You are on page 1of 61

SCRIPT FOR NOLI ME TANGERE

KABANATA 1- ANG PAGTITIPON


Narrator: Sa kapanahonan ng kadiliman marahil ay maraming nagdurusa, maraming
nagtatahimik ngunit napapahamak. Oo, masasabi kong may nararamdang takot, mga
paghihinagpis, karaingan at kalungkutan na nararanasan ng sambayanan , hihintayin ko
na ito ay lilipas, malayo sa mga kabiguan at pang – aapi. “Kaya kayong mga kalaban ko,
mga dayuhan, huwag na huwag niyo akong salingin.
(I-flash ang title ug uban pa nga mga pre-credits)
(Dumating ang mga bisita)
[Makikita si Tiya Isabel na nag-aabot ng sigarilyo at hitso sa mga dayuhang babae
habang ang mga babaing Pilipina naman ay kusang humahalik sa kamay ng matandang
babae. Narinig ni Tiya Isabel na tila may nabasag na pinggan at mabilis nyang
nakapagsalita]

T. Isabel: Mga walang ingat! Ano bang nangyari?

[Nahahati ang bulwagan ng bahay sa dalawa. Sa isang banda naroon ang mga
kalalakihan at mga kababaihan. Nagkakasiyahan sila habang nagpapalitan ng mga
koru kuro at biruan. Sa isang banda naman makikita sila Padre damaso ang dating
padre kora ng San Diego, si Padre Sibyla na kora ng binundok, si Ginoong Laruja at
Tinyente Guevarra. Huling dumating si Victorina at Tiburcio. Kung ikukumpara mo sila
mas maingay pa ang apat na nabanggit at ang pinakamaingay sa kanila ay si Padre
Damaso.]

P. Damaso: Tsss! Nakakayamot ang bansang ito, halatang iba ang pamamahala dito kesa
Madrid at ang masama pa puro mga indio ang nakatira! Ayoko talaga sa mga indio.
Kaaalis ko pa lamang sa bayan ng San Diego pagkatapos ng 20 taong panunungkulan. At ng
ako’y umalis, sino ang naghatid sa akin? Kakaunti lang at mga matatanda pa! Mga walang
modo! Walang pasasalamat!
G. Laruja: Magdahan-dahan kayo Padre Damaso, pagkat nasa ilalim tayo ng bubong ng isang
Indio!
P. Sibyla: Tama siya, Reverencia. Baka magdamdam si Kapitan Tiago.
P. Damaso: Hmp! Huwag kayong mag-alala. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili
niya bilang Indio. Malayong-malayo na siya sa ganoong mga walang galang na tao.
G. Laruja: Sigurado naman hong hindi naman kasing-saklap ng nangyari sa inyo ang sa amin.
P. Damaso: Naku! Sigurado akong nagsayang ka lamang ng pera sa pagpunta rito. Wala kang
ibang kakainin kundi tinola sa mga handaan at matutulog na hindi nasisiyahan.
KABANATA 2: SI CRISOSTOMO IBARRA

(Nag siupo na ang lahat. Natigilan ang lahat nang biglang dumating ang maybahay, si
Kapitan Tiago, kasama ang isang mukhang galing sa mahabang paglalakbay.)

K. Tiago: Mga ginoo, ikinalulugod kong ipakilala ang anak ng aking nasirang kaibigang si Don
Rafael.
T. Guevarra: (bubulong kay G. Laruja) Sino kaya ang bisitang kasama ni Don Santiago?
K. Tiago: Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra. Galing siya ng Europa. Sinundo ko siya mula sa
kanyang paglalakbay.
C. Ibarra: Magandang gabi po sa inyong lahat, ikinagagalak ko po na makarating dito at makita
kayong lahat.
(nakipagkamayan si Ibarra sa mga bisita, nakita ni Ibarra ang kura)
C. Ibarra: Aba, Padre Damaso, ang kura ng San Diego. ikinagagalak ko pong
makitang muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. (nakipagkamayan ngunit
hindi tinanggap) Mukhang nagkakamali ako. Patawad ho, Reverencia.
P. Damaso: Hindi ka nagkakamali, hijo. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan
ang iyong ama.
T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra.
C. Ibarra: (yuyukod upang magpakita ng pagsang-ayon)
T. Guevarra: Nawa’y ang kasiyahang napagkait sa iyong ama ay mapasayo.
C. Ibarra: Gracias, señor.
T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit kong makasama ang
inyong ama at masasabi kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na
mamamayan ng Pilipinas.
C. Ibarra: Maraming salamat po sa papuri ninyo sa aking ama.

(Pagkaraan ay makikita si Ibarra na nakikipagkilala sa mga kalalakihan at kababaihan


sa kabilang banda ng bulwagan.)

C. Ibarra: (nagpakilala sa mga kakalakihan) ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Juan


Crisostomo Ibarra.
Kalalakihan: Ikinagagalak ka naming makilala, Crisostomo Ibarra.
C. Ibarra: (ngingiti at matatawa) Kahit na magaganda ang mga taga-Europa ay wala pa ring
tatalo sa ganda ng mga kababaihan sa ating bansa.

(tatawa ang mga kababaihan habang naukas ang mga pamaypay)


KABANATA 3: ANG HAPUNAN

(Natigilan uli ang lahat nang may ipinahayag si Kapitan Tiago.)

K. Tiago: Bueno, kumain na tayong lahat.

(Masayang nagsipuntahan sa hapag ang mga panauhin. Nag-alukan pa ng silya ang


dalawang kura, kahit na parehas nilang gustong umupo sa kaliwang kabisera ng mesa.
Sa huli ay naupo rin si Padre Sibyla sa silya na ikinaama rin ng loob ni Padre Damaso.
Naupo na lamang siya sa tabi ng pari. Tinola ang ipinahanda ni Kapitan Tiago, gaya ng
inaasahan. Nagpasahan na ng ulam. Ang mas masaklap, puro leeg at pakpak ang natira
kay Padre Damaso habang sa iba ay puro hita. Dahil sa sobrang inis ay humigop na
lamang siya ng sabaw at dinurog ang papaya ng may malakas na tunog mula sa
pinggan, at saka padabog na ibinagsak ang kubyertos sa tabi ng pinggan.)

(Nang malapit nang matapos ang hapunan ay nagsalita si Ginoong Laruja…)

G. Laruja: Ilang taon kang nawala sa ating bayan, Señor Ibarra?


C. Ibarra: Pitong taon po, ginoo. Lagi kong iniisip ang aking bayan kahit na ako’y malayo.
D. Victorina: Totoo ba yan hombre?
C. Ibarra: Opo, Doña Victorina. Kahit kalian ay hindi ako nakalimot sa aking bayan. Bukod sa
Inang Espanya ay wala na akong naibigan pa kundi ang ating bansa. Pagkatapos ko kasing
mabasa at mapag-aralan ang kasaysayan at kultura ng isang bansa ay nakalilimutan ko
na rin ang magaganda kong naaalala sa bansang iyon.
P. Damaso: Kung gayon ay isa kang bulag na hangal, hijo. Bakit ka pa nagsayang ng pera upang
pumunta ng Europa yan lang ang nakita mo? Kahit mga paslit sa paaralan ay alam na
iyan!
C. Ibarra: Mga ginoo paumanhin po at ako po ay aalis, ako po ay lalakad bukas kayat maraming
dapat lutasin, mga ginoo ….. sa ikabubuti ng espanya at pilipinas, (nag cheers). Muchas
Gracias sa hapunan Kapitan.
Kapitan Tiago: Walang anuman, Ibarra. Patnubayan ka ng Diyos sa iyong paglalakbay.
P. Damaso: kita na ninyo , ang resulta ng kaugalian ng kasamaan ng pag-aaral sa Europa,
nagiging mapagmataas!
KABANATA 4: EREHE AT PILIBUSTERO

(Si Ibarra’y lumalakad na di batid kung saan siya patututungo. Sa mahinang lakad ay narating
niya ang Liwasan ng Binundok. Nagpatuloy siya sa daang Sakristiya, naroon ang mga Intsik na
nagtitinda ng sorbetes at mga babaeng nagbibili ng punungkahoy.)
C. Ibarra: (Sa sarili) Diyos ko, sa gabing ito’y parang pangarap lamang ang pitong taon ko sa
(biglang naramdaman ni Ibarra ang isang kamay na nakadantay sa kanyang balikat.
Namalas niya ang tinyenteng nakangiti.)
T. Guevarra: Binata, mag-iingat ka sa mga lihim ninyong kaaway. Ang nangyari sa inyong ama ay
dapat maging isang aral sa inyo.
C. Ibarra: Ipagpatawad ninyo sa wari ko’y naging mahal sa inyo ang aking ama. Ngunit sa aking
pagkakabatid ay wala ako o kahit ang aking ama na mga lihim na kaaway.
T. Guevarra: Madalas ang sobrang kapanatagan ay nagdadalasa atin sa ilang kapahamakan.
(tumigil at nagmuni-muni bago sumagot ulit) Hanggang sa huling hininga ng inyong
amang si Don Rafael ay hindi siya makapaniwala na mayroon pala siyang nagtatagong mga
kaaway.
C. Ibarra: (maluha-luha) Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit si Kapitan Tiago ay nag-
aalangan na magsabi sa akin ng mga nangyari sa aking ama. Ngunit bakit siya nakulong
sa piitan? Ano ang naging kasalanan niya?

(playback ng storya at ang magsasalita bilang Narrator ay si T. Guevarra)


T. Guevarra: Ang iyong ama, gaya ng alam ng mundo ay isa sa mga kagalang-galang na tao sa
buong San Diego. Ngunit kinaiinisan at kinamumuhian rin siya ng iba sa kanyang mga
kababayan. Dahil sa siya ay may naiibang pilosopiya mula sa nakararami, pinapalagay
ng mga kaaway niya na siya ay isang erehe at pilibustero. Mula sa pulpito ng simbahan ay
ikinakalat ni Padre Damaso ang kanyang mga pasaring sa iyong ama.
T. Guevarra: Minsan ay may isang Artilyero na nangongolekta ng tributo sa mga mamamayan.
Ang Artilyerong ito ay mangmang at hindi marunong magbasa at sumulat. Galit ang
mga tao sa kanya dahil sa kanyang kalupitan. Upang makaganti, ang ibang mga
mamamayan ay kasama ang kanyang kapatid ang nanloko sa kabesa.
Bata 1: (natatawa)Ginoo, maari mo bang basahin ang laman ng sulat?
Artilyero: Umalis kayo sa dinaraaanan ko kung ayaw niyong makulong sa kwartel!
Bata 2: Talaga? Ikukulong mo kami? Basahin mo muna ito.
Bata 1: Ano ka ba, hindi siya makababasa. Kasi, mas matalino ang tiyan niya kaysa sa ulo niya!
(tatawa kasabay ni Bata 2)
Artilyero: Mga lapastangang bata! (pinagsisipa at pinagsusuntok ang mga bata)
T. Guevarra: Nakita noon ng ama mo ang nangyari kaya’t sumaklolo ito sa mga bata.
D. Rafael: Maawa ka sa mga bata, Ginoong Kabesa. Huwag mo silang saktan!
Artilyero: Huwag kang makialam dito, tanda! (susuntukin si D. Rafael)
(Nasalag ni D. Rafael ang suntok at inindahan ng kanan sa pisngi ang kabesa. Nabuwal
ang kabesa at nabagok ang ulo sa isang usling bato.)
D. Rafael: Iyan ang dapat sa iyo.
T. Guevarra: Nakita iyong ng mga tao. Sinaklolohan nila ang Artilyero at naidala sa
pagamutan. Kinalaunan ay namatay ang Artilyero, na siyang ikinakulong ng iyong ama,
Ibarra. Lumabas ang kanyang mga lihim na kaaway, kasama si Padre Damaso. Malapit na sana
siyang mapalaya noong hindi mapatunayan sa tribunal ang kanyang kasalanan, ngunit
inakusahan siya ng iba pang salang hindi niya ginawa. Lumipas ang ilang taon at hindi
na malaman ang tunay na sakdal
sa kanya. Naroong siya’y kasama sa ilang himagsikan ng mga tulisan, nangamkam ng
mga bukid, isang erehe at pilibustero, nagbabasa ng mga pahayagan mula sa Madrid,
nagtatago ng mga liham at larawan ng isang binitay na pari, at marami pang iba.
Nagusot nang nagusot ang usapin.
Sa wakas ay umiral din ang katwiran. Mapalalaya na siyang muli dahil sa kawalan ng
ebidensya sa mga paratang. Ngunit sa kasawiang-palad, namatay na ang iyong ama
dahil sa hindi magandang kondisyon sa piitan. Nabulok siya sa bilangguan dahil sa kanyang
kayamanan. Patawad Señor Ibarra.

(kasalukuyan)
C. Ibarra: (naluluha) Ngayon ko lang nalaman ang tunay na nangyari sa aking mahal na ama.
Napakalupit ng sinapit ng aking ama.
T. Guevarra: Patawad po ngunit kailangan ko nang umalis. Ipauubaya ko na lamang kay Kapitan
Tiago ang iba pang nangyari upang kanyang ikwento.
C. Ibarra: Muchas Gracias, tinyente sa pagbahagi mo ng iyong alam sa nangyari sa aking ama.
T. Guevarra: De nada, Señor Ibarra.
(Nagpaalam na ang dalawa sa isa’t-isa.)

KABANATA 5: ISANG TALA SA GABING MADILIM

(nag higda ra si Ibarra drea gikan sa hapunan ug storyahanay nila ni T. Guevarra, nag-isip
isip hangtud sa makatulog. Ang party nagpadayun, ang music, ang mga kubyertos, ang
tsismis saba, tawanan)

KABANATA 6: SI KAPITAN TIAGO

(not so important scene, just some conversation of MC, Tiya Isabel, and K. Tiago)
KABANATA 7: ANG PAG-UUSAP SA ASOTEA

(Kinaumagahan, makikita si Maria Clara na nakaupo sa isang silyon katabi ng isang


bintana, abala sa pagbuburda. Bakas sa kanyang kilos na may hinihintay siyang bisita.)

M. Clara: (silip ng silip sa bintana) Mahabaging Panginoon, tanghali na. Ano kaya ang dahilan ng
kanyang pagkahuli?
C. Ibarra: (bumaba ng kalesa) Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang makausap si
Maria Clara.
T. Isabel: Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. (ituturo kay Ibarra ang daan)
K. Tiago: Como estas, Ibarra. Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan.
C. Ibarra: Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong anak.
K. Tiago: Aba’y sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa kwarto at
malamang ay nag-aayos iyon o nahihiya. (susunduin ni T. Isabel si Maria Clara sa kwarto)
Oh, ayan na siya. Maaari na kayong mag-usap sa asotea. kailangan mo ba ng maiinom,
Ibarra?
C. Ibarra: Gracias, Señor ngunit hindi na ho kailangan.
(Maya-maya pa ay makikita na ang dalawang nag-uusap sa asotea.)

C. Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil
kung hindi ay hindi na ako makakikita pa ng isang babaeng katulad mo.
Maria Clara: (may dalang pamaypay at binubukas-sara iyon) Napakatamis ng iyong dila,
Crisostomo. Siguro’y dahil diyan ay nabihag mo ang maraming kababaihan sa mga
bansang iyong napuntahan.
C. Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng
kagandahan. At mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig.
(tumigil ng saglit) Patawad aking sinta, ngunit kailangan ko nang lisanin ang iyong piling.
Bukas ay Todos Los Santos, kaya’t kailangan kong puntahan ang isang tao doon upang
tulungan ako bukas.
Maria Clara: Naiintindihan ko, Ibarra. Nawa’y makapaglakbay ka ng ligtas at matiwasay.
C. Ibarra: Paalam, aking minamahal.
(Halata sa mukha ni Maria Clara ang sobrang kalungkutan.)

K. Tiago: Clarita, kung ikaw ay nababagabag, magtulos ka ng kandila para kay San Roque at San
Rafael. paniguradong gagabayan nila si Ibarra para sa kanyang paglalakbay.
Maria Clara: (magsisindi ng kandila sa altar)

KABANATA 8: MGA ALA-ALA

(magsakay si Ibarra ug kalesa, nag reminisce sya sa mga makit-an niya sa dalan.)
KABANATA 9: MGA BAGAY-BAGAY UKOL SA BAYAN

(Kinaumagahan, aalis sina Tiya Isabel at Maria Clara, nang makasalubong nila si Padre
Damaso na papunta ng kanilang bahay.)

