You are on page 1of 4

Ang Masaganang Nakamit dulot sa Kahirapan ng Buhay

Dulot sa mahirap na nakaraan, labis na naapektuhan ang ilang parte ng pamilya, ngunit
hindi inalintana ng haligi ng tahanan ang mga ito magampanan lamang ang kaniyang
responsibilidad sa pamilya. Si Mang Juan ay naninirahan sa barangay San Pablo na labis ang
paghihirap at nangangarap na umahon at gumanda sana ang kanilang pamumuhay. Hindi sapat
ang pinagkakakitaan ng trabaho ni Mang Juan sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang mga anak
na nag aaral pa sa elementarya malapit sa kanilang barangay. Si Aling Rosa asawa ni Mang Juan
ay tumutulong sa paghahanap buhay upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na
pangangailangan lalong lalo na sa mga bata na nag aaral pa. Si Mang Juan at Aling Rosa ay may
apat na anak, dalawang babae at dalawa ring lalaki. Si Ben ang panganay na anak at tumutulong
siya sa kaniyang mga magulang upang makatulong ng kunti sa mga gastusin sa bahay.Tuwing
walang pasukan nanghuhuli ng isda si Ben sa dagat kasama ang kaniyang kapatid na si Lena
upang ibinta sa palengke ang mga isda at inuuwi ang natitirang isda sa bahay upang magkaroon
sila ng ulam sa hapunan.

“ Inay andito na po kami’’. Sabi ni Ben

“ oh mabuti naman at naka uwi na kayo, hali na’t mag magpahinga na kayo’’. Sabi ng kanilang
inay.

Si Lito ang pangalawang anak ang siyang pinakamatalino sa kanilang magkakapatid. Lagi siyang
sumasali sa anumang patimpalak na nagaganap sa kanilang paaralan at napakataas ng kaniyang
marka sa lahat ng kaniyang pasulit. Si Neneng naman ang ang nakababatang kapatid ay nasa
bahay lamang tumutulong sa kaniyang ina sa paghahanda ng baon ng kaniyang mga kapatid at
tumutulong din sa mga gawaing bahay. Hindi nakapag aral si Neneng dahil hinintay niyang
makatapos ng elementarya si Ben ang panganay na kapatid. Kahit kapos sila sa pera hindi parin
sila nawalan ng pag asa at namumuhay sila ng masaya kasama ang pamilya. Sa takbo ng
kanilang pamumuhay hindi maiwasan ang pagkakaroon ng isang malupit na problema sa buhay.
Nagkasakit si Mang Juan at wala silang pera pampagamot sa kaniyang sakit.

“ Inay saan po tayo kukuha ng pera pang bayad sa hospital?” tanong ni Lena
“ Makakahanap rin tayo mga anak, ang importante ay dapat magkasama tayo sa pagsubok na
dumating sa atin. Magagawan natin ng paraan ang pagbayad dito sa hospital.” Saad ng Inay.

Labis ang problemang naranasan ni Aling Rosa at ang kaniyang mga anak. Pinatigil muna ni
Aling Rosa sa pag aaral sina Ben, Lena, at Lito upang alagaan ang kanilang ama. Si Aling Rosa
naman ay gumawa ng paraan upang makahanap ng pera pampagamot sa kaniyang asawa.
Labag man sa kalooban ang desisyon ng mga magulang sa paghinto ng pag aaral ay wala silang
magawa kundi sundin ang hiling ng mga ito at pagtuunan muna ng pansin sa pag aalaga ng
kanilang ama. Sa takbo ng kanilang buhay, sa kasamaang palad mas lalong lumala ang sakit ng
kanilang ama. Isinugod nila sa ospital upang maagapan ang sakit ng ama ngunit sa kasamaang
palad ay hindi na lumaban ang kanilang ama. Namatay ang kanilang ama sa loob ng ospital at
umuwi silang lugmok at malungkot ang magkakapatid sa bahay. Labis na nasaktan si Aling Rosa
sa pagkawala ng kaniyang asawa. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin upang
mailibing ng maayos ang kaniyang asawa. Lubog sa utang si Aling Rosa at napilitang magtrabaho
ang kaniyang mga anak upang mabayaran ang kanilang utang. Si Neneng ay sapilitang
naninirahan muna sa bahay ng kaibigan ni Aling Rosa sa may kanto upang makapag aral siya
kapalit naman ang pagseserbesyo niya sa pamilya nito. Sa gitna ng kahirapan sa buhay
nagpursige ang mga magkakapatid na mag trabaho ng mabuti upang mabayaran ang utang ng
kanilang pamilya at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang nag iisang ina. Sa takbo ng
kanilang pagpupursige, sa hindi inaasahang pagkakataon, naabutan ng suwerte si Lena at
pinapa aral siya ng kaniyang amo sa mamahaling paaralan kapalit ang kaniyang serbesyo sa
kanila. Si Lito at Ben naman ay nakaipon ng malaki at nabayaran na nila ang utang ng kanilang
ina at nakapagtayo sila ng maliit na tindahan sa kanilang barangay. Si Neneng naman ay
nakapagtapos na ng sekondarya at patuloy parin siyang nag aaral sa kolehiyo habang si Lena ay
nakapagtapos ng kursong medisina at nakahahanap na ng magandang trabaho. Dulot sa
kahirapan ng kanilang nararanasan hindi parin sila sumuko sa buhay. Mas lalong lumaki ang
negosyo ni Lito at Ben at nakapagtayo sila ng malaking bahay sa kanilang barangay. Labis na
ikinatutuwa ng kanilang ina ang pangyayaring naganap sa kanilang buhay. Hindi nila inakala na
sa kanilang paghihirap ay makamit nila ang tamis ng tagumpay ng buhay dulot ng mga
pagsubok ng kanilang nararanasan. Kahit hindi man nakapagtapos ng pag aaral sina Ben at Lito
pero nagawa parin nilang maihaon ang mga sarili sa kahirapan dahil sa deskarte ng buhay. Si
Lena ay nakakapangasawa ng mayaman habang si Neneng naman ay nakapagtapos na ng
kolehiyo sa kursong edukasyon. Nagtuturo na si Neneng sa paaralan ng kanilang barangay sa
mga bata. At dahil sa pagsisikap ng magkakapatid si Lena, Neneng, Lito, Ben at ang kanilang ina
ay namumuhay ng masagana ngunit maraming taglay na kaalaman at pagmamahal na hindi
hadlang ang kahirapan upang makamit mo ang iyong nais at mga pangarap sa buhay. Kailangan
mo itong paghirapan at pagtuunan ng pansin at ipaubaya sa diyos ang lahat upang tayo ay
gabayan at tulungan sa paglalakbay ng iyong buhay. Simula ngayon ang pamilya ni Aling Rosa ay
namumuhay na ng masaya at masagana.
Maikling kwento

ipapasa ky:

mrs. Flordeluna rosero

ipinasa nina:

gelledo, angeline

sanchez, vanessa

You might also like