100% found this document useful (4 votes)
9K views20 pages

Tsinelas Dulang Pangradyo Script Final

Ang dokumento ay tungkol sa isang mag-anak na si Rosa na naghihirap upang suportahan ang limang anak niyang sina Mia, Margarita, Anita, Maria at Joselito. Nagkakasakit si Rosa dahil sa sobrang pagod at paghihirap. Natuklasan ng doktor na maaring mayroon siyang cancer sa dugo.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (4 votes)
9K views20 pages

Tsinelas Dulang Pangradyo Script Final

Ang dokumento ay tungkol sa isang mag-anak na si Rosa na naghihirap upang suportahan ang limang anak niyang sina Mia, Margarita, Anita, Maria at Joselito. Nagkakasakit si Rosa dahil sa sobrang pagod at paghihirap. Natuklasan ng doktor na maaring mayroon siyang cancer sa dugo.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

DJ 1: 69.96 Baliktaran F.M. Ang saraaaaaaap!

(Radio station jingle)


(Radio segment Background music)
DJ 2: Magandang gabi mga kabaliktaran, naririto po ulit ang
inyong lingkod, DJ Mama Mia para para sa isa nanamang mabigat at
madramang gabi sa Ngayon, Bukas, at Maalala mo kaya.
Isa nanamang mabigat na kwento ang ating tutunghayan ngayong
gabi. Kwento ito ng isang nanay na grabe ang pagmamahal sa
kanyang mga anak. Unconditional Love kumbaga. Papamagatan natin
ang kwentong ito na Tsinelas.

Scene I.
Maririnig ang pag-iyak ng isang baby kasabay ang ingay ng
umaatras na truck at mga ingay ng tao sa labas.
MARGARITA
Ate ano ba yan? patahimikin mo nga yang si Ronnie. Ang ingay
ingay hindi tuloy ako makapag pahinga dito eh.
MIA
Eto na nga diba?! Gutom na ata to. Pumunta ka nga muna kila Aling
Perla umutang ka muna ng tago-onseng gatas dun. Yung naka pack
lang.
MARGARITA
Ayoko nga! Ayan si Anita o! Utusan mo muna. Wala namang ginagawa
yan. Basa lang ng basa buong maghapon.
MIA
Wala ka talagang pakinabang dito sa bahay e no!
Papasok sa loob si Rosa.
ROSA
Oy! Oy! Ano ba yan? nag-aaway nanaman ba kayong magkapatid kayo
ha? Kailan ba kayo magkakasundo?

MIA
Kasi naman nay, inuutusan ko lang si Marga na mangutang muna kay
Aling Perla na mangutang muna ng gatas ni Ronnie ayaw pa.
MARGARITA
E, sa ayoko nga e!
ROSA
Hoy! Magsitigil nga kayo. Sige na ako na pupunta kay Aling Perla
para umutang ng pang gatas ni Ronnie.
Anita! Ayusin mo na nga muna itong mga nakalakal ko para pagbalik
ko ay mabenta na natin yan. Tapos magtanong tanong ka na din sa
mga kapit bahay natin kung may mga kaning lamig ba sila na
pwedeng hingin.
MARGARITA
Ano ba yan kaning lamig nanaman? Makaalis na nga dito!
Lalabas si Margarita.
MIA
Magrereklamo ka pa e wala ka ngang natutulong dito. Malandi ka!
ROSA
Mia tama na. Sige na lalabas na muna ako.
Lalabas si Rosa. Maririnig parin ang pag-iyak ni Ronnie.

Scene II.
Nasa tindahan ni Aling Perla si Rosa. Maririnig ang mga rap song
na pinapatugtog ng mga kabataan.
ROSA
Tao po! Tao po!
ALING PERLA
Ano yun?
ROSA
Aling Perla baka pwede namang makautang nung nasa pack na gatas
dyan. Para lang sa apo ko.

