Professional Documents
Culture Documents
Isagani: Sa tinggin niyo ba, papayagan ng prayle ang ating mga mungkahi?
Pecson: Hintayin na lang natin si Macaraig para sabihin sa atin kung ano na ang balita. Ngunit, mukhang
malabo naman na tayo ay payagan kaya wag muna kayong umasa.
Macaraig: Mga kaibigan, ako ay may dalang magandang balita! Kaninang umaga ay nagpakita ako kay
Padre Irene at nabanggit nya sa akin na sa Los Banos daw pinag-uusapan ang lahat. Lahat daw ay tutol
pero hinayaan na nila na ang katas-taasang lupon ng paaralang primary ang mga desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kakikitaan ng pagkilos ang mga lupon na iyan!
Macaraig: Iyang-iyan din ang aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don Custodio ng iilang
sangguni ng lupon ang siyang magde-desisyon.
Macaraig: Sinabi ni Padre Irene na “Malaki na ang ating tinamo. Natupad na ang ating kahilingan na
malingan sa isang kapasyahan. Kung tayo daw ay makikipag-ugnayan kay Don Custodio ay magagawa
nating mahingi ang kanyang pagsang-ayon.”
Sandoval: Ngunit sa paanong paraan naman tayo makikipag-kilala sa kanya.
Macaraig: Ang isa pang paraan ay lapitan si Ginoong Pasta na isang Pilipino at kaibigan ni Padre
Fernandez, ang tiyuhin ni Isagani.
Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?
Pelaez: Huwag kana ngang maarte pa! Isipin mo na lamang ang ginahawang maidudulot pa satin nun
upang paboran nila tayo, kilala ko ang babae, si Matea.
Isagani: Hindi naman siguro masama kung ating susubukan ang mga paraan hindi mahalay tignan.
Kakausapin ko si Ginoong Pasta ngunit kung hindi ako palasing magtagumpay tyaka natin gawin ang
ibang paraan.
Macarig: Marahil ay tama si Isagani, hintayin natin ang resultang pakikipag-usap si Isagani kay Ginoong
Pasta.
(Kakatakot si Isagani)
(Papasol si Isagani)
Isagani: Naparito ho ako para makiusap po sa inyo na mamagitan sa aming panig; kung sakaling
sumagguni sa inyo si Don Custodio. Kayo po ay lubos naming pinagkaka-tiwalaan.
Ginoong Pasta: Ayokong makielam sa ganyang mga usapan. Totoong nangungusa ako sa pag-ibig sa
lupaing sinilangan at naghahangad ng pag-unlad ngunit di ganoon kadaling sumulong. Kailangan kong
ingatan ang aking mga ari-arian.
Isagani: Hindi po naming ninanais na malagay kayo sa kagipitan at alanganin. Kahit kakaunti lamang po
ang aking aking nalalaman sa mga batas at mga pagpapasya sa mga adhikain ng pamahalaan, ang bawat
layunin namin ay iisang lamang - sadyang magkakaiba lang ng pamamaraan.
Ginoong Pasta: Kahanga-hangang kasagutan ngunit ipagpaumanhin mo, ako’y hindi parin pumapayag.
Isagani: Lagi po saking sinasabi ng aking ama ng alalahain ko ang iba tulad ng sa sarili. Ito’y hindi para sa
aking sarili kundi para sa iba.
Isagani: Kapag nagkaroon na ako ng iba katulad sa inyo, lumingon sa aking nakaraan at nakitang ang mga
nagawa ko’y para sa sarili lamang at hindi sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, sa halip na matuwa,
mahihiya ako! (sabay yuyuko) Mawalang galang po, mauuna na ko.
(Aalis si Isagani)
Ginoong Pasta: Kaawa-awang binata! Kung lahat sana'y nag-isip at kumikilos kagaya niya, malamangan
tinulungan ko pa.
(maraming kagalang galang na tao ang pumapasok sa tahanan ni Quiroga, mga extras ung iba tas
sasalubungin sila ni Quitoga sa harap ng pintuan)
Pelaez: Dahil sa mga Intsik na iyan kaya ako nalugi sa aking negosyo.(galit habang nakatinggin mula sa
malayo) Walang kwenta ang kanyang mga palamuti sa tahanan. Hindi ito nababagay sa kanya.
Simoun: Babawasan ko ito kung papayag ka na itago ang mga armas na dumating. Wag ka magalala.
Ililipat ito kapag mayroong pagsisiyasat na nagaganap.
