You are on page 1of 20

Act 1 (Kabanata 1-3)

Mga Panauhin: Kapitan Tiyago, Padre Damaso, Padre Sibyla, Laruja, tenyente, Kapitan Tinong at tagapagsilbi.

Ipapakita ang Tahanan mula sa labas at aalisin para ipakita ang mga nasa hapagkainan sa loob ng tahanan.

Narrator: Nagkaroon ng isang salo-salo ang inihanda ni Don Santiago sa kanyang tahanan sa tabi ng ilog ng Binundok
at sa daang Anluwage. Siya’y kilala bilang Kapitan Tiago, isang maginoo, galante at bukas ang palad sa pagtulong sa
kapwa. Sa gitna ng mga maraming dumalo, sa isang hapag ay magkakasama sina Padre Sibilya, Padre Damaso na may
kasamang dalawang sibilyan; isang pandak at may matingkad na pulang buhok, at ang Tenyente.

Padre Damaso Dalawampung taon akong nagsilbi at nagtiis sa pagdidildil ng kanin at saging sa bayan ng San
Diego bilang Kura Paroko. Ngunit nang umalis ako ay iilang matatanda at hermanos terceros
lamang ang naghatid sa akin! Mga walang utang na loob.

Laruja Wala pong kinalaman ‘yan sa desestanco ng tabako.

Padre Damaso (Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at inis habang hawak ang isang kopita) Ano? Hindi
niyo ba naiintindihan na mali ang ginagawang pagbabago ng mga ministro?!

Laruja Naniniwala kayo?

Padre Damaso Gaya ng aking paniniwala sa Ebanghelyo. Ang mga Indio ay mapagpabaya.

Laruja Likas po ba sa mga taong yan ang pagkapabaya o iyo’y pagtatakip lamang sa pamamahala ng
mga sumakop, na aking narinig sa isang manlalakbay?

Padre Damaso Hindi niyo ba batid na marami sa mga Indio ay mangmang?

Laruja Hindi rin ba ninyo batid na nasa hapag at tahanan tayo ng isang Indio?

Padre Damaso Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siya’y hindi isang Indio. Aking inuuilit na walang
makakapantay sa kamangamangan ng isang Indio.

Padre Sibilya (Pumagitna sa kina Padre Damaso) Kayo’y dalawampung taon sa San Diego, hindi ba kayo
nasiyahan roon?

Padre Damaso Hindi! (Kinuyom ang kanyang kamao at ibinagsak ito sa lamesa) Kung walang kalayaan ang
magkura ay mapapahamak ang bayan.

Padre Sibilya at Ano ang inyong ibig sabihin?


Tenyente

Padre Damaso Iyan ang sanhi ng kapahamakan. Ang ereheng kaaway ng Diyos ay pinananigan ng pamahalaan.
Kapag ang kura’y nagpahukay ng isang bangkay ng erehe, kahit na ang hari’y walang karapatang
makialam ni magparusa.

Tenyente Dapat ninyong malaman na ang Heneral ang kinatawan ng Hari. Inyong bawiin ang iyong sinabi,
kung hindi, makakarating ito sa Heneral.

Narrator: Mas lalong nag init ang ulo ng Padre, habang ang Tinyente ay umalis na hapag at nakisali na lamang sa ibang
panauhin. Natigil na ang usapan ng dumating si Kapitan Tiyago kasama ang binatang galing sa Europa. Bakas ang takot
sa mukha ng Padre habang ang ibang tauhan naman ay paghanga.

Kapitan Tiyago Aking mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala ang dahilan ng pagsasalong ito, ang anak ng
nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kakarating lamang niya mula sa Europa para sa
pagka dalubhasa.

1
Crisostomo Buenas Noches, Señor es. Aba, Padre Damaso, ang kura ng San Diego. ikinagagalak ko pong
makitang muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. (waring makikipagkamay) Mukhang
nagkakamali ako. Patawad ho, Reverencia.

Padre Damaso
Hindi ka nagkakamali. Subalit kailanman ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.

(Nakayuko si Ibarra at inurong pabalik ang kanyang kamay at tumalikod na sa Padre’t napaharap sa
Tenyente)

Tenyente Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra.

Crisostomo Si, Senor Tenyente.

Tenyente Nawa’y ang kasiyahang napagkait sa iyong ama ay mapasayo. Isang mabait na tao ang iyong
ama. Nakilala ko at malimit ko siyang makasama at masasabi kong isa siya sa mga kagalang-
galang at matapat na mamamayan ng Pilipinas.
Crisostomo Ginoo, ang papuri ninyo sa aking ama ay pumapawi sa aking hinala patungkol sa kanyang
pagpanaw.

(Napaluha ang Tenyente, tuluyan nang tumalikod at naglakad papalayo. Naiwang nag iisa si Ibarra ng lumapit sa
kanya si Kapitan Tinong)
Kapitan Tinong Ginoo, ako nga pala si Kapitan Tinong matalik na kaibigan ni Kapitan Tiyago, nais ko sana
kayong imbitahan sa pagsasalo ng pananghalian bukas, maari po ba?

Crisostomo Salamat po, ngunit ako'y uuwi bukas sa San Diego.

Tagapagsilbi Nakahanda na po ang hapunan!

Narrator: Isa isang nagtungo sa hapag kainan ang mga panauhin. Si Padre Sibyla ay masayang masaya samantalang si
Padre Damaso ay masama ang loob. Pinag-aagawan naman ng dalawang Padre ang kabisera. Sa hapagkainan, ipinahain
ni Kapitan Tiyago ang tinolang manok. Natapat sa pinggan ni Padre Damaso ang mangkok na panay upo at sabaw na
may lamang leeg at isang pakpak. Humigop siya ng sabaw at ibinagsak ang kutsara at isinulong ang pinggan.
Laruja Senor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano'ng
pinakamahalagang bagay ang nakita n'yo?

Crisostomo Nang aking natutunan ang kasaysayan, nalaman ko ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang
bansa ang nagdidikta ng kasaganaan o paghihikahos nito.

Padre Damaso ‘Yan lamang ang nakita mo? Bagkus alam na ‘yan ng bata sa paaralan.

Crisostomo Mga ginoo, ‘di dapat ipagtaka ang sinabi ng aming dating kura. Napagunita ito sa aking kabataan,
salamat at binuhay nila ang nakaraang ipinagsalo nila ang aking ama. (Tumayo habang hawak
ang baso) At pagpapatawad ninyo ang aking pag-alis. Ako po'y lalakad bukas kaya't maraming
dapat lutasin. Mga ginoo... sa ikabubuti ng Espanya at Pilipinas. (Itinaas ang baso para sa tagay
ng mithiin.)
Padre Damaso Nakita niyo na, ‘yan ang kasamaang dulot ng pagpapaaral sa Europa nagiging mapagmataas.
Dapat ipagbawal ng pamahalaan ang gayon. (Nakahinga siya ng maluwag nang umalis na si
Ibarra)

Act 2 (Kabanata 4-6)

Mga Panauhin: Crisostomo Ibarra, Tenyente, dalawang bata, kolektor, Don Rafael, ang dalaga (Maria Clara), Donya
Victorina, Kapitan Tiyago, Padre Salvi at Padre Damaso.

Narrator: Marahang naglalakad si Ibarra na walang tiyak na patutunguhan. Nakarating siya hanggang sa Liwasan ng
Binondo. Nang biglang maramdaman niya ang marahang dantay ng isang kamay sa kanyang balikat…

Tenyente Binata, mag-ingat ka. Ang sinapit ng iyong ama ay hindi na dapat maulit pa.

2
Crisostomo
Alam kong hindi ninyo ako nais pasakitan, nais kong malaman ang sinapit ng aking ama…

Tenyente Ang iyong ama, gaya ng alam ng mundo ay isa sa mga kagalang-galang na tao sa buong San
Diego. Ngunit kinaiinisan at kinamumuhian rin siya ng iba sa kanyang mga kababayan. Mula sa
pulpito ng simbahan ay ikinakalat ni Padre Damaso ang mga pasaring, kahit na walang pangalang
nababanggit. Siya rin ay nagkaroon ng mga kaaway na kastila, hinuli’t kinulong ng pulisya si
Don Rafael dahil sa pagkamatay ng Artilyerong Kastila–

Crisostomo Ano pong tunay na nangyari at humantong sa ganon?