ALING PERLA
Sabi na nga ba e. Rosa wala ng kinikita yung tindahan ko dahil sa
mga utang niyo. Lima yung anak mo, pero wala bang ni-isang
makatulong sayo dun? Ang malas talaga ng pamilya mo. Yung asawa
mo patay na, yung panganay mo batang ina na, si Marga ayan,
gagaya pa ata sa ate niya. Sayang ang gandang babae e.
pagtrabahuhin mo na lang sa club yan. bigla ka pang kikita niyan.
ROSA
Ayos lang sakin na maghirap ako aling Perla basta nasa mabuting
kalagayan ang mga anak ko. mas gugustuhin ko pa na ako ang
mapagod kaysa sila. Ganoon sila ka importante saakin.
ALING PERLA
Ibang klase ka Rosa. O ayan. Humahaba na listahan niyo dito ha.
basta magbayad kayo kahit unti-unti at papautangin ko parin kayo.
ROSA
Salamat aling Perla. Kapag nagbigay na sakin si Joselito
magbabayad ako sayo.
Scene III.
Nagdadasal na para kumain ang mag-anak. Pagkatapos nilang
magdasal ay dadating si Joselito.
ROSA
O bakit naka-paa ka lang Jose?
JOSELITO
Bumigay na yung tsinelas ko nay. Napigtal habang naglalakad ako
dyan.
ROSA
Buti ay hindi ka nabubog. O sige na. magbihis ka na at kumain ka
na dito. Gamitin mo na lang muna yung tsinelas ko bukas kapag
pumasok ka.
Sige na magsikainan na tayo.
MARIA
Nay, si ate Marga po wala pa. antayin natin siya.
MIA

Bunso, hayaan mo na muna si Ate Marga mo. Nandun pa yung sa mga


tropa niya. kumain ka na ha.
Nay ano yang nasa braso niyo? Pasa ba yan?
ROSA
Huh?! Alin? Ah eto, wala yan. baka nadali lang yan kanina sa
pagkakalakal ko.
Scene IV.
Nasa tambakan si Rosa para maghanap ng kalakal. Kasama niyang
mangalakal ang kumare niyang si Pacing. Mapapansin ni Pacing na
walang suot na tsinelas si Rosa.
PACING
O Rosa, bakit wala kang suot na tsinelas? Madami pa namang bubog
dito.
ROSA
Nakay Joselito kasi yung tsinelas ko. napigtal kasi yung sa kanya
kagabi habang pauwi siya. e wala pa naman siyang sahod para
makabili ng bago.
PACING
Inuuna mo nanaman yung mga anak mo. Hayaan mo na sila. Malalaki
na sila mare ano ka ba? Wag mo silang sanayin na nandyan ka
palagi sa tabi nila. May mga isip na yang mga yan.
ROSA
Kailangan mare. Simula nung nawala yung kumpare mo halos hindi na
kami nakakakain ng normal sa loob ng isang araw. kailangan ko
talagang kumayod.
PACING
Ewan ko ba sayo mare. Si Mia pwede namang mamasukan yan ha. may
kakilala ako sa factory ng kropeck. Baka pwede natin siyang
ipasok dun.
ROSA
Paano naman si Ronnie? Sino magbabantay sa kanya.
PACING
Ipabantay mo kay Marga. Tutal hindi naman na nag-aaral yun.

ROSA
Isa pa yan sa mga problema ko. hindi na nauwi saamin si
Margarita. Nandun na siya ngayon sa boyfriend niya. uuwi lang yun
sa bahay kapag mag-aaway sila.
PACING
Bilib talaga ako sa pamilya mo Rosa. Si Anita lang ata yung
matino sa inyo e, saka si Maria.
ROSA
Hayaan mo na. hanggat buhay ako, mamahalin ko sila.
PACING
Sige na Rosa! Sayo na ang korona ng isang pagiging huwarang ina.
Ikaw na! basta wag mo lang pabayaan ang sarili mo.
Tatapikin ni Pacing sa likod si Rosa. Aaray si Rosa.
PACING
Bakit Rosa? May masakit ba sayo?
ROSA
Wala naman pero nito lang parang dumadami yung mga pasa ko sa
katawan eh. hindi ko alam kung bakit.
PACING
Mag pa check ka na sa Center. Sasamahan pa kita.
ROSA
Ayoko, gastos nanaman sa gamot yun e.
PACING
Sus! Sige na ako na muna bahala sa gamot kung may kailangan ka.
isang kembot lang yan sa Botika ng bayan. Basta magpacheck up ka.
ROSA
O sige.
Scene V.
Nasa bahay si Anita naghahanda na para sa pagpasok niya. May
maririnig na naiyak na bata.
MIA

O, Anita papasok ka na ba?


