You are on page 1of 11

PARA SA BROKEN HEARTED

(Taxi)
Driver : Good evening. Miss Jackie po?
Jackie : Opo.
(phone rings)
: Manong, sa bus station po, sa may Cubao.
Driver : Sa Cubao maam? Naku maam! Sobrang traffic ngayon doon.
Jackie : Pati ba naman traffic kasalanan ko rin?
(kaya ayokong nagta-taxi e, sasakay ka pa lang andami na agad reklamo)
Driver: Pasensya na kayo kanina maam ah. Ehh, gustuhin man naming ihatid kayo kahit saan, eh
kaming mga taxi driver, kami ang talo. Eh wala naman kaming magagawa.
Ah miss, wag ka sanang mailang ah. Pero sa tingin ko, kayo yata ang natalo. Hihihihi.
Jackie: Natalo? Natalo nga ba ako? Kung sabagay, katulad ng pagbaybay ni manong driver sa traffic
pero wala na syang magawa. Lahat tayo walang magagawa. Ikaw. Ako. Tayo. Pustahan tayo, pati sukli
ko mawawala. (naog sa taxi)
Driver : Thank you po maam!
Oy maam, sukli. Maam ito po, kung sakaling malagpasan nyo ang traffic sa buhay nyo, kung
babalik ka man, text nyo po ako.
Jackie : Salamat. Ingat ho.
Driver : Sige po maam.
(Terminal)
Banha kaayo nag shagit2*
Ticket lady: Umalis ka na dito! Layas! Next!
J: Baguio po.
T : Oh! 150! Mag antay ka. Wala pang dumadating na bus ha. Next!!
Ibang klaseng tao to, ang eengot.
(phone)
J: Hello my.
Jackie’s mom: Hello nak, ano na? Nasan ka na? Okay ka pa? Anjan ka na ba?
J: opo, halos kadarating lang.
J’s mom: tinawagan ko na ang tita baby mo. Nagtanong nga bakit biglaan e, ano daw pumasok sa
kukute mo. Eh sabi ko, basta. Wag ka na lang kulitin. Kaya magtext ka lang sa kanya para masundo ka
ha?
J: Sige my.
J;s mom: Osya , mag-ingat ka. Yakapin mo ang bag mo para di ma-nenok yan pag nakatulog ka at
bumili ka ng makakain. Smile ha, pampa goodvibes. Love you!
J: Sige mommy.
Kath : Ah miss, pwede makiupo?
Baguio ka rin? (tando jackie)
Ano oras trip mo?
J: 11:45
Kath: Mhhmm … parehas tayo oh.
J: Pareho tayo ng trip. (phone ring)
Kath: Alam mo, block mo na yan. Boyfriend? Hay naku, mga lalaki nga naman. Liligawan ka tapos
papangakuan ka na poprotektahan ka kahit anong mangyari. Tapos, pag nahulog ka na, pag ready ka
na ibigay lahat lahat sa kanila, bigla na lang aalis. Wala na, umalis na yung prinsipe. Kaya itong si
prinsesa, balik na naman sa kakaasa. Alam mo, yung fairy tale na palagi nating pinaniniwalaan nung
bata tayo? Hindi pala yun totoo. Yung Prince charming, satanas pala talaga. Kath.
J: Jackie.
K: So for vacation ? Or uuwi ka?
J: Hindi, pupunta ako sa tita ko. New environment. New people. Para mabilis makalimot. Move on agad.
Eh ikaw? Bakit ka pupunta ng Baguio?
K : Hanapin ang sarili. Soul searching. Kung san man ako dalhin g hangin.
J: Lalim ng hugot mo ah.
K: So ano? Pag-usapan na ba natin si satanas?
J: sure ka?
K: Oo. Nasa impyerno na rin naman tayo diba?
J: long story.
K: marami tayong time.
FLASHBACK
Jackie : Ever since pinaniwala kasi ako ng nanay ko na pag nahanap mo na yung taong gustong-gusto
mo, dapat gawan mo na ng paraan day! Ordinaryong gabi lang nun. Ordinaryong buhay studyante,
pauwi na ako galing school, sakay ng usual FX with my usual K-pop oppa tapos biglang may sumakay
sa FX. Biglang tumabi sa’kin na parang pag-aari nya yung buong upuan sa laki ng bag nyang dala.
