You are on page 1of 8

C-R-U-S-H

Crush…Crush!

Isang salita na akala mo’y walang halaga

Na akala mo’y Hindi ka madadala

Na akala mo’y isang hamak lang na salita.

Pero Hindi sumagi sa puso’t isipan mo

Na baka ito’y hahamak sa yong pagkatao

Sisira sa kinabukasan mo

Papatay unti-unti sa natutulog mong puso.

Pero kahit paman maraming masasakit na ala-ala ang hatid niya

Hindi parin maiiwasan na ito’y nagdudulot ng saya,

ng kaba, ng lungkot, ng pighati, ng ligaya

May kwento ako sa inyo

Merong isang tao na talagang binigyan ko ng kakaibang pansin

Crush ang tawag daw dun eka nga

Masarap sa pakiramdam

Palagi Kong inaasam-asam

Ina-asam-asam na Makita siya

Makita sa araw-araw gabi at umaga.

Hindi ako mapakali bawat minutong lumipas na Hindi ko siya kasama

Gusto ko na nga siyang iuwi sa amin at makatabing matulog sa kama.


May mga pagkakataong sabay kaming umuuwi

Alam niyo ba? ang sarap sa feeling para akong sa lotto nagwagi

Magkadikit ang aming balat, naaamoy ko ang kanyang hininga

Na sadyang pinipilit Kong itanim sa isipan at pilit imemorya.

Bawat pagtitigan nating dalawa sa tuwing tayo’y magkasama

Parang kinabukasan ang aking nakikita

Ikaw at ako, tayong dalawa, tayo lang, wala nang iba.

Ganito ba talaga ang dapat Kong mararamdaman?

Na parang masaya ngunit parang Hindi naman?

Masaya sapagkat pinapatibok mo ang puso ko

Pero masakit pagkat parang sarili ko’y aking niloloko.

Sa tuwing magkayayaan ang barkada na gumala kahit saan

Ikaw lagi ang una Kong tinatawagan

Naalala mo pa ba yon?

Para naman magkaroon tayo ng kunting pinagsamahan

At least diba! Sa akin, meron kang maaalala.

Naalala ko pa, nung pumunta akong mall para maglakwatsa

Inikot ko lahat ng lugar na napuntahan natin nung tayo’y dalawa lamang ang gumala

Nagpunta ako sa mga damitan, sa mga electronics pati sa sa lugar ng mga gitara.
Para na nga akong tanga na tumatawa kahit ako lang mag-isa

Para bang may kasama ako kahit naman wala

Parang ako’y may sira na tumutugtog sa gitara at ika’y aking pilit inalala.

Kahit ganun ang turan ko nang araw nayun

Pero masaya parin ako

Masaya ako, pagkat merong isang ikaw na kayang buohin ang aking araw

Na sa akin nagbibigay tanglaw

Sa buhay Kong mapanglaw.

Ngunit araw ko’y bigla mong sinira

Ay Hindi pala, ang sumira ay ako lang pala

Pagkat nakita ko kayo

Kayo ng syota mo, magkahawak ang kamay at mga ngiti ay naninilay.

Nananadya ka ba sa akin?

Oh sadyang wala kalang pakialam sa aking damdamin?

Tinawag mo pa ako kung ano ang ginagawa ko

Kung sino ang kasama ko, kung bakit ako nandito,

Kung okay lang ba ako?

Ano ba? ano ba sa tingin mo?

Sa tingin mo ayos lang ako?

Matapos Kong Makita ang paglalampungan niyo ng siyota mo?

Sa tingin mo? okay lang ako?


Pero ano nga bang karapatan ko na itanong ko ang lahat ng ito?

Meron ba? Diba wala?

Kaya parang sumobra yata itong mga ginagawa ko

Tinuring na kitang reyna dito sa puso ko

Bakit ba parang Hindi na ito ako?

Pagkat handa na akong ibigay lahat ng gusto mo!

Meron pa ngang mga pagkakataon na kahit wala akong pera handa akong mangutang mabili lang ang
gusto mo

Parang Hindi na ako ito

Parang mali na tong nadarama ko.

Ano ba ito?

