You are on page 1of 3

Isang mapagpalang araw sa ating lahat

Nagmahal, nasaktan, tumula para sa kanya!

Hindi ba pwedeng nagmahal na lang? wala ng nasaktan?

Hindi ba pwedeng happy na lang, wala ng ending?

Hindi ba pweding heart nalang , wala ng broken?

Hindi ba pwedeng OO ang sagot sa LAHAT NG TANONG KO SAYO

Isa lang naman yung gustu ko!

Yung maging mahal kita, sa mundong puno ng mahal kita PERO…

(MUSIC kung wala ka na)

Bago ang lahat, magpapakilala muna ako,

Ako pala ang lalaking palaban pero hindi ipinaglaban!

Dalawang salita….

Isa, dalawa, tatlo, mahal tatlong buwan na ang nakalilipas ngunit mga ala-ala natiy di kumukupas.

Mga ala-alang mananatiling ala-ala na lang , dahil para sa iyo ako’y wala na lang!

Mga ala-alang mananatili sa balintataw, dahil ika’y tuluyan ng bumitaw!

Naalala ko pa noong tayo’y nagsayaw, kasabay ng isang malambing na musika,

hawak ko ang iyong malalambot na kamay at di ko na pipiliting bitawan pa.

Nagsayaw tayo na parang tayo lang dalawa,at di alintana ang maraming sila.

Dumaan ang buwan at tayo’y masaya,

naalala ko pa kung papaano ko hilingin na di na matapos pa,

isang hiling na kailanman ay di na magkakatotoo pa,

dahil mahal………., bigla mo akong binitawan,

itinaas mo ang pag-asa ko na sing taas ng tore ng babel!

ngunit kagaya nito’y nawasak din ang pag-asa ko.


Ano nga ba ang mas mahirap?

Yung may ibang mahal yung mahal mo ?

O yung wala pero ayaw lang niya talaga sayo!

Ano nga ba ang kanyang dahilan?

Ito ang laging tanong sa aking isipan!

Gaya ng pelikulang aking napanood,

Dalawang katagang sa aki’y tumatak!

MAHAL! PANGIT BA KO?,

KAPALIT-PALIT BA AKO?

KUNG DI KO KAYANG INTINDIHIN ANG SAGOT MO IPALIWANAG MO NAMAN KUNG BAKIT MO AKO
GINAGANITO OH!

Mahal, heto ako oh ! sumisigaw!

Sumisigaw ako!

Sumisigaw ako na sana marinig mo MAHAL KITA!

Kahit di mo nakikita ang aking halaga, MAHAL KITA!

Kahit di mo naririnig ang pagsusumamu ko MAHAL KITA!

(MUSIC… dahil mahal kita)

Mahal kita kahit ang sakit sakit na!

Pero mahal kahit masakit heto ako o..

Ako na umaasang magiging tayo!

Marahil malawak lang ang aking imahinasyon at ako ay nag ilusyon!

Marahil teorya ko lang ang tayo!

Mahal tatlong buwan na ang nakalilipas, ang mayroon na lang ay ikaw at ako!

Pinaasa mo lang ba talaga ako?

Hanggang kalian ako maniniwala sa TAYO!

Hanggang kalian ako aasang babalik sa akin?


Hanggang kalian ako iiyak?

Marahil hindi na ikaw ang para sa akin!

Dahil kung ikaw nga! Bakit masakit?

Bakit kailangan kong masaktan? Bakit kailangan mo akong iwan?

Marahil panahon na upang sabihin ko ang huling dalawang salita!

Dalawang salita na hango sa salitang Pranses

JE’T AIME at TATA

Je’t aime na nangangahulugang MAHAL KITA

At TATA na nangangahulugang PAALAM!

(music PAALAM NA AKING MAHAL)

You might also like