You are on page 1of 3

Maria Angelica Macatuno

11916657
MASIPAG ODGE5

Karanasan Ngayong Pandemya

Ako si Maria Angelica Macatuno, sa aming tahanan, ako ay tinatawag na “Angie”.


Bago magsimula ang epidemya, naalala ko ang huling labas namin magkakaibigan sa kolehiyo,
noong kami ay naghahanap ng condominium malapit sa Taft, dahil malayo ang aming tirahan at
naghahanda na rin kami sa susunod na semester. Kami ay nakapag gimik pa sa BGC,
ipinagdiriwang ang katapusan ng semester at dahil nakakuha rin kami ng aming Dean’s Lister.
Noong binalita na sinuspinde ni Duterte ang mga klase, kami ay nagdiwang muli dahil hindi na
namin kailangan bumiyahe papunta sa eskwelahan at makakatulog kami nang mahaba na hindi
inaalala ang commute. Sa totoo lang, hindi ko masyado binigay pansin ang nagkalat na
COVID-19 dahil ako ay naka-pokus lamang sa pag suspinde ng klase.

Ang isang linggong suspension ay inabot ng isang buwan. At ang isang buwan
ay inabot ng isang taon. Ako ay nabahala sa pagdami ng kaso ng COVID-19. Hindi ito naging
madali sa akin. Ang aking mga magulang ay nagtatrabaho sa abroad at kami lamang ng aking
kuya ang nakatira sa isang maliit na condo sa Paranaque. Ako ay lubos na nag aalala sa aking
mga magulang sa abroad lalo na ang aking nanay ay isang frontliner. Naranasan ko ang panic
buying sa Waltermart na malapit sa aming condo. Naranasan ko rin ang pumila sa grocery store
ng ala sais ng umaga upang makabili lamang ng aming pangangailangan. Wala kami sasakyan
o kung ano man uri ng transportasyon. Ang panahon na iyon ay mahigpit na ipinagbabawal ang
mga tricycles, taxi o kaya Grab. Dahil sa wala ako masakyan, pinagtyatyagaan ko lakarin ang
Waltermart hanggang sa aming condo na dalawa na kilometro ang layo. Lagi ako umuwi ng
pagod dahil bukod sa mabigat ang aking mga bitbitin, umaabot halos na tatlong oras bago ako
makapasok sa supermarket. At dahil sa aking karanasan, natutunan ko gumamit ng mga online
stores upang gumaan kahit papano ang aming buhay.

Doon pa lamang nagsisimula ang lahat. Naging matatag naman kami ng aking
kuya dahil nakakapag padala pa rin sa amin sina mommy at daddy sa kabila ng pandemya.
Kami ay pinagpala pa rin dahil hindi namin naranasan na naghirap dahil sa pera. Dahil fronliner
ang aking nanay, patuloy ang pagpasok ng pera. Iyon ay naging sapat para mabuhay kami
magkakapatid dito sa Pilipinas. Akala ko hanggang doon lamang ang aking pagsubok.
Hanggang sa umabot ng pangalawang taon ng epidemya, nawalan ako ng lola. Kahit sabihin
natin na inaasahan na namin ito dahil bago pa lamang siya pumanaw, siya ay sobrang
nanghihina na. Pero sobrang sakit pa rin sa aming lahat ang nangyari. Nagsimula lamang siya
magkasakit nang nadulas siya sa banyo at dahil doon, hindi na siya makalakad. Siya ay lagi na
naka wheelchair at mas humina kumain. Hindi na rin namin siya madala sa labas dahil hindi
niya na kaya. Isa sa mga bagay na pinagsisihan ko ay hindi ko sinulit ang mga oras noong
buhay pa siya. Kada tinitignan ko ang aking lola noon, hindi ko alam kung paano siya lalapitan o
kukwentuhan dahil hindi kami lumaki kasama siya. Lagi ko na lang siya sinasamahan sa aming
sala habang nanonood ng kanyang mga paboritong pelikula. Kahit hindi kami masyado umiimik,
ang kanyang presensya ay nagpapakalma sa akin.

Nung pumanaw ang aking lola, hindi ko alam kung ano nararamdaman ko. May
halong pagsisisi, lungkot at ramdam ko ang pagwasak ng aking puso. Kahit alam namin na
nalalapit na siya kunin ng Panginoon, hindi pa rin namin matanggap na kinuha na siya sa amin.
Hindi ko maipagkakaila na lubos ko namimiss ang aking lola. Sumabay ang pagkakaroon ni
mommy ng COVID-19, at hindi ko makakalimutan na nalaman ko ang balita na ‘yon habang
malakas ang mga fireworks sa labas ng aming bahay. Bago magbagong taon, nagkaroon si
mommy ng COVID. Halos mabaliw na ako dahil iniisip ko agad na hindi ko kaya mawala ang
nanay ko. Pakiramdam ko makakaligtaan na ako ng hininga sa nalaman ko at may halong inis
na nararamdaman dahil hindi ko siya madamayan. Wala ako magawa para tulungan siya. Pero
sa awa ng Diyos, nalagpasan namin ang pagsubok at gumaling din siya agad. Sa mga nangyari
sa aming pamilya, lubos na nakakaapekto ito sa aking pag aaral. Sa tanang ng pag aaral ko sa
kolehiyo, ako ay nagkaroon ng grado ng uno sa mga iba kong kurso. Ang isa kong major
subject ay halos ma-Repeat ko na dahil hindi ko na ito nagbibigay ng pansin. Gusto ko sumuko
sa mga panahon na iyon.

Ng dahil sa isa kong propesor, tinulungan niya ako matapos ang kurso na iyon
para hindi ako mag-Repeat. Hanggang ngayon, hinding hindi ko siya makakalimutan dahil sa
panahon na gusto ko na tumigil, may isang propesor na handa ako tulungan kahit hindi ko ito
hinihingi o di kaya hindi pa kami nagkakilala ni isang beses. Ako ay lubos na nagpapasalamat
sa Panginoon dahil pinagpala Niya ako ng isang mabuting propesor na iniisip din ang
kapakanan ng kanyang estudyante bukod sa kanyang sarili. Kung hindi niya ako itinulak pataas,
baka ako ay delayed na sa aking pag aaral at hindi ito makakabuti para sa aking mga
magulang. Ako ay mentally stable na ngayon kumpara noon. Mas pinagiigihan ko na ang pag
aaral. Natutunan ko din sa pandemya na mahalin mo ang mga tao sa paligid mo dahil hindi
natin alam ang hinarap. Pahalagahan natin sila at lagi maging mabuti sa mundong puno ng poot
at kasamaan.

You might also like