mamimili o kung sinumang
makababasa ng mga ito. Kapansin-pansin din
ang pagiging tiyak at direkta ng mga
impormasyong nakasulat sa mga ito. Hindi
maligoy ang pagkakasulat at impormatibo sa
mga mambabasa.
Ilan sa mga kadalasang nilalaman ng mga
flyer/leaflet at promotional material ay
katanungan at kasagutan hinggil sa produkto o
ang mga batayang impormasyong may
kinalaman dito. Karaniwan ding nagtataglay ng
mga larawan ang mga ito upang higit na makita
ang biswal na katangian ng isang produkto.
Makulay rin ang mga ito na posibleng
makatulong na makahikayat sa mga potensiyal
na gagamit o susubok sa isang bagay na iniaalok
o ipinaabot sa mas nakararami.
Posible ring makita ang ilang mga detalyeng
may kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa
likod ng pagbuo ng mga nasabing materyales,
gayundin ang kanilang logo. May mga
pagkakataon ding pumapasok ang paglalaro sa
mga salita at iba pang pakulo sa paglikha ng mga
flyer/leaflet at promotional material upang
lalong tumatak sa mga mamimili ang pangalan o
kaya’y iba pang impormasyon hinggil sa isang
produkto o serbisyo. Makikita ito halimbawa sa
kanilang mga tag line.
Pagsulat ng
Materyal
Pampromosyon
Sinasalamin ng promosyonal na mga
materyal ang kompanya at ang
branding o imahen na nais nitong
ipakita sa publiko.
Ang promosyon o promo ay isang espesyal na serbisyo
na ginagawa sa larangan ng negosyo. Sa pamamagitan
nito, nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang
halaga ng kanilang mga produkto o serbisyo sa
itinakdang panahon. Ginagawa ang promo upang
makaakit ng mga potensiyal na kostumer. Karaniwang
takaw-tawad ang mga mamimili. Mas mababang presyo,
mas dinudumog ito ng mga tao. Ito ang dahilan kung
bakit ang mga kompanyang nag-aalok ng produkto o
serbisyo ay nagsasagawa ng mga promo. Sa promo,
bukod sa mababang preyo, nag-aalok din ng produkto o
serbisyo na higit kaysa sa makukuha ng mga mamimili sa
karaniwang araw.
Mga Dapat lsaisip sa
Paggawa ng
Promosyonal na
Materyal
1.Sa promosyon, kailangang isaisip ang
reputasyon at imahen ng kompanya
habang iniaakma ang mga gawain sa
target market, Kung halimbawa, ang
promo ay para sa isang family fast-food
chain na kilalang pambata at
pampamilya, nararapat Iamang na
angkop sa nabanggit na grupo ng
mamimili ang uri ng promosyon.
2.Paghandaang mabuti ang mga
materyal na gagamitin. Magsagawa
ng testing sa partikular na mga
materyal hanggang maging
matagumpay sa materyal na
pinakatanggap ng mga konsyumer
at pinakamalapit ang
representasyon sa kompanya.
3.Kinakailangang bumuo ng tema
na angkop sa layunin ng
promosyong isinasagawa. Ang
tema ang magsisilbing
inspirasyon sa pagbuo ng mga
ilalapat na salita at disenyo sa
materyal na pampromosyon.
4.lsipin kung paano
makakaapekto sa buhay ng mga
mamimili ang produkto o
serbisyong iniaalok. lsaalang-a|
ang ang kanilang mga nais at ang
kanilang mga pangangailangan.
5.Huwag maglagay ng hindi
makatotohanang pahayag sa mga
pasulat na patalastas. Nilalayuan
ng kostumer ang mga nag-aalok ng
serbisyo nang may eksaherasyon at
hindi beripikadong nilalaman.
Ilarawan lamang kung ano ang
kayang gawin ng produkto.
6. Sumangguni sa mga empleyado at
iba pang propesyonal kaugnay sa
gagawing materyal pampromosyon.
Makatutulong ang pagiging bukas sa
konstruktibong kritisismo upang
mapaunlad ang paglikha ng
mabisang ,promosyonal na materyal.
Paggawa ng
Flyers
Ginagamit ang flyers sa
diseminasyon o pagpapakalat ng
impormasyon tungkol sa isang
personal na gawain o sa isang
negosyo. Karaniwang ginagamit
ito bilang promosyonal na
materyal.
Bukod sa mura ang flyers, madali rin
itong gawin. Mabisang paraan ito ng
pagpapakalat ng impormasyon lalo na
kung maraming kopya ang ilalathala at
ipamimigay o ipapaskil. Mahalaga ito
para sa mga maliliit o nagsisimulang
negosyo sapagkat nakatutulong ito na
mapansin ng mga tao ang kanilang mga
produkto o serbisyo.
Karaniwang isang maliit na
papel lamang ito na may lamang
larawan at maikling teksto,
bagaman may mga disenyong
maaaring isagawa, depende sa
nagpapakalat ng impormasyon
Pagbuo ng Flyers

