You are on page 1of 8

Dakilang Layunin ng Panlipunan:

Kabutihang Panlahat
GROUP 3 (9 ARC)
(Leader: Erin Pena)
Members:
Erin Pena
Justine Joi Garcia
Chloe Cabalquinto
Trisha Laganga
Edward Joseph Dela Cruz
Johann Flores
John Alfred Magpantay
Juan Carlo Bernabe
Franzen Sotto

Magandang araw sainyong lahat! ako nga pala si Erin Peña mula sa
GROUP 3 ng Grade 9 St. Joan Of Arc. At ngayon ay naghanda kami ng
isang Roleplay. Ito ay ang Unang Proyekto sa ESP na may pamagat na
“DAKILANG LAYUNIN NG PANLIPUNAN: KABUTIHANG
PANLAHAT” Tara na at ating simulan.

(MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN)

Narrator: Umagang Umaga sa kanilang bahay ay naguguluhan ang


isipan ng batang nag ngangalang si Carlo. Siya ay papasok na sana sa
eskwela pero tila may bumabagabag sa kanyang isipan

Carlo: Hayyy buhay.. papasok pa ba ko? parang napapagod na ko sa


palaging pag pasok sa paaralan. Nakakasawa na.

Narrator: Patuloy na umarte si Carlo hanggang sa siya ay na late na


sakanyang paaralan. Sa kanyang pag alis habang siya ay naglalakad,
nakasalubong niya ang kanilang kapitbahay na si Johann.

Carlo: Magandang umaga po tiyo..

Johann: Oh bakit ngayon ka pa lamang aalis? diba alas syete ang iyong
pasok?
Carlo: Ahh…ee..ehh oo nga po hehe, nahuli lang po ng gising.

Johann: Ay ganon ba, sige mag iingat ka iho.

Narrator: Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na ng paaralan si


Carlo. Siya ay hingal na hingal sa pagmamadali papunta ng paaralan.
Kaya naman siya ay pagod at kinakapos ng hininga.

Carlo: Ano ba naman yan, sana pala pumasok na lang ako kaagad.
nakakapagod

Narrator: Dire-diretso si Carlo na pumasok ng Gate habang ang gwardya


ay hindi nakatingin. Ngunit pag lingon nito ay nakita niya si Carlo.

Alfred: Bata bata, late kana.. kailangan mong mag intay bago sila
matapos mag dasal.

Carlo: Di po ba pedeng makalusot?

Alfred: Ay hindi pede yan, kailangan niyong matuto sa mga pagkakamali


niyo.

Carlo: Pasensiya na po kuya..

Alfred: Sa susunod gigising ka ng maaga.. sanayin mo ang sarili mo.


Magsipag ka hangga’t bata ka pa.

Carlo: Opo, Salamat po kuya guard.

Narrator: Halata sa mata ni Carlo ang pagsisisi na kanyang ginawa sa


kanyang sarili. Sa lahat ng bagay ay mayroon tayong kalayaan magsalita,
gumawa, at kumilos. Nasa ating mga kamay na lamang ang lahat ng
desisyon na ating gagawin.

Carlo: Pangako ko sa aking sarili na hinding hindi na muli ako gagawa


ng ganoong bagay. Mas pinahirapan ko lamang ang aking sarili..

Narrator: Lagi nating tatandaan na walang taong nagsisi sa umpisa..


lahat tayo ay biniyayaan ng kalayaan upang magawa natin ang ating mga
gampanin sa buhay. Panaigin natin ang kabutihan kaysa sa kasamaan.
Dahil kailanman ay walang masamang nag tagumpay sa mundong ibabaw.
(PAMAYANAN)

Narrator: Ika - 10 ng Hulyo 2023, Fiesta sa Barrio Tahimik. Nagtipon


tipon ang mga Tao sa pamayanan upang pag usapan ang mga gagawin sa
nalalapit na kapistahan.

Johann: Oh mga kapitbahay halina kayo at para mapag usapan na natin


ang gagawin sa pyesta

Justine: Nako! excited na nga ako, tiyak na marami na naman ang


pagkain na lulutuin ng kumare ko

Trisha: Ako ang bahala sainyo, sisiguraduhin ko na hindi kayo


magugutom.