Narrator: Noong panahong ‘yon, ay may isang artilyero na naalis sa pagka sundalo dahil sa kanyang masamang ugali,
ginawa siyang kolektor ng buwis ng sasakyan. Siya’y kiala dati sa kalupitan at kamangmangan. Isang araw, siya’y
tinukso ng mga bata.

Bata (1) Ba, be, bi, bo, bu!

Bata (2) Hindi ka naman marunong magsulat o magbasa, ano ang silbi ng iyong dala?

Kolektor Anong iyong sinabi?!

Narrator: Nag-init ang ulo ng koletor at hinabol ang mga bata. Agad niyang ipinukol ang baston sa ulo ng isang bata.
Saktong pagdaan ni Don Rafael na siyang dali-dali lumapit sa kolektor, hinawakan niya ang mga bisig nito at minura.

Don Rafael Huwag na huwag mong sasaktan ang mga bata.

Narrator: Nang bitiwan na patulak ang kolektor ay nawalan ng balanse ito at tumama ang ulo sa bato, nagsuka ng dugo
ang koletor at ilang minuto lamang ito’y binawian ng buhay, dinala agad ng mga pulisya ang ama ni Crisostomo sa
bilangguan. Dahil sa nangyaring ito ay nagsilabasan ang mga may galit kay Don Rafael at nagsilantad ang mga
kasinungalingan laban sa kanya upang siya ay akusahan bilang erehe at subersibo.

Tenyente
May tsansa na makalaya ang iyong ama ngunit kahit anong lapit ko sa mga tanyag na abogado ay
natatakot silang hawakan ang kaso… marahil mas kasuklam suklam pa ang iginiit sa kanya kaysa
sa pagpatay sa isang mangmang na kastila, ang pagiging erehe at subersibo. Dahil, sa kabiguan
niyang makalaya tuluyang nasira ang kanyang kalusugan at nauwi sa pagpanaw sa bilangguan.

Crisostomo Kaya pala… kaya pala hindi binanggit sa akin ni Kapitan Tiyago ang dahilan. Ama ko…

Tenyente Alamin mo ang iba pa sa kanya… Paalam na.

Narrator: Walang imik na inihatid ng tingin hanggang makapasok sa kuwartel si Ibarra patungo sa Hotel Lala.
Pumasok si Ibarra sa silid na nakaharap sa ilog. Siya’y naupo sa isang silya at tumitig sa bukas na bintana. Maliwanag
ang ilaw sa bahay sa ibayo ng ilog at naririnig niya ang masasayang tugtugin ng gitara habang si Ibarra ay iba ang nasa
isip, kundi ang sinapit ng kanyang ama sa isang silid ng bilangguan.

Crisotomo Aking ama, walang kapatawaran ang iyong sinapit sa kanilang mga kamay…

Act 3 (Kabanata 7-9)

Mga Panauhin: Maria Clara, Tiya Isabel, Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Padre Damaso, Padre Sibyla, Pari

Kapitan Tiyago Ika’y namumutla, Maria Clara. Dapat ka munang magpahinga sa lalawigan, ano sa iyong palagay,
sa Malabon o San Diego?

Tiya Isabel Sa San Diego na, Pinsan. Maganda ang buhay natin do’n at nalalapit na rin ang piyesta.

Narrator: Ikanagalak naman ni Maria Clara ang sinabi ng kanyang tiyahin, akamang yayakapin niya sana ito nang
marinig niya ang pagtigil ng isang sasakyan sa harap ng kanilang bahay, nang marinig niya ang mga yabag papalapit sa
hagdan ay agad siyang nagtungo sa kanyang silid.

3
Tiya Isabel Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito.

Maria Clara Pasok ho kayo.

Tiya Isabel Iha, nariyan si Crisostomo. Paghihintayin mo ba siya?

(Magiliw na lumabas ng silid ang dalawa, parang bata si Maria Clara sa pag-kakaakay ni Tiya Isabel. Nag uusap ang
dalawang irog gamit ang kanilang mata at nagpapalitan ng matatamis na ngiti, ilang sandali
lamang ay iniwan na sila ni Tiya Isabel ay tumungo na sila sa asotea para mag usap.)
Maria Clara Ako ba’y lagi mong naaalaala? Hindi mo ba ako nalimot sa iyong mga paglalakbay?

Crisostomo Maaari ba kitang malimot? Minahal mo si Ina at minahal ka niyang parang tunay na anak.
Sumumpa ako sa kaniya na ika’y paliligayahin maging ano man ang kapalaran idulot sa akin ng
tadhana. Ngayon ay inuulit kong muli sayo ang sumpang iyon.

(Tiningnan ng mabuti sa mata si Maria Clara)

Maria Clara Hindi man ako nakapag lakbay gaya mo. Subalit, hindi rin kita malimot sa loob ng beateryo,
kahit ipinag uutos sakin at kahit kapalit pa nito ay mabigat na parusa. Lagi’t lagi kitang naaalala,
Ibarra.

Crisostomo (Kinuha sa kanyang kalupi ang isang munting balot ng papel) Ang dahon ng sambong, na
ibinigay mo sa akin…

Narrator: Kinuha naman ni Maria Clara ang liham na ibinigay sa kanya noon ni Ibarra at kanya itong binasa, sa
kalagitnaan nito ay napatayo naman sa kinauupuan ang binata.

Crisostomo Patawarin mo ako kung ako'y magpapaalam na, muntik ko na malimutan ang aking tungkulin.
Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli,
aking mahal.

Maria Clara Sandali… (Pumitas ng mga bulaklak at iniabot kay Ibarra) Ialay mo ang mga ‘to sa’yong mga
magulang.

(Ngumiti at tumango si Ibarra sa dalaga at tumalikod na paalis ng biglang may pahabol ang dalaga)

Maria Clara Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo. Hindi kita pipigilan, magkikita tayong muli… (Pumasok
na sa silid)

Kapitan Tiyago Magtulos ka ng kandila para kina San Roque at San Rafael, ang patron ng mga
manlalakbay

Narrator: Si Padre Damaso ay sakay ng karwaheng nasalubong ni Ibarra na patungo sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Dinatnan ng pari sina Maria Clara at Tiya Isabel na pasakay sa karwahe. Tila wala sa loob na tinapik ni Padre Damaso
sa pisngi ang dalaga.

Padre Damaso Saan ang iyong lakad?

Maria Clara Kukunin po namin sa kumbento ang aking mga kagamitan.

Padre Damaso Aha! Tingnan natin kung sino ang mas malakas! Tingnan natin! (Pumanhik na sa bahay)

Tiya Isabel Nagkakabisa siguro ng sermon.

Padre Damaso (Magmamano sana sa kanya si Kapitan Tiyago ngunit binawi nito ang kanyang kamay)
Kailangan nating mag-usap!

Narrator: Pumasok sila sa isang silid at isinara ang pinto. Sa kabilang dako, pagkatapos magmisa ni Padre Sibyla,
nagtungo siya sa isang silid at tumambad ang isang paring matanda na tila may malubhang sakit.
Nakaramdam siya ng awa dito kaya ito’y kanyang nilapitan at kinamusta.

Padre Sibyla Nagbalik na sa San Diego ang bugtong na anak ni Rafael Ibarra at ikakasal na nga pala ito sa
anak ni Kapitan Tiyago.

4
Matandang pari Siyanga? Bueno, kamusta naman siya? Malugod ba ang pagtanggap sa kanya ng mga
taga-San Diego?

Padre Sibyla Mainit siyang niyakap ng kanyang mga kababayan, lalo na si Kapitan Tiyago at ng kanyang
maybahay. Ngunit tila iba ang iniisip sa kanya ni Damaso.

Matandang pari Paano mo nasabi iyan?

Narrator: Ikinuwento ni Padre Sibyla ng detalyado ang pagsasagutan ni Crisostomo at Padre Damaso.

