Professional Documents
Culture Documents
CHARACTERS
Giro - kara
Angela - analyn
Fame - rose
Jojo - berto
Jude - dio
Khamille - aimee
Ayisha - narrator
Narrator: Stuttering o childhood-onset fluency disorder ay isang mental disorder na kung saan and tao
ay nahihirapang magsalita at ipahayag ang nais nitong sabihin. Alam ng mga taong nauutal kung ano ang
gusto nilang iparating, ngunit nahihirapang sabihin ito. Isang porsyento lamang ng tao ang tinatamaan
ng ganitong disorder at isa na rito si Kara.
Narrator: Si Kara ay isang masiyahin at mapagmahal na anak. Si Berto, ang kanyang ama ay isang
lasinggerong walang pakialam sa lahat ng tao bukod sa sarili niya, habang si Analyn, sa kabila ng
papankit sakanya ng kanyang asawa ay pinipiling tiisin ang sakit para sa kapakanan ng kanyang anak.
Narrator: Pagkapasok ni kara sa paaralan, sinalubong siya ng kanyang matalik na mga kaibigan na si chin
at rose.
Dio: hoy, kara may debate tayo sa ESP next month diba? Pano ka, kara? (umakbay)
Kara: o-o-oo, k-kaso bak-ka pakikiu-usap-p-pan k-ko si m-maam na i-iba nal-lang i-p-pagawa sa a-akin
Narrator: Sa isang istorya kung mayroong bida, hinding hindi mawawala ang mga pabida. Ngunit,hindi
ito pinapansin ni kara bagkus ay nginingitian na lamang niya ito. Matalino at matulunging bata si Kara,
teacher’s pet kumbaga. Kaya hindi na sorpresa na mababit din sakanya ang iba niyang mga kamag-aral.
Narrator: Pagkauwi niya ng bahay, may masayang ipapahayag sakanya ang kanyang ina. (May dalang
bag)
(Pagpasok ng bahay)
Ana: kara, anak? Kamusta ang iskuwela? Inaasar ka nanaman ba nila ella at aimee?
Ana: Oo, tsaka na natin pagusapan, anak. Magayos ka na ng gamit mo para makapagpahinga ka na.
(lalabas ng room)
Next scene:
Aimee: Guys, sure ba kayong isasali natin sa group si Kara next week?
Ella: Oh right! Paano kung sya yung maging cause kapag natalo tayo?
Dio: Magsitigil nga kayo, ella at aimee ha. Tandan niyo, si kara ang tumutulong sainyo pag wala kayong
masagot sa exam.
Ella : Whatever
Narrator: Sa kabila nang pagiging masayahin at matulungin ni Kara, marami itong kinakaharap sa buhay
lalo na sa kamay ng kanyang ama.
Berto: Ano ba naman yan ana palagi na lang walang ulam anong klaseng buhay naman to
Ana: aba berto tanungin mo kaya yang sarili mo at maisip mo kung saan mo ginagastos yan pera na
pinagiipunan ko
Berto: palagi na lang yan inaangal mo, ito nga nagsislbing libangan ko
Berto: isa ka pa nakakahiya ka, wala kayong dulot na maganda sa buhay ko, BWISET!
Berto: Bakit ha? sino ba nagsabing kinikilala ko yan bilang anak ko?
Narrator: sinasaktan at pinagsasalitaan ng masasakit ganto ang nagiging takbo ng buhay ni Kara tuwing
umuuwing lasing ang kanyang tatay, kaya't walang magawa ang si Kara kundi umiyak habang naririnig
lahat ng salitang binibitawan ng kanyang ama.
Narrator: Sa kabila ng kanyang kahinaan sa pagsalita, nadadama ni Kara ang masamang trato mula sa
mga nakapaligid sakanya. Ngunit, sa kabila ng lahat, nananatili siyang matatag at may layunin na
makatulong sa kabila ng kanyang sariling laban sa takot at pangungutya. patuloy na buo ang kanyang
determinasyon na baguhin ang sarili at ang mundo sa kanyang munting paraan. Sa paglipas ng mga
araw, unti-unti ring napansin ng ilan ang katatagan at kabutihan ni Kara. May mga kaklase siyang
nagbago ang tingin sa kanya at nagsimulang suportahan siya.
Narrator: Walang gana at badtrip na umuwi si Berto sa kanilang bahay matapos matalo sa sugalan at
walang pambayad para rito.
Berto: Pwede ba, Ana? ‘Wag mo muna akong inisin ngayon. Badtrip na nga yung tao e, paka-walang
kwenta naman.
Narrator: Nang pumunta si Berto sa kanilang silid upang matulog dahil sa inis, may nakita siyang isang
kahon at binuksan ito nang siya ay mausisa.
Berto: Pera? Saan naman kaya ‘to nanggaling? Pwede na siguro ‘to pambayad. (nagtitingin-tingin nang
paligid)
Narrator: At kinuha na nga Berto nang patakas ang perang naipon ni Kara na tulong din ng kanyang mga
kaklase para sa kanyang speech therapy upang ipambayad sa sugal.
Kinahapunan, nang makauwi si Kara galing eskwelahan pati na rin ang kanyang ina na nanggaling sa
trabaho, napansin ni Kara na wala na ang perang naipon niya sa lalagyang kahon.
Ana: ANO?? (tiningnan ang kahon) HINDI PWEDE, ANAK GAGALING KA NA EH. B-BAKIT KAYLANGAN
PANG MANGYARI ITO!
Kara: maram-ming salamat s-sainyong laha-at, a-at kay lord na g-gumabay satin. H-hindi pa ako m-
magaling pero unti unti ak-o-ong umaayos. Salamat sa suporta, dio… rose…
Dio: Ang galling mo na, kara! Ang laki na ng pinagbago ng daloy ng pagsasalita mo
Rose: Masaya kami para sayo, miss ka na ng mga kaklase natin. At alam mo ba, si ella at aimee na touch
din sa story mo! Ayon, nag donate din
Narrator: Sa bawat pagsubok, laging may pag-asa. Sa bawat hamon, natututo tayong lumaban at
bumangon. Manalig sa diyos at laging piliin ang kabutihan.