You are on page 1of 26

RIZAL COLLEGE OF LAGUNA

NOLI ME TANGERE SCRIPT

B7 - B10

KABANATA I

ANG PAGSASALO

Scene: Sa loob ng bahay ni Kapitan tiyago kung saan nag uusap

ang mga bisita. Habang si tiya isabel ay pinapaunlakan ang mga bisitang

dumadating. Ang handaan ay samutsaring putahe, may mga salad, coffee

jelly, leche plan at may chocolate fountain pa. Magarbo ang mga

display sa paligid na nakakaagaw atensyon sa makakakita. Sa kabilang

dako naman ay abalang nag uusap ang mga pari.

PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga indio ang

mangmang?

LARUJA: Padre Damaso, hindi niyo rin ba batid na nasa tahanan tayo ng

isang indio?

PADRE SIBYLA: Paano nalang kapag narinig yan ni kapitan Tiyago?


PADRE DAMASO: Hah! Nagkakamali ka sapagkat si Tiyago

ay hindi isang indio. Inuulit ko, Wala nang makakatalo sa kamangmangan

ng mga Indio!.

(pagdating ni kapitan tiyago kasama si Ibarra)

TIYAGO: Mga kaibigan, Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang

dahilan ng pagsasalong ito…ang anak ng nasirra kong kaibigan,Si Don

Crisostomo ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa.

CRISOSTOMO: Buenas Noches, Senor es. Sa mga Kura sa Aking

Bayan… at sa matalik  na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso

Humihingi ako ng tawad sa aking pagkakamali.

DAMASO: Ako nga si Pare Damaso.. Ngunit kailanmay hindiko nagging

matalik na kaibigan ang iyong amang si Don Rafael.

TINYENTE: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra?

CRISOSTOMO: Si,Senor Tinyente.

TINYENTE: Maligayang pagdating, Nawa’y mas maging mapalad kayo

Kaysa sa inyong Ama.

CRISOSTOMO: Muchas gracias, Senor.


(Ang mahahalagang Tauhan ay patungo sa hapagkainan.Mag-aagawan pa

sa upuan sa dulo sina Damaso at Sibyla. At sa hindi sinasadyang

naapakan ni Tinyente Guevarra ang Bestida ni Donya Victorina.)

VICTORINA: OUCH! Wala ka bang  mga mata?

TINYENTE: Mayroon po Senora. Higit na malinaw sa mata niyo. Ngunit

aking pinagmamasdan ang kulot ninyong buhok.

{Sa hapagkainan..}

LARUJA: Senor Ibarra, sa halos pitong taon na paninirahan sa Europa,

Pwede moba ilahad sa amin ang pinakamahalagang bagay na nakita niyo?

CRISOSTOMO: Natutunan ko doon ang kasaysayan, kalayaan o ang

pagkaalipin ng isang bansa resulta ng paghihikahos.

DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman at sasabihin mo ito

ay mahalaga? Isa kang bulag! Kahit bata ay alam iyan.

CRISOSTOMO: Gayunpaman, akoy nagpapasalamat sapagkat palagay

ang loob ng dating kura sa akin. Pardon,Senor. Inaalala ko lamang ang

aking Kabataan. At madalas niyong pagtungo saaming Tahanan upang

makisalo sa aming hapunan. At Nawa’y ipagpaumanhin niyo,


kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako

bukas. Para sa Espana at Pilipinas(Magtotoast.)

TIYAGO: Huwag ka muna umalis Darating pa si Maria Clara.

CRISOSTOMO: Bibisitahin ko pa siya bukas, Sa ngayon ay may

importante pa akong dapat gawin.

End of scene..

KABANATA IV

EREHE AT PILIBUSTERO

Scene: Pinuntahan ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang

ipagtapat ang Pagkamatay ng kanyang ama.Kung saan dito isinalaysay

ng Tinyente na naakusahan ang ama na erehe at pilibustero dahil sa

hindi nito pagsisimba at pangungumpisal

TINYENTE: Senor Ibarra.

CRISOSTOMO: Tinyente kayo pala.(Translate to Spanish)

TINYENTE:Mag iingat kayo,Senor. Maging aral sana sa inyo ang

nangyari sa inyong ama.


