You are on page 1of 20

TAGPUAN

Carrie/Caridad Balukbok Angelica Mendoza


Ethan Munoz Alec Esteban
Carrie’s Mother Karen Nocon
Carrie’s Father Gerald Carrera
Crissa Pauline Arcilla
Mary Mica Esteban
Max Cha Parchamento
Erin Mitzy Almazan
Ellie Aiza Mar Caunga
Eila Ruth Flores
Matthew Simon Olea
Mark Zeth Escobar
John Cyrus Basilan
Prof/Maam Alyana Singian
Madam Sandra Esteban
Martha Angel Singgo
Carlo Nigel Conejares
(voice over only)
Doctor. Mj Casbadillo

Director: Hanna Flores


Music Committee: Marvin, Nigel, Anton, Neo
Props: Charisse, Simon, Cyrus
Promotion: Zang, Yana, Yanyan, Gege
SCENE 1: <Opening Production>
*Coffee Shop (Carrie, Mary, Martha, Ethan)
Song: Time In- Yeng Constantino
(Verse 1 Lip Sync Demo)
Intro Tune: (19sec)
♫♫ Ako ang bida ngayon ♫♫♫
♫♫ Masyado kang ambisyosa ♫♫♫
♫♫ Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha ♫♫♫
♫♫ Kung kaya, e di subukan na ♫♫♫
♫♫ Masipa sa mukha ♫♫♫
♫♫ Sipain din sa mukha ♫♫♫
♫♫ Ako ang bida ngayon ♫♫♫
♫♫ Hanggang pangarap ka na lang ♫♫♫
♫♫ Sa porma kong artista, daig ko pa si Nora at si Vilma ♫♫♫
♫♫ Wag ka nang umasa pa ♫♫♫
♫♫ Si Nora at si Vilma ♫♫♫
♫♫♫ Ilusyunada ka ♫♫♫

CHORUS:
Dahil Ngayong gabi, ako'y titingalain
Ngayong gabi
Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi

-Close ng Shop
*Lights out*
SCENE 2: Bahay (Carrie, Crissa, Nanay)
*pag uwi sa bahay*
*Crissa may ginagawang project sa may sahig* *Nanay nananahi sa sofa*
Mama: (*malumanay*) O bat ngayon ka lang? Ginabi ka na naman ng uwi.
Carrie: Late na po kasi kami nagclose ng shop.
Mama: Kumain ka muna.
Carrie: Hindi na po. Busog pa po ako. Mag-aaral po muna ako.
Crissa: Ate, may project kami sa Science. Kailangan namin bumili ng mga gamit para sa lab namin.
Carrie: Ah ganun ba. Kailan niyo kailangan?
Crissa: Next week Ate.
Carrie: Ganun ba, sige. Gagawan natin ng paraan yan.
Mama: Nako Crissa, dumagdag ka pa sa gastusin ng Ate mo.
Crissa: Eh Ma, kailangan namin sa school yun.
Carrie: Okay lang Ma. Basta Crissa, kailangan mataas grades ha mo.
Crissa: Oo naman Ate. Ez.
(*Ilalabas ni Carrie ang libro at tatabi kay Crissa, naputulan sila ng ilaw*)
Carrie: Hala anong nangyari? Ma, diba nagbayad naman tayo ng ilaw?
Mama: Nak, pasensya ka na. Nagastos kasi naming pang checkup ng Papa mo kahapon. Atsaka nga pala anak,
nagbigay na din ng abiso yung sa tubig natin, malapit na din tayong putulan. Sabay din yung bayad sa tuition
ng kapatid mo. Pasensya na anak ha, kung nagkasabay sabay.
Carrie: (*nanlumo, bubuksan ang flashlight ng cellphone*) ganun ba ma. Bakit ngayon niyo lang sinabi? Sige po
gagawan ko ng paraan.
Crissa: Ate may inooffer yung classmate ko na part-time job, gusto kong itry.
Carrie: Hay nako Crissa, wag na. Ang gusto ko mag focus ka jan sa pag-aaral mo. Okay?
Mama: Maraming salamat anak ha. Pasensya na.
Carrie: Wala yun Ma. Si Papa pala nasan? Nag hapunan na ba siya?
Mama: Oo anak! Nasa kwarto na, nag papahinga na kasi medyo nahihirapan nanaman tumayo dahil sumasakit
nanaman yung likod niya.
Carrie: O sige po, mag mamano po muna ako.
*Lights out*
SCENE 3: Classroom (with block mates, Carrie & Prof)
*Actors will bring their own chairs*
*Bell ring*
Prof.: (*Papasok sa room*) Okay class, free cut ngayon, pero maiiwan yung mga tatawagin ko.
Class: (*nagbubulungan*) Yehey!
Prof: Matthew Garcia, Mark Perez, John Hernandez, Erin Ramos , Ellie Tolentino, Eila Mallari, Carrie----*e
cucuct ni Carrie*
Carrie: (*pipigilan yung Prof)* Ma'am, Carrie B. nalang po !
Prof: (*Matatawa*) Caridad Balukboc
Class: *Matatawa sa pangalan ni Carrie*
Prof: Okay class, the rest na hindi ko tinawag, pwede nang maka alis.
Class: *aalis yung mga hindi tinawag*
Prof: Alam niyo naman na siguro kung bakit ko kayo tinawag?
John: Hindi po Ma'am bakit po? *pa-inosente*
Mark: Baka may surprise si Ma'am para sa atin
Prof: Masusurprise ka talaga sa sasabihin ko
Matthew and Mark: (*mag tatawanan at apir*) Uy ayos yon!
Girls: *Nag pophone lang*
Prof: Bagsak kayo sa subject ko. Nag pa exam ako nung time na sabay sabay kayong nag cut.
Carrie: *nakatulala kay Matthew* (mag pplay yung chorus ng Mr. Right, tuloy yung page explain ni Prof pero
no words)
Prof: (*mapapatingin kay Carrie*) Ms. Balukbok! Nakikinig ka ba?
Carrie: Ay sorry Ma'am! May inaalala lang ako
Prof: Pasalamat kayo at medyo mabait bait pa ako, kailangan niyo i-take yung special exam kung hindi, di kayo
makaka graduate.
*Mag woworry silang lahat*
*Lights out*
SCENE 4: Classroom- (Mean Girls, 4DA Production)
Mark: Ang hassle naman niyang special exam na yan!
John: GG! Hindi tuloy tayo makapag walwal.
Girls: Hi Matthew! *kikiligin*
Mark: Lakas mo talaga sa mga chix pare.
Matthew: Di naman. Hassle nga eh.
Mark & John: Huh? Bakit?
*Production number: 4DA (Macho Gwapito)*
John: Par, tutal may Erin ka na, bigay mo na samin yung iba.
Mark: Oo nga. Baka naman!
*Lights out*

