You are on page 1of 13

NOLI ME TANGERE

SCENE 1

Anluwage ( Isang Piging sa Tahanan ni Kapitan Tiyago)

Padre Damaso: Wala talagang kuwenta ang mga Indio, mga walang galang.

Boy 1: Pagpaumanhin ninyo Father kung ako’y tutol sainyong sinabi ngunit totoo ba na likas na pabaya ang mga
mamamayan na nakatira sa bayan ng San Diego? O ito ay isang dahilan lamang upang matakpan ang kapabayaan ng
namamahala doon?

Padre Damaso: Mahigit dalawang dekada kong nasubaybayan ang bayan ng San Diego naitatapakdaan naman nila ang
pagkawalang bahala, tanungin mo pa si ginoong Lareon siya ang makakapagpatunay ng aming mga sinasabi.

Boy 1: Ngunit diba tayo’y nasa ilalim ng bubong ng isang Indio?

Padre Damaso: Hindi yun pinapalagay ni Kapitan Tiygo na siya’y isang Indio binate. Mag iingat ka sa iyong mga salita,
yuring ni Kapitan Tiyago sa kanyang sarili ay isang kastila. Ilang buwan ka na bang napaparito sa Pilipinas?

Boy 1: Apat na araw palamag po padre, pumunta ako ditto upang mapag aralan ang bansang ito.

Padre Damaso: Aba’y kakaiba ka sa lahat binata, maraming aklat tungkol sa Pilipinas ngunit nag aksaya ka pa ng
panahon para pumunta rito.

Padre Sivyla: Padre damaso katulad nga ng sinabi mo kanina, mahigit dalwampung taon kang naglingkod sa Bayan ng
San Diego. Dika ba nalulungkot sa iyong pag alis? Sa iyong tagal ng pamamahala?

Padre Damaso: Hindi, dahil pinahahalagahan ko ang kalayaan ng mga kuna.

Tinyente Guevaro: Anong ibig niyong sabihin?

Padre Damaso: Ang ibig kong sabihin ay kahit magpahukay ka ng angkay ng Larea maaring dika na makialam sa mga
bagay na yon.

Tinyente Guevaro: Bawiin niyo ang inyong sinabi Padre Damaso baka makarating sa Heneral ang mga yan.
Pagpaumanhin niyo na ngunit ako’y tutol ang desisyon ay nasa heneral parin.

Kapitan Tiyago: Tunay na ito na nga ang anak ni Don Rafael na si Crisostomo Ibarra.

Ibarra: Magandang hapon po sa inyong lahat ako po si Juan Crisostomo Ibarra. At kayo po si Padre Damasoo ang isa sa
pinakamatalik na kaibigan ng aking ama.

Ahhh…. Paumanhin at marahil ako’y nagkamali.

Padre Damaso: Wala kang dapat ikahiya Ibarra, ngunit kailanmay di kami nagging magkaibigan ng yong ama.

Tinyente Guevaro: Don Crisostomo maligayang pagbabalik sa ating inang baying Pilipinas.

Ibarra: Salamat Tinyente Guevaro

Voice 1: Handa na ang hapunan.

Padre Damaso: Padre Sivyla, kayo ang nararapat na umupo sa kabisayaan dahil kayo ang Padre Kora dito.

Padre Sivyla: Kenehora Brendo, sapagkat kayo ang Padre Compresort ng pamilya ni Kapitan Tiyago.

Padre Damaso: Ngunit kayo na padre.

Padre Sivyla: At dahil iyon ang iniutos..

Padre Damaso: Wala akong iniutos!

Ibarra: Don Santiago hindi ho ba kami sasabayan sa hapunan?

Don Santiago: Huwag ka nang mag alala sakin para sayo ang handaang ito.

Boy 1: Mga ilang taon kang nanirahan sa bansa Don Crisostomo?

Ibarra: Mahigit kumulang pitong taon ako Ginoo.

Boy 1: Matagal tagal rin, marahil nakalimutan mo na ang iyong bansa.

Ibarra: Marahil ay kabaliktaran, sa tingin ko ang aking bayan ang nakalimot sakin.
Boy 1: Ano ang iyong ibig sabihin?

Ibarra: Hindi ko alam kung pano, o kailan namatay ang aking ama, ako’y parang banyaga sa sarili kong bansa.

Padre Sivyla: Paano ka nakikipag usap samga mamamayan roon Ginoong Crisostomo? Ginamit mo ba ang wikang
Ingles?

Ibarra: Oho padre at ako ay napahanga sa Kagandahan ng Europa kauna unahan na roon ang Espanya, bago ako pumunta
sa isang lugar o sa isa pa pinag aaralan ko muna ang kanilang kasaysayan. Ngunit tinitiyak ko na masagana ang kanilang
bayan.

Padre Damaso: Ginugol mo ang pitong taon upang mabatid ang mga yan! Inaksaya mo ang malaking yaman ng pamilya
upang mabatid ang alam ng isang paslit at pagkatapos ay ipagmamalaki mo na parang alahasna walang katumbas, isa kang
tunay na Indio!