T. Isabel & Maria Clara: Magandang umaga po, Reverencia.


P. Damaso: Magandang umaga rin Isabel, Maria Clara. Mukhang may pupuntahan kayo, ah.
Saan ang inyong tungo?
Maria Clara: Pupunta kami ng Beateryo, padre. Kukunin ko lamang ang aking mga natirang
gamit doon.
P. Damaso: Sige. O bueno, kakausapin ko lamang ang iyong ama. (aantandaan ng krus ang
dalawa) Nawa’y ligtas kayong makapaglakbay.
T. Isabel: Muchas Gracias, Padre.
P. Damaso: (bubulong) Tingnan lamang natin kung sino ang masusunod sa atin.

(Nang umalis na ang dalawa, pumanhik na ng hagdan ang pari habang mukahang may
iniisip.)
P. Damaso: Santiago? Santiago!
K. Tiago: Padre, ano ang sadya ninyo?
P. Damaso: May gusto akong sabihin sayong importante. Doon tayo sa lugar na hindi tayo
maririnig. (aalis ang dalawa sa set)

(At nang matapos ang pag-uusap nila)

P. Damaso: Tandaan mo nang mabuti ang mga sinabi ko sa iyo, Santiago. Iniisip ko lamang ang
inyong kapakanan.
K. Tiago: Naiintindihan ko ho, Padre. Masusunod ang inyong kahilingan.
( Sa pagkabagabag ni Kapitan Tiago ay pinatay niya ang pinasindi niyang kandila kahapon
kay Maria Clara.)
P. Damaso: Bueno, aalis na ako. (bubulong) Sinabi na nga ba at ang kahilingan ko rin ang
masusunod.

KABANATA 10: ANG BAYAN NG SAN DIEGO

VO: Isang magandang tanawin ang makikita sa San Diego. Pinaliligiran ito ng mga mayayabong
na punong kahoy, sagana sa mga pananim tulad ng kape at asukal. Pangangalakal ang uri ng
pamumuhay ngunit karaniwang mura ang pagkakabili ng mga Intsik sa kanilang kalakal.
Nabighani ang isang matandang Kastila sa kalikasang ito lalo nang makita and batis na kay
sariwang tubig. Inalam ng matandang lalaki kung sino ang mga may-ari ng lupain sa bundok na
iyon at binli ito kapalit ng alahas at salapi.

(nagbubulungan ang mga babae)


Babae 1: Ayon sa mga nakaaalala, hindi na raw nakita ang matanda simula noon. May bulung-
bulungan tungkol sa matanda, isa raw itong engkantado ngunit ang ilan nama’y hindi
naniniwala sa kwento.
Babae 2: Karumal-dumal ang paraan ng kanyang pagkamtay.
Babae 3: Talagang nakakatakot and Kastilang iyon. Pati boses ay parang nagmumula sa ilalim
ng balon at ang mata ay palaging nanlilisik.

VO: Hanggang isang araw ay may dumating na binata. Ito raw ay anak ng namatay sa Kastila.
Saturnino ang pangalan nito.

(Saturnino character opening scene)

Pinagyabang ni Saturnino ang kaalaman tungkol sa pagtatanim at pangangaso. Nagsikap ito at


namuhay ayon sa kagustuhan ng ama.

Babae 2: Naging matagumpay ang kabuhayan ng lalaki at nang malaon ay nakapag-asawa. At


ang naging supling nila ay si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo.
Babae 3: Talagang napakabuting tao ni Don Rafael kaya minahal siya ng mga magsasaka. Likas
ang taglay nitong dunong kaya napagyaman ang lupaing minana.
Babae 1: Tunay ngang napakabuti ni Don Rafael sa mga karaniwang tao dito sa San Diego.
Babae 2: Pinanatili ni Don Rafael Ibarra ang yamang iniwan ng mga ninuno at tinamasa ni
Crisostomo Ibarra ang yamang iyon.

KABANATA 11: ANG MGA MAKAPANGYARIHAN

Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang makapangyarihan
kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay
mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay
kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.

Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng


masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinatawag na
Sakristan Tiyago.
Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan.
Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng
alkalde mayor.

Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa


kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bernardo Salvi, isang payat at
batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang
mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si
Pari Salvi ay ang Alperes at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na
mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang
pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga
sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang esposa at paninira
kay Pari Salvi.

Alperes: “Kung pupunta kayo sa kura ay mag-iingat kayo lalo na kung magpapatimpla na siya ng
tsokolate sa kaniyang utusan.”

Minsan ay sabi niya sa kausap.

Kausap: “Bakit po, Alperes? Nanlalason po ba ang kura?”

Alperes: “Kapag nag-utos siya sa utusan na magtimpla ng tsokolate e, ito’y nangangahulugang


malapot. Ngunit kung ang sasabihin niya ay tsokolate a, ang ibig sabihin nito’y malabnaw. Kung
sa bagay hindi naman kayo nakakasigurong kayo’y aalukin ng tsokolateng patpating kura.”

Bagama’t may hidwaan ang alperes at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang
nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang
namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-
kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.

Ang alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay
mga casique.

KABANATA 12: TODOS LOS SANTOS

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod
na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok
kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.
Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato
at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng
libingan.

Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa
pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago
sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.

Sepulturero 1: “Kalilibing palang nitong hinuhukay natin.”

Sepulturero 1: “Kaya naman pala ang baho ng amoy. Tila may dugo pa ata ang buto kaya’t
grabe ang sangsang. May buhok pa ang tao. Masusuka ako sa amoy. Hindi ko matagalan.”

Sepulturero 2: “Para kang taga- tribunal sa selan. Noon nga, may bangkay na pinahukay sa akin
na halos dalawampung araw pa lamang nalilibing. Ang lakas ng ulan noon at namatay pa ang
dala kong ilawan.”

Sepulturero 1: “Nakakakilabot naman ang sinasabi mo.”

Sepulturero 2: “Natanggal ang pako ng takip ng ataul kaya lumabas ang kalahati ng katawan ng
bangkay. Saksakan ng baho ang bangkay at binuhat koi yon sa gitna ng malakas na malakas na
ulan.”

Hindi makapaniwala ang lalaking kinukuwentuhan ng sepulturero.

Sepulturero 1: “Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo hinukay ang bangkay? Sinong nag-utos sa iyo?”

Sepulturero 2: “Sino pa kundi ang kurang malaki.”

Sepulturero 1: “Anong ginawa mo sa bangkay?”

Sepulturero 2: “Para kang guwardiya sibil kung magtanong. Ang utos saakin ng kurang malaki,
ilibing ko sa libingan ng mga Intsik ang bangkay na hinukay ko. Hindi ko nagawa dahil malakas
ang ulan saka malayo ang libingan ng mga Intsik.”

KABANATA 13: MGA UNANG BANTA NG UNOS

Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang
isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang
nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at
sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don
Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng may ipagtapat ang sepulturero.

Sepulturero: “Ang krus po ay sinunog ko na.”

Ibarra at Utusan: “Sinunog!”

Sepulturero: “Utos po ng kurang malaki. Ang kurang namamalo, si Padre Garote.”

Ibarra: “Nasaan ang puntod ng aking ama? Bagama’t wala na itong krus ay nasisiguro kong
natatandaan ninyo kung nasaan ito.”

Sepulturero: “Pero wala narin po ang bangkay.”

Utusan: “Wala pang isang taon mula ng nalilibing diyang ang hinahanap naming, bakit ninyo
huhukayin?”

Sepulturero: “May isang babae na po akong inilibing diyan, halos isang lingo lamang ang
nakakalipas. Ipinahukay saakin ng kurang malaki ang bangkay na hinahanap ninyo para ilipat sa
libingan ng mga Intsik.”

Galit na hinawakan ni Crisostomo ang balikat ng sepulturero atsaka niyugyog ng malakas.


matinding takot ang naramdaman ng sepulturero.

Ibarra: “Anong ginawa mo sa bangkay ng aking ama?!”

Sepulturero: “Hindi ko naman po inilibing ang inyong ama sa libingan ng mga Intsik. Naniniwala
po akong mas makabubuting anurin na lamang ang bangkay kaysa mapalibing sa libingan ng
mga Intsik kaya’t itinapon koi to sa ilog.”

Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot
at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit
nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang
may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

KABANATA 14: SI PILOSOPO TASYO


Pilosopong Tasyo: "Nariyan pala kayo ginoo!"
Don Crisostomo Ibarra: "Naabala ko po ata kayo."
Pilosopong Tasyo: "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
Don Crisostomo Ibarra: "May isasangguni lamang po sana ako sa inyo."
Pilosopong Tasyo: "Ano iyon?"
Don Crisostomo Ibarra: "Nais ko po sanang humingi sa inyo ng payo gaya ng ginagawa ng aking
ama noong siya'y nabubuhay pa. Nais ko po sanang magpatayo ng isang paaralan at
bilang pag-alala na rin ito sa aking kasintahan."
Pilosopong Tasyo: "Matagal ko ng pangarap iyan. Pangarap ng isang baliw. At iisipin din ng mga
tao na baliw kayo dahil humihingi kayo ng payo sa pingkakamalang baliw na katulad ko.
Don Crisostomo Ibarra: "Naniniwala ako na mangyari ang aking plano na walang sagabal."
Pilosopong Tasyo: "Matutuloy ang inyong plano kung hihingi ka ng tulong sa kura o kapitan.
Kung pagkakaitan kayo ng tulong ng mga taong may hawak ng kapangyarihan ay tiyak na
mabibigo kayo."
Don Crisostomo Ibarra: "Totoong makapangyarihan ang kura. Subalit hindi ako lubusang
naniniwala sa mga mapang-abusong lakas at kapangyarihan. Ang taong bayan ay
maniniwala sa katuwiran at pamahalaang may mabuting hangarin."
Pilosopong Tasyo: "Ang pamahalaan ay walang ibang pinakikinggan kundi ang kura. Ang mga
mamamayan ay patuloy paring magiging alipin ng pamahalaan hangga't hindi nito
pinapapakinggan ang mga hinaing ng mga taong bayan."
Don Crisostomo Ibarra: "Parang isang pagmamalabis ang inyong pahayag."
Pilosopong Tasyo: "Ang España ay may malasakit sa Pilipinas. Kung may pagkakamali man sila'y
sinisikap nilang itama ang kanilang pagkakamali. Gumagawa sila ng paraan para
mapabuti ang bayan na ang mga nanggaling na utos sa itaad ay hindi ipinapatupad
pagdating sa ibaba.Ang yumokod o hindi yumokod sa may kapangyarihan, ang kapalit ay
kapahamakan."
Don Crisostomo Ibarra: "Hindi ko ba maaaring mahalin ng sabay ang España at ang aking
bayan?Bakit ako yuyukod kung hindi kailangan, bakit ako susuko kung kaya ko namang
lumaban?"
Pilosopong Tasyo: "Sapagkat ang lupaing iyong tinatakpan ay nasa kapangyarihan ng mga taong
nagpapahalik sa kanilang mga kamay."
Don Crisostomo Ibarra: "Nagpapahalik ng kamay? Hindi niyo ba alam na sila ang may
kagagawan sa pagkamatay ng aking ama?
Pilosopong Tasyo: "Ang umiwas sa punglo ay hindi kaduwagan subalit kamangmangan ang
sumagupa sa kamatayan. Huwag niyo munang gawin ang inyong plano hangga't hindi pa
ninyo lubusang natatanggap ang pagkamatay ng inyong ama."
Don Crisostomo Ibarra: "Pagkatapos ng lahat, makakalimutan kaya ng kura ang ginawa kong
kalapastanganan?!"+
Pilosopong Tasyo: "Mabigo man kayo. Nakakatuwang ginawa ninyo ang nararapat ninyong
gawin."
Don Crisostomo Ibarra: "Naniniwala na ako sa inyong sinasabi.Maraming salamat po at ako'y
aalis na!"
Pilosopong Tasyo: "Sige iho, mag-ingat ka!"
KABANATA 15: ANG MGA SAKRISTAN

Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin
at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang
inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino
na sila ay hilahod sa hirap.

Crispin: “Kuya, natatakot ako umuwi na tayo. Tiyak na hindi papaya ang nanay na pinapalo ako.
Kung magkakasakit ako’y aalagaan ako ni nanay at hindi na niya ako pababalikin sa kumbento.”

Basilio: “Hindi tayo maaaring magkasakit, Crispin. Mamamatay tayo sa gutom.”

Crispin: “Saatin ay walang magpaparatang na isa akong magnanakaw.”

Crispin: “Magkano ang ibabayad nila satin kuya?”

Basilio: “Dalawang piso, malaki ang nabawas dahil sa ilang beses na multa.”

Crispin: “Kuya, bayaran mo nalang ang sinasabi nilang ninakaw ko para hindi na nila tayo
pagbintangan.”

Basilio: “Hindi kakasya ang pera natin.”

Basilio: “Ang kinatatakutan ko ay baka malaman ni inay ang nangyari.”

Nag-iiyak si Crispin dahil sa takot sa ina. Inalo naman siya ni Basilio.

Basilio: “Tahan na. umuwi na tayo dahil nagluto si nanay ng masasarap na pagkain.”

Dumating ang Sakristan Mayor at galit na sinabing mumultahan niya si Basilio ng bente singko
dahil sa maling pagtugtog ng kampana.

Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya
inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero
sinanslaa siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang
hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng
gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero
biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan
hanggang sa sila ay lamunin sa dilim.

Crispin: “Kuya!! Papatayin nila ako! Huwag mo akong iiwan!”


Walang nagawa si Basilio, naiwan siyang nakatulala habang nakatayo parin sa dati niyang
pwesto nang mahimasmasan ay nagpasya siyang tumakas upang humingi ng tulong sa ina dahil
sa nangyari kay Crispin. Pinagdugtong-dugtong niya ang lubid ng batingaw at itinali sa
barandilya ang haligi. Doon siya nagpadausdos pababa ng kampanaryo.

KABANATA 16: SI SISA

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-
San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-
anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May
isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa


buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang
ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa
ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang
pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng
sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang
bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at
namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo
at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay
Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong
hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng
puntahan niya ang mga ito sa simbahan.

Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang
kanilang ama. Takam na takma sa pagsubo ang lalaki habang nababaala naman ang mukha ni
Sisa dahil hindi maawat sa pagkain ang asaang gutom na gutom.

Sisa: “Hindi mo ba hihintayin ang mga anak mo? Sabi ni Pilosopong Tasyo ay nakakabasa na si
Crispin at si Basilio ay mag-uuwi ngayon ng kaniyang sahod.”

Wala sanang balak pansinin ni Pedro si Sisa pero nang mabanggit nito ang tungkol sa sahod ay
nagsalita ito.

Pedro: “Itabi mo na lang ako ng piso.”


Nang mabusog ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin
pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.

Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang
dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang
pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang
darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw
sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng
kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya
ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng
gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

Basilio: “Buksan niyo ang pinto nanay! Buksan niyo!!”

KABANATA 17: SI BASILIO

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang
dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat.

Sisa: “Anak anong nangyari sa’yo?”

Basilio: “Huwag na po kayong mag-alala inay.”

Sisa: “Asan si Crispin, anak?”.

Basilio: “Naiwan po sa kumbento.”

Sisa: “Bakit? Anong nangyari? Bakit siya nagpaiwan?”

Basilio: “Kinuha siya ng sacristan mayor dahil pinagbintangang magnanakaw. Ayaw pa nga
akong pauwiin ngunit sa takot kong ako’y abutan ng alas-diyes at mahuli ay tumakas na ako sa
kumbento. Nahuli parin ako at pinaputukan kaya’t nadaplisan ako sa noo.”

Sisa: “Mahabaging Diyos iligtas niyo po ang mga anak ko.”

Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad lamang nila ang
nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na
sinayasat ng ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama
tumitiking ng bugbog ang ina nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang
kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.

Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si
Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao.
Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang
napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang
balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na nilang magkakapatid
ang pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na
kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya
kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi
isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

KABANATA 18: MGA KALULUWANG NAGHHIRAP

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan.
Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang
pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang
coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa
pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang
nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang
pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga
manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at
Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni
Sisa.

