You are on page 1of 30

NOLI ME TANGERE

Act I Isang Handaan / Si Crisostomo Ibarra / Ang Hapunan


(Scene: Ipapakita ang harapan ng bahay. Ipapakita ang loob ng bahay kung saan
nag-uusap ang mga bisita. Si Tiya Isabel ay binabati ang mga bagong dating. Nag-
uusap sina Padre Sibyla, Padre Damaso at ang tinyente ng guardia civil.)
PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indio ang mangmang?
LARUJA: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang
Indio?
PADRE SIBYLA: Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago.
DAMASO: Hah! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya'y hindi isang Indio.
Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indio!
(Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Ibarra.)
TIYAGO: Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng
pagsasalong ito...ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra.
Kararating lamang niya mula sa Europa.
CRISOSTOMO: Buenas Noches, Seor es. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik
na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso (hindi pinansin) ...patawarin po ninyo ako
sa aking pagkamamali.
DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma'y hindi
ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.
TINYENTE: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra?
CRISOSTOMO: Si, Seor Tinyente.
TINYENTE: Maligayang pagdating. Nawa'y mas maging mapalad kayo kaysa sa
inyong ama.
CRISOSTOMO: Muchas gracias, Seor.
UTUSAN: Nakahanda na ang hapunan!
(Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Mag-aagawan pa sa
upuan sa dulo sina Damaso at Sibyla. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente
Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya Victorina.)
VICTORINA: Ah! Wala ka bang mga mata?
TINYENTE: Mayroon po, Seora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit
ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok.
(Sa hapagkainan)
LARUJA: Seor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa,
ano'ng pinakamahalagang bagay ang nakita n'yo?
CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o
ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito.
DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na
bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata'y alam iyan.
CRISOSTOMO: Nagpapasalamat ako't palagay ang loob ng dating kura sa akin.
Perdon, senor. Sinasariwa ko lamang ang mga alaala ng aking kabataan, nang
kayoy madalas na magtungo sa aming tahanan upang makisalo sa aming hapunan.
Ah, nawa'y ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at
may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa Espaa at Pilipinas! (Magtotoast.)
TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara.
IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat
gawin.
(Magpapaalam si Ibarra. Mananatili ang iba pa sa hapagkainan.)
PADRE DAMASO: Hijo de perra! Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga
kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya
nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa
Europa!
(Siya namang dating ni Maria Clara. Natuon ang pansin ng lahat sa angking
kagandahan ng dalaga, lalo na ang isang batang Pransiskano na payat at putlain.
Iba ang tingin niya kay Maria Clara. Tila may balak.)
End of scene.
Buenas noches, senores. Magandang gabi, mga ginoo.
Muchas gracias maraming salamat
Hijo de perra bastardo
Perdon - patawad
Act II Erehe at Pilibustero
(Scene: Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya'y
naglalakad. Bigla siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang
balikat.)
TINYENTE: Seor Ibarra.
CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.
TINYENTE: Mag-ingat kayo, Seor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong
ama.
CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama.
Maaari ba ninyong sabihin sa akin?
TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama
sa loob ng bilangguan.
CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo'y
nagkakamali lamang?
TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa
bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre
Damaso.
CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po
siya nakulong?
TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na
naging kolektor ng buwis. Nang siya'y nangongolekta, minsan siyang
napagkatuwaan ng mga bata
(Flashback Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel.
Pinagtatawanan siya ng mga bata.)
BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha!
BATA 2: Hindi ba't hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang
dala? Ha ha ha!
KOLEKTOR: Tigilan n'yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano'ng sabi
n'yo?
(Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at
ito'y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.)
KOLEKTOR: Ikaw, ano'ng sabi mo?!
BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh--
RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila!
(Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito'y nawalan ng balanse.)
RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.
(End of flashback.)
TINYENTE: Sa kasamaang palad, ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor.
Dahil dito'y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at
pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang
kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.
IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama
ko...
(End of scene.)
Act III Pangarap sa Gabing Madilim
(Sakay ng kalesa, darating si Ibarra sa tinutuluyan niyang panuluyan. Naupo siya sa
tabi ng bintana at tinanaw ang kasiyahan sa bahay sa kabila ng ilog. Dinig pa rin
niya ang kalansing ng mga kubiyertos at ang tugtog ng orkestra. Magulo ang
kanyang isip. Naalala niya ang sinabi ng tinyente. Labis niya itong dinamdam.
Ngunit napawi nang panandalian ang kanyang pag-iisip nang matanaw niya si
Maria Clara. Nakasisiguro siya na napakaganda ng dilag dahil nakatuon dito ang
pansin ng lahat ng panauhin. Dahil sa gulo ng kanyang isip, napagpasyahan na
niyang matulog.)
Act IV Pagsusuyuan sa Asotea
(Scene: Pagkagaling sa simbahan, nagtungo si Maria Clara sa asotea ng kanilang
tahanan at nanahi. Si Tiya Isabel ay nagwawalis ng mga naiwang kalat kagabi sa
bakuran. Si Kapitan Tiyago ay nagbabasa ng ilang mahahalagang dokumento. Sa
kada sasakyang dadaan sa harapan ng kanilang bahay ay kinakabahan at
namumutla si Maria Clara.
MARIA CLARA: Bakit kaya wala pa siya?
Lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya nang may tumigil na sasakyan sa harap
ng kanilang bahay at naulinigan ang boses ni Ibarra. Agad siyang pumasok sa
kanyang kwarto at nagpaganda.)
CRISOSTOMO: Magandang araw po, Tiya Isabel.
TIYA ISABEL: Magandang araw din sa iyo iho.
CRISOSTOMO: Nandito po ba si Maria Clara?
TIYA ISABEL: Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali.
(Uupo si Ibarra sa silya sa may garden. Si Tiya Isabel ay kumatok sa pinto ng silid ni
Maria Clara.)
TIYA ISABEL: Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito.
MARIA CLARA: Pasok po kayo, tiya.
TIYA ISABEL: Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya?
MARIA CLARA: Hindi na po, Tiya.
(Lumabas si Maria Clara at tinungo ang kinaroroonan ni Ibarra.)
CRISOSTOMO: Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara.
MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga
salita. Marahil, maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa
pambobola mo.
CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang?
MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo?
CRISOSTOMO: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa
pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan.
MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako.
CRISOSTOMO: Hindi kita binobola, mahal ko. Isinumpa ko noon sa harap ng
pumanaw kong ina na wala akong ibang iibigin at paliligayahin kundi ikaw lamang.
MARIA CLARA: Ako may hindi makalilimot kailanman. Pinayuhan ako ng padre
kumpesor na limutin na kita, ngunit iyon ay sadyang imposible
CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria.
MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo.
CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung ako'y magpapaalam na. Kailangan ko nang
umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal
ko.
MARIA CLARA: Sandali
(Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at ibinigay ang mga ito kay Crisostomo.)
MARIA CLARA: Ialay mo ang mga ito sa iyong mga magulang.
CRISOTOMO: Maraming salamat, mahal ko.
(Aalis si Ibarra.)
MARIA CLARA: Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo.
End of Scene.
Act V Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
(Scene: Pupunta si Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago. Makakasalubong niya si
Tiya Isabel.)
DAMASO: Buenos dias, Seora Isabel. Saan kayo patungo?
ISABEL: Tutungo kami ni Maria Clara sa Beaterio. Kukunin niya ang kanyang mga
naiwang kagamitan.
(Iiwan ni Damaso si Isabel at papasok sa bahay na bubulong-bulong. Akala ni Isabel
ay nagkakabisa si Damaso ng kanyang sermon. Nakasalubong ni Tiyago ang pari at
akmang iniabot ang kamay upang magmano. Ngunit hindi iyon pinansin ng pari.)
DAMASO: Kailangan nating mag-usap ng sarilinan!
(Pumasok sila sa isang sild at isinara ang pinto. Sa kabilang dako, pagkatapos
magmisa ni Sibyla, nagtungo siya sa isang silid at tumambad ang isang paring
matanda na tila may malubhang sakit. Nakaramdam siya ng awa dito. Nilapitan
nya ito at kinamusta.)
SIBYLA: Magandang araw, padre. Kamusta po kayo?
PARI: Sa kabutihang palad ay nagising pa ako kaninang umaga. Pakiramdam koy
akoy isang kandilang unti-unting nauupos. Alam kong nalalapit na ang aking
katapusan
SIBYLA: Manalig lamang kayo, padre. Ipagdarasal ko kayo. Siyanga pala, Nagbalik na
sa San Diego ang bugtong na anak ni Rafael Ibarra.
PARI: Siyanga? Bueno, kamusta naman siya? Malugod ba ang pagtanggap sa kanya
ng mga taga-San Diego?
SIBYLA: Mainit siyang niyakap ng kanyang mga kababayan, lalo na si Kapitan Tiyago
at ng kanyang maybahay. Ngunit tila iba ang iniisip sa kanya ni Damaso.
PARI: Paano mo nasabi iyan?
SIBYLA: Tila kaylaki ng sama ng loob ni Damaso sa binata. Sa bawat pagkakataong
silay magkikita ay agad na nag-iinit ang ulo ni Damaso. Noon ngang nagsagawa ng
pagtitipon sa ngalan ni Crisostomo Ibarra, kulang na lamang ay agawin niya ang
pistola ng tinyente at itutok sa binata.
PARI: Malamang ay marahil na rin iyon sa nararamdamang pagkapoot ni Damaso
kay Don Rafael. Kilala ko si Damaso. Matabil ang kanyang dila, ngunit sa kanyang
kalooban ay nagtatago ang isang duwag.
SIBYLA: Gayonpamay iba ang nakita ko sa binatang ito. Mabait siyang tao,
matapang. May dignidad. Hindi natatakot na ipahayag ang kanyang sarili.
PARI: Kung gayoy maaari natin siyang gamitin para sa ikabubuti ng ating kapatiran.
Alam kong unti-unti nang nawawala ang atng mga kayamanan. Lubhang matatalino
ang mga indio. Hindi na sila kumakagat sa mataas na buwis na ating ipinapataw.
SIBYLA: Tama kayo, padre. Bueno, akoy mauuna na padre. Maiwan ko na muna
kayo.
PARI: Gracias, Sibyla.
(Balik sa bahay ni Tiyago. Tapos na ang usapan nila ni Damaso.)
DAMASO: Binabalaan kita, Kapitan. Kailanmay huwag mong tatangkain na
maglihim sa akin. Ako pa rin ang inaama ni Maria Clara.
(Aalis si Damaso. Madadaanan niya ang dalawang kandilang itinulos ni Maria Clara
para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra. Papatayin iyon ng pari at lalabas ng
bahay.)
End of scene.
Act VI Araw ng mga Patay / Mga Unang Banta ng Unos
(Scene: Ipapakita ang sementeryo. May dalawang lalaking naghuhukay sa tabi ng
isang pader na parang gigiba na. Ang isa ay dati nang sepulturero at ang isa ay tila
baguhan dahil panay ang dura, hindi mapakali at panay ang hitit sa sigarilyo.)
LALAKE 1: Lumipat na kaya tayo sa ibang lugar? Abay, sariwa pa ang isang ito ah!
Tignan mo, dinudugo pa!
LALAKE 2: Lintik! Maghukay ka na lang! Binabae ka ba? Napakaselan mo! Kung ikaw
lamang mag-isa rito at ipinahukay sa iyo ang bangkay na ito na may 20 araw pa
lamang naililibing, sa kalagitnaan ng gabi, napakalakas ng buhos ng ulan at
namatayan pa ng ilaw, malamang ay naihi ka na sa iyong karsonsilyo! Sige, kayod!
Papasanin natin ang bangkay. Ililipat natin sa libingan ng mga Intsik.
(Papasanin ng dalawa ang bangkay. Hindi makakalayo dahil sa bigat ng bangkay.)
LALAKE 1: Napakabigat naman ng isang ito! Pinakain ba ito ng malalaking bato?
LALAKE 2: Mabigat nga ang isang ito, ah. Hala sige, doon na lamang sa lawa.
Ihahagis na lamang natin siya roon.
(Itinapon nga ng dalawa ang bangkay. Pagbalik ng dalawa ay kinuha na ang mga
gamit at lumakad palabas ng sementeryo. Siya namang dating ni Ibarra kasama
ang isang matandang utusan niya.)
UTUSAN: Si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng krus para sa puntod ng inyong ama,
senyorito. Tinaniman ko ito ng mga bulaklak at sinabitan ng sampaguita.
IBARRA: Salamat. Bueno, nasaan ba?
UTUSAN: Sa likod po ng malaking krus, senyorito.
IBARRA: (nakakita ng krus) Dito ba?
UTUSAN: Sandali lamang po Hindi po ito ang natatandaan ko. (makikita ang
dalawang sepulturero) Saglit lamang po at aking ipagtatanong. (lalapitan ang
beteranong sepulturero) Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito?
LALAKE 2: Ah, iyong malakng krus? Sinunog ko na iyon.
ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon?
LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura.
IBARRA: At ano ang ginawa mo sa bangkay?!
LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga
Intsik.
IBARRA: At ginawa mo naman?! (kinuwelyuhan ang lalaki)
LALAKI 2: 'Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at
umulan pa nang gabing iyon kayaitinapon ko na lamang ito sa ilog.
IBARRA: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa! (bibitawan ang lalaki)
(Galit na aalis si Ibarra. Makakasalubong niya si Padre Salvi. Susunggaban ito.)
IBARRA: Ano'ng ginawa mo sa aking ama?!
SALVI: Nagkakamali ka. Wala akong ginawa sa--
IBARRA: Ano'ng wala?!
SALVI: Hindi ako! Tinitiyak ko sa'yo. Hindi ako, kundi sa Padre Garrote... Si Padre
Damaso!
(Binitiwan siya ni Crisostomo at tuluyan nang lumayo.)
End of scene.
Act VII Si Pilosopo Tasyo
(Scene: Makikitang naglalakad si Pilosopo Tasyo sa kalye. Kakatok siya sa pintuan
ng bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray.)
DORAY: Ah, Tandang Tasyo, kayo ho pala! Tuloy ho kayo. Filipo, nandirito si
Tandang Tasyo!
FILIPO: Ah kayo ho pala! Napadalaw ho kayo. Ano ho bang sa atin?
TASYO: Ah, hindi ako magtatagal. Ipagtatanong ko lamang, nakita ba ninyo ang
binatang si Crisostomo Ibarra na nagtungo sa libingan?