CRISOSTOMO: Maaari ninyo bang sabihin ang inyong

nalalaman sa pagkamatay ng aking ama?

TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman?(translate to spanish),Namatay

ang inyong ama sa loob ng bilangguan.

CRISOSTOMO: Sa Bilangguan?..Maaaring kayo ay nagkakamali.

TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay

Pinagbintangan na Erehe at Pilibustero ni Padre Damaso, kayat siya’y

ikinulong at namatay sa bilangguan.

CRISOSTOMO: Maari niyo bang sabihin ang buong pangyayari?

[Flashback**]

Bata 1: BA-BE-BI-BO-BU! HA HA HA!

Bata 2: Hindi bat Hindi Ka marunong magsulat? Para saan ang iyong

Lapis na dala? HAHAHHA

KOLEKTOR: Tigilan n’yo ko! Baka kung ano magawa ko sa inyo!! 

[Hinabol ng kolektor,at ito’y hinagisan ng baston pagkayaon ito’y

natamaan at kanyang nahuli.]

KOLEKTOR: ikaw,anong sabi mo?!


BATA: Ah! Nagbibiro lamang po ako. Ahh!

RAFAEL IBARRA:Bitawan mo ang bata!

[Tinulak ni Rafael ang kolektor at ito’y nawalan ng balanse]

RAFAEL IBARRA: Hindi ko papayagan na saktan mo ang mga bata.

[End of Flashback**]

TINYENTE: Ilang minuto namatay ang kolektor, Dahil dito’y nahuli ang

iyong ama.Tinakwil siya ng lahat,at pinagbintangan ng kung ano ano.

Nabigo siyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan

na namatay.

IBARRA: Kaya pala… Kaya pala hindi sinabi ni kapitan tiyago ang

dahilan…. Ama o ang aking mahal na ama.[tumangis sa kaniya ang

kalungkutan sa yumao niyang ama]

End of scene. 

KABANATA VII

Suyuan sa Asotea
Narrator: Pagkagaling sa simbahan, nag tungo si Maria Clara sa asotea

ng kanilang tahanan at nananahi. (Nakaupo si Maria habang nag tatahi,

nag wawalis si tiya Isabel at nag babasa naman ng mahahalagang

dokumento si kapitan Tiago) Alumpihit ang dalaga at mas lalong

lumakas ang kaba ng kaniyang dibdib tuwing makaririnig ng yabag o

ingay ng sasakyan. 

KAPITAN TIYAGO: Maria, palagay ko'y tama ang payo ng

manggagamot na mag bakasyon ka muna sa lalawigan. Namumutla at

kailangan mo ng sariwang hangin. Saan mo ba gusto? Sa Malabon o sa

San Diego? Hindi nakapag salita agad ang dalaga.

TIYAGO: Si tiya Isabel mo ang sasama sa iyo sa kumbento. Kukunin

ninyo ang mga damit mo. Mag paalam kana sa mga kaibigan mo at hindi

kana muling papasok doon. (Nalungkot ng bahagya si Maria Clara) 

TIYAGO: Magandang umaga po, Tiya Isabel.

TIYA ISABEL: Magandang umaga din iho! ( Nakangiting bati nito) 

IBARRA: Nandito po ba si Maria Clara? ( Tanong niya kay tiya Isabel

habang nalinga-linga sa palagid)


TIYA ISABEL: Maupo ka muna iho at tatawagin ko siya

sandali. ( Nakangiting sambit niya at tumalikod na) (Tumango si Ibarra

habang naka tanaw kay tiya Isabel na papalayo na) SA KWARTO 

TIYA ISABEL: Maria Clara, si tiya Isabel mo ito. ( Masayahabang

kinakatok ang pinto ng silid) 

MARIA: Pasok po kayo tiya! -tiya Isabel: Iha nariyan si Crisostomo! Pag

hihintayin mo ba siya? ( Nakangiting sambit ni Tiya kay Maria) 

MARIA: Hindi na po tiya. ( Lumabas siya at tinungo ang kinaroroonan ni

Ibarra)

NARRATOR: Nag uusap sina Kapitan Tiago at Ibarra nang halos

kaladkarin ni Tiya Isabel si Maria Clara sa harap ni Ibarra. Umiwas ng

tingin ang dalaga ngunit tila may batubalaning nag tama ang kanilang

mga tingin. 