Siya ay mayroong dalang bayong na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang
halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing
salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya
sa kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit
hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento.

Sisa: “Narito ang mga gulay para sa kura.”


Nakangiti niyang sabi.

Ngunit wala ni isa sa nandoon ang pumansin sa kaniya. Kaya nagkusa na lamang si Sisa na
ayusin ang mga dala niya.

Sisa: “Maaari ko bang makausap ang kura?”

Kusinero: “Hindi siya maaaring abalahin ngayon dahil may sakit siya.”

Sisa: “Kung ganoon ay maaari ko bang makita ang anak kong si Crispin?”

Alila: “Si Crispin? Di ba’t umuwi na siya sa inyo?”

Sisa: “Si Basilio lamang ang nandon. Naiwan dito si Crispin kaya’t ibig ko siyang makausap at
ipagpaalam sa kura na susunduin ko na siya.”

Kusinero: “Naiwanan nga dito si Crispin pero matapos makapagnakaw ay tumakas din.
Naisuplong na siya sa mga guardiya sibil kaya’t anumang oras ay maaari nang dakpin ang iyong
anak.”

Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang
paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa
ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

KABANATA 19: MGA SULIRANIN NG ISANG GURO

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon
sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging
magawa nuon kundi makipaglibing.

Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang
tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang
malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Ibarra: “Sinabi ninyong tumutulong ang aking ama sa pagpapaaral sa mga bata?”
Guro: “Opo. Napakabait na tao ni Don Rafael.”

Ibarra: “Kung ganoon ay nais kong ipagpatuloy ang ginawang pagtulong ng aking ama sa halip
na hanapin ko ang katarungan sa kanyang sinapit. Marahil ay higit niyang ikalulugod iyon.”

Natuwa ang guro sa tinuran ni Crisostomo. Saka ibinaling ang usapan sa mga suliranin tungkol
sa edukasyon ng mga bata.

Guro: “Nawawalan sila ng interes sa pag-aaral dahil kulang sila sa panghihikayat ng kanilang
mga magulang. At kung may mga bata naming may interes sa pag-aaral ay nagiging sagabal
naman sa kanila ang kahirapan. Isa pa’y kailangang iwasto at maisaayos ang pagtuturo.
Nakasanayan ng mga bata ang magsaulo sa halip na unawaing mabuti ang leksyon.”

Ibarra: “Bakit hindi ninyo nagawang lutasin ang suliraning iyan noon pa?”

Guro: “Pinipilit ko po. Subalit dala ng maraming kakulangan ay hindi ito medaling nagawan ng
solusyon.”

Ibarra: “Ano ba ang higit na makakatulong sa kanila?”

Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento
sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay
nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.

Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan
ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang
wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang
matutuhan ay tagalog.

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit
nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang
kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng
wikang kastila para sa kanyang pansariling interes.

Guro: “Nagkasakit ako dahil sa sama ng loob lalo na ng sabihin ng isa kong mag-aaral na siya’y
magsasakristan na lamang sapagkat nakakapagpababa ng pagkatao ang pag-aaral.”

Ibarra: “Ngunit sa kabila po ba ng lahat ay nasisiyahan kayong may mga naturuan kayong mag-
aaral?”

Guro: “Opo. At higit akong nasiyahan nang mailipat si Padre Damaso sa ibang lugar at
nagkaroon ako ng kalayaang gumawa ng ilang pagbabago sa pagtuturo.”
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka, kagandahang asal na
hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan ng Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga
araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang ipatawag
niya ang guro.

Naunawaan ni Crisostomo ang lahat ng idinaraing ng guro kaya’t nangako siya.

Ibarra: “Hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa. Inimbitahan ako sa pulong ng tribunal. Ito na
marahil ang magandang pagkakataong upang ihain sa kanila ang iyong mga suliranin.”

KABANATA 20: ANG PULONG SA TRIBUNAL

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan ng mga
may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang dumating sina Ibarra at ang guro, nagsisimula na
ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang
lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng
mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan
nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang
nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang
mga paghahanda sa piyesta.
Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na
nakalaban ni Don Rafael.

Kapitan Basilio: “Bagama’t ako ang unang magsasalita hindi naman nangangahulugan na ang
pinakahuli ay walang kwenta ang magiging pahayag.”

Kilalang mayaman sa San Diego sa Kapitan Basilio at mahigpit na kalaban at karibal ito ni Don
Rafael sa lahat ng bagay. Naniniwala si Kapitan BAsilio na simula nang mamatay si Sto. Tomas
Aquino at huminto siya sa pag-aaral sa kolehiyo ng San Juan de Letran ay hindi na umunlad pa
ang sankatauhan.

Binigyang daan ang mga sasabihin ni Kapitan Basilio subalit maligoy ang kaniyang mga
pananalita. Puno ng mga matatalinhagang pahayag na walang kinalaman sa dapat pag-usapan
at mga paulit ulit na kaisipan. Matapos ubusin ang oras at halos antukin na ang lahat ng naroon
ay saka pa lamang nito sinabi na kailangang ang mga susunod na pagsasalita ay maikli na
lamang at maliwanag ang sasabihin at hindi paligoy-ligoy.
Tumayo na si Don Filipo, ngunit agaditong tinutulan ng matandang conserbador na sinundan ng
isa pa.

Don Felipo: “Makinig muna kayo saakin bago kayo tumutol dahil tiyak na maiibigan niyo ang
mungkahi ng mga kabataan.”

Napilitang making ang mga matanda.

Don Felipo: “Tatlong libo’t limang daang piso ang badyet para sa piyesta. Sa halagang ito ay
mahihigitan natin ang anumang kapistahan sa iba’t ibang lalawigan o maging sa karatig bayan.”

Matanda 1: “Hindi kami naniniwala. Ang ibang bayan ay badyet na limang libong piso at ang
mga karapit-bayan naman ay tig- aapat na libong piso.”

Matanda 2: “Iminumungkahi ko ang pagpapatayo ng entablado sa halagang isang daan at


limampu.”

Don Felipo: “Hindi sapat iyon dapat gawing dalawang daang piso.”

Lahat ng mga iminugkahi ni Don Felipo ay sinalungat ng mga Conservador. Hanggang sa


iniurong na lamang ng Don ang panukala at hinayaan ang mga conservador na magdesisyon
para dito

Labis na ikinatuwa ng mga conservador ang pakiramdam na sila’y nanalo sa bawat mungkahi
nilang taliwas sa mga kabataan.

Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang
kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng
komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali
at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang
pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon,
tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura.

Kabataan 1: “Babawiin na lamang naming ang aming mga naibigay na donasyon.”

Kapitan Basilio: “Hindi na maaari sapagkat ang lahat ng donasyon at abuloy ay naipagkaloob
na.”

Don Felipo: “Magsasakripisyo kami para sa isang mabuting bagay. Nagsasakripisyo na rin lang
naman kayo para sa masama. Mangyayari ang inyong sinabi alang-alang sa isang layunin
bagama’t nawalan kayo ng karangalang sa pagtataguyod ng isang bagay na masama.”
Sa mga oras na iyon ay nag-uusap si Crisostomo at ang guro.
Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa kapitolyo ng lalawigan upang
lakarin ang isang mahalagang bagay.

KABANATA 21: ANG KASAYSAYAN NG ISANG INA

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang
katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-
iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng
kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil
na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa
man sa kanyang anak.
Pero ang sumunod na sandali ang siyang nagbalik ng kabang kaninang akala niya’y nawala na,
linapitan siya ng dalang guardiya sibil.

Sibil 1: “Nasaan ang iyong anak? Ikaw ba ang ina ng magnanakaw?

Sisa: “Ha?”

Sibil 2: “Huwag ka nang magsinungaling. Nasaan ang mg anak mo? Sabihin mo na kundi
babarilin kita.”

Sisa: Mga ginoo, hindi po magnanakaw ang mga anak ko. Si basilio nga ay walang maibigay
saakin kahit isang kusing. Halughugin niyo ang bahay ko ngunit wala kayong makikitang bata
dahil matagal nang nawawala si Crispin.”

Sibil 1: “Kung ganon ikaw ay dadamputin naming at dadalhin sa kwartel.”

Sisa: “Teka lamang po wala po akong kasalanan. Bakit niyo ako dadamputin?”

Sibil 2: “Itinatago mo ang anak mo!”

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na
payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong
kuwartel kapag sila ay nasa kabayanan na.

Pagkarating nila sa kabayanan ay tiyempong katatapos palang ng misa. Hiyang-hiya si Sisa at


halos malusaw siya sa tingin ng mga tao doon at pinagbubulungan pa siya.
Sibil 1: “Pasok!”

Sigaw ng guwardiya sibil at itinulak siya papasok sa kwartel. Sa bawat paglipas ng sandali ay
unti-unting nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Alalang-alala na siya sa kung anong nangyari
sa mga munti niyang anghel, hindi niya mapigilan ang mapaluha hindi niya akalain na
mangyayari sa kanila ang nangyayari ngayon.

Magtatanghali, nabagabag ang damdamin ag Alperes at iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit


hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalandra sa isang sulok.

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling
umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak.

Sisa: “Crispin! Basilio! Mga anak ko asan na kayo????!!!” (3x)

Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa
niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo
siyang bumalik sa bahay.

Sisa: “Mga anak ko !!!!!! andito na si nanay!!!!!”

Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang
damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahiran
ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na ang nangyari sa kanyang
mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.

Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw


ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.

Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at


pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan.
Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.

Sisa: “Crispin!!!!!!!!!!!!!!”

Sisa: “Basilio!!!!!!!!!!!!! MGA ANAK KO!!!!"


KABANATA 22: LIWANAG AT DILIM

Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang
darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi
nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa
kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San
Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi.

Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. May balak
silang mamasyal kinabukasan.

Ibarra: “Ipapahanda ko ang lahat ng kailangan bago magbukang- liwayay.”

Maria: “Ayokong makasama ang kura.”

Ibarra: “Bakit?”

Maria: “Sa palagay ko’y binabantayan niya lahat ng kilos ko. Kinikilabutan ako sa kaniyang mga
tingin na wari mo’y napakahiwaga. Madalas niyang itanong saakin kung napapanaginipan ko
daw ba ang sulat ng aking ina. Maging sina Sinang at Andeng ay nababalitaan ding hindi raw ito
masyadong kumakain tila nga napapabayaan na nito ang kaniyang sarili.”

Ibarra: “Ngunit hindi maaaring hindi natin siya kumbidahin. May kaugalian tayo dito at isa pa’y
narito na siya.”

Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si
Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo. Sinamantala
ni Crisostomo ang pagkakataon upang anyayahin ang kura tungkol sa kasiyahan.

Ibarra: “Isang kasiyahan sa bukid ang inihanda namin ng aking mga kaibigan. Maaari po ba
kayong dumalo?”

Salvi: “Saan magaganap ang kasiyahan?”

Ibarra: “Sa ay batis po sa gubat idaraos, malapit sa puno ng balite. Iyon po ang napiling lugar ng
mga dalaga.”

Salvi: “Para patunayan ko sayong wala na akong sama ng loob dahil sa nangyari, malugod kong
tintanggap ang iyong paanyaya.”

Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang
lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya.
Pedro: “Hindi po ninyo ako nakikilala, Ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng
hinihintay ang inyong pagdating dito sa bayan ng San Diego…”

Ibarra: “May kailangan kayo saakin?”

Pedro: “Tinatawag nila akong tulisan kaya’t wala ni isa mang nagnanais na tumulong saakin.”

Ibarra: “Anong kailangan ninyo saakin ginoo?”

Pedro: “Nais ko pong huingi ng tulong sainyo.”

Ibarra: “Sumabay kayo saakin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay.”

At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.

KABANATA 23: ANG PIKNIK

Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang


matatandang babae na patungo sa dalawang bangkang nakahinto sa pasigan. Ang mga
kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at
pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng
gitara, alpa,akurdiyon at tambuli.

Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at
Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsan
ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin
ang kanilang kuwentuhan.

Natanawan nila ang mga kalalakihan at ang isa’y tumutogtug pa ng gitara. Nakuha pang
magbiro ni Sinang.

Sinang: “May ibig atang mamalimos.”

Ilang sandali pa ay dumating na si Ibarra at nakihalu- bilo na sa mga naroon.


May sasakyan silang dalawang Bangka. Isa para sa mga babae at ang isa naman ay para sa mg
lalaki.
Samantala kinausap ni Albino ang katabing binate

Albino: “Takpan mo ang tapal sa tabi ng paa mo at may butas. Delikadong mapasukan ng tubig.
Nagsigawan ang mga babae nang malaman na may butas ang bangkang sinasakyan nila kaya’t
lumipat sa Bangka nila ang ibang kalalakihan. Si Crisostomo ay tumabi kay Maria. Si Albino ay
lumapit kay Victoria. Naging pares-pares ang magkakatabi sa Bangka.

Ang piloto ang sumasagwan sa dalawang bangka para umusad sa tubig ay isang binatang may
matikas na anyo,matipuno ang pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa laman.
Ito ay si Elias.

Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Dahil sa ganda ng
kaniyang boses ay natahimik ang lahat at walng nakagalaw. Ginulantang lamang sila ni Albino sa
pamamagitan ng pag-ihip ng ubod ng lakas sa tambuli. Nagbalik ang tawanan at kasiyahan ng
mga magkakasintahan.

Andeng: “Luto na ang sinigang!”

Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng
isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit, kaliskis man ng isda ay walang nasalok.

Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalo. Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda.
Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa ay dahil sa buwaya. Sigawan ang mga babae na baka
mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na
humuli ng buwaya.

Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si
Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi inaasahan ng
lahat ang ginawa ni Ibarra. Nagsimula ng pumula ang tubig. Nagsunuran na rin ang ibang
kalalakihan para sumaklolo subalit napatay na ang buwaya. Laslas ang tiyan nito.

Hindi halos makahinga si Maria dahil sa labis na takot dahil sa ginawa ni Crisostomo. Natuwa
ang lahat dahil sa naging kaligtasan nina Crisostomo at ng bangkero.

Elias: “Utang ko sainyo ang aking buhay.”

Ibarra: “Hindi kayo dapat naging mapusok. Hindi ninyo dapat biruin ng ganoon na lamang ang
kamatayan.”

Maria: “Paano kung ikaw ang napahamak?”

Ibarra: “Kung napahamak ako at sinundan—

Natigilan si Ibarra dahil bigla niyang naalala ang amang itinapon ang bangkay sa ilog

Ibarra: “… nasa piling na ako ng aking pamilya.”


Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy
sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayabong na punong- kahoy na
tumutunghay sa batisan.

KABANATA 24: SA KAGUBATAN

Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng
almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang
liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang karwahe at nagpahatid sa piknikan.

Sa may di – kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya
sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa.
Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita
parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.

Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga
ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Sinalubong si Padre Salvi ng
mga dinatnan sa piknik at maging ang Alperes ay nakisalubong sa kaniya. Napansin ng alperes
ang galos sa mukha ng kura.

Alperes: “Tila nasugatan kayo, nahulog ba kayo?”

Salvi: “Hindi. Naligaw ako at nakapasok kung saan-saan.”

Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kay
Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito.

Alperes: “Sino ba ang taong iyon?”

Salvi: “Hindi ba’t ang salarin ay ang tao ring nagtapon sa inyo sa labak, Alperes?”

Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito.
Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.

Alperes: “Nawawala ang dalawang anak ni Sisa, Padre Salvi. Hindi po ba’t sila ang inyong mga
sacristan? Noong kayo’y nawalan ng kaunting salapi ay agad ninyo akong ipinagising sa aking
sarhento. Ngunit tila hindi kayo nababahahala ngayon na nawawala ang inyong mga sacristan.”

Salvi: “Dahil ako ang mananagot sa pera ng simbahan.”


Alperes: “Tunay nga po kayong isang taong banal!”

Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapangana na ang dalawa.

Ibarra: “Nais ko pong ipagamot ang babaeng nabaliw at sa tulong ninyo’y maipahanap ang mga
nawawala niyang anak.”

Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng


Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis
niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: " Ang pangarap ay nanatiling pangarap
lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.

Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na
ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay
ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang
sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa paglalaro ang mga kaibigan.

Dumating si Pari Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking
Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang
kasinungalingan. Nabanas si Albino.

Albino: “Malaking kasalanan po ang makialam sa pag-aari ng iba.”

Tinalikuran lamang sila ng kura matapos nitong punitin ang aklat at saka umalis. Nakaalis na rin
ang alperes nang dumating ang sarhentong may kasamang gwardiya sibil at pinaghahanap si
Elias.

Ibarra: “Anong kailangan ninyo?”

Sarhento: “Ang inyong piloto na si Elias, ang bangkero, kailangan namin siyang dakpin sapagkat
siya ang bumugbog kay Padre Damaso.”

Ibarra: “hindi ko big makialam sa inyong tungkulin ngunit kaaalis lamang ng Alperes. Kung
maaga kayo’y tiyak na nakasalo pa kayo sa aming panganghalian.”

Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at bumalik sa kaniyang mga kaibigan. Ipinahalughog ng
sarhento ang buong paligid ngunit hindi niya nakita ang bangkerong si Elias.

Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binata ng unti-unting lumalaganap ang dilim
sa paligid. Magtatakipsilim na.
KABANATA 25: SA TAHANAN NG PILOSOPO

Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng
nagsusulat ng heroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain
ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na.

Tasyo: “Nariyan pala kayo ginoo!”

Ibarra: “Naabala ko po ata kayo.”

Tasyo: “May maipaglilingkod ba ako sa’yo?”

Ibarra: “May nais lamang akong isangguni sa inyo.”

Napansin ni Ibarra ang sinusulat ni Mang Tasyo.

Sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga
susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at
malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno.

Ibarra: “Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyo gaya ng ginagawa ng aking ama dati. Nais ko
pong magpatayo ng isang paaralan.”

Tasyo: “Matagal ko ng pangarap iyan!”

Tasyo: “Bakit hindi kayo humingi ng payo sa kura? O sa kapitan o sa iba pang ay tungkulin?
Maaari ninyo silang sundin at maaaring hindi. Mangyaring nakikinig lang kayo ngunit gawin niyo
parin kung ano ang siyang nararapat gawin.”

Nalaman ni Crisostomo ang malaking takot at panganib na iniisip ng pilosopo na siyang


kahahantungan ng Pilipinas.

Ibarra: “Naniniwala akong mangyayari ang aking plano ng walang sagabal.”

Tasyo: “Matutuloy ang plano ninyo kun sasanguni kayo sa mga taong aking sinasabi. Kung
pagkakaitang kayo ng tulong ng mga taong nasa kapangyarihan. Maaring pigilan ng ina ang
kanilang anak na pumasok sa eskwelahan. Anong silbi ng paaralan kung wala ka namang mag-
aaral.”

Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero mahirap gawin sapagkat
kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon
din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay
lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kanyang mga
pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni
Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin
kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag
sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng
simbahan.

Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang di pag- daing ng bayan. Ito ay hindi
naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati – rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng
pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing.
Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping
buntunghininga’y magsisiklab.

Tasyo: “Sapagka’t ang lupang iyong tintapakan ay nasa kapangyarian ng mga taong
nagpapahalik ng kanilang mg kamay.”

Ibarra: “Nagpapahalik ng kamay? Nalimutan po ba ninyong sila ang may kagagawan ng


pagkamatay ng aking ama? Hindi ko nais ipaghiganti ang aking ama alang-alang sa relihiyon.”

Tasyo: “Ang umiwas sa punglo ay hindi karuwagan subalit kamangangan ang sumagupa sa
kamatayan. Huwag muna ninyong gawin ang inyong plano hanggat hindi ninyo lubusang
natatanggap ang kasawian ng inyong ama.”

Ibarra: “Pagkatapos ng lahat, malimutan kaya ng kura ang aking kalapastanganan?”

Tasyo: “Mabigo man kayo. Nakakatuwang ginawa ninyo ang nararapat ninyong gawin.”

Ibarra: “Naniniwala ako sa inyong sinasabi. Ngayon din ay pupuntahan ko ang kura sana’y hindi
siya katulad ni Padre Damaso.”

KABANATA 26: ANG BISPERAS NG PISTA

Ika-10 ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.Naging masigla sa


paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako.Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng
iba’t-ibang dekorasyon. May nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng
musiko.
Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may nakahandang
pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong
pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa.Ang mga pagkain
ganito ay inuukol sa mga banyaga,kaibiganokaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o
mayamanupang masiyahan sila sa pista.

Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas din
kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga.

Ginansilyo, alpombra, bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako,


sigarilyo,hitso at nganga. Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwedeng ng makapanalamin.Puno
ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din.

Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong oirkestra ang inihanda sa para sa
pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang
intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa
Lipa, Tanauan, Batangas at Sta.Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita Si Padre
Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman pasgdating ng gabi. Ang mag
magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok, baboy bungangkahoy at mga gulay na
dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka.

Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang
semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga
manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa, ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo
ay isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalaki at ang ikalawa naman ay para
sa mga babae.

Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay
humiling na siya ang gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang bato sa huling
araw ng pista. Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman
simbbahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang lahat ng gastos.

KABANATA 27: SA PAGTAKIP SALIM


Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki.
Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na
kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa
pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.

Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin
at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas
may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong
kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.

Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si
Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay
pinahintulutan naman.

Tiyago: “Basta’t umuwi lamang kayo ng maaga dahil darating dito si Padre Damaso.”

Tiyago: “Crisostomo puwede ka naming dumalaw dito saamin mamaya.”

Ibarra: “Salamat po sa paanyaya ngunit hindi ata ako makakapunta dito dahil may hinihintay
ako saamin.”

Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday at
Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya
ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Sinang.
Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna.

Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa
saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang
mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa
pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.

Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na
agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng
ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may
harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng
mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.

Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin.
Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si
Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon
naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta.
Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol.
Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-
palad.

KABANATA 28: MGA LIHAM

Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang
malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng
mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng
pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hernando Sibyla, mga kakilala
at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batangas at Maynila.

Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at
Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang kanilang usapan, ang
marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang mga
Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat.

Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan
ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego.
Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag
nagkatapos ng . Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng
sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na
nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda.

Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y dumalo sa
pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago,
Pari damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul.

Samantala, Tumanggap din ng lihan si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang liham:

Crisostomo:
Ilan araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita at ipinagtulos
ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at
sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako
kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo saakin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay. Ipaubaya mo na kay
Andeng ang paglalagay ng iyong tsaa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong.

Maria Clara:
Habol:

Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. Paalam…

KABANATA 29: ANG UMAGA

Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling
narining ang tuong kampana at mga paputok.

Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging
si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente mayor.

Don Filipo: “Higit ata kayong malungkot kesa nagdaang araw? Alam kong maraming dapat
ikalungkot pero wala po ba kayong balak magsaya kahit ngayon manlang?”

Tasyo: ““Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.”

Don Filipo: “Wala tayong magagawa sa kagustuhan ng kura at kapitan.”

Tasyo: “Magbitiw ka sa iyong tungkulin kung ganoon.”

Pagkasabi niyon ay tinalikuran ng pilosopo si Don Filipo patungo sa simbahan. Naglakad na rin si
Don Filipo patungo sa simbahan.

Don Filipo: “Magbitiw! Kung tutuusin ay hindi karangalan ang tungkuling ito kundi isang
pasanin.”

Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at
inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong
ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.

Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz.
Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salve ang nasa ilalim ng palyo sa
halip na si Pari Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at
tugtuging pangsimbahan.

Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa
bintana ang alkalde, si Kapintan Tiyago. Si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salve ay
hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na
pagkakatayo.

Kabanata 30: SA SIMBAHAN

Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos
hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250,
ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala
ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa
impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang
mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng
kumpisalan.

Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay
napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na
ang alakalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante.

Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay
pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno.
Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay
Pari Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon.

Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha
ng tala.

KABANATA 31 ANG SERMON

[Nakaupo ang mga dadalo. Nakabukas ang isang pintuan. Si Padre Damaso ay nakatayo
sa harapan atmay mga papeles o bukas na libro, maaaring may lamesa sa harap.]

Padre Damaso:
Nang nagsimula ang mga unang pangkat ng mga Kristiyano, mayroong mga ilan
nanakapagpatunay ng kanilang pananampalataya. Matatag nilang ikinwento ang Salita
ng Diyos,ipinagsigawan nila ang kanilang mga nalalaman sa pangalan ni Hesukristo. Pinalakas
sila ng EspirituSanto, at dahil diyan, sila‘y naging nailigtas.

Padre Damaso:
Ang Salita ng Panginoon ay kailangang nakabaon sa inyong mga puso. Ang inyong mgakaluluwa
ay dapat mapuno ng kabutihan; sa kaluluwa niyo
‘y dapat naninirahan ang Salita ng Diyos.
Ipinalaganap ito ng mga guwardiya sibil ng Kalangitan, gamit lamang ng krusipiho, ng krus, ng
Salita ngDiyos. [Tuloy lang ang sermon ni Padre Damaso. Titingin siya sa alperes habang
nagsasalita. Napakunotang noo ng alperes.] Hindi nila kinailangan ang mga sandata
para ipagtanggol ang kanilang sarili, hindinila kinailangang pumatay o manakit ng ibang tao para
lamang sa kanilang layunin.

Habang patuloy na nagsesermon si Padre Damaso ay lalapit si Elias kay Ibarra, ngunit bubulong
siya agad kay Ibarra. Hindi makikita ni Ibarra ang mukha ni Elias hangga‘t siya‘y hindi
Natatapos.

Elias:
Sa Paglalagay ng unang bato sa paaralan, tumabi ka lamang sa kura. Iwasan mong bumaba sa
hukay at iwasan ang mapalapit sa batong ihuhulog dahil maaari kang mamatay.[Tinignan ni
Ibarra ang mukha ni Elias. Agad agad na umalis si Elias ng nakita na ni Ibarra ang kanyang
mukha.]

Kabanata 32: ANG PANGHUGOS

Narrator: Sinunod ni Ibarra ang payo sa kanya ng pilosopo. Sa kabutihang palad ay


nagtagumpay ang proyekto. Nakapagipon sila ng puhunan sa paggawa ng paaralan. Isang araw,
bago gawin ang nasabing proyekto ay idinaos ang paglalagay ng palitada at pundasyon ng
paaralan. Kinausap ni Ñol Juan ang Taong Madilaw, na siyang humihila sa panghugos.
Tinanong niya ito kung paano iyon gumagana.

Ñol Juan: Paano gumagana ang panghugos na iyan?


Taong Madilaw: Ganito ho iyon. Kahit na sa kaunting pwersa lamang ay kaya kong maitaas at
maibaba ang mabigat na batong ito. Isang tao lamang ang kailangan upang mailinya ng
maayos ang batong ito!
Ñol Juan: Mahusay, bata. saan ka natuto ng ganitong arkitektura?
Taong Madilaw: Namatay po ang aking ama sa pagtatrabaho sa mga Ibarra, Señor. Sa kanila ko
po ito natutunan
Narrator: Sa malapit ay matatanaw ang isang dulang ang makikita na naglalaman ng mga
pahayagan, sulatin, medalya at iba pang mga dokumento. Ilalagay ito sa mga silindrong
kaha at ibabaon kasama ang mga panulukang bato para sa mga susunod na henerasyon.
Pagkatapos mailagay ang mga mahahalagang bagay sa silindrong kaha, ay binigyan ng
alkalde si Ibarra ng isa sa mga ito.

Alkalde: Señor, baka gusto ninyong maglagay ng kaha sa uka ng bato.


Ibarra: Hindi na, alkalde. Bayaan niyo na ang eskribano sa kanyang trabaho.
Inilagay na ng eskribano ang mga kaha sa uka. sinunod naman ang paglalagay ng
palitada. Pinangunahan ito ng Alkalde, sumunod ang Kura, ilang kawani, prayle at ni
Kapitan Tiago. Iuutos na sana na ibaba ang panghugos nang maalala ng Kura na hindi pa
naglalagay ng palitada si Ibarra.
Alkalde: Bumaba na kayo, Señor! Kung hindi ay hindi ko ipag-uutos na ihugos ang bato.

Narrator: Napilitan si Ibarra na bumaba. Kinakabahan si Ibarra sa pagbaba, habang ang Taong
Madilaw ay tila nababagabag at pinagpapawisan ng malamig. Nagbabantay si Elias sa
malayo, at bahagyang kinindatan si Ibarra. Hanggang sa nagulat na lamang ang lahat
dahil sa isang malakas na ugong. Nabalot ng makapal na alikabok ang paligid. Nagsigawan ang
lahat dahil nalansag ang panghugos ng hindi inaasahan. Mabuti at nailigtas ni Elias si
Ibarra, na bigla na ring nawala.

Ibarra: Huwag mag-alala, ligtas ako!


M. Clara: (hinimatay)
Tao 1: Ang taong naghuhugos!
Tao 2: Naku! Nahulugan siya ng mga bato.
Ibarra: Madali kayo! hanguin niyo ang bangkay niya dito. Ako na ang bahala sa kanyang libing.
Napakasawimpalad.
Alkalde: Kailangang maimbestigahan ang pangyayaring ito!
Ibarra: Huwag na, mahal na Alkalde. Kahit na gumawa tayo ng pagsisiyasat ay wala nang
mangyayari. Papatayin niya sana ako ngunit napatay niya ang sarili niya. Hayaan na
lamang natin siya at bigyan ng maayos na libing.
Tao 1: Kahit na pumuti na siguro ang aking buhok ay wala na tayong makikita pang taong
singbait ni Don Ibarra!
Tao 2: Siyang tunay. Isa talaga siyang napakabait at napakapitagang tao.
Pilosopo Tasyo: Naku! Tsk. Tsk. Tsk. Masamang simula.

KABANATA 33: MALAYANG ISIPAN

Nang sumunod na gabi…

Utusan: Señor, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas.


Ibarra: Sino siya?
Utusan: Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya.
Ibarra: Sige, papasukin mo siya.
(Pinapasok ng utusan ang panauhin at tumambad kay Ibarra si Elias.)

Ibarra: Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo.
Elias: Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na
kaaway!
Ibarra: Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan.
Elias: Marami pa silang mga nagtatago sa likod ng mga nakangiting mukha at mabait na
katauhan. Isa na ang taong madilaw kanina sa kanila. Hindi lamang po ako sigurado sa iba
sa kanila. Upang hindi kayo mapahamak, kailangang hindi malaman ng inyong kaaway na
kayo’y handa. Mas mabuti kung makikita ng inyong kaaway na kayo’y hindi nag-iingat at kayo’y
nagtitiwala sa lahat.
Ibarra: Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay
malamang napakinabangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.
Elias: (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay,
ay magtatago na lamang siya mula sa baluktot nating pamahalaan. Ngunit mukhang
nilalayon ng Diyos ang mamatay siya. Sana ay lagi ninyong paghandaan ang bawat
sandali dahil paniguradong naghahanda rin sila upang mapuksa ka. Bueno, Señor. Aalis
na ako.
Maraming salamat po.
Ibarra: Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo
ulit?
Elias: Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan. May
pagkakautang pa ako sa inyo, at alam kong hindi sapat ang aking ginawa upang
mabayaran iyon.
Ibarra: Paalam, Elias.
Elias: (ngumiti)

KABANATA 34: ANG PANANGHALIAN

Narrator: Ilang araw na ang lumipas. Pagkatapos magawa ang buong paaralan, ay isang piging
ang naihanda, na dinaluhan ng maraming mga taga-alta de sociedad. Nag-uusap ang
Alkalde at si Ibarra. Puro papuri ang ipinukol ng Alkalde sa kausap, habang sumimangot
at nagpasaring sa kanya si Padre Damaso.
P.Damaso: Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?
Alkalde: Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng
arkitekto at ng Reverencia.
P.Damaso: Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto. Nagpapakita
lamang ng kamangmangan ng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako lamang ang
gumuhit ng plano ng simbahang iyan.
Alkalde: Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay nangangailangan ng eksperto.
P.Damaso: Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong
na sawali.
Alkalde: Sandali lamang Padre Damaso.
P.Damaso: Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang
ulupong! Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang…
Narrator: Sa sobrang galit ni Ibarra ay hinawakan niya ang leeg ng pari upang hindi ito
makakilos at saka iniamba ang matalim na kutsilyo.
Ibarra: Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang
pinakainiwas-iwasan ko. Isang paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang
demonyong nagbabanal-banalan! Siguro naman ay dapat siyang mamatay!
Alkalde: Huwag, Señor. Huwag niyong hayaan ang sarili ninyong magkasala sa Diyos!
Ibarra: Magdasal ka na sa lahat ng santo, Padre. Makikita na natin kung dugo o lusak ang
dumadaloy sa mga ugat mo!
Narrator: Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso sa
dibdib.
M. Clara: Crisostomo, huwag! Para sa akin, maawa ka sa kanya!
Narrator: Nanghihinang binitiwan niya ang kutsilyo pati na rin si Padre Damaso. Mabilis siyang
lumayo at nawala.