ANITA
Opo ate. Ate pwede ko po bang hiramin yung stepin mo?
MARIA
Ate! Ate! Yung akin na lang muna gamitin mo. Hindi naman ako
lalabas ng bahay e. medyo maliit nga lang. pero bagay naman sa
paa mo e.
MIA
Maria, alam ni ate na gusto mong tulungan ang ate Anita mo pero
ang liit kaya ng paa mo. Pero salamat ha, kasi buti ka pa
marunong magpahiram. Pakabait ka lang bunso ha.
Sige na Anita. Gamitin mo na yung tsinelas ko. Ako na bahala.
Mag-aral mabuti ha.
ANITA
Opo ate.
Aalis na si Anita.
Scene VI.
Nasa palengke si Joselito. Maririnig ang ingay sa palengke.
Magbubuhat ng mga gulay si Joselito.
JOSELITO
HOOH! Nakakapagod!
Aasarin si Joselito ng mga iba pang kargador dahil sa tsinelas
niya.
KARGADOR 1
Ganda ng tsinelas natin brad a.
Magtatawanan sila. Pati si Joselito ay mapapatawa.
KARGADOR 2
May pabulaklak pa yung tsinelas mo ah. At kulay violet pa.
JOSELITO
Brad hindi na nakakatuwa ha.
KARGADOR 1

Kanino yan sa nanay mo?


Mas lalakas pa ang tawanan ng dalawang Kargador.
JOSELITO
Nakakalalaki na kayo ah. Ano bang problema mga brad ha.
KARGADOR 2
Sayo wala pero sa tsinelas mo meron.
Susuntukin ni Joselito ang dalawang kargador at magkakagulo sa
palengke. Sisitahin sila ng mga tanod.
Pipito ang tanod.
TANOD 1
Oy! Magsitigil nga kayo. Nagkakagulo yung mga tao dahil sa inyo.
Ano bang problema ha?
JOSELITO
Eto kasing dalawang to e. nakakalalaki na. pinagtritripan yung
tsinelas ko.
TANOD 1
Ang init mo naman masyado Jose. Parang tsinelas lang yan. Sige na
magpalamig na ka na muna. Uwi ka na muna sa inyo. Ako na bahalang
mag sabi kay boss ng nangyari.
JOSELITO
Umayos kayong dalawa ha!
TANOD 1
O tama na. sige na umuwi ka na.
Scene VII.
Naglalakad papunta sa Health Center si Rosa at Pacing.
PACING
Ikaw ba rosa nakakapagipon ka ha?
ROSA
Oo nakakapagtabi naman ako ng limalimam piso sa alkansya ko. para
kung sakali na kailanganin e may madudukot. Saka para kapag kung

mamamatay man ako, wala ng masyadong proproblemahin yung mga anak


ko sa gastusin.
PACING
Ikaw talaga Rosa kahit kalian ka e! gusto mo bang patayin na kita
ha?!
May makikita silang tindahan ng tsinelas sa daan.
ROSA
Daan nga tayo doon titingin lang ako ng tsinelas.
TINDERA
O tsinelas bargain Bargain!
ROSA
Magkakano po dito sa tsinelas niyo?
TINDERA
Para sainyo po ba? 75 na lang po.
PACING
Bakit Rosa bibili ka?
ROSA
Hindi para sana kila Anita. Naawa ako sa kanila. pudpod at butas
na yung mga gamit nilang tsinelas. Kinakalsuan lang namin ng
kawad yung mga yun para hindi mapigtal eh. isa sa mga pangarap ko
ang mabilhan sila ng tsinelas.
PACING
Ay Mare ang drama mo. Dinaig mo pa si Sharon Cuneta eh. ikaw na
talaga!
Biglang mahihilo si Rosa
ROSA
Pacing saglit. Nahihilo ako. Kumikirot yung ulo ko. Aray! Aray!
PACING
Huh?! Bakit? Anong nangyayari? Anong nararamdaman mo?
Mawawalan ng malay si Rosa at lalagapak ito sa sahig.
Scene VIII.

Magigising si Rosa na nasa loob na siya ng center.