SCENE 5: Girls Drive/Shopping (Carrie, Erin, Ellie, Eila)


Ellie: Omg! Narinig niyo ba sila Matt? May pinag uusapan silang girl!
Eila: And from what I heard, mukang si Erin yun! Are you guys together na?
Ellie and Eila: *kinikilig*
Erin: Ano ba kayo! Don’t be too excited! I’m not yet ready for any commitments! Besides, anjan lang naman
lagi si Matt *matatawa*
Eila: Don’t be too harsh on him girl!
Ellie: True! Baka mamaya makahanap yan ng iba!
*Biglang pumasok si Carrie*
Carrie: Hey girls! Anong iba? Sinong makakahanap ng iba? Join niyo naman ako jan!
Erin: Never mind Carrie.
Carrie: Okay fine!
Erin: Mag shopping nalang tayo para sa Grad ball!
Carrie: (*magugulat*) Huh? uhm sorry kayo na lang muna. May lakad kasi kami ng mom ko eh.
Ellie: Ang corny mo naman girl. Dali na.
Erin: Oo nga, tara na!
Carrie: Hmm, sige na nga.
Eila: Let’s go go goooo!
*Tara lets Prod* cut at instrumental part
-Must portray during the song:
-Carrie – kunware nagsusukat din
-Girls – Shopping
-Props – Car, shops, dress, acces (nakabaliktad lang, then e haharap during the song)
Eila: O girl, saan na yung mga binili mo?
Carrie: Uhm, actually may susuotin na talaga ko for the ball. Binilhan ako ng Mom ko from Hong Kong.
Anyway, I need to go.
Erin: What? Bakit?
Ellie: Girl, we’re just getting started
Carrie: I really need to go! Meron pala akong need asikasuhin! Bye! *bababa ng car*
*Lights out*

SCENE 6: Coffee Shop (Carrie, Mary, Martha,Madam, Ethan, Max)