KABANATA 35: MGA USAP-USAPAN ( not important)

Naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego ang mga kaganapan sa
nangyaring pananghalian. Karamihan ay pinanigan si Padre Damaso dahil kung nagtimpi lamang
daw si Ibarra ay hindi sana iyon nangyari.
Tanging si Kapitan Martin lamang ang nakaunawa sa ikinilos ni Ibarra dahil walang
sinuman ang hindi makapapagpipigil kung ang ama ang lalapastanganin. Ipinapalagay naman ni
Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang
na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama.
Samantala, nanindigan ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging
nasa katwiran ang mga prayle. Ani Don Filipo, nangyayari ito dahil hindi nagkakaisa at watak-
watak ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay
nagkakabuklodbuklod. Natakot naman ang mga matatandang babae sa bayan dahil kung ‘di nila
panigan si Padre Damaso ay baka mapunta sila sa impyerno. Nalugod naman si Kapitana Maria
sa pagtatanggol ng binata sa kanyang ama.
Ang mga magsasaka’y biglang nawalan ng pag-asa dahil baka hindi matuloy ang
paaralan. Kapag nangyari iyon ay baka hindi makatapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
May kumakalat na baka hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinawag na
pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng
Pilibustero.

KABANATA 36: ANG UNANG SULIRANIN (not important)

Narrator: Isang malaking gulo ang nangyari sa bahay ni Kap. Tiago dahil sa hindi inaasahang
pagdating ng Kapitan Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinapakinggan si
Andeng at Tiya Isabel. Dahil pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra
habang hindi pa inaalis ang ekskomonyon sa binata.

KABANATA 37: ANG KAPITAN-HENERAL

Narrator: Isang araw, sa opisina ng bagong dating na Kapitan-Heneral…


Alkalde: Kamahalan, kung pahihintulutan ninyo ay nais kayong makausap ni Don Crisostomo
Ibarra.
K. Heneral: Don Ibarra? Ang sinasabing nakaalitan ni Padre Damaso?
Alkalde: Opo, at ang napatawan ng ekskomunyon.
K. Heneral: papasukin mo siya. Gusto ko siyang makausap.
Narrator: Nang nasa loob na si Ibarra…
K. Heneral: Isang karangalan ang makilala kayo, Señor Ibarra.
Ibarra: Ginulat po ninyo ako sa inyong kabaitan, kamahalan. Sa bansang ito ay hindi ako
itinuturing na mabuting tao.
K. Heneral: Tungkol sa pagkakaalitan ninyo ni Padre Damaso, sinisigurado ko sa iyo na hindi ka
magagalaw ng mga pari hangga’t ako ang namumuno sa bansang ito. Kakausapin ko na
rin ang arsobispo na sumulat sa Santo Papa upang maibsan na ang iyong ekskomunyon.
Kahit ako ay gagawin iyon kung ginawa sa aking ama ang ganoong kalapastanganan.
Ibarra: Gracias, kamahalan. Ngayon ay alam ko na kung bakit pinupuri kahit sa Madrid ang
inyong kahusayan, kamahalan. Pagpalain pa nawa kayo ng Maykapal.
K. Heneral: Bueno, may pupuntahan pa akong mahalagang bagay. Maraming salamat at
nakausap kita, Don Ibarra.
Ibarra: Sige po, kamahalan. Aalis na po ako. Maraming salamat din po.
Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay pinatawag ulit ng Kapitan-Heneral ang Alkalde.
K. Heneral: Mula sa araw na ito Alkalde, inihahabilin ko sa ilalim ng inyong proteksiyon si Señor
Ibarra. Ipaalam mo ito sa Alperes at suportahan mo siya sa kanyang mga adhikain.
Alkalde: Masusunod, kamahalan.

KABANATA 38: ANG PRUSISYON (not important)


Ang mga paputok at batingaw ang hudyat na nag-umpisa na ang prusisyon. Nakasilip
ang marami na may hawak na parol. Kasama sa paglalakad sina Kapitan Heneral, Kapitan Tiago,
alkalde, alperes, at mga kagawad.
Nangunguna sa prusisyon ang mga sakristan kasunod ang mga guro, mag-aaral, at mga
agwasil na nagpapanatili nang maayos na pila. Ipinrusisyon ang santo nina San Juan Bautista,
San Francisco, Santa Maria Magdalema, San Diego de Alcala, at poon ng Birheng Maria.
Nang marating ang kubol na ipinagawa ng Kapitan Heneral sa tapat ng kanilang bahay na
pagdarausan ng tulang papuri o loa sa pinatakasi ng bayan, huminto ang karo. Isang batang may
pakpak ang lumabas at sinimulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Espanyol, at Tagalog.
Sumunod naman ay umawit si Maria Clara ng Ave Maria. Nabighani ang lahat sa tinig ng
dalaga lalo na si Ibarra. Napukaw lang ang atensiyon nito nang kausapin siya ng Kapitan Heneral
tungkil sa pagkawala nina Crispin at Basilio.

KABANATA 39: SI DOÑA CONSOLACION

Narrator: Sa bahay ng Alperes, sa parting bintana, ay may makikitang silyon na laging inuupuan
ni Doña Consolacion. Si Doña Consolacion ay isang gusgusing babaeng nag-aastang
Oropea. Asawa siya ng Alperes. Mas kilala siya bilang Doña Alperesa. Mahilig siyang
mag- Espanyol, at nagpapautal-utal ng Tagalog upang hindi siya mahalata. Isang araw ay
maririnig na umaawit si Sisa na inaalagaan sa bahay ng Alperes kaya’t ipinatawag ito ni
Donya Consolacion upang pakantahin.Hindi ito nakapagbigay galang kaya’t agad na
kinuha ni donya ang nakasabit na latigo.
D. Consolacion: (nilatigo ang baliw) Vamos magcantar icau! Guardia! Dile a esa mujer que canta
tagalo! Él no me entiende! No hace falta ser español!
Narrator: Ipinabatid ng guardia civil ang sinasabi ng Doña kay Sisa. Kumanta ng kundiman si Sisa
na siyang nagpalungkot sa Donya.
D. Consolacion: Tigil na! Wag ka nang kumanta! Wag kang kumanta! Nakahahapis sakin ang
tulang iyan!
Narrator: Nabigla ang mga guardia civil dahil ang Doña ay narinig nilang matatas managalog.
Napahiya ang Doña. Sa pagkapahiya, pinaalis ng Donya ang bantay. Lumalakad na
payaot padito sa silid na hinuhutok ng kamay ang latigo; at saka huminto sa harap ng
baliw.
D. Consolacion: Bayla—baila, baila!
Narrator: Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa ang
donya na nakangiti at natutuwa sa ginagawa ng Doña. Napahiya ang Doña at itinaas ang
hawak nitong latigo.
D.Consolacion: Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy tuloy na
palo] Baila, baila, condenada, salbahe!
Narrator: Dumating ang alperes na walang kibo.
D.Consolacion: Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi.
Alperes: (Tinawag ang bantay) Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan niya
ng ibang baro at gamutin. Pakainin mo siya ng maigi, bigyan ng mabuting higaan----mag-
ingat kayo at huwag siyang lapastanganin. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong
Ibarra.

KABANATA 40: ANG KARAPATAN AT LAKAS (not important)

Nang sumapit ang ika-10 ng gabi, nag-umpisa na ang pagpapaputok ng kuwitis. Hudyat
din ito na umpisa na ang dula. Naroon si Tinyente at Pilosopo Tasyo na nag-uusap tungkol sa
pag-ayaw ni Don Felipo sa kaniyang tungkulin.
Dumating ang mga tanyag na tao sa San Diego at nag-umpisa na ang palabas sa
pangunguna nina Chananay at Marianito ng “Crispino dela Comare.”
Lahat ay abalang manood sa dula maliban kay Padre Salvi na si Maria ang pinanonood.
Dumating naman si Ibarra na ikinagalit ng Padre. Ipinag-utos nit okay Don Filipo na paalisin ang
binata pero di niya iyon magawa dahil ang-abuloy nang malaki si Ibarra. Dahil sa inis, ang pari
na lang ang umalis.
Nagsabi si Ibarra na aalis sandali. Maya-maya ay may lumapit na guwardiya sibil kay Don
Filipo na ipinahihinto ang dula dahil di raw makatulog ang alperes at si Donya Consolacion. Di
pumayag ang Don.
Pinagtangkaang pigilin ang musiko ng dula at nag-umpisa ang gulo dahil doon. Nakabalik
na si Ibarra at hinagkan si Maria. Naibalita naman agad kay Salvi ang nangyari. Nagkapangitain
si Padre Salvi tungkol kay Maria na nawalan ng malay at agad siyang bumaba sa kumbento pero
walang tao. Kabang-kaba ang pari.

KABANATA 41: DALAWANG PANAUHIN (not important)

Balisa at di makatulog si Ibarra dahil sa nangyari sa dula. Dumating si Elias upang


ipabatid na may sakit si Maria. Tinanong nito ang binata kung may nais sabihin sa dalaga bago
dalhin sa Batangas.
Isinalaysay din ni Elias kung paano huminto ang kaguluhan. Kilala niya raw ang dalawang
nanggulo at napahinto dahil na rin sa pakiusap niya.
Nagbihis si Ibarra at pupunta sa bahay ni Kapitan Tiago. Nakasalubong niya sa daan ang
kapatid ng lalaking madilaw na yumao sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan, si Lucas.
Kinukulit nito si Ibarra sa perang makukuha sa pagkamatay ng kapatid.
Sinagot siya ni Ibarra na sa susunod na lamang sila mag-usap dahil pupunta siya sa
maysakit. Nangulit si Lucas ngunit tinalikuran lang siya ni Ibarra.
Sumama ang tingin ni Lucas kay Ibarra. Napabulong ito na apo raw talaga ng matandang
nagpahirap sa ama ni Lucas itong si Ibarra. Pero magkakasundo pa rin daw sila basta magbayad
si Ibarra.

KABANATA 42: ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA


Narrator: Patakbong nanaog si Kapitang Tiyago at Tiya Isabel nang marinig ang pagtigil ng
sasakyan sa harap ng bahay. Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa
nito na si Doktora Donya Victorina de los Reyes de Espadaña, at Linares]
Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña, Siya’y inaanak ng
kamag-anak ni Padre damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.
Narrator: Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at sinamahan ni
Kapitang Tiyago ang mga panauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang sila’y
nagmiminindal ay dumating si Padre Salvi at si Linares ay ipinakilala na kakabit ang lahat
ng titulo.
Donya Victorina: Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!!
K. Tiago: Maniwala kayo at diyan umupo.
Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba,
pinsan? Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago,
na ang aming pinsang ito ay kaibigan ng mga duke at ministro sa Madrid at malimit
kumain sa bahay ng Conde del Campanario.
Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre.
Linares:Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa
kanya. Siya sana’y sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y naparito.
Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.
Donya Victorina: De Espadaña, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa
ko’y hindi gumagamot kundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa.
Narrator: Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng ilan,
kasabay ang pag-iling ng ulo.]
Don Tiburcio: Ma…may sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de
altea at dalawang pildoras de Cinaglos.
Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay gamutin
ka. Ipakikilala kita sa aming pinsan.
Narrator: Si Linares ay napatigagal sa pagtingin sa mga matang iyon na waring may hinahanap,
kaya’t di marinig ang tawag ni Donya Victorina.
Padre Salvi: G. Linares, narito si Padre Damaso.

KABANATA 43: MGA BALAK

Narrator: Si Padre Damaso ay tuluy-tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang kamay
ng dalaga.
Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha)
Narrator: Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas niyang
anyo ni PadreDamaso. Siya’y lumabas, at sa silong ng balag na nasa balkon ni Maria
Clara ay ibinulalas niya angkanyang damdamin. Si Donya Victorina ay lumapit kay Padre
Damaso nang ito’y matiwasay na at ipinakilala si Linares. Iniabot ng binata ang liham,
ngunit sisya’y minasdan ni Padre Damaso mula ulo hanggang paa. Ang liham ay binasa
na tila hindi naunawaan.
Padre Damaso: A…….! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May liham
siya sa akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasi’y hindi ka pa isinisilang
nang ako’y umalis sa Espanya. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares. Nakalimutan
ang kalungkutan)
Damaso: A….! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan ay
madali. Marunong ka bang magbasa at sumulat?
Linares: Ako po ay nag-aaral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central.
Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae… A!!! bibigyan kita ng isang
babae. Oo, isang babae.
Linares:Hindi po naman ako nagmamadali, Padre.
Narrator: Si Padre Damaso ay lumakad na panay ng bulong ng “isang babae” at wala na ang
kanyang kalungkutan.Hinatak si Linares.
Damaso: Halika at kausapin natin si Santiago.
Narrator: Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling
paroo’t parito na nag-iisip.

KABANATA 44: PAGSUSURI NG BUDHI (not important)

Mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at sa tuwing ito’y magdedeliryo ay binabanggit
ng dalaga ang pangalan ng kanyang ina. Sina Tiya Isabel naman kasama ng kanyang mga
kaibigan ay patuloy siyang inaalagaan samantalang si Kapitan Tiyago ay walang tigil na
nagpapamisa at nag-aabuloy. Ang pinakahuli ay ang pagbibigay niya ng tungkod na ginto sa
Birhen ng Antipolo. Makaraan ang ilang araw kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don
Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria Clara. Ito’y ikinatuwa ng mag-asawa kaya
naman hindi muna pinagdiskitahan ng Donya si Tiburcio. Napag-usapan nina Padre Salvi,
Kapitan Tiyago at mag-asawang Espadaña na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso.
Ani Kapitan Tiyago, ikalulungkot umano ni Maria ang nalalapit na pagkakalipat sa pari dahil para
na rin niyang ama ito. Dagdag pa niya, bunga ng mga kaguluhan sa nangyari noong gabi ng pista
ang dahilan ng pagkakasakit ng dalaga.
Natuwa naman ang pari na ayon sa kanya ay mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra
at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Ito nama’y sinalungat ni Donya Victorina at
sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. ‘Di naman
nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa
mga gamot. Dahil sa pagkapikon ay iminungkahi ni Donya Victorina na gamuting ng kanyang
kumpisal ang nakababanas na si Donya Consolacion. Dito’y wala nang naisagot ang pari kaya
naman tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tiyago na ihanda na si Maria para sa
pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong gumaling. Oras na para
uminom ng gamot si Maria. Ininom niya ang pildoras na mula sa bumbong ng Kristal na ititigil
lamang ng dalaga kapag nakaramdam na ng pagkabingi. Samantala, nalaman naman ni Maria
kay Sinang na kaya hindi pa makasulat sa kanya si Ibarra ay dahil abala ito na mapawalang bisa
ang kanyang pagiging ekskomulgado. Maya-maya pa’y dumating na si Tiya Isabel upang ihanda
si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra.
Nagsimula na ang pangungumpisal ng dalaga. Sa obserbasyon ng kanyang Tiya ay tila halata kay
Padre Salvi na hindi ito nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig sa
dalaga na para bang inaalam ang nasa isip nito.
Nang matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo,
namumutla, pawisan, at kagat-labi.

KABANATA 45: ANG MGA PINAG-UUSIG

(Naglalakad si Elias sa loob ng kagubatan sa ilalim ng matataas na mga kahoy at


tanglaw ang buwan, hinahanap niya si Kapitan Pablo. Nakita siya ng isang lalaki may
dalang rebolber na isang rebeldeng kasamahan ni Kapitan Pablo.)
Rebelde 1: Sino ka? (sabay kasa sa rebolber)
Elias: (habang nakataas ang dalawang kamay) Nariyan po ba si Kapitan Pablo? Pakisabing
hinahanap siya ni Elias.
Rebelde 1: Ikaw si Elias? (ibinaba ang rebolber) Sumama ka sa akin.

