You are on page 1of 3

LITRATO

(Hindi matino ang pagkakasulat dahil para lamang akong nagkekwento)

Ang kuentong ito ay may apat na bahagi. Apat na kwento ng apat na tao at iba’t ibang mga suliranin ang kanilang
kakaharapin. May isang magsasaka, estudyante na anak ni magsasaka, estudyante na may kaya, at isang middle
class na breadwinner.

MAIN CHARACTERS:

- Nestor (the farmer)


- Ligaya (the student na anak ni Farmer)
- Joy (mid class na student)
- Samantha (breadwinner)

OTHERS:

- Brando (lasingerong kapatid ni Nestor at Samantha


- Mr and Mrs Gonzales (magulang ni Joy
- JayAr (kapatid ni Ligaya)
- Via (bunsong kapatid ni Ligaya)
- Nanay at Tatay nila Samantha

STORY:

Si Nestor ay isang magsasaka na ang tanging gusto lang ay makapag tapos ng pag aaral ang kanyang mga anak na
si Ligaya, JayAr, at Via. Si JayAr ang kasama ni Nestor sa bukid upang magtanim at magsaka, si Ligaya naman ang
panganay nitong anak na nag aaral upang maging guro at siya rin ang tumayong ina ng kanyang mga kapatid.
Samantalang si Via naman ang bunso nilang kapatid.

Bata pa lamang si Ligaya ay iniwan na sila ng kanyang ina at sumama sa mayaman na lalaki. Kaya sa murang
edad si Ligaya na ang nagsilbing nanay ng kanyang mga kapatid.

Si Nestor ay isang masipag at mapagmahal na magsasaka na ang nais lamang ay makatagpos sila sa araw araw.
Hindi ito nakatapos sa pag-aaral at maagang nakapag asawa kaya naman pinipilit niyang mapagtapos ng pag-
aaral ang kanyang mga anak. Si JayAr ay Grade 10 nung huminto muna ito sap ag-aaral upang tulungan ang
kanyang ama dahil magkokolehiyo na si Ligaya at si Via naman ay magge-grade 3 na sa pasukan.

Si Ligaya ay fisrt yr college sa kursong education at simula elementarya ay mahusay na sya sa eskwela at lagi
itong fisrt honor at di alintana ang kahirapan. Nung siya ay mag kolehiyo nahirapan ito dahil kailangan ng
cellphone o laptop para sa pag-aaral Mabuti nalamang at may matalik siyang kaibigan na nakakaangat angat sa
buhay at ito si Joy. Magkakilala sila ni Ligaya mula pagkabata. Si Ligaya ang tumutulong kay Joy sa mga aralin
simula elementary at high school samantalang tinutulungan naman ni Joy si Ligaya sa pagbibigay minsan ng
baong pagkain at gamit sa eskwela. Pagkagraduate ng high school ay binigyan si Joy ng bagong cellphone kaya
naman ang luma nitong cellphone ay ibinigay nya kay Ligaya para sa online class nito. Nung tumuntong ng
kolehiyo ang dalawa ay nagtutulungan parin sila.. Pinapahiram ni Joy si Ligaya ng kanyang laptop kapag may
kailangan ipasang term paper ito.
Si Joy ay nagiisang anak ni Mr. and Mrs. Gonzales at siya ang matalik na kaibigan ni Ligaya. Si Joy ay isang
karaniwang dalaga na may maayos na pamumuhay dahil parehas na may magandang trabaho ang kanyang mga
magulang na parehas ofw sa Dubai. At tanging yaya lamang ang kasama nito sa bahay dahil minsan lang nauwi
ang kanyang mga magulang. Mayroon si Joy ng lahat, kagaya ng magagandang gamit, cellphone, at lahat ng
pangangailangan niya ay naibibigay ng kanyang mga magulang ngunit parang may kulang parin…

