You are on page 1of 15

Salamat po!

Page 1

Page 2

Ika- siyam na kaarawan ngayon ni Ana at isang masaya, magarbo at sama

samang pagdiriwang ang nais at pangarap niya sa tuwing darating ang okasyong ito. “

Ngunit hanggang pangarap na lamang yata ang lahat” ang bulong niya sa kanyang sarili.

Dahil sa kahirap ng kanilang buhay ang kanyang ama na si Mang Berto ay isa lamag

karpintero at ang kanyang ina naman ay nasa kanilang bahay lamang upang mag- alaga

ng mga nakababata niyang kapatid.

Page 3

Si Ana ay panganay sa pitong magkakapatid. Dahil sa katayun nila sa buhay ay

napipilitan at kinakailangan niyang magtrabaho at magbanat ng buto upang tustusan ang

kaniyang pangangailangan sa pag-aaral, gayun din ang pangangailangan nila sa kanilang

tahanan. Dahil sa malaki ang kanilang pamilya, hindi sumasapat ang kinikita ng

kanyang ama para sa pantustos nila sa araw-araw, kaya ang kaniyang kinikita ay

ibinibigay niya sa kaniyang ina.


Page 4

Hinahati ni Ana ang kaniyang oras sa pag-aaral at pagtatrabaho. Sa umaga, bago siya

pumasok ay kinakailangan niya munang humango ng mga kakanin upang gawing

paninda sa kanilang paaralan.”Salamat sa Diyos”ang palagi niyang binabangit sa

tuwing mauubos ang kaniyang paninda.”Hindi mo po talaga kami pinapabayaan, palagi

ninyo po kaming binibiyayaan” ang palagi rin niyang sambit.Tuwang tuwa siyang

umuuwi tuwing hapon sa kanilang tahanan upang ibigay ang kaniyang kinita sa

kaniyang ina.

Si Ana ay hindi lang responsableng anak, siya ay isa ring masipag na bata. Pagka-abot

niya ng kanyang kinita sa kanyang ina, magpapalit lamang siya ng kanyang damit at

haharapin naman niya ang pagluluto ng kanilang pagkain para sa kanilang hapunan. Tila

isa siyang batang walang kapaguran. Kaya ang laki ng pasasalamat ng kanyang ama at ina

dahil sa kaniyang ipinapakitang katangian. “Salamat sa Diyos, binigay ka niya sa amin”

sambit ng kaniyang ina.

Page 5
Page 6

Hindi naging hadlang para kay Ana ang kahirapan ng kanilang buhay at pagod sa

pagtitinda upang manguna sa kanilang klase. Dahil sa kaniyang kasipagan at angking

talino, ang halos lahat ng kanilang pagsusulit ay siya ang nakakuha ng pinakamatataas

na puntos.

Nang ibinigay na ng kanilang guro ang kanilang mga grado, si Ana ay tuwang tuwa sa

kaniyang nakita, na hindi niya inaasahan. Kaya ang tangi nal amang niyang na wika ay

“ Salamat po Ama”.

Page 7

Lalo pang nadagdagan ang kasiyahan ni Ana sa pag-uwi sa kanilang bahay dahil

sabik na sabik na siyang ipakita ang kanyang grado sa kaniyang mga magulang. Pagdating

sa bahay ay agad niyang ipinakita ito kay Mang Berto at kay Aling Chona na halos tumulo

ang luha sa kagalakan dahil sa ipinaita ng kanyang anak na si Ana. “Salamat po Ama”

wika ni aling Chona habang tinitignan ang grado ni Ana. “Tunay nga na

napakaresponsable mo anak” wika naman ni Mang Berto habang nakatingin kay Ana.
Page 8

Galak na galak naman si Ana dahil sa mga sinambit ng kanyang mga magulang at sa

nakikita niyang kagalakan sa mga mata nito. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal

at pagmamalaki ng mga ito sa kanya, kaya naman ginagawa rin niya ang lahat upang

makamtam ang mga ito. Hanggang sa makatapos siya ng elementarya ay nanatili siya na

nanguna sa kanilang klase, gayon din sa kanilang paaralan ,siya ay tinanghal na

balediktoryan.

Page 9

Ang lahat ng ito ay kanilang pinapanalangin at pinagpapasalamat sa ating Panginoon.

Dahil kung hindi dahil sa Diyos ay wala ang lahat ng kanyang mga tinanggap na

karangalan. Ganyang kalakas at kalaki ang panampalataya ni Ana sa ating Panginoon at

dahil iyan din ang ipamulat sa kanilang mga magkakapatid na kanila namang sinusunod

at sinasabuhay sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.