Ibarra: Ipagpaumanhin niyo Ginoo’t Ginang ngunit ako’y mauuna na marami pang gawaing naghihintay sakin sa labas.

Padre Damaso: Hayan ang mahirap kapag nakapag aral sa ibang bansa parang sa Europa magiging mayabang at
mapagmataas.

SCENE 2

LALAWIGAN NG SAN DIEGO

Tinyente Guevaro: Don Crisostomo mag iingat ka, sana’y maging aral sayo ang nangyari sayong amang si Don Rafael.

Ibarra: Ipagpaumanhin ninyo ngunit ano ho ba talaga ang nangyari sa aking ama, paano po ba talaga siya namatay?

Tinyente Guevaro: Dimo pa alam ang nangyari? Namatay siya sa bilangguan.

Ibarra: Ang aking ama? Sa bilangguan? Marahil kayo’y nagkakamali sa iyong sinabi.

Tinyente Guevaro: Hindi ako nagkakamali Ibarra, ang akala ko’y alam mo na ang nangyari sayong ama.

Ibarra: Maaari niyo po bang ikwento sakin ang dahilan kung bakit siya nabilanggo lalo na’t dun siya namatay.

Tinyente Guevaro: Ang iyong ama na isa sa pinakamayaman sa lalawigan ng San Diego, ang kastilang kolektor na
dating artilyero madalas siyang pinagtatawanan ng mga bata dahil sa hindi niya kasanayang magsulat at magbasa sa
medaling salita dahil sa kanyang kamaongan nagalit ang kastila at hinabol ang mga bata upang saktan, dumating si don
Rafael Ibarra nakita niya ang nangyayari pinigilan niya ang kastila, nung nilapitan ng iyong ama ang mga bata natapilok
ang kastila tumama ang kanyang ulo sa isang bato at nagsimulang sumuka ng dugo hanggang siya ay mamatay.

Ibarra: Ano po bang nangyari a aking ama matapos mangyari ang lahat ng yon?

Tinyente Guevaro: Nagsagawa ng isang imbestigasyon ang mga gwardiya at kinulong ang iyong ama, noong nalaman ng
lahat ang nangyari nagsilabasan ang mga linya ng kaaway, mga taong inggit sa kayamanan ng iyong ama. Pinaratangan
siya ng pagiging erehe at filibuster pagbabasa ng mga bawal basahin gaya ng de ultramar at marami pang iba. Mga maliliit
na bagay pinalalaki pa ng mga tao diba?

Ibarra: Nasaan ang mga kaibigan ng aking ama habang nangyayari ang lahat ng ito?

Tinyente Guevaro: hmm… si Padre Damaso inakusahan niya si Don Rafael dahil hindi na siya nangungumpisal o
pumupunta pa sa misa.

Ibarra: Ngunit pano…

Tinyente Guevaro: Ngunit ng malapit na siyang palayain sa bilangguan biglaan siyang namatay ang mas masakit pa sa
kanyang pagkamatay ay walang maski ni isang nakiramay. Ang isa niyang anak ay nasa Europa.

Ibarra: Kung nalaman ko lang sana ako’y pupunta rito ng walang alinlangan.

Tinyente Guevaro: Ako’y mauuna na, mabait na tao ang iyong ama ginawa niya ang lahat upang makatulong.

Ibarra: Salamat, mag iingat ho kayo tinyente.

Tinyente Guevaro: Mag iingat ka Don Crisostomo.


SCENE 3

Ibarra: Hindi! Bakit?! Bakit nangyari yon sa aking ama! Nasan ang hustisya tila nagbubulagbulagan ang mga mata ng
mga tao.

SCENE 4

ARAW MATAPOS ANG PIGING

Kapitan Tiyago: Maria, anak bakit hindi ka mapakali?

Maria: ay wala po may tumatakbo lang sa isip.

Kapitan Tiyago: Siguro’y kailangan mo ng bakayon, ng sariwang hangin, mabuti manatili ka muna sa Malabon.

Tiya Isabel: Mas mabuti siguro kung sa San Diego siya manatili pinsan malaki ang bayan roon at nalalapit na ang fiesta
kaya’t siguradong masisiyahan siya roon.

Kapitan Tiyago: Tama ka nga mas mabuti kung ganun. Maria maghanda ka nan g mga gamit mo at mag empake at
marahil si Don Crisostomo ay naririto na.

(knocking)

Tiya Isabel: O Crisostomo mabuti bumalik ka

Ibarra: Magandang umaga po Tiya Isabel

Tiya Isabel: Pasok ka

Ibarra: Salamat po

Kapitan Tiyago: May nananabik na Makita kang muli at kanina pa hindi mapakali

Maria: Sa labas nalang po kami sapagkat maalikabok dito sa bulwagan.

Ibarra: Mauna na po kami

SCENE 5

Maria: Mabuti at naisipan mong dumalaw, akala ko’y nalimutan mo na ako

Ibarra: Bakit naman kita malilimutan, pano ko malilimutan ang iyong magandang mata, ang yong magandang ngiti, ang
yong boses, pati sa aking panaginip ikaw ay aking nakikita. Kailanma’y dika nawala sa aking puso at isipan.