Matandang pari Marahil sa poot na mayroon si Damaso kay Don Rafael, kilala ko si Damaso, matabil ang
kanyang dila, ngunit sa kanyang kalooban ay nagtatago ang isang duwag.

Padre Sibyla Tama kayo, padre. Bueno, ako’y mauuna na. Maiwan ko na muna kayo.

Matandang pari Gracias, Sibyla.

(Sa bahay naman nina Tiyago, natapos ang usapan ng dalawa— Kapitan at Padre..)

Padre Damaso Binabalaan kita, Kapitan. Kailanma’y huwag mong tatangkain na maglihim sa akin. Ako pa rin
ang inaama ni Maria Clara.

(Tinalikuran na ni Damaso ang Kapitan at nadaanan ang dalawang kandilang itinirik ng dalaga, kaniya itong pinatay
bago lumisan ng kanilang tahanan.)

Act 4 (Kabanata 10-13)

Mga Panauhin: Crisostomo, matandang alila, Padre Salvi at mga Sepulterero.

Narrator: Nasa kalagitnaan ng paghuhukay ang dalawang sepulturero sa sementeryo ng bayan. Ang sementeryo ay
napabayaan sa kadahilanang wala itong tagapangalaga. May nasasabi na mayroong krus ito na nakatirik sa isang bato sa
gitna ng libingan. Ang isa ay dati ng sepulturero at ang isa ay tila baguhan dahil panay ang dura, hindi mapakali at
panay ang hitit sa sigarilyo.

Matandang alila Si Kapitan Tiago po’y nangakong siya raw ang magpapagawa ng nitso kaya’t nilagyan ko po ng
krus at tinamnan ng mga bulaklak.

(Hindi makita ng matanda ang krus kaya’t lumapit sila sa mga Sepulturero)

Matandang alila Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito?

Sepulturero (1) Ah, iyong malaking krus? Sinunog ko na iyon.

Matandang alila Sinunog? Bakit naman ninyo sinunog?

Sepulturero (1) Ipinag-utos po ng kura!

Crisostomo Sinong kura?! At anong ginawa ninyo sa bangkay, nasaan na?!

Sepulturero (1) Ang namamalirong kura si Padre Garrote, sinabi niya sa akin na dalhin ko raw ito sa libingan ng
mga Intsik.

Crisostomo At ginawa mo naman?! (Kinuwelyuhan ang lalaki)

Sepulturero (1) 'Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing
iyon kaya...itinapon ko na lamang ‘to sa lawa.

Crisostomo Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa! (Binitawan ang lalaki)

5
Narrator: Galit siyang umalis roon habang nakasunod sa kanya ang umiiyak na matandang alila. Walang luha ang
tumulo sa kanyang mga mata, kundi galit. Agaw-dilim na noon at sa dakong silangan ay makapal ang ulap na parang
uulan. Mainit ang simoy ng hangin humahampas sa mga sanga ng kahoy at punong kawayan, kanyang nakasalubong si
Padre Salvi agad niya itong sinugod at hinawakan sa mga balikat.

Crisostomo Ano ang ginawa mo sa aking ama?

Padre Salvi Nagkakamali kayo, wala akong kinalaman sa iyong ama!

Crisostomo Anong wala?!

Padre Salvi
Hindi po ako, natitiyak kong ang tinutukoy ninyo ay si Padre Damaso ang pinalitan kong pari.

Crisostomo
AH! (Sigaw ng binata at binitawan ang Padre na napaupo sa lapag, atsaka na ito lumisan.)

Act 5 (Kabanata 14)

Mga Panauhin: Pilosopo Tasyo, Don Filipo Lino at Donya Teodora Vina.

Narrator: Walang tiyak na direksiyon, palakad-lakad sa kabayanan ang isang mahiwagang matandang lalaki buhat sa
sementeryo. Dati siyang estudnyante sa pilosopiya. Natigil siya pag-aaral hindi dahil sa kaniyang kahirapan o kahinaan
ng ulo, kundi dahil sa pagsunod sa kagusuhan ng kanyang ina. Ang tawag sa kaniya ng mga may pinag-aralan ay Don
Anastacio o Pilosopo Tasyo, samantalang Tasyong baliw naman ang tawag ng mga di nag-aral dahil sa kakaiba niyang
kilos at pananalita.

Pilosopo Tasyo Nakita n’yo ba sa sementeryo ang anak ng nasirang Don Rafael Ibarra na kararating lamang mula
sa Europa?

Don Filipo Lino Opo…Nakita ko nang bumababa sa karwahe

Donya Teodora Nagpunta raw roon para hanapin ang libing ng kaniyang ama. Malamang na ito’y nagsilbing
Vina matinding dagok sa kanya. (Nagkibit balikat ang matanda) Parang walang kwenta sa inyo ang
nangyari sa kanya?

Pilosopo Tasyo
Ginang…….Isa ako sa anim na taong nakipaglibing. Ako’y hindi kasang-ayon sa pagsasalin ng
kabantugan. Kung sakaling iginagalang ko ang ama ay dahil sa karangalang tinamo ng anak at
hindi ang anak dahil sa karangalang tinamo ng ama. Ang sinuma’y marapat magtamo ng parusa o
gantimpala ukol sa kanyang ginawa at hindi dahil sa ginawa ng iba.

Donya Teodora Hindi ba kayo naniniwala sa purgatoryo?


Vina

Pilosopo Tasyo
Hindi kanyo ako naniniwala sa purgatory? Aba, alam ko pa ang kasaysayan nito! Mabuti ang
purgatoryo sapagkat naaalala ng mga buhay ang mga patay at nag-uudyok sa mga tao upang
mamuhay nang mabuti. Ang tanging nakapagpapasama ay ang mga pagpapakalabis.

Act 6 (Kabanata 15-18)

Mga Panauhin: Crispin, Basilio, Sakristan Mayor, Sisa, Pedro, Kusinera, utusan.

Narrator: Ipinakita ang simbahan. Sa kampanaryo ng simbahan ay naroroon ang magkapatid. Ang maliit ay si Crispin
na matatakutin, at ang malaki ay si Basilio, na may kalakasan ang loob. Sumasaliw sa sigwa ang malungkot na plegarya
ng kampanang pumapaimbulog sa himpapawid.

Crispin Kuya, bayaran mo na, ang sinasabi nilang ninakaw ko…

Basilio Kapag binayaran `yon, walang kakanin si Inang. Dalawang piso lamang ang sasahurin ko sa
buwang ito. Makatlo na akong minultahan. Ang dalawang onsang ninakaw mo, sabi ng Sakristan
Mayor, ay katumbas ng 32 piso

6
Crispin Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya... Kapag nalaman 'to ng Inay...
natatakot ako. Mabuti pa nga na talagang magnakaw na lamang ako... Sa gayong paraan,
maaamin ko na na ako nga ang nagnakaw ng dalawang onsa... Patayin man ako sa palo ng kura,
magkakaroon naman kayo ni inay ng mga bagong damit...

Basilio (Naiyak si Crispin) Kung maniwala si Inang, ikaw na ang bahalang magsabing ang sakristan
mayor ay nagsisinungaling.

Crispin Sinungaling silang lahat. Sinabi nilang magnanakaw tayo sapagkat ang ama natin ay isang
manunugal….

Basilio
Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. 'Wag kang mawalan ng—

Sakristan Mayor (Dumating ang Sakristan) Basilio, minumultahan kita ng kalahati dahil sa hindi sunud-sunod ang
pagkatugtog mo ng kampana. Ikaw Crispin ay maiiwan hanggang hindi mo inilalabas ang iyong
ninakaw.

Basilio Sakristan mayor, pakiusap, hindi po—

Sakristan Mayor Basilio, hindi ka makauuwi hangga’t hindi pumapatak ang eksaktong ika-10 ng
gabi!

(Aangal pa sana si Basilio nang biglang kaladkarin ng Sakristan Mayor si Crispin pababa ng hagdan, dinig na dinig
ang kalabog at ang malalakas na sampal)

Crispin Kuya! Tulungan mo ako! Patayin nila ako!