Page 10

Sa kabila ng kaniyang pananampalataya ay lalo pa siyang sinusubok ng ating

Panginoon. Bakasyon matapos ang kanilang pagtatapos sa elementaryan ay nagkasakit

ang kanyang bunsong kapatid na si Lora kinailangan itong dalhin sa pagamutan upang

mapatingnan sa mangagamot. “kailangan pong manatili ang inyong anak sa ospital upang

malaman kung ano ang kanyang kondisyon” wika ng mangagamot na tumingin kay

Lora.Halos maiyak ang mag-asawa sa kanilang narinig. Bukod sa nag aalala sila kay Lora

ay hindi nila alam kung saan kukuha ng pang-gastos.

Page 11

Pagdating ng kanyang ama sa kanilang tahanan habang ang kanyang ina ay nanatili sa

ospital upang bantayan si Lora “Tay kamusta po si Lora” agad na tanong ni Ana. Napatulo

na lamang ang kanyang luha ng kanyang Ama.” Ano po ang nangyari? muli niyang

tanong. “ Kailangan manatili ni Lora sa ospital upang malaman kung ano ang kanyang

karamdaman” sagot ng kanyang Ama habang umiiyak. Pumasok sandali si Ana sa

kanilang kwarto, at paglabas niya ay may inabot siyang pera sa kaniyang Ama.
“Anak ano ito? Sayo ito, para ito sa pag aaral mo ng hayskul” wika ng kanyang Ama.

“Hindi Tay mas kailangan po iyan ni Lora ngayon alam ko po na malaki ang

maitutulong niyan” sagot ni Ana. Wala ni katiting na pagaalinlangan si Ana sa kanyang

ginagawa. Kahit na alam niya na para iyon sa kanyang pag aaral. Tangi lamang niyang

iniisip ay ang makatulong at gumaling ang kanyang kapatid.

Page 12

Page 13

Kinagabihan pag kaalis ng kanyang ama upang bumalik sa ospital ay tinawag niyang

kanyang mga kapatid sa harap ng isang maliit na altar sa loob ng kanilang bahay upang

ipanalangin ang kagalingan ng kanilang bunsong kapatid. “Ama maraming salamat po sa

maghapong nag daan. Ama kayo na po ang bahala sa aming bunsong kapatid na si Lora

nawa po siya ay inyong pagalingin alam po namin na ikaw lamang ang

makapagpapagaling sa kanya” pangungunang panalanganin ni Ana na punong puno ng

pananalig.
Page 14

Makalipas ang ilang araw ay dininig ng Diyos ang kanilang panalangin,

Nakauwi na si Lora ng masigla. Masayang masaya sinalubong ng kanyang mga kapatid si

Lora. “Salamat sa Diyos” bangit ni Ana habang nakayakap kay Lora “Pasok na tayo” sabi

naman ni Cynthia.”Mayroong inihanda si Ateng pagkain bilang pasasalamat sa paggaling

ni Lora” muling wika nito.

Page 15

Sinamantala ni Ana ang bakasyon upang magtrabaho a kumita ng sapat na pera

para sa darating na pasukan. Upang makabili siya ng mga kakailanganing gamit sa

eskwelahan. Namasukan siya bilang isang tindera sa kabilang baranggay. Kumita siya ng

higit pa sa kanyang inaasahan, kaya naman pati ang mga gamit ng kaniyang mga kapatid

ay kaniya na ring nabili. Kaya patuloy at lalo pang tumindi ang kaniyang pasasalamat sa

Panginoon, dahil sa kabila ng kanilang kahirapan ay patuloy parin nilang nadadaos ang

kanilang mga pangangailangan


Page16

Napatingin ang mag asawa kay Lora na may ngiti at bahagyang pagtataka kung saan

kinuha ni Ana ang ginastos para sa mga pagkain. Ngunit sinuklian lamang ito ni Ana ng

isang matamis na ngiti. Bago sila kumain ay muli silang nanalangin upang magpasalamat

sa kagalingan ni Lora at para sa pagkaing kanilang pinagsasaluhan. Masayang masaya ng

buong pamilya habang kumakain. Tila baang tagal nilang hindi nagkasama sa lakas ng

kanilang tawanan at kwentuhan.

Dumating na ngang muli ang pasukan at sabik na sabik pumasok si Ana dahil iyonang

kanyang unang araw sa hayskul. Habang papasok nakita niya ang dati niyang mga kaklase

na nakasuot ng mga bagong damit at sapatos, samantalang siya ay lumang uniporme at

naka tsinelas lamang, ngunit sa halip na mainggit ay nagpasalamat pa ito sa Panginoon

“salamat po Ama kahit po wala ako bagong damit at sapatos ang mahalaga po ay matuto

at nakakapag-aral ako”ang binigbigkas niya sa kanyang isip. Kaya naman taas noo at

buong pagmamalaki siyang pumasok ng paaralan.