Carrie: *Nagmamadali magsuot ng apron* *Naglalakad from likod papuntang stage*
Mary:Uy Carrie! Lagot kay kay Madam! Kanina ka pa niya hinahanap!
Carrie: Umalis kasi kami ng mga friends ko, buti nalang nakisabay ako sa kanila! Kundi mag lalakad ako
papunta dito.
Martha: Nako! Galit na galit na naman yun! Nag uusok na naman yung…
Madam: Yes Martha? Di kita binabayaran para makipag chismisan! At ikaw Caridad! Late ka nanaman!
Carrie: Sorry Ma’am, marami lang ginawa sa school
Madam: Hindi mo pa suot ang ID mo! Ilang beses ba kitang kailangang pag sabihan? Umayos ka at baka
masisante kita ng di oras!
Carrie: Sorry na Ma’am *susuotin yung ID*
Madam: Ewan ko sa inyo! Mag si trabaho na kayo! –Exit-
-----------------------------------
Neo: *Playing the piano for background music sa coffee shop*
*Max and Ethan (usap and review in the back ground)*
Mary and Martha: *Nagtitimpla ng kape*
Carrie: *aayusin yung box ng may mga flowers*
Martha: Uy te! tulong tulong din!
Carrie: Ay wait lang! Aayusin ko lang tong mga bulaklak na to! Ang ganda kasi eh! sayang naman kung
itatapon!
Martha: Sino kayang nag iiwan ng mga yan noh?
Mary: Gawin mo nalang display! Patingin nga! *titignan* Uy may naka sulat din oh! Ano to? Proverbs 15:13 A
happy heart makes the face cheerful, But heartache crushes the spirit.
Martha: Ah mga bible verses!
Carrie: Nako! bagay yan kay Madam! Dapat happy ang heart niya para di siya mukang masungit
Martha, Mary, Carrie: *Mag tatawanan*
-----------------------------------
*Mary, Martha, Carrie - Preparing Coffee in the background*
Ethan: Max! Ayan yung crush ko oh! Ang ganda niya no?
Max: Si Carrie? Ka schoolmate ko yan eh! Nag wowork pala siya!
Ethan: Talaga? Mag ka school kayo!? Amazing! Daanan nga kita parati sa school mo!
Max: Talaga!? Ang sweet mo ah!
Ethan: Para makita ko si Carrie dun!
Max: Wow ah? Nakikita mo naman siya dito ah. Ano bang nagustuhan mo sa kanya? *Parang ilang and irita*
Ethan: Sobrang ganda kasi ng ngiti niya!
Max: Kaya ka pala araw araw nandito sa coffee shop! Hay nako! Maiwan na nga kita! May schoolworks pa ako!
Ethan! Wag mong kakalimutan na nag promise ka sakin na susunduin moko sa prom namin ah! Ethan mag
promise ka!
Ethan: Oo promise! Grabe ka! Talo mo pa girlfriend kung mag demand ha?
Max: Wala ka namang girlfriend! Bye na!
---- *Maiiwan si Ethan na naka titig kay Carrie *Intro ng Ngiti*
*Ethan will sing Ngiti - Ronnie Liang (Music video style, busy si Carrie sa background)
---- End ng Song
Carrie: *mag seserve ng kape kay Ethan, tapos matatapon kay Ethan yung Kape*
Ethan: Aray!
Carrie: Sorry po Sir! (*Natataranta, lilinisin yung table and makikita yung flower na may bible verse and
babasahin*) Sir! Kayo po pala ang gumagawa niyan?
Ethan: (*nagulat at naka tulala lang kay Carrie*) Huh? Ano nga yun? Sige bye nagmamadali ako!
Carrie: Hala! Kawawa naman si Sir! Natapunan ko pa
*Lights out*
*SCENE 7: Phone call voice over - (Balukboc Family, Carlo)
Mama: *cellphone ring*
Carlo: Hello? Tita?
Mama: Uhm, hello Carlo? Kamusta ka na?
Carlo: Okay lang naman po Tita, napatawag po kayo?
Mama: Ano kasi eh… uhm… ano eh…
Carlo: Ano po yun tita?
Mama: Medyo gipit kasi kami ngayon, mangungutang sana ako
*Mahuhuli ni Carrie na nangungutang na naman ang nanay niya sa pinsan niya*
Carrie: Mama! Ano nanaman yan Ma? Bakit ka nangungutang?
Mama: Sobrang kailangan na kasi!
Carrie: Hay nako Ma (*aagawin ang phone kay Mama at kakausapin si Carlo*) Hello, Carlo, pasensya ka na sa
abala.
Carlo: Okay lang naman, may extra pa naman ako dito!
Carrie: Hindi na Carlo, nakakahiya, salamat nalang.
Carlo: Ano ka ba Carrie! *Recorded song by Nigel-Wag ka ng Umiyak by Gary V chorus only*
Carrie: Oh sige na Carlo, maraming salamat nalang talaga. Kamustahin mo nalang ako kela Tita, bye.
*beep sounds*
Carrie: Ma naman, ginagawa ko naman lahat para di tayo magkulang. Saan po ba napupunta yung mga
binibigay ko? Kulang pa po ba? Sana sakin nalang kayo nagsabi para magawan ko ng paraan. Nakakahiya na
mangungutang ka pa sa pamangkin mo.
Mama: (*Umiiyak na*) Nakakahiya? Kung para lang sa ikabubuti ng Papa mo hindi nako mahihiya. Ibabalik ko
din naman pag naka luwag luwag na tayo. Carrie! Malala na ang sakit ng Papa mo! Kailangan na siyang
maoperahan! Critical na ang kalagayan niya!
Carrie: Ano!? Bakit ngayon niyo lang sinabi?
Papa: (*lalabas*) Pasensya ka na anak! Ayaw ka naming magulo sa pag aaral mo.
Mama: Berto! Bakit ka bumangon! Kaya mo na ba?
Papa: Okay lang ako, kaya ko. (*iinda ng konti*)
Carrie: Sorry po Mama and Papa! Tutulong ako! Wag kayong mag alala. Hindi nalang po muna ako sasama sa
gradball, ito po yung pera pang dagdag.
Mama: Salamat Anak, pero di kami papayag na mamiss out mo yung gradball
Papa: (*mag aabot ng regalo kay Carrie*) ito nga pala, advance graduation gift namin
Carrie: (*nagulat at tinanggap yung regalo*) Hala tay! Bakit nag abala pa kayo? Sana pinam bili niyo nalang ng
gamot. (*bubuksan ang regalong dress*).
Mama: Damit ko yan nuon, ni repair ko lang para maka sabay sa uso. Gamitin mo yan sa grad ball niyo ha?
Papa: (*iindahin yung sakit*) Aray!
Carrie: Pa! Magpahinga ka na!
Papa: Wag niyong papabayaan ang bawat isa ah! At lagi kayong magdadasal lalo pag nawala na ako
Mama: Wag ka nga mag salita ng ganyan!
Papa: Ang gusto ko lang, bago ako mawala, maipaalala ko sainyo na dumulog kayo parati sa Diyos
Carrie: Bakit ka ba ganyan mag salita pa?
Papa: Sabi ng Pastor na naka usap namin ng Mama mo sa ospital nung nag pa check up ako, wag daw tayo
mag alala dahil di tayo papabayaan ng Diyos kahit ano man ang mangyari.
Carrie: Pastor?
Mama: May naka sabay kasi kaming Pastor na mag papacheck up din nun sa ospital. Pinag dasal niya yung
Papa mo at yung pamilya natin.
Papa: Handa na nga ata ako mamatay eh, kasi naniniwala akong kapag tinanggap mo na si Jesus sa puso mo ng
buong buo, sakanya ako uuwi, sa langit.
Carrie: Pa! pwede ba wag ka muna mag salita ng ganyan.
*Lights out*
SCENE 8: Grad Ball -(students, Host)
Host: Thank you all for coming! Tonight we are going to celebrate in advance and pag tatapos ng another
milestone sa ating buhay! Bago niyo tuluyang iwanan ang school mag party muna tayoooo!
-Production-(Sumayaw, Sumunod by Vst & Co.) all casts
Host: Syempre! This night won’t end without some special surprises! Before we end, let us first announce our
King and Queen of the Night.
:For our King, drum roll please *drum roll* Matthew Garcia!
:And for our Queen, *drum roll*
*Si Erin mag fefeeling na siya tatawagin*
Host: Caridad Balukbok
Carrie: *shocked*
Carrie: Thank you! Thank you! (*haharap kay Matthew*) Congrats Matthew!
Matthew: Congrats Carrie! You look wonderful tonight!
Carrie: Talaga ba? Ikaw din! Actually lagi nga eh! Lagi kang gwapo! Crush nga kita eh!
Matthew: *magugulat*
Erin: (*hahawakan ang braso ni Matthew*) Congrats babe!
Carrie: Babe? Kayo na? Kelan pa?
Ellie: Girl huli ka na sa balita! Kahapon pa naging sila! Hello?
Carrie: Ah ganon ba? (*Aray nako song*) Sige mauuna na ako ah!
Eila: And where do you think you’re going? Let’s party!
Carrie: May work pa ako!
Erin: Huh? Work?
Carrie: Uhm! (*kamot sa ulo*) May flight ako with my Mom going to Singapore for our family business! Bye
girls!
*Lights out*
---------

