BARCELONA (Daniel Padilla and Kathryn Bernardo)
BARCELONA
ELY (male):
Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Alam mo
ba kung ano ang mga pinagdaanan ko? Hindi… So
stop acting like you know my pain!
Stop acting like you own it! Na-ppwede mong
sabihin sa akin kung kailan ako magmomove-on,
kahit si Celyn.. Kahit si Celyn na kasama ko sa lahat,
na alam ang lahat, hindi pinakielaman ang mga
desisyon ko..
MIA (female): Hindi ako si Celyn, so stop comparing me
to her!
ELY: Tama! Hindi ikaw si Celyn, and you will never be
Celyn!
MIA: Celyn is dead! Hindi na siya babalik Ely.
Pero hanggang ngayon umaarte ka pa rin na parang
andito siya.
ELY: Nandito siya! Dahil andito siya (ilalagay sa puso
ang kamay)
MIA: Kung andyan siya, asaan ako? Anong lugar namin
mga gustong magmahal sayo? (walkout)
STARTING OVER AGAIN
GINNIE: (female) Sabihin mo sa aking kung bakit di mo nagustuhan! I
deserve an explanation!
MARCO: (male) Ano sinabi mo?
GINNIE: I need an acceptable reason
MARCO: Bakit?
GINNIE: Dahil trinabaho ko yun. Pinaghirapan ko yun! I invested my
time and my effort!
MARCO: Kaya kailangan mong malaman kung ano ang mali..
GINNIE: Oo, kung may problema gagawan ko ng paraan.
MARCO: Dahil hindi lang oras at pagod mo ang pinuhunan mo
diba?Pati puso’t kaluluwa mo, diba? (ituturo ang babae)Dahil
ginawa mo yun para isang taong iniisip mo na may tiwala at may
paniniwala sayo diba? Na kung magkakamali ka man, iniisip mo
na bibigyan ka niya ng pagkakataon na itama yun. Kase pinaniwala
ka niya na mahal ka niya , na mahalaga ka sa kanya, na iisa ang
pangarap mo, na pareho kayo ng tinatanaw na buhay diba?
Kailangan mong malaman kung bakit isang umaga na pag-gising
mo biglang nagbago ang lahat, bakit wala na siya, bakit mag-isa ka
nalang, Kailangan mo ng dahilan diba, kailangan mo nang may
panghahawakan, kung bakit kailangan mong tiisin na magmukhang
tanga. Na magmukha kang tae sa paningin ng tao. Sa paningin mo
sa sarili mo. Kasi di mo alam kung papaano eh, hindi mo alam
kung kailan, hindi mo alam kung anong nangyari, kung anong mali
sayo, kung bakit ka niya iniwan!
GINNIE: Marco…. (humahagulgol sa iyak)
MARCO: Anong karapatan mong hingin ang isang bagay na
ipinagdamot mong ibigay?
GINNIE: Marco….Marco….. (hinawakan ang kamay ni Marco)
MARCO: I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason!
GINNIE:Marco.. I am sorry (hahawakan ang kamay ni Marco
TUBIG AT LANGIS (Zanjoe Marudo and
Christine Reyes)
Irene (female): Natoy hindi naman kase
ganun kadali magtiwala ulit eh..Paano
kung iwanan mor in ako katulad niya?
Kami ng anak ko? Paano kung lokohin
mo rin ako?Natoy mahirap bumangon
ulit!Kailangan ko magpakatatag para sa
anak ko
Natoy (male):Irene ikaw lang tumatakot sa
sarili mo. Tignan mo oh, tignan mo kung
sino ba yung nasa harapan mo ngayon?
Irene ako ‘to! Ako ‘to si Natoy na mahal
na mahal ka!
Irene:Ano tong gusto mong sabihin ko? Na
mahal rin kita?
Natoy:Hindi yun, dahil ayon ang gusto kong
marinigDahil ayun yung nararamdaman
mo para sa akin
Irene: (biglang lalapit kay natoy)Oo natoy,
mahal din kita.
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo in “Close to you”
Bea: Ang sabihin mo duwag ka lang! Di ka lang insecure,
duwag ka pa!
John Lloyd: Oo na, duwag na kung duwag!
Bea: Talaga! Dahil kung mahal mo ako, dapat ipaglaban
mo ko!
John Lloyd: Bakit, kung sinabi ko ba sa iyo dating mahal
kita noon, sasabihin mo rin sa aking I love you to??
Bea: Oo!! … Siguro … Hindi ko alam …. Ewan ko ….
Naguguluhan ako eh, feeling ko kasi, feeling ko
mahal kita higit pa sa isang kaibigan …
John Lloyd: Gustong gusto kitang yakapin …Gustong
gusto kitang halikan … Gusto ko maging tayo … Maging
akin ka … pero dahil matalik mo akong kaibigan, gusto
kong mag-isip kang mabuti … Kung yan na ngayon …
Dahil baka naguguluhan ka lang … Natatakot ka dahil
bago pa lang kayo ni Lance … At kahit na alam ko na
dahil binibigyan kita ng panahon para makapag-isip
posibleng ma-realize mo na hindi pala ako ang pipiliin mo
… Ganito pa rin ang sasabihin ko sayo ,.. Ganito pa rin
Marian …
Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz in “A very special Love”
John Lloyd: Ano bang gusto mo gawin ko para patawarin mo na
ako!
Sarah: Patigilin mo yung ulan!
John Lloyd: Imposible yung hinihingi mo!
Sarah: Eh imposible din naman yung hinihingi mo eh!
John Lloyd: Laida ayaw eh!
Sarah: Suko ka na??
John Lloyd: Ang hirap naman nito eh!
Sarah: Mahirap? Yan, mahirap?? Subukan mo kayang magmahal
sa isang katulad mo nang malaman mo kung anong mahirap!
John Lloyd: Alam ko, dahil buong buhay ko sinubukan ko
mahalin ang sarili ko nahirapan din ako … And I’m sorry if I
didn’t love in the way at the time that you did … pero maniwala
ka, maniwala kang minahal kita sa paraang alam ko … I’m a
work in progress Laida, ngayon ko pa lang nararamdaman na
pwede pala akong mahalin kahit ganito ako … Ngayon ko pa
lang natututunan na kaya ko pala magmahal kahit na ano. So
please, please don’t give up on me …
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo in “One More Chance”
John Lloyd: Eh ano nga kasi ang problema??
Bea: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! ako yung problema!
Kasi nasasaktan ako kahit di naman ako dapat nasasaktan …
Sana kaya ko nang tiisin yung sa akin na nararamdaman ko, kasi
ako namili nito diba? Ako yung may gusto … Sana kaya ko
nang sabihin sa iyo na masaya ako para sa iyo, para sa inyo …
Sana kaya ko … Sana kaya ko, pero hindi eh … Sama sama
kong tao kasi ang totoo, umaasa pa rin ako sa piling mo … Sana
ako pa rin …Ako na lang … Ako na lang ulit …
John Lloyd: Mahal ko si Trisha …
Bea: Alam ko, alam ko …
John Lloyd: She had me at my worst … you had me at my best
… at binalewala mo lang lahat yun …
Bea: Popoy yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
John Lloyd: And you chose to break my heart.