Page 17
Nang magsimula ang pasukan ay bumalik muli si Ana sa pagtitinda ng kakanin. Muli,

hindi ito naging hadlang sa kanyang pag-aaral. Nanatili siyang nangunguna sa kanilang

klase. Ngunit sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay nagkaroon sila ng proyekto na

kailangan pagkagastusan pero hindi sapat ang kanyang kinikita upang ipang gastos sa

nasabing proyekto. Ayaw rin nman niyang humingi sa kaniyang Ina dahil alam niya na

ang pera na ibinibigay ng kaniyang ama sa kaniyang Ina ay para lamang sa panggatos nila

sa araw-araw. Kaya naman hindi siya nakapagpasa ng kaniyang proyekto.

Page 18

Page 19

Dahil doon ay bumababa ang kanyang marka. Maging pangatlo na lanang siya sa

kanilanh klase. Sa halip siya magalit at mainis ay nagpasalamat siya sa panginoon.

“Ama salamat po, hindi man po ako ang nanguna sa aming klase ngayong ikalawang

markahan, alam ko naman po na may roon kayong magandang dahilan kung bakit iyon

nangyari. Salamat din po dahil isa pa rin ako sa may mataas na markan” ang pabulong

niyang pakikipag-usap sa

Panginoon..
Page 20

Lumipas ang ilang buwan. Isang pagsubok nanaman ang dumating sa buhay ng

pamilya ni Ana. Isang hapon pag uwi niya sa bahay nakita niya ang ilan sa kanyang mga

kapitbahay na nasa harapan ng kanilang pinto. Sinalubong siya ng isa sa kanyang mga

kapatid na si Alice na umiiyak “Ate, Ate si tatay” sambit nito habang umiiyak palapit sa

kanya. “ Ano ang nangyari kay tatay?” pagtatanong niya sa kapatid na parang hindi

maintindihan ang nangyayari. Patakbo siyang pumasok sa kanilang tahanan. Naabutan

niyang nag-iiyakan ang kaniyang mga kapatid at kaniyang ina.

Page 21

Isang naging malaking dagok sa buhay ng pamilya ni Ana ang pagkamatay ng kaniyang

ama. Dumating na ang araw na kinatakutan ni Ana kinailangan ka ngang huminto sa pag

aaral. “Anak hindi ko na alam kung saan tayo kukuha ng pang gastos natin sa araw-araw,

hindi ko rin alam kung paano matustusan ang mga pangangailangan ninyo sa pag aaral”

sambit ng kanyang Ina habang umiiyak. “Ano po ang ibig ninyong sabihin Inay?” tugon ni

ana. “Anak maari bang huminto ka muna sa pag-aaral? “ muling wika ng kanyang ina.

Walang ibang nasabi si Ana.


Kinagabihan bago siya matulog kinausap muna ni Ana ang Panginoon na palagi naman

niyang ginagawa. Ngunit sa pagkakataong iyon ay parang may pagdaramdam at

pagtanong na sa isip ni Ana. “ Panginoon ko bakit po ba ganito, araw araw naman po ako

nanalangin sa inyo pero bakit po nangyayari ang mga ganito sa akin. Ang tangi ko lang

naman pong hiling ay ang kalusugan ng aking pamilya at nakatapos ako ng pag aaral pero

bakit po ganito, parang hindi ninyo naman po dinidinig ang panalangin ko. Una namatay

si tatay at ngayon naman po ay kailangan kong huminto sa pag aaral.” Sambit niya

Page 22

Page23

Unti- unti na ngang nawalan ng pananalig si Ana sa ating Panginoon. Hindi na niya

nakukuhang pa ang magdasal. Hindi tulad noon na lahat ng bagay ay kanyang

pinagpapasalamat. Isang hapon, habang pauwi siya ng kanilang bahay, napadaan siya

sa isang umpukan ng mga tao. Nakita niya ay isang Pastor na nangangaral ng salita ng

Diyos. “ Manalangin lamang tayo sa ating Diyos at ito ay kanyang diringin”

pangangaral ng Pastor. “Hindi po iyan totoo.” Sabat ni Ana.


