You are on page 1of 4

GROUP 2 PHILOSOPHY

Si Seleira ay bunso sa kanilang magkakapatid, she is a spoiled brat and because she has a wealthy
family, she can get anything she wants. She’s a spoiled brat but a crying baby. She has the softest heart
sa kanilang tatlong magkakapatid. Si Sienna ay ang pangalawa sa kanilang magkakapatid, kabaliktaran
naman ng ugali nya si Seleira, si Sienna ay kahit lumaki sa mayamang pamilya lahat ng bagay na gusto
nya ay sinisigurado nya munang magagamit nya ng pang matagalan, lahat ng sentimo ay mahalaga sa
kanya dahil alam nya kung pano ito pinaghirapan ng kanilang mga magulang. Si Sienna ay laging napag
sasabihan ng mga problem ni Seleira madalas syang umiiyak sa kanyang ate dahil lang sa mga simpleng
bagay, madalas ay natatawa nalang sa kanya si Sienna.

Sienna: Our princess is still a crying baby. Natatawang aniya.

Seleira: Ate naman e, I hate you na! Nagtawanan silang dalawa

Si Strevan naman ay ang kanilang kuya, sya ang tagapag tanggol nang dalawa, hindi nya hinahayaang
masaktan ang kanyang mga kapatid sa kahit na anong bagay. Dahil sya nga ang nag iisang lalaki,
tinuturing nyang Prinsesa ang kanyang mga nakakababatang kapatid

Strevan: Captain Strevan to the rescue! Pabirong anito at nakataas pa ang kanang kamay na parang si
Superman natatawa syang lumapit sa mga kapatid at inalo din si Seleira

Mag sa-summer nanaman, ang mga pami pamilya ay busy dahil sa kani kanyang mga family outings. At
ang pamilya ni Seleira ay kada taon ding nag lalaan ng araw para makapag bakasyon silang buong
pamilya.

Seleira: Daddy! Mommy! I am looking forward to Palawan, gusto ko pong pumunta doon at makapasyal
sa iba’t ibang magagandang Isla doon. Excited na aniya

Daddy: Ok anak, consult your siblings first, at kapag napag desisyonan nyo na ay kami ng bahala ng
mommy mo.

Seleira: Yes Daddy, Thank you!

Daddy: Anything for you anak.

At sumang ayon naman ang dalawa nitong kapatid tila excited din, gaya ng pananabik ni Seleira na
makarating doon.
Summertime

Seleira: Kuya! Ate! pangungulit na tawag niya.

Strevan: Ano ba ‘yon Seleira, magdahan dahan ka nga nag aayos kami ng mga bagahe ng ate mo oh.

Seleira: Excited na ako para bukas kuya! humahagikgik na aniya

Sienna: Kaya mag pahinga ka na, kase maaga pa tayo bukas. ‘Di ko pa nakakausap sina mommy’t daddy
dito, pero alam din naman nating excited din sila.

Kinabukasan

Nakahanda na si Seleira, at bababa na din para salubungin ang pamilya nya, alam niyang excited din ang
mga ito kagaya nya pero mas higit siya.

Pero laking gulat nya ng kahit isa ay walang sumalubong sa kanya na tila normal na araw lang ito.

Seleira: Ate Sienna? Kuya Strevan? Andyan ba kayo? Bakit hindi pa kayo naka ayos? Hindi ba’t ngayong
araw tayo lilipad papuntang Palawan? Sunod sunod na tanong niya.

Strevan: Seleira halika dito. Agad naman siyang lumapit sa kanyang Ate at Kuya na mayroong ‘di
maipaliwanag na mukha.

Seleira: Kuya? Ate? Anong nangyayari?

Sienna: Seleira… napabuntong hiningang aniya. Hindi tayo matutuloy sa Palawan ngayong taon, may
biglaang Medical Mission sila Mom at Dad, may mga tao ngayong nangangailangan ng tulong nila.