IBARRA: MARIA CLARA! ( Nakangiting sabi ng binata nang makita

ang dalaga) 

[SA BALKONAHE**]
IBARRA: Lagi mo ba akong naaalala? Hindi mo ba ako nalimot kahit

minsan sa bansang iyong pinuntahan? Marami bang lungsod kang

narating at marami ka bang nakilala? ( May himig na paninibugho ng

dalaga) 

IBARRA: Maaari ba kitang malimot? (Wika ng binata sabay titig ng may

pananabik sa dalaga)

-Ibarra: Talagang hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda Maria Clara. 

-Maria: Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita. (

Nambobolang sabi niya habang naka simangot) 

IBARRA: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang? 

IBARRA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo? ( Pabironiyang sabi)

-Ibarra:Dahil ipinag pasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa

pinakamagandang babae na nakilala ko.

IBARRA Asus! binola mo pa ako. ( Nakangiting bahagya na humampas

sa braso ng binata) 

IBARRA: Kasama kang lagi sa aking pag iisa. Ang iyong alaala ang

nagliligtas sa akin sa lahat ng panganib sa aking paglalakbay. Nakikita

kita sa aking pangarap... Parang isang diwatang sumasagisag sa aking


bayan. Maganda, masuyuin at matapat na anak ng Pilipinas. May

dakilang katangian ng Inang Espanya at kaugalian ng musmos na bansa. 

-Ibarra: Labis akong nangulila sa iyo, Maria. (Marahang hinaplos ang

balikat ng dalaga)

- Maria: Higit akong nangulila, Crisostomo.

-Ibarra: Patawarin mo ako kung ako'y mag papaalam na.(Malungkot

niyang sabi) -Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay

araw ng mga patay. Hanggang sa muli mahal ko. (Aastang

tatalikod na pero pinigilan sya ng kamay ni Maria) 

MARIA: Sandali! ( Malungkot na sambit niya) ( Pumitas ng bulaklak si

Maria Clara at binigay ito kay Crisostomo)

MARIA: Ialay mo ito sa iyong mga magulang. (Ngiti muling

sambit ni Maria)

IBARRA:Maraming salamat mahal ko. ( Tinanggap ang bulaklak at

niyakap si Maria) 

( Aalis na si Ibarra habang si Maria naman ay tinatanaw ang papalayong

binata)
MARIA: Mag- iingat ka mahal kong Crisostomo. (Sambit niya sa hangin

habang naka ngiti)

End of the scene....

KABANATA XXII

Araw ng patay

(change scene/script)

hinahanap ni Ibarra ang puntid ng kanyang mahal na ama ngunit isang

supulturero ang nagtapat na ito’y pinalipat sa liningan ng mga intsik at

makasalanan, Isang supolturero ang sasabat at sasabihing itinapon nya

nalang ito sa ilog dahil sa kabigatan nito at umuulan pa nang mangyari

iyon.

Narrator: Madilim ang kalangitan, tila hindi na makita ang bituin

hindi ito gabi ng lagim ngunit ang mga uwak ay nagsis-iiyakan sa

payapang lupa ng san diego. Sa dakong kanluran gitna ng palayan na


mamayapa ng matiwasay ang mga walang malay na katawan. Sa gitna

ng sementeryo mapapansin ang isang malaking krus mayroong

nakaukit na INRI ngunit dahil sa kalumaan ang ilang bahagi ng krus

ay unti unti ng nilalamon ng mga ugat at iilang gumagapang na damo.

Ang malamig na hangin ay sumasayaw sa iisang direksyon, nagising

ang tahimik na libingan dahil sa ingay ng bakal tila may ginagawang

karumal-dumal. Sa gitna ng madilim na libingan mayroong

nagliliwanag na lampara na pagmamay-ari ng mga tagapaghukay. 

NANINIGARILYONG TAGAPAGHUKAY:Sa ibang bahagi tayo

maghukay! Sariwa pa ang mga bangkay dito! (Patuloy nanaghuhukay ang

ilan) 

TAGAPAGHUKAY 2:Ganoon rin kahit saan! Napansin ng isang

tagapaghukay na tila balisa at nanlalamig ang isa nilang kasapi. 