FILIPO: Oho, nakita ko siya kanina na bumaba ng karwahe kasama ang alalay.
TASYO: Ah, mabuti. Nararamdaman ko ang pighati ng batang iyon. Hindi man
lamang niya nasilayan sa huling pagkakataon ang kaniyang ama. Isa ako sa anim na
nakipaglibing kay Rafael. Napakabuting tao ni Rafael. Hindi mo mababakas sa
kaniya na siya ang isa sa mga pinakamayamang tao dito sa San Diego. Napakarami
niyang natulungang kababayang hikahos sa buhay.
DORAY: Naku, kahit mabuting tao si Don Rafael, nakasisiguro akong hindi pa siya
tuluyang nakaaakyat sa kalangitan. Nasa purgatoryo pa lamang siya, hinihintay na
makamit ang hustisya sa kanyang pagkamatay!
TASYO: Hindi ako naniniwala sa purgatoryo. Itoy isa lamang akda ng imahinasyon
ng malilikot na pag-iisip ng tao. Sa pamamagitan ng purgatoryo, nabubuhay ang
pag-asa ng tao na darating ang panahon, sa kanyang pagpanaw, na hindi man siya
makarating nang agaran sa langit, ay may pag-asa pa siya kapag kanyang
pinagsisihan ang kanyang mga sala habang nasa purgatoryo. Ngunit kungsabagay,
nakatutulong din ito upang magkaroon ng malinis at dalisay na buhay ang tao, at
nagsisilbing tulay sa pagitan ng namayapa at ng nabubuhay. Bueno, pasensya na sa
abala. Akoy mauuna na. Maraming salamat at magandang gabi sa inyo.
(Aalis si Tasyo at maglalakad sa gitna ng malakas na ulan habang sisigaw ng
pamamaalam sa mag-asawa na nakataas pa ang dalawang kamay.)
End of scene.
Act VIII Ang Mga Sakristan
(Scene: Ipapakita ang harapan ng simbahan. Tumutunog ang kampana. Ipapakita
ang loob ng kampanaryo. Nasa loob ang magkapatid na Crispin at Basilio.)
BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin.
(Naupo ang dalawa sa isang sulok.)
CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya?
BASILIO: Dalawang piso, bakit ba?
CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko.
BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba't dalawang onsa ang ibinibintang nila sa iyo?
Tatlumpu't dalawang piso! Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko
mababayaran iyan.
CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya Kapag
nalaman 'to ng Inay... natatakot ako. Mabuti pa nga na talagang magnakaw na
lamang ako Sa gayong paraan, maaamin ko na na ako nga ang nagnakaw ng
dalawang onsa Patayin man ako sa palo ng kura, magkakaroon naman kayo ni
inay ng mga bagong damit
BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. 'Wag
kang mawalan ng
(Biglang dadating ang Sakristan-Mayor. Parang sinipa ang pinto.)
SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang
pagpapatunog ng kampana At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang
hindi mo isinasauli ang ninakaw mong dalawang onsa!
CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw--
SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa!
BASILIO: Sakristan mayor, pakiusap, hindi po
SAKRISTAN: Basilio, hindi ka makauuwi hanggat hindi pumapatak ang eksaktong
ika-10 ng gabi!
BASILIO: Po?! Ngunit, sa ika-9 ng gabi ay bawal na
(Mapuputol ang sinasabi ni Basilio dahil susugurin sila ng sakristan, hihilahin sa
braso si Crispin at kakaladkarin pababa ng hagdan. Hahabol si Basilio at
mahahawakan ang kamay ng kapatid. Makikipaghilahan si Basilio
BASILIO: Pakiusap po! Matagal na naming hindi nakikita ang aming ina! Huwag po
ninyong---
pero sasampalin siya ng malakas ng sakristan at matutumba sa pagkahilo.
Tatadyakan ng sakristan si Basilio hanggang sa hindi na makatayo. Dinig ni Basilio
ang pagpalahaw ng kapatid at ang bawat sampal dito ng sakristan.)
CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako!
BASILIO: Crispin
(Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas
siya gamit ang lubid ng kampana.)
End of scene.
Act IX Si Sisa / Si Basilio
(Scene: Abala si Sisa sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawilis
at pinitas na kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin.
Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay
Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting
bigas na sadyang inani niya sa bukid. Biglang darating ang asawa niyang si Pedro.)
PEDRO: May makakain ba?
SISA: Mayroon.
PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo't nagugutom na ako!
SISA: Ahh- Oo. Narito na.
(Kinain ni Pedro ang lahat ng inihain ni Sisa.)
SISA: Wala nang natira? Ngunit paano'ng mga anak mo?
PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!
SISA: Wala. Wala-
PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?
SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila-
(Aalis si Pedro dala ang panabong na manok.)
SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin?
PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto! Siya nga pala,
tandaan mo, tirhan mo ko ng pera mula sa sasahurin ng mga anak mo!
(Exit si Pedro. Iiyak si Sisa. Magsasaing siya. Iiyak ulit tapos magdadasal. Biglang
bubukas ng pabigla ang pinto.)
BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay!
SISA: (lalabas galing sa kusina) Basilio! Anak ko! Anon'ng nangyari sa'yo? Bakit ka
umiiyak? Bakit ka sugatan?
BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po--
SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya?
BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil
pinagbintangan siyang nagnakaw.
SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo,
kailangan nating magdusa?
BASILIO: Inay
SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, hetoheto ang kanin at tawilis.
Kumain ka, anak ko.
BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay.
SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang
iyong ama.
BASILIO: Dumating si Itay?
SISA: Oo.
BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba?
SISA: Basilio!
BASILIO: Patawad po, Inay.
SISA: Sige, kung ayaw mong kumain, mamahinga ka na muna. Bukas ay gagawa ako
ng paraan para makausap ang kura.
BASILIO: Sige po, inay.
(Exit si Basilio. Pasok sa kuwarto. Mapapupo si Sisa sa bangko at iiyak.)
End of scene.
Act X Mga Kaluluwang Naghihirap
(Scene: Matatapos magmisa si Pari Salvi. Lalabas ng simbahan ang tatlong manang
kasama ang ilan pang taga-San Diego.)
BALO: Napansin ba ninyong tila may dinaramdam si Padre Salvi?
RUFA: Napansin ko nga. Kung gayoy sino ang magsesermon sa kapistahan? Si
Padre Damaso ba, si Padre Martin, o ang koordinator?
JUANA: Saka na natin isipin iyan. Tignan muna natin kung bubuti ba ang kalagayan
ni Padre Salvi. Siya nga pala, kayo bay nakapagbigay na ng inyong indulhensya
plenarya? Sige kayo, tatawanan ko na lamang kayo mula sa langit habang kayoy
nagdurusa sa purgatoryo!
(Dadating si Sisa na may dalang basket na puno ng mga gulay. Babatin niya ang
mga sakristan at magtutuloy sa kusina ng kumbento. Ilalatag niya sa mesa ang
mga gulay na dala niya. Makikita siya at kakausapin ng tagaluto.)
UTUSAN: Para saan ang mga 'yan ale?
SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap.
UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito?
SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin.
UTUSAN: Crispin? Kung gano'n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba'y matapos
magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na
magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia
civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak.
SISA: Hindihindi magnanakaw ang mga anak ko!
KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! 'Wag mong iyakan ang mga anak mo!
Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana sila sa kanilang ama! Wala kang
naiturong mabuti sa kanila!
(Mangangatal si Sisa. Tatakpan ang dalawang tenga at tulirong tatakbo palayo sa
kumbento.)
End of scene.
Act XI Mga Suliranin ng Isang Guro
(Scene: Magkasama si Ibarra at isang batang guro sa tabi ng lawa kung saan
itinapon ang bangkay ni Don Rafael. Nagtirik ng kandila ang dalawa.)
GURO: Napakabuti ng inyong ama, senyor Ibarra. Marahil ay hindi ako naging isang
guro kundi dahil sa kanyang tulong. Sa ngayoy napakalaki ng suliranin ng mga mag-
aaral.
CRISOSTOMO: Salamat. Ano ba ang problema?
GURO: Karahasan ang instrumento ng pagtuturo ng mga prayle. Anila, hindi raw
matututo ang mga bata hanggat hindi sila nakatitikim ng latay. Isa pa ay ayaw ni
Padre Damaso na matuto ako ng wikang Kastila. Aniyay isa akong mangmang
kayat Tagalog lamang ang nababagay sa akin, dahilan upang hindi ko maituro ng
maayos ang mga leksyon. Tinangka kong iwasan na gumamit ng pamalo, ngunit
pinilit nila ako na muling gumamit nito. Ang mga prayle at ang kanilang bulok na
sistema
CRISOSTOMO: Nauunawaan kong isa kang guro na tapat sa kanyang sinumpaang
tungkulin. Huwag kang mag-alala. Inanyayahan ako ng Tinyente-Mayor sa Pulong
Tribunal. Gagamitin ko ang pagkakataong iyon upang maisangguni ang iyong
suliranin.
GURO: Maraming salamat, senyor Ibarra. Sanay maipagpatuloy mo ang mga
simulain ng iyong nasirang ama.
End of scene.
Act XII Ang Pulong sa Tribunal
(Scene: Nasa isang malaking bulwagan ang mga kasapi sa tribunal, na binubuo ng
Conserbador (mga matatanda) at ang mga Liberal (kabataan) na pinamumunuan
ni Don Filipo. Nagsimula na ang pulong nang dumating sina Ibarra at ang guro.)
DON FILIPO: Tila ang Tinyente Mayor at ang Kapitan ay tinutulugan lamang ang
kanilang mga trabaho. Malabo pa ang mga paghahanda para sa pistang bayan!
KAPITAN BASILYO: Walang katotohanan ang mga alegasyong iyan! Alam ng mga
tao at ng Diyos na kami ay bung pusong tumutupad sa aming tungkulin.
Ipinapangako namin sa lahat ng naririto, maidadaos natin ang pistang bayan!
Kailangan lamang namin ng
DON FILIPO: Kalokohan! Alam naman natin kung saan patungo ang winiwika ng
kapitan! Pulos pagmamalaki at pagbubuhat ng sariling bangko! Dahil sa kawalan ng
kakayahan ng tinyente na makapaghanda para sa pistang bayan, nais kong
magmungkahi ng isang solusyon. (maglalabas ng papel mula sa bulsa)
Magsasagawa tayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at ang ihahain
sa mga manonood ay komedya sa loob ng isang linggo! Ang dulaan ay
nagkakahalaga ng 160 piso, ang komedya ay 200 kada gabi kayat aabot ng 1,400
piso bawat gabi. At sa huling araw ng pista ay magkakaroon ng engrandeng palabas
ng mga paputok na nagkakahalaga ng 1,000 piso!
(Magagalit ang mga manonood at magsisgawan na napakamahal ng magagastos
sa suhestiyon ni Don Filipo.)
DON FILIPO: Sige na, sige na! Nakikita kong hindi kayo nasisiyahan sa aking
suhestiyon. Iniuurong ko na ito!
KABESA: Mabisa sana ang iyong suhestiyon, Filipo. Ngunit masyado kang maluho!
Pakinggan ninyo ang aking ideya! Una, tipirin ang pagdiriwang. Ikalawa, walang
mamahaling mga paputok. At ikatlo, ang mga magtatanghal ng komedya ay
mismong mga taga-San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga
masamang ugali at kapintasan!
(Muling magkakagulo ang mga tao.)
KAPITAN BASILYO: Katahimikan! Tapos na ang pasya ng kura! Sa pistang bayan,
magdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misang mayor at
komedya sa Tundo!
(Magkakasundo na ang dalawang pangkat at sasang-ayon ang mga tao.
Magpapaalam si Ibarra sa guro.)
CRISOSTOMO: Maiwan na muna kita. May may lalakarin lamang ako na isang
mahalagang bagay.
End of scene.
Act XIII Mga Pagdurusa ni Sisa
(Scene: Tatakbo pauwi si Sisa. Matatanaw niya ang dalawang guwardiya civil sa
kanilang bahay.)
GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw?
SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.
GUARDIA CIVIL: 'Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang
sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin!
SISA: Seor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin.
GUARDIA CIVIL: Kung gayon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga
anak!
SISA: Seor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila
magagawa ang magnakaw, maniwala kayo.
GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan ang iyong gusto, Ikaw ang ikukulong
namin hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila!
SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Seor. Parang awa n'yo na,
'wag n'yo po akong ikulong
(Halos kakaladkarin ng mga guwardiya si Sisa. Dadaan sila sa bayan at kukutyain
ng mga taumbayan si Sisa. Pagdating sa kwartel ay sumiksik lang siya sa isang
sulok.)
GUARDIA: Mabubulok ka sa bilangguan hanggat hindi ka nagsasabi ng totoo!
(Darating ang Alperes at makikipag-usap sa Guardia. Malalaman niya ang istorya
ni Sisa.)
ALPERES: Kamalian 'yan ng kura! Pakawalan ninyo siya at 'wag n'yo nang
gagambalain pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto,
sabihin n'yo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio!
(Pakakawalan ng mga guardia si Sisa.)
GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa'yo! Ha!
Ha! Ha!
(Pagewang-gewang na lalakad si Sisa pauwi sa kanila. Mararating niya ang bahay.)
SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo?
(Paulit-ulit niyang tatawagin ang mga anak at maglalabas-masok sa bahay.
Pagpasok niya sa bahay, makikita niya ang isang pirasong punit sa damit ni
Basilio.)
SISA: Ito ay damit ni Basilio? DugoBakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha!
Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako ang ina ng mga magnanakaw!
Ha! Ha! Ha! Dugo!
(Tuluyang mababaliw si Sisa. Maglalakad siya ng walang direksyon hanggang
makarating sa bayan. Lahat ng makita niya ay nakikita niya bilang demonyo o
halimaw. Ang lahat naman ng kanyang makasalubong ay agad na lumalayo dahil
sa takot.)
End of scene.
Act XIV Liwanag at Dilim
(Scene: Dadalaw si Ibarra sa bahay ni Maria Clara.)
CRISOSTOMO: Magandang araw, mahal ko. Nakapaghanda ka na ba para sa ating
piknik bukas? Naihanda na ang lahat ng ating dadalhin at makakain.
MARIA: Oo. Masaya ako at muli kitang makakasama. Gayonpaman, may nais akong
hilingin sa iyo, Crisostomo.