Quiroga: Sige. Papayag ako. (Parang pilit lang. Idaan sa facial expression)
(Cut to pag uusap nila Padre Camorra at Ben Zayb tungkol kay Mr. Leeds tas andun rin sila don custodio,
padre salvi, irene at juanito pelaez na may pinag uusapan sa likod. Focus is nakela Ben Zayb at Padre
Camorra tas blurred ng unti ung iba na basa likod)
Padre Camorra: Oo naman. Kung inyong gugustuhin ay maaari natin itong puntahan.
Ben Zayb: Oh siya, pumunta na tayo ngayon rin. (Tinggin sa kabilang grupo) Halika't sumama kayo para
makita ang ulong nagsasalita.
(nagpasya sila Don Custodio, Padre Salvi, Camorra, Irene, simoun, Ben Zayb at Juanito Pelaez na
pumunta sa Quiapo para panuorin ang ulong nagsasalita tas isasama nila si simoun. Exit lahat)
(Susundan ng tingin si Paulita. Makikita ni Isagani tas hahawakan sa balikat si Paulita na para bang naiinis
kay Camorra na tumititig kay Paulita)
Padre Camorra: Kamukha ni Ben Zayb ang isang iyon oh! (may ituturo)
Ben Zayb: Sino naman ang kamukha ng larawang ito? (may ituturo na larawan)
Padre Camorra: Aba! Hindi mo na nababasang, La Prensa Filipina. Ang kasangkapang ginagamit ng
matandang babae ay tinatawag na prinsa.
Padre Camorra: Ang instik na iyan ay si Quiroga ngunit kung pagmamasdang mabuti’y kamukha ni Padre
Irene.
(Nagsi-tawanan sila.)
(Mawawala si Simoun)
Padre Camorra: Nasaan na nga pala si Simoun? Putris! Natakot ata pagbayarin natin sa palabas ni Mr.
Leeds! Napaka-kuripot!
(Papasok sila at iba pang extra tapos babatiin o sasalubungin ni Mr. Leeds)
Mr. Leeds: Tuloy kayo, pumasok kayo sa aking tanghalan at matutunghayan ninyo rito ang ulong
nagsasalita ng pawing katotohanan.
Ben Zayb: Nasaan ang mga salamin? (kinakapa ang mesa na natatakpan ng itim na tela)
Mr. Leeds: May nawawala po ba kayo, Ginoo? Bweno, magsi-upo napo ang lahat.
(Tatayo si Mr. Leeds sa entablado na may dalang kahong kahoy at ipapatong doon sa mesa)
Mr. Leeds: Magandang gabi sa inyo at maraming salamat sa pagdayo. Itong nakikita niyo sa haral ay
galing ehipto, natagpuan ko ito sa piramide ni Khufu. Ito ay may lamang abo at isang kapirasong papel.
Sa pagbigkas ng mga salitang nasa papel ay mabubuhay sa elfinghe.
Mr. Leeds: Mga ginoo’y sa isang salita lamang ay bubuhayin ko ang abong ito. DEREMOF!
Imuthis: Ako si Imuthis. Ipinanganak ako sa panahon ni Amasis. Galing ako sa paglalakbay sa Gresya,
Alsyria at Persia. Sa pagdaan ko sa Babylonia ay nakatuklas ako ng isang lihim satakot nila na ibunyag ko
ang kanilang lihim ay kinasangkapan nila ang banal na batang saserdote.
Cut to:
kinabukasan
(Dadating ang isang messenger or tagapagpadala ng mensahe at may iaabot si Ben Zayb na lathalain)
Ben Zayb: Ito ay isang lathalain patungkol sa pagtigil ng pagtatanghal ni Mr. Leeds.
Lalake: Si Mr. Leeds ay nabalitaang tumakas na papuntang Hong Kong. Ako'y mauuna na po.
(Aalis)
KABANATA 19
Placido: Nakakaasar na talaga! Hinding hindi na ako babalik doon! Sinusumpa ko na ang pag-aaral!
Placido: Kung ihulog ko kaya tong mga to sa ilog? Mga lapastangan! Panira ng araw!
(tas umuwi na siya)
Kabesang Andang: Oh? Anak, bakit andito ka na? Hindi ba't may klase ka pa?
Placido: Hindi na ko papasok pa. Masyado sila. Masyado nila kong minamaliit. Pinahiya ako sa buong
klase. Ayaw ko na mag-aral.