Maria: Kahit kailan ay napakasinungaling mo Crisostomo.

Ibarra: Kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sayo, lalo na’t galing sa puso ko ang mga binitawan kong salita.

Maria: Sus! Mayroon ka talagang paraan para sayong mga salita.

Ibarra: Maria! Pinapangako ko sayo na ikaw lamang ang tangi kong iibigin kung bibigyan man ako ng parusa ng langit
ay magpapasalamat ka nalang sapagkat ika’y napasakin. Sinusumpa ko sa bangkay ng aking ina, wala nang ibang
mamahalin at iibigin ng puso ko kundi ikaw lamang.

Maria: Sana lagi nalang ganito at naririto ka sa tabi ko.

Ibarra: Naalala mo pa ba yung panahon na tayo’y musmos pa lamang?

Maria: Aba’y syempre! Walang katapusang tampuhan

Ibarra: At mayat maya magbabati rin dahil ayaw nating mawala’y sa isa’t isa.

(tawanan…)

Ibarra: Ngunit ito… ito ang nag papaalala sa akin ng ating kamusmusan noong araw

Maria: nasaiyo pa pala yan, oh eto! Naalala mo pa ba?

Ibarra: Yan ba ang binigay kong liham bago ako umalis?

Maria: oh! Bawal silipin! Ako lamang ang pwedeng bumasa neto
Ibarra: ano ba ang mga nakasulat?

Maria: Ano pa ba? Kundi mga pangakong hindi natupad. Pero huwag kang mag alala babasahin ko ang iba dito para
sayo.

Ibarra: Hay mabuti pa

Maria: Ang aking pinakaa... ay sandal ito e.. isang kasinungalingan lamang. Oh! Bakit tila biglang nalumbay ang iyong
mukha?

Ibarra: Muntik ko na malimutan ang akin responsibilidad. Pasensiya na Maria kailangan ko nang umalis bukas ay araw
ng mga patay at kailangan kong maghanda para sa aking pag alis papuntang sementeryo

Maria: Mag iingat ka Crisostomo, hihintayin kita hanggang sa muli

Ibarra: Hanggang sa muli nating pagkikita

SCENE 6

(kumakatok ang isang pari)

Padre Damaso: Tiyago buksan mo ang pinto may pag uusapan tayo

SCENE 7

ARAW NG MGA PATAY

Matandang Katulong: Ang aking responsibilidad at karamdaman ang dahilan kung bakit hindi na ako maparito.

Tagahukay: hmm.. ang hina naman netong mga bagong taga hukay (uupo) samantalang hindi nila naranasan ang aking
naranasan. Bumabagyo’t umulan patuloy pa rin ako sa paghuhukay.

Matandang Katulong: Si Kapitan Tiyago na daw ang bahala sa lapida ngunit ako ang nagtanim ng mga bulaklak nag
ukit ng krus sa likod ng iyon senyor

Ibarra: Saan?

Matandang Katulong: May bato pa nga dun, tanungin na lang natin ang taga hukay.

Mawalang galang ho! Ngunit alam mo po ba kung nasaan ang libingan ng may malaking krus at may taling gawa sa ratan

Tagahukay: ah! Yun diba yung may madaming bulaklak, sinunog na namin yung krus e. iniutos lang samin ng punong
hari

Ibarra: Sinong punong hari?

Tagahukay: ah! Yung nagbabayad sakin senyor yung mataba’t malaki hehe..

Ibarra: Alam mo ba kung nasaan yung labi? Siguro naman natatandaan mo pa

Tagahukay: Wala na po diyan, kakalibing ko lang ng isang binibini nung nakaraang linggo

Matandang Katulong: Nawawala ka na ba sayong sarili? Wala pang isang taon ng siya’y linibing

Tagahukay: Inutos lang sa amin na ilibing siya sa sementeryo ng mga tsino kahit umuulan at mabigat ang bangkay

Ibarra: At ginawa mo naman!

Tagahukay: Hindi mo po kailangang magalit, hindi ko siya sinama sa mga tsino. Sabi nga nila mas maganda ng malunod
kasama ang mga yun kaya tinapon ko nalang sa ilog.

Ibarra: Wala kang kwenta!

Tagahukay: Sinugod ako ng pari dahil linibing ko siya, inakala niya ako yung naghukay kahit na may sakit ako noon.
Ngayon naman muntik na akong patayin

Pari: Don Crisostomo

Ibarra: Anong ginawa mo sa aking ama? Sumagot ka!

Pari: Nagkakamali ka wala akong ginawa sayong ama


Ibarra: Wala!?

Pari: Sinisigurado ko wala akong ginawa, yung linibing nay un na si Padre Damaso.

(Flashback….)

Padre Damaso: Tiyago binabalaan kita

Kapitan Tiyago: Alam mo hindi sana ito mangyayari kung sinunod mo lang ang iniutos ko.

Padre Damaso: Hindi ka nakikinig maliban kung nakikinabang sayo ang isang bagay….. huwag ka nang gagawa pa ng
anumang katarantaduhan.