Nagtungo sila sa isang yungib na kuta ng 12-15 rebelde na may bitbit na tabak at itak
(with bonfire). May isang matanda nakita si Elias na nakatukod ang siko sa bato na
ginawang hapag. Ang matanda ay si Kapitan Pablo na may bendang may bahid ng dugo
ang ulo. Sumigla ang mukha nang Makita si Elias.

Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni Senor
Ibarra. Maipaaabot niya ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na malapit sa kanya.
Kapitan Pablo: Hindi ako kumbinsido, lalo na’t siya’y isang mayaman. Ang halos lahat ng mga
mayayaman ay walang inatupag kundi ang magpayaman pa.
Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito. Kung
maisasagawa ito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo.
Kapitan Pablo: At kung ika’y hindi nagtagumpay?
Elias: Kung gayon ay ilalagay ko ang sarili ko sa ilalim ng iyong pamamahala.
Narrator: Napangiti ang kapitan sa narinig kay Elias.
Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang kanilang mga
sariling sinapit sa kamay ng mga napakalupit na Espanyol.
Elias: Apat na araw mula ngayon, magpadala ka ng isang taong makipagkikita sa akin sa
baybayin ng San Diego. Sasabihin ko sa kanya ang mga makukuha kay Señor Ibarra. Kung
pumayag si Señor ay makukuha natin ang hustisya! Kung hindi naman ay siguradong ako
ang unang malalagas sa himagsikang ito.
Kapitan Pablo: Maghihintay ako, Elias. Para sa kapayapaan at kalayaan, sana ay magtagumpay
ka sa iyong binabalak.

KABANATA 46: ANG SABUNGAN

Pag-uusap ng mga sabungero:

Kapitan Basilio: Naibalita po sa akin ni Sinang kagabi na si Ma. Clara pod aw ay pabuti na ng
pabuti.
Kapitan Tiago: Nawalan na po siya ng lagnat subalit mahina pa.
Kapitan Basilio: Natalo po ba kayo kagabi?
Kapitan Tiago: Kaunti po. Alam kong kayo’y nanalo. Ngayon ay titingnan ko kung ako’y
makakabawi.
Kapitan Basilio: Ibig po ba ninyong ilaban ang lasak?
Kapitan Tiago: Tingnan po natin kung may pusta.
Kapitan Basilio: Magkano ang ipupusta ninyo?
Kapitan Tiago: Kung kulang sa dalawa ay di ko ilalaban.
Kapitan Basilio: Nakita ninyo ba nag aking lasak? Magkano?
Kapitan Tiago: (Titignan kunwari ang manok)
Kapitan Basilio: Magkano ang ipupusta ninyo?
Kapitan Tiago: Kung magkano ang ibig ninyo.
Kapitan Basilio: Dalawa at kalahati
Kapitan Tiago: Tatlo.
Kapitan Basilio: Tatlo!

MAGSISIGAWAN ANG MGA TAO SA SABUNGAN.. SA PULA! SA PUTI! SA PULA! SA PUTI! SA


PULA! SA PUTI!

Bruno: Magsisimula na ang sultada. Pahiramin mo kami ng dalawa- tatlo at apt na piso. Ibabalik
naming ito sa dobleng halaga mamaya.
Lucas: (Napakamot sa ulo) Ang perang ito ay hindi sa kin. Ito ay ipinagkaloob ni Ibarra sa mga
taong handing tumulong sa kanya. Ngunit natitiyak kong hindi kayo katulad ng inyong
ama.
Bruno: Tinatanggap naming. Pagkat di naman magkaiba ang mamatay sa baril at bitay.
Tarsilo: Ang isang maralitang tulad naming ay wala ng iba pang kinauukulan.
Bruno: Tama ang sinabi mo Tarsilo ngunit dapat mong isipin ang ating kapatid na babae.

SA PULA! SA PUTI! SA PULA! SA PUTI! (simula na ng sabong at nagsisigawan ang mga


sabungero)
Talo sina Bruno…(malungkot, parang nagsisisihan…) Hahanapin nila sila Lucas at
makikita nilang kausap nito sa Pedro at binibigyan niya ng pera.
Tarsilo: (kay Bruno) Alam mo ba ang susunod na sultada?
Bruno: Bakit hindi mo ba narinig? Ang bulik ni Kapitan Basilio at lasak ni Kapitan Tiago?
Tarsilo: Nakahanda ka na ba?
Bruno: Ako kanina pa. ngunit paano ang ating kapatid na babae?
Tarsilo: Hindi ba’t ang kwalta ay kay Don Crisostomo Ibarra? Hindi ba’t si Ibarra ang laging kasa-
kasama ng Kapitan Heneral? Ano ngayon ang ipinangangamba natin?

Lalapit sila kay Lucas…


Tarsilo at Bruno: (sabay na magsasalita) Magkano ang ibibigay ninyo sa amin?
Lucas: Nasabi ko na sa inyo. Kung hahanap kayo ng makakasama upang salakayin ang kwartel,
ay bibigyan ko kayo ng tigtatatlumpumg piso at sampu naman sa bawat kasama ninyo.
Kung mahusay ng pagkakasalakay ay tatanggap ang bawat isa ng isangdaang piso at
kayo naman ay doble. Si Don Crisostomo ay mayaman.
Bruno: Payag ako! Ibigay na ninyo ang kwalta.
Lucas: Kayo’y katulad ng inyong ama, matapang!
Lucas: (habang ibinibigay ang kwalta sa magkpatid) Bukas ay dadating ang mga may dala ng
sandata ni Crisostomo Ibarra. Sa ganap na ika-walo ng gabi ay magtungo kayo sa
libingan at doo’y sasabhin ko sa inyo ang huling pasya. Mayroon pa kayong panahon
upang humanap ng inyong makakasama.

KABANATA 47: ANG DALAWANG SENYORA

(Habang nagsasabong si Kapitan Tiago, ay lumabas at namasyal sina Dona


Victorina at Don Tiburcio upang mampintas ng mga Indio, bawat madadaanang
bahay.)
Doña Victorina: Paano sila nakatira dito? (habang naiinis dahil walang bumabati na mga
Indio). Tiburcio, paluin mo nga mga iyan ng sombrero, mga walang galang!
Kailangan turuan sila ng urbanidad katulad ng ginagawa sa kanila ng mga kura at
guwardiya sibil!
Don Tiburcio: (tumanggi dahil pilay) Paano kung gantihan ako?
(Dumaan sina Victorina at Tiburcio sa bahay ng alperes at asawa nitong si Doña
Consolacion. Nagtinginan ng matalim ang dalawang donya. Tinginan mula ulo
hanggang paa. Ngumuso si Doña Consolacion at dumura. Nag-aaway ang dalawang
donya.)
Doña Victorina: Naiinggit ka sa akin!
Doña Consolacion: Oo! Naiinggit nga ako sa kulot mong buhok!
Don Tiburcio: (inaawat ang asawa) Umuwi na tayo. Huwag mo na siyang pansinin.
Doña Victorina: Hayaan mong turuan ko ng leksyon ang babaeng ito. Hindi mo ba ako kilala?
Hindi mo ba alam na hindi ako taga lalawigan at ako ay taga Maynila?! Hindi
nakakapasok sa loob ng aking bahay ang mga alperes dahil hanggang sa may
pintuan lamang sila!
Doña Consolacion: Siyanga ba? Dahil ba ang nakakapasok lang ng bahay mo ay isang
pilantod? (sabay tawa)
Doña Victorina: Talaga ba? E ikaw nga isang labandera.
Doña Consolacion: Kesa naman sayo, asawa mo pilay at mapagpanggap na doctor!

(ang mga tao sa paligid ay nasisiyahan sa sa panonood. Dumating ang alperes at


sumunod na dumating ang kura (Padre Salvi) na umawat sa pag-aaway ng dalawa.)
Padre Salvi: Napakalaking kahihiyan ng eskandalong ito!
Alperes: Huwag ninyo kaming pakialaman! (at hinarap si Don Tiburcio) Ang mabuti pa’y iuwi na
ninyo ang inyong asawa, Don Tiburcio.
(Natigil ang away at naghiwa-hiwalay na sila)
Doña Victorina: Ngayon din ay luluwas tayo ng Maynila para puntahan ang Kapitan
Heneral. Sayang ang suot mong pantalon, parang hindi ka lalaki!
Don Tiburcio: Alam mo namang pilay ako.
Doña Victorina: Dapat ay hinamon mo siya ng rebolber!
Don Tiburcio: Hindi pa ako nakakahawak ng… (biglang hinablot ng donya ang pustiso ng
asawa at pinagtatadyak sa lupa, mangiyak ngiyak ang don ngunit walang
nagawa)

(Inabutan ng mag-asawa sa bahay ni Kapitan Tiago na kausap ni Linares si Maria Clara


at ang mga kaibigan nito.)

Doña Victorina: Hamunin mo ng duwelo ang alperes ngayon din, Linares (utos ng donya kay
Linares)
Linares: Pero bakit?
Doña Victorina: Gawin mo kung hindi’y ibubulatlat ko sa lahat kung sino ka. (namutla si
Linares, at nagkatinginan ang mga magkakaibigan.)
(Umuwi ng bahay si Kapitan Tiago na lulugo-lugo dahil natalo sa sabong)

Doña Victorina: Kailangang hamunin ni Linares ng duwelo ang alperes, kung hindi ay
huwag ninyo siyang ipakakasal kay Maria Clara. Hindi marapat na makapangasawa
ang inyong anak ng lalaking duwag!

(Dahil sa narinig ay nagpahatid na si Maria Clara sa kanyang silid. Nakahanda na ang


maleta ng mag-asawa dahil luluwas na sila ng Maynila. Naiwan si Linares na
nagipit dahil sa inutos ng donya.)

KABANATA 48: ANG PALAISIPAN


(Dumating kinabukasan si Crisostomo Ibarra gaya ng sinabi ni Lucas sa magkapatid.
Nagpunta si Ibarra sa tahanan nina Kapitan Tiago upang I balita na siya ay hindi
excomunicado.)

Crisostomo Ibarra: Ako po ay hindi excomunicado. May sulat ako rito galing sa arsobispo na
nagsasaad ng kapatawaran, nais ko itong ibigay sa kura.

(masaya si Tiya Isabel dahil nais niyang mapangasawa ni Maria Clara si Ibarra at hindi
ang kastilang si Linares.)

(Nadatnan ni Ibarra si Maria Clara sa balkonahe kasama si Linares. Naumid ang dila ni
Ibarra, may hawak na abaniko si Maria Clara habang nagkukumpol ng bulaklak si
Linares. Namutla si Linares nang makita si Ibarra, namula ang mukha ni Maria Clara)

Crisostomo Ibarra: Kadarating ko lamang at labis akong nag-aalala sa iyong kalagayan. Magaling
ka na pala.

(Hindi nakasagot si Maria Clara, at tinungo na lang ang ulo.)

Crisostomo Ibarra: Ipagpatawad mong dumating ako nang walang pasabi. Maaari ko itong
maipaliwanag sa ibang araw, sa pagkikita nating muli. (Tinitigan ni Maria Clara si
Crisostomo na may pagpapaumanhin) Maari ba akong pumunta bukas?
Maria Clara: Ang aming tahanan ay laging bukas para sa ‘yo.
(At umalis si Ibarra na dinudurog ang puso. Gulong-gulo ang isip kaya’t napadpad ang
kanyang paa sa pinapagawang paaralan. Binati siya ni Nol Juan at mga
manggagawang dinatnan.)
Nol Juan: Mabuti’t dumating po kayo Pagmasdan niyo ang pagkakayari ng pader. Ibig
niyo po bang makita ang mga natapos na namin?
Crisostomo Ibarra: Ibig kong malaman ninyo na wala na kayong dapat ipangamba sa
pagkausap sa akin sapagkat ako’y hindi na excomunicado.
Nol Juan: Kaming lahat dito ay pawang excomunicado.
Crisostomi Ibarra: Gusto kong makita ang listahan ng mga manggagawa.

(Nilapitan ni Crisostomo si Elias na mag-isang nagkakarga ng bato sa isang kariton)

Elias: Nais ko sana kayong makausap ng ilang oras. Mamasyal kayo ngayon sa lawa at
mamangka tayong dalawa. May mahalagang bagay akong sasabihin sa inyo. (at
pagkatapos sabihin ay umalis na ito.)

(Ibinigay ni Nol Juan ang listahan ng mga pangalan ng manggagawa at nalaman ni


Crisostomo na wala doon ang pangalan ni Elias.)

KABANATA 49 TINIG NG MGA PINAG-UUSIG & KABANATA 50 (fused)

(Sumakay si Ibarra sa Bangka kasama si Elias.)


Elias: Ipagpaumanhin ninyo ang aking kapangahasang kayo’y gambalain. Sa loob ng isang
oras ay babalik tayo.
Crisostomo Ibarra: Anong kailangan mo at bakit gusto mong makipag-usap sa akin?
Elias: (iginala ang mata sa paligid) Ako’y sugong tagadala ng mensahe ng mga sawimpalad.
(Isinalaysay ang nais iparating ni Kapitan Pablo)
Crisostomo Ibarra: Ang ibig ninyo’y pagbabago?
Elias: Pagbabago ukol sa military, pari, pagbibigay ng katarungan at pagtangkilik ng
pamahalaan. Paggalang sa karangalan ng tao para sa kapayapaan, pagbabawas ng
lakas military, pagbabawas ng kapangyarihan nilang nagdudulot ng maraming
kaguluhan.
Crisostomo Ibarra: Batid kong hindi kayo ordinaryong mamamayan. Maaari akong
humiling sa mga kaibigan ko sa Madrid sa pamamagitan ng salapi, maaaring
makarating ito sa Kapitan Heneral. Ito’y hindi madali maging ako’y walang
kakayahang gumawa ng anumang hakbang. Bagama’t ang korporasyon ay maraming
kapintasan.
Elias: Kailangan ng pagbabago sa pamamalakad ng mga prayle.
Crisostomo Ibarra: Nais niyong labanan ang korporasyon ng prayle? Ngunit Ginoo,
nalimot niyo na bang utang na loob ng Pilipinas sa korporasyong ito ang pagtubos ng
kasalanan?
Elias: Naniniwala ba kayo na ang kapayapaan sa bayang ito ay dahil sa mga prayle?
Crisostomo Ibarra: Iyan ang pinaniniwalaan ng kasaysayan ng Pilipinas.
Elias: Hindi ko inaasahang na ganyan kababa ang pagtingin ninyo sa sa bayan. Isang bayang
sumusunod sa pandaraya. (muling nagsagwan si Elias). Maraming salamat sa
pagkakataong inyong ibinigay. Saan ko po kayo ihahatid?
Crisostomo Ibarra: Gusto ko pang makipagtalo sa iyo, Ginoong Elias, upang higit kong
mapatunayan kung sino ang may katuwiran. (pagtutol ka Elias na siya’y ihatid na.)
Elias: Hindi po ako marunong mangumbinsi dahil isa lamang akong Indio na hindi nakapag-
aral. Ngunit naniniwala akong tapat ka sa bayan. Saan ko po kayo ihahatid, Ginoo?
Crisostomo Ibarra: Masakit sa akin ang iyong pahayag, Ginoong Elias. Nakapag-aral ako sa
lupain ng mga banyaga ngunit tapat akong umiibig sa ating bayan. Sabi sa akin ng ama
na tungkulin ng tao na mahalin ang sariling bayan sapagkat utang natin dito ang
ating kaligayahan.
Elias: Kung ganon ay utang ko sa bayan ang aking kasawian.
Crisostomo Ibarra: Batid ko ang iyong kasawian, Ginoo. Siguro’y mas mauunawaan ko pa
kapag nababatid ko ang isang bahagi ng iyong nakaraan.
Elias: (isasalaysay ni Elias ang kanyang nakaraan) (the shot might be just Elias talking, and
Ibarra listening.)
Crisostomo Ibarra: May katuwiran kayo sa pagsasabing bigyan ng gantimpala ang mabuti at
parusahan ang masama. Ngunit mahirap itong maisakatuparan. Hindi madaling
ipagkaloob ang iyong hinihiling. Kailangan nating maghintay ng panahon.
Elias: Ang paghihintay ay pagtitiis! Hindi natin makakamit ang kalayaan kung hindi tayo
makikibaka.
Crisostomo Ibarra: Hindi iyan ang kalayaang hinahangad ko.
Elias: Kung walang kalayaan, walang liwanag. Hindi nga ninyo kilala ang bayan dahil hindi
ninyo nakikita ang dilim. Nagigising na ang mga tao at nag- aalsa mula sa matagal na
pagkakahimlay. Ngayon, Ginoong Crisostomo, ano ang sasabihin ko sa kanila?
Crisostomo Ibarra: Ikinalulungkot ko ang kanilang kalagayan ngunit kailangan pa nilang
maghintay. Ang kasamaan ay hindi nagagamot ng isa pang kasamaan.