SCENE 9: Coffee Shop (Carrie,Madam, Mary, Martha, Mean Girls, 4DA, Ethan)
Carrie: Nako late nanaman ako sa work! Ano nanaman kaya idadahilan ko?
Mary: Huy! (*gugulatin si Carrie*) Late ka na naman ah! Ano nanaman ba idadahilan mo kay Madam?
Carrie: Paulit ulit kaka sabi ko lang kanina? Galing kasi ako ng Gradball namin! At wag ka teh! Alam mo ba? Ako
yung queen of the night at king si Matthew yung crush ko *(titili at mag illusion, tapos malulungkot*) kaso
girlfriend na pala niya si Erin.
Mary: Mag work na nga tayo!
Carrie: (*mag momop ng floor, mahihiya*) Mary, may sasabihin pala ako
Mary: Ano yun?
Carrie: Lumalala na kasi yung sakit ni Papa. Pwede kaya ako mag cash advance kay Madam?
Mary: Oo naman! Kung kailangang kailangan naman talaga! Uy tignan mo tong customer na to! Araw araw
nandito!
Carrie: I know right? Siya nga yung gumagawa ng mga paper flowers eh!
Martha: Hi! Hello! Magwork na kaya kayo kesa mag kwentuhan!
Carrie: Ay! Kanina ka pa ba anjan?
---
*Habang nag mamop si Carrie, dadaan sa likod yung 4DA and yung Mean girls, mag aaya sa Coffee shop after
ng party*
Matthew: Tara coffee shop muna tayo bago tayo umuwi!
Erin: True! Let’s go out and chill lang muna before we go home!
Mark: Ayun! Let’s go! whoo
*Sound effects ng wind chimes sa door*
----
Carrie: Hello welcome to Starbox! (*magugulat kila Matthew and friends*)
Ellie: OMG Carrie? What are you doing here?
Eila: Akala ko ba nasa Singapore ka?
Erin: I told you guys already! I knew it! Sinungaling siya!
Ellie: *bubuhusan ng tubig*
Carrie: Wait lang! Mag papaganda muna ako bago mo ako basain!
Eila: Shut up girl! (*Ssprayan ng tubig at itutulak si Carrie*)
*Babagsak sa floor si Carrie*
*Pag tatawanan nila si Carrie*
Ethan: *Lalapit kay Carrie*
Madam: Kung mag sscandalo lang kayo dito, dun kayo sa kabilang coffee shop! Dun sa mga ka compitensya
ko! Dun kayo! Umalis na kayo! Dun kayo sa Coffee Beng! Wag kayo dito sa Starbox *(Chant: Happy to serve)
*Aalis na sila Matthew*
Ethan: May masakit ba sayo?
Carrie: Yung paa ko masakit
Madam: Umuwi ka nalang muna!
Ethan: Sasamahan na kita
*Lights out*

*SCENE 10: Garden: (Max *Prod, Ethan)


