I. MARAMIHANG PAGPILI. Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan.
Piliin
ang wastong sagot
1. Ito ay tumutukoy sa isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pandinig at pag-iisip.
a. pagbasa b. pagsasalita c. pagsulat d. pakikinig
2. Ito’y tumutukoy sa interpretasyon sa mga elementong mensahe ng indibidwal sa pamamagitan
ng mga interkoneksyon at kung paanong ang kahulugan ay kumakatawan sa buong teksto.
a. kahusayang istratedyik c. kahusayang gramatikal
b. kahusayang diskurso d. kahusayang sosyo-linggwistik
3. Ito’y nakatuon sa kakayahang magamit ang bilang ng mga estratehiyang gagamitin para
mapunan ang nawawalang kaalaman.
a. kahusayang istratedyik c. kahusayang gramatikal
b. kahusayang diskurso d. kahusayang sosyo-linggwistik
4. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng layunin ng epektibong pakikinig maliban sa;
a. Matamo ang pagkaunawa.
b. Magkaroon ng ganap na pagpili
c. Makakuha at makapagpalitan ng impormasyon.
d. Makibahagi sa pangyayaring nagaganap sa lipunan.
5. Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig.
a. bewildered b. buzy bee c. sleeper d. two-eared listener
6. Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
a. buzy bee b. frowner c.relexed d. tiger
7. Batay sa isinagawang pag-aaral, may ______ ang oras na ginugugol ng mga estudyante sa
pakikipagkomunikasyon.
a. 4% b. 35% c. 45% d 55%
8. Ayon sa kanya/kina “ang kawalan ng kaalamang sosyo-kultural, paktwal at kontekstwal na
wikang ginagamit ay makapaghahadlang sa pag-unawa dahil ang wikang ay ginagamit upang
ipahayag ang kultura.”
a. Anderson at Lynch b. Fan c. Nilda d. Wilga Rivers
9. Ayon sa kanya/kina “ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay nang malaki
kung gaano mo ito napakinggan nang mabuti.”
a. Anderson at Lynch b. Fan c. Nilda d. Wilga Rivers
10. Ito’y pakikinig na hangga’t maaari’y malapit ka sa nagsasalita o nag-uusap para sa ganap na
pag-unawa sa nilalaman ng usapan upang magkaroon ng angkop na kabatiran sa
pangunahing ideya o paglalahat ng tagapagsalita.
A. marginal o passive na pakikinig
B. masigasig na pakikinig
C. mapanuring pakikinig
D. malugod na pakikinig
II. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung wasto o di wasto ang mga
sumusunod. Piliin ang titik kung:
A. Parehong TAMA ang pahayag sa X at Y.
B. Parehong MALI ang pahayag sa X at Y.
C. Ang pahayag sa X ay TAMA samantalang ang Y ay MALI.
D. Ang pahayag sa X ay MALI samantalang ang Y ay TAMA.
Tandaan: Ang bawat bilang ay may 2 puntos na katumbas.
1. X. Ang pakikinig ay isang pasibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pandinig at pag-iisip.
Y. Pasibo ito sapagkat nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-iisipan ,tandaan at suriin ang
kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan. (B)
2. X. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may
ginagawa.
Y. Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig.
(A)
3. X. Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating
kausap.
Y. Ito’y prosesong panloob na tuwirang nakikita. (C)
4. X. Hindi madaling malulunasan ang mga suliranin sa pakikinig.
Y. Sapagkat ang mensahe at ang tagapagsalita ay nagbabago-bago kaya’t mahirap itong
bigyan ng lunas. (A)
5. X. Magiging lubusang epektib ang mga pagsasanay sa pakikinig kung ang mga itoy mabubuo
sa isang itinakdang gawain.
Y. Ang ibig sabihin nito, ang mga mag-aaral ay hinihiling na gumawa ng bagay bilang tugon sa
kanilang narinig na magpapakita sa kanilang pagkaunawa. (A)
6. X. Ang pagsasalita ay isang mabisang paraan sa pagkuha ng impormasyon.
Y. Ito ay nagiging hadlang upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng
magandang ugnayan. (B)
7. X. Nalilimitahan ng pakikinig ang kaalaman ng tao.
Y. Ngunit nakakatulong ito upang maunawaan ang damdamin, kaisipan, gawi at paniniwala ng
bawat tao. (D)
8. X. Ang pandinig ay isang proseso ng pag-iisip na may layunin na unawain ang kahulugang
nakapaloob sa mga tunog na pinakikinggan.
Y. Samantalang ang pakikinig naman ay tumutukoy sa ating kakayahang marinig ang anumang
tunog sa pamamagitan ng ating mga tainga. (B)
9. X. Kasabay ng pakikinig ng isang tao ay bumubuo na siya ng sariling pagpapakahulugan.
Tinutukoy niya ang mga pangunahing ideya at mga pansuportang detalye; kinikilala niya ang
mga pahayag na katotohanan sa mga opinion lamang; hinuhulaan niya ang kahulugan ng mga
bagong salitang napakinggan, atbp
Y. Ang mga ito ang tinatawag na mga aspektong psycho-motor sa pakikinig. (C)
10. X. Kailangang pagsikapan ng mga mag-aaral na mahulaan ang kahulugan ng mga bagong
ayon sa kung ano ang napakinggan.
Y. Kailangan din silang turuan ng pakikinig na ang pokus ay “whole-to-part.” at gumawa sila ng
paraan upang maunawaan ang kabuuan ng mensahe. (A)
III. SANAYSAY: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Limitahan lamang ang sagot gamit ang 3-5
na pangungusap sa bawat bilang. Isaalang-alang ang rubrik sa ibaba.
Pamantayan Puntos
Lubhang substansyal ang paliwanag na inilahad 5
Napakalinaw organisado, napakahusay at lohikal ang pagkakasunud-sunod ng
mga ideya at impormasyon
Substansyal ang paliwanag na inilahad 3
Kakikitaan ng pagiging organisado sa pangkalahatan subalit nagkulang
sakalinawan sa daloy ng mga impormasyon.
Tumpak, mahusay at lohikal ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya.
Hindi gaanong substansyal ang paliwanag. 1
Kakikitaan ng istruktura subalit hindi nabalanse o di naayos ang pagkakahati-hati
ng mga ideya.
Di-gaanong sapat ang paliwanag naibinigay
Walang nailahad na sagot 0
31-35. Paano mo tatayahin ang iyong sarili bilang isang epektibong tagapakinig?
36-40. Paghambingin ang mga layunin sa pagtuturo ng pakikinig sa elementarya at sekundarya.
41-45. Sa iyong palagay ano ang mga posibleng maging hadlang sa isang mabisang pakikinig?
Paano mo ito masosolusyonan?
46-50. Bakit mahalagang maipatuto sa mga mag-aaral ang kasanayang pakikinig?