You are on page 1of 9

Noli Me Tangere

Kabanata 1: Ang piging

Tiya Isabel: Mga walang ingat! Ano ba’ng nangyari? (Agad tumalilis para magtungo sa
kusina)

Padre Damaso: Malaki ang pagkakaiba ng pamamahala dito sa Pilipinas kumpara sa


Madrid
Padre Damaso: Sa loob ng dalawampung taon kong paninirahan sa Pilipinas na sanay
sa pagkain ng saging at kanin, punong-puno ako ng karanasan kaya’t lubusang
pinaniniwalaan ng maraming tao.
Padre Damaso: Sa loob ng dalawampung tao kong pananatili sa San Diego, kilala ko
na ang halos anim na libong taong naninirahan doon na itinuring kong aking mga
anak. Ngunit nang ako’y mapalitan bilang kuraiilang hermano tersoro at
matatandang babae lamang ang naghatid sa akin.
Binatang may mapulang buhok: May kaugnayan po ba ang inyong sinabi sa pag-
aangkat ng tabako? Ang repormang ginagawa ng ministro ay hindi tama. May
katotohanan ba ang paniniwalang ang mga Pilipino ay mangmang na nagiging sanhi
ng mabagal na pag-unlad ng bayan?
Padre Damaso: Tanungin ninyo si Ginoong Laruja kung may hihigit pa sa
kamangmangan ng mga Indio.
Binatang may mapulang buhok: Mga ginoo, alalahanin nating tayo’y nasa bahay ng
isang Indio.
Padre Damaso: Si Kapitan Tiago ay hindi kabilang sa mga itinuturing na Indio.
Makikita ninyo, ilang buwan lamang ay mababago na ang inyong palagay.
Makakatikim lamang kayo ng tinola’y
Binatang may mapulang buhok: Ang tinola po ba’y parang prutas na loto na maaring
maging sanhi ng pagiging makakalimutin ng tao?
Padre Damaso: Ano bang loterya? Ang tinola’y ginisang manok na nilahukan ng upo
kailan pa ba kayo dumating dito?
Binatang may mapulang buhok: Aapat na araw pa lamang po ako at sarili kong gastos
ang pagpunta dito.
Padre Damaso: Naparito ka para sa walang kuwentang layunin?
(Pinutol ni Padre Sibylia ang paghihimutok ni Padre Damaso)
Padre Sibylia: Hindi po ba kayo nasiyahan sa dalawampung taong paninirahan niyo sa
San Diego?
Padre Damaso: Hindi!
Padre Sibylia: Paano nangyari iyon? Ako na may iilang buwang tumira sa Camiling ay
labis na nalungkot sa aking pag-alis doon. Ngunit inisip ko na lamang na ang paglilipat
sa akin ng aking pinuno sa ibang lugar ay para sa aking kabutihan.
Padre Damaso: (Napasuntok sa mesa) May rehiliyon ba o wala? May kalayaan ba ang
mga pari? Napasama na ang bayan at kaya maraming kapahamakang nagyayari ay
dahil sa pangungunsinti ng mga opisyal sa mga erehe na kalaban ng Diyos.
Tinyente Guevarra: Ano po’ng ibig ninyong sabihin?
Padre Damaso: Sinasabi kong malinaw ang ibig kong sabihin. Na kapag nagpahukay
ang kura ng bangkay sa isang erehe sa libingan para ipatapon hindi siya dapat
pakialaman o parusahan maging ng hari!
Tinyente Guevarra: Padre, ang heneral ay Vice Real Patrono! (sabay tindig)
Padre Damaso: Anong vice real? Anong patron? Kung nangyari ito noon, kinaladkad
na siya sa hagdanan gaya ng kay Gobernor Bustamante na walang turing sapagkat
iyon ang kapanahunan ng tunay na pananampalataya.
Tinyente Guevarra: Tumigil kayo, bukas na bukas rin ay makakarating ang inyong mga
sinabi sa heneral.
Padre Damaso: Aba’y umalis na kayo ngayon din kahit gamitin n’yo pa ang aking
karwahe
(Namagitan si Padre Sibylia
Padre Sibylia: Huwag n’yo nang pagtalunan ang mga bagay na walang dahilan. Iba
ang sinasabi ni Padre Damaso bilang pari sa kanyang sinasabi bilang tao
Tinyente Guevarra: Kayo na ang bahalang magsuri sa mga pangyayari, Padre Sibylia.
Totoong wala si Padre Damaso sa San Diego noong mangyaring payagan ng kanyang
coadjutor na magpalibing sa libingan ang isang matangal na lalaki. Maaring totoong
siya’y hindi nangumpisal, ngunit ang pagbintangan na siya’y nagpakamatay ay walang
katotohanan. At hindi ito batayan upang ipahukay ang kanyang bangkay at ipatapon
sa ilog. May pananalig ang taong ito at may bugtong anak na pinag-aaral sa Europa
kaya’t hindi lubos na mapapaniwalaan ang bintang na pagpapakamatay. Nakaabot ito
sa kaalaman ng Kapitan Heneral at lalo’t madali’y ipinalipat si Padre Damaso sa mas
maunlad na bayan. (umalis ang tinyente matapos sabihin ang lahat na nalalaman)
Padre Sibylia: Dinaramdam kong maungkat ang isang maselang bagay ngunit kung
mas nakabuti naman ang inyong pagkakalipat.
Padre Damaso: Ano bang nakabuti? May mga bagay na nawawaglit at nawawala sa
paglilipat lipat tulad nito
(Dumating ang mag-asawang De Espadaña)
(Nilapitan ng binatang may mapulang buhok si Ginoong Laruja)
Binatang may mapulang buhok: Ano naman ang masasabi ninyo tungkol sa may-ari
ng bahay?
Ginoong Laruja: Hindi pa ako naipapakilala sa kanya.
Padre Damaso: Hindi na kailangan magpakilala dito dahil si Santiago ay mabuting tao.