(*naka gown, tatawagan si Ethan*) (*phone ring*)
Max: Ano ba naman tong si Ethan! Nag promise sakin na susunduin ako wala padin.
Ethan: (*Voice over*) Hello Max?
Max: Huy Ethan! Nasan ka na? Tapos na yung prom! Diba susunduin mo ako?
Ethan: Hala Max! Sorry! May emergency kasi! Si Carrie inaway sa coffee shop alalayan ko lang pauwi
Max: Ha? Hindi niya ba kayang umuwi mag isa?
Ethan: Tinulak siya eh tapos bumagsak, bye na Max!
Max: (*titingin sa phone*) Wow! ngayon lang niya naka usap si Carrie tapos iindiyanin na niya yung best friend
niya for 8 years! Hay nako Ethan! dami mo pang hinahanap na ibang babae, nandito lang naman ako. 8 years
of friendship, and still, friend padin tingin mo sakin. (*Papaluin ang ulo at kakausapin ang sarili*) Hay Nako
Maxine, tumigil ka nga. Friends lang kayo, bawal ka mafall kasi friends lang kayo. Paano ba ako uuwi nito?
Nakakahiya pero bahala na!
*Jeep horn sound effects* *dadaan ang jeep*
Driver: Baka meron jan mag isa lang! Walang boyfriend, walang lovelife. Isa nalang lalarga na!
Max: Oo na ako na! Ako na mag isa! *sasakay sa jeep*
*Play Song: Limang Dipang Tao*
*Makikita ni Max si Ethan na inaalalayan si Carrie pauwi*
*Lights out*

SCENE 11: Park (Ethan & Carrie Moment)


Ethan: Okay ka lang ba?
Carrie: Oo naman (*tumitingin sa paligid ng nakangiti at huminga ng malalim*) Alam mo favorite ko ang place
na to, nakakauplift.
Ethan: *Ngumiti na na inspire*
Carrie: Since tinulungan mo naman ako kanina, okay lang ba na mag open sayo ng problems ko?
Ethan: Oo naman, makikinig ako
Carrie: Promise wag ka matatawa ha?
Ethan: Sure! *pero bungisngis at agad pinigilan*
Carrie: (*hinampas ang braso ni Ethan*) hmp!
Ethan: Sige na, nakikinig ako
Carrie: So ito nga, kasi parang ang bigat lang sa loob ko. Ang hirap makisabay sa mga kaibigan ko na mga
sosyal. Syempre kung ano ang trending, ayokong nahuhuli. Ang kaso kasi hindi naman kami mayaman tapos
may sakit pa ang Papa ko. May pag asa pa bang gumaan ang kalooban ko?
Ethan: Alam mo kasi, lahat naman tayo dumadaan sa pagsubok Iba iba sa bawat tao. Nasa saiyo nalang yan
kung pipiliin mong lumaban or susuko ka nalang. Ako, kahit nahihirapan ako nalalampasan ko padin yung mga
struggles ko.
Carrie: Talaga buti ka pa, ano ba ng secret mo at malalampasan mo yun ng madali?
Ethan: Simple lang. Have Faith in God. Walang imposible sa kanya, makakayanan mo ang problema kapag
kasama mo sya; Sabi nga nya Mahal nya tayo bago pa man tayo isinilang
Kaya nga sabi niya sa Matthew 11:28 “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang
nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan” May pag asa sa problema mo basta
magtiwala ka sa Kanya
Carrie: Teka! Parang nabasa ko na yan! Saan ko nga ba ulit to nabasa? (*mag iisip*) Ahh! sa coffee shop! Yung
mga bulaklak na ginagawa mo!
Ethan: Ah! (*magugulat at mahihiya*) Oo, isa yan sa mga sinulat ko dun.
Carrie: Grabe ang tiyaga mo gawin yung mga yun tapos iiwan mo lang sa table..
Ethan: (*mapapakamot sa ulo*) Ano kasi, may purpose kasi yun. Pero secret na muna!
Carrie: Ano? Dali na! Ang daya mo naman! Napag katiwalaan na nga kita sa secret ko kanina eh!
Ethan: Secret nga eh! Alam mo di na yun mahalaga.
Carrie: Ang daya mo naman!
Ethan: Ipag pray ko nalang yung struggles mo para maka bawi ako
Carrie: Ang daya mo talaga! Pero salamat ah! Ipag dasal mo lalo si Papa, na gumaling na siya. Yung simpleng
ubo niya lumalala eh. Ikaw Ethan? Ano ba’ng panalangin mo?
*Production ni Ethan and Carrie (Panalangin By Apo Hiking Society)
*Lights out*

SCENE 12: Classroom (Prof, students)