TAGAPAGHUKAY 1:Ano ang nangyayari sa iyo kapatid ? bakittila

natakot ka sa iyong nahukay? iyan na ba ang ating hinahanap? 

TAGAPAGHUKAY 2:Tila nasusuka ka ata kapatid gutay gutay ba ang

katawan ng iyong nahukay? (Lumapit ang dalawang

tagapaghukay sa direksyon ng 3) 
TAGAPAGHUKAY 3:Hindi .....Hindi ko na ito matatagalan!

(hinulog ang pala sa lupa) Ako'y lilisan na isang kaparusahan ang

naghihintay sa atin kapag nakita tayo ng mga guardia!

TAGAPAGHUKAY 1:Nako kapatid walang makaka-alam kung hindi ka

magsusumbong Nais mo bang tumabi sa mahimbing na bangkay?

TAGAPAGHUKAY 1:Hindi naman malala ang sitwasyon ng iyong

nahukay kumpara sa nahukay namin na dalawampung araw pa lang na

baon sa lupa.

TAGAPAGHUKAY 1:Sa pag kaka-alala ko makulimlim ang kalangitan

noon nawalan pa ng ilaw ang aking pananglaw, kung nakita mo lang ang

katawan dios mio! may dugo pa ang mga buto ! Umaalinggasaw

ang hindi pangkaraniwang amoy at ang malala pa kapatid ay papasanin

ko pa! (umaktong nandidiri) Kasabay pa ang buhos ng ulan! tumulo ang

ilang dugo at namantsyahan ang aking kasuotan. TAGAPAGHUKAY

3:Nasatamang pag-iisip ka ba kapatid ? bakit mo hinukay?

TAGAPAGHUKAY 1:Walang personalan dito kapatid Marahil ay

ipinagutos sa akin? kung kaya't ay sinunood ko lamang.

(Tinignan ni TAGAPAGHUKAY 1 ng mula ulo hangang paa ang

nagtanong) TAGAPAGHUKAY 2:Sino ang nag-utos? angmga kastilla?


TAGAPAGHUKAY 1:Ganyan rin ang tankng ng mga kastilla sa akin

ngunit pasikreto itong inutos ng kurang malaki. TAGAPAGHUKAY

2:Ano ang ginawa mo sa bangkay? 

TAGAPAGHUKAY 1:Kaibigan para ka namamg guardia civil kung

mag-usisa. ang utos ng kutang malaki ay ilipat ang bangkay sa libingan

ng mga intsik kay bigat ng bangkay at napaka malayo ang nasabing

libingan. 

Narrator: Natapos na sa paghuhukay ang tagapaglibing kung kaya't

napagdesisyonan ng lumisan (Nakabunton sa tabi ng hukay ang dalawang

tumpok ng basang lupa) (nginanga ng tagapaglibing ang hitsong kinuha

sa salakol pagkatapos ay luminga sa paligid) 

Narrator:habang tumatagal dumami ang mga taong pumasok sa

sementeryo, mayroong naghahanap ng libingan mayroon ring nagtatalo.

Ang ilan ay nagsisiluhod na lamang kahit saang lugar habang nagsisindi

ng kandila sa kadahilanan na hindi na mahanao ang naturang libing. (May

mga umiiyak na nagdarasal ng opapreo, orapies,requiem)

.................... end of the scene

 
 

KABANATA XXVI

Si tasyo,Baliw o Pilosopo tasyo

Scene: Nagsisimula ang babala ng sigwa, malakas ang dapyo ng

hangin,paminsan-minsa’y kumikidlat.] Sa lansangan, isang masayang

matandang lalaki ang palakad-lakad na wari ay walang tiyak na

pupuntahan. Sa kanyang paglalakad nakasalubong niya si

Kapitan,magkapatid na basilio at crispin ng magawi siya sa simbahan, at

sa bahay ni don filipo nang siya’y paunlakan sa tahanan nito.

KAPITAN: Magandang hapon Tandang Tasyo maaari kobang malaman

kung bakit kayo masaya?( translate to Spanish) 

TASYO: darating na ang sigwa, ang maghuhugas sa kasalanan ng tao,

ang magbibigay ng  bagong pag-asa!