SCENE 8

SIMBAHAN SA SAN DIEGO

Mang Tasyo: Mukang kukulim maya’t maya. Bagyo! Bagyo! Bumagyo ka.. italan mo ang mga taong walang awa sa
kapwa nila. Oh! Crispin! Basilyo!

Crispin at Basilyo: Mang Tasyo

Mang Tasyo: Kung sasama kayo sa akin naghanda ng masarap na hapunan ang inyong ina

Basilyo: Ayaw pa po kaming paalisin ng sacristan mayor, pagkaraan palang ng kawalo tsaka palang kami uuwi. Ngayon
po hinihintay naming ang aming sweldo upang may pang gastos si inang

Mang Tasyo: Saan kayo patutungo ngayon?

Crispin: Sa kampanalya po tutugtugin naming ang kampana

Mang Tasyo: Mag iingat kayo, huwag kayong lalapit sa kampana kapag kumikidlat

Basilyo: Opo

Crispin: Salamat po.

Mang Tasyo: Naku po! Huwag po sanang bumagyo ngayon sa susunod na araw nalang.

SCENE 9

Basilyo: Bilisan mo Crispin para makauwi tayo ng maaga

Crispin: Sandali lang kuya, sana nasa bisig nalang tayo ng ating ina kesa dito naghihirap

Basilyo: wala tayong magagawa Crispin, sino pa ba ang tutulong sa ating ina, ang ating ama? Diba tayo lamang?

Crispin: Sana magkasakit nalang ako bukas, tayo. Para nasa tahanan lang tayo kasama ang ina. Buti pa roon hindi ako
matatawag na isang magnanakaw

Basilyo: Nawawala ka na ba sa iyong sarili? Umayos ka Crispin kung iyan ang mangyayari lalong mahihirapan ang ating
ina… maaayos rin ang lahat Crispin.

SCENE 10

GITNA NG KAWALAN

(BAHAY NI ALING SISA)

Sisa: Jusko po! Nasan na ang aking mga anak, anong oras na at wala parin sila

Basilyo: nay!

Sisa: Basilyo anong nangyari sayo?

Basilyo: Nay, pasensiya na po

Sisa: Nasaan si Crispin, anong nangyari? Maari mong sabihin sa akin?


Basilyo: Nay pinagbintangan po na isang magnanakaw si Crispin ng sacristan mayor. Sinubukan kong ipagtanggol at
ipaglaban si Crispin. Tinulak po ako ng sacristan mayor at hinatak niya po si Crispin palabas sa simbahan. Tumakas po at
ako sinubukang hanapin. Nakita po ako ng isang guwardiya sibil. Dinaplisan lang naman po ako ng punla sa ulo nung
ako’y tumakbo pauwi.

Sisa: Mabuti naman at buhay ka pa

Basilyo: Nay pakiusap po huwag mong ipagsasabi sa iba kung may magtatanong tungkol sa aking sugat, sabihin niyo po
nahulog ako sa puno.

Sisa: Pasensiya ka na Basilyo, Tanging tayong mga dukha lang talaga ang napapasa ng ganitong kahirapan sa ating
buhay.

Basilyo: Anong nangyari sa inyo? Si ama na naman po ba ang may kasalanan nito? Nay! Mas mabuti talaga na tayong
tatlo nila Crispin ang nandito sa tahanan

Sisa: Huwag kang mag alala! Sadyang mainit lang ang ulo ng iyong ama noong siya’y napadaan

Basilyo: Nay!

Sisa: Magpahinga ka na Basilyo. Sa susunod na tayo mag usap ng matagal. May pupuntahan pa ako bukas ng umaga

SCENE 11

BAHAY NI PILOSOPONG TASYO

Ibarra: Ninanais ko po sanang matutunan ang paraan ng inyong pagsusulat at matanto ang inyong layunin

Mang Tasyo: Iho! Ang layunin ko’y maunawaan ang aking kapwa. Hindi ako magiging misteryoso

Ibarra: Saan po kayo nakakuha ng panahon para pagtagli tagliin ang mga bagay?

Mang Tasyo: Ako kasi, ang klase ng taong masaklawin. Ibarra! Alam ko ang pinuntahan mo dito. May balak kang
magpatayo ng paaralan dito sa San Diego.

Ibarra: Oho! Para po maipagpatuloy ko po ang tulong na naibigay ng aking ama

Mang Tasyo: Mapanganib ang iyong balak. Hindi pa ito ang tamang panahon. Ang iyong pagbabalik ay nalalabungan ng
trahedya na piligro ang dala

Ibarra: At pano niyo po iyon nasabi?