Busy nanaman ang mga araw, para bang wala nang katapusan ang mga gawain ngunit nagsususmikap pa rin si
Samantha na magtrabaho sa ospital bilang isang nurse. Si Samantha ang breadwinner sa kanilang pamilya dahil
ang tatlo niyang mga kapatid ay nag asawa na at sa kanya na lamang umaasa ang kanyang mga magulang atkung
minsan ay nagbibigay din ito sa kanyang mga kapatid sa puntong pati siya ay nauubos na rin. Hindi nakatira si
Samantha sa kanyang mga magulang dahil ang mga ito ay naninirahan sa probinsya at kailangan niyang lumayo
para sa magandang kita. Isa sa mga kapatid ni Samantha ay si Nestor. Hindi man humihingi si Nestor sa kanyang
kapatid ay binibigyan pa rin sya dahil raw si Nestor ang dahilan kung bakit nakatapos si Samantha. Si Nestor ang
panganay sa kanilang lima na magkakapatid at si Samantha naman ang bunso. Si Samantha lamang ang
tumutulong kina Nestor dahil yung iba nilang kapatid ay Nagasawa na at pumunta sa malayo at yung iba naman
ay umaasa parin kay Samantha dahil paiba iba ng trabaho. Kasama ng ibang kapatid nila ang kanilang mga
magulang. At pinang iinom lng ng mga kapatid ni Samantha ang kanyang padala sa mga magulang. kaya kung
minsan ay kulang ang pinapadala nito.

(pwedeng isingit dito ang pagwawala ng lasing na kapatid ni Samantha na si Brando dahil wala siyang mahanap
na trabaho at wala nanamang tubig tapos sasabihin ng magulang nil ana kakabayad lang nila sa tubig)

WAKAS AT SOLUSYON SA SULIRANIN NG MGA TAUHAN:

Disperas ng pasko at masayang nagdiriwang ang lahat.

Scene 1: Masaya sila Nestor sa simpleng pansit

Scene 2: Nagpipicture si Joy ng kanilang handa kasma ang kanyang yaya, driver at kavideo call ang kanyang mga
magulang

Scene 3: kakauwi ni Samantha sa kanyang apartment galing duty

Scene 4: pumunta si Joy sa bahay nila Ligaya at nagabot ng ibang handa, uuwi na dapat ito ngunit niyaya sya ng
pamilya ni Ligaya na dun na mag noche Buena (dapat medyo dramatic ito medyo naluluha ksi kanina pa
malungkot si Joy pagkatapos niyang magpost sa Instagram na masaya sya)

Scene 5: tumawag si Samantha kay Samantha via videocall dahil siya lang may cellphone at masiglang binati siya
ng kanyang mga pamangkin na sina JayAr, Via at Ligaya. Masaya si Samantha na makita sila at binati ito ng merry
Christmas. Biglang ibibigay ni Ligaya ang cellphone kay Nestor at binati sya ng Merry Christmas at nagpasalamat
ito kay Samantha sa lahat ng ibinigay nya sknla (basta super dramatic script nanagpapakita ng pagka grateful nya
kay Samantha) biglang sabi na “Proud ako sayo, Sam. Magpahinga kana” Sabay ngiti. “Luh? Why naman ganon
kuya? Nagpapaiyak kapa yata” (naiiyak na sabi ni Samantha) “Merry Christmas, bunsuan naming, Huwag ka
masyadong magpagod dahil kaya naman ni Kuya ha? Ingat ka dyan” (sabini Nestor sabay ngiti). Tumango lang si
Samantha at nagbabadyang umiyak sabay patay sa tawag at umiyak (iyak na natouch na parang pagod pero
masaya na naaappreciate pala sya sa kanyang ginagawa)

Scene 6: nakatanggap ng text/chat si Samantha mula sa mga magulang. “Merry christmas Nakong. Salamat sa
lahat”

Scene 7: katatapos ng handaan sa probinsya sa mga magulang nila Samantha at maghuhugas ng pinggan ang
nanay ng biglang wala paring tubig. Biglang dumating si Brando na may dalang isang timbang tubig. (gawing
dramatic ang pagaabot ng tubig) “Salamat, anak” (nanay) “hmm hmm” (oo na hum lang sabi ni Brando) sabay
talikod sa naguurong na nanay. Bigla syang titigil at tatawagin ang nanay “nay” at inabutan nya ito ng isang
picture nilang buong pamilya. “pasensya na…..” “pasensya na yan lang, merry Christmas” sabay alis ng mabils

Hahabulin sana ni nanay “ay nak-“ nakaalis na sya. Ngumiti ang nanay at bumulong ng salamat at dinisplay ang
kanilang picture.

THE END

PWEDE PANG LAGYAN AT MAGSINGIT NG MGA SULIRANIN NG PANTABANGAN SA MGA KWENTO NA IYAN
HAHA.

You might also like