PACING
O Rosa gising ka na. ano bang nangyayari sayo?
Papasok ang isang doctor.
DR. VILLANUEVA
Ikaw ba si Rosa?
ROSA
Opo a-ako nga po? Bakit po doc?
DR. VILLANUEVA
Matagal na ba yung mga pasa sa katawan mo?
ROSA
Opo Doc. Nagugulat na nga lang po ako at bigla bigla akong
nagkakaroon ng pasa e.
DR. VILLANUEVA
Okay. Itetest namin ang dugo mo at kung tama ang hinala ko ikaw
ay maaring mayroong Lukemia o Cancer sa Dugo.
ROSA
Lu-Lukemia po?
DR. VILLANUEVA
Baka pa lang naman. Bumalik ka dito bukas ng hapon para malaman
mo yung resulta.
ROSA
Sige po doc. Maraming salamat po.
Scene IX.
Nagdadasal ang pamilya bago kumain. Uubo si Rosa at sap ag ubo
niya ay may sasamang dugo.
ROSA
Hala, bakit may dugo na sa Ubo ko.
MIA
Ayos ka lang ba nay?

ROSA
Oo anak ayos lang ako. Sige na kumain na kayo. Si Maria subuan
niyo. Pasensya na kung Noodles lang nakayanan ni nanay ha.
MARIA
Ayos lang yun nay. Mas gusto ko pa ngang ulam yung mantika at
toyo kaysa dito e.
ROSA
Asus. Sige sa susunod yun na uulamin mo bunso ha.
Ang kuya Jose niyo dumatin na ba?
ANITA
Hindi pa po. Pero pauwi na din po yun. Baka po napainom lang.
May maririnig silang boses ng lalaki, boses ni Joselito na lasing
na lasing.
ROSA
Ayan na ang kuya niyo. Naku! Lasing na lasing. Anita kumuha ka ng
tubig doon at bimpo.
JOSELITO
(GALIT NA SASABIHIN) bwiset na buhay to o. pati tsinelas mo
pagtritripan nila.
ROSA
Ano bang nangyari sayo anak at napainom ka ng ganyan.
JOSELITO
Wala naman nay. Napaaway lang ako dahil sa suot kong tsinelas.
Inasar nila ako ayun! Nagpanting ang tenga ko at nakatikim sila
saakin.
ROSA
Bakit mo naman ginawa yun?
JOSELITO
E kasi nga dahil sa tsinelas ko na Pambabae! Bakit ko pa kasi
hiniram tong tsinelas na to eh. bukas hindi na ako sigurado kung
may trabaho pa ba akong babalikan. At dahil yun sa bwiset na
tsinelas na to!

ROSA
Hayaan mo bukas na bukas din bibilhan kita ng tsinelas mo para
hindi ka na nila kutyain. Mia paasikaso naman muna sa kapatid mo.
Lalabas lang ako saglit.
Mangiyak-iyak na lalabas si Rosa.
Makakasalubong ni Rosa sa labas si Dr. Villanueva.
DR. VILLANUEVA
Kayo po si Aling Rosa diba?
ROSA
Opo doc ako nga.
DR. VILLANUEVA
May kailangan po kayong malaman tungkol sa sakit niyo.
ROSA
A-ano po yun.
DR. VILLANUEVA
Meron po Kayong Stage 4 Blood Cancer.
ROSA
Ano pong ibig sabihin nun?
[Link]
Malala na po yung Cancer sa katawan niyo. Sumuka o umubo na po ba
kayo na may kasamang dugo.
ROSA
Opo Doc.
DR. VILLANUEVA
Isa pa yan sa mga kinakatakutan ko. Aling Rosa sasabihin ko na po
sainyo ng deretsahan ito pero, meron na lamang po kayo na halos
isang linggo para mabuhay.
ROSA
Pero ayos naman po yung pakiramdam ko Doc. Hindi po totoo yan.
Uubo si Rosa na may kasama ulit na dugo.