. “Iha hindi totoo ang iyong sinasabi” wika ng Pastor. “Alam mo ba na sa tuwing tayo

ay mananalangin , ang ating Panginoon ay nakikinig sa atin “ muling wika nito.” Eh bakit

po ako palagi naman akong nanalangin sa kanya noon pero hindi naman nya ako

pinakikingan,namatay po ang aking ama at nahinto ako sa pag-aaral iyon po ba ang

sinasabi ninyong pinakikingan” pagsagot nya sa pastor.

Page 24

Page 25

Nilapitan ng Pastor si Ana. “ Anak alam mo ba na ang nangyayaring hindi maganda sa

ating buhay ay isang pagsubok lamang mula sa ating Diyos” wika nito. Sinusubok at

pinapatatag lamang niya ang ating pananampalataya at pananalig sa kanya. “Hindi ka

dapat magtanim ng galit sa ating Panginoon, kahit kailan ay hindi ka nya tinalikuran. May

mga bagay tayong hinihiling sa kanya na hindi na binibigay dahil may mas maganda

siyang plano at nais para sa atin.” pagpapaliwanag ng Pastor kay Ana.


Kinagabihan nagmunimuni si Ana sa pinangaral sa kanya ng Pastor. Naisip niyang tama

naman ang sinabi nito. Marami na rin siyang ipinalangin at hiniling na ipinagkaloob sa

kanya. Marahil nga na pagsubok lamang ang nangyayari sa buhay niya upang subukin ang

tatag ng pananalig niya “Nabigo ako, nabigo ko ang Panginoon nagpatalo ako sa

pagsubok na ibinigay niya” wika niya habang umiiyak. “ Patawarin nyo po ako,

napakahina ng pananalig ko sa Iyo” muling niyang sumamo sa ating Panginoon.

Page 26

Page 27

Kinaumagahan, Tila nagkaroon ng bagong sigla si Ana. Bumalik ang dati niyang

pananalig sa Diyos, Pinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa ating Ama sa pumamagitan

ng pananalangin. Lahat na rin ng bagay na nangyayari sa kanya ay kanya na muling

pinagpapasalamat. Makalipas noon ay tila naging madali para kay Ana ang mga pagsubok

na dumating sa kanya at sa kanya pamilya. Makalipas ang ilang buwan, nakatanggap si

Ana ng isang pagpapala na matagal na niyang hinihiling. May isang tao na may

ginintuang puso ang nakilala sa kanya.


Nalaman ng taong ito ang kagustahan ni Ana na makatapos ng pag-aaral, kaya naman

hindi siya nagdalawang isip na pabalikin si Ana sa pag aaral. Siya ang magtutustos sa

pag-aaral ni Ana at bukod duon ay bibigyan pa niya ito ay trabaho upang natustusan ang

pangangailangan ng kang pamilya.

Nang marinig ni Ana ang balitang ito, halos wala siyang mapaglahyan ng kasiyahan.

Ang tangi na lamang niya nasabi ay “ Salamat po Ama”

Mula noon ay mas lalong pang tumibay ang pananalig ni Ana sa Panginoon.

Page 28
Indicate:

LEARINING COMPITENCIES

Nakapagpapakita ng Pananalig sa Ditos

Code(s):

EsP3PD-Iva-7

Pamantayan sa Pagkatuto
Synopsis/ Sinopsis

Si Ana ay isang masipag, mapagmahal, at responsableng bata.Ang tangi lamang

niyang dasal ayang makitang masaya ang kaniyang pamilya at ang makatapos siya ng

pag-aaral. Isa siyang bata na may malakas na pananalig sa ating Diyos. Subalit sa kabila

ng kaniyang pananalig ay hindi naiiwasang may mga pagsubok na dumadating sa buhay

nya na sumusubok sa kanyang pananampalataya.Sinubok ang kaniyang tatag ng mawala

ang kaniyang ama na si Mang Berto na tanging katuwang niya sa pag

hahanapbuhay.Naging dahilan ito ng pag kakahinto niya sa pag-aaral at paghina at unti

unting pagkawala ng kaniyang pananalig sa Diyos dahil naisip niya na wala rin palng

haalga ang paghiling at pagdarasal niya araw-araw.

Subalit dumating ang isang pagkakataon na muling bumago sa kanyang buhay at

muling nagpalakas ng kaniyang pananalig, ito ay ng makilala niya ang isang Pastor na

nagpaliwanag sa kaniya ng lahat. Na ang mga pagsubok n dumadating sa atin ay binigay

ng ating Panginoo hindi para sumuko tayo, tio ay binibigay niya sa ating upang lalo

tayong tumibay at lalo tayong manalig sa ating Diyos. At kapag nalampasan natin ang

mga pagsubok na ito ay bibiyayaan niya tayo ng siksik,liglig at umaapaw na pagpapala.

You might also like