You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Saint Theresa College of Tandag Inc.


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
COR. Magsaysay& Quezon Sts. Dagocdoc
Tandag City

MAISTRA
(ANG HIRAP NA DINANAS NG AKING INA)
BY: JAMELA ESTOMATA

Bata pa lamang ako ay palaging wala na sa aking tabi ang aking ina at
palagi itong wala sa tuwing kailangan ko siya. Sabi sa aking ng mga nakakatanda kung
kapatid ay dapat ko itong tanggapin dahil parte ito ng trabaho ng aking Ina. Alam ko
naman na ginagawa niya lahat ito upang makatulung sa mga gastusin sa bahay at para
masuportahan ang aming pagaaral.

Sa araw-araw kung pumapasok sa paaraln ay lagi kung kailangan ang kanyang


suporta at kanyang kalinga. Naalala ko pa nung akoy nasa unang baitang pa lamang at
nagkaroon ng isang kompetisyon sa paaralan.

Oo! Sinuportahan mo ako sa aking susuiting damit pero hindi mo ako


binigyan ng attention sa personal at sinabi mo sa akin na pupunta ka at manonood ka
ng aking sayaw sabi ko sa aking ina.

Hindi ko parin lubusang naisip kung bakit ako nagseselos sa ibang mga bata na
kasama ang kanilang ina. At palagi kung tinatanong sa aking sarili kung bakit
kailangang ipasantabi ng aking Ina ang kanyang mga anak at unahin ang anak ng iba.
Hindi ko ito dinamdam dahil mahal ko ang aking Ina.

Sobrang hirap kung hindi mo nararamdaman ang presensya ng iyong Ina at wala ng
hihigit pa kung ikaw ay kanyang bibigyan ng atensyon at kalinga. Habang nagtatrabaho
ang aking INA AY NAIWAN naman kami sa pamamahala ng aming Ama. Naging strikto
ito at madalas mapagbuhatan ng kamay ang aking mga nakatatandang kapatid.
Republic of the Philippines
Saint Theresa College of Tandag Inc.
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
COR. Magsaysay& Quezon Sts. Dagocdoc
Tandag City

Palagi kaming sumusunod sa mga utos ng aming ama sa takat na baka kami ay
mapagbuhatan ng kamy. At dahil sa takot naiyon ay nagdulot ito ng sama ng loob at
ang nakatatanda kung kapatid ay nagtanim ng poot.

Ang pangalawa kung nakakatatanda kung kapatid na babae ay nagrebelde sa aking


mga magulang dahil hindi niya na daw nararamdaman ang pagmamahal sa aming
pamilya. Dahil daw ang aking Ina ay wala sa aming piling palagi at ang amin namang
ama ay sobrang strikto kung kayat nagawang magrebelde ang aking pangalawang
nakatatandang kapatid sa aking mga magulang.

Mahirap ang aming buhay hindi dahil kami ay kapos sa pera pero ito ay dahil wala
kaming supota na nakukuha mula mismo sa aming mga magulang. Naging lakwatsero
ang aking pangalawang nakakatandang kapatid at ang aking pinakamatanda ko
namang kapatid ay naging masunurin dahil natatakot ito sa aking ama at nagkaroon na
siya ng trauma sa aking Ama. Sa kunting salita lamang ng aking Ama ay agad niya
itong sinusunod dahil hindi niya gustong mapagbuhatan siya ng kamay.

Habang kami ay palaki na ng palaki ay nagiging hindi na nagkakasya ang pera na


inuuwi ng aking Ina bilang elementary teacher sa paaralang nasa syudad kaya
napagdesisyonan nito na maging elementary teacher sa bukid upang makakuha ng
malaking sahod at maraming allowances.

Ang pinakamatanda kung kapatid ay pumunta ng davao city upang magtrabaho


bilang call center agent dahil gusto niya ring maibsan ang paghihirap ng aking mga
magulang at para din makatulung siya sa mga gastusin sa bahay.

At dahil sa kadahilanan na gustong gusto niyang matulungan ang aking mga


magulang ay naghirap ang aking Ate at nadarama niya palagi ang lungkot sa tuwing
namimiss niya kami ay tumatawag nalang ito sa telepono at kinukumusta niya kami.
Republic of the Philippines
Saint Theresa College of Tandag Inc.
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
COR. Magsaysay& Quezon Sts. Dagocdoc
Tandag City

Sa tuwing tumatawag sa amin ang nakatatanda naming kapatid ay naririnig namin sa


kanyang boses ang pagkapagod at paghihirap na dinaranas niya sa syudad at dahil sa
trabahong napasukan niya bilang call center agent ay lagi na itong napupuyat.

At ang akin naman isang kapatid ay nagpatuloy sa kanyang pagrerebelde.


Napabarkada ito sa mga masamang tao at naimpluwensyahan siya ng mga taong ito.
Nahilig ang aking nakatatandang kapatid sa pag inom ng alak at paggamit ng sigarilyo
naging masama talaga ang epekto ng mga barkada ng aking kapatid sa kanaya at ang
mga masasayang araw na kasama niya ito ay naglaho sa isang iglap.

Ang pagrerebelde ng aking ate ay nagbunga, nagbunga ng bagong biyaya hindi


naisipan ng aming magulang na siya ay itakwil dahil mahal siya nito kaya hindi naisipan
ng aking ate na ipalaglag ang dinadala nito. Niyakap siya ng aking Ina at niyakap din
siya ng sobrang higpit at himingi ng kapatawaran ang aking ama sa aking ate.

Nalaman ng aking Ina at Ama na ang dahilan ng lahat ng ito ay dahil walang panahon
ang aking Ina sa amin at ang aking ama naman ay naging strikto sa pagpapalaki sa
amin. Sinubukan ng aking Inana bigyan na kami ng Oras dahil ayaw na nilang maulit ito
at ang aking ama naman ay naging mas mabit at magaan na siya kung kausapin.
Simula noong araw na iyon ay ang buhay namin ay tuluyan ng nagbago.

You might also like