DR. VILLANUEVA
Ayan na po yan. hindi po siya halata pero inaatake na po ng
Cancer cells yung loob ng katawan mo, kinalulungkot ko po.
Maiiyak na lamang si Rosa sa isang tabi.
Scene X.
Papasok sa kwarto si Rosa at kukunin niya ang alkansya
[Link] siya ng pera habang umiiyak.
Papasok din si Maria sa loob.
MARIA
Nay, bakit ka naiyak? Saka bakit ang dami mong pera?
ROSA
Wala nak, napuwing lang si Nanay. Aalis kasi si nanay anak.
Maghahanap siya ng trabaho.
MARIA
Pwede po ba akong sumama nay?
ROSA
Hindi pwede nak. Malayong malayo yung pupuntahan ni nanay e.
bawal ka pa dun. Bumisita ka na lang kapag pwede na.
MARIA
Sige po nay bibisitahin kita. Magpapasama po ako kay ate Mia,
isasama din po namin si Ronnie.
ROSA
Dapat magkakasama kayong magkakapatid kapag bumisita kayo saakin.
MARIA
Opo nay Promise po yun. Mahal na mahal po kita inay.
ROSA
Mahal na mahal din kita bunso.
Scene XI.
Uuwi si Margarita sa bahay nila para kunin yung mga gamit nila.
MARGARITA

NAY! May pagkain ba?


Ibabagsak ni Margarita ang mga Kaldero.
Iiyak si Ronnie dahil sa ingay.
MIA
Ano ba yang ingay na yan ha?!
MARGARITA
Walang pagkain?
MIA
WALA! Gusto mo magkape ka na lang may mainit na tubig dyan.
MARGARITA
Anita! Bilhan mo nga ako ng kape doon.
ANITA
Sige po ate.
Lalabas si Anita at makikita niya na tsinelas lang ni MArga ang
nandoon.
ANITA
Ate Marga peram po ako ng stepin niyo.
MARGARITA
Ano ba yung mga tao dito mga walang tsinelas. O sige sige gamitin
mo. Bilisan mo lang.
Scene XII.
Naguusap si Pacing at Rosa.
PACING
O Rosa sa Center ka muna tutuloy ha. nakausap ko na si Doc.
ROSA
Hindi na. sa bahay na lang ako. Mas gugustuhin ko ng mamatay na
lang ng tahimik sa bahay. Sige na tutuloy na ako.
Scene XIII.
Pag-uwi ni Anita ay umiiyak ito hawak hawak ang tsinelas ng ate
Margarita niya.

ANITA
Ate Marga, napigtal yung tsinelas mo habang gamit ko.
MARGARITA
ANO?! Anita ka bago bago niya. bakit napigtal?
ANITA
Tumakbo po kasi ako nung nakita ko yung kalaro ko kaya ayun.
Napigtal.
Sasampalin ni Margarita si Anita?
MARGARITA
Paano na yan ha?! ano ng gagamitin ko? puro ka kasi laro e.
MIA
Hoy Margarita. Wala kang karapatang sampalin si Anita. Palamunin
ka lang dito.
MARGARITA
E paano kasi yang kapatid mo tatanga tanga. Kabago-bago ng
tsinelas ko dinadamay pa. palibhasa mga wala kayong tsinelas dito
e.
Maririnig ni Rosa ang sigawan.
ROSA
Ano ba yan sigawan na yan ha? ano nanaman yan? O, Anita bakit ka
naiyak ha?
MARGARITA
Ayan, yung magaling at matalino niyong anak sinira lang naman
yung bagong biling tsinelas ko. Alam mo ba kung magkano to ha?!
250 to!
MIA
Mukha ka talagang pera e no? wala ka na ngang silbi ganyan ka pa!
Puro kalandian yang inaatupag mo!
MARGARITA
Sino kaya satin ang maagang nabuntis ha?!
MIA

Aba siraulo ka talaga ah!


ROSA
Ano ba?! Magsitigil nga kayo! Namatay lang ang tatay niyo ganyan
na kayo! Tsinelas! Tsinelas lang yung pinagaawayan niyo. Ako nga
eto o. Nagtitiis ng nakapaa dyan sa habang nangangalakal dahil
gamit ng kuya Joselito niyo yung Tsinelas ko.
May kakatok sa Pinto nila Rosa
TAMBAY 1
Nay Rosa si Jose po.
ROSA
Ay diyos ko po! Ano nangyari sayo?!
TAMBAY 2
Binugbog po siya nung mga katrabaho niya.
ROSA
Dahil pa din ba to sa inaasar nila yung gamit mong tsinelas? Ha
Joselito?
JOSELITO
Opo, nay. Kaso may mga kasama sila nung binanatan ko sila e.
MARGARITA
Tignan niyo na nay! Pati si kuya napaaway dahil sa tsinelas na
yan. Buti pa si tatay dati nabibilhan kami ng tig-iisang pares ng
tsinelas. Kayo? Hiraman na lang?
ROSA
Hindi ko naman ginusto na mangyari to e. pinipilit ko namang
kumite ng pera pero wala talaga e. Yung kinikita ko sa
pangangalakal sakto lang pang kain natin. kulang pa nga kung
minsan e.
Hayaan niyo sige. May isang araw na bibigyan ko kayong lahat ng
tig-iisang pares ng tsinelas para hindi na kayo naghihiraman at
nag-aaway.
MARGARITA
Kailan mangyayari yun? Kapag patay na kayo? Bwiset talagang
pamilyang to o! makaalis na nga!