(Narating na nila ang baybayin sa lawa.)

Elias: Para sa inyong kapakanan, Ginoong Ibarra, mas makabubuting kalimutan niyo nalang na
nakasalamuha mo ako.

(inilayo ni Elias ang bangka at dinala sa isang madawag na lugar. Isang lalaki ang
sumalubong kay Elias.)

Rebelde: Anong sasabihin ko sa Kapitan?


Elias: Tutupad ako sa aking naging pangako.
KABANATA 51: MGA PAGBABAGO

(Matinding pagkabalisa ang naramdaman ni Linares dahil nakatannggap ng liham


galing kay Dona Victorina)

(Babasahin ang liham gamit ang tinig ni Dona Victorina.)

Mahal kong Pinsan,

Sa loob ng tatlong araw ay ibig kong malaman kung kayo ay nagtuos ng alperes.
Sakaling hindi mo ito ginawa ay ipapabatid ko kay Kapitan Tiago na ikaw hindi totoong
nakisalamuha kay Heneral Arsenio at hindi naging kabiruan si Canovas. Ibubunyag kita at hindi
kita bibigyan ng salapi. Ibibigay ko lahat ng iyong gusto kapag susundin moa ko. Hindi ako
kailanman tatanggap ng paumanhin mula sa iyo.

Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo ng buong puso,


Victorina delos Reyes de Españada

(mabigat ito para kay Linares kaya siya’y namasyal muna sa labas ng bahay nina
Maria Clara habang nag-iisip)

Linares: (sa isipan) Paano kung murahin ako’t kagalitan ng alperes? Paano kung makasalubong
ko ang kanyang asawa? Sino ang magiging padrino ko? Ang kura? Si Kapitan Tiago?

(sa gitna ng pag-iisip ay biglang nakasalubong si Padre Salvi)

Padre Salvi: Nag-iisa ka? Nasaan si Don Santiago?

(saktong lumabas ng bahay si Kapitan Tiago na agad lumapit sa pari para humalik
sa kamay. Nagpunta sila sa balkonahe kasunod si Linares, habang may naririnig nilang
nagtutugtog ng piano si Maria Clara.)

Padre Salvi: Sadyang malugod na binata si Crisostomo Ibarra at siya’y may sulat galing sa
arsobispo. Kung tutuusin ay hindi naman siya dapat kapootan kung hindi lang dahil kay
Padre Damaso.

(sinulyapan ni Padre Salvi si Maria Clara na nagtutugtog)


Linares: Ano po ang sabi ni Padre Damaso?
Padre Salvi: Si Padre Damaso ay nagpahayag pa rin ng pagtutol sapagka’t ninong siya ni Maria
Clara. (nakatitig pa rin kay Maria Clara) Ngunit naniniwala akong mapapatawad siya si
Ginoong Crisostomo kung hihingi ito ng tawad.

(nagpaalam si Maria Clara na pupunta na ng silid kasama si Victoria.)


Kapitan Tiago: Paano kung hindi siya mapatawad ni Padre Damaso?
Padre Salvi: Kung magkaganoon ay bahala na si Maria Clara. Magkakaunawaan sila ni
Padre Damaso.

(biglang dumating si Crisostomo Ibarra kasama si Tiya Isabel. Binati siya ng


Kapitan at Linares, kinamayan siya ni Padre Salvi na ipinagtaka ng binata.
Pumunta kaagad si Ibarra kay Sinang.)

Sinang: Saan ka ba galing? Usap-usapan namin kung saan ka naglalagalag.


Crisostomo Ibarra: Nagagalit ba sa akin si Maria Clara?
Sinang: Hindi ko alam ngunit madalas niyang sinasabi na limutin mo na siya. Nais siyang
ipakasal ng kanyang ama at ng padre sa binatang iyan. Biniro namin siya kanina na baka
nanliligaw ka na ng ibang dalaga, ang sagot ay maano naman at saka umiyak.
Crisostomo Ibarra: Gusto ko sanang mag-usap kami ng sarilinan.
Sinang: Sasabihin ko sa kanya. Bukas pumunta ka sa amin dahil lagi kong sinasama si Maria
Clara, hindi siya pwedeng mapag-isa.

(at nagpaalam na si Crisostomo)

KABANATA 52- ANG BARAHA NG MGA PATAY AT ANG MGA ANINO (not important)

KABANATA 53- ANG MABUTING ARAW AY NAKIKILALA SA GABI (not important

KABANATA 54- WALANG LIHIM NA HINDI NABUBUNYAG

Narrator: Si Padre Salvi ay nagmamadaling tumungo sa tahanan ng alperes.


P.SALVI: Ngayon ninyo mapapatunayan ang kahalagahan ng mga prayle. Isang babae ang
nangumpisal na ngayong gabi, ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel, papasukin
ang kumbento at papatayin ang mga Kastila. Magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa.
ALPERES: [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko?
P.SALVI: Huminahon kayo. Ang dapat ay paghandaan ninyo ang pagsalakay nila. Padalhan ninyo
ako ng apat na guwardiya sibil at pasabihan din ang mga bantay sa mga daungan.
Kailangang maging maingat kayo upang sila’y mahuli. Tungkulin ninyo iyan at sapagkat
kayo ang tatanggap ng medalya sakaling magtagumpay kayo, sana’y hindi ninyo
malimutang banggitin ang aking ginawa.
Narrator: Dali dali namang pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra
ELIAS: Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang
mapahamak sapagkat isisigaw ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran.
Huwag na kayong mag-alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay maaaring sumiklab ang
pag-aalsa! Kailangan na ninyong umalis.
IBARRA: Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin?
ELIAS: Kahit saang lugar..sa Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila
masabing totoong may kinalaman kayo dito.
IBARRA: Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa?
ELIAS: Iisipin nila kayo’y taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan, tumakas
at maghintay kung ano ang mangyayari yan ang dapat mong gawin.
IBARRA: Si Maria Clara? Hindi..mabuti pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan
nakatago ang kasulatan ng aming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na
lalong magpapahamak sa akin.
Narrator: Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba.
ELIAS: Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia?
IBARRA: Siya ang lolo ko sa tuhod.
ELIAS: Siya ang dahilan ng kasawian ng aming angkan. Kayo ang itinuro sa akin ng Diyos para
makapaghiganti. (Niyugyog ang balikat ni Ibarra) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan
ninyo ang mukhang ito na punung-puno ng pagtitiis! Samantalang kayo’y
nabubuhay..umiibig…may kayamanan…kinikilala…nabubuhay! Nabubuhay!
Narrator: Nakita ni Elias ang iba’t ibang armas at bumunot siya ng dalawang balaraw. Pagkasabi
ni Elias ng “anong gagawin ko?” ay nagtakbong bumaba ng bahay ito at iniwan si Ibarra.

KABANATA 55: ANG PAGKAKAGULO

Narrator: Oras ng hapunan at magkakasalo sina K.TIAGO, T.ISABEL, at LINARES ngunit


nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain kaya niyaya niya ang kaibigang si Sinang
sa piyano. Nasa bulwagan at hindi mapakali si P.SALVI. Tumugtog ang orasan at sumapit na
ang ganap na ikawalo ng gabi. Nangangatog na napaupo sa isang sulok ang Pari. Pumasok ng
bahay si Ibarra na nakasuot pangluksa at bakas ang matinding kalungkutan. Tinangkang
lapitan ni Maria Clara ang kasintahan ngunit narinig ang magkakasunod ng putok ng
baril. Naglabasan mula sa komedor sina K.TIAGO,T.ISABEL & LINARES. Nagyakapan sina Maria
Clara & Sinang habang panay ang usal ng dasal ni Tiya Isabel.
ALPERES: Padre kura, manaog kayo! Wala ng panganib.
Narrator: Pinapasok ni T.Isabel ang mga dalaga sa kwarto. Napilitang manaog si Padre Salvi.
Nanaog din si Ibarra kahit na pinigilan ni T.Isabel. Nagmadali sa paglalakad si Ibarra
hanggang sa nakarating sa kanyang bahay.
IBARRA: Ihanda ang aking pinakamabilis na kabayo at pagkatapos ay matulog na kayo.
GS: Sa ngalan ng Hari ng España, buksan ninyo ang pinto.
Narrator: Sumilip sa bintana si Ibarra at nagkasa ng baril. Saglit pa ay pinagbuksan niya ng pinto
ang mga ito.
GS: Hinuhuli namin kayo sa ngalan ng hari!
Ibarra: Bakit?
GS: Sa kwartel na kayo magtanong. Kung nangangako kayong hindi kayo tatakas ay hindi
naming kayo igagapos. Ito’y kaluwagang ibinibigay sa inyo ng alperes.
Narrator: Naisipan ni Elias na bumalik sa bahay ni Ibarra. Nalaman niya sa mga utusan ang
nangyari sa kanilang amo. Nagkunwari siyang umalis ngunit ang totoo ay umikot lamang
at dumaan sa bakod. Umakyat si Elias sa bintana at pumasok ng silid ni Ibarra. Kinuha
niya ang baril at mahahalagang bagay at isinilid sa sako at inihulog sa bintana. Kinuha din nito
ang larawan ni Maria Clara. Kumuha siya ng papel at binuhusan ng gaas mula sa ilawan
at sinilaban. Tumalon si Elias mula sa bintana.

KABANATA 56: ANG PALA-PALAGAY (not an important scene)

KABANATA 57: VAE VICTIS (SA ABA NG MGA NATALO)

(Pumasok ang kura sa kwartel)

Alperes: Kagabi ay nakunan namin ng pahayag ang isang bilanggo na nagngangalang Bruno
bago pa ito mamatay.
(Pinapasok ang kura kung saan nakagapos at duguan si Tarsilo, kapatid ni Bruno)
Alperes: Ang isang ito ang matapang na nagpatakas sa kanyang kasamahan ( iniharap ang
anyong malungkot na si Tarsilo) Ano ang ipinangako sa inyo ni Crisostomo Ibarra para
salakayin ang kuwartel kagabi?
Tarsilo: Iginanti lang namin ang aming ama na pinatay ninyo sa palo. Hanapin ninyo ang inyong
dalawang kasama. Inihulog namin sila sa bangin kahapon.(ngumiti ng kakila-kilabot).
Doon sila mabubulok.! (Pasigaw na sinabi Tarsilo kay Alperes)
Alperes: Sino ang inyong mga kasabwat? Dalhin yan sa mga bangkay! Kilala mo sila? (ipinakita
kay Tarsilo ang bangkay nina Lucas at kapatid na si Bruno.)
Narrator: Hindi nagsalita si Tarsilo at sinimulan ang pagpalo sa kanya. Natatakot subalit
nagkunwaring walang nakikita si Padre Salvi.
Tarsilo: Patayin na ninyo ako kung totoo kayong Kristiyano.
Narrator: Walang makuha na anumang impormasyon at hindi napaamin si Tarsilo kaya ito ay
itinimba na sa balong nakakasulasok ang amoy. Hindi natagalan ng lalaki ang
pagpapahirap at kalupitan hanggang sa napugto ang hininga nito.

KABANATA 58: ANG MGA ISINUMPA (not included, not important)

KABANATA 59: ANG MAPAGKUNWARI (not included, not important)

KABANATA 60: IKAKASAL SI MARIA CLARA

Narrator: Nag-uusap sina Tiya Isabel at K.Tiago ng biglang dumating ang mga Espadaña.
Dona Victorina: Malaki talaga ang nagagawa ng isang may kamag-anak na nanunugkulan sa
pamahalaan, di ba? Dahil diyan ay nakakapaglabas-masok siya palagi sa loob ng palasyo
ng Kapitan-Heneral .Una ko pa lamang nakita iyang si Ibarra ay naniwala na akong isa
siyang Pilibustero.
Kapitan Tiago: Ano pala ang sabi ng Kapitan-Heneral sa kalagayan ni Crisostomo Ibarra?
Dona Victorina: Iminugkahi ng pinsan kong si Linares na siya’y bitayin.(sabay tawa)
Linares: Hindi..(tututol pa sana siya, ngunit di siya binigyan ng pagkakataong magsalita ng
donya)
Dona Victorina: Wag mo nag ipaglihim sa amin, pinsan. Ikaw ang tagapayo ng Kapitan at..”
Narrator: Nakita ng Doña na paparating si Ma. Clara
Doña Victorina: Clarita, iha. Ikaw talaga ang dinadalaw namin. Mabuti naman at nakita kita.
Kaya kami nagpunta rito ay upang mapag-usapan na ang mga hindi natapos na pag-uusap
noon.
Ma.Clara: Mawalang galang na po..babalik na po muna ako sa aking silid.
(Tiningnan lang siya ng Donya habang papasok siya sa silid)
Dona: O siya Tiago, dapat nang matuloy ang kasalan ni Ma. Clara at ng aking pinsan.
(Tumingin si kapitan tiago kay tiya Isabel)
Kapitan Tiago: Ipagsabi mong magdaraaos tayo ng isang piyesta.
(napangiti ang Donya sa narinig)
Dona: Maganda yan! O siya, mauuna na kami!
Kapitan tiago: Sige. Salamat sa pagdalaw.
Narrator: Kinabukasan, ganap na ikawalo ng gabi ay napuno ng panauhin ang bulwagan ng
bahay ni Kapitan Tiago.Nangunguna sa mga bisita sina Padre Salvi, Padre Sibyla. Kasali din si
Tinyente Guevarra. Nagpahuli ng dating sina Donya Victorina at Alfonso sa paniniwalang
sila’y importanteng tao. Sa umpukan ng kalalakihan ang usapan ay tungkol sa paglipat
ng kura sa Maynila
Lalaki 1: Kura, bakit po pala kayo napalipat sa Maynila?
Kura: Ako’y wala nang gagawin dito kayat minarapat kong maglagi sa Maynila.
Alperes: Ako man ay aalis na rin sa bayang ito upang pamunuan ang isang pangkat na
magyayao’t parito sa iba’t ibang lalawigan para puksain ang rebelyon at pag-aalsa.
Lalaki2: Ano nga po pala ang mangyayari sa pilibustero?
Alperes: Kung si Crisostomo Ibarra ang iyong tinutukoy, sa paniniwala ko’y dapat siyang bitayin
gaya ng mga salarin noong himagsikan sa taong 1872.
Tinyente: Ang sa aki’y dapat siyang ipatapon. Masyado syang nanalig sa kanyang iniharap na
kasulatan. Kung ang mga tagausig ay hindi nagbigay ng ibang pakahulugan sa mga
kasulatan at ebidensyang iniharap niya, naniniwala ako na maaring mapawalang sala si
G. Crisostomo.
Lalaki3: Ano ang nais ninyong ipakahulugan?
Tinyente: Sinabi ng manananggol na ayon sa salaysay ng mga tulisan na kailanman ay hindi
nakipag-unawaan sa kanila si G. Crisostomo manapa’y kaaway niya ang taong
nagngangalang Lucas. Isang sulat lamang ang naging batayan ng mga tagausig laban kay
Crisostomo Ibarra. Kinilala niya na kanya ang sulat na ito. Ang sulat ay ibinigay sa isang
babae bago siya pumunta ng Europa. May malabong mga pahayag at talata na
ipinagpapalagay na ito’y naglalaman ng mga pagbabanta laban sa pamahalaan.
Padre Salvi: Paano nakarating ang sulat sa mga tagausig?
Lalaki1: Malamang ay natakot ang babaeng binigyan at kusang isinuko ang sulat sa mga
tagausig.
Lalaki2: Marahil naman ay nalaman ng pamahalaan ang tungkol sa sulat at pinuntahan nila ang
napagkamalang binigyan.
Narrator: Biglang nilapitan ng tinyente ang papalapit na si Ma. Clara.
Tinyente: Mabuti ng ginawa niyang pagbibigay ng sulat. Nakatitiyak kayo ng magandang
kapalaran. Napatingin ang mga lalaki sa dalaga. Biglang nakaramadam ng pagkahilo si
Ma. Clara at nagpahatid sa kanyang silid.
Ma.Clara: Mawalang galang na po.
Narrator: Patuloy na kumakatok si Kapitan Tiago sa pintuan ng silid ngunit ayaw itong
pagbuksan ng dalaga. Tumayo siya at pumunta sa asotea, nakita ang bangka malapit sa
kanilang bahay at nagulat siya ng makita ang isang lalaking papalapit sa kanya.
Ma.Clara: Crisostomo!
Ibarra: Ako nga. Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita anuman ang aking
maging kapalaran. Nagpunta ako rito para tuparin ang pangakong iyon bagama’t ikaw ay
hindi tumupad sa ating sumpaan. Palalayain na kita.
Ma.Clara: Patawarin sana ako ng alaala ng aking ina sa sasabihin ko sayo. Natuklasan ko sa
gitna ng aking karamdaman ang aking tunay na pagkatao. Ang kinikilala kong ama ay hindi ko
tunay na ama. Hindi ako maaaring magpakasal sa iyo sapagkat ibubunyag ang lihim na
iyan. Matutuklasan ang naging kataksilan ng aking ina at masisira ang dangal ng
kinikilala kong ama.
Ibarra: Kailangan mo ng katibayan.
Ma.Clara: Totoo ang lahat ng aking sinabi. May sulat na iniwan ang aking ina. Ibinigay sa akin ng
taong nakakabatid ng aking lihim ang sulat na ito kapalit ng sulat mo sa akin. Totoong
pinagtaksilan kita. Ngunit alang-alang sa alaala ng aking ina, napilitan akong ipagpalit
ang sulat mo nang hindi ko nalalaman kung saan nila iyon gagamitin. Wala akong maaring
gawin kundi ang magtiis upang patuloy na maitago ang lihim ng aking pagkatao.
Kailangan kong makipag-isang dibdib upang hindi maibunyag ang aking lihim. Ngayon,
magagawa mo pa kaya akong libakin?
Ibarra: Maria, isa kang anghel.
Clara: Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako.
Ibarra: Ikakasal ka na.
Clara: Oo. Iyon ang gustong mangyari ng kinikilala kong ama. Minahal at inalagaan niya ako
kahit hindi niya tungkulin kaya’t bilang ganti ay kailangang sundin ko siya. Ngunit hindi ko
malilimot ang naging sumpaan natin.
Ibarra: Ano’ng ibig mong mangyari?
Clara: Madilim ang hinaharap. Ngunit gusto kong malaman mo na minsan lamang ako umibig at
hindi na ito maaangkin ninuman. Ano ang manyayari sa iyo?
Ibarra: Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito.
Clara: Paalam, Crisostomo.
Narrator: Ayaw niyang iwan ng kasintahan ngunit kailangan na niyang umalis. Nagbalik na siya
sa bangka kung saan naghihintay si Elias para itakas siya.