Sarap bangasan. Ayun, yun si satanas. Pero syempre, hindi pa sya si satanas nun. Yung panga nya, lips,
eyes, yung pawis nya amoy langit.
RJ: Miss, miss, okay lang umusog ka konti? Miss, miss.
Driver: Miss gising daw.
(dial)
J: hulaan mo kung sinong nakatabi ko sa FX? Si RJ. Nakakaloka. Alam mo, ibang-iba talaga sya no? Sya
lang ang nagparamdam sa’kin ng ganito. Ano tooo? This is destiny! This is it! Ayy! *nadam-ag, ngenga
man*
J: nagkita ba sila? (lola kastorya)
J’s mom : Nak, perfect ang timing mo. Kakatapos ko lang magluto, tara kain na tayo.
J: Hmm, masarap ba talaga yan? Baka mamaya dinaan mo na naman sa betchen ah?
J’s mom: naman, masarap talaga yan kelan ba ko nagluto ng di masarap no? Tsaka hinanap ko pa yan
online.
Lola: mmm, talaga ba?
J’s mom: oo nga pala, may tumawag dito kanina, RJ daw. Sabi naiwan mo raw ID mo sa fx.
J :*shookt* O eh malay ko bang naiwan ko pala yung ID ko. Speaking of destiny, Nakuha mo yung
number?
J’s mom: O.
Lola: Jackielyn, tama na yang telepono na yan. Nandito na tayo sa hapag-kainan, kain na.
J: Hm? Wala. Wala akong telepono. (text)
J’s mom : my , init ulo agad? (cheka)
Lola: eh kaya nga nabuntis ka ng maaga e.
J’s mom: wow, loling naman, ang laki-laki na ng apo nyo o. hindi ka pa rin nakakamove on jan?
J: Eh kung hindi nabuntis yang si nanay, edi pano? Wala ako. Wla kang smart at beautiful apo. Ano ?
gusto nyo ba yun?
J’s mom: atsaka, kahit tyong tatlo lang, masaya naman tayo. Pwede na nga tayong maging endorser
ng Women Empowerment. Independent, Strong, happy women!
J: True!
Lola: Hmmmm. Gutom lang yan, maupo ka nga jan at kumain ka nang kumain at nangangayayat ka
na.
Mom: kumain ka nang kumain ha.
J: eto na.
J’s mom: pero my, ikaw muna. Alam kong napagod ka sa kakatawa sa pinanood mo kanina.
Lola: ay naku, istorbo.
Mom: ayyy, masarap to myyy.
L: ay , masarap. E kahapon hindi nga naubos e.
Nexxxxxxxt daaaaaaay*
(notification)
J’s mom: hala, hala, hala, anyare te? Makati lang ha? Bat di ka pa nagbibihis?
J: wow, ikaw din naman ah. Oo na, magbibihis na.
L: panalo dapat ako sa scratch-it eh.
J’s mom: hay naku, kaya ganyan yang apo nyo e. kung ano-ano pinag gagagawa bago kumain.
Igalang nyo nga yung pagkain.
L: sige, pero bukas, sure na! Panalo na talaga ako.
Mom: eh, parang may ibang nanalo. Hoy! Sino ba yang katext mo? Si RJ ba yan?
L: jowa?
Mom: e kung makangisi naman kasi parang jowa e.
J: loling, friends lang kami , okay? Pero, we’r getting there.
Mom: agad agad? Push mo yan nak ha. O, papuntahin mo dito, pagluluto ko kayo ng kaldereta.
J: oa my. Kahapon ko lang sya nameet , alam mo yun?
Mom: go fight lang sa jowa! Love life! Go, love love love!
Buuuuuuus terminaaaaaal\
Kath : e tama naman pala yung bespren mo e, dapat di ka na lang umasa.
J: pareho kayo ng bespren ko e, nega agad.
K: hindi naman sa nega, pero kasi merong mga bagay na hindi mo na dapat inaasahan pa.
J: kanina pa malalim mukmok mo ah, mukhangbmay ikukwento ka rin.
K: kwento o kadramahan?
Kath flashbacccck
K: yung drama na, damang-dama. Yung sakit na ginawa nya sa simpleng linya, “I need space”. ang
gago rin e. nasanay akong lagi syang nanjan. Tapos, sa isang iglap, ganun na lang. Wala na sya. Basta
na lang nang iwan tapos ako parang tanga. Nagpaka ‘emo’. kadiri. Pero yun yun e, yung nafeel ko
bawat maalat kong luha.