CRISOSTOMO: Ano iyon?
MARIA: Huwag mo nang isama ang kura sa ating lakad. Nilulukob ako ng takot sa
tuwing kami ay magkakaharap. Kakaiba ang kanyang mga titig sa akin, tila may nais
ipahiwatig. Huwag mo nang isama sa pangingisda si Padre Salvi.
CRISOSTOMO: Patawad mahal ko, hindi ko mapagbibigyan ang iyong nais. Lihis iyon
sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga-San Diego.
(Mapuputol ang usapan nang biglang dumating si Padre Salvi.)
MARIA: Magandang araw, padre. Patawarin ninyo ako. Nais ko man kayong
paunlakan bilang aking mga bisita, labis na sumasakit ang aking ulo. Maiwan ko na
muna kayo.
(Exit si Maria.)
CRISOSTOMO: Ah, Padre Salvi. Magpi-piknik kami bukas ni Maria kasama ang ilang
mga taga-San Diego. Nais ba ninyong sumama?
SALVI: Gayon ba? Maraming salamat sa iyong paanyaya. Tinatanggap ko ito.
CRISOSTOMO: Salamat, padre. Bueno, akoy mauuna na sa inyo. Magandang gabi.
(Lalakad palabas si Ibarra. May makakasalubong siyang lalaki.)
LALAKI: Senyor Ibarra! Dalawang araw ko na kayong hinahanap. Pakiusap,
kailangan ko ang inyong tulong. Tungkol sa saking asawa at mga anak.
CRISOSTOMO: Ano bang maipaglilingkod ko?
(Sabay na lalakad ang dalawa papunta sa dilim.)
End of scene.
Act XV Ang Piknik
(Scene: Nagkita-kita ang magkakaibigang sina Iday, Victoria, Sinang, Andeng at
Maria Clara para sa piknik. Kasalukuyan silang nagkukwentuhan habang hinihintay
ang iba pa, kabilang na si Ibarra.)
IDAY: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra?
MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong "kami" ni Ibarra?
VICTORIA: Hindi ba't kararating lamang niya?
MARIA CLARA: Oo sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming
mangingisda.
MGA KAIBIGAN: Uuuuuyy
Hindi katagalan
MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo.
IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko?
MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo.
(Mamamangka sina Maria at Ibarra kasama sina Albino at Victoria. May ilang
maiiwan sa dalampasigan para magluto ng agahan. Magkatabi sina Maria at
Ibarra kasama sina Albino at Victoria.)
ALBINO: Siyanga pala, ipinapakilala ko sa inyo si Elias. Siya ang magiging piloto ng
ating bangka ngayong umaga.
ELIAS: Magandang umaga po sa inyo. Saan po ba ninyo nais na magtungo?
MARIA: Elias, nais ko sanang pumunta sa baklad ng aking ama. Malayo pa ba?
ELIAS: Hindi po. Ilang sandali lamang ay naroon na tayo.
(Habang umuusad ang bangka, aawit ng kundiman si Maria. Matatahimik ang
lahat. Pagdating nila sa palaisdaan, magsisimula na silang mamingwit. Si Elias ay
tatalon sa lawa para manghuli ng mga isda na nasa ilalim. May mapapansin si
Maria.)
MARIA CLARA: Ano iyon?
ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po.
MARIA CLARA: Ah kahoy lamang pala.
IBARRA: Kahoy pa rin ba iyon?
ELIAS: Sandali po lamang at aking titignan Saglit isang buwaya!
(Magtitilian ang kababaihan.)
ALBINO: Huwag kayong mag-alala. Itong si Elias ay isang dalubhasa sa paghuli ng
buwaya!
ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa lawang ito! Kailangang mamatay na
ang buwaya na iyan!
(Lalangoy si Elias palapit sa buwaya at sasakmalin ito. Pero mas malakas ang
buwaya at magagapi siya.)
MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya!
IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya!
MARIA CLARA: Ibarra!
(Bubunot ng punyal si Ibarra at tatalon din sa lawa. Lalapit siya kay Elias at sa
buwaya at sasakmalin din ito.Nawala ang dalawa kasama ang buwaya at
napayapa ang tubig.)
MARIA: Crisostomo Crisostomo! Mahal ko, nasaan ka?!
VICTORIA: Ligtas sila! Ligtas sila!
(Aahon sina Elias at Ibarra. Papanhik sila sa bangka.)
MARIA: Mabuti at ligtas kayo! Mahal ko labis mo akong pinag-alala!
IBARRA: Patawad mahal ko. Elias, ayos ka lang ba?
ELIAS: Opo. Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Seor Ibarra.
Balang araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong
tulungan kayo.
(Matapos ang pagkakapatay sa buwaya, nagpatuloy sila sa pangingisda at
kalaunan ay bumalik na sa dalampasigan. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni
Ibarra at nananghalian sa ilalim ng puno.)
End of scene.
Act XVI Sa Kagubatan
(Scene: Kasalukuyang nananaghalian ang mga taga-San Diego nang dumating si
Padre Salvi.)
SALVI: Pasensya na kayo at nahuli ako. Katatapos ko lamang mag-misa.
IBARRA: Padre Salvi, tamang tama po ang dating ninyo. Halikayo at kumain.
Pagkakain
SALVI: Siyanga pala, narinig na ba ninyo ang tungkol sa taong lumapastangan kay
Padre Damaso, dahilan upang siyay magkasakit?
IBARRA: Hindi pa po padre. Sino daw po ang taong iyon?
Naputol ang usapan nila nang mapadaan si Sisa. Nang makita siya ni Ibarra,
ipinagutos agad niya na pakainin ito ngunit agad itong nanakbo palayo.
DON FILIPO: Napansin ko lamang, Padre Salvi. Nasaan na ang dalawang magkapatid
na sakristan na inakusahan ninyong mga magnanakaw?
SALVI: Ha? H-Hindi Hindi ko alam.
DON FILIPO: Talaga ba? Iyon ba ang katotohanan?
SALVI: Lapastangan! Ano ang ipinapahiwatig mo?!
DON FILIPO: Huwag po kayong magalit, padre. Napansin ko lamang na tila mas
mahalaga sa inyo ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa mga nawawalang
sakristan ninyo!
SALVI: Abat talagang--! (akmang magsusuntukan na ang dalawa)
IBARRA: Itigil ninyo iyan! Nandito tayo upang magsaya, hindi upang magbangayan!
Labis akong nahabag sa babaeng iyon. Wala na ang kanyang mga anak. Pabaya ang
kanyang asawa. Ako na ang kukupkop sa kanya.
(Paghupa ng gulo, sumama na ulit si Ibarra sa umpukan ng mga kabataan na
naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung matutupad ba ang
kanyang balak. Matapos ihagis ang dice, lumabas ang sagot na Ang pangarap ay
mananatiling pangarap lamang.)
IBARRA: Nagsisinungaling ang aklat na iyan.
SIyang dating naman ni Salvi. Pinunit ang libro.
SALVI: Isang kasalanan ang maniwala sa aklat na iayan, pagkat ang nilalaman nitoy
pawang kasinungalingan!
ALBINO: Higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi sa iyo at walang
pahintulot ng nagmamay-ari!
Hindi na tumugon si Salvi at umalis na. Siyang dating naman ng apat na guardia
civil at ang sarhento.
SARHENTO: Mayroon bang nakakita sa inyo kay Elias? Siya ang taong
tumampalasan kay Padre Damaso. Senyor Ibarra, nabalitaan naming inanyayahan
ninyo at kinupkop si Elias. Bakit kayo nakikipag-ugnayan sa isang taong
lapastangan?
IBARRA: Pasensya, Sarhento. Ngunit walang sinuman ang maaring makialam sa mga
taong aking inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito.
SARHENTO: Hala, galugarin ang buong kagubatan! Tugisin si Elias!
(Ginalugad ng mga guardia ang gubat ngunit walang nakita. Napagpasyahan ng
mga nag-piknik na umuwi na.)
End of scene.
Act XVII Sa Tahanan ng Pilosopo
(Scene: Tutungo si Ibarra sa tahanan ni Tasyo upang sumangguni tungkol sa
paaralang nais niyang ipagawa.)
IBARRA: Magandang araw po, Tandang Tasyo. Nais ko lamang pong humingi ng
payo ukol sa pangarap kong magpatayo ng paaralan.
TASYO: Ah, kung gayoy mali ang iyong napuntahan. Dapat ay sa kura, kapitan o
kahit na sinong mayaman sa bayan ka sumangguni. Akoy isa lamang baliw sa iyong
paningin. Mali ang ipapayo nila sa iyo ngunit hindi ito nangangahulugan ng
pagsunod. Sundin mo lamang kunwari ang payo at ipakita mo na ang iyong
ginagawa ay ayon sa mga pinagsanggunian.
IBARRA: Maganda po sana ang inyong payo, ngunit kailangan ba talagang
mabahiran ng kasinungalingan ang isang katotohanan?
TASYO: Kung minsan, ang paggawa ng mali ay hindi magbubunga ng kamalian. Isa
pa, higit ang kapangyarihan ng isang pari kaysa sa pamahalaan. Ang gobyerno ay
kasangkapan lamang ng simbahan upang maipalaganap ang tunay niyang hangarin.
Kung taos sa iyong puso ang pagpapatayo ng paaralan at pagtulong sa iyong kapwa,
wala kang dapat ipangamba. Ngunit tandaan mo, magtatagumpay ka lamang kung
makikiayon ka sa agos. Tulad ng rosas, sumasabay siya sa daloy ng hangin, dahil
kung sasalungatin niya ito, tiyak na mababali ang kanyang tangkay. Naniniwala
akong tutulungan ka ng pamahalaan at ng bayan.
End of scene.
Act XVIII Ang Bisperas ng Pista / Sa Pagtakip-Silim
(Scene: Naghahanda na ang lahat sa pagdaraos ng pista sa San Diego.
Naghahanda na rin ng pagkarami-raming pagkain sa bahay ni Kapitan Tiyago para
sa pista at para na rin kina Maria at Ibarra na mamanugangin niya. May sarli ring
hinanda si Ibarra sa paaralan na kanyang ipinatayo. Niregaluhan ni Tiyago si Maria
ng isang agnos na may brilyantes mula sa barko ni San Pedro. Inimbitahan ni Ibarra
si Maria na mamasyal sa bayan. Pumayag naman agad si Tiyago at sinabing
kailangan niyang magbalik bago maghapunan dahil darating si Padre Damaso. Sa
paglalakad, nakita nila ang isang ketongin na may suot na salakot at umaawit sa
saliw ng gitara. Sa pagkahabag ni Maria, ibinigay nito ang regalong agnos sa kanya
ni Tiyag. Kinuha ng ketongin ang agnos at itoy hinalikan. Sa tuwa ay hialikan din
nito ang mga bakas ng yapak ni Maria Clara. Biglang sumulpot si Sisa at hinawakan
sa balikat ang ketongin. Itinuro nito ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naroon
ang kanyang mga anak. Bumitiw si Sisa at umalis na kumakanta. Umalis na rin ang
ketongin. Dito napagtanto ni Maria na talaga palang may mga taong kulang-
palad.)
Act XIX Ang Umaga / Sa Simbahan / Ang Sermon
(Scene: Kinaumagahan, sa mismong araw ng pista, naglibot na ang mga musiko,
tumunog na ang mga kampana at maingay na ang mga paputok. Nasa kalye ang
mga hermana mayor at nag-iimbita na pumasok sa kanilang tahanan upang
makisalo. Sa ika-8 ng umaga ay nagkaroon ng isang prusisyon. Matapos ang
prusisyon, nagtungo ang lahat sa simbahan upang makinig ng misa at ng sermon ni
Padre Damaso. Naroon rin sina Maria at Ibarra. Nagsermon siya sa Espanyol at
Tagalog. Ngunit naging napakahaba ng sermon na puno ng panunumbat,
pagmamayabang at kasinungalingan. Inantok ang mga tagapakinig ng sermon. Si
Maria ay hindi nakikinig at panay lang ang pakikipagtinginan kay Ibarra. Sa
kalagitnaan ng pagsesermon ni Damaso ay siya namang dating ni Elias. Umupo
siya sa tabi ng binata.)
ELIAS: Alam kong magbubukas ka ng bagong paaralan. Ikaw ay mag-ingat. Sa
pagbaba sa hukay, huwag kang lalapit sa bato kung ayaw mong mamatay.
(Pagkasabi nito ay kaagad siyang umalis.)
End of scene.
Act XX Ang Panghugos / Malayang Kaisipan
(Scene: Dumating na ang araw para ibaon ang panulukang-bato ng bahay paaralan
na itinayo ni Ibarra. Kasalukuyang inihahanda ng taong madilaw ang panghugos ng
malaking bato.)
TM: Mamangha ka sa imbensyon kong ito, Nor Juan. Ang malaking batong ito ay
makakayang buhatin ng kahit isang tao lamang sa pamamagitan nito!
(Ipapakita ni TM kay Nor Juan ang kanyang imbensyon.)
NJ: Kamangha-mangha! Isa itong impresibong likha!
(Hanga din ang mga tao sa paligid. Hindi nila alam na si Elias ay nakakubli rin sa
mga manonood at matamang sinusubaybayan ang bawat kilos ng TM. Dumating
na sina Ibarra at ilang mahahalagang tao para pasinayaan ang paaralan.
Pagkatapos dasalan ni Padre Salvi, inilagay na sa hukay ang bakal na kahon na
naglalaman ng mga medalya, salaping pilak at iba pang mga relikya. Isa-isa nang
nagbabaan sa hukay ang mga prayle, mayayaman, mga kura, mga kawani at si
Kapitan Tiyago para sa pasinaya.)
ALKALDE: Senyor Ibarra, ikaw na ang maglagay ng huling palitada.
(Sa kabila ng sinabi sa kanya ni Elias, napilitan na rin siya na bumaba sa hukay at
magpalitada. Habang nagpapalitada si Ibarra, biglang napigtal ang lubid na
humahawak sa bato. Itinulak ni Elias ang taong madilaw, dahilan upang siya ang
mabagsakan. Nagkalat ang alikabok sa paligid. Nang mahawi ang alikabok, nakita
ng lahat si Ibarra na napaupo sa tabi ng bato, at ang taong madilaw ay nasa ilalim
nito. Sa harap ng maraming tao, idineklarang patay ang taong madilaw. Akmang
aarestuhin ng mga guardia si Nor Juan na siyang nangasiwa sa pagpapagawa,
ngunit sabi ni Ibarra ay sagot na raw niya ang lahat.)