Mang Tasyo: Marami kang kaaway rito Crisostomo yan ang binunga ng kapalanuran ng iyong angkan. Ibarrang Ibarra.
Naipalagay ang paggalang at paghanga ng mga tao. Matatamo sa pamamagitan ng pagmalas ng mabuting halimbawa.
Gusto mo ng kalayaan, ng asenso sangayon naman ang lahat sayo. Pati mga pari kaya lang hindi mo inuunawa na ang
gusto nila pagka totoo. Ang kanilang panaginip na walang binabago kahit ano hindi mo ba nakikita na kapag humihingi ka
ng pagbabago intindi sayo, sila ang nagkakamali dahil sino pa ba ang ating sisisihin kung ba’t ganito ang ating katayuhan

Ibarra: Ngayo’y hindi ko masabi kung ika’y nagbibiro o hindi

Mang Tasyo: Mas seryoso pa nga ako kapag ako’y nagbibiro

Ibarra: Subalit bilang isang mananaliksik ikaw ang dapat unang makatalo, na walang makakapigil sa pagbabago

Mang Tasyo: Hindi ko naman sinasabing kinakailangang ipagpaliban ng ipagpaliban ang pagbabago

Ibarra: Huwag na nating talakayin ang mga mabibigat na usapin ang gusto ko lamang naman ay magpatayo ng paralan
para sa mga bata. Para mabigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng mas magandang buhay

Mang Tasyo: Huwag mong linlangin ang iyong sarili kapwa natin natatalo ang isang maliliit na bagay at nabubukod ang
rebolusyon

Ibarra: Ano po ang inyong payo

Mang Tasyo: Huwag manghimasok sa kaluluwa ng ibang nilikha

Ibarra: Kung susunduin ko ang inyong payo, tingin niyo liligaya ako

Mang Tasyo: Hindi kaligayahan ang pinag uusapan natin kundi kung paano natin magawang mabuhay.
SCENE 12

Elias: Don Chrisostomo, salamat sa Diyos at nakita rin kita at makakusap.

Ibarra: paano mo naman nalaman ang aking pangalan?

Elias: hindi na importante yon, puno ng panganib ang mundong ito para sa iyo Ibarra, ipag paumanhin niyo po kung
nagulat ko ho kayo, ang ngalan ko ay Elias.

Ibarra: pasensyana kana, ngunit paano ako makakasiguro na totoo ang iyong sinasabi?

Elias: binabalaan lang kita, dahil malubha ang gagawin nila sa iyo, ibig ko lamang ipaalala sayo na lumugar ka sa
maraming tao. Huwag na huwag kang mapag-iisa.

Ibarra: ngunit paano…..

Elias: magtiwala ka lang kung nais mo pang mabuhay, ako’y mauuna na. paalam Ibarra.

Ibarra: Salamat.

SCENE 13

Boy 1 armado: tao po.

Sisa: basilio narito na si nanay. Basilio? Nasaan ang aking anak? Sino kayo? Bakit kayo naririto?

Boy 1 armado: manahimik ka! Kami dapat ang nagbibigay ng tanong dito!

Boy 2 armado: ikaw ba ang ina ng dalawang magnanakaw?

Sisa: magnanakaw? Hindi magnanakaw ang aking mga anak!

Boy 2 armado: sabihin mo ang totoo!

Boy 1 armado: kung hindi itatali ka namin sa punong ito.

Boy 2 armado: nasaan ang pera?

Sisa: maawa ho kayo sa akin. Walang rason upang magnakaw ang aking mga anak. Sanay na kaming magdusa sa mga
paghihirap na tinatapon sa amin.

Boy 2 armado: sumama ka sa amin. Nakikita mo ba ang punong ito?

Sisa: sumama? Sa inyo? Senior, hindi ako aso o hayop na itatali lang ng basta basta sa puno.

Boy 2 armado: hindi ka talaga mananahimik no? ayaw mo sumunod?

Boy 1 armado: oh mukhang magkakasundo na lamang tayo kung ganito, maglakad na lamang tayo papunta sa bayan.

Boy 2 armado: manatili ka lamang dito sa pagitan namin.

Boy 1 armado: walang hihinto hinto sa kamalig, ibaba mo yang hawak mo.

Boy 2 armado: ano pang hinihintay mo?

Boy 1 armado: mauna ka ng maglakad.

SCENE 14

ANG PANANGHALIAN

Sinang: Crisostomo, binabati kita sa tagumpay ng iyong plano na magpatayo ng paaral dito sa San Diego. Siguradong
marami kang matutulungan na mga bata.

Ibarra: Salamat Sinang.


Kapitan Tyago: Anong ibibigay mong pangalan sa iyong paaralan?

Ibarra: hindi ko na ho pag iisipan, malamang ay skwelahan de instuitution premaria na lamang.

Kapitan Tyago: ha? Kalokohan. Wala kang makukuha diyan. Ang iyong ipangalan ay paaralan ng San Francisco. Wala
akong kilalang santo na ang pangalan ay intuitution.

Tiya Isabel: Tyago, may dumating na ang telegram mo.

Kapitan Tyago: Salamat. Mga Padre, ginoo’t binibini, ipagpaumanhin ngunit koý aalis muna, sapagkat mayroong
ipinadalang telegram ang heneral at sinasabing siya ay tutuloy sa aking tahanan. Akoý maghahanda lamang sa kaniyaang
pagdating.

Maria: nasaan si Padre Damaso?

Padre Damaso: abaý isang salu-salo, nakalimutan niyo siguro akong anyayahan. O sadyang hindi nararapat na akoý
mapa rito.