Carrie: *papasok sa classroom at makikita ang mga friends at bebeso sa kanila*
Girls: *iilag at iirap*
Prof: (*papasok*) Class are you ready for your Final Exam?
Class: Yes Maam!
Prof: Be ready and keep all your phones silent. (*inabot sa harap ang mga papers*) get one and pass
Class: *niligpit ang mga gamit at pinasok sa kani kanilang bulsa ang cellphone nila habang nagdidistribute na
ng mga exam at nag umpisa ng sumagot*
*Meanwhile, nag ring ang phone ni Carrie at tinignan nya at kaagad lumabas ng room para sagutin
Prof: Ms. Carrie!
Carrie: (*nagpapanic at nanginginig ang boses*) Opo papunta na po ako!! *kinuha ang bag at
nagmamadaling umalis*
*Lights out*
SCENE 13: Coffee Shop (Carrie, Mary, Martha, Madam, Ethan)
Ethan: *umoorder ng coffee*
----*Nagpeprepare ng coffee si Mary at umupo na si Ethan pero tumitingin tingin sa paligid na parang may
hinahanap na tao
Mary: *sinerve na ang coffee*
Ethan : (*Malumanay na nagtanong*) Absent ba si Carrie?
Mary: Hindi ko nga alam, wala man lang syang text o tawag *ngumiti kay Ethan sabay umalis at bumalik sa
cashier area*
---*Lumabas si Madam at tiningnan ang relo
Madam: Nasaan si Carrie, kulang na nga tayo dito umabsent pa sya
Mary: Try ko tawagan Madam
---*saktong pagkuha ni Mary sa cellphone nya bigla naman itong nag ring at agad niyang sinagot
Mary: (*cellphone ring*) nasan ka na? hinahanap ka ni Madam at Ethan, hindi mo man lang ako tinext o
tinawagan
Carrie: Sorry, hindi ako nakapagsabi sayo ang daming nangyari, 50/50 si Papa eh, nandito kami ngayon sa
ospital, bigla naming sya sinugod.
Mary: Naku!
Ethan: *Nagulat at parang gustong makibalita*
*Lights out*

SCENE 14: Hospital (Balukboc Family, Doctor)