Biglang nalungkot si Seleira, sarado ang kanyang isip ngayon para makapag isip ng tama ang tanging
nararamdaman nya lang ngayon ay galit, nagtatampo sya sa kanyang mga magulang dahil hindi nasunod
ang gusto nya. Tanyag na doctor sila Mr. and Mrs. Dela Vega, kilala sila dahil sa kanilang butihing loob,
gumagawa sila ng mga projects/ medical missions na makakatulong sa mga taong walang kakayahang
makapunta ng Hospital o walang malapit na Hospital sa kanilang mga lugar, ayon ang mas gusto nilang
pinupuntahan.

Tumawag si Mrs. Dela Vega kay Seleira, na ngayon ay nagtatampo dahil sa hindi natuloy nilang bakasyon.

Mommy: Hello Seleira, anak?

Seleira: Yes, Mom. Malungkot na aniya

Mommy: Babawi nalang kami ng daddy mo anak, may mga tao lang talagang nangangailangan ng tulong
naming ng daddy mo, I hope you understand Seleira.

Seleira: Ok lang po Mom, sanay naman na po ako. May poot sa bawat salitang sinasambit niya.
Pag kabitaw nya ng mga katagang iyon, pinatay nya na agad ang kabilang linya alam nyang nakakabastos
ito sa part ng magulang niya, pero alam din naman nilang nagtatampo ito sa kanila.

Sa hindi inaasahang pangyayari sa isang maliit na isla din pala ng Palawan naganap ang medical mission
na pinangungunahan ng mag asawang Dela Vega. Agarang lumipad ang magkakapatid patungo dito.

Hindi maipaliwanag ni Seleira ang kanyang mga nasasaksihan, ang daming tao ngayong nakapila dahil
gusto malapatan ng gamot ang kani kanilang nararamdaman, tila sabik na sabik silang mahawakan ng
Mommy’t Daddy niya punong puno ng pasasalamat at kislap ang kanilang mga mata, hindi maipaliwanag
ang tuwa’t saya sa kanilang mga puso. Kahit si Seleira ngayon ay natutuwa dahil ngayon nya lamang
Nakita na ganito pala ang madalas pag ka abalahan ng kanilang mga magulang, lahat ng galit at tampo ay
nawala sa sistema niya ng marinig nya ang isa isa mga pasasalamat ng mga taong narito ngayon,
nagagalak ang magkakapatid sa kanilang nasaksihan.

Seleira: Mommy! Daddy! Sigaw ni Seleira sa kaniyang mga magulang. Agad naman itong lumapit sa
kanilang magkakapatid at isa isa silang niyakap.

Daddy: Buti nakapunta kayo mga anak, sigurong matutuwa kayo sa giliw ng mga batang narito, masaya
silang magkaroon ng mga bagong kaibigan. Masayang saad ng daddy niya.

Seleira: Mommy, Daddy, sorry po. Dahil nagalit at nagtampo ako sainyo dahil hindi lang natuloy ang
plinano nating Family outing, pasensya na po hindi ko alam na ganito pala ang ginagawa nyo. Sorry po
kasi nag selfish ako,ngayon po naiintindihan ko na lahat, alam ko pong may mga taong nangangailangan
din ng tulong ninyo. Sobra proud po ako kase kayo ang naging mga magulang ko.

Mommy: Shh, anak ayos lang iyon, alam kong darating din ang araw na maiintindihan nyo kami ng daddy
nyo, at salamat dahil dumating na yung araw na iyon.

Daddy: Hali ng kayo ditong mga bata kayo. Natatawang ani ng daddy nila sabay sabay naman sila lumapit
na magkakapatid at yumakap dito.

Masaya nilang pinalipas ang araw sa lugar na ito, inaalalayan din nila ang kanilang mga magulang.

Lumipas ang kanilang bakasyon dito, ang inaasan nilang bakasyon na puro kasiyahan ay mas higit pa ang
nabigay dahil sa pagkakataong ito. Maraming bagay tayong dapat ipagpasalamat, may mga bagay na
binigay satin ang diyos na swerte naman tayo ngunit hindi natin nakikita, kaya kung ano mang bagay ang
mayroon tayo, matututo tayong tumanggap at magpasalamat. Darating ang panahon na maiintindihan
din natin lahat ng nangyayari sa ating paligid, at doon din natin makikita kung gaano tayo nagging
kaswerte kahit sa maliit na bagay at paraan lamang.

~THE END~

You might also like