Narrator: Nabalot muli ng katahimikan ang silid at hindi nag dalawang isip na Inakyat ni Basilio ang kinabibitinan ng
mga kampana. Kinalag niya ang lubid at muling nanaog. Pinagbuhol niya ang mga lubid, itinali sa palababahan at buong
ingat na naghugos sa gitna ng kadiliman. Sa kabilang banda, ay ang isang ina na naghihintay sa pagbabalik ng kanyang
mga anak.

(Inaayos na ni Sisa ang mga pagkain sa hapag ng dumating ang kanyang asawa)

Pedro May makakain ba?

Sisa Mayroon.

Pedro Nasaan?! Bilisan mo't nagugutom na ako!

Sisa Narito na, sandali lang… (Kinain lahat ni Pedro ang inihain niya) Wala nang natira, paano ang
mga anak mo?

Pedro May reklamo ka ba, ha?!

Sisa Wala, wala…

(Matapos kumain ay umalis na siya, dala-dala ang kanyang panabong na manok, naiwan si Sisa sa hapag at naiyak na
lamang sa ginawa ng kanyang asawa. Nagluto muli siya ng inihaw na tuyo at nagsaing muli para
sa kanyang mga anak.)

Narrator: Si Sisa ay isang martir sa pag-ibig at hibang sa pagmamahal sa kanyang asawa, kahit na puro perwisyo, bisyo
at sinasaktan lamang siya nito. Handang-handa niya tiisin ang lahat, para sa pagmamahal.

(Inip na inip siyang naghihintay at paminsan minsan ay mahinang umaawit nang makita niya ang isang asong itim na
kanyang pinukol ang naghatid sa kanya ng guni-guni ng malungkot na pangitain)

Basilio Inang, inang! Buksan mo ‘to!

Sisa (Napahiyaw si Sisa) Aking anak!

Basilio Si Crispin ay naiwan sa kumbento. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang
nagnakaw. Nang kaladkarin ng sakristan mayor si Crispin, sinabayan ko ng talilis.

7
Sisa Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating
magdusa?

Basilio Inay…

Sisa Diyos ko, salamat na ika’y ligtas. Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto...heto ang
kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko. (Tiningnan ni Basilio ang ulam, magsasalita sana siya ng
maunahan na siya ng ina.) Alam kong hindi mo gusto ang tuyo, naghanda
talaga ako ng masarap na pagkain, ngunit nang dumating ang iyong ama at lang hindi man
nagtira…
Basilio Hindi ba mas magandang tayong tatlo lamang ang magsama-sama, ako, ikaw at si
Crispin?

(Napabunto ng hininga lamang si Sisa upang hindi na lumawig pa ang usapan tungkol sa ama.)

Narrator: Kinabuka san, nang matapos mag misa si Padre Salvi, siya’y matamlay na may sakit at walang imik
siyang umakyat sa kumbento. Habang ang tatlong kababaihan ay pinaguusapan ang katamlayan ng Padre,
atsaka naman du mating si Sisa na may dalang basket na nagtungo agad sa kusina pagkatapos batiin ang
mga dinatnang utu san at sakristan ngunit hindi siya pinansin ng mga ito.
(Inilatag ni Sisa sa mesa ang gulay na kanyang dala)

Utusan Para saan ‘yang dala-dala mo, Ale?


Sisa Para sa kura, nais ko sana siyang makausap. (Tiningnan lamang siya nito) Si Crispin ba ay nasa
sakristiya? Si Basilio ang nasa amin, ngunit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makausap
ang aking anak.

Utusan
Crispin? Kung gano'n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Tunay ngang naiwan siya dito ngunit
nagtanan matapos makapagnakaw ng maraming bagay. Iniutos sa akin ng kura na ipagbigay-alam
ko sa guwardiya sibil, kaya’t marahil ay naparoon na sa inyo upang hanapin ang mga bata.

Sisa Hindi...hindi magnanakaw ang mga anak ko!


(Hindi nakapag salita si Sisa at napaupo nalamang, hindi niya na napigilan ang paghikbi dahil sa mga paratang sa
kanyang anak.)
Kusinera 'Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana sila sa
kanilang ama! Wala kang naiturong mabuti sa kanila!
Sisa
Ah! Tama na! (Tinakpan niya ang kanyang mga tainga at tulirong tumakbo palabas ng kumbento)

Act 7 (Kabanata 21)

Mga Panauhin: Si sa, Guwardya Sibil at Alperes.

Narrator: Nagtatat akbong pauwi si Sisa na gulong-gulo ang isip. Hindi niya maunawaan ang nangyayari sa
kani- yang buhay. Gumigitaw sa kaniyang isipan ang pagnanais na mailigtas ang kaniyang mga anak. Nakita
niya ang dalawang guardiya sibil sa kanilang tahanan.
Guwardya Sibil Ikaw ba si Sisa, ang ina ng dalawang magnanakaw?
(1)

Sisa Ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.
Guwardya Sibil Magtapat ka at kung hindi ay itatali ka namin sa puno at babarilin nang dalawang ulit, nasaan ang
(2) mga salaping ibinigay sayo ng anak mong magnanakaw?

8
Sisa Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin… ‘di po magnanakaw ang mga anak ko
kahit sila’y nagugutom. Sanay na po kaming magtiis ng gutom. Kahit halughugin ninyo ang
aming bahay, walang kayong makikitang salapi, walang iniwang salapi si Basilio at hindi
magagawa iyon ng aking mga anak!

(Halos kakaladkarin ng mga guwardiya si Sisa. Dadaan sila sa bayan at kukutyain ng mga taumbayan si Sisa.
Pagdating sa kwartel ay sumiksik lang siya sa isang sulok. Dumating ang Alperes at nakipag usap sa guwardiya sibil
nang malaman niya na nakakulong si Sisa)

Alperes Kamalian 'yan ng kura! Pakawalan ninyo siya at 'wag n'yo nang gagambalain pa, at kung gusto
ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n'yo sa kanya na manalangin siya kay
San Antonio!

(Pinakawalan ng guwardiya sibil si Sisa)

Guwardya Sibil Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa'yo! Ha!
(2)

(Namamadali siyang naglakad pauwi. Nang makara-ting siya sa kaniyang bahay, pumasok siyang walang kibo at
lumakad-lakad sa lahat ng dako.)

Sisa Anak ko! Crispin! Basilio! Aking mga anak, nasaan kayo?!

(Maglabas-masok saiya sa kanilang tahanan, pag kanyang tingala ay nakita niya ang pirasong tela ng damit ni Basilio
na may dugo, hinawakan niya ito.)

Sisa
Ito ay... damit... ni Basilio? Dugo...Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko!
Ang magnanakaw kong anak! Ako ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo!

Narrator: Si Sisa ay nagpalibot-libot habang sumisigaw at umuungol sa kakaibang tinig hanggang abutin siya ng gabi.
Kinabukasan, nakita na lamang siya na pagala-gala, ngingiti- ngiti, umaawit, at nakikipag-usap sa lahat ng nilalang ng
kalikasan.

Act 8 (Kabanata 25)

Mga Panauhin: Crisostomo, Pilosopo Tasyo,

Narrator: Nang magbalik ang mga sundalo at sabihing wala silang nakitang anuman maging tao o bangka, ay
napilitang umalis nang walang paalam ang grupo ng sarhento at sa kabilang banda ay nagpagdesisyunan na rin nilang
umuwi na sa kani-kanilang tahanan. Matapos nito ay si Ibarra naman ay nagtungo sa tahanan ni Pilosopo Tasyo.

Crisostomo (Napangiti ng kaunti si Ibarra at kinuha ang ilang papel sa kanyang kalupi.) Naging sanggunian
kayo ng aking ama kaya’t nais kong isangguni rin sa inyo ang dapat kong gawin sa binabalak
kong pagtatayo ng paaralan. Sino po ang dapat kong lapitan?

Pilosopo Tasyo Ang inyong gagawin ay pangarap ko rin, pangarap ng isang kawawang baliw kaya’t ang ipapayo
ko sa inyo’y huwag ninyo akong tatanungin kailanman. Dapat ay sa kura, kapitan o kahit na
sinong mayaman sa bayan ka sumangguni. Mali ang ipapayo nila sa iyo ngunit hindi ito
nangangahulugan ng pagsunod. Sundin ninyo kunwari ang payo at ipakita ninyong ang inyong
ginagawa ay ayon sa kanilang akala.

