You are on page 1of 2

Pampanga Colleges Inc.

Pangalan:_____________________________ Asignatura: Pagtuturo at Pagtataya ng Makrong Kasanayan


Antas/Pangkat: _______________________ Guro: Mr. Ronald Francis S. Viray

Unang Kwarter na Pagsusulit


Petsa ng Pagsusulit: Setyembre 24-25,2020

I. Panuto:Basahin ang mga sumusunod na pangungusap, Piliin sa mga pagpipilian kung saan nababatay
ang mga ito,Isulat ang UP ay T at IP ay M kung ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawang pangungusap
ay mali , UP ay M at IP ay T kung ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawang pangungusap ay tama,
UP-IP ay TAMA kung ang una at ikalawang pangungusap ay tama, UP-IP ay Mali kung ang una at ikalawang
pangungusap ay mali (Bawat burang kasagutan ay magsisilbing mali).
__________1. Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang
kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay
ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.
__________2. Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa
isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat nahuwag paunlarin ang kasanayang pangwika. Ang
kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag
ang mensaheng nais niyang ipaabot.
__________3. Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang
makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng
maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin
– lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang
maunlad na wika.
__________4. Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pagiisip na ang kasanayang sa paggamit ng wika
ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang
kakaunting pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase.
__________5. Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung saan
ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at nagagawang
maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro , mga awtor at
mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.Mayroon lamang dalawang makrong kasanayan.
__________6. Ang pakikinig ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng
mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling sarado at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.
__________7. Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa
tuwirang pagbabasa. Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng
mabuting palagayan.
__________8. Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa
pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral
sa loob ng silidaralan, mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong
makilahok sa kanila.
__________9. Ilan sa mga kabutihang maidudulot ng aktibong pakikinig ay Makinig at pahalagahan ang
sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin.Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung
mataimtim na makikinig sa kanya.
__________10. Ilan sa pamamaraan ng mabisang pakikinig ay alamin ang layunin sa pakikinig . Magtuon ng
matamang pansin sa pinakikinggan
__________11. Mga hadlang sa pakikinig ay pagbuo ng maling kaisipan .Pagkiling sa sariling opinion.
__________12. Mga maling paniniwala sa pakikinig ay ang pakikinig daw ang pinakamahirap sa apat na makrong
kasanayan .Ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig
__________13.Ilan sa mga hadlang sa pakikinig ay pisikal na dahilan. Pagkakaiba ng kultura.
__________14.Ilan sa mga kabutihang naidudulot ng aktibong pakikinig ay mahirap matulungan ang kapwa sa
pamamagitan ng pakikinig. Matutuklasan ang mga kahinaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat
masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig

1|Pampanga Colleges Inc.


__________15. Ilan sa mga kabutihang naidudulot ng aktibong pakikinig ay maiiwasan ang mga negatibong
pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan. Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o
dipagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita.

II. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.Tukuyin kung sino o ano ang tinutukoy ng bawat
pangungusap,isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.(Bawat burang kasagutan ay magsisilbing mali).
__________1. Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang
harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
__________2. Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na
intensyong makinig.
__________3. Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang
__________4. Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin
ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa
kanyang mga naririnig.
__________5. Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa
kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang
pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para
makapagpaimpres.
__________6. Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa
pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya,
positibo man o negatibo.
__________7. Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala
rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing
walang kaugnayan sa pakikinig.
__________8. Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga
kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang
mukha ang kawilihan sa pakikinig.
__________9. Ito ay elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig kung saan dapat itong isaalang-alang sa
kadahilanang iba ang interes ng bata sa matanda.
__________10. . Ito ay elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig kung saan malaki rin ang impluwensiya ng
nito sa pakikinig,isang halimbawa nito ay ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong
tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
__________11. Ito ay elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig kung saan sinasabing magkaiba ang interes ng
mga lalaki at babae
__________12. Ito ay elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig kung saan paggamit ng instrumento sa
paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono,
radyo atbp.
__________13.Ito ay elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig kung saan ang tagapakinig ay may
katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
__________14. Ito ay elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig kung saan Ang tahimik at malamig nito ay
lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.
__________15. Ito ay elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig kung saan
__________16. Uri ng pakikinig kung saan binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung
paano siya kumikilos habang nagsasalita.
__________17. Uri ng pakikinig kung saan naunawaan ang kabuuan ng mensahe at naintindihan ang nilalaman
at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
__________18. Uri ng pakikinig kung saan layunin ay upang malibang o aliwin ang sarili,ginagawa para sa sariling
kasiyahan
__________19. Uri ng pakikinig kung saan gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-
aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
__________20. Uri ng pakikinig kung saan matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o
makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita
III. Sagutin ang sumusunod na tanong.(5 puntos bawat bilang,ilagay ang sagot sa dilaw na papel)
1. Kailan ang tamang oras upang magsalita at kalian ang tamang oras upang magsalita?
2. “Higit sa pakikinig kung ano ang sinasabi, unawain mo kung ano ang ipinapahayag.”(ipaliwanag)
3. "Minsan ang pakikinig sa sinasabi ng ating puso,at ang di natitinag na paninindigan dito ang
kailangan upang maipanalo ang anumanglaban natin sa buhay" (ipaliwanag)

2|Pampanga Colleges Inc.

You might also like