Bawat sandaling naririnig ko ang yung boses

Parang tumitigil ang pag-ikot ng mundo

Hindi ko mawasto ang ulira sapagkat sa mukha mo ako nakaharap

Ano ba to? Anong ginagawa mo sa sistema ko?

parang, para bang ako’y sira na pilit mong binubuo

ngunit ako lang pala ang nagpapabuo sa sarili ko mapatapos mung guluhin ang mundo ko.

Diba parang ako’y tanga na sumisira’t umaayos sa aking pagkatao?

Nahihiya akong aminin na ikaw ang bumubuo ng aking umaga

Na bawat ngiti mo’y katumbas ng isang daang saya at ligaya.


Pero mali!

Mali ang aking nadarama

Nadaramang parang walang epekto ang aking presenya

Na para bang wala man lang siyang paki at ako’y sa kanya Hindi mahalaga.

Ang sakit-sakit

Ang sakit sakit isipin na ako lamang ang may ganitong pagtingin

pagtingin na Hindi kayang suklian

na ang nadaraman ko’y Hindi kayang palitan

pagkat ako’y hamak na tao lamang

hamak na tao na umiibig sa isang walang kwentang nilalang

na Hindi kayang suklian ang aking nararamdaman.

Pero kahit ganun pa man

Kahit akala ko’y malaki ang kanyang pagkukulang

Pagkukulang pagkat Hindi nya mabigay

Hindi mabigay ang isang bagay

Na noon ko pa gustong makamit sa buong buhay.

Hindi ko parin magawang siya’y kamuhian

Kahit nagmumukha na akong ewan

Nagmukhang ewan pagkat ako’y umaasa

Na darating din ang panahon na kami ay itadhana.

Hindi ko nga kayang siya’y iwaglit


Iwaglit sa isipan at ipagpalit

Ipagpalit sa taong masasabi Kong “Mas Worth it”

Mas worth it pagkat kaya nyang tugunan

Kayang Tugunan ang lahat Kong nararamdaman

Na sa kanya ko lang inilalaan.

Pesteng buhay to

Napaka-unfair naman sa parte ko

Ako lamang ang umibig sa kanya?

Ano to? Lukuhan? Laro-laro lamang

Oh come on! Wag na tayong magbiruan.

Bakit ba Hindi pwedeng diktahan ang puso

Na ibigin ang isang tao

Taong mas karapat-dapat

Mas karapat-dapat Sa pagibig Kong tapat?

Talaga bang ganito na ang aking tadhana?

Ang umibig sa taong Hindi man lang ako nasulat sa kanyang pahina

Na ang utak ay napakakitid at talagang mahina

Mahina sa pagkat Hindi man lang ako sumagi sa puso’t isip niya.

Kung nandito Ka man ngayon

Sana’y narinig mo ang aking mga kinikimkim

Ang lahat ng pighati’t pait na sumasalin


Sumasalin Hindi lamang sa aking puso kundi pati na din sa aking damdamin.

Pero Hindi ba’t crush lang sabi ko?

Bakit nasasaktan ako ng ganito?

Bakit kahibangan na ang nararamdaman ko?

At Hindi na ito yung tipong madadala’t macocontrol ko.

Mukha ngang pag-ibig na itong umuusbong sa aking puso

Pero ito lang ang gusto Kong ipakiusap sayo

Pakiusap ko sayo na wag mo nang laruin at pakiligin ang puso ko

Kasi alam ko na hanggang dun lang ang TAYO

Hanggang dun lang ang estorya ng tayo

Pagkat walang tayo!

wala talaga, crush lang dapat kita

walang kita, pagkat wala talaga

walang tayo, walang kita, walang namagitan sa ating dalawa

kundi ang pagkakaibigan lamang

pagkakaibigan na gusto Kong mauwi sa pagkakaibigan.

Pero kahit paman ako’y nakaramdam ng kalungkutan,

ng pighati, ng pait, ng sakit na nararamdaman

nais ko paring sayo ay magpasalamat sapagkat pinaramdam mo sa akin

pinaramdam mo na isa lang akong hangin

hangin na wala man lang halaga , walang kwenta, wala talaga.


Salamat pagkat tinuruan mo ang puso ko na maging maligaya

Maging maligaya sa kaunting panahon na kasama kita

Salamat sapagkat ikay naging ispirasyon

kahit paman isa lang akong dekorasyon

kahit wala sa akin ang iyong atensyon

pero sadyang sayo parin ang aking dedikasyon.

Salamat! Salamat talaga!

You might also like