You are on page 1of 1

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra

Narrator: Natigilan ang lahat nang biglang dumating ang maybahay, si Kapitan Tiago, kasama ang isang
mukhang galingsa mahabang paglalakbay.Kapitan Tiago: Mga ginoo, ikinalulugod kong ipakilala ang anak
ng aking nasirang kaibigang si Don Rafael.Tinyente Guevarra: (bubulong kay G. Laruja) Sino kaya ang
bisitang kasama ni Don Santiago?Kapitan Tiago: Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra. Galing siya ng Europa.
Sinundo ko siya mula sa kanyang paglalakbay. Ibarra: ikinalulugod ko po kayong lahat na makiklala. Aba,
Padre Damaso, ang kura ng San Diego. ikinagagalak ko pongmakitang muli ang isang matalik na kaibigan
ng aking ama. (waring makikipagkamay) Uhh, mukhang nagkakamali ako.Patawad ho, Reverencia.P.
Damaso: Hindi ka nagkakamali, hijo. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang iyong
ama.T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra.Ibarra: (yuyukod
upang magpakita ng pagsang-ayon) T. Guevarra: Nawa’y ang kasiyahang napagkait sa iyong ama ay
mapasayo. Ibarra: Gracias, señor.T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit
kong makasama ang inyong ama at masasabikong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na
mamamayan ng Pilipinas.Ibarra: Maraming salamat po. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking ama ang
mga duda ko tungkol sa nangyari sa kanya,gayong ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam.Narrator:
Pagkaraan ay makikita si Ibarra na nakikipagkilala sa mga kalalakihan at kababaihan sa kabilang banda
ngbulwagan.Ibarra: Marapatin ninyong gayahin ko ang tradisyon sa Alemanya na pagpapakilala ng bisita
kung wala siyang kakilala.ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Juan Crisostomo Ibarra.Kalalakihan:
Ikinagagalak ka naming makilala, Crisostomo Ibarra.Ibarra: (ngingiti at matatawa) Kahit na magaganda
ang mga taga-Europa ay wala pa ring tatalo sa ganda ng mgakababaihan sa ating bansa.Babae 1: Sus!
Kasinungalingan.Babae 2: Marahil ay dala mo rin iyang iyong tinuran mula sa ibang bansa.(tatawa ang
mga kababaihan habang naukas ang mga pamaypay)

You might also like