Maraming aplikasyon ang maaaring magturo o


makatulong kaugnay sa paggawa ng isang flyer.
Kailangan ng mabisang layout o pagdidisenyo sa flyer
sapagkat nagtataglay ito ng mahahalagang
impormasyong nais ipakalat.
Maaring gamitin ang aplikasyong Microsoft Publisher o
Adobe Photoshop sa pagbuo nito. Doon ay mayroon
nang mga bagay sa bubuing layout. Kailangan na
lamang maging maingat at matalino sa isusulat sa
nilalaman.
Tips sa Paggawa ng Flyer
1.Sumulat ng pamagat. Kailangan simple at malaki
ang pamagat. Hindi ito dapat hihigit sa limang salita,
kasya dapat sa isang linya sa pahina at nakagitna.
Dapat mas Malaki kaysa sa buong teksto ang
lettering ng pamagat upang Makita ito ng mga tao
mula sa malayo. Gumamit ng malalaking titik (all
caps)at sans serif font tulad ng tulad ng Arial. May
serif ang mga pormal na font tulad ng Times New
Roman at Book Antiqua. Mas simple namn ang sans
serif fonts. Maaaring lagyan ng kulay ang pamagat.
2.Gawing simple ang mensahe.
Dapat ay hindi na kailangan
basahin ng mambabasa ang
kabuuan ng flyer. Dapat
maunawaan na agad ito ng
titingin o babasa.
3.Magdagdag ng larawan o
grapikong presentasyon. Mas
natatandaan ng mga tao ang
mensahe sa tulong ng mga
kasamang imahen. Iwasan ang
sobrang daming larawan upang
hindi magmukhang siksik at
magulo ang flyer.
4.Maglagay ng deskripsyon sa
ibaba ng larawan. Nararapat na
maikli lamang ito, ngunit
detalyado na. Maaari itong dalawa
hanggang tatlong linya. Gumamit
ng malalaking titik para sa mga
susing salita. Gumamit ng
mapanghikayat na mga salita.
5.Huwag kalimutang ilagay ang
numerong dapat tawagan ng mga
taong nais tumugon o interesado sa
nilalaman ng flyer.
6.Pagsasapubliko ng impormasyon amg
pinakamahalagang bahagi sa pagbuo
ng flyer. Mamigay ng kopya nito sa mga
pampubliko o matataong lugar.
Pagsulat ng
Leaftlets
Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri din ng
promosyonal na materyal. Gayunman, higit na malaki
at mas komprehensibo ang nilalaman ng leaflets
kaysa sa flyers. May iba't ibang dahilan sa
pagpapalaganap ng leaflets na tinatawag ding
brochures o pamphlets. Karaniwang ginagawa ito ng
mga nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay para sa
isang kampanyang pangkamalayan para sa isang
adbokasiya o pangyayari.
Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa
dalawa o higit pang bahagi, na may iba't ibang
disenyo at teksto ayon sa partikular na layunin.
Paggawa ng Leaflet

1.Planuhin ang mga detalyeng nais ilagay


sa leaflet. Bumuo ng rough Iayout o guhit
na nagpapakita kung paano gustong
iposisyon ang mga larawan at teksto sa
Ieaflet.
2.Gumamit ng mga parirala para sa mga
pamagat at teksto.
3.Kompara sa flyers, mas malaki ang
espasyong inilalaan sa leaflets at maaaring
magdagdag ng impormasyon tungkol sa
produkto o serbisyo. Gayunman, hindi pa
rin kinakailangan dito ang mahaba at
detalyadong paliwanag. Maglagay ng web
link na maaaring puntahan ng mga
interesadong mambabasa kung may
karagdagang tanong.
4.Maaaring gumamit ng MS Word, na
popular sapagkat karaniwan na itong
ginagamit sa halos Iahat ng kompyuter.
Madali ring gumawa ng mga kolum sa MS
Word; ang mga kolum na ito ay magagamit
sa leaflet. Bukod sa MS Word, maaari ding
gamitin ang Microsoft Publisher na
mayroon nang nakahandang templates ng
mga disenyo na maaaring pagpilian.
5.Magsama ng mga larawan upang
maiwasan ang pagkakaroon ng bulto ng
teksto na hind naman babasahin ng mga tao.
6.Tingnan kung may mga pagkakamali sa
baybay at sa gramatika. Ang anumang
pagkakamali ay nakakasira sa magandang
naisagawa.
7.Maglimbag ng mga sampol bago
ipamahagi ang mga kopya.

You might also like