Sinang: Kinukwento lamang ni ginoong Crisostomo ang mga taong tumulong sakanya sa pagpapatayo ng paaralan at mga
arkitektong gumawa ng plano.

Padre Damaso: huh, ano? Abaý napakadali lang ng arkitekto saakin. Nakita mo ang simbahan? Ako ang nagplano non.

Ibarra: ngunit kailangan ko ng isang eksperto sa paggawa ng gusali, tulad ng mga simbahan at paaralan.

Padre Damaso: natatawa ako sa mga kumukuha pa ng serbisyo, pinapahalata nila na sila ay mga mang mang. Ang isang
kwarto lamang ay nilalaman ng apat na pader at isang bubong. Abaý napakadali, nagpapatawa ka yata Ibarra. Ang mga
Indio talaga, kapag natuto ng kaunti masyado na agad nagiging mayabang, sa oras na matuto siya ng isang bagay siya ay
isang dalubhasa. Ang bawat ilong ay ilalagay sa Europa, kaya ayan ang mga magulang ay namamatay at napaparusahan.

Ibarra: bawiin ninyo ang iyong sinabi!

Padre DAmaso: bakit? Totoo naman ang aking mga sinabi.

Ibarra: ang ama ko ay mabait na tao!

Maria: Crisostomo!

Ibarra: marangal siya at gusto niya lamang mapabuti ang bayan!

Padre Damaso: siguro nabulag ka na dahil sa tagal mo sa europa!

Ibarra: manahimik ka!

Maria: Crisostomo tama na!Crisostomo.

Padre Damaso: pagsisihan mo ulit ang ginawa mong ito Ibarra. Huwag na huwag ka ng tatapak sa tahanan ng Panginoon.
Tamasahin mo ang buhay ng pagiging estomo de dado

SCENE 15

ARAW MATAPOS ANG PANANGHALIAN

Tiya Isabel: Tama na iha, tatanggalin din ang kaso ni Ibarra. Maayos din ang lahat. O? ano naman ang nangyari sayo
Tyago? Magbigay ka naman ng kasagutan.

Kapitan Tyago: nangyari na ang aking kinakatakutan. Inuutos ni Padre Damaso na itigil na ang pag-iisang dibdib ng
dalawa. Kung hindi ko gagawin iyon, hahatulan niya ako sa buhay na ito. Ayyy! San Antonio. Kung alam mo lang, kung
alam mo lang. ngunit may pamangkin si Padre Damaso na kagagaling lamang sa espanya. Si Alfonso Linares, nais ni
Padre Damaso na ikasal kayong dalawa ni Linares.

SCENE 16
SA BAHAY NI CRISOSTOMO

Ibarra: hay! Bakit puro na lamang pagdurusa ang mga dinaranas sakin! Aalisin na nga ang aking sinisinta, pati ba naman
ang aking dignidad?

(knock)

Ibarra: Elias?

SCENE 17

CONTINUATION OF SCENE 15

Tiya Isabel: nahihibang ka ba? Sa tingin mo bay ang pagpapalit ng kasintahan ng iyong anak ay tulad ng pagpapahiram
ng blusa?

Kapitan Tyago: yun lamang ang laban ko kay Padre Damaso, binabatahan nila ako ng ekskomunikasyon, at hindi lamang
ang aking mga kaluluwa ang nanganganib. Pati ang aking katawan. Ang aking katawan Isabel. Maria, mas mabuting
magkaroon ka ng kasintahan kaysa mawalan ng pera. Ako, nawala ang iyong ina nakita mo akong lumuha? Kahit isang
patak? Kaya tapos na ang usapan, wala na akong dapat ipaliwanag pa.

SCENE 18

SA BAHAY NI CRISOSTOMO

Ibarra: O Elias, bakit ka naparito?

Elias: Ibarra kailangan mo ng umalis ng San Diego.

Ibarra: at sa ano namang dahilan?

Elias: alam kong nais mong gumanti sa mga makapangyarihan sa pagtitiwalag at kaapihan . ngunit kailangan mo ring
umalis upang inosente ka sa asunto.

Ibarra: at ang pag-alis lamang ang tanging makakpagligtas sa akin?

Elias: may sabwatan tungkol sayo na kumakalat dito sa San Diego. sunugin mo lahat ng iyong talaksan ng mga papeles
dagil magagamit nila ito laban sayo.

Ibarra: kung gayunman, tara na at lumisan. Sandali lamang at aayusin ko lamang ang aking mga gamit.

(pinaki alaman ni Elias ang gamit ni Ibarra at napansin ang pisang papel na may pangalang nakalagay)

Elias: Pedro Ibarra Mendiya? May kaugnayan ka don?

Ibarra: oo, lolo ko siya sa tuhod. Bakit mo naman naitanong?

Elias: si Pedro? Kaanak mo? Ngunit bakit iba ang kaniyang apilyido?

Ibarra: ah, pinaikli ko lamang.

Elias: (hinugot ang kutsilyo)

Ibarra: o Elias? Ano ang nangyari sa iyo?