Kabanata 2: Ang Binatang Si Crisostomo

(Pumasok si Kapitan Tiago at humalik sa kamay ng dalawang pari)


Kapitan Tiago: Ipinakilala ko po sa inyo si Don Crisostomo Ibarra, ang anak ng
namatay kong kaibigan. Kadarating lang niya mula Europa
(Tinanggal ng paring dominiko ang salamin para siyasatin mabuti ang lalaking
kaharap)
Crisostomo Ibarra: Ikinagagalak kong makilala ang kura ng aming bayan, ang matalik
na kaibigan. (Iniabot ni Ibarra ang kanyang kamay kay Padre Damaso subalit hindi
tuminag sa pagkakaupo ang pari)
Crisostomo Ibarra: Ipagpatawad ninyo ang pagkakamali ko.
Padre Damaso: Hindi ka nagkakamali binata ngunit hindi ako kailanman nagging
matalik na kaibigan ng iyong ama.
Tinyete Guevarra: Tunay nga ba kayong anak ni Don Rafael Ibarra?
Crisotomo Ibarra: (Yumuko tanda ng pag galang at pagsang-ayon)
Tinyete Guevarra: Maligayang pagbabalik, Ginoo. Sana’y higit kayong maging
mapalad sa inyong ama
Tinyete Guevarra: Nakausap ko at nakilala ko ang inyong ama at masasabi kong
marangal at napakabuti niyang tao. Napakaramaning nangangailangan ang
natulungan niya.
Crisotomo Ibarra: Salamat sa inyong papuri sa aking ama. Dahil sa inyong sinabi ay
nawala ang aking mga alinlangan at alalahanin tungkol sa mga bagay na nangyari sa
kanya.
(Tumalikod ang tinyente at itinago ang kay Ibarra ang kalungkutan)
(Lumapit si Ibarra sa mga magagandang dilag na panay sulyal sa kanya para mag
pakilala)
Crisotomo Ibarra: Ipagpaumanhin ninyo ang aking kapangahasan subalit hindi ko
matiis na hindi magpakilala sa magagandang dilag bunga ng aking kalungkutan sa
loob ng pitong taon kong pamamalagi sa ibang bansa.
(Wala ni isa man lang sa mga babae ang kumibo at nakadama si Ibarra nang pagka
hiya)
(Nilapitan din ni Ibarra ang mga lalaking bisita sa pagtitipon)
Crisotomo Ibarra: Ipagpatawad po ninyo na gamitin ko ang kaugalian sa bansang
alemanya na magpakilala ng sarili kung wala siyang kakilala sa isang pagtitipon. Ako
po si Crisostomo Ibarra.
(Nakipagkilala ang mga kalalakihan kay Ibarra)
(Isang lalaking nakabihis ng Barong Tagalog na may butones na brilyante ang
nakangiting lumapit kay Ibarra)
Kapitan Tinong: Ginoong Ibarra, nais kong ipakilala ang aking sarili sa inyo. Ako po si
Kapitan Tinong, taga-Tondo, Kaibigan ni Kapitan Tiago at ng inyong ama. Kung iyong
mamarapatin ay nais ko kayong imbitahin sa pananghalian bukas.
Crisotomo Ibarra: Ikinagagalak ko kayong makilala, ginoo. Maraming salamat at
ipagpatawad ninyong hindi ko magagawang tugunin ang inyong imbitasyon
sapagakat uuwi ako ng San Diego bukas. Siguro naman po ay hindi niyo ako bibiguin
sa ibang pagkakataon.
(Lumapit kina Ibarra at Kapitan Tinong ang isang utusan ng Café La Campana)
Utusan: Nakahanda na po ang pagkain.
(Tumugon ang dalawa)
(Naglapitan ang mga panauhing lalaki sa mahabang hapag habang ang kababaihan at
mga senyora ay pinipilit pa upang dumulog sa hapag kainan)