TASYO: Ito ay isang masamang senyales.
(Matapos ang insidente, ninais ni Ibarra na makausap si Elias.)
IBARRA: Elias, maraming salamat sa pagsagip mo sa aking buhay. Kundi dahil sa iyo,
malamang ako ang nabaon sa ilalim ng malaking bato.
ELIAS: Wala iyon, senyor. Akoy nagbabayad lamang ng utang na loob sa inyo.
Tandaan ninyo, dapat pa rin kayong mag-ingat dahil sa lahat ng dako, kayo ay
mayroong mga kaaway. Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayoy may
kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha
hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan.
IBARRA: Naiintindihan ko. Ngunit mayroong bumabagbag sa akin: paano mong
nalaman na mayroong binabalak na gayon ang inhinyero?
ELIAS: Kagabi ay aking narinig na nakikipag-usap ang taong madilaw sa isang taong
di-kilala at sinabing hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang
ama, makikita ninyo. Ikinabahala ko ito kayat matama akong nagmasid sa
pasinaya ng inyong paaralan.
IBARRA: Elias sino ka bang talaga?
ELIAS: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng
tiwala sa Diyos. Kailangan ko nang magpaalam senyor, ngunit anumang oras na
akoy inyong kailanganin ay akoy magbabalik sapagkat akoy mayroon pa ring
tinatanaw na utang na loob sa inyo.
End of scene.
Act XXI Ang Pananghalian
(Scene: Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa
isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang
alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang
eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan
ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang
lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siyay kaagad na umalis.
Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang
bahay. Patapos na ang pananghalian nang dumating si Padre Damaso.)
IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan?
MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko.
Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura.
DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas
na ang tingin niya sa kanyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba'y akalain
mong sino kung umasta!
MARIA CLARA: 'Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko.
IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan.
DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Aakalain mong isang desente ngunit
hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan
IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!
DAMASO: ...tama lamang na siya'y pinarusahan na mamatay sa kulungan at--
Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni
Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim.
IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit 'wag na 'wag ninyong
babastusin ang alaala ng aking ama!
KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo.
IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n'yo nasabing siya'y alagad ng Diyos? Ang taong
ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang
pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang
gawain ng isang alagad ng Diyos?
MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusapalang-alang man lamang sa akin, 'wag mong
saktan si Padre Damaso.
Bibitiwan ni Ibarra ang pari.
IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n'yo na kung may
dugo ba talagang dumadalo'y sa mga ugat ng taong iyan!
Lumisan si Ibarra at iniwan ang mga panauhina at ang umiyak na si Maria Clara.
End of scene.
Act XXII Mga Usap-usapan
(Scene: Mabilis na kumalat ang pangyayari sa pananghalian sa pagitan ni Ibarra at
Damaso. Napag-usapan ito ng ilang mga kalalakihan.)
LALAKE: Kung naging matimpi sana si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon.
KAPITAN MARTIN: Walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang
awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang
lumapastangan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang
itinatangi at minamahal na si Maria, kaya hindi niya itiniloy ang balak na kitlan ng
hininga si Padre Damaso.
DON FILIPO: Hinihintay ni Ibarra na tulungan siya ng taumbayan bilang pagtanaw
ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama.
KAPITAN: Wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle.
DON FILIPO: Ang ganito ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak
ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay
nagkakabuklod-buklod.
Samantala, sa tahanan ni Ibarra
IBARRA: Kapitana Maria, maraming salamat at sa kabila ng ginawa ko, naniniwala
pa rin kayo sa akin.
KAPITANA MARIA: Kung ako ay naging iyong magulang, karangalan ko ang
magkaroon ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng
yumaong ama.
Samantala, sa isang bukid
MAGSASAKA 1: Tila hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng paaralan ni senyor
Ibarra Wala nang pag-asang makapagtapos ang ating mga anak
MAGSASAKA 2: Hindi lamang iyan. Mukhang hindi na rin matutuloy ang
pagpapagawa ng simbahan. Idineklarang Pilibustero si senyor Ibarra!
MAGSASAKA 1: Sandali lamang Ano ba iyong pilibustero?
End of scene.
Act XXIII Ang Unang Suliranin / Ang Kapitan-Heneral
(Scene: Sa bahay ni Kapitan Tiyago, maririnig na may sumisigaw at umiiyak.)
TIYAGO: Buo na ang desisyon ko. Hindi ka maaaring makipagkita kay Ibarra
hanggat hindi inaalis ang eskomunyon sa kanya!
MARIA: Ama! Bakit?! Kami ni Ibarra ay nagmamahalang tunay!
TIYAGO: Tapos na ang usapang ito. Aalis muna ako. Tutungo ako sa kumbento.
Exit si Tiyago.
ISABEL: Tahan na, Maria. Huwag kang mag-alala. Susulat tayo sa papa at
magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapatawad ang ginawa ni Ibarra.
ANDENG: Oo nga, Maria. Hayaan mo, gagawa ako ng paraan upang kayoy
magkausap.
Di nagtagal, bumalik na si Kapitan.
TIYAGO: Nakausap ko ang pari. Inatasan niya akong sirain ang kasunduan ng pag-
iisang dibdib ninyo ni Ibarra. Wika ni Padre Sibyla, huwag ko na raw siyang
tatanggapin sa aking tahanan. Maging ang pagkakautang kong 50,000 piso ay
huwag ko na raw bayaran kung ayaw kong mawala ang aking buhay at kaluluwa.
Lalong nag-iiyak si Maria.
TIYAGO: Mayroon pang isa. May kamag-anak si Padre Damaso na nakatakdang
dumating mula sa Europa. Siya ang inilalaan bilang iyong bagong katipan. Maria,
patawarin mo ako Hindi ko--
Gulat ang lahat. Si Maria ay nagtakip na ng tenga, umiling na lamang at umiyak.
Lumayo ito patungo sa kanyang kwarto.
ISABEL: Ano bang nangyayari sa iyo, Tiyago?! Ang pagpapalit ng katipan ay hindi
parang pagpapalit lamang ng baro! Bakit hindi mo sulatan ang arsobispo?
Maaaring
TIYAGO: Wala iyong saysay. Ang arsobispo ay isa ring prayle, kayat pakikinggan
lamang ang kapwa niya prayle.
Wala nang nagawa si Isabel. Inayos na lamang niya ang bahay sapagkat parating
na ang Kapitan-Heneral. Si Maria ay nasa kuwarto at nagdarasal. Papasok si Isabel
sa kwarto.
ISABEL: Maria, nais kang makausap ng Kapitan-Heneral.
Napilitan na ring mag-ayos si Maria. Bababa siya at tatabi sa ama kaht galit pa
siya rito. Darating ang Kapitan-Heneral. Nakapila sa may pintuan ang iba pang
mga utusan.
KH: Naririto na ba si Ibarra? Hanapin ninyo siya. Hmm, iho, ikaw ba ang siyang
lumabas sa kalagitnaan ng sermon ni Padre Damaso? Maaari ba kitang makausap?
Ang kausap niya ay isang binatang taga-Maynila. Pumasok sila sa isang kuwarto at
nag-usap. Kabadonang pumasok ang binata. Ngunit paglabas nito ay parehong
nakangiti ang dalawa. Kasabay niyon, pumasok na rin ang mga reverencia na sina
Padre Sibyla, Padre Martin at Padre Salvi kasama rin ang iba pang mga prayle.
KH: Hmm, nasaan si Padre Damaso?
SIBYLA: Patawad, senyor. Ngunit may sakit si Padre Damaso.
Sunod na nagbigay-galang sina Kapitan Tiyago at Maria Clara.
KH: Ah, Maria Clara. Magaling ang iyong ginawa sa pananghalian. Kung hindi dahil
sa iyo ay malamang na napaslang na ni Ibarra si Padre Damaso. Nararapat ka
lamang bigayn ng isang pabuya.
MARIA: Patawad po, senyor. Hindi ko po kailangan ng pabuya. Ayaw ko lamang na
dumanak ang dugo sa aming tahanan. Higit sa lahat, ayaw kong mabahiran ng dugo
ang mga kamay ng minamahal kong si Ibarra.
Siya namang pasok ng kagawad.
KAGAWAD: Kapitan-heneral. Narito na po si Crisostomo Ibarra at handa na kayong
harapin.
SALVI: Nais ko lamang pong ipaalala. Si Ibarra ay isang excomulgado.
KH: Ipaabot ninyo ang aking pangangamusta kay Padre Damaso. Hangad ko ang
agaran niyang paggaling.
Nagulat ang reverencia at pagkuway nagpaalam na para umalis. Nakasalubong
nila si Ibarra. Hindi nagpansinan ngunit mga mata lang ang nag-uusap. Nakita ni
KH na naging balisa si Maria. Tiningnan niya ito at ngumiti.
KH: Nais ko siyang makausap bago ako magtungo sa Espanya.
Papasok si Ibarra. Agad siyang kinamayan ni KH.
KH: Ah, senyor Ibarra. Kinagagalak kitang makilala. Tama lamang ang iyong ginawa
na pagtatanggol sa alaala ng iyong ama. Makaaasa kang kakausapin ko ang
arsobispo tungkol sa pag-aalis ng pagkaexcomulgado sa iyo. Bueno, maaaro mo ba
akong samahang lumibot sa San Diego? Iniimbitahan kita sa aking tahanan upang
higit tayong makapag-usap. Ngunit bago tayo lumakad, puntahan mo na muna ang
iyong kasintahan. Ako nang bahala kay Tiyago.
IBARRA: Tinatanggap ko po, Kapitan Heneral. Maraming salamat.
Umakyat si Ibarra papunta sa kwarto ni Maria. Kuamtok nang paulit-ulit pero hindi
nagbubukas. SI Sinang ang sumilip.
SINANG: Isulat mo na lamang sa papel ang nais mong sabihin kay Maria. Tutungo
kami sa dulaan.
End of scene.
Act XXIV Ang Prusisyon / Si Donya Consolacion
(Scene: Nagsimula na ang prusisyon sa San Diego. Kasama dito sina Kapitan
Heneral at si Ibarra. Napadaan ang prusisyon sa bahay ng KH. Dito lumabas sa
balkonahe ang isang bata at binigkas ang tula ng papuri sa Latin. Tapos nito ay
napatapat naman sa bahay ni Kapitan Tiyago. Narinig ng lahat nang umawit si
Maria Clara ng Ave Maria. Napatulala si Padre Salvi. Si Ibarra naman ay lalong
bumigat ang kalooban dahil ramdam niya ang kalungkutan ni Maria. Napatid
lamang ang kanyang atensyon nang paalalahanan ni KH na pag-uusapan nila anag
pagkawala nina Crispin at Basilio sa kanilang tahanan. Samantala, dadaanan din
ng prusisyon ang bahay ni Donya Consolacion. Ipapakita siya na nag-aayos at
naglalagay ng kolorete sa mukha. Pagkaraan ng prusisyon, May maririnig siyang
umaawit.)
CONSOLACION: Mga guardia civil!
GUARDIA CIVIL: Bakit po Seora?
CONSOLACION: Sino iyang kumakanta?
GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw.
CONSOLACION: Dalhin n'yo siya rito.
GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Seora.
Kinuha ng mga guardia si Sisa.
GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Seora.
CONSOLACION: Pakantahin ninyo siya.
GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!
At umawit naman si Sisa.
CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.
GUARDIA CIVIL: Opo, Seora.
Exit guardias.
CONSOLACION: Hoy Baliw!
SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!
CONSOLACION: Sumayaw ka!
SISA: Sumayaw?
CONSOLACION: Gayahin mo ako.
Sumayaw ang donya.
SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw!
CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw!
SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!
CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw!
SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!
Nilatigo niya si Sisa.
CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
SISA: Aray! Ahh!
Siya namang dating ng alperes at inawat ang donya.
ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?!
CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na 'yan!
ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?
SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!
ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n'yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay
ihatid n'yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.
End of scene.
Act XXV Ang Karapatan at Lakas
(Pagkatapos ng prusisyon, nagtuloy ang mga tao sa dulaan. Naroon sina Maria
Clara at ang kanyang mga kaibigan, ang tinyente, si Pilosopong Tasyo, si Don FIlipo,
Si Padre Salvi at iba pang kilalang tao. Masinsinan ang usapan ng tinyente at ni
Tasyo. Gayon din ang iba pa. Ngunit si Padre Salvi ay nakatitig lamang kay Maria
Clara. Di nagtagal ay nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng awiting
Crispino dela Comare. Natapos na ang unang bahagi ng dula nang dumating si
Ibarra. Umugong ang bulungan ngunit hindi ito pinansin ni Ibarra. Umupo ito sa
hilera nina Maria at ng mga kaibigan nito.
IBARRA: Magandang gabi, mga binibini. Magandang gabi, mahal ko.
Tatayo si Padre Salvi at lumapit kay Don FIlipo.
SALVI: Don Filipo, palayasin mo ang excomulgadong iyon! Hindi siya nararapat dito!
FILIPO: Hindi ko magagawa iyon. Napakalaki ng naiabuloy ni senyor Ibarra para sa
pagdiriwang na ito. Isa pa, hindi ako natatakot sa inyong gagawin sapagkat
maghapon nanag kausap ng alkalde at ng Kapitan Heneral si Ibarra. Wala tayong
dapat na ipangamba.
Napilitang umalis ang kura. May ilang lumapit na tao kay Ibarra.
LALAKI: Senyor Ibarra, huwag mong pansinin ang kura. Sila lamang ang nagsasabing
ikaw ay excomulgado.
BABAE: Kung mayroon mang dapat na paalisin dito, yun ay walang iba kundi ang
kura.
Nginitian ni Ibarra ang mga ito. Sa kalagitnaan ng palabas, nagpaalam siya sa mga
dalaga.
IBARRA: Ipagpaumanhin ninyo, magpapaalam ako sa inyo sandali. May nakaligtaan
lamang akong tipanan.
SINANG: Sandali, Ibarra.
IBARRA: Huwag kayong mag-alala. Hindi ako magtatagal. Agad akong magbabalik.
Lalabas ng dulaan si Ibarra. Ilang sandali matapos umalis ni Ibarra, pumasok
naman ang dalawang guardia sibil mula sa bahay ni Donya Consolacion. Tinungo
nila si Don Filipo.
