Professional Documents
Culture Documents
Liam Xachary Benedict B. Manangbao, Krystle Aubrey L. Magtoto, Victoria Denise Z. Pingol, Ysabela
S. Quizon, Joaquin Paolo C. Santos, Elden Inigo R. Reyes, Francesca Louise D. Feliciano
UNANG TAGPO
Shot: Establishing shot ng paaralang Brightwoods mula sa ikalawa o ikatlong palapag ng building, at
mula sa iba’t ibang lokasyon sa paaralan tulad ng basketball court, student lounge, at multi-purpose
hall. Kukuhanan ng high-angle shot ang mga estudyante. Close up shot at extreme close-up shot din
ng mga bulaklak at paru-paro.
Script: Ang homosekswalidad o homosexuality sa salitang Ingles ay romantikong atraksiyon o
atraksiyong sekswal sa mga taong magkatulad na kasarian. Ito ay bahagi ng katangian o katauhan
ng isang tao. Pinakatalamak na salitang ginagamit sa mga taong homosekswal ang lesbian o tomboy
para sa mga babae at bakla naman para sa mga lalaki.
Sa mga nakaraang taon ay unti-unting nawawalan ng takot ang mga tao, mga kilalang tao at kahit
mga ordinaryong tao lamang, tungkol sa paglaladlad at pamumukadkad ng kanilang tunay na
pagkatao. Dumarami rin ang mga pangyayari tulad ng pag-cecelebrate ng Pride Month noong Hunyo,
mga Pride March sa iba’t ibang bansa tulad ng Pilipinas, at ang pagsasabatas ng same-sex marriage
sa ibang bansa.
Dumadami ang mga homosekswal sa ating mundo, sa ating bansa, at maging sa ating mga paaralan
tulad ng Brightwoods. Kasabay nito ang pagdami ng kanilang mga taga-suporta at ang kanilang
pagsugpo sa homophobia upang tuluyan na nilang makamit ang kanilang kapayapaan at kalayaan na
matagal na nilang pinaglalaban. Paano at gaano nga ba katanggap ang homosekswalidad sa
paaralang Brightwoods?
IKALAWANG TAGPO
Shot: Medium shot, eye-level shot at close-up shot ng taong makakapanayam. Parallel o traveling
shot ng mga tauhan.
Script: Para mas lalo nating maintindihan kung paano nga ba lumalabas o umaamin ang mga taong
parte ng LGBT+ community, nakapanayam namin ang dalawa sa mga estudyante ng Brightwoods na
parte ng nasabing pamayanan.
Saang parte ng buhay mo at paano mo nadiskubre na iba pala ang buhay o pagkatao na gusto mo?
Nagkaroon ka ba ng in-denial phase pagkatapos ng iyong realisasyon?
Sino ang una mong pinagsabihan tungkol dito?
- Ano ang naging reaksyon nila?
Nasabi mo na ba ito sa mga magulang mo?
Paano mo ito sinabi sa kanila?
- Ano ang naging reaksyon nila?
IKATLONG TAGPO
Shot: Medium shot, close-up shot, at extreme close-up shot ng mga taong makakapanayam, mga
taga-suporta ng LGBT+ community.
Script: Noong mga nakaraang taon ay nagsilabasan ang mga taga-suporta ng LGBT+ community,
hindi lamang sa Pilipinas kung ‘di sa buong mundo rin, at ngayon ay mayroon kaming makakausap
na taga-suporta ng mga homosekswal na estudyante ng Brightwoods school.
IKAAPAT NA TAGPO
Shot: Medium shot, at close-up shot ng mga taong makakapanayam, mga hindi sumusuporta sa
LGBT+ community.
Script: Marami man ang mga sumusuporta sa LGBT+ community, mayroon paring iilang mga taong
hindi suportado dito.
IKALIMANG TAGPO
Shot: Establishing shot at high-angle shot ng paaralan, at medium shot ng makakapanayam.
Script: Sapagkat ang LGBT+ community ay hindi pa tuluyang tanggap ng lipunan ay mayroon silang
mga pagsubok at suliranin na pinagdadaanan dahil sa kanilang pagkatao. Ngayon ay aalamin natin
kung paano nila ito nalagpasan.
IKAANIM NA TAGPO
Shot: Medium shot, eye-level shot, close up shot, at parallel/traveling shot ng mga tauhan.
Script: Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga homosekswal ay mayroon pa rin
silang mga magagandang karanasan na dala ng kanilang pagkatao. Ating alamin kung ano ang
kanilang naramdaman noong sila’y tinanggap ng kanilang mga kaibigan, pamilya, at ng ibang tao.
Lubos na masaya rin ang mga taga-suporta dahil unti-unti ng naririnig ng mga tao ang kanilang
pinaglalaban.
May nakilala, naging kaibigan, o kahit nakausap man lang na homosekswal?
- Kamusta naman sila?
Masaya ka ba dahil unti-unting tinatanggap ng lipunan ang LGBT+ community?
May balak ka bang sumali sa mga events na para sa mga taong ito, tulad ng nakaraang Pride
March?
IKAPITONG TAGPO
Shot: Establishing shot at high angle shot ng paaralan. Tilt shot ng highschool building. Medium shot,
eye level shot, at close up shot ng mga tauhan.
Script: Ngayon ay nalaman na natin kung paano lumabas at malayang lumipad ang mga kapatid
nating homosekswal, ang kanilang mga pinagdaanan dahil sa kanilang pagkatao at ang kanilang mga
masasayang karanasan dahil na rin dito. Ipinapakita ng mga pagsasaliksik na ang homosekswalidad
ay isang halimbawa ng normal at natural na kaurian ng sekswalidad ng tao at hindi ito isang epekto
ng negatibong pag-iisip. Ang mga ito ay tulad parin natin, mga taong may puso at damdamin.
Mayroon din silang dignidad at kahalagahan. Respeto sa mga taong ito ang pinakaimportante
maibibigay natin sa kanila, at ito rin ang pinakamakakapagpasaya sa kanila. Dahil kahit anong uri ng
sekswalidad ang meron tayo, tayo ay mayroon paring karapatang mabigyan ng respeto.
Sila ang mga paru-paro na nabuhay, lumipad, dumapo sa iba’t ibang bulaklak ng buhay at
nangangarap na sana ay huwag silang dakpin ninuman.