Kabanata 3: Ang Hapunan


(Patungo ang dalawang pari sa pangulahan na upuan)

Padre Sibylia: Kayo nap o ang maupo, Padre Damaso. Higit kayong karapat-dapat
sapagka’t kayo ang kompesor ng pumanaw na ginang ng maybahay at malapit na
kaibigan… higit na nakatatanda, mataas ang katungkulan at kapangyarihan

Padre Damaso: Hindi naman po katandaan, Padre Sibylia. Sa palagay ko’y nararapat
kayo dahil kayo ang kura ng bayang ito

Padre Sibylia: Sumusunod lamang po ako kung iyong ipinag-uutos (Akmang uupo)

Padre Damaso: Hindi ko iniuutos, Hindi ko inuutos

(Hindi nakinig si Padre Sibylia at inalok ang tinyente ngunit tumanggi ito)

(Dumating si Kapitan Tiago at Ibarra sa hapag)


Crisostomo Ibarra: Don Santiago, saluhan ninyo kami
Kapitan Tiago: Huwag ninyo akong alalahanin. Ang pagsasalong ito’y pagpapasalamat
sa Birhen sa inyong pagdalo.
(Ipinahain na ang tinola upang matikman ni Ibarra at ng mga panauhin)
(Ibinahagi na ang tinola hanggang ang natira kay Padre Damaso ay leeg at matigas na
pakpak)
(Tumingin siya sa mga tao na nagsisikain na ng mga malalaking parte ng manok)

(Humigop nalang siya ng sabaw at padarag na ibinagsak ang kubyertos at itinabi ang
pinggan na nagpapahiwatig ng pagkadismaya)

Laruja: Ilang taon kang nawala?

Crisostomo Ibarra: Halos pitong taon

Laruja: Kung gayon marahil ay malilimutan na ninyo ang Pilipinas

Crisostomo Ibarra: Hindi po. Ako marahil ay malilimutan ng aking bayan,


samantalang lagi ko naming alaala ang aking lupang sinilangan

Binatang may mapulang buhok: Ano po ang inyong ibig sabihin?

Crisostomo Ibarra: Isang taon rin akong hindi nakabalita sa Pilipinas. Ni hindi ko
nabatid ang nangyari sa aking ama.
(Nagpatuloy ang kuwentuhan tungkol sa mga karanasan ni Ibarra at mga wikang
kanyang natutuhan at sinalita sa mga bansang napuntahan tulad ng Europa at
Alemanya. Naikwento din ni Ibarra ang kanyang pamamalagi sa inglatera at ang
salitang ingles na kanyang natutuhan an gang hindi pag aral sa wikang kastila dahil
tanging mga konsulado lang ang marunong mag salita ng kastila)
Laruja: Anong mga bansa ang iyong nakita na katangi-tangi at naibigan

(Napaisip si Ibarra)

Crisostomo Ibarra: Ang kapuri-puri ng mga bansang aking napuntahan kung hindi
isasaalang-alang ang pagmamahal sa bansa. Gayunman ang bawat bansang
napuntahan at napag-aralan ang kasaysayan ay iisa lamang ang kanyang masasabi.
Ang kaginhawaan at kahirapanng isang bansa ay kaugnay ng kanilang kalayaan at
kagipitan.