Elias: kung si Pedro Ibarramenhiya, ang lalaking miserable at sanhi lahat ng pagdurusa ng aking pamilya. Pinagdasal ko
sa Diyos na mahanap ko siya upang makaganti, ngunit dinala ako sayo. Tumingin ka sa akin! (tutok ang kutsilyo) at nang
Makita mo kung paano ako nag hirap.

Ibarra: Elias bitawan mo yan!

Elias: ikaý may pera, tahanan, pagmamahal at respeto. Nabuhay ka Crisostomo! E ako? Anong gagawin ko?
SCENE 19

(Naglalakad si Sisa)

Sisa: Crispin? Basilio? Bumalik na kayo

Pinaghanda kayo ni nanay, tara na kakain tayo

(Baliktanaw)

Donya: Wala ka talagang balak ibalik ang ninakaw mong pera.

Sisa: Uuwi na ang inyong ama para buo tayong pamilya diba? Anong gusto nyo?

(Baliktanaw)

Crispin: Wala akong ninakaw sainyo nagmamakaawa po ako wala po talaga akong ninakaw.)

(Magkakasalubong sila Basilio at Sisa sa daan)

Bisilio: Nay?

Sisa: Crispin?

Basilyo: Nay si Basilio po!

Sisa : Sino ka? sino ka?

(Baliktanaw)

Donya: Wala ka talagang balak ibalik! Malilikot talaga ang mga kamay nyong mga dukha.

(Tumatakbo si sisa at sinundan ni Basilio.)

Sisa: Sino ka?

Basilio: Nay

(Baliktanaw)

Crispin: Wala po talaga akong ninakaw! Nanay! Kuya! Tulong kuya! (nagmamakawa at umiiyak

Basilio: nay! Nay bakit ka tumatakbo nay? Saglit lang ( Hinahabol ang kanyang ina) Nay!

SCENE 20

(Pumapanhik si Crisostomo Ibarra sa may hagdaan at nakita si Maria Clara)

Ibarra: Clara?

Maria: Crisostomo? Anong ginagawa mo rito?

Ibarra: Nandito ako upang sabihin sayo

Maria: Alam mo na?

Ibarra: ang alin?

Maria: Pasensya na at nagamit ko ang iyong liham laban sa iyong kaso. Ngunit kung alam ko lang na ganito ang
mangyayari ay hindi ko iyon ibinigay. Sa isang gabi ng aking pagluluksa may isang lalaking nagbunyag kung sino ang
aking tunay na ama. At pinagbawal akong mahalin ka maliban na lamang kung patatawarin ka ng aking tunay na ama.

Ibarra: hindi ka ba makakatangi?

Maria: Pag daw binigay ko ang liham. Sasabihin nya sa lahat kung sino ang aking tunay kong ama. Pinakita nya sa akin
ang huling sulat ng aking ina na nagpapatunay ng katotohanang ito. Ayaw kong haruhaginan ang pangalan ni Kapitan
Tiyago at ng aking ina.
Ibarra: Naiintindihan ko Maria

Maria: Nginit napupuot ka sa akin at ang iyong galit ay sisira asa akin hanggang sa mamatay ako. Gayonman mamahalin
parin kita.

Ibarra: Maria tatandaan mo mas mahalaga ka kaysa sa isang liham. Nasaktan ako sa iyong ginawa ngunit ano ang aking
gagawin? Papatawarin parin kita sapagkat nagawa mo ito dahil lubos ang iyong pagmamahal.

Maria: Hindi ko kakalimutan ang mga panunumpa ng katapatan ng puso ko para sayo Crisostomo

Ibarra: Paano moto magagawa? At mag-iiisang dibdib na kayo ni Linares.

Maria: Ang hinaharap ay madilim at ang tadhana natin ay mamamalagi sa anino nito. Tumakbo ka na ika’y mag iingat sa
panganib na nakapaligid

Ibarra: Hinding hindi kita makakalimutan Maria

SCENE 21

(Naabutan ni Basilio ang inang si sisa na nakaupo at nilapitan nya ito)

Basilio: Nay! Ako to ang anak mo si Basilio

Sisa: Lumayo ka sa akin

Basilio: Nay ako to! Ang anak mo si Basilio.

Sisa: Basilyo? Salamat sa Dios Buhay kapa pangako ni nanay hindi na tayo maghihiwalay muli. Basilio anong nangyayari
sayo? Basilio anong nangyayari…… Basilyo!

SCENE 22

(Hinahabol ng mga Guardia sibil sina Ibarra at Elias.)

Mga Guardia: Nasaan na kayo? Kaya nyong tumakbo pero di kayo makapagtago.

Ibarra: Doon

Elias: Tara…. pasensya na sa nangyari Crisostomo hindi dapat kita tinulad sa iyong kamag-anak.

Ibarra: Pasensya kana rin sa nangyari sayo Elias. May plano kana ba?

Elias: Oo itatago kita sa bahay ng kaibigan ko sa Mandaluyong at papadalhan kita ng perang nakuha ko upang makaalis
kana ng bansa.

Ibarra: sa Europa?