Crisostomo Kinakailangan ba talagang mabahiran ng kasinungalingan ang isang katotohanan?

9
Pilosopo Tasyo

Kung minsan, ang paggawa ng mali ay hindi magbubunga ng kamalian. Kung taos sa iyong puso
ang pagpapatayo ng paaralan at pagtulong sa iyong kapwa, wala kang dapat ipangamba. Ngunit
tandaan mo, magtatagumpay ka lamang kung makikiayon ka sa agos at kung hindi pinalad ay
mayroon pa rin kayong napala.

Act 10 (Kabanata 26-31)

Elias (Dumating si Elias at umupo sa tabi ni Ibarra) Alam kong magbubukas ka ng bagong paaralan.
Ikaw ay mag-ingat. Sa pagbaba sa hukay, huwag kang lalapit sa bato kung ayaw mong mamatay.
(Atsaka na ito lumisan)

Act 11

Mga Panauhin: Alkalde, Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Taong Madilaw, Tao 1&2, Kura, Ilang Kawani, Prayle,
Kapitan Tiyago, Elias

Narrator: Nang sumunod na gabi…

Utusan Bumaba na kayo, Señor! Kung hindi ay hindi ko ipag-uutos na ihugos ang bato.
Narrator: Ang Taong Madilaw ay tila nababagabag at pinagpapawisan ng malamig. Nagbabantay si Elias sa malayo, at
bahagyang kinindatan si Ibarra. Hanggang sa nagulat na lamang ang lahat dahil sa isang malakas na ugong. Nabalot ng
makapal na alikabok ang paligid. Nagsigawan ang lahat dahil nalansag ang panghugos ng hindi inaasahan.

Ibarra Huwag mag-alala, ligtas ako!

Maria Clara (Hinimatay)

Tao 1 Ang taong naghuhugos!


Tao 2 Naku! Nahulugan siya ng mga bato.
Ibarra Madali kayo! hanguin niyo ang bangkay niya dito. Ako na ang bahala sa kanyang libing.
Napakasawimpalad.

Alcalde Kailangang maimbestigahan ang pangyayaring ito!

Ibarra Huwag na, mahal na Alkalde. Kahit na gumawa tayo ng pagsisiyasat ay wala nang mangyayari.
Papatayin niya sana ako ngunit napatay niya ang sarili niya. Hayaan na lamang natin siya at
bigyan ng maayos na libing.

Tao 1 Kahit na pumuti na siguro ang aking buhok ay wala na tayong makikita pang taong singbait ni
Don Ibarra!

Tao 2 Siyang tunay. Isa talaga siyang napakabait at napakapitagang tao.

Pilosopo Tasyo Naku! Tsk. Tsk. Tsk. Masamang simula.

Act 12

Mga Panauhin: Utusan, Crisostomo Ibarra, Elias

10
Narrator: Nang sumunod na gabi…

Utusan Señor, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas.


Ibarra Sino siya?

Utusan Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya.

Ibarra Sige, papasukin mo siya.


Narrator: Pinapasok ng utusan ang panauhin at tumambad kay Ibarra si Elias.

Ibarra Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo.
Elias Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!

Ibarra Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan.

Elias Isa na ang taong madilaw kanina sa kanila. Mas mabuti kung makikita ng inyong kaaway na
kayo’y hindi nag-iingat at kayo’y nagtitiwala sa lahat.

Ibarra Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay
malamang napakinabangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.

Elias (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay, ay
magtatago na lamang siya mula sa baluktot nating pamahalaang. Bueno, Señor. Aalis na ako.
Maraming salamat po.

Ibarra Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo ulit?

Elias Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan.

Ibarra Paalam, Elias

Elias (ngumiti)

Act 13

Mga Panauhin: Utusan, Crisostomo Ibarra, Elias

Narrator: Nang sumunod na gabi…

Utusan Señor, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas.


Ibarra Sino siya?

Utusan Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya.

Ibarra Sige, papasukin mo siya.


Narrator: Pinapasok ng utusan ang panauhin at tumambad kay Ibarra si Elias.

11
Ibarra Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo.
Elias Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!

Ibarra Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan.

Elias Isa na ang taong madilaw kanina sa kanila. Mas mabuti kung makikita ng inyong kaaway na
kayo’y hindi nag-iingat at kayo’y nagtitiwala sa lahat.

Ibarra Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay
malamang napakinabangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.

Elias (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay, ay
magtatago na lamang siya mula sa baluktot nating pamahalaang. Bueno, Señor. Aalis na ako.
Maraming salamat po.

Ibarra Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo ulit?

Elias Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan.

Ibarra Paalam, Elias

Elias (ngumiti)

Act 14

Mga Panauhin: Damaso, Alkalde, Ibarra, Maria Clara

Damaso Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?


Alkalde Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng arkitekto at
ng Reverencia.
Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto. Nagpapakita lamang ng
Damaso kamangmangan ng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako lamang ang gumuhit ng plano ng
simbahang iyan.
Alkalde Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay nangangailangan ng eksperto.
Damaso Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong na sawali.
Alkalde Sandali lamang Padre Damaso.

Damaso Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang ulupong!
Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang…

Narrator: Sa sobrang galit ni Ibarra ay hinawakan niya ang leeg ng pari upang hindi ito makakilos at saka iniamba ang
matalim na kutsilyo.
Ibarra Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang pinakainiwas-
iwasan ko. Isang paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang demonyong
nagbabanal-banalan! Siguro naman ay dapat siyang mamatay!
Alkalde Huwag, Señor. Huwag niyong hayaan ang sarili ninyong magkasala sa Diyos!

Ibarra Magdasal ka na sa lahat ng santo, Padre. Makikita na natin kung dugo o lusak ang dumadaloy sa
mga ugat mo!

12
Narrator: Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso sa dibdib

Maria Clara Crisostomo, huwag! Para sa akin, maawa ka sa kanya!

Narrator: Nanghihinang binitiwan niya ang kutsilyo pati na rin si Padre Damaso. Mabilis siyang lumayo at nawala.

Act 15

Mga Panauhin: Kapitan Heneral, Alkalde, Ibarra

Narrator: Isang araw, sa opisina ng bagong dating na Kapitan-Heneral…


K. Heneral Isang karangalan ang makilala kayo, Señor Ibarra.
Ginulat po ninyo ako sa inyong kabaitan, kamahalan. Sa bansang ito ay hindi ako itinuturing na
Ibarra
mabuting tao.
K. Heneral Tungkol sa pagkakaalitan ninyo ni Padre Damaso, sinisigurado ko sa iyo na hindi ka magagalaw
ng mga pari hangga’t ako ang namumuno sa bansang ito. Kakausapin ko na rin ang arsobispo na
sumulat sa Santo Papa upang maibsan na ang iyong ekskomunyon.
Ibarra Gracias, kamahalan. Ngayon ay alam ko na kung bakit pinupuri kahit sa Madrid ang inyong
kahusayan. Pagpalain pa nawa kayo ng Maykapal.
K. Heneral Bueno, may pupuntahan pa akong mahalagang bagay. Maraming salamat at nakausap kita, Don
Ibarra.
Ibarra Sige po, kamahalan. Aalis na po ako. Maraming salamat din po.

Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay pinatawag ng Kapitan-Heneral ang Alkalde.


K. Heneral Mula sa araw na ito Alkalde, inihahabilin ko sa ilalim ng inyong proteksiyon si Señor Ibarra.
Ipaalam mo ito sa Alperes at suportahan mo siya sa kanyang mga adhikain.
Alkalde Masusunod, kamahalan.
Act 16

Mga Panauhin: Donya Consolacion, Sisa, Guardia Sibil, Alperes


Narrator: Sa bahay ng Alperes, sa parting bintana, ay may makikitang silyon na laging inuupuan ni Doña Consolacion.
Si Doña Consolacion ay isang gusgusing babaeng nag-aastang Oropea. Asawa siya ng Alperes. Mas kilala siya bilang
Doña Alperesa. Mahilig siyang mag-Espanyol, at nagpapautal-utal ng Tagalog upang hindi siya mahalata. Isang araw ay
maririnig na umaawit si Sisa na inaalagaan sa bahay ng Alperes kaya’t ipinatawag ito ni Donya Consolacion upang
pakantahin. Hindi ito nakapagbigay galang kaya’t agad na kinuha ni donya ang nakasabit na latigo.