(Nang narinig ni Padre damaso ang pahayag ni Ibarra ay napaismid ito kahangalan
para sa kanya ang mga narinig)

Padre Damaso: Iyan lang ang natutuhan mo? Nagsayang ka lamang pala ng kuwarta
sa iyong paglalakbay, kahit na batang paslit ay alam ang sinabi mo

(Nagtimpi si Ibarra sa pang-iinsulto ng pari nagkaroon ng sandaling tensiyon sa


pagitan nila na ikinatakot ng mga naroon)

Crisostomo Ibarra: Ipagpaumanhin ninyong lahat na inakala ni Padre Damaso na


ako’y musmos pa rin kagaya ng dating madalas silang magsalo ng aking ama sa aming
maralitang hapag.

(Kapansin-pansin ang panginginig ni Padre Damaso sa tinuran ng binata. Bago pa


man ito nakahuma ay sinimulan na ni Ibarra ang pagpapaalam sa pag-anyaya ng
patungang alak sa kabutihan ng Pilipinas at Espanya)

(Sinibukan ni Kapitan Tiago na pigilan si Ibarra dahil paparating si Maria Clara ngunit
nangako nalang itong babalik kinabukasan)

(Tila ay nabunutan ng tinik si Padre Damaso sabay sabi)

Padre Damaso: Kung ako ang masusunod, dapat ipagbawal ng pamahalaan ang
pagpapadala ng isang indio sa Europa dahil sa masamang epekto nito.

Kabanata 4 : Ang Erehe at Pilibustero


(Buwang ng Oktubre maraming kalesa nag sasalubungan sa kalsada tulad din ng mga
Pilipino at mga dayuhan. Naglalakad si Crisostomo ng walang Direksiyon nakarating
siya ng liwasang binondo.)

Crisostomo Ibarra: Tila isang panaginip ang paninirahan ko sa Europa sa loob ng


pitong taon. Walang ipinagbago rito.

(Isang kamay ang pumatong sa kanyang balikat at nang lingunin ay ang Tinyente na
nakangiti sa kanya)

Tinyente Guevarra: Sana’y hindi mo sapitin ang nagyari sa inyong ama mag-iingat ka
at sana’y maging aral sa iyo ang kanyang sinapit.

Crisostomo Ibarra: Sa palagay ko ay naging malapit kayo sa aking ama. Maari po ba


ninyong ikuwento ang nagyari sa kanya?

Tinyente Guevarra: Batid ng lahat ang pagkamatay ng inyong ama sa loob ng


bilangguan.

Crisostomo Ibarra: Namatay sa bilangguan ang aking ama?

(Hindi makapaniwalang reaksiyon)

Crisostomo Ibarra: Kilala po ba ninyo ang aking ama?

Tinyente Guevarra: Nasisiguro ko sainyong kilala ko ang iyong ama. Nakapagtatakang


hindi pala ninyo alan ang sinapit niya sa bilangguan.

Crisostomo Ibarra: Masasabi ba ninyo sa akin kung bakit siya nabilanggo?

Tinyente Guevarra: Ikukuwento ko sa inyo subalit ako’y sabayan ninyo sa paglalakad


patungo sa kuwartel.

Nag kuwento ang Tinyente kay Ibarra habang naglalakad sila patungo ng kuwartel

Tinyente Guevarra: Mabait na tao si Don Rafael subalit marami rin ang nagagalit at
may kimkim sa pagkainggit. Karamihan sa mga ito ay mga kastilang nagtataglay ng
masamang ugali. Ang mga mabubuting tao ay hindi nagtatagal at nagkakaroon ng
maraming kaaway tulad ng inyong ama. Ilang buwan pa lamang kayong nakaaalis
nang magkasira ang inyong ama at si Padre Damaso. Pinag bintangan ni Padre
Damaso ang iyong aa nang hindi pangungumpisal na dati na naman niyang hindi
ginagawa kahit noong sila’y magkaibigan pa. Mula noon ay madalas pasaringan ni
Padre Damaso ang iyong ama sa tuwing siya’y nagsesermon sa pulpit. Ngunit
masasabi kong higit pa rin siyang marangal kaysa sa kanila… May isang dating
artilyero na nawala sa serbisyo dahil sa kamangmangan at kasamaan ng ugali.
Pumasok siya bilang kolektor ng buwis subalit nililibak siya ng mga

You might also like