Johann: Ano nga ba muna ang gusto niyong gawin?

Edward: Pano kaya kung lagyan natin ng bandiritas ang ating istreet,
upang mas gumanda at maging aliwalas. ano sa tingin niyo?

Justine: Oo nga, Oo nga! para damang dama natin ang pyesta, ngayon na
lang din kasi tayo ulit nag plano ng engrande.

Chloe: Mag plano din tayo ng mga palaro mga mare at pare, para pati
ang mga bata ay mag enjoy.

Johann: bandiritas, palaro, pagkain, ano pa kaya?

Trisha: Mag patugtog din tayo ng musika para naman hindi lang ang
mga bata ang matutuwa, mukhang pati tayo rin.

Johann: Kumpleto na lahat! bukas na bukas ay mag aayos na tayo.

Alfred: Magandang araw po!

Edward: Oh pare nandyan ka pala

Alfred: Pasensiya na kayo at wala kaming pera sa ngayon, ang


pamilyang magpantay ko na lamang ang bahala sa paglilinis pagkatapos
ng pyesta
Justine: Wag mong alalahanin iyon.. bukal sa aming puso ang
pagpapatuloy ng tradisyon na ito. Kaya naman masaya kami na tayo ay
magkakasalo salo.

Alfred: Nako, Maraming Salamat ha..

Narrator: Kinabukasan ay napaka agang gumising ng mga tao sa barrio


tahimik. Ala sais pa lamang ay abala na sila sa pag aayos para sakanilang
pyesta.

Edward: Pre, maayos na ba yung pagkakabit mo diyan

Johann: Oo, mahigpit na to kabitan naman naten yung isa

Chloe: Mare ano ang mga lulutuin mo sa pyesta

Trisha: Balak ko nga sana bumili ng Lechon, para naman espesyal at


matuwa ang lahat.

Justine: Tama ba yung narinig ko? Lechon?!!


mukhang mapaparami ako ng kain ah

Chloe: mukhang pinaghandaan ni kumare ang okasyon na ito

Trisha: ako ang bahala sainyo, malakas kayo sa skin.

(Habang nag kukwentuhan ang magkakaibigan ay unti unti na nilang


nabubuo ang kanilang mga inihanda para sa nalalapit na pyesta)

(Magbabandang hapon ay natapos na din ang mga tao sa barrio tahimik,


hindi kapanipaniwala ang naging resulta ng mga ito)

Justine: Wowww! grabee! napakahusay niyo talagang gagawa mga


kumpare, napaka pulido.

Alfred: Ang ganda noh aakalain mo bang halos buong maghapon lamang
ginawa yan

Johann: Kung hindi dahil sa ating pagtutulungan at kooperasyon ay hindi


magiging posible ang lahat ng ito.
Narrator: Tama!! dahil isa ang pagkakaisa, pagkakasundo, at mabuting
pakikipagpag ugnayan sa ibang tao. Ipinakita ng mga lokal sa barrio
tahimik ang kanilang pagkakaisa kung kaya naman sila ay nagkaroon ng
magandang resulta.

(SARILI SA LOOB NG LIPUNAN)

Narrator: Panibagong umaga na naman ang bumungad sa mga tao sa


Komunidad ng Barrio Tahimik.. Ngunit may isang tao na hindi pa man
tumitilaok ang manok ay gising na siya.. Sino nga ba ang taong yon? Tara
at ating tuklasan

Franzen: (nag iinat) Umaga na naman, ano naman kaya ang pede kong
gawin ngayon.

Narrator: Sambit niya habang ang oras ay Alas kwatro pa lamang

Franzen: (Umiinom ng kape) napaka sarap talaga humigop ng mainit na


kape sa gantong oras. Teka at matawagan muna ang pare. (kunwaring
may tinatawagan sa telepono)

Narrator: Hindi lang siya, dahil may katuwang siya sa paggawa ng


kaniyang tungkulin.

Edward: Pree! nag kape kana?

Franzen: Oo kakatapos lang, ikaw kape?

Edward: Salamat, kakatapos ko lang din.

Franzen: Oh paano simulan na ba natin ang paglilinis?

Edward: Tara, para maaga din tayo makayari.