Elias: Oo para mabuhay ka ng payapa may mga kaibigan ka doon at pera kung tutuusin mas maganda doon kesa sa ating
bansa

Ibarra: Elias ang kamalasan mo ay dahil sa pamilya ko. Sinabi mo pumunta ako ng ibang bansan sa Europa sumama ka,
Hindi lamang pasalamat ang ibigay ko sayo pwede tayong maging magkapatid doon.

Elias: Posble Hindi ko man kayang lumigaya sa bansang ito pero kaya kong mamatay rito. Parehong pangalan ang
tinitibok ng ating puso ngunit parehong kamalasan ang umaapi sa ating mga damdamin.

Ibarra: Bakit mo ipinahiwatig na umalis ako?

Elias: Kaya mong sumaya kahit saan Crisostomo Hindi ka para sa paghihirap. Minahal o ang pilipinas dahil tinuro ito ng
iyong ama syempre mamahalin natin ang nagpapasaya sa atin. Ngunit pagnahanaop mo ang sarili mong pagdurusa
tatalikuran mo ang lahat.

Ibarra: hay! Masakit pero tama ka Elias inalis ng kasawian ang aking kakayahan at ngayon nakikita kona ang malalang
cancer na kumakalat sa ating lipunan. Hindi ka kriminal kapag pinaglaban mo ang iyong bayan kabaliktaran pa nga.
Elias: Ikaw ang aming kinabukasan Crisostomo. Nais kong magparito pag nandito na ang pag-asa kaya salamat ngunit
hindi ako sasama.

Ibarra: Sasama ako sayo Yun lang ang iisa at huli kong desisyon hindi kong hahayaan na aalis sila kasama ang aking
kasiyahan ng walang parusa.

Elias: Hindi maaari Crisostomo Ngunit kailangan na nating pumuntang gubat nandyan na ang mga Guardya Sibil Tara!

SCENE 23

(Nakahiga si Basilio sa hita ng kanyang ina at nagising ito.)

Basilio: Nay! Nay? Nay! Nay wag mo akong iwan nay! Nay!

SCENE 24

(Tumatakbo sila Elias at Ibarra patungong kagubatan at habol hininga sa sobrang pagod)

Elias: kaya mo pa bang magtago? tatakbo akong palayo habang naririto ka’t nagtatago.

Ibarra: Hindi! Hindi maaari dito kalang marami pang ibang paraan

Elias: Nakita mo bang mga armas nila

Ibarra: Oo

Elias: Ito lang ang pinakamadaling paraan

Ibarra: Hindi mapanganib

Elias: May mas malala pang hamon dati Nangangako ako sa Disperas ng Pasko magkikita pa tayo sa Libingan ng iyong
lolo

Ibarra: Maraming salamat sa lahat-lahat Elias hanggang sa muli nating pagkikita kapatid.

Elias: Hanggang sa muli

SCENE 25

(Nakatayo si Maria Clara sa balkunahe at inaalala nya ang huling sandali nila ni Crisostomo)

(Baliktanaw)

Ibarra: Mahal na mahal kita (nakayakap kay Maria) Hanggang sa muli nating pagkikita.

(pumasok si Kapitan Tiago at nakita nya si Maria Clara)

Kapitan Tiyago: Clara anak bat naririrto ka at mag-isa? Ano ang dahilan pina-iyak kaba ni Linares?

Maria: Pwede ho po bang wag na natin pag-uusapan ang lalaking iyon ni banggit ng kanyang pangalan. Patay na po si
crisostomo wala ng silbi ang buhay ko.

Kapitan Tiago: Clara marami pang lalaki rian anjan naman si linares para sayo.

Maria: Wala ho akong pake kay Linares mas masisisyahan pa akong mag-madre at pumasok sa kumbento kesa ipakasal
sa lalaking iyon

Kapitan Tiago: Kumbento? Clara yan na lang ba ang tunay na magpapasaya sayo?

Maria: Mas nina-nais ko pang pumasok sa kumbento kesa pumasok sa simbahan at ipakasal sa taong hindi ko naman
mahal
SCENE 26

(Nakita ni Elias si Basilio kasama ang walang buhay na ina.)

Elias: Ikaw ba ang kanyang-anak? Ano ang gagawin mo?

Basilio: Opo, ililibing ko po sana sya

Elias: Sa cementeryo?

Basilio: Wala pa po akong pera at hindi ako papayagan ng mga Pari maaari nyo po ba akong tulungan?

Elias: Mahina na ako iho may sugat ako dalawang araw akong walang tulog at kain wala ba talagang pupunta ngayon? Sa
pampang may mga kahoy ipatong mo ang aming mga bangkay hanggang sa kami’y maging abo. Pag wala ng dumating
maghukay ka’t makakahanap ka ng ginto. Makinig ka sayong sayo na iyon.

Basilio: Opo salamat po kukuha na po ako ng kahoy

Elias: Ako’y mamamatay na hindi makikita ang pagbubukang liwayway ng aking tinubuang bayan ikaw na makakakita
nito butihin mo ito wag kalimutan ang mga duguan sa gabi.

(Sa video na last maari tayong mag siga ng mga kahoy para kunyari sinunog ni basilio ang labi ng kanyang ina at ni
Elias.)

THE END! NOLI ME TANGERE

You might also like