KABANATA 61: ANG PAMAMARIL SA LAWA

Narrator: Mabilis na sumasagwan si Elias patungong San Gabriel.


Elias: Dadalhin ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Ihahatid ko doon ang
salapi ninyo na itinago ko. Magagamit ninyo iyon sa pangingibang bansa.
Ibarra: Mangingibang bansa?
Elias: Sa ibang bansa ay makakapamuhay kayo ng tahimik. Marami kayong kaibigan sa Espanya
at matutulungan kayo para kayo’y mapatawad.
Ibarra: Iniligtas mo ang buhay ko ng dalawang beses sa kabila ng kasawian ng iyong angkan sa
aking angkan. Marapat lamang na ibalik ko sa iyo ang inyong yamang nawala. Sumama
kayo sa akin sa ibang bansa at magturingan tayong magkapatid. Tayo’y kapwa
sawimpalad sa sarili nating bayan.
Elias: Hindo ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mamatay.
Ibarra: Pero bakit pinaaalis n’yo ako?
Elias: Sa ibang bansa ay maari pa kayong magtagumpay. Kung daranasin ninyo ang ibayong
hirap ay baka dumating ang araw na itakwil ninyo ng sariling bayan.
Ibarra: Hindi totoo ‘yan! Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng bayan.
Elias: Hindi ninyo ko nauunawaan. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang bayan sapagkat wala pa
kayong dinaranas na paghihirap. Subalit isang araw na maranasan ninyo ang hirap,
gutom at pag-uusig, naniniwala akong itatakwil ninyo ang bayang ito. Humingi ako ng tulong sa
inyo para sa mga sawimpalad, ngunit hindi ninyo ako pinakinggan. Sila ang inyong
pinanigan. Ngayon ay tinutugis na nila kayo at itinuturing na kaaway.
Ibarra: May katwiran ka, Elias. Ako’y taong umaayon sa takbo ng panahon. Malinaw na sa akin
ang lahat ngayon na ang ating bayan ay may nabubulok na sakit na kailangan ng
panlunas. Isang kanser ng lipunan na kailangang gamutin at sugpuin. Akong nagtatanggol
sa bayan ay isa na ngayong pilibustero. Tatlong daan taong silang nagpasasa sa atin
habang tayo’y naging sunud-sunuran sa kanilang pang-alipusta. Nagyaon ay halos nawawalan
na tayo ng pagasa…nawawalan na tayo ng pananalig sa Diyos. Wala nang natitira kundi
hingin natin ang ating karapatan at lakas.
Narrator: Nakita nila sa harapan ng palasyo na nagkakagulo ang mga kawal.
Elias: Natuklasan na nila ang iyong pagtakas.
Narrator: Pinahiga ni Elias sa bangka si Crisostomo at tinakpan ng maraming damo..napadaan
sila sa harap ng polvorista. Sila’y pinatigil ng bantay.
Bantay: Saan ka nanggaling?
Elias: Nirasyunan ko po ng damo ang kura at ang hukom sa Maynila.
Bantay: Sige,maari ka nang magpatuloy. Huwag ka lamang magsasakay ng maski na sino
sapagkat may isang bilanggong nakatakas na ngayon ay pinghahanap. Kung siya’y iyong
mahuhuli tiyak na magagawaran ka ng gantimpala.
Elias: Pano ko siya makikilala?
Bantay: Nakalebita at mahusay magsalita ng wikang Kastila. Kaya huwag kang pakakatiwala.
Elias: Sige po, Salamat.
Narrator: Nagpatuloy na sa pagsasagwan si Elias at saka lumihis ng landas. Pumasok ang bangka
sa may Ilog Beata.
Elias: Liliwas tayo para mapagkamalan akong taga-Peñafrancia.
Ibarra: Marapat siguro na tayo’y maghimagsik.
Elias: Makinig kayo sa aking sasabihin. Mayaman kayo at maaari kayong makapagbayad ng
iyong makakasama. Ngunit baka ang maliliit na tao lamang ang masaktan. Kaunting kalayaan
at katarungan lamang ang hinihingi ng mga sawimpalad at hindi ang pagtatakwil sa
Espanya.
Ibarra: Kung ganoon ay gagawin ko itong mag-isa, Elias. Hindi ako papayag na matapos akong
maging matapat sa bayan at naghangad ng kagalingan ay ito ang igaganti sa akin.
Kailangang mailantad ko sa bayan ang kaapihang ito kung hindi’y walang kabuluhan ang
paghahangad ng kalayaan. Maaari ba ninyo akong ihatid sa bundok?
Narrator: Nagpatuloy sa pagsagwan si Elias.
Elias: Andito na po tayo sa Sta. Ana. Ito ang lugar kung saan ginugol ko ang maraming
masasayang araw. Ang lahat ng alaalang iyon ay hindi na maibabalik pa.
Narrator: Nakarating sila sa malapad na bato at magbubukang liwayway na nang marating nil
ang lawa.
Elias: Iyan ang palwa. Humiga kayo at tatakpan ko kayo ng bayong.
Narrator: Nagpatuloy sila sa pamamangka hanggang sa marinig nila na may isang tinig na
sumisigaw. Hinahabol sila ng isang palwa. Nakita ni Elias ang isang bangka na papalapit
sa kanila lulan ang mga guwardiya sibil.
Elias: Crisostomo, mahuhuli tayo. (Mas mabilis na ang pagbangka ni Elias) Kayo na ang
mamangka sapagkat tatalon ako. Lulundag ako sa tubig para ako ang kanilang
tugisin..ililigaw ko sila.
Ibarra: Huwag kang umalis. Lumaban na lang tayo.
Elias: Hindi tayo magtatagumpay..wala tayong sandata.
(Isang punglo ang humaging sa tubig. Sinundan pa iyon ng isa pang putok.)
Elias: Magkita na lamang tayo sa Noche Buena, sa libingan ng inyong nuno.
Narrator: Pagkasabi niyon ay tumalon na sa tubig si Elias. Nakita ng palwa at guwardiya sibil ang
naglalangot na si Elias at kanilang tinugis. Sunod na putok ang pinakawalan ng mga ito
kay Elias. Sumisid si Elias at di na muli pang lumitaw. Makalipas ang ilang oras ay umalis na
ang palwa at mga sibil. Nakita nilang may bahid ng dugo sa tubig baybayin ng
pampang.
KABANATA 62: ANG PAGPAPALIWANAG NI PADRE DAMASO

(Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra.Ang isip ay


nasa kawalan ng sandaling iyon. Dinatnan siya ni Padre Damaso sa ganoong kalagayan.)
Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para
masaksihan ang kasal mo. (Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May sakit ka na
naman ba, anak? Bakit namumutla ka? [Walang imik si Maria Clara]
Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang
nangyayari sa’yo.
Maria Clara: Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang
aking ama para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban,
umasa at manalig. Ibig kong mabuhay para marining kahit paano ang mga bagay tungkol
sa kanya pero ngayon patay na siya. Bakit pa ako mabubuhay at magtitiis?
Padre Damaso: Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay…
Maria clara: Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Wala
namang gusto ang ama ko kundi malalaking ugnayan sa mga nasa poder. Pero ngayong
patay na siya, walang sinumang tatawag sakin ng asawa. Kumbento o sementeryo
lamang ang aking pagpipilian.
Padre Damaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang
mabigyan ka ng mabuting kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahil mahal kita.
Maria Clara: Mahal mo palay ako’y wag mong hayaang ako’y malungkot habambuhay. Patay na
siya. Ibg ko na ring mamatay o maging madre.
Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay na
misteryong nakakubli sa mga pader ng kumbento. Matanda na ako, Maria. Hindi na kita
mapangangalagaan, pati ng kaligayahan mo. Humiling ka ng iba pa. Mahalin ang binata
kahit sino man sya.. wag lang ang kumbento..
Maria Clara: Ang kumbento o ang kamatayan!
Padre Damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw ni
Padre Damaso) Ayokong mamatay ka… magmamadre ka! Diyos ko! Talagang narito ka
nga nagpaparusa ka. (umalis nang malungkot)

KABANATA 63: ANG NOCHE BUENA

Basilio: Gantihan po sana kayo ng Diyos sa inyong kabutihang loob. Ngayong Pasko po ay gusto
ko sanang umuwi para makita ang aking ina at kapatid.
Matanda: Hindi ka pa lubusang magaling at lubhang may kalayuan ang inyong bayan.
Mahihirapan ka pang makauwi sa inyo.
Basilio: Tiyak na naghihintay ang kalooban ng aking ina sa paghahanap sa akin. Kayo po ay
maraming anak subalit kami’y dadalawa lamang na magkapatid. Babalik po ako dito at
ipagsasama ko ang aking kapatid.
*Mabilis na umalis si Basilio bagama’t may tali sa paa at paika-ika kung maglakad]

[SAN DIEGO]
Narrator: Samantala ay nakauwi na sa bahay si Basilio at dinatnan iyong sira-sira at wala ang
Ina. Paika-ikang pinuntahan nito ang bahay ng alperes. Inutusan ng babaing nasa bintana
ang guardia civil na papanikin si Sisa subalit kumaripas ito ng takbo nang makita ang mga
bantay. Hinabol ni Basilio ang ina pero binato siya ng isang babae sa daan. Tinamaan ng
bato si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa ina.
Basilio: Inang! Ako po si Basilio Inang!
Narrator: Nagsuot sa gubat si Sisa at sumunod pa rin si Basilio hanggang doon. Makailang ulit
na nadapa at bumangon si Basilio pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa ina. Narating
nila ang libingan na nasa tabi ng puno ng balite. May pintuan ito na pilit binubuksan ni
Basilio. Anyong tatakas muli si Sisa subalit nagpatihulog na si Basilio. Nagawa pang
yakapin at halikan ni Basilio si Sisa. Tigmak ng dugo ang noo ni Basilio at nawalan ng
malay tao. Pinagmasdan ni Sisa ang mukha ng bata at natigilan siya nang makilala ito.
Napasigaw si Sisa at nagbalik ang alaala. Hinagkan at niyakap nang mahigpit ni Sisa ang anak
hanggang sa napalugmok na rin ito. Nagbalik ang ulirat ni Basilio at nakita ang inang
pinanawan ng malay. Kumuha ng tubig si Basilio at winisikan sa mukha ang ina. Idinikit
niya ang tainga sa dibdib nito hanggang sa sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio.
Patay na si Sisa. Niyakap ni Basilio ang malamig na bangkay ng ina. Pag-angat ng ulo ni
Basilio nakita niya si Elias.
Elias: Sino ang babaing iyan?
Basilio: Siya po ang aking ina.
Elias: Nasugatan ako at may dalawang araw na akong hindi kumakain o umiinom man lang.
Hindi magtatagal at mamamatay rin ako. Sunugin mo ang aming bangkay ng iyong ina. Kung
walang darating na sinuman, hukayin mo ang mga gintong ibinaon ko. Ariin mo iyon at
gamitin mo sa pag-aaral. Mamatay akong hindi ko man lamang nasilayan ang ningning
ng bukang liwayway ng aking Inang bayan. Kayong mapapalad na makakakita, batiin ninyo
siya at huwag kalimutan ang mga nalugmok at nasawi sa dilim ng gabi.
Narrator: Pagkatingala sa langit ay kumibot pa ang mga labi na tila nananalangin hanggang sa
unti-unting nabuwal sa lupa si Elias.

KABANATA 64 KATAPUSAN

Narrator:
Tuluyang pumasok si Maria Clara sa kumbento. Si Padre Damaso naman ay nanirahan sa
Maynila at kalaunan ay inilipat sa Padre Provincial sa isang malayong probinsya.
Ngunit kinabukasan ay natagpuan siyang patay sa kanyanng kwarto. Ayon sa pagsusuri
ay bangungot ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Habang hinihintay ang pagiging Obispo, si Padre Salvi ay pansamantalang nanungkulan
sa kumbento ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Siya’y umalis na rin sa San Diego at
nanirahan na sa Maynila.
Ilang Linggo bago maging mongha si Maria Clara, ang ama-amahang si Kapitan Tiago ay
dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangangayayat ng husto, naging mapag-isip
at nawalan ng tiwala kahit kanino.
Pagka galing ng kumbento ay ay sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na sa Malabon o
kaya naman sa San Diego dahil gusto na niyang mabuhay mag-isa. Nilimot na ng Kapitan ang
lahat ng santo at santa at inatupag na lamang ang paglalaro ng liyempo, sabong, at paghitit ng
marijuana. Nang lumaon ay napabayaan na nito ang sarili hanggang sa nalimot na din ang
Kapitan na dating tanyag at iginagalang ng mga tao.
Sa kabilang dako, si Donya Victorina ay nagdagdag ng kulot upang magpabuti ang
pagbabalatkayo niyang isang taga-Andalucia. Nangngutsero na siya ngayon. Di niya pinapakilos
ang asawang si Don Tiburcio. Nakasalamin na ito, wala na ring ngipin at hindi na natatawag na
doctor para manggamot.

WAKAS…

You might also like