100% found this document useful (2 votes)
6K views8 pages

Filipino Script

Uploaded by

CandyAnonymous
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (2 votes)
6K views8 pages

Filipino Script

Uploaded by

CandyAnonymous
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

FILIPINO ROLEPLAY SCRIPT

Narrator (Railene) : Isa nanamang masalimuot na araw para kay Kian –


Lunes nanaman at panibagong araw muli ng pagbingi-bingihan sa mga
masasakit na salita ng mga kaklase niyang matatalas ang dila. Tila
napipilitan na lamang siya pumasok araw-araw, ang pagganyak niya’y nasa
pinakamababang lebel.

( Action: Maglalakad patungo sa eskwelahan kunware si Kian)

Narrator: Nagbuntong-hininga ito, pinipilit na ilabas ang kahit kaunting


motibasyon at adhikain sa loob niya.

Kian: Hayyy, basang-sisiw nanaman ako sakanila.

*nasa classroom na* Classmates (Ken at Aeron) nandun na, nakaupo sa


chairs, pagpasok ni Kian, tatahimik at magtatawanan*

Ken: Iyan nanaman ung anak-dalita oh! Butas nanaman bulsa niyan!

Aeron: Alam mo bang pamilya niyan ay isang kahig, isang tuka?


*magtatawanan*

Ken: Di ba obvious? *tawanan muli*

(*Kian tatayo at ibabalibag ung upuan*)

Kian: PWEDE BANG TUMIGIL NA KAYO? PAGOS NA PAGOD NA PAGOD NA


AKONG MAG TENGANG-KAWALI SA MGA MASASAKIT NYONG SALITA?!

(Ken tatayo tapos hahawakan sa collar ni Kian)

Ken: Aba aba, nakikipagbanggaan na ba itong basang sisiw na ito sa


pader?!

(Aeron smirks )

Aeron: Totoo nga yung sinasabi nilang ang mga latang walang laman pa
ang maingay.

(Lalakihan ung mata kay Kian tapos sasagiin sa balikat)

(Kian itutulak si Ken at si Aeron)

Kian: ISARA MO NGA YANG BIBIG MO! ASAL-HAYOP KA TALAGA!


Kian: OO, IPINANGANAK MAN KAYO NG MAY GINTONG KUTSARA SA
BIBIG, KAHIT UOD NABUBULOK!

Narrator: Nagkainitan ang magkaklase sapagakt ay hindi na tiniis ni Kian


ang pagkukupkop ng mga nararamdaman sa loob niya. Tunay ngang ang
taong walang kibo, nasa loob ang kulo.

Kian: WALA KANG RESPETO! AKALA MO KUNG SINO KA!

Ken: WAG MO KONG SINASAGOT-SAGOT NG GANYAN! MAS MAHIRAP KA


PA SA DAGA! *SUNTOK*

Kian: TUMIGIL KA NA KASI SA MGA BALITANG- KUTSERO MO!

Aeron: TAAS TAAS NG TINGIN MO SA SARILI MO KIAN! KALA MO NAMAN


ANG YAMAN YAMAN MO!

Kian: MAS MAPALAD AKONG HINDI AKO KATULAD MO NA NAKIKINIG


LAMANG SA MGA KWENTO -KWENTO! ANG TAONG NAKIKINIG LAMANG
SA SABI-SABI, WALANG BAIT SA SARILI!

(Kian susuntukin si Aeron OOF)

(Continous suntukan at sagutan)

Railene: Sa gitna ng kanilang away, biglang dumating ang kanilang guro na


si Ma’am Sibug

Seth: AY NAKO NAKO! TUMIGIL NGA KAYO JAN! Bakit kayo nag
babanggaang ulo?!

Seth: SUMAMA KAYONG DALAWA SA AKIN AT TATAWAGAN KO ANG


INYONG MGA MAGULANG

(Ken smirks)

Ken: Eh pano naman si basang-sisiw? Wala nang pera, wala pang


magulang!
Seth: KEN! Hindi tama ang ganyang pagsasalita! Wag mong kumbinsihin na
tunay na maitim ang iyong budhi!

Railene: Nang mahuli sila ng guro na nag-aaway ay tinawagan agad ni


Ma’am Sibug ang mga magulang ni Ken at Aeron pati na ang lolo ni
Kian.