[napabulong si kapitan at putlang-putlang nagkrus  sa ilang santo]

TASYO: HA HA HA HA! [halakhak niya at iniwan ang kausap].


[Tumuloy siya sa simbahan…]

TASYO: Kayong dalawa umuwi na kayo, may inihandang masarap na

pagkain ang inyong ina.

Basilio: Hindi pa maaari sapagkat sa ikawalong gabi pa kami maaaring

umuwi. Hihintayin pa namin ang ibibigay na sweldo mamaya.

TASYO: Mag-iingat kayo sa pagdudupikal ng kampana lalo na kung

kumukulog.[umalis na ang matanda]

[napadaan siya sa bahay ni don pilipo at doray siya’y pinaunlakan]

DORAY: kayo ho pala Tandang tasyo! Tuloy ho kayo. Nandito si

Tandang tasyo!

FILIPO: Tandang tasyo kayo ho pala! Anong sadya ninyo at napadalaw

kayo?

TASYO: Ah!Hindi ako magtatagal, Nakita niyo ang binatang si

Crisostomo Ibarra?

FILIPO: OHO! Nakita ko sya kanina bumaba ng karuwahe kasama ang

alalay
TASYO: Ah,mabuti. Nararamdaman ko ang pighati ng batang iyon sa

pagkamatay ng kaniyang ama, na hindi man lang niya nasilayan.

Likas na matulungin at mabuting tao si Rafael Ibarra, isa ako sa anim na

nakipaglibing. Matulungin at hindi mo mababakas na siya ang

pinakamayamang tao  dito sa sandiego.

DORAY: kahit mabuting tao si rafffaeeel Ibarra. Nasapurgatoryo pa

lamang siya.naghihintay magkaroon ng hustisya sa kanyang pagkamatay.

TASYO: Hindi ako naniniwala sa Purgatoryo. Bueno,pasensyana sa

abala.akoy mauuna na maraming salamat at magandang gabi sa inyo.

End of scene…

KABANATA XXVI

Si Sisa

Scene: abala si sisa sa pagdating nina basilio at crispin. Mayroong

tuyong tawilis at pinitas na kamatis sa kanilang bakuran na syang inihain

nya kay crispin. Tapang baboy damo at isang hita ng patong hupidak o

dumara na hiningi nya kay pilosopo tasyo ang inihain nya kay basilio.

Higit sa lahat nagsaing siya ng putting bigas na sadyang inani niya sa

bukid. Biglang dumating ang asawa nyang si pedro.


PEDRO: May makakain ba?(Padabog nyang tanong kay sisa)

SISA: Mayroon

PEDRO: Nasaan? Bilisan mo’t nagugutom na ako!

SISA: Ah Oo, Narito na (Kinain ni pedro ang lahat ng inihain ni Sisa)

SISA: Wala nang natira? Ngunit paanong mga anak ko? 

PEDRO: Bakit? May reklamo ka?

SISA: Wala

PEDRO: Teka nasaan na ba ang mga batang iyon?

SISA: Nasa kumbento pa, pero uuwi na rin sila. (Aalis si pedro dala ang

panabong na manok)

SISA: Sanadali, hindi mo ba sila hihintayin? 

PEDRO: Inuutusan mo ba ako? Aalis ako kung kailan ko gusto! Siya nga

pala, tandaan mo tirhan mo ko ng pera mula sa sasahurin ng mga anak

mo!
(Exit si pedro. Iiyak si Sisa, Magsasaing sya. Iiyak ulet tapos magdadasal.

Biglang bubukas ng pabigla ang pinto.)

BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay! (tinatawag ang

kanyang ina habang umiiyak) 

SISA: (lalabas galing sa kusina ) Basilio! Anak ko! Anong nangyari

sayo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan?(Nalilitong tanong ni sisa kay

basilio)

BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At

si crispin po-(Naputol ang kanyang sasabihin dahil inunahan na sya ni

sisa) 

SISA: Bakit ano bang nangyari kay crispin? Nasaan na sya?

(Naguguluhan si sisa at hindi mawari ang nangyayari) 

BASILIO: Naiwan po sya sa kumbento Inay. Hindi po sya pwedeng

umuwi dahil pinagbintangan syang nagnakaw.

SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba mahirap

lang tayo, kailangan nating magdusa?(Sinasabi nya ang mga kataga

habang namamasa na ang kanyang mga mata)

BASILIO: Inay….
SISA: Bakit basilio? Nagugutom ka? Halika , heto……heto ang kanin at

tawilis. Kumain ka anak(Marahan nyang inakay si basilio at pinupunasan

nya ang mga luha nya) BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakin ng

tawilis inay.

SISA: Alam ko anak. Naghanda ako ng ibang ulam kanina ngunit

dumating ang iyong ama.

BASILIO: Dumating si itay?

SISA: Oo

BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba?

SISA: Basilio! 

BASILIO: Patawad po, Inay.(Matamlay nyang pagsabi)

SISA: Sige, Kung ayaw mong kumain, mamahinga ka muna, Bukas ay

gagawa ako ng paraan para makausap ang kura.(malungkot nyang sabi

habang maraming iniisip) 

BASILIO: Sige po inay (Exit si Basilio, papasok sa kwarto. Mapapaupo

si Sisa sa bangko at iiyak).

End of scene…
KABANATA XXI

ANG PAGDURUSA NI SISA

Scene: Nagmamadaling umuwi si Sisa habang tila nawawala na sa

katinuan at nakita nyang lumabas ng kanyang bahay Ang dalawang sibil

at gumaan Ang kanyang pakiramdam nang makitang Hindi kasama ng

sibil Ang isa man sa kanyang anak.

SIBIL: Hoy! [Kinabahan at nagulat si Sisa]

SIBIL 1: Magtapat ka samin kung hindi igagapos at papatayin ka namin!

SIBIL 2: Nakatakas Ang panganay ngunit saan mo dinala Ang bunso? 

SISA: Mga ginoo, si Crispin ay Hindi ko pa nakikita. Ako'y

galing sa kumbento ngunit Ang sabi nila sa aki'y [Hindi natapos ni sisa

Ang kanyang sasabihin dahil biglang sumingit Ang isang sibil] 

SIBIL 1: Kung ganyon, ibalik mo ang salapi kundi ay huhulihin ka

namin 

SISA: kahit na naghihirap kami, Hindi magagawa na aking anak na

magnakaw [maluha luhang tugon ni Sisa]


SISA: Kung nais nyo ay halughugin nyo Ang aming bahay. 

SIBIL2: Kung gayon edi sumama ka samin sa kuwartel. [Habang

naglalakad sa kabayanan, marahang umiiyak si Sisa] 

SISA: Bakit parang ako'y pinagtakluban ng Langit at Lupa(Sinasambit

niya Ang mga Ito habang tumutulo Ang kanyang mga luha)

[Pinagtitinginan at pinag uusapan si Sisa ng mga taong kalalabas Lang ng

simbahan.] 

Extra1: Si Sisa yun diba?Siya Yung Ina ng magnakaw.

Extra 2: Magnanakaw? 

Extra3: Si Sisa nga. [Hiyang Hiya si Sisa habang pinag uusapan ng mga

taong nadadaanan niya, Dinala sya sa kwartel at ikinulong. Nananatili

Lang sya sa isang sulok, gulong gulo Ang kanyang buhok at halos

mabaliw na sa kaiisip.] [Tanghali na ng malaman ng alperes na

nakakulong si Sisa at agad nya itong pinuntahan sa kwartel.] 

Alperes: Sino iyon [tanong nya sa isang sibil ng Makita Ang isang

nakakulong sa kwartel] 

Sibil: Siya si Sisa, Ina ng Magnanakaw. 

Alperes: At Sino Ang nagsabi nyan?


Sibil: Pinapadakip ng kura. 

Alperes: ay nakuu napakawalanh kwenta Ang sumbong ng kura.sigurado

akong gawa gawa Lang iyan. Pakawalan Ang babaeng Yan( utos nya sa

sibil habang Ang sibil ay saglit na naguluhan ngunit sinunod din Ang

utos ng alperes) (Binuksan ng sibil Ang kulungan at inutusan si Sisa na

umalis na ngunit Hindi sya nito napapansin kaya't kinaladkad ng sibil si

Sisa palabas habang nababaliw naman si sisang tumatawa) (Umalis ng

tahimik si Sisa, nilibot nya ng tingin Ang kabahayan na para bang may

hinahanap at muling naglakad ng Hindi alam Ang pupuntahan)