Hahagulgol lang sap ag-iyak si Rosa. Habang si Mia at Anita muna


ang aasikaso kay Joselito.
Papasok sa Kwarto si Rosa at kukunin niya ang naipon niyang pera.
ROSA
Mia, Joselito kayo na muna ang bahala sa mga kapatid niyo ha?!
MIA
Bakit nay saan po kayo pupunta?
ROSA
Basta. Ikaw na muna ang bahala ha. May pupuntahan lang ako.
MARIA
Nay, sasama ako sayo.
ROSA
Hindi pwede nak. Malayo yung pupuntahan ni nanay. Dyan ka na
lang.
MIA
Maria dito ka na lang dali. Wag ka ng sumama kay nanay.
Aalis na si ROSA at maiiwang naiyak si Maria.
Scene XIV.
Kakatok sa pinto ni Pacing si Rosa
ROSA
Mare! Nandyan ka ba?!
PACING
O bakit Rosa?
ROSA
(iaabot ni Rosa ang isang bag ng puro barya) halos 600 yang
naipon ko. gusto ko kapag namatay na ako bilhan mo ng tig-iisang
pares ng tsinelas ang mga anak ko. pati na rin si Ronnie.
PACING
Mare naman. Bakit ka ganyan?
ROSA

Alam ko naman na hindi na ako tatagal sa Mundo. Gusto ko lang na


mabigyan sila ng kasiyahan man lang ba kahit na mawawala na ako.
Pati din itong sulat na ito pakibigay na sa kanila.
PACING
Bilib talaga ako sayo Rosa. Isa ka talagang huwrang ina.
ROSA
Maraming salamat sa maraming taong pagiging magkaibigan natin
Pacing. Hinding hindi kita makakalimutan.
PACING
Hinding hindi rin kita makakalimutan. Ikamusta mo na lang ako kay
San Pedro pagakyat mo doon ha.
ROSA
Paalam Pacing.
Mangiyak-ngiyak na magyayakapan ang dalawa.
Scene XV.
Nasa puntod ni Pacquito so Rosa
ROSA
Kamusta na asawa ko? tagal na kitang hindi nabisita dito.
Pasensya na kasi madami lang akong ginagawa sa bahay. Ang duga mo
kasi mahal e. iniwan mo agad kami. Pero ilang sandali na lang at
magkakasama na tayo.
Yung mga anak mo ayun malalaki na. si Mia nanganak na. Ronnie
yung pangalan nung anak niya. Gwapong bata. Kamukha ni Mia. Si
Marga naman ayun maganda pa din. Madalas nga lang wala sa bahay.
Pero wag mo na siyang pagalitan ha. malaki na anak mo. Si
Joselito mana talaga sayo. lapitin sa away, pero malambing na
bata. Si Anita naman kasama parin sa Top 10. Talino diba? sakin
nagmana yun. Haha. Si Maria ayun, sobrang lambing na bata. Palagi
ka niyang hinahanap sakin. At alam ko na binibisita mo siya sa
panaginip niya kasi palagi siyang nasigaw ng Papa. Mahal,
namimiss ko na yung yakap mo. Gusto ko kapag nasa langit na ako
yakapin mo agad ako ng mahigpit. At wag mo na akong bibitawan pa.
Rodolfo mahal na mahal kita! Magkakasama na tayo, malapit na.
(Insert love song)
Scene XVI.