Stranger: excuse me miss, pwede ba makiupo?
K: ha?
Stranger: pwede ba makiupo? Okay lang ba?
K: sige lang.
Okay ka lang ba?
St.: iniisip ko kasi yung ex ko e.
K: ako din. Miss ko na yung ex ko.
Balik terminallll
J: so? Umiiyak ka dahil sa lalaking nakiupo sayo sa ramen house?
K: e bakit ikaw? Iniyakan mo yung lalaking nakatabi mo lang sa FX?
J: luh. Di ako umiyak nun. Ang saya ko kaya nun. Oa sa saya.
Flashbacccck jackie
J: may something sa araw na yun e, kakaiba. May special. Kumbaga sa isang pelikula parang musical
yung dapat naming pagkikita. Para bang alam ng lahat sa paligid ko na may malaking mangyayari pero
ibabalik lang naman yung ID ko. Pero yung inisip ko nun, yun nga lang ba? *music*
RJ: jackie?
Crowd: excuse me? Okay lang?
RJ: sorry ah, kilala ko yan. Excuse me , excuse me. Jackie? Jackie?
Jackie: sorry. Sorry. Sorry. Sorry talaga.
Rj: okay lang , okay lang. Eto nga pala yung ID.
Jackie: Sige na, bumalik ka na dun. Sorry.
Rj: sige, ingat.
Let’s go.
Ah, yes. Alam mo, favorite ko dito. Ang sarap kasi e.
Tindera: ano po order nila?
J: parang ikaw
Thank you nga pala ah.
R: for what?
J: sa pagsuli na ID ko, sa cheese tart.
R: excuse me pero, ikaw ang manlilibre ng cheese tart. But don’t worry, ako na next time.
J: so, may next time?
R: ah, oo naman. Ba’t naman hindi.
J: oh, thank you.
Mm, may girlfriend ka na?
R: seryoso ka ba sa tanong mong yan?
J: oo. Okay fine, kung ayaw mong sagutin, edi ibang question na lang. Eneng she shize mo?
R: wala.
J: eh? Wala kang shoe size?
R: wala sa una mong tanong. Sa pangalawang tanong, size 10.
/char char/
J: since the day na ibinalik nya sa’kin yung ID ko, araw araw na kaming magkasama. Lagi nya
akong sinusundo sa bahay at hinahatid sa school tapos hinahatid nya ako ulit pabalik nang bahay.
Araw araw.
R: jackie, may gusto sana akong itanong sayo e.
J: ano yun?
R:Pwede bang maki-CR sa inyo?
J: tara. Nasa loob yung cr.
R: okay lang?
J: oo naman.
J’s mom: hoy. Is he the one?
J: ano ba? Wala ka bang pupuntahan?
J’s mom: wala. Dito lang ako. Ang pogi.
J: my wag kang maingay baka marinig ka.
J’s mom: patay. May caldereta ako jan, dito na sya kumain.
J: hindi. Naku naku, hindi pwede.
R: hello po, good evening
J’s mom: naku iho, dito ka na kumain. Nagluto ako ng cladereta.
So, anong lagay nyo?
R: so, okay lang ba?
J: ang?
R: buti na lang naiwan mo ID mo no?
J: bakit naman?
R: well, kung di mo naiwan ID mo, hindi ko makikilala yung future girlfriend ko.
J:present.
R: huh?
J: present girlfriend.
Balik terminaaaal
K: at least diba naging kayo.
J: eh pano naman magiging kayo kung yung gabing yun lang kayo nagkita. Wag mong sabihing
nagkita kayo ulit?
K: ayun na nga.
Flashbaccccccck
K: gulong-gulo kasi ako nun e. hindi ko pa rin makalimutan yung ex ko.
STRANGER: HI MISS!
K: hoy ano ba! Bastos!
(miss pasensya na, sorry)
-miss miss-
Dan: miss na umiiyak habang kumakain ng ramen.
K: lalaking umiiyak habang kumakain ng ramen
D: dan
K: nice to meet you dan
D: teka lang, di ko pa alam pangalan mo.
K: bakit ko naman sasabihin sayo pangalan ko? Hindi mo ba alam anong golden rule?
D: anong golden rule?