Kabesang Andang: Ngunit ipinangako ko sa iyong ama na ikaw ay aalagaan ko, papag-aralin at gagawing
abugado. Katakot-takot ang hirap at pagtitiis ko mapag-aral ka lamang. Ano na lamang ang mukhang
ihaharap ko kung mabigo ko siya? Kung sakaling magkita na kami sa kabilang buhay?
(Lalabas si Placido)
Placido: Nanaisin ko pang tumalon sa tulay o kaya'y manulisan kaysa bumalik sa pamantasan. Ibig kong
mabuhay ng malaya!
Kastilyero: Subalit hindi pa handa ang distriro. Akala ko'y hihintayin hanggang kwarensya.
Simoun: (iiling) Hindi na kailangan. Kapag ipinagpaliban po ay marahil patay na si Maria Clara.
-Bahay ni Simoun-
(aalis na)
Simoun: Sandali na lamang at magkikita na tayo. Himagsikan ang naglayo sayo sa akin. Himagsikan din
ang maglalapit sa atin.
Kabesang Andang: (yayakapin ang anak ba may tears of joy kahit unti)
KABANATA 20
Tauhan2: Ang alam ko, si Don Custodio de Salazar y sanchez y demonteredondo ang magpapasya
tungkol dito.
Tauhan2: Siya ay ang tinatawag na BUENA TINTA. Naging isang nilalang siya na aktibo sa pamahalaan.
Tumira pa nga siya ng panandalian sa Europa upang magpagamot, pero dahil sa hindi siya napapansin
roon gaya ng atensyon na meron siya dito sa ating bansa, ay mas pinili niyang umuwi na lamang.
Don Custodio: Mga Indio nga naman. Wala nang ginawang maayos at kahanga hanga! Walang angking
talino ang mga Indio na dapat ipagmalaki dahil pag ganon, siguradong masasawi lamang sila.
Cut to nasa sailid ni Don custodio ang mga tauhan, kausap ang mga kawal)
Don Custodio: Wag na nating pagdamitin ang mga bilanggo at sa halip ay magbahag na lang sila para
makatipid!
Dun Custodio: Pano na yan, anong gagawin ko? Paubos na ang aking oras sa pagpapasya. Kailangang ko
na itong mapagpasyahan
(Si don custodio nakaupo sa office at pinag-aaralan ang mga dokumento habang humihikabat nag
iismoke)(sunud-sunod ang paghikab niya at pag-inat.. may nakita siyang file ng mga folder, kinuhaniya
ito at isa-isang tinignan…)(naagaw ng pansin niya ung last na folder at binasa niya ito..)
Don Custodio: ano bang laman nito? Aha! Napakagaling ko talaga! ANG AKING PAGPAPASYA AY
NATAPOS NA!!
Setting:
Tiyokiko: Binayaran ako nang mahal sa Pranses, mainam na ang pagkakadikit sa mga kartel.
Camaronccocido: (nagkibit-balikat na lamang) Kiko? Kung anim na piso ang bigay ko sa iyo, magkano
naman kaya ang sa mga prayle?
Tiyo Kiko: Kaibigan sa palagay mo kaya ay dahil sa pagtuligsa ni Padre Salvi ay maaari akong mawalan ng
hanapbuhay?
Simoun: Ang hudyat ay isang putok, huwag kayong magbahala. Ang heneral ang may utos nyan ngunit
huwag niyong masasabi. Kapag sinunod nyo ang aking utos, matataasan kayo ng tungkulin.
(Ang patuloy sa paglilibot si Camaronccocido) Darating sina Donya Victorina kasama sina Paulita Gomez
at Juanito Pelaez. Darating din kasama sina Macaraig, Pecson, Sandoval at Isagani. Lalapitan nila si
Tadeo.
Macaraig: Mabuti may palko kami. Hindi dadalo si Basilio. Halina kayong dalawa.
KABANATA 23
Setting:
Macaraig: Si Basilio ay hindi dumalo sa pagtatangkal dahil abal sa pag-aaral at pag-aalaga kay Kapitan
Tiyago at tyaka kakatubos pa lamang niya kay Huli
Basilio: Halos hindi na tumitibok ang pulso. Walang ganag kumain, pinagpapawisan siya ng malamig
kung medaling araw, talamak na ang lason sa buong katawan. Maaring bukas makalawa ay mamatay sya
na parang tinamaan ng lintik. Isang munting dahilan, sulak ng kalooban o pagka-inis ay
Simoun: Tulad ng pamahalaan. Basilio, pakinggan mo ako sapagkat mahalaga ang bawat sandal. Sa loob
ng iisang oras ay sisiklab na ang himagsikan sa pamamagitan ng budyat ko. Bukas ay wala ng pag-aaral.