Donya Consolacion (nilatigo ang baliw) Vamos magcantar icau! Guardia! Dile a esa mujer que canta tagalo! Él no me
entiende! No hace falta ser español!

Narrator: Ipinabatid ng guardia civil ang sinasabi ng Doña kay Sisa. Kumanta ng kundiman si Sisa na siyang
nagpalungkot sa Donya.
Donya Consolacion Tigil na! Wag ka nang kumanta! Wag kang kumanta! Nakahahapis sakin ang tulang iyan
Narrator: Nabigla ang mga guardia civil dahil ang Doña ay narinig nilang matatas managalog. Napahiya ang Doña. Sa
pagkapahiya, pinaalis ng Donya ang bantay. Lumalakad na payaot padito sa silid na hinuhutok ng kamay ang latigo; at
saka huminto sa harap ng baliw.
Donya Consolacion Bayla—baila, baila!
Narrator: Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa ang donya na nakangiti

13
at natutuwa sa ginagawa ng Doña. Napahiya ang Doña at itinaas ang hawak nitong latigo.
Donya Consolacion Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy tuloy na palo] Baila,
baila, condenada, salbahe!
Narrator: Dumating ang alperes na walang kibo.

Donya Consolacion Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi.
Alperes (Tinawag ang bantay) Dalhin mo ang baliw na ito. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong
Ibarra.
Act 17
Mga Panauhin: Donya Victorina, Alfonso Linares, Don Tiburcio, Salvi, Maria Clara
Narrator: Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa nito na si Doktora Donya Victorina de Espadaña, at
Linares
D. Victorina Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña, Siya’y inaanak ng kamag-anak ni
Padre damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.
Narrator: Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at sinamahan ni Kapitang Tiyago ang
mga panauhin sa kani-kanilang silid.
Linares Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa kanya. Siya
sana’y sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y naparito.
P. Salvi Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.
D. Victorina De Espadaña, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa ko’y hindi
gumagamot kundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa.
Narrator: Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng ilan, kasabay ang pag-
iling ng ulo.
D. Tiburcio Ma…may sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de altea at dalawang
pildoras de Cinaglos.
D. Victorina Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay gamutin ka. Ipakikilala
kita sa aming pinsan.
P. Salvi G. Linares, narito si Padre Damaso.
Act 18
Mga Panauhin:, Alfonso Linares, Padre Damaso, Salvi, Maria Clara, Donya Victorina
Narrator: Si Padre Damaso ay tuluy-tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang kamay ng dalaga.
Damaso MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha)
Narrator: Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas niyang anyo ni Padre Damaso.
Si Donya Victorina ay lumapit kay Padre Damaso nang ito’y matiwasay na at ipinakilala si Linares.
Iniabot ng binata ang liham, ngunit sisya’y minasdan ni Padre Damaso mula ulo hanggang paa. Ang liham ay binasa na
tila hindi naunawaan.
Damaso A…….! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May liham siya sa akin
ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares.
Nakalimutan ang kalungkutan)

A….! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan ay madali.


Marunong ka bang magbasa at sumulat?
Linares Ako po ay nag-aaral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central.
Damaso Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae… A!!! bibigyan kita ng isang babae. Oo,
isang babae.
Linares Hindi po naman ako nagmamadali, Padre.

14
Damaso Halika at kausapin natin si Santiago.
Narrator: Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling paroo’t parito na nag-iisip.
Act 19
Mga Panauhin: Donya Victorina, Don Tiburcio, Alperes, Donya Consolacion, Padre Salvi
Narrator: Naglalakad ang mag-asawang de Espadana sa lansangan sa katanghaliang tapat.Napadaan ang mag-asawa sa
bahay ng Alperes. Tulad ng dati, ay matatanaw si Dona Consolacion sa bintana ng bahay, suot ang kanyang pranela at
may tabako sa bibig.
Hinagod niya ng tingin si Dona Victorina at saka lumura.
D. Victorina Bakit ganyan kayo makatingin? Naiinggit ba kayo?
D. Consolacion Kayo? kaiinggitan ko? At bakit? A, kinaiinggitan ko nga pala ang inyong kulot. (ngingisi)
D. Victorina Para sabihin ko sa’yo Dona Alperesa, hindi ako probinsyanang katulad mo. Sa sobrang
sopistikada kong tao, walang nakakapasok na alperes sa aming bahay kundi naghihintay lamang
sa aming pintuan!
D. Consolacion Aba! Excelentisima Senyora Puput! Hindi nga nakakapasok ang mga alperes kundi ang mga
pilakyod na tulad ng iyong asawa. (tatawa ng malakas)
D. Victorina Aba talagang ginagalit mo ako ah…Bumaba ka rito walang galang. Dito tayo magtuos, walang
hiyang probinsyana! Labandera ka lang naman noon ng napikot mong asawa!
(Pinipigil siya ni Don Tiburcio ngunit kumakawala siya)
D. Consolacion Gusto mo ng gulo?(kinuha ang latigo) Pagbibigyan kita Senyora Grosera!
Narrator: Nagsabunutan ang dalawa na labis na ikinatuwa ng mga kanina pang nanonood. May mauulinigan pang
nagpupustahan kung sino ang unang titimbuwang. Hanggang sa dumating ang Alperes…
Alperes Hesusmaryosep! Consolacion! Anung gulo na naman ito? Magtigil ka at nakakahiya sa mga tao!
D. Victorina Ibili mo yan ng disenteng damit at kung wala kayong pera, magnakaw kayo sa taong-bayan!
Alperes Ikaw ang bumili ng asal! Mga walang modo. Naturingang mayaman ngunit sayad sa lupa ang
ugali!
D. Tiburcio Magtigil ka Alperes! Kung makaalipusta ka sa amin ay parang kayganda ng iyong moral!
Narrator: Napadaan si Padre salvi sa kalye ng bahay ng Alperes at nakita ang namuong komosyon.
Padre Salvi Magtigil kayo sa ngalan ng Panginoon! Para kayong mga hayop! Mga edukado naman kayong
mga tao! Nakahihiyang isipin na pati kayong mga taga-alta de sociedad ay tumutulad na sa mga
Indiyo! Hala, pagsisihan nin ang inyong mga kasalanan at siguraduhin ninyong magkukumpisal
kayo. Intiendes?
Lahat Si, Reverencia
Act 20
Mga Panauhin: Maria Clara, Linares, Sinang, Victoria, Donya Victorina, Kapitan Tiyago
Narrator: Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago, Si Maria Clara, Linares, Sinang at Victoria ay nag-uusap.
Maria Clara Gaya ni Ibarra ay nagpunta ka rin pala sa maraming bansa!
Linares Marahil ay magkaparehas kami ni Ibarra ng hilig.
Ngunit naputol ang kanilang usapan dahil sa pagmumukmok ni Doña Victorina.
D. Victorina Linares, puntahan mo ang alperes at hamunin mo siya ng sable o…
Linares Bakit Doña Victorina? anong nangyari?
D. Victorina Dahil siya at ang querida niya ay nilibak kami! Responsibilidad mong ipagtanggol kami. Kung
hindi ay malalaman nila ang tunay mong pagkatao!
Linares Huwag kayong mag-ingay Doña Victorina.