(Pagkarating no Sisa sa kanilang bahay paulit ulit nyang tinatawag Ang

pangalan ng kanyang mga anak na parang sirang plaka) 

SISA: Crispin? Basilio? Mga anak ko nasan kayo? (Nababaliw na si Sisa

sa kakatawag sa mga anak nya) Mga anak ko magpakita kayo, Nasaan na

kayo? (Nadaanan ng mga Mata ni Sisa Ang damit ni Basilio na may

bahid ng dugo, kinuha niya Ito at sya ay lumabas ng kanyang bahay at

tiningnan ang sikat ng araw)

SISA: Basilio asan na kayo( Habang mababakas Ang nerbyos sa kanyang

mukha)
SISA: Crispin, Basilio ( marahan nyang tawag habang Nilalamon na ng

pagkabaliw Ang buong pagkatao ni sisa) [Kinaumagahan palaboy laboy

na naglalakad sa lansangan si Sisa. Bigla syang iiyak, sisigaw at tatawa.) 

SISA: Mga anak ko (binabanggit nya Ito habang umiiyak at biglang

sisigaw at tatawa. [Lahat ng nadadaanan nya ay kinakatakutan na sya] 

END OF SCENE……

KABANATA XXIV

Sa Kagubatan

Scene: Tanghalian ng dumating si Padre Salvi sa piknik, sa kagubatan.

Niyaya ito ng mga taga San Diego upang kumain na pinaunlakan naman

ng pari, pagkatapos kumain nabanggit ng padre ang tungkol sa pag

lapastangan kay Padre Damaso. 

Padre Salvi: Alam nyo ba kung sino ang lumapastangan kay Padre

Damaso? Kung kaya’t siya’y nagkasakit?


Ibarra: Hindi ho Padre, hindi naman ako chismoso na halos lahat ay alam

ang mga pangyayari na nagaganap. 

Padre Salvi: Aba ako’y nagtatanong lamang. (Agad namang naputol ang

pag uusap ng dalawa ng makita ni ibarra si Sisa at nais sana itong alukin

ng pananghalian ngunit dala ng wala sa katinuan ito’y kumaripas ng

takbo. Dahil sa nakita nila si Sisa hindi napigilan na pag usapan ang

dalawang anak nito na sina Crispin at Basilio). 

adre Salvi: Tila hanggang ngayo’y di pa rin nakikita ang dalawang paslit

na kumuha ng salapi, sadyang mga hampas lupa! 

Don Filipo: Mas mahalaga pa ba saiyo ang salapi kaysa sakapakanan ng

dalawang musmos na bata lamang?! (Bagaman wari ni Ibarra na

magkakagulo na ang dalawa agad naman itong pumagitna.) 

Ibarra: Magsihinahon ho lamang kayo, trabaho ng gwardya

sibil na hanapin na lamang sila. (Agad na umalis ang padre na may

masamang tingin Kay Don Filipo). Pagkatapos nga ng pangyayari ay may

nagsidatingan na gwardya sibil, hinahanap si Elias na umano’y siyang

nanakit kay Padre Damaso.

Guardia sibil: Narito ba si Elias? 

Ibarra: Bakit nyo ho sya hinahanap?


Guardia sibil: Sya ang tinuturong lumapastangan kay Padre Damaso,

kaya kung ako sayo sabihin mo na lamang kung nasaan sya. 

Ibarra: Wala sya rito. 

Guardia sibil: Bakit mo nga ba kinupkop ang lalaking iyon,

sya’y hindi mo naman ka ano ano. 

Ibarra: Wala kayong pakialam kung sino ang gusto kung kupkupin at

panatilihin sa aking pamamahay dahil wala kayong karapatan na

kwestyunin ang aking desisyon. (Hindi na lamang ito pinansin ng

guardia)

Guardia sibil: Hanapin sa buong kagubatan si Elias at ng ito’y malitis!

(Agad namang naghalughog ang mga guardia sa kagubatan ngunit hindi

nila ito nakita). 

Guardia sibil 1: Wala sya rito.

Guardia sibil 2: Halika na kayo at iulat na lamang natin ito sa nakatataas.

(Umalis na ang mga guardia sibil). End of scene.

You might also like