GUARDIA: Don Filipo, ipinagutos ni Donya Consolacion na itigil ang palabas sa
kadahilanang hindi sila makatulog ng alperes.
Hindi pa man nakakasagot si Filipo, may dalawa pang guardia sibil ang sinugod ang
mga nagtatanghal na musikero para matigil ang palabas. Pero ang dalawa ay
nahuli ng mga tauhan ni Don Filipo. Sakto namang pagbalik ni Ibarra kayat
napatakbo ito sa kinaroroonan ni Maria. Pagkakita dito ay napakapit sa kanya si
Maria pati na rin ang ilan pang mga dalaga sapagkat nagkakagulo na sa dulaan.
Ang ilan ay nagtatakbuhan na palabas. May mga lalaki na nagbabalak ng masama
sa mga Guardia.
LALAKI 1: Tayo na, sugurin na natin ang mga pangahas na iyan!
LALAKI 2: Sinira nila ang palabas! Dapat silang maturuan ng leksyon!
Napatakbo si Don Filipo sa kinaroroonan ni Ibarra.
FILIPO: Senyor Ibarra! Tulungan ninyo ako! May binabalak na masama ang mga
kalalakihan!
IBARRA: Patawad, Senyor Filipo, ngunit wala akong magagawa. Hindi nila
pakikinggan ang isang excomulgadong katulad ko. Ngunit may kakilala akong
maaaring makatulong.
Nilapitan ni Ibarra si Elias, na matamang nagmamasid sa mga pangyayari at
nakakubli sa isang sulok.
IBARRA: Elias, mukhang kailangan kong muli ang iyong tulong. Ang mga lalaking
iyon ay tila nagbabalak na kitilin na ang buhay ng mga nadakip na guardia sibil.
Kailangan mo silang pigilan!
Walang pag-aalinlangan na nanakbo si Elias patungo sa pangkat ng kalalakihan.
ELIAS: Magsitigil kayo! Kung anuman ang inyong binabalak, huwag na ninyong
ituloy! Maaaring papunta na ang ilan pang mga guardia rito. Tatlong bagay lamang
ang maaaring mangyari. Una, dadakpin nila kayo at ilalagak sa kwartel. Ikalawa,
mapapaslang kayo kung kayoy manlaban. At ikatlo, makakatakas na kayo ngayon
kung hindi ninyo itutuloy ang inyong balak. Kung nasa tama kayong pag-iisip, alam
na ninyo ang dapat ninyong gawin!
Matapos magbulungan, agad na nagpulasan ang kalakihan.
End of scene.
Act XXVI Dalawang Dalawa / Ang Mag-asawang De Espadaa / Mga Balak o
Panukala
(Scene: Matutulog si Ibarra pero di dalawin ng antok. Pupunta siya sa kanyang
laboratoryo at gagawa. Darating si Elias.)
UTUSAN: Senyor, mayroon pong nais na kayoy makausap.
IBARRA: Sige, papasukin mo.
ELIAS: Magandang gabi, senyor Ibarra. Tatlong bagay po ang aking nais na ipaalam
sa inyo. Una, maysakit po ang inyong minamahal na si Maria Clara. Ikalawa, nais ko
na pong magpaalam sa inyo sapagkat akoy tutulak na patungong Batangas. Ikatlo,
itatanong ko lamang po kung kayo bay may ipaguutos o ipagbibilin pa sa akin.
IBARRA: Hmm, maraming salamat Elias. Wala na akong ihahabilin sa iyo. Masyado
na akong maraming utang na loob sa iyo. Naging mabuti kang kaibigan, Elias. Utang
ko ang aking buhay sa iyo. Hangad ko ang maluwalhati mong paglalakbay. Siya nga
pala, paano mo bang nagawa na mapatigil ang kaguluhan sa dulaan?
ELIAS: Kilala ko po ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Hangad nilang
patayin sa palo ang mga nahuling sibil. Ngunit mayroon silang pagkakautang na
loob sa akin kayat kanila akong pinakinggan.
Hindi na kikibo si Ibarra.
ELIAS: Mauuna na po ako, senyor Ibarra. Hangad kong magkita tayong muli. Mag-
iingat po kayo senyor.
Next scene: Aalis si Ibarra papunta sa bahay ni Maria. Makakasalubong niya ang
isang lalaking may pilat sa kaliwang pisngi. Iyon ay si Lucas, kapatid ng taong
madilaw na namatay sa pasinaya ng paaralan ni Ibarra.
LUCAS: Magandang gabi, senyor Ibarra. Ako si Lucas, kapatid ng inhinyerong inyong
pinatay habang kayoy nagpapakasaya sa inyong bagong paaralan.
IBARRA: Patawad, ngunit hindi ako mamamatay-tao.
LUCAS: Gayon ba? Kung gayoy magkasundo na lamang tayo. Magkano ba ang
halagang inyong ibabayad kapalit ng buhay ng aking kapatid?
IBARRA: Nabanggit kong hindi ako isang mamamatay-tao. Ngunit mas lalong hindi
ako isang hangal. Hindi napapaltan ng salapi ang buhay. Iyon ay aksidente. Walang
nagnais na mangyari iyon.
LUCAS: Huwag kayong mag-alala, senyor. Madali akong kausap bastat salapi ang
nakikipag-usap. Lilimutin ko ang nangyari sa aking kapatid kapalit ng halagang na
ibibigay ninyo sa aking pamilya. Malaking kawalan ang aking kapatid sapagkat siya
ang bumubuhay sa amin.
IBARRA: (inis na) Pasensya na, ngunit wala akong magagawa. Magbalik ka na
lamang sapagkat akoy dadalaw pa sa maysakit.
Alis si Ibarra.
LUCAS: Crisostomo Ibarra tunay ngang siya ang apo ng nagbilad sa aking ama sa
init. Iisa ang dugong nananalaytay sa aming mga ugat. Ngunit kung siyay mataas
kung magbayad, tiyak kong kamiy magiging mabuting magkaibigan.
Mawawala sa dilim si Lucas. Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiyago, may dumating
na mga panauhin.
TIYAGO: O Doa Victorina, kayo pala. Tuloy kayo.
VICTORINA: Magandang gabi, Kapitan Tiyago at Isabel.
TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo-?
VICTORINA: Ahh oo--
ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares.
TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho.
TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara?
ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio.
Pupunta sila sa kwarto ni Maria.
TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam?
MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor.
ALFONSO: Doa Victorina, siya po ba si Maria Clara?
VICTORINA: Oo, Alfonso.
ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya.
Biglang darating si Padre Damaso.
TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso.
DAMASO: Nasaan na siya?
TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid.
Dagliang aakyat si Damaso.
DAMASO: Maria Clara!
MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo.
DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad.
MARIA CLARA: Opo.
DAMASO: Anak ko, hindi ka mamamatay. Alam kong ikay gagaling. Ipagdarasal
kita.
MARIA CLARA: Opo, padre. Salamat po.
DAMASO: Bueno, maiwan na muna kita upang makapagpahinga ka. (alis)
ISABEL: Talaga bang si Padre Damaso iyon?
Bababa sina Damaso, Linares, at Victorina sa salas.
VICTORINA: Padre Damaso.
DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo?
VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo,
padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.
DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos?
ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre.
DAMASO: Ano'ng saya ko't sa wakas ay nakita na kita, iho.
ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala.
VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre.
DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan... maghintay ka lamang, iho.
End of scene.
Act XXVII Pagsusuri sa Budhi
(Scene: Kinabukasan, nabinat si Maria pagkatapos na mangumpisal.)
TIYAGO: Kamusta na si Maria, Don Tiburcio?
DON: Kaninay biglang tumaas ang kanyang lagnat, ngunit ngayoy unti-unti na
itong bumababa.
TIYAGO: Ahh, salamat sa Panginoon. Siya nga pala Padre Damaso, hindi bat
nakatakda na kayong lumipat sa Tayabas? Labis iyong daramdamin ni Maria.
Ikalawang ama na ang turing niya sa inyo. Maaaring nagkasakit siya dahil na rin sa
mga naging pangyayari noong pista.
DAMASO: Nakabuti rin sa kanya ang pagbabawal mo sa kanya na makausap si
Ibarra.
VICTORINA: Sa aking palagay ay ang aking asawa ang tunay na nagsagip sa inyong
anak. Tunay ngang isa syang magaling na manggagamot, hindi ba?
DAMASO: Ah, Kapitan. Ibilin mo kay Isabel na kanyang ihanda si Maria para sa isa
pang pangugumpisal mamayang gabi. Bukas ay bibigyan ko siya ng viatico upang
magtuloy-tuloy na ang kanyang paggaling.
Samantala, sa kwarto ni Maria
SINANG: Heto, Maria. Inumin mo ito. (inom naman si maria)
MARIA: Sinang, hindi ba sumusulat si Ibarra?
SINANG: Kasalukuyan siyang abala sa pag-aasikaso ng pagkakatanggal sa kanya ng
eskomunyon.
Siya namang pasok ni Isabel.
ISABEL: Maria, kailangan mo nang maghanda para sa kumpisal. Narito na si Padre
Salvi.
Irerecite ni Isabel ang sampung utos at magtitirik ng kandila. Pasok si Padre Salvi.
Paglabas at pagkatapos ng kumpisal, pawisan siya.
End of scene.
Act XXVIII Ang Mga Pinag-uusig
(Scene: Nasa kagubatan si Elias kasama ang isang lalaki upang hanapin si Tandang
Pablo. Nakita nila ito sa isang yungib.)
ELIAS: Kapitan? Kapitan Pablo! Kayo nga! Kaytagal ko kayong hinanap. Marami
akong kabundukang tinawid, ngunit dito ko lamang pala kayo matatagpuan.
PABLO: Ah, Elias. Kamusta ka na? Matagal na tayong hindi nagkita. Kakatwa, hindi
ba? Noong tayoy unang magkita, akoy napakalakas at ikay kaawa-awa. Ngunit
ngayoy tila pinagpalit tayo ng kalagayan.
ELIAS: Kapitan, yama din lamang at walang nangyari sa paghahanap ninyo sa
angkang nagpahamak sa inyong pamilya, nais ko kayong isama sa lupain ng mga di-
binyagan. Dooy mamumuhay tayo na parang mag-ama.
PABLO: Maganda ang iyong alok, Elias, ngunit hindi ako matatahimik hanggat hindi
ako nakapaghihiganti. Dati ay kinatagpo ako ng kamatayan at naging duwag ako.
Ngunit ngayong mas matibay na ako at wala nang mawawala sa akin, siya na ang
tinutugis ko.
ELIAS: Hmm, nauunawaan ko. Ako may puno ng poot ang puso. Ngunit nagawa ko
itong limutin sapagkat ayaw kong makasugat ng mga inosente.
PABLO: Elias, iyon ay dahil bata ka pa. Hindi mo pa naranasang mawalan ng
pamilya. Hindi mo pa nasaksihan ang pagdurusa at kamatayan ng iyong anak. Ako
may ayaw kong makasakit ng sinumang walang kasalanan sa akin. Ngunit kung
sinuman ang sumira sa aking buhay, siyay aking hahanapin at pagbabayarin.
ELIAS: Tila buo na ang inyong pasya. Kung gayon, may kilala akong makatutulong sa
inyo.
End of scene.
Act XXIX Ang Sabungan
(Scene: Sa may pintuan ng isang bahay, may isang babaeng naniningil sa mga
pumapasok. Papasok si Kapitan Tiyago kasama ang dalawang utusan na may
dalang tig-isang manok. Makikita sila ng mga nasa loob na sina Kapitan Basilio,
Kapitan Pablo at Lucas.)
BASILIO: Aba, si Kapitan Tiyago ay naririto rin. At mukhang may mga dalang
panlaban.
Lalapit si Tiyago.
TIYAGo: Abat naririto rin pala kayo. Magandang araw.
BASILIO: Magandang araw rin, Kapitan Tiyago. Kamusta na si Maria?
TIYAGO: Maayos na ang kanyang kalagayan ngayon. Malayo na siya sa panganib.
BASILIO: Ah, mabuti kung gayon. Hmm, mukhang maganda ang lagay ng iyong dala-
dalang lasak. Payag ka bang isabong iyan? Tatlong libo ang pusta.
TIYAGO: Walang problema.
Nag-alisan ang mga taong nasa gitna upang bigyan ng daan ang ga magsasabong.
Magsisimula na ang pustahan ng mga miron. Makikita ang magkapatid na sina
Bruno at Tarsilo.Lalapit si Bruno kay Lucas.
BRUNO: Senyor Lucas, maaari mo ba kaming pautangin ng pamusta? Agad ka
naming babayaran kapag kamiy tumama.
LUCAS: Hmm, mahirap ipamigay ang salaping ito sapagkat hindi ito sa sakin. Ito ay
kay Senyor Crisostomo Ibarra. Ngunit kung mapilit kayo, mayroon akong isang
kundisyon: sasama kayo sa plano naming paglusob sa kwartel.
TARSILO: (pabulong) Bruno, mahirap ang nais niya. Kapag natalo ang taya natin,
wala na nga tayong pera, baka makulong pa tayo. Natatakot ako sa maaaring
mangyari sa ating kapatid na babae.
LUCAS: Ano, payag ba kayo?
BRUNO: Nagdududa pa ang aking kapatid pero
Naputol ang usapan nang pinaglaban na ang dalawang manok. Nanalo ang pula.
BRUNO: Pambihira, sayang! Kung nakataya lamang tayo kuya, nanalo na tayo!
Sunod na ihahanda ang mga manok nina Kapitan Tiyago at Kapitan Basilio. Kaya
nakalimutan na nila ang kanilang kapatid at umutang kay Lucas.
BRUNO: Senyor, pumapayag na kami.
LUCAS: Magaling. Kung gayoy bibigyan ko kayo ng tig-P30. Ngunit kung
makapagsasama pa kayo ng iba, may tigsasampu na madaragdag para sa inyo sa
bawat isang maisama ninyo.
Nagtagumpay ang dalawa. Nagbigay si Lucas ng tig-P100 sa magkapatid.
LUCAS: Bukas ay darating ang mga sandatang padala ni senyor Ibarra. Sa ikawalo
naman ng gabi sa makalawa ay kailangang magtungo kayo sa libingan upang
tumanggap ng utos.
Naghiwalay ang tatlo. Tuloy ang sabong.
End of scene.