---*Sinesave ng Doctor ang tatay ni Carrie. Kasama ni Carrie ang mga kapatid at nanay nya sa malayo habang
nag aalala.
---*Hindi nag work ang effort ng mga doctor at natuluyan na ang tatay sa pagkamatay
---*Dineclare ng Doctor ang pagkamatay at lumabas para iannounce
Mama: (*Nanginginig na sumalubong sa doctor*) Doc kumusta po? Ano pong balita?
Doctor: Sorry to tell you, kaya lang, hindi na po siya na revive
Carrie: *Naluluha at gustong magwala*
Crissa *pinipigilan si Carrie*
Carrie: Doc? Ginawa nyo po ba ang lahat? Bakit nyo po sya pinabayaan?
Doctor: Hindi po naming sya pinabayaan, we did all our best for him to survive kaya lang nanghina na ang puso
nya.
*Nangatog ang mga tuhod nila at nag iyakan sila*
SCENE 15: Park (Carrie & Ethan)
---*Mag isang pumunta sa park si Carrie at umiiyak
Carrie: (*Tumingala*) Sabi mo mahal mo kami, sabi mo mapapagaan mo lahat ng problema ko, bakit ganon
pinabayaan mo ang tatay ko? Bakit mo sya kinuha sa amin? Bakit ka ganyan? Hindi ako naniniwalang
mapagmahal ka!!
---*Ethan papasok sa eksena
Ethan: Carrie!
Carrie: *Tumingin sa likod nya*
Ethan: (*Lumapit kay Carrie*) Bakit mo sya kinukwestyon?
Carrie: Sabi mo mahal nya tayong lahat? Bakit parang may favoritism sya? Bakit sayo okay sya bakit sa akin
hindi?
Ethan: May dahilan si God kung bakit ito nangyayari
Carrie: Wala kang alam, palibhasa hindi ka pa namamatayan
Ethan: Carrie, namatayan din ako ng pinakamamahal kong tao at masakit sa akin yon.
Yung taong yon ang nakakaunawa sa akin ng sobra at dumating din sa point na kinwestyon ko si God.
Pero inaalala ko ang pangako nya sa atin; Kapag tinanggap natin si Hesukristo na anak Niya maliligtas tayo.
Diba sabi mo madasalin ang tatay mo at tinanggap niya si Hesus
Carrie: Oo
Ethan: Hindi mo kailangang mag alala dahil siguradong sa langit siya pupunta at makakapiling nya si God
Carrie: (*Nahihiya at nagpunas ng luha*) Sigurado ka bang makakapiling nya si God?
Ethan: Oo, dahil mapagmahal sya at mapagpatawad. Imbis na magalit ka kay God, ipag pray mo na bigyan ka
niya at ang pamilya mo ng lakas para harapin ng matatag yung pinag dadaanan niyo.
Carrie: *Hindi nakayanan ang hiya at napaupo na lang sa ground*
Ethan: *Sinasapo ang likod ni Carrie para mapagaan ang loob habang*
Carrie: *Naiiyak na ng husto*
*Lights out*
SCENE 16: Phone call from Ethan
--*After ng burial ng tatay ni Carrie*
Ethan: (*Phone ring*) Carrie Nakauwi nako.
Carrie: Salamat sa pakikiramay Ethan.
Ethan: Kamusta ka na? Nakauwi ka na ba?
Carrie: Dito muna ako sa puntod ni Papa, gusto ko lang muna mapag isa
Ethan: Ganon ba? Wag kang mag papagabi ha? Nagtatampo ka pa ba kay God?
Carrie: Hindi ako nag tatampo, pero nalulungkot padin ako. Pinanghahawakan ko yung sinabi mo sakin na
hinding hindi ako pababayaan ni Lord.
Ethan: Tama yan, pero wag ka lang sa sinabi ko magrely. Have faith in God, yung prayer mo na pagalingin ni
Lord yung Tatay mo, sinagot ni Lord yun. Nasa heaven na ang Tatay mo ngayon kaya I believe totally healed na
siya.
Carrie: Oo, Salamat sa mga paalala mo.
Ethan: Okay lang ba sayo na isama kita sa church namin? Magworship tayo?
Carrie: Sige, susubukan ko.
SCENE 17: Restoration at Church (Sister, churchmates, Carrie)
---*After ng worship service pinakilala ni Ethan si Carrie sa mga kachurchmates at kinamayan at niyakap nila si
Carrie isa isa.
*mag aassemble ng chairs paikot at magsheshare lahat ng testimony*
Sister: Hi Carrie, welcome sa church. Condolence nga pala. Naikwento ni Ethan samin ang nangyari. Wag kang
mag alala, nandito lang kami para ipag pray ka. Kamusta ka naman after ng lahat ng nangyari?
Carrie: Hindi ko po alam ang sasabihin ko, sa totoo lang po nalulungkot ako, hindi pa po ako makamove on sa
pagkamatay ni tatay
Sister: Ganun ba? I know mahirap, pero minsan hinahayaan ni Lord na dumaan tayo sa ganitong situation para
mas maexperience natin ang pagkilos Niya sa buhay natin. He will turn your sorrow into joy. Just have a strong
faith and you will be amazed sa gagawin ni Lord.
*Nag pray sila para kay Carrie habang si Carrie ay umiiyak*
---
After ng prayer
Carrie: Thank you po ha, ngayon po naintindihan ko na nasa mabuting kalagayan ang tatay ko. At higit sa lahat,
naiintindihan ko na po ang lahat. Narealize ko na I need Jesus in my life. Without Him I am dead. Dead in spirit.
Salamat po sa mga prayers at paalala niyo.
-*Niyakap sya nilang lahat*
*Lights out*
SCENE 18: Classroom- Announcement ng Graduation (students, Prof)
*Class bell ring*
Class: Goodbye Ma'am!
Prof: Congratulations batch 2019 graduates! See you at PICC! *exit ng room*
Class: *mag lilipgpit and aalis* *Mahuhuli yung mean girls and si Carrie*
Erin: Carrie!
Carrie: *mapapatingin sa Mean girls*
Ellie: Can you please stay for a while?
Carrie: Ah! Oo naman sige, bakit?
Erin: Gusto kasi naming mag-apologize sa mga nagawa namin sayo before. Alam ko na naging insensitive
kami. And also, condolence din pala.
Carrie: Thank you ah! Wala nalang yun sakin. I hope you can forgive me too. Gusto ko lang naman talaga kayo
maging friends.
Eila: We can still be friends naman! Just promise na no more secrets na!
Erin: Kamusta ka na after everything?
Carrie: Okay naman! It’s still painful pero I put my faith and trust on God. No matter what happens, I know
kasama ko siya. Alam niyo ba! May nameet ako sa coffee shop na guy, and siya yung tumulong sakin para mas
makilala ko si Lord. Nung time na namatay si Papa, sinamahan ako ng guy na yun, si Ethan.
Ellie: Wow, ipakilala mo naman kami kay Ethan.
Carrie: Hahaha, tara sumama kayo sakin sa church!
SCENE 19: Carrie’s devotion time with the Lord
Carrie: (*Enter stage*) Haay, nakakapagod mag ayos ng requirements! But thank you Lord for this day. Time to
read my bible! (*Inopen ang bible and Nag susulat*)
*set up: table and chair*
*Voice over, in a devotion/sharing way while nag susulat si Carrie
Bible Verse: Matthew 11: 28 “Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.
*Mapapatingin sa taas* Lord tulungan niyo ppo ako intindihin itong salita Ninyo. Ano po ba ang inyong
mensahe? *Mag uumpisang susulat*
-Lahat ng tao ay may pinag daanang problema at kabigatan sa mundo, ngunit ang sino man ang lumapit sa
Panginoon ay bibigyan Niya ng Kapahingahan. Maraming beses sinasarili natin ang mga problema natin at
nakakalimot tayo tumawag ng tulong kaya mas lalo tayong nalulugmok sa kabigatan ng mga pinapasan nating
problema. Pero ang Diyos ay sobrang mapagmahal dahil hindi niya hahayaan na buhatin natin ang mga
pansanin natin mag isa. Ngunit gusto Niya na tayo’y lumapit sa kanya at tayo’y tutulungan niya.
*Start Prayer* Habang nananalangin siya, e paplay ang video
*insert prayer* background song: Still
Dear Jesus,
Salamat po at Kayo ang tumulong sa akin sa panahong hindi ko na alam ang aking gagawin. Mga panahong
punong-puno ako ng kalungkutan, kalituhan, kawalan ng pag-asa, at pag luha. Hindi Mo po ako iniwan, at ako
ay inalalayan Mo kasama ang aking buong pamilya. Kayo ang naging aming sandigan, kalakasan at
kapayapaan. Totoong totoo ang mga pangako Mo na lumapit kami, kaming mga napapagod at nabibigatang
lubha at bibigyan Mo kami ng kapahingahan. Sa Inyo namin natagpuan ang totoong kasagutan sa panahon ng
bagyo ng buhay. Salamat po Panginoon sa kaligtasan, sa kapayapaan at sa kagalakan. Hinugasan Mo ang
aming mga kasalanan ng Inyong banal na dugo at ang Iyong nga salita ay nagbigay sa amin ng katatagan at
pag-asa. Alam naming may langit na nakalaan para sa amin. Muli naming makikita at makakasama ang
aming tatay sa piling Mo. Salamat po, Ikaw ang aming Diyos, Panginoon ang aming buhay. Amen