Ang pamantasan ay wala narin. Wala kundi dugo at patayan! Nakahanda na kami at tiyak ang tagumpay,
kapag kami'y nagwagi lahat ng hindi tumulong sa amin ay ipalalagay naming sa kalaban. Nasilio, naparito
ako upang ihandog ang iyong kamatayan o isang kinabukasan!
Basilio: G-ginoong Slmoun...
Slmoun: Nasa aking kamay ang kalooban ng pamahalaan. Magpasya ka Basilio. Kasama ko si Kabesang
Tales, nasa ibaba sya at naghihintay. Pinamunuan ko ang himagsikang ito sapagkat ibig kong iguho ang
pituan ng Santa Clara at ikaw ang mamumuno rito upang kunin sa kumbento si Maria Clara.
Simoun: Oo si Maria Clara. Nais kong iligtas siya, nabuhay ako upang iligtas siya at tanging himagsikan
lang ang makapgbubukas sa pintuan ng mga kumbento.
Simoun: At bakit?
Simoun: Kasinungalingan!
Simoun: Hindi Totoo yan! Buhay pa si Maria Clara, kailangang mabuhay si Maria Clara. Naduduwag ka
lang kaya sinasabi mo yan. Hindi siya patay at ngayong gabi ililigtas ko siya o bukas ay mamamatay ka!
Basilio: (yuyuko) Ito ang liham ni ni Padre Irene tungkol sa nangyari kay Maria Clara. (iaabot ang liham)
Simoun: Namatay. Namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay nang hindi nalalamang nabuhay
ako para sa kanya. (biglang aalis)
KABANATA 24
Check noyo ung background guys. Kung gusto niyo isama, pakiinform na lang ako (Mikee) tas gagawa
ako ng base script
Setting: School po
Sandoval: Luwalhati nawa kay Custodio dahil sa kanyang katalinuhan at pansit sa lupa para sa mga
binatang may mabubuting kalooban!
Tadeo: Si Basilio na sana ang inanyayahan natin sa halip na si Juanito. Sana’y nalasing natin upang
magsabi ng ilang lihim, mahahalagang lihim. Mga lihim na pangyayari ukol sa nawawalang mongha.
Macaraig: (sisigaw) Mga ginoo! Ihandog natin kay Don Custodio ang mga buto ng manok sa pansit-
lanlang; ang lumpiyang Instik na lama’y baboy ay patungkol kay padre Irene. Ang tortang alimango’y
ipatungkol sa prayle at ang ika-apat na ulam na pansit gisado ay ipatungkol sa pamahalaan at bayan.
Lahat: Ipatungkol!
(Tatayo si Pecson)
Pecson: Kung walang prayle at walang Indiyo sa Pilipinas, Ano ang nangyayari sa kahabag-habag na
pamahalaang mapapasakamay ng mga Instik?
Setting: School po
Basilio: Mawalang galang lamang po. Ngunit ano ang tungkol sa paghihimagsik?
Lalaki 2: titinggin sa Lalake 1 na parang natataranta at titinggin muli kay Basilio Mauuna napo kami at
kami’y may pupuntahan pa.
Basilio: Masama ang lagay ni Kapitan Tiyago kaya hindi ako nakarating sa piging.
Guro: Mabuti kung pumunta ka roon. Ngunit kasapi ka ba sa samahan ng mga mag-aaral?
Guro: Walang alam si Simoun sa nangyari. Sinugatan sya ng isang taong di kilala at ngayon ay nakahiga.
Guro ng Patolohiya: Batid kung nag-aamo’y bangkay na si Kapitan Tiyago, dinadalaw na siya ng mga
buwitre.
(pumunta si Basilio sa pamantasan)
Lalaki 1: Hindi kapani-paniwalang ngayon lang nangyaring ang kabataan ay nabilanggo sa ngalan ng
kalayaan. Ngunit sino bang hangal ang sumulat ng mga paskin?
Isagani: Wala tayong pakielam don. Hindi natin tungkulin ang magsiyasat kung saan may panganib.
Dapat tayo pumaroon dahil andoon ang karangalan.
Macaraig: (tatawa) Maaasahan mo ako at sa ating pagtatapos ay aanyayahin natin ang mga ginoong ito.