Act XXX Ang Dalawang Senyora
(Scene:Habang mainit ang sabong, mapapadaan doon ang mag-asawang de
Espadana. Magkaakbay silang namamasyal. Mapapadaan sila sa bahay ng Alperes.
Nakadungaw sa bintana si Donya Consolacion, asawa ng alperes.
CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman 'yan! Ang papangit naman ng dumadaan!
VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?!
CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano'ng sinabi mo? Labandera?
Gusto mo labhan ko 'yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko
pa?
VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung
sino kang maganda!
Biglang bababa ang alperesa hawak ang latigo ng alperes. Nakasunod naman ang
alperes at pinigilan agad ang asawa. Gayon din si Don Tiburcio na nakahawak sa
asawa.
CONSOLACION: Ano'ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo?
VICTORINA: Hindi kita uurungan!
ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!
VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam!
ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae-
Sakto namang napadaan si Padre Salvi.
SALVI: Itigil ninyo iyan! Nais ba ninyong masunog ang inyong mga kaluluwa sa
purgatoryo?
ALPERES: Magtigil ka, mapagbanal-banalang Carliston!
VICTORINA: Tiburcio! Hamunin mo ang mayabang na alperes na iyan sa isang
duwelo ng sable o pistola o kahit ano!
TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan.
CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot!
Bumalik na lamang ang mag-asawa sa bahay ni Kapitan Tiyago. Padabog na
bubuksan ni Victorina ang pinto. Magugulat ang mga kasalukuyang nag-uusap na
sina Linares, Maria at ang mga kaibigan nito
VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na
alperes na 'yon?!
TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?
VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka
makakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!
Sabay naman ang dating ni Kapitan Tiyago na busangot ang mukha dahil natalo sa
sabong. Tinalakan agad siya ni Victorina.
VICTORINA: Kapitan! Hahamunin ni Linares ang alperes sa isang duelo! Kapag hindi
iyon nagawa ni Linares, hindi mo siya dapat hayaang ipakasal kay Maria! Hindi
nababagay ang isang duwag sa iyong anak!
MARIA: Ah, Sinang, Andeng, samahan muna ninyo ako sa aking kwarto. Tila..
sumama ang aking pakiramdam.
End of scene.
Act XXXI Ang Talinhaga
(Scene: Kakatok si Ibarra sa pintuan ng bahay ni Kapitan Tiyago. May hawak siyang
sobre. Ang magbubukas ay si Tiya Isabel.)
IBARRA, Ah, magandang araw po, senyora Isabel. Nariyan po ba si Kapitan Tiyago?
ISABEL: Ah, Ibarra! Pasensya na, ngunit wala siya rito ngayon. Halika, pasok ka.
IBARRA: Magandang araw, Kapitan. Naparito po ako upang ipaalam sa inyo na ako
poy hindi na escomulgado. Naririto po ang katibayan. Maaari ko na po bang makita
ang inyong anak? Labis po akong nangulila sa kanya.
Iaabot ni Ibarra ang sulat kay Tiyago.
TIYAGO: Aba, siyanga. Mula ito sa arsobispo at inaalis na nito ang iyong
escomunyon.
ISABEL: Escomulgado o hindi, malugod ka naming tinatanggap. Nasa itaas si Maria
Clara.
Aakyat si Ibarra, pero magugulat siya nang makitang nasa balkonahe sina Maria at
Linares at tila nagsusuyuan. May mga hawak na bulaklak si Linares. Iaabot sana
niya ito kay Maria pero mapapalingon at magugulat nang makita si Ibarra.
Mapapalingon din si Maria.
MARIA: I-Ibarra
IBARRA: M-Magandang araw, Maria Nais ko lamang ipaaalam sa iyo na akoy
hindi na escomulgado Ngunit nakikita kong ikaw ay abala pa. Akoy akoy
mauuna na
MARIA: Ibarra mahal ko
Aalis si Ibarra. Masakit sa kanya ang nakita. Mapapadaan siya sa ipinapagawang
paaralan.
NOL JUAN: Magandang araw po, senyor Ibarra. Malapit na pong matapos ang
inyong paaralan.
IBARRA: Salamat, Nol Juan. (lalakad para makita ang mga manggagawa.
Mapapatigil sa paggawa ang iba upang yumukod)
IBARRA: Huwag kayong mangamba, sapagkat akoy hindi na escomulgado.
NOL JUAN: Ah, wala po kaming pakialam sa sinasabi ng iba! Dito, lahat kami ay
escomulgado.
Mapapansin ni Ibarra na pamilyar ang isang manggagawa. Iyon ay si Elias.
Nakatingin ito sa kanya at sinenyasan na parang may gustong sabihin. Nagkakarga
ang ibang obrero ng mga bato sa isang kariton nang lapitan ni Ibarra si Elias.
ELIAS: Senyor, kailangan ko kayong makausap ng ilang oras. Magkita tayo
mamayang hapon sa dalampasigan ng lawa. Mahalaga ito, senyor.
Tatango lang si Ibarra at maghihiwalay na ang dalawa.
End of scene.
Act XXXII - Ang Tinig ng mga Pinag-uusig / Ang mga Kaanak ni Elias
(Scene: Naghihintay si Elias sa dalampasigan. DI nagtagal ay dumating si Ibarra.
Mukhang hindi ito masaya.)
ELIAS: Patawad sa pagkakagambala ko sa inyo, senyor. Ngunit talagang mahalaga
ang aking sasabihin.
IBARRA: Ano ba iyon Elias?
ELIAS: Akoy sugo ng mga sawimpalad. Nakausap ko ang pinuno ng mga tulisan.
Humihingi sila ng makaamang pagtangkilik mula sa gobyerno at ng pagbabago sa
mga prayle, sa sandatahang kawal, sa paglalapat ng katarungan at iba pang
pangangasiwa ng gobyerno. Isa pa ay ang paggawad sa mga tao ng karangalan at ng
karapatang pantao upang matigil na ang paglapastangan sa kanila.
IBARRA: Patawad, ngunit anumang pagbabago na makabubuti ay lalong
makasasama. Maaari kong pakilusin ang aking mga kaibigan sa Madrid sa
pamamagitan ng salapi. Maaari ko ring mapakiusapan ang Kapitan Heneral. Ngunit
kaming lahat ay walang magagawa.
ELIAS: Senyor pinalalabas ba ninyo na kailangang gumawa muna ng masama
upang makapagdulot ng mabuti?!
IBARRA: Kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin muna ito gamit ang
mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha, kayat kailangang gumamit
ng dahas upang itoy mapabuti. Ang isang mabuting manggagamot ay sinusuri ang
pinagmulan ng sakit at hindi ang mga palatandaan nito na pinipilit na malunasan.
Ipagpalagay nating may magagawa ako. Kapag pinahina ang gwardiya sibil,
mawawalan ng katahimikan ang bayan. Ayaw kong mangyari iyon. Kung tutuusiy
may utang na loob pa tayo sa gobyerno sapagkat mayroong kaayusan sa lipunan.
ELIAS: Nakikita kong kapwa tayo may pagmamahal sa bayan, senyor. Ngunit
nakikita ko rin na magkaiba tayo ng konsepto ng kapayapaan. Sasabihin ko na
lamang sa mga tulisan na ilipat na sa Diyos o sa aming mga sariling bisig ang aming
kapalaran. Ako man senyor, ay isang sawimpalad. Animnapung taon na ang
nakalilipas, ang aking nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay-kalakal ng
mga Kastila. Naninirahan siya sa Maynila kasama ang asawa at mga anak na lalaki.
Isang gabi ay nasunog ang tanggapan na kanyang pinaglilingkuran. Ang aking nuno
ay nasakdal sa salang panununog. Palibhasay mahirap at walang salapi, siya ay
nahatulan. Ipinaseo siya sa lansangan sakay ng isang kabayo at pinapalo sa bawat
kanto. Buntis noon ang kanyang asawa. Sa kabila ng nangyari sa kanya, pinilit
niyang maghanap ng pagkakakitaan kahit na masama masuportahan lamang ang
asawa at anak. DI nagtagal ay namundok na lamang sila. Nanganak ang babae,
ngunit di nagtagal ay namatay ang anak. Hindi nakayanan ng aking nuno ang mga
kamalasan sa buhay kayat nagbigti ito. Hindi naipalibing ng babae ang asawa at
itoy nangamoy. Nalaman ng awtoridad ang nangyari at nahatulan din siya. Ngunit
hindi ito natuloy sapagkat hindi pa siya naghihilom mula sa panganganak. Nang
gumaling siya ay itinuloy ang hatol. Nakatakas siya mula sa mga awtoridad. Nang
lumaki ang anak na lalaking panganay, siya ay naging isang tulisan. Nanunog siya at
pumatay upang maipaghiganti ang sinapit ng kanyang pamilya. Nakilala siya sa
tawag na Balat. Ang bunso naman ay lumaking mabait at mapagmahal. Isang araw
ay nagising na lamang ang bunso na patay na ang kanilang ina. Wala siyang nagawa
kundi tumakas. Napadpad siya sa Tayabas at namasukan bilang isang obrero sa
isang mayamang angkan. Dahil maganda ang ugali, agad siyang nakagiliwan.
Nagsikap siya at nagkaroon ng puhunan hanggang sa napaunlad ang kabuhayan.
Nakilala niya ang isang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Nagkamabutihan sila
at nailugso ng babae ang puri at desididong panagutan it. Sa halip na makasal ay
ipinakulong siya ng mayamang pamilya ng babae. ANg babae ay nanganak ng
kambal. Ang lalaki ay si Elias. Pinag-aral ng mayamang angkan ang magkapatid si
Elias sa mga Heswita at ang babae ay sa Concordia. Hindi namalayan ng dalawa ang
panahon, at naitakdang makasal ang babae sa kanyang minamahal. Ngunit
nawalang lahat iyon makaraang may magbunyag ng kanilang nakaraan. Hindi
natuloy ang kasal. Lalo pang binayo ng kalungkutan ang kapatid ni Elias nang
mabalitaang ikinasal na sa iba ang kasintahan. Nawala na lamang siya ng parang
bula. Di nagtagal ay may nabalitang may nakitang bangkay ng babae sa may
Calamba na may tarak sa dibdib. Iyon ay ang aking kapatid. Akoy nagpagala-gala at
tumakbo mula sa mga paratang na kailanmay di ko ginawa
Saglit na natahimik ang dalawa.
IBARRA: Elias, kaisa ninyo ako sa anumang hangarin ng inyong pangkat. Subalit
wala akong magagawa. Ang kasamaan ay hindi malulunasan ng kapwa kasamaan.
Kailangan ko nang magpaalam Elias. Kung maaariy limutin mo na ako. Huwag mo
na akong babatiin kung ako may muling makita mo.
Aalis si Ibarra. Pupunta si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo.
ELIAS: Kapitan, patawad, ngunit wala nang makatutulong sa inyo. Gayonpaman,
akin nang iniaalay sa inyo ang aking sarili. Kaisa ninyo ako.
End of scene.
Act XXXIII Mga Pagbabago
(Scene: Nasa balkonahe si Linares at magbubukas ng isang liham mula kay Donya
Victorina.
VICTORINA: (Voice over) Mahal kong pinsan, sa loob ng tatlong araw, kailangan
kong malaman kung kayo ay magtutuos ng alperes. Kapag natapos ang taning na
ito at hindi pa rin kayo naglalaban, ipaaalam ko kay Kapitan Tiyago na hindi ka
naging kalihim at hindi nakakasama sa kahit anong kasiyahan si Heneral Martinez.
Sasabihin ko rin iyon kay Maria at hindi kita bibigyan ng salapi. Lahat ng naisin moy
ibibigay ko bastat labanan mo lamang ang alperes. Ang iyong pinsan, Victorina.
Magugulat si Linares at mababalisa. Samantala, darating si Padre Salvi sa tahanan
ni Kapitan Tiyago.
SALVI: Magandang araw, Kapitan. Nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Ibara?
TIYAGO: Ah, oo. Naalis na ang eskomunyon sa kanya.
SALVI: Oo. Mabuti naman dahil kalugod-lugod ang binatang iyon. Ang tanging
sagabal na lamang sa kapatawaran sy si Padre Damaso.
Siya namang dating ni Ibarra kasama si Tiya Isabel. Binati niya si Kapitan Tiyago.
Yumukod siya kay Linares. Kinamayan naman niya ang pari.
SALVI: Ah, Ibarra. Katatapos lamang kitang papurihan.
IBARRA: Maraming salamat, padre.
Lumapit si Ibarra kay Sinang.
IBARRA: Sinang, nasaan si Maria? Galit ba siya sa akin? Maaari ko ba siyang
makausap?
SINANG: Pasensya na Ibarra. Ipinasasabi ni Maria na siya raw ay limutin mo na.
IBARRA: Ngunit
Umalis na lamang si Sinang. Kayat umalis na rin si Ibarra na mabigat ang
damdamin.
End of scene.
Act XXXIV Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
(Scene: Gabi. Nag-uusap at naghihintay sa may libingan ang tatlong anino.)
ANINO 1: Nakausap mo na ba nang harapan si Elias?
ANINO 2: Hindi pa ngunit tiyak na kasama siya sapagkat nailigtas na dati ni Ibarra
ang kanyang buhay.
ANINO 1: Oo nga. Isa pay napapayag siya na sumama sapagkat ipadadala ni Ibarra
ang kanyang asawa sa Maynila upang maipagamot.
ANINO 3: Tiyak kong si senyor Ibarra ang susugod sa kumbento upang makaganti sa
kura.
Naputol ang usapan nang may dumating na isa pang anino.
ANINO 4: May sumusubaybay sa akin. Kailangan nating maghiwa-hiwalay. Bukas ay
darating ang ating mga sandata.
Naghiwa-hiwalay nga ang tatlo sabay sigaw ng Mabuhay Don Crisostomo!.
Umuulan noon, kayatt napagpasyahan ng isang anino na sumilong. Nagkataong
doon din sumilong ang isa pang anino. Napagpasyahan nilang magsugal. Ang
dalawang anino pala ay sina Elias at Lucas.
LUCAS: Kung sinumang manalo ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay.
Sa ibabaw ng puntod, nagsugal ang dalawa. Natalo si Elias kaya umalis ito.
Samantala, may naglalakad na dalawang sibil sa gilid ng simbahan. Nakasalubong
nila si Lucas at nagtanong.
SIBIL: Sandali! Saan ka pupunta?
LUCAS: Sa simbahan po upang magpamisa.