Narrator: Ginagawa ni Franzen ito halos araw - araw, kung minsan


naman ay sumasama ang kanyang kaibigan na si Edward. Ito ang
kanilang bonding na mag kaibigan.

Franzen: Pano kaya kung mag lagay tayo ng mga malalaking basurahan
diyan ano?
Edward: Pede, pede.. para ma practice na din naten sila kung paano nga
ba ang tamang pagtatapon ng basura.

Franzen: Oo magandang idea nga yan.

Narrator: Tumungtong ang Ala sais ng umaga at natapos din ang


magkaibigang Edward at Franzen sakanilang isinagawang general
cleaning sa buong barrio.

Franzen: Ang sarap pagmasdan ng malinis na kapaligiran..

Edward: Sinabe mo pa.. napaka aliwalas

Franzen: Totoo, kaya hindi rin talaga ko nagsasawang maglingkod sa


ating pamayanan kahit na walang bayad.

Narrator: At doon nag tapos ang kanilang pagsasaayos ng kanilang


pamayanan, nagpapakita ang kanilang mga sarili
kung paano nga ba tayo gaganap bilang mga tao sa isang komunidad.

(KAIBIGAN)

Narrator: ika- 24 ng Disyembre magtatanghali, abala ang lahat ng tao sa


barrio tahimik dahil sa Noche Buena mamayang gabi.

Justine: Tiyak na tataba na naman tayo neto

Johann: Sinabe mo pa.. sandamakmak na pagkain na naman ang ating


kakainin

Edward: Ayos lang yan minsanan lang naman haha

Justine: Tama tama!! pero teka nakita niyo ba si kumpareng Alfred?


parang di ko pa siya nakikitang lumalabas.

Edward: Di ko pa din napapansin, nasaan ba?

Johann: Puntahan ko kaya sa bahay nila..

Edward: mabuti pa ngaa, silipin mo lang


Narrator: Pinuntahan ni Johann si Alfred sakanilang tahanan at nadatnan
niya ito na lugmok na lugmok.

Johann: tok! tok! tao po..

Alfred: Sino yan?

Johann: yung nag iisang mabait sa barrio tahimik.

Alfred: ay! kumpare andyan ka pala, bat ka naparito

Johann: eh napansin kasi namin na di ka lumalabas ng bahay, may


celebration pa naman mamaya.

Alfred: pasensiya na andami ko din kasi iniisip

Johann: tara sa labas para may kausap ka

Narrator: Dinala ni Johann si Alfred sakanila Justine, Edward, Trisha, at


Chloe

Chloe: oh kumusta alfred, nag aalala kami sayo ni hindi ka nag


paparamdam

Trisha: Oo nga, bakit di ka lumalabas

Alfred: Nako pasensiya na talaga kayo sa dami ng iniisip ko di ko na


alam ang gagawin.

Edward: Ano ba iyon? baka sakaling matulungan ka namin.

Justine: Kami ang bahala sayo wag ka mag alala

Alfred: Hindi kasi sapat yung kinita ko sa trabaho noong isang linggo,
wala manlang akong maihahain sa aking pamilya.. kaya nahihiya akong
humarap sainyo.

Justine: Ano ka ba!! ako na ang bahala dyaan. ipag oorder ko kayo ng
pagkain mamaya

Trisha: Ano ba ang paboritong laruan ng anak mo?


Alfred: nako nakakahiya na sainyo…

Trisha: Ayos lang yon ano ka ba, ako na lang ang bahalang pumili.

Edward: Sa susunod wag ka mahihiyang mag sabi sa amin. Pamilya tayo


dito magtutulungan tayong lahat kung sino man ang may problema.

Alfred: Maraming salamat sa inyoo..

Narrator: Maluha luhang sambit ni Alfred, Sa buhay kinakailangan din


ng mga taong maaasahan at mga taong magmamahal satin ng totoo. nasa
taas man tayo ng buhay o nasa pinakamababa dapat ituring mo pa din
silang mga kaibigan.

Muli kami ay ang group 3 mula sa 9 - St. Joan of Arc, sana ay


naaliw at may natutunan kayong mga aral sa aming mga itinanghal.
Salamat sa Pakikinood! Paalam.

You might also like