15
Biglang sumingit si Kapitan Tiago sa usapan.
K. Tiyago Kung gayon ay ano ang gusto mong mangyari, Doña?
D. Victorina Ang pinsan kong si Linares ay hahamunin ang alperes. Kung hindi siya pumayag ay huwag mo
siyang ipakasal sa iyong anak!
Nabigla si Maria Clara sa nasabi ni Doña Victorina. Nalaman na niya na ipinagkasundo siya kay Linares.
D. Victorina Bakit umiiyak si Clarita?
K. Tiyago Hindi siya nasabihan sa ating pagkakasundo… na hindi si Ibarra ang pakakasalan niya kundi si
Linares.
Act 21
Mga Panauhin: Padre Salvi, Alperes, Elias, Ibarra
Si Padre Salvi ay nagmamadaling tumungo sa tahanan ng alperes.
P. Salvi Isang babae ang nangumpisal na ngayong gabi, ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel,
papasukin ang kumbento at papatayin ang mga Kastila. Magkakaroon ng isang malaking pag-
aalsa.
Alperes [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko?
P. Salvi Huminahon kayo. Ang dapat ay paghandaan ninyo ang pagsalakay nila. Kailangang maging
maingat kayo upang sila’y mahuli. Tungkulin ninyo iyan at sana’y hindi ninyo malimutang
banggitin ang aking ginawa.
Dali dali namang pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra
Elias Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang mapahamak
sapagkat isisigaw ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran. Huwag na kayong
mag-alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay maaaring sumiklab ang pag-aalsa! Kailangan na
ninyong umalis.
Ibarra Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin?
Elias Kahit saang lugar..sa Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila masabing
totoong may kinalaman kayo dito.
Ibarra Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa?
Elias Iisipin nila kayo’y taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan, tumakas at
maghintay kung ano ang mangyayari yan ang dapat mong gawin.
Ibarra Si Maria Clara? Hindi..mabuti pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan nakatago
ang kasulatan ng aming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na lalong magpapahamak
sa akin.
Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba.
Elias Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia?
Ibarra Siya ang lolo ko sa tuhod.
Elias Siya ang dahilan ng kasawian ng aming angkan. Kayo ang itinuro sa akin ng Diyos para
makapaghiganti. (Niyugyog ang balikat ni Ibarra) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan ninyo
ang mukhang ito na punung-puno ng pagtitiis! Samantalang kayo’y nabubuhay..umiibig…may
kayamanan…kinikilala…nabubuhay! Nabubuhay!
Nakita ni Elias ang iba’t ibang armas at bumunot siya ng dalawang balaraw.
Pagkasabi ni Elias ng “anong gagawin ko?” ay nagtakbong bumaba ng bahay ito at iniwan si Ibarra.
Act 22
Mga Panauhin: Kapitan Tiyago, Tiya Isabel, Linares, Padre Salvi, Ibarra, Sinang, Maria Clara, Guardia Sibil
Oras ng hapunan at magkakasalo sina K. TIAGO, T. ISABEL, at LINARES ngunit nagdahilan si Maria na wala siyang
ganang kumain kaya niyaya niya ang kaibigang si Sinang sa piyano. Nasa bulwagan at hindi mapakali si P. SALVI.

16
Tumugtog ang orasan at sumapit na ang ganap na ikawalo ng gabi. Nangangatog na napaupo sa isang sulok ang Pari.
Pumasok ng bahay si Ibarra na nakasuot pangluksa at bakas ang matinding kalungkutan. Tinangkang lapitan ni Maria
Clara ang kasintahan ngunit narinig ang magkakasunod ng putok ng baril. Naglabasan mula sa komedor sina K.
TIAGO, T. ISABEL & LINARES. Nagyakapan sina Maria Clara & Sinang habang panay ang usal ng dasal ni Tiya
Isabel.

Alperes Padre kura, manaog kayo! Wala ng panganib.


Pinapasok ni T. Isabel ang mga dalaga sa kwarto. Napilitang manaog si Padre Salvi. Nanaog din si Ibarra kahit na
pinigilan ni T. Isabel. Nagmadali sa paglalakad si Ibarra hanggang sa nakarating sa kanyang bahay.
Ibarra Ihanda ang aking pinakamabilis na kabayo at pagkatapos ay matulog na kayo.
GS Sa ngalan ng Hari ng España, buksan ninyo ang pinto.
Sumilip sa bintana si Ibarra at nagkasa ng baril. Saglit pa ay pinagbuksan niya ng pinto ang mga ito.
GS Hinuhuli namin kayo sa ngalan ng hari!
Ibarra Bakit?
GS Sa kwartel na kayo magtanong. Kung nangangako kayong hindi kayo tatakas ay hindi naming
kayo igagapos. Ito’y kaluwagang ibinibigay sa inyo ng alperes.
Act 23
Mga Panauhin: Alperes, Tarsilo, Padre Salvi
Alperes Ito ang buong tapang na nanlaban at nag-utos sa mga kasamahan na tumakas! ( iniharap ang
anyong malungkot na si Tarsilo) Ano ang ipinangako sa inyo ni Crisostomo Ibarra para salakayin
ang kuwartel kagabi?
Tarsilo Iginanti lang namin ang aming ama na pinatay ninyo sa palo. Hanapin ninyo ang inyong
dalawang kasama. Inihulog namin sila sa bangin kahapon.. Doon sila mabubulok.! (Pasigaw na
sinabi Tarsilo kay Alperes)
Alperes Sino ang inyong mga kasabwat? Dalhin yan sa mga bangkay! Kilala mo sila? (ipinakita kay
Tarsilo ang bangkay nina Lucas at kapatid na si Bruno.)
Hindi nagsalita si Tarsilo at sinimulan ang pagpalo sa kanya. Natatakot subalit nagkunwaring walang nakikita si Padre
Salvi.
Tarsilo Patayin na ninyo ako kung totoo kayong Kristiyano.
Walang makuha na anumang impormasyon at hindi napaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba na sa balong nakakasulasok
ang amoy. Hindi natagalan ng lalaki ang pagpapahirap at kalupitan hanggang sa napugto ang hininga nito.
Act 24
Mga Panauhin: Kapitan Tiyago, D. Victorina, Linares, Ibarra, Maria Clara
Nag-uusap sina Tiya Isabel at K.Tiago ng biglang dumating ang mga Espadaña.
D. Victorina Malaki talaga ang nagagawa ng isang may kamag-anak na nanunugkulan sa pamahalaan, di ba?
Una ko pa lamang nakita iyang si Ibarra ay naniwala na akong isa siyang Pilibustero.
K. Tiyago Ano pala ang sabi ng Kapitan-Heneral sa kalagayan ni Crisostomo Ibarra?
D. Victorina Iminugkahi ng pinsan kong si Linares na siya’y bitayin. (sabay tawa)
Linares Hindi..(tututol pa sana siya, ngunit di siya binigyan ng pagkakataong magsalita ng donya)
D. Victorina Wag mo nang ipaglihim sa amin, pinsan. Ikaw ang tagapayo ng Kapitan at..”
Nakita ng Doña na paparating si Ma. Clara
D. Victorina Clarita, iha. Kaya kami nagpunta rito ay upang mapag-usapan na ang mga hindi natapos na pag-
uusap noon.
M. Clara Mawalang galang na po..babalik na po muna ako sa aking silid.