K: golden rule ng mga gimikero at gimikera : hindi mo dapat sinasabi ang totoo mong pangalan sa mga
taong nakikilala mo lang sa bar.
D: wala naman tayo sa bar.
K: fine, I’m kath. Happy?
D:kath. Okay, ah so, pauwi ka na ba? Gusto mo samahan na kita baka ma-harass ka na naman.
K: alam mo, sa totoo lang, hindi ako nakikipag-usap sa strangers e.
D: kaya nga ako nagpapakilala e.
K: ang kulit mo rin e no? Kya ko ang sarili ko. ‘tong Tomas Morato? Kayang-kaya ko to. Kaya thank you
na lang.
D: okay. Sabi mo e.
K; nung hinawakan nya yung kamay ko, parang nag iba yung mundo namin. Hindi ko naisip na baka
nya yun nagawa kasi masasagasaan na ako. Basta ang lama ko lang, hawak nya yung kamay ko.
D: ba’t ka nakangiti? Pogi ko no?
K: hindi rin
D: ano? Pauwi ka na ba? Hindi ka ba hinahanap ng magulang mo? Hindi ka ba hinahanap ng boyfriend
mo?
K: iba yung style mo no, well, he just told me na he needs space. So technically, wala talaga akong
pupuntahan ngayon.
D; teka, ito ba yung lalaking iniiyakan mo dun sa restaurant?
K: ipaalala daw ba talaga? Sabi nya kelangan nya daw ng space. Walang naghahanap sa akin okay?
Magulang, boyfriend, aso. I just wanna be somewhere to find some peace and quiet.
D: tara. Punta tayong manila bay, let’s watch the sunrise from there.
K: baliw ka talaga e no. Walang sunrise sa manila bay, sunset lang.
D: o nga, sabi ko nga e. peace yung hanap mo diba? O tara punta tayong sementeryo, peacful yun.
K: ha ha ha , patawa ka.
D: ano ba, di ka mabiro e. o ano , tara. G?
Taxi!
k: yung mokong na yun, ang lakas ng bilib sa sarili. Alam mo feeling gwapo e, kaya ganun na lang kung
mag-aya. E ako naman si gaga sumama. Kahit wala pang 24 hrs ko syang kilala. Okay lang, adventure.
Ang ganda pala dito no?kung alam ko lang na ganito kaganda dito, tagal ko ng pinuntahan to.
D: well, nandito ka na ngayon.
K: dan, may itatanong sana ako sayo
D: ano yun?
---
[1:00:00]

Alex : Bye ma, pa!


Shalee: psst. Hoy, ano tinitingin-tingin mo jan?
A: wala
S: anong wala? E ba’t di ka pa pumasok?
A: may naiwan kasi ako e
S: oop. Guard, wala po syang ID.
Guard: ang laki-laki ng sign oh, ‘No ID , No Entry’
S: Oh, hoy Alex. Aleex.
Hoyy alex. Alex sandali lang kasi. Antayy.
(nitabok si alex, hapit nabanggaan si shalee)
[oh, okay ka lang?]
A: oh, ano ba kasing ginagawa mo?
S: hinabol kasi kita e.
A: bakit?
S: bibigay ko sana to sayo (nagkatawa sa picture)
A: ikaw na nga yung nadapa, nagawa mo pang pagtawanan yung mukha ko
S: alam mo sa tatlong taon na kitang nakilala yan ang pinakmahabang sinabe mo sa’kin.
A: tumigil ka nga.
S: ‘wag kang masyadong highblood, okay?
A: may exam pa tayo diba?
S: hmmm, YOLO. Diba yun yung mga sinasabi nila? You Only Live Once. Kaya ako sinusulit ko lang
tung araw na to.
A: anong meron sa araw na to?
S: Wala . nagyon lang ako kinausap nung weirdong nasa dulo ng classroom namin e.
A: bahala ka nga
S: hoy alex, sira na yata to.
A: ahh, ehh , edi ipagawa mo.
S: saan?
A: sa Hidalgo.
S: osige. San yun?
A: sa Quiapo.
S: alex sasamahan mo ‘ko kasi ikaw yung dahilan kung bakit to nasira
(jeep)
Excusee meee, excuse me kuya. Okay, salamat.
Ay ate masikip, usod po , kuya atras. O edi naka upo ka, diba mas okay?
[repair shop]
Tig-ayo: kaya pa to. Saglit lang a, umupo muna kayo.