(Kunwari may tinatawagan si Seth )

Railene: Bumalik sila sa klase at natapos ang araw na iyon.

Railene: Umuwi si Kian ng nalulumbay at may mga pasa at sugat sa mukha.


Tila wala nang paraan upang tumakas sa mga insulto ng kaklase. Kahit
manahimik lamang siya o kumuha ng lakas at harapin sila, walang
nangyayari.

Railene: Nakauwi na si Kian at natagpuan niya ang lolo niya

(kian, nagmano kay lolo ron)

Ron: Oh apo nandyan ka na pala. Tumawag ang guro mo sa akin. Ano


nanaman ba ang nagyari? Diba ilang beses ko naming sinabi sayo na wag
mo na silang patulan.

Kian: Hindi ko na po kaya lolo makipagbingi-bingihan. Napipilitan nalang


po ako pumasok araw-araw. Lolo, titigil nalang po ako sa pagaaral.

Ron: Apo! Wag kang magsasalita ng ganiyan. Papunta ka palang, pabalik na


ako. Naramdaman ko rin iyang nararamdaman mo noon. Naaalala ko pa –
na palagi akong tinutukso, minsan ay binubugbog na rin dahil sa labandera
kong ina at bulag kong tatay, ginagawa ko ang mga proyekto ng aking
mga kaklase para makahingi ng kahit kaunting pagkain.

Ron: Apo, pasensya. Pasensya dahil hindi ko naahon ang pamilya mo sa


kahirapan. Dahil hindi ko kinaya ang mga masasakit na salita noon, hindi
ako nakatapos ng high school at nagtrabaho bilang construction worker.
Ron: Kahit hindi na ako nagaaral, patuloy parin akong sinasaktan at
pinagtutulungan dahil sa sitwasyon ko, kinukuha pa nila ang kaunting ipon
ko. Doon ko napagtanto ang pagsisisi. Itaga mo sa bato apo – nasa huli ang
pagsisisi. Kung ano ang iyong itatanim ay ito rin ay aanihin. Hinding hindi
mo kasalanan ipanganak ng mahirap ngunit kasalanan mo kung mamatay
kang mahirap.

Ron: Hangga’t bata ka pa ay magtiyaga ka at mag-aral ng mag-aral. Huwag


mong hahayaang tanggalin ng mga sabi-sabi at masasakit na salita ang
pagganyak mo pagaral.

Ron: Aanhin mo ang palasyo, Kung ang nakatira ay kuwago? Mabuti pa ang
bahay kubo, Ang nakatira ay tao. Apo, naniniwala ako sa kakayahan mo.
Mabuti kang bata, matulungin at alam ko ring napakatalino mo. Ang taong
nasusugatan ay mas lalo pang tumatapang. Ang umaayaw ay hindi
nagwawagi, ang mga nagwawagi ay hindi umaayaw. Huwag kang susuko sa
kahit anong pagsubok. Mag-aral ka lang at mag-aral, magiging
matagumpay ka pag dating ng araw.

Ron: Huwag mong papatulan o iintindihin ang mga iniinsulto ka. Kahit
saang gubat ay may ahas. Kung papatulan mo sila, ano ang pagkakaiba mo
sakanila? . Sa mga ganyang bagay, dapat ay pairalin mo ang iyong pag iisip
kaysa sa emosyon.

Kian: Lolo, ako’y nagpapasalamat ng sobra sa mga wais nyong salita.


Pinapangako ko po na magaaral at magsisikap ako ngmabuti. Para sa
kinabukasan ko, lolo, nakatatak na po sa puso ko ang mga sinabi nyo. *Kian
maluluha ng konti*

(Yayakapin si Ron)

Ron: O siya, gumawa ka na ng takdang-aralin, matulog at magpahinga ka


na rin.

Narrator: Pagkatapos ng gabing iyon ay araw-araw tinitipon ni Kian ang


lakas at pagganyak sa pagaaral. NAgaral sya araw -araw ng Mabuti,
nagging consistent honor student, nakapagtagtapos ng kolehiyo, at
nakapagtayo ng sarili nyang multi-billion na kumpanya.
Narrator: Pagkatapos ng halos labing-tatlong taon ay nagkita muli ang
dating magkakaklaseng Aeron, Ken at Kian ng mag-apply sa kumpanya ni
Kian ang dalawa.