Pinabayaan nila si Lucas. Nakasalubong din nila si Elias:
SIBIL: Sandali! Dito tayo sa liwanag. Saan ka patungo?
ELIAS: Hinahabol ko ang lalaking iyon. Binugbog niya ang aking kapatid!
Nagtatakbo ang mga sibil upang habulin si Lucas.
End of scene.
Act XXXV Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
(Scene: Kasalukuyang nag-uusap sina Don Filipo at Pilosopo Tasyo. Nasa di-
kalayuan sila at pinapanood ang mga taumbayan na nagkakagulo dahil sa mga
nakitang liwanag sa libingan kagabi.)
FILIPO: Tinanggap na ng alkalde ang aking pagbibitiw sa pwesto.
TASYO: Tingin koy hindi napapanahon ang iyong pagbibitiw. Sa panahon ng
digmaan, ang puno ay dapat na manatili sa tabi ng kanyang mga tao. Nag-iba na
ang panahon at ang bayan ay di na katulad noon 20 taon na ang nakakaraan. Ang
nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na ang naging bunga ng pagdayo sa
Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay
nadadama na rin. Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng
malawak na kaalaman tungkol sa kasaysayan, Matematika, Agham, wika at iba
pang uri ng kaalaman na itinuturing na enerhiya noong una. Kaya na ng tao na
pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalawan at tinatahanan. Sa
panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya
at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang
paglaganap ng mga modernong kabihasnan.
DON FILIPO: Ngunit naiwan naman sa atin ang kakayahang mag-isip, ang
kakayahang magdesisyon sa magiging takbo ng ating kapalaran. May kakayahan pa
rin tayong baguhin ang anumang nakasisira sa atin. Naniniwala akong hindi pa huli
ang lahat. Mayrron pang pag-asa. Iyon ay posible kahit na walang namumuno
kahit wala ako. Representasyon lamang ako ng boses ng tao Siyanga pala, hindi
ba kayo nangangailangan ng gamot? Tila hinang-hina kayo.
TASYO: Ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot. Ang mga
maiiwan ang mangangailangan. Ipakikiusap ko lamang sayo na sabihin kay Ibarra na
makipagkita sa akin sa loob ng ilang araw sapagkat ako ay malapit nang pumanaw.
End of scene.
Act XXXVI - Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
(Scene: Mabilis ang lakad ni Padre Salvi. Papunta siya sa bahay ng alperes.
Pagdating niya, hinanap agad niya ang alperes.)
ALPERES: Padre Salvi! Ang mga kambing moy nasa aking bakuran! Abay baka
SALVI: Alperes! Nanganganib ang buhay ng lahat! Ngayong gabi ay may gagawing
pag-aalsa!
ALPERES: Sandali, sandali. Saan mo naman nalaman iyan?
SALVI: Isang babae mayroong isang babaeng nangumpisal sa akin kanina. Sinabi
niyang may magaganap na pagsalakay sa kwartel at kumbento!
ALPERES: Kung iyan ay totoo, sige, Kailangan nating maghanda sa pagsalakay ng
mga insurektos.
SALVI: Mabuti kung gayon! Kailangan ko ng apat na sibil na maaari kong maisama
sa kumbento.
Samantala, naghahanda na ang ilang kawal sa kwartel para hulihin ang mga
tulisan. Sa kabilang dako, isang lalaki ang mabilis na tumatakbo papunta sa bahay
ni Ibarra. Pagpasok, nakita nito ang utusan ni Ibarra at agad na nagtanong.
ELIAS: Nasaan ang iyong amo? Nasaan?!
UTUSAN: Ah--! Nasa laboratoryo!
Agad na tinungo ni Elias ang laboratoryo.
ELIAS: Senyor Ibarra!
IBARRA: Elias! Hindi bat
ELIAS: Seor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito.
IBARRA: Ano'ng ibig mong sabihin?
ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito.
IBARRA: Ngunit sino ang?
ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Seor.
IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin?
ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito.
Magtungo kayo kahit saan-iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong
mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong
ibang paraan.
IBARRA: Maraming salamat, kaibigan.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng papeles. Mayroo siyang nabasa sa isa sa
mga papeles.
ELIAS: Senyor, sino po si Don Pedro Eibarramendia? Ano po ang relasyon ninyo sa
kanya?
IBARRA: Ah, siya ang aking nuno. Pinaikli lamang ang kanyang apelyido. Isa siyang
Baskongado.
Gulantang si Elias. Nahanap na niya ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa
kanyang buhay. Napahawak siya sa kanyang punyal at naisip na gamitin iyon kay
Ibarra. Ngunit natauhan siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng papeles. Sinunog nila
ang mga napiling papeles.
End of scene.
Act XXXVII Ang Pagkakagulo
(Scene: Matapos ang hapunan, tumunog na ang kampana. Lahat ng nasa bahay ni
Kapitan Tiyago ay nagsama-sama, lumuhod at nagdasal. Bago mag-umpisa ang
dasalan, saktong dumating naman si Ibarra. Akmang lalapitan siya ni Maria nang
bigla silang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril. Nataranta ang lahat.
Nagkayakapan ang magkaibigang Sinang at Maria. Si Padre Salvi ay nagtago sa
likod ng haligi. Ang mga nasa labas ay agad na napapasok at hinarangan ang
pintuan. Si Ibarra ay di natinag sa kinatatayuan ngunit labis ang kaba. Patuloy ang
putukan at sigawan. Agad na natauhan ang iba at isinara ang mga pintuan at
bintana. Nang mawala ang putukan)
ALPERES: Padre Salvi! Ngayon din ay pumanaog ka sa kumbento! Alamin mo ang
mga pangyayari roon! Huwag na kayong matakot! Wala nang panganib!
Agad na pumanaog si Salvi. Ganoon din si Ibarra. Agad siyang nagpunta sa
kanyang bahay. Inihabilin niya sa kanyang utusan na ipaghanda siya ng isang
kabayo. Pag-akyat niya sa kwarto, naglabas siya ng maleta at nag-impake.
Nagsukbit siya ng isang patalim at dalawang rebolber. Akmang paalis na siya nang
biglang nakarinig ng malakas na putok sa may pintuan at tinig ng mga sibil.
Napahawak siya sa kanyang mga baril para manlaban, pero nagbago ang kanyang
isip. Bumaba siya at sumuko sa mga sibil. Dinakip siya ng mga ito. Samantala,
bumalik si Elias sa bahay ni Ibarra. Naguguluhan siya. Hindi niya alam ang
mararamdaman. Naaalala niyang lahat ng sinapit ng kanyang mga nuno at ng
kanyang pamilya. Paulit-ulit sa isip niya ang salitang Duwag!. Nang
mahimasmasan ay nadatnana niya ang mga utusan ni Ibarra na aligagang
naghihintay sa amo. Nang malaman niya ang nangyari, nagpaalam siyang kunwari
ay aalis. Pero umakyat lamang patungo sa kwarto. Nakita niya ang ilang alahas,
damit at baril. Inipon niyang lahat ng alahas at damit sa isang sako at ibinato sa
bintana. Kinuha niya ang baril at ang larawan ni Maria at sisinilid sa isang supot.
Binuhusan niya ang mga iyon ng gas at sinilaban. Samantala, sa ibaba,
nagpupumilit nang pumasok at makaakyat ang mga sibil.
UTUSAN: Sandali--! Wala po kayong pahintulot sa may-ari! Hindi kayo maaaring
umakyat!
Nainis ang direktorcillo at sumenyas sa isang sibil. Agad na tinabig ng sibil ang
matanda at napataob ito. Pumanhik na ang mga sibil at ginalugad ang bahay,
kabilang ang kwarto ni Ibarra. Pagdating sa pintuan ng kwarto ni Ibarra, napansin
nila ang makapal na usok na kumakawala sa pintuan. Biglang may narinig silang
malakas na pagsabog mula sa loob. Agad na napaatras ang mga kawal at lumabas
ng bahay.
End of scene.
Act XXXVIII Ang mga Sabi at Kuro-kuro
(Scene: Kinabukasan, tahimik ang San Diego. Walang makikitang naglalakad sa
kalye. Sarado ang lahat ng bahay. May isang batang naglakas-loob na buksan ang
bintana at tumingin sa paligid. Nagusnuran na ang magkakapitbahay. Nagbalitaan.
KB 1: SI Kapitan Pablo ang sumalakay!
KB 2: Ang kuwadrilyero ang sumalakay kaya dinakip si Ibarra!
KB 3: Tinangka raw itanan ni Ibarra na itanan si Maria ngunit naapula agad ni
Kapitan Tiyago sa tulong ng mga sibil!
HERMANA PUTE: Ano ba ang talagang nangyari?
LALAKI: Kagagaling ko lamang sa tribunal. Nagsalita at umamin na si Bruno. Totoo
ang sinabi tungkol sa magkasintahang sina Maria Clara at Ibarra. Sa galit ni Ibarray
pati simbahan ay nais niyang paghigantihan! Mabuti na lamang at nasa bahay sina
Kapitan Tiyago at Padre Salvi! Ang mga sibil din dw ang nagpasunog ng bahay ni
Ibarra.
UTUSAN: Nakita ko si Lucas! Nakabitin sa ilalim ng puno ng santol, nagbigti!
End of scene.
Act XXXIX Vae Victus! Sa Aba ng mga Manlulupig
(Scene: May kaguluhan sa kwartel. Marami ang sumisilip at nakikiusisa. Ipinasok na
si Tarsilo kasama ang isa pang tulisan na umiiyak. Iniharap sila sa kura.
SALVI: Tarsilo Alasigan, kaalam ba si Ibarra sa naganap na paglusob?
TARSILO: Hindi po! Hindi po padre. Walang kamalay-malay si senyor Ibarra sa
paglusob. Ang aming ginawa ay upang ipaghiganti ang aming amang pinatay sa palo
ng mga sibil.
ALPERES: Sinungaling! Iharap siya sa limang bangkay!
Dinala si Tarsilo sa harap ng limang bangkay. Nakita niya ang kapatid niyang si
Bruno na tadtad ng saksak; si Pedro, asawa ni Sisa; at si Lucas na may lubid pa sa
leeg.
ALPERES: Ngayon, magsasalita ka kung ayaw mong mapasama sa limang iyan! Isang
beses ko na lamang itong uulitin: kasabwat ba sa nangyaring paglusob si Ibarra?
Hindi pa rin umimik si Tarsilo.
ALPERES: Kung gayoy sarili mo na ang humatol sa iyo. Paluin siya ng yantok
hanggang sa magdugo ang buo niyang katawan!
Ibinalik si Tarsilo sa bulwagan. Nakita niya ang isang lalaking umiiyak at
nagsisisigaw.
LALAKI: Diyos ko! San Miguel, San Lorenzo, San Juan, San Antonio, lahat ng santo!
Tulungan ninyo ako! Pinagsisisihan ko na ang aking mga sala!
ALPERES: Nakikilala mo ba ang isang iyan?
TARSILO: H-Hindi po ngayon ko lamang siya nakita.
Walng sabi-sabi, hinampas siya nang hinampas ng mga sibil hanggang sa magdugo
ang katawan. Hindi nakayanan ni Padre Salvi ang ganoong tagpo kaya umalis
muna ito. Napansin niya ang isang babaeng nagbibilang. Iyon ay ang kapatid na
babae nina Bruno at Tarsilo.
BABAE: Isa, dalawa, tatlo, apat, li--- Mga kuya ko Kuya Bruno! Kuya Tarsilo!
Hindi hindi! Isa
Samantala, hindi na natutuwa ang alperes sa nnagyayari dahil hindi pa rin
nagsasalita si Tarsilo. Binulungan na siya ng kanyang asawa.
CONSOLACION: Pahirapan mo siya. Pahirapan mo siyang lalo!
TARSILO: Pakiusap! Tapusin na ninyo ang aking paghihirap! Pagod na ako
Napapagod na ako! Patayin na ninyo ako!
ALPERES: Pahirapan siyang lalo. Ibitin sa balon!
Ibiniting patiwarik si Tarsilo sa isang balon na may tubig na marumi at mabaho.
Ilang beses siyang inilublob hanggang sa hindi na kinaya ng kanyang katawan. Sa
ganong paraan siya binawian ng buhay. Nang matiyak na patay na si Tarsilo, ang
isang bilanggo naman ang binalingan.
ALPERES: Ikaw! Ano ang pangalan mo?
LALAKI: Ang tawag po nila sa akin ay Andong Luko-luko. Kaya po ako napunta sa
patyo ay upang magbawas sapagkat bulok ang laging ipinapakain sa akin ng aking
biyenan.
ALPERES: Walang silbi. Ipasok siyang muli sa karsel!
End of scene.
Act XL Ang Sinumpa
(Scene: Nasa labas ang maraming tao at ilang kababaihang di mapakali, kasama
ang asawa ni Don Filipo. Isa-isa nang inilabas ang mga bilanggo. Napatakbo ang
asawa ni Don Filipo sa kanya pero pinigil ito ng mga sibil. Nagawa pang ngitian ni
Filipo ang asawa. Huling lumabas si Ibarra. Hindi siya nakagapos. Walang
tumatawag na kaibigan o kaanak sa kanyang pangalan. Sa halip ay sinisi siya at
nilibak.)
TAUMBAYAN: Hangal ka!
TB: Isa kang duwag!
TB: Erehe! Dapat siyang bitayin!
TB: Mamatay ka na sana!
TB: Kung sino pang may sala, siyang walang gapos!
Narinig niya iyon.
IBARRA: Sige na, para sa ikatatahimik ng lahat, igapos ninyo ako.
Iginapos siya ng mga sibil. Di pa nakuntento ang mga taao, siyay pinagbabato. Sa
di kalayuan, nagmamasid si Pilosopo Tasyo. Nakabalabal siya ng makapal na
kumot at tila hinang-hina. Kinabukasan, nadatnan siya ng isang pastol sa kanyang
bahay.
PASTOL: Tandang Tasyo. Tandang Tasyo? Tandang Tasyo! Tulong!
Wala nang buhay ang matanda.
End of scene.
Act XLI Pag-ibig sa Bayan
(Scene: Kumalat ang balita tn=ungkol sa San Diego sa ibat ibang lugar, hanggang
sa Tondo. Sa isang bahay, nagtatalo ang mag-asawang Kapitan Tinong at Kapitana
Tinchang.)
TINONG: Nangyari ba talaga iyon? Hindi ko makakalimutan, minsan ko pang
pinatuloy dito si Ibarra at pinakitaan ng kagandahang loob! Hindi ako
makapaniwalang magagawa niya iyon!