Maririnig ang pagtilaok ng mga manok at ang tunog ng umaatras na


truck. Nagtitimpla ng kape si Anita ng biglang kakatok si Pacing.
PACING
Tao po! Mia!
ANITA
Ay kayo po pala Nay Pacing. Si nanay po kasama niyo ba?
PACING
Hindi e. nandyan ba ate Mia mo?
Biglang papasok si Margarita
MARGARITA
May pagkain na ba? Oy nay Pacing, ano yan dala mo? Pagkain ba
yan?
PACING
Hindi. Pakigising naman ate mo saka kuya mo o.
MARGARITA
Ay, ano ba yan. akala ko pa naman pagkain. Sayang. Anita, tawagin
mo daw si Ate Mia saka si Kuya.
ANITA
Ate! Kuya! Hinahanap po kayo ni Aling Pacing.
MIA
HA?! ano daw yun?
ANITA
Hindi ko din po alam e. may ibibigay daw po sainyo.
PACING
Mia nadito ako para ihatid yung pinabibigay sainyo ng nanay niyo.
MIA
Ano po yan?
(Insert tunog ng plastic Sound effects)
PACING
Mga pares ng tsinelas. Tig-iisa daw kayong magkakapatid.

MARIA
Wow! Ang ganda! Si Elsa yung akin o.
MARGARITA
Buti naman at bumili na siya ng tsinelas.
MIA
Salamat po nay Pacing, pero alam niyo po ba kung saan pumunta si
nanay?
PACING
Hindi ko din alam pero baka makatulong tong sulat na ito sainyo.
MIA
Su-sulat anong sulat?
ROSA (Voice over)
Para sa aking mga anak. kapag nabasa niyo na itong sulat na ito
malamang wala na ako sa mundo. May Stage 4 blood Cancer ang nanay
niyo kaya ang dami kong pasa sa katawan. Hindi ko na sinabi
sainyo kasi ayaw ko na pagalalahanin pa kayo. Kung hahanapin
niyo man ako, pumunta lang kayo sa puntod ng tatay niyo.
MIA
Hindi. hindi totoo ito! Hindi!
JOSELITO
Bakit ano bang sabi sa sulat? Blood Cancer Stage 4 NAY! Bakit
NAY?!
Tatakbo palabas si Margarita.
Susunod na tatakbo si Joselito.
MIA
Anita, dito ka lang. Nay Pacing pakibantayan naman muna sila
Anita.
Tatakbo palabas si Mia.
MARIA
Nay Pacing ano pong nangyayari?
PACING

Pumunta na sa malayong lugar ang nanay mo. Magkasama na sila


ngayon ng tatay mo. Kasama na niya si Papa Jesus.
MARIA
Bakit hindi niya po kami sinama. Ang Duga naman ni nanay,
namimiss ko na si tatay e. siguro nagdedate sila ngayon.
Scene XVII.
Pumunta sa puntod ng tatay nila sila Mia, Marga, at Joselito.
Makikita nila doon ang nanay nila na nakahiga at wala ng pulso.
May dugo sa bibig ni Rosa.
ROSA(VOICE OVER)
Mga anak pasensya na kung mumurahing tsinelas lang ang nabili ni
nanay ha. masakit sa dibdib ko ang nakikita kayong naghihiraman
at nagaaway ng dahil lamang sa mga saplot sa pang yan. Sana ay
ingatan niyo ang huling bagay na maibibigay ko sainyo bilang ina
niyo. Sana ay magmahalan na kayong magkakapatid lalo na ngayong
wala na kami ng tatay niyo. Kayo kayo na lamang ang magdadamayan.
Ang pagiging magkakapatid ay parang isang pares ng tsinelas.
Kapag sira sira ang turingan niyo sa isat isa. Hindi niyo
malalagpasan ang mga lubak na dadaanan niyo at mapipigtal agad
kayo. Pero kung buo kayo ay nagmamahalan, kahit ang pinakamataas
pang bundok ay kaya niyong akyatin. Hindi kayo basta basta
mapipigtal. Basta kumapit lang kayo sa isat isa. Magmahalan kayo.
Intindihin niyo ang isat isa, magtulungan kayo. Papanoorin namin
kayo ng tatay niyo dito sa taas at aantayin namin ang tamang
panahon na magkasama-sama tayo dito. Mahal na mahal na mahal ko
kayo.
Nagmamahal nanay Rosa.
Maririnig ang sigawa ng magkapatid habang yakap yakap nila ang
nanay nila.
(Insert ugoy ng duyan)
*fade music*
*the end*

You might also like