SCENE 20: Graduation day (Balukboc Family, Ethan)


Carrie: Ma, thank you po ha
Mama: Tungkol saan, nak?
Carrie: Sa pag aalaga sa amin ni Crissa.
Mama: Ikaw talaga, syempre responsibilidad ko kayo. Ako nga dapat itong mag pasalamat sayo kasi
nagtatrabaho ka para sa atin ng Papa mo. Kaya lang namatay na sya. Kung buhay lang sana sya ngayon,
matutuwa iyon na nakagraduate ka na
Carrie: Wag ka na malungkot nay. Nalampasan natin to kasi hindi tayo pinabayaan ni God
Mama: Oo nga nak, naniniwala naman ako.
Crissa: Ano ba yan! Walang mag iiyakan! Papanget lalo si Ate
Carrie: Loka ka talaga! Hay! Hindi ko akalaing mapapasama ako sa graduates. (*sisigaw*) Thank you Lord!
---*Ethan nakita sila carrie kasama ang nanay kaya nilapitan nya ito
Carrie: Uy Ethan! Nakarating ka pero late na!
Ethan: Sorry! Alam mo naman na may tinapos pa akong gawin sa church.
Mama: Ehem
Carrie: Ma, si Ethan po. Siya po yung nakukuwento kong kaibigan ko na nag dala sakin papalapit kay Lord.
Dumating siya nung libing ni Papa, naalala mo ba?
---*Ethan mag mamano-
Mama: Naku! Malilimutin na ata ako. Pero salamat sa pakikiramay. at salamat sa mga shineshare mo kay
Carrie, mas lalo akong tumatatag pag nakikita kong nagiging matatag ang mga anak ko sa pagsubok.
Ethan: (*nakipag kamay*) Hello po tita, walang ano man po. Ang lagi ko lang naman pong pinapaalala kay
Carrie ay yung wag na wag niyang kalilimutan na mahal na mahal siya ng Panginoon kahit may pag subok man
siyang pag daanan.
Mama: (*Ngumiti at nakipag kamay*) Thank you nak.
Carrie: Ma, usap lang po muna kami ni Ethan
Mama: Sige Nak.
---Lights out

SCENE 21: COFFEE SHOP - ENDING ( Carrie & Ethan)


--*Background song: (Instrumental) Tagpuan-Moira*
Ethan: Ano ba to Carrie? Ikaw nga ang e tetreat ko ngayon diba? Bakit ako yung may surprise?
Carrie: Ang dami mo namang sinasabi! Wag kang sisilip! (*papalapit kela Ethan, dala yung inipon niyang
flowers na gawa ni Ethan, ilalapag sa table yung box ng flowers na gawa ni Ethan*) OKAY NA BUKSAN MO NA
MATA MO!
Ethan: (*magugulat*) Inipon mo yung mga gawa ko?
Carrie: Oo naman no! Ang laking tulong kaya ng mga bible verses na sinusulat mo jan.
Ethan: Talaga? Sige nga! Anong favorite mo jan?
Carrie: Ah! ito! (*Hahanapin*) Matthew 11:28 “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at
lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan” Ayan yung sinabi mo sakin
nung nasa park tayo. Tuwing nahihirapan ako, tuwing napapagod ako sa lahat ng mga responsibilities ko sa
buhay, tuwing nawawalan ako ng pag asa, inaalala ko lang na lumapit kay Lord at humingi ng tulong mula
sakanya. Kasi alam ko naman na hindi niya ako pababayaan.
Ethan: Amen Pastora
Carrie: (*Matatawa*) Bakit ba ang dami mong ginawang ganito?
Ethan: Wala lang, nakikita ko kasi na napapagod ka na sa work niyo kaya nag iiwan nalang ako ng flower na
may bible verse para ma encourage ka and yung mga kasama mo. Diba nakaka alis ng pagod pag nakakarinig
ka ng salita ng Diyos!
Carrie: Tama! Ethan, thank you nga pala ah!
Ethan: Para san?
Carrie: Sa mga bulaklak na to, lalo na sa pag share mo sakin about Jesus. Kung di ko siguro nakilala si Lord agad
baka nawindang na yung buhay ko at ng pamilya ko.
Ethan: You’re welcome, it’s my pleasure. Basta wag mong kalimutan na laging basahin ang bibliya mo at mag
dasal ka. Wala tayong ibang pang huhugutan ng lakas at gabay kundi sa Diyos lang.
Carrie: Salamat talaga!
Ethan: Carrie...*biglang natorpe*
Carrie: (*Nagtaka*) Oh napano ka?
Ethan: May aaminin sana ako sayo
Carrie: Ano yon? *tumitingin sa likod ni Ethan*
Ethan: (*Inabot ang flowers na kanina pang nasa likod*) I admire you. (*nahihiyang binanggit*)
Carrie: (*Kinikilig*) Wow! totoong bulaklak na! Ano ibig sabihin nito?
Ethan: Pwede ba akong manligaw sayo?
*magtititigan sila Ethan and Carrie*
*play ng buong kanta ng Tagpuan-Moira*
■ END

You might also like