TINCHANG: Tama, pinatuloy mo nga siya dito. At dahil doon, isa kang hangal!
Nagpatuloy ka sa pamamahay na ito ng isang kriminal! Naku, kung naging lalaki
lamang ako, magpiprisinta akong sumama upang hulihin ang mga tulisang iyon!
Siyang dating naman ng pinsan nilang si Don Primitivo.
TINCHANG: Ah! Primitivo! Mabutit naririto ka na. Pagsabihan mo nga ang lalaking
ito! Pinakain niya rito ang Ibarrang iyon! Hindi lamang iyon, tinanggap pa niyang
malugod ang kriminal na iyon!
Primitivo: huminahon kayo. Sanay di na lamang kayo nagkatagpo ng landas ni
Ibarra, Tinong. Ang mabubuti ay naparurusahan nang dahil sa mga masasama. Sa
tingin koy wala ka nang magagawa kundi ang gumawa ng huling habilin.
Sa narinig ay nawalan ng malay si Tinong. Nang bumalik ang ulirat
PRIMITIVO: Dalawa lamang ang aking payo: una, magbigay kayo ng kahit anong
regalo sa heneral at idahilan ninyong ito ay maagang pamasko. Ikalawa. Sunugin
ninyong lahat ng mga papeles na maaaring magpahamak sa iyo.
Napatango na lang ang mag-asawa.
Act XLII Ikakasal na si Maria Clara / Ang Barilan sa Lawa
(Scene: Darating sa bahay ni Kapitan Tiyago ang mag-asawang de Espadana
kasama si Linares. Bagamat namumutla. Hinarap pa rin ni Maria ang mga bisita.
Napadako ang usapan sa pagpapakasal nila ni Linares.)
TIYAGO: Sa kanilang kasal, makaaasa kayo na akoy magdaraos ng isang
engrandeng pista! (pabulong kay Isabel) Buo na ang aking pasya. Ipakakasal ko
silang dalawa. Si Linares ay tagapayo ng Kapitan Heneral kayat tayoy lalong
makikilala!
Wala sa sarili si Maria. Maraming bisita ngunit lumayo na lamang siya. Sa may
asotea, napansin niya ang dalawang kalalakihan na nakasakay sa bangkang puno
ng damo. Bumangon ang isa at nanakbo patungo sa kanya. Si Ibarra.
MARIA CLARA: Crisostomo?
IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas.
MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko.
IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa'yo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan
ko nang lumayo sa'yo...sa lugar na ito...
MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-
aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong
IBARRA: Nalaman kong ano?
MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre
Damaso...
IBARRA: Paano-
MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang
iibigin ko, Crisostomo.
IBARRA: Paalam, Maria Clara...
Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara.
IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo?
ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Seor.
IBARRA: At pagkatapos?
ELIAS: Mamumuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa. Ibabalik ko ang salapi
ninyo. Iyon ay nasa puno ng balete sa puntod ng aking nuno. Nasa ibang bansa ang
inyong katiwasayan senyor.
IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang
magkapatid?
ELIAS: Para saan pa?
IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at
sa lahat ng tulong mo.
ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo.
Itinabon ni Ibarra ang damo sa kanya. Tinabunan pa siyang maigi ni Elias. Sinundan
sila at sinalubong ng isang bangka ng mga sibil. Inusisa si Elias.
SIBIL: Hinto! Saan ka galing?
ELIAS: Galing po ako ng Maynila at rarasyunan ko ng damo ang hukom at ang kura.
SIBIL: Gayon ba? Sige, lakad na. Huwag kang magsasakay ng kahit na sino sapagkat
may katatakas pa lamang na bilanggo.
Lumihis ang bangka at nagtuloy sa ilog Beata. Ngunit may nakapansin sa kanila sa
may lawa kaya naipit sila.
ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?
IBARRA: Oo.
ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sariliililigaw ko sila.
IBARRA: Huwag Elias! Labanan natin sila-
ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong nuno.
Naghubad ng damit si Elias at tumalon sa lawa, at sumikad palayo. Nagpaputok ng
baril ang mga sibil sa tinalunan ni Elias. Kada lilitaw siya ay agad siyang binabaril.
Nang mapansing may dugo nang humalo sa tubig, nilubayan na ng mga sibil si Elias
at ang bangka.
End of scene.
Act XLIII Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
(Scene: Kinabukasan, abala si Maria sa pagbabasa ng diyaryo sa
pagbabakasakaling may balita tungkol kay Ibarra. Hanggang sa mabasa niya na
pinagbabaril at napatay si Ibarra. Ang hindi niya alam ay si Elias ang sumalo ng
lahat ng mga balang para kay Ibarra.
MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko...
DAMASO: Ano'ng nangyari sa'yo, anak ko?
MARIA CLARA: Masaya na ba kayo?!
DAMASO: Ano'ng ibig mong sabihin-
MARIA CLARA: Wala na siya! Patay na si Crisostomo! Wala na ang taong mahal ko...
DAMASO: Pasensya na, anak--
MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si
Alfonsoat hindi ako magpapakasal sa kanya! Bakit ba kinailangan pa ninyong
makialam sa aking buhay?! Sino ba kayo para gumawa ng desisyon para sa akin?!
At huwag nga ninyo akong matawag-tawag na anak! Kailanmay hindi ko ninais na
maging ama ang isang tulad ninyo!
DAMASO: Ang totoo niyan ay
MARIA CLARA: Ay ano?! Magsalita kayo!
DAMASO: Ako ang iyong tunay na ama.
MARIA CLARA: Hindi hindi! Sinungaling! Nagsisinungaling kayo! Isa na naman ba
itong masamng biro?! Hindi ko--
DAMASO: Hindi ako nagbibiro, at hindi rin ako nagsisinungaling.
MARIA CLARA: Ngunit paano?
Flashback. May piging sa bahay ni Kapitan Tiyago.
DAMASO: Kararating ko pa lamang noon sa San Diego. Ako ang itinalagang bagong
kura ng bayan. Dahil doon, nag-alay ng piging si Kapitan Tiyago para sa akin. Doon
ko unang nasilayan ang isang napakagandang babae.
Nag-uusap-usap ang mga tao nang dumating si Donya Pia Alba. Napatitig agad sa
kanya si Damaso.
ISABEL: Ah, Pia! Kamusta na? Naroon ang bagong kura.
Papasok sa loob si Pia. Lalapit kay Damaso.
PIA: Magandang gabi, Padre. Ako si Pia Alba. Kayo na nga ba ang bagong kura ng
San Diego?
DAMASO: Ah Si, senyora. Ako si Padre Damaso. (hahalik sa kamay)
PIA: Ikinagagalak ko kayong makilala. Sanay kayoyy maging isang mabuting kura
ng bayan at halimbawa sa mga taga-San Diego.
DAMASO: Gagawin ko ang aking makakaya. Ngunit ngayon pa lamang ay
ginaganahan na akong magpamisa matapos marinig ang mga salitang iyan mula sa
isang magandang binibini.
May tatawag kay Donya Pia.
PIA: Ah, maiwan ko muna kayo, padre. Muliy ikinagagalak ko kayong makilala.
DAMASO: Sa akin ang karangalan.
Aalis si Pia at lalapitan ang ilang kaibigan. Nakatitig pa rin si Damaso sa kanya.
Napatid lamang ang pagtitig nito nang lapitan ni Donya Victorina. Balik sa
kasalukuyan.
DAMASO: Labis akong nabighani sa angking ganda ng iyong ina. Sa bawat araw na
lumipas matapos ang aming unang pagkikita, araw-araw ko siyang dinalaw sa
kanilang tahanan.
Ipapakita si Padre Damaso at Pia na nag-uusap. Palaging nakangiti at tumatawa si
Pia. Tila nagkakamabutihan na ng loob.
DAMASO: Akala koy nagkakapalagayan na kami ng loob. Akala koy pareho rin kami
ng nararamdaman para sa isat isa. Ngunit, mali ang aking akala. Isang araw, nang
dalawin ko siya, nakita ko siyang may kausap na lalaki. Tila masaya sila. Iba ang
tingin ni Pia sa kanya. Sa aking nakita, napagtanto kong sila ay magkasintahan.
Nagdilim ang aking paningin ngunit wala akong nagawa. Umalis na lamang ako at
nagkulong sa aking kwarto sa kumbento. Gulong-gulo ang aking isipan nang mga
panahong iyon.
Babalik si Damaso sa kwarto niya. Paikot-ukot at parang malalim ang iniisip.
DAMASO: Dala na rin ng galit at pagpupuyos ng aking damdamin, may naisip akong
paraan para mapasa-akin si Pia.
Pagkatapos ng misa, babalik si Damaso sa kanyang kwarto. Luluhod siya sa harap
ng isang maliit na altar na may mga maliliit na santo at may krus sa gitna.
DAMASO: Padre, perdname porque soy culpable. (Ama, patawarin mo ako
sapagkat akoy magkakasala.)
Kakatok sa pintuan ang utusan at papasok.
UTUSAN: Pinatawag po ninyo ako, padre?
DAMASO: Ipatawag mo si Pia Alba. Papuntahin mo siya rito sa aking kwarto.
UTUSAN: Opo, padre.
Tatakbo palapit ang utusan sa labas ng simbahan. Nakatayo sa labas si Pia, dumalo
rin sa misa at kausap ang mga kaibigan.
UTUSAN: Donya Pia, ipinatatawag po kayo ng kura.
PIA: Bakit daw?
UTUSAN: Hindi po nabanggit.
Sumama na lang si Pia sa utusan. Pagkaturo ng utusan sa kwarto ng kura, umalis
na ito. Kakatok sa pintuan si Pia.
PIA: Padre Damaso? Pinatatawag daw po ninyo ako.
DAMASO: Pia
Biglang hahatakin ni Damaso si Pia papasok sa kwarto. Maririnig na lamang ang
mga sigaw ng pagmamakaawa ni Pia.
PIA: Huwag! Maawa ka sa akin! Huwag! Ahh!
Balik sa kasalukuyan.
DAMASO: Matapos niyon ay sinarili na lamang ni Pia ang nangyari. Hanggang sa
maipanganak ka, pumanaw siya at kinupkop ka ng mag-asawang Delos Santos.
Akoy isang makasalanan. Ngunit sa lahat ng aking mga pagkakasala, iyon ang
talagang bumabagabag sa akin magpasahanggang ngayon. Labis akong nagsisisi,
alam ng Diyos iyon. Patawarin mo ako
Mapapahagulgol na lang si Maria Clara.
DAMASO: Patawarin mo ako Anak
MARIA: Kung totoong akoy inyong anak at kung may natitira pa sa inyo na kahit
katiting na malasakit sa akin Huwag ninyo akong ipakasal kay Alfonso. Mas nais
kong magmongha kaysa makasal sa lalaking hindi ko naman iniibig. Kung hindi
wawakasan ko ang aking sariling buhay!
DAMASO: Ngunit, Maria
MARIA: Mamili kayo, kumbento o kamatayan?!
DAMASO: Hindi! Hindi sige. Kung Iyon ang iyong nais. Ngayon din ay ipatitigil ko
ang kasal.
Iiyak si Maria Clara. Aalis si Damaso. Paglabas ng bahay, mapapatingala siya sa
langit.
DAMASO: Tunay nga tunay ngang may Diyos na nagpaparusa. Ngunit sanay ako
na lamang at huwag na ang pinakamamahal kong anak
End of scene.
Act XLIV Ang Noche Buena
(Scene: Mula sa pamilyang kumupkop kay Basilio, tinahak niya ang daan patungo
sa bayan. Walang buhay ang San Diego kahit na Noche Buena noon. Malamig ang
paligid at walang tao. Hanggang sa makita ni Basilio ang ina na mag-isa at
kumakanta.)
BASILIO: Inay!
SISA: Sino ka?
BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak n'yo!
SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anakhindi kita kilala.
Nagtuloy si Sisa sa libingan.
BASILIO: Inay, 'wag po kayong matakot sa akin. Inay!
SISA: Basilio?
BASILIO: Opo inay, ako nga po.
SISA: Anak ko-
Biglang nawalan ng malay si Sisa. Nataranta si Basilio. Nang pakinggan ang tibok
ng puso, wala na siyang marinig. Wala na si Sisa.
BASILIO: Inay! Inay! Bakit n'yo po ako iniwan, Inay. Inay!
Napaiyak na lang si Basilio ahabang yakap ang walang buhay na si Sisa. Nang
mapatingala siya ay nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya.
LALAKI: Iho, siya ba ay iyong ina?
Tumango lamang si Basilio.
LALAKI: Akoy wala nang lakas para tulungan kang mailibing ang iyong ina. Malapit
na rin naman ang oras ko. Manguha ka na lamang ng mga sanga at itabon mo sa
amin, at kamiy silaban mo hanggang sa maging abo. May malaking halagang
nakabaon sa may puno ng balete. Gamitin mo iyon upang makapagsimula ng
bagong buhay. Ahh, siya nga pala, ako nga pala si Elias.
Sumunod na lamang si Basilio sa sinabi ng lalaki. Napaupo na lang si Elias sa isang
tabi at tumingala.
ELIAS: Ahh Akoy babawian ng buhay nang hindi man lang nakikita ang
pagbubukang-liwayway sa bayang aking minamahal Sa mga mapalad huwag
lamang limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi
Sa pagkakaupo niyang iyon ay napakibot siya sa sakit at tuluyang nabuwal sa lupa.
Wala na si Elias. Nagbalik si Basilio at itinabon sa ina at kay Elias ang mga sanga.
Nang magising ang mga taga-San Diego ay nagulat sila sa isang malaking siga sa
libingan.
End of scene.
Act XLV Katapusan
(Scene: Ipapakita ang mga eksena ng kinahinatnan ng mga tauhan.)
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa
Maynila. Di nagtagal, aiya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong
probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri
ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay.
Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay
nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara.
Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.
Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay
dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging
mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento,
sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat
gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang
pinipintakasi ay nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng
liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita
siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napabayaan niya ang kanyang
katawan at kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang tahanan ay mayroong
nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng
mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating
iginagalang.
Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang
pagbabalatkayo niyang siyay taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si
Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya
natatawag bilang "doktor" para mag-gamot. Wala na rin siyang ngipin.
End of scene.
--------------------------------------------------WAKAS---------------------------------------------------

You might also like