17
(Tiningnan lang siya ng Donya habang papasok siya sa silid)
D. Victorina O siya Tiago, dapat nang matuloy ang kasalan ni Ma. Clara at ng aking pinsan.
K. Tiyago Ipagsabi mong magdaraaos tayo ng isang piyesta.
D. Victorina Maganda yan! O siya, mauuna na kami!
Patuloy na kumakatok si Kapitan Tiago sa pintuan ng silid ngunit ayaw itong pagbuksan ng dalaga. Tumayo siya at
pumunta sa asotea, nakita ang bangka malapit sa kanilang bahay at nagulat siya ng makita ang isang lalaking papalapit
sa kanya.
M. Clara Crisostomo!
Ibarra Ako nga. Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita anuman ang aking
maging kapalaran. Nagpunta ako rito para tuparin ang pangakong iyon bagama’t ikaw ay hindi
tumupad sa ating sumpaan. Palalayain na kita.
M. Clara Patawarin sana ako ng alaala ng aking ina sa sasabihin ko sayo. Natuklasan ko sa gitna ng aking
karamdaman ang aking tunay na pagkatao. Ang kinikilala kong ama ay hindi ko tunay na ama.
Hindi ako maaaring magpakasal sa iyo sapagkat ibubunyag ang lihim na iyan. Matutuklasan ang
naging kataksilan ng aking ina at masisira ang dangal ng kinikilala kong ama.
Ibarra Kailangan mo ng katibayan.
M. Clara Totoo ang lahat ng aking sinabi. May sulat na iniwan ang aking ina. Ibinigay sa akin ng taong
nakakabatid ng aking lihim ang sulat na ito kapalit ng sulat mo sa akin. Totoong pinagtaksilan
kita. Kailangan kong makipag-isang dibdib upang hindi maibunyag ang aking lihim. Ngayon,
magagawa mo pa kaya akong libakin?
Ibarra Maria, isa kang anghel.
M. Clara Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako.
Ibarra Ikakasal ka na.
M. Clara Oo. Iyon ang gustong mangyari ng kinikilala kong ama. Ngunit hindi ko malilimot ang naging
sumpaan natin.
Ibarra Ano’ng ibig mong mangyari?
M. Clara Gusto kong malaman mo na minsan lamang ako umibig at hindi na ito maaangkin ninuman. Ano
ang manyayari sa iyo?
Ibarra Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito.
M. Clara Paalam, Crisostomo.
Ayaw niyang iwan ng kasintahan ngunit kailangan na niyang umalis. Nagbalik na siya sa bangka kung saan naghihintay
si Elias para itakas siya.
Act 25
Mga Panauhin: Elias, Ibarra
Mabilis na sumasagwan si Elias patungong San Gabriel.
Elias Dadalhin ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Ihahatid ko doon ang salapi
ninyo na itinago ko. Magagamit ninyo iyon sa pangingibang bansa.
Ibarra Mangingibang bansa?
Elias Sa ibang bansa ay makakapamuhay kayo ng tahimik.
Ibarra Iniligtas mo ang buhay ko ng dalawang beses sa kabila ng kasawian ng iyong angkan sa aking
angkan. Marapat lamang na ibalik ko sa iyo ang inyong yamang nawala. Sumama kayo sa akin sa
ibang bansa.
Elias Hindi ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mamatay.
Ibarra Pero bakit pinaaalis n’yo ako?

18
Elias Sa ibang bansa ay maari pa kayong magtagumpay. Kung daranasin ninyo ang ibayong hirap ay
baka dumating ang araw na itakwil ninyo ng sariling bayan.
Ibarra Hindi totoo ‘yan! Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng bayan.
Elias Hindi ninyo ko nauunawaan. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang bayan sapagkat wala pa
kayong dinaranas na paghihirap. Subalit isang araw na maranasan ninyo ang hirap, gutom at pag-
uusig, naniniwala akong itatakwil ninyo ang bayang ito.
Ibarra May katwiran ka, Elias. Malinaw na sa akin ang lahat ngayon na ang ating bayan ay may
nabubulok na sakit na kailangan ng panlunas. Isang kanser ng lipunan na kailangang gamutin at
sugpuin. Nagyaon ay halos nawawalan na tayo ng pagasa…nawawalan na tayo ng pananalig sa
Diyos.
Elias Natuklasan na nila ang iyong pagtakas.
Ibarra Marapat siguro na tayo’y maghimagsik.
Elias Makinig kayo sa aking sasabihin. Maaari kayong makapagbayad ng iyong makakasama. Ngunit
baka ang maliliit na tao lamang ang masaktan.
Ibarra Kung ganoon ay gagawin ko itong mag-isa, Elias. Kailangang mailantad ko sa bayan ang
kaapihang ito kung hindi’y walang kabuluhan ang paghahangad ng kalayaan.
Nagpatuloy sila sa pamamangka hanggang sa marinig nila na may isang tinig na sumisigaw. Hinahabol sila ng isang
palwa. Nakita ni Elias ang isang bangka na papalapit sa kanila lulan ang mga guwardiya sibil.
Elias Crisostomo, mahuhuli tayo. (Mas mabilis na ang pagbangka ni Elias) Kayo na ang mamangka
sapagkat tatalon ako. Lulundag ako sa tubig para ako ang kanilang tugisin..ililigaw ko sila.
Ibarra Huwag kang umalis. Lumaban na lang tayo.
Elias Hindi tayo magtatagumpay, wala tayong sandata. (Isang punglo ang humaging sa tubig.
Sinundan pa iyon ng isa pang putok.)
Elias Magkita na lamang tayo sa Noche Buena, sa libingan ng inyong nuno.
Pagkasabi niyon ay tumalon na sa tubig si Elias. Nakita ng palwa at guwardiya sibil ang naglalangoy na si Elias at
kanilang tinugis. Sunod na putok ang pinakawalan ng mga ito kay Elias. Sumisid si Elias at di na muli pang lumitaw.
Makalipas ang ilang oras ay umalis na ang palwa at mga sibil. Nakita nilang may bahid ng dugo sa tubig baybayin ng
pampang.
Act 26
Mga Panauhin: Padre Damaso, Maria Clara
(Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra. Ang isip ay nasa kawalan ng sandaling
iyon. Dinatnan siya ni Padre Damaso sa ganoong kalagayan.)
P. Damaso Nandito ako para masaksihan ang kasal mo. (Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May
sakit ka na naman ba, anak? Bakit namumutla ka?
[Walang imik si Maria Clara]

P. Damaso Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari
sa’yo.
M. Clara Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang aking ama
para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban, umasa at manalig
pero ngayon patay na siya. Bakit pa ako mabubuhay at magtitiis?
P. Damaso Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay…
M. Clara Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Pero ngayong patay
na siya, walang sinumang tatawag sakin ng asawa. Kumbento o sementeryo lamang ang aking
pagpipilian.
P. Damaso Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang mabigyan ka ng
mabuting kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahil mahal kita.

19
M. Clara Mahal mo pala ako, wag mong hayaang ako’y malungkot habambuhay. Patay na siya. Ibig ko na
ring mamatay o maging madre.
P. Damaso Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay na misteryong nakakubli
sa mga pader ng kumbento. Humiling ka ng iba pa. Mahalin ang binata kahit sino man sya.. wag
lang ang kumbento..

M. Clara Ang kumbento o ang kamatayan!


P. Damaso Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw ni Padre
Damaso) Ayokong mamatay ka… magmamadre ka!
Act 27
Mga Panauhin: Basilio, Sisa, elias
Samantala paika-ikang pinuntahan ni Basilio ang bahay ng alperes. Inutusan ng babaing nasa bintana ang guardia civil
na papanikin si Sisa subalit kumaripas ito ng takbo nang makita ang mga bantay. Hinabol ni Basilio ang ina pero binato
siya ng isang babae sa daan.
Tinamaan ng bato si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa ina.
Basilio Inang! Ako po si Basilio Inang!

Nagsuot sa gubat si Sisa at sumunod pa rin si Basilio hanggang doon. Makailang ulit na nadapa at bumangon si Basilio
pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa ina.
Narating nila ang libingan na nasa tabi ng puno ng balite. Anyong tatakas muli si Sisa subalit nagpatihulog na si Basilio.
Nagawa pang yakapin at halikan ni Basilio si Sisa. Tigmak ng dugo ang noo ni Basilio at nawalan ng malay tao.
Pinagmasdan ni Sisa ang mukha ng bata at natigilan siya nang makilala ito. Napasigaw si Sisa at nagbalik ang alaala.
Hinagkan at niyakap nang mahigpit ni Sisa ang anak hanggang sa napalugmok na rin ito. Nagbalik ang ulirat ni Basilio
at nakita ang inang pinanawan ng malay. Kumuha ng tubig si Basilio at winisikan sa mukha ang ina. Idinikit niya ang
tainga sa dibdib nito hanggang sa sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na si Sisa. Niyakap ni Basilio
ang malamig na bangkay ng ina. Pag-angat ng ulo ni Basilio nakita niya si Elias.
Elias Sino ang babaing iyan?
Basilio Siya po ang aking ina.
Elias Nasugatan ako at may dalawang araw na akong hindi kumakain o umiinom man lang. Hindi
magtatagal at mamamatay rin ako. Sunugin mo ang aming bangkay ng iyong ina. Mamatay
akong hindi ko man lamang nasilayan ang ningning ng bukang liwayway ng aking Inang bayan.
Pagkatingala sa langit ay kumibot pa ang mga labi na tila nananalangin hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa si
Elias.

WAKAS

20

You might also like