*seth kunwaring secretary pupunta kanila Ken at Aeron*

Seth: Maaari na po kayong pumasok sa loob ng interview room,


naghihintay na po si CEO.

*Ken kunware magdedeep-breath at kinakabahan*

Ken: Aeron, kailangan ay makapasok ako dito, walang wala na kong pera
dahil sa gastos ko!

Aeron: Ako rin Ken, pinagiisipan na rin naming ng aking asawa na ibenta
ang mga kagamitan namin sa bahay.

*papasok*

Ken at Aeron: Good Mor-

*Makikilala nila si Kian*

Kian: Good morning. Please sit down while I read your qualifications.

Ken: K-Kian?!

( Kian titingin sa kanila )

Kian: Ken and Aeron! Ano naming ginagawa nyo dito?

Ken: Eh kasi…

Aeron: Naghahanap kami ng trabaho

Ken: Parang awa mon a Kian,,, wala akong mapakain sa pamilya ko… Alam
kong madaming akong pagkakamali saiyo na ginawa, humihingi ako ng
patawad sa iyo. Nagsisisi ako, totoo nga na walang utang ang hindi
pinagbabayaran.

Aeron: Ako rin Kian, humihingi ako ng patawad at tulong saiyo, ang dami
naming nasabing masasakit na salita saiyo.

Kian: Matagal ko na kayong pinapatawad! Tara dito at umupo kayo, alam


niyo naman na ang paninisi sa iba ay hindi nakakahilom ng mga sugat,
tanging ang pagpapatawad lamang ang nakakahilom.

Kian: Pero… maaari ko bang maitanong kung bakit niyo ko sinasabihan ng


masasakit na salita noon?

Ken: Sa totoo lamang Kian, kami’y nagseselos sa iyo. Inggit kami dahil kahit
hindi ka mayaman, o wala kang magulang, nakukuha mo parin maging
masaya at nakakaya mo iyon.

Aeron: Oo, totoo iyon. Dati ay nakakaranas ako ng matinding abuso sa


bahay at nagkakaaway ang aking magulang. Nagseselos ako dahil ang lakas
lakas mo at di ka sumusuko. Kaya ibunuhos ko lahat ng galit ko sayo.
Salamat sa pagpapatawad, Kian.

Kian: Ngayon ay naiiintindihan ko na kayo. Salamat sa pagsabi sakin ng


totoo. Maaari na kayong magsimula dito sa isang linggo. Sana ay maging
malapit tayo sa isa’t isa. �

Ken: Maraming maraming Salamat Kian! Sobrang humahanga ako sa iyo


ngayon dahil ang layo ng narrating mo, tunay na nagsikap ka.

Kian: Ang lolo ko kasi, hindi siya nasawang suportahan ako at bigyan ako
ng mga payo at wais na salita. Masaya ako na naiahon ko na ang aking
pamilya sa kahirapan.

Aeron: Nakakamangha ang iyong storya Kian!

*handshake*

Ken at Aeron: Paalam!


Railene: At diyan nagtatapos ang ating kwento. Sana ay nagustuhan nyo at
na-inspire din kayo! Nahuli nyo ba ang mga sawikain, salawikain at mga
kasabihan sa kwento? Paalam!

Matalas ang dila – Masakit magsalita

Basang-sisiw - inaapi o isang kalagayan sa buhay na mahirap at kaawa


awa.

Anak-dalita – mahirap

Butas ang bulsa – walang pera

Isang kahig, isang tuka - Nabubuhay sa hirap

Taingang- kawali – nagbibingi-bingihan


Nakikipagbanggaan sa pader – Lumaban sa makapangyarihan at
mayamang tao

Latang walang laman pa ang maingay – Kung sino ang walang alam, siya pa
ang putak ng putak

Asal – hayop – salbahe at masama

May gintong kutsara sa bibig- laking mayaman

Kahit uod nabubulok – Lahat tayo ay pare-preho lang, mamatay rin tayong
lahat, mayaman o mahirap

Banggaang- ulo – Away

You might also like