Alam nyo ba na natutuwa ako na may ganito na ulit? Ang digital kasi napaka fleeting.
Temporary. Shoot lang ng shoot, erase lang ng erase. Iba eh, parang..
S: parang magic
A: Katoliko ako pero hindi ako relihiyoso. Sa tuwing nagsisimba yung pamilya ko, nasa kwaryo lang ako.
Kung hindi natutulog, nakatitig sa kisame. Alam kong may diyos pero siguro kahit meron talaga, isa
lang sya sa listahan ng mga walang pakialam sa’kin.
S: Alex anong pinagdarasal mo?
A: ako? Di ako nagdarasal.
S: ako pinagdarasal ko na sana matupad na yung hinihiling ko.
A: di ko maintindihan yung mga katulad mo. Dasal ka nga ng dasal, di ka naman pinagbibigyan. Diba
nakalatag na yan lahat? Simula pagkabuhay hanggang pagkamatay?
S: dahil sa pag-asa, alex. Ako pag-asa lang ang meron ako. Alex, naalala mo ba yung exam na hindi
ako pumasok last sem?
A: ahh , oo. Nagbakasyon ka diba?
S: Hindi. Ahhmm, sinabi ko lang yun. Alex may something kasi sa puso ko.
A: Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi. Kung papapiliin ako , sana hindi na lang.
Bakit pumapasok ka pa?
S: Salamat ah. Kelangan daw kasing operahan ng puso ko habang kaya pa ng katawan ko. Yung
operation kasi, major. Kaya hiningi ko sa parents ko na .. three months , three months gusto ko
munang mabuhay ng.. ng normal. Gusto kong pumasok sa school sinabi ko rin sa srili ko na , Im gonna
live that life for as long as I can.
A: wag ka nga magsalita ng ganyan shalee.
S: ahhm, speaking of normal life, may hihilingin sana ako sa’yo.
[kisame nagstorya]
Kisame: diba, sinabi ko sa’yo, the lesser you care, the happier you will be. Ano naman tung gulong
pinasukan mo alex?
A: wala akong choice.
K: meron kang choice, alex . go back to the old alex yung walang pakialam yung tao sa kaniya at wala
rin syang pakialam sa iba. Bakit ka kasi pumayag sa favor nya?
A: wag mo na lang akong sermonan. Sagutin mo na lang ako, pano ba maging boyfriend?
Alex’s sister*? : pogi ah, ba’t nakapabango?
Alex’s dad: may nililigawan ka no?
----
A: Sobrang iba nitong araw na to.
Di ako makapaniwala.
S: Di makapaniwala saan?
A: parang .. di ako invisible. Pinapansin na ako ng mga magulang ko. Yung kapatid ko na di rin ako
pinapansin sabi nya gwapo daw ako. Yung mga kaklase natin, parang nakikita na nila ako. Dati hindi
naman ako pinapansin e. Parang di ako nag-eexist.
S: alex ang dami mo ng sinasabi ngayon, in fairness. Teka, sino bang nagsabi sayo na hindi ka nila
nakikita?
A: anong ibig mong sabihin?
S: Alam mo, minsan kasi hindi natin namamalayan na tayo mismo ang nagsasara ng pinto para sa mga
taong gustong pumaligid sa ‘tin. Kadalasan diba iniisip natin na yung buong mundo kontra sa’tin,
nag-iisa ka lang. Pero ang totoo nyan, tayo lang mismo yung kumokontra sa mga bagay na gustong
pumasok sa buhay natin. (gipicturan si alex)
A: okay ba?
---
S: upo muna tayo.
A: I love you po.
S: I love you too.
---
A: okay ka lang?
---
Shalee’s mom (phone): sigurado ka bang kaya mo?
S: okay lang po ako.
S’ mom: I know anak, naninigurado lang.
S: Opo ma, wag po kayong mag-alala
S’ mom: tawagan mo lang kami just in case ha?
S: sige po mommy.
A: oh, yung kapatid ko si Anna, medjo pranka yun a kaya wag kang magugulat. Yung mommy ko
medjo may pagka detective naman baka maraming itatanong sa’yo. Yung daddy ko wala naman yung
sinasabi masyado mukha lang galit pero hindi.
S: okay. I’ll be okay. You’ll be okay.
Alex’s mom ; Alex! Alex si Shalee. Alex!
---

You might also like