1. Para sa inyo ano ang kahalagahan ng araw ng patay?
Ito ay mahalaga dahil ang araw na inaalala natin sila.Ito
ang araw na dapat natin silang alalahanin at mahalin.
2. Paano ninyo maipapakita ang inyong pagmamahal
sa buhay na naiwan?
Sa pamamagitan ng pag-papadama sa kanila na silay
importante, sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanila.
3. Ano ang mga tradisyong minana natin sa ating mga kanunuan
na ginagawa natin sa kasalukuyan Sagot- Magsindi ng kandila at ipagdasal ang ating mga namayapang kapamilya, MagLuto ng mga pagkain gaya ng Biko, Mag-alay ng pagkain o Bulaklak. 4. Ano ang mga Kababalaghan ang iyong naranasan na Hindi mo makakalimutan? Isang Araw, ang aking kapatid kong babae ay masayang nagsasayaw, Sa sobrang Kakasayaw niya,hindi namin alam may isang naaliw sa kaniya.Kinabukasan nagulat kami dahil siya ay nanghihina at panay ugum ng kanyang laway at di na niya gustong kumain kaya kami ay nagulat bakit sya nagkakaganyan habang kahapon lang ay ang giliw-giliw niyang sumasayaw.Ayun kinakabahan na kami at na-isip ng kapatid ng Mama ko na tawagan yung pinsan niyang may alam na tumingin kong ikaw ay ginagambala ng masamang elemento.Sinabi ng mangagamot na malakas ang nang-aano kapatid ko at dapat na pumunta sila doon.Kaya agad na nag desisyon si Mama na pumunta sa lugar ng mangagamot.Dali-dali silang nag-impake at agad na pumunta sa terminal ng bus kasi malayo rin iyon.Kinabukasan nakarating na sila sa lugar ng mangagamot at agad na tinignan ang aking kapatid at iyon binatukan daw sya ng AGTA sa NOO at Likod.Tapos ng ginamot ang kapatid ko at pumunta na si Mama sa bahay ng tatay niya dahil taga ron rin ang kanyang ama.Kinagabihan habang kumakain sila kinuha ng pinsan ko ang pinggan na nilalagyan ng kanin.Nagulat nalang sila at biglang may malakas na tunog sa hapag kainan at iyon pala ang pinggan na kinuha ng pinsan ko,kinabahan na silang lahat na nandoon at sabi ng lolo ko na nagalit daw yung AGTA.Ilang araw umuwi na sila Mama.Yung kapit bahay namin nagtaka bakit daw wala sila mama sa bahay namin kaya pagdating nila Mama agad niyang tinanong kung saan daw sila galing at ang sagot ni Mama “Ang layo ng pinuntahan namin para patignan tong anak ko”.”Bakit anong nangyari sa kanya?” sabi ng kapitbahay namin.”Ay ginagalaw ng AGTA ang anak ko” sagot naman ni Mama.”AHHH ganun ba pero san namin galing yung AGTA daw?”sabi ng kapitbahay namin. Sagot naman ni mama “Dyan sa puno niyo na talisay na nasa harap ng bahay namin”. “AHH ganun ba sige ipapaputol koto sa asawa ko”. At pagdating ng dapit hapon pinutol na nila ang puno ng talisay. Kinagabihan pupunta na naman sila Mama sa Zamboanga. Habang silay abala sa pagiimpake si papa nasa sala nanood ng TV naghihintay na matapos sila Mama dahil ihahatid niya ito sa terminal ng bus. Lalabas nasana ako dahil pupunta ako sa bahay ng Mommy ko biglang sumirado ang aming pinto, Kinabahan naako at tumakbo sa kwarto kung saaan nandoon sila mama. Bigla na naman itong bumukas at huminto lang ito ng sinabi ni papa na “Hindi kami ang pumutul sa tirahan mo dun ka sa kanila”. Sa takot ko sabi ko na ma pahidan mo nga ako ng lana na bigay nong mangagamot at agad na pinahidan ako ng Mama ko at Mula noon hindi na nila kami ginambala pang muli, pero bago pa nila ginalaw kapatid ko non may nakikita nakong batang babae na nasa harap ng tinutulugan ko. Habang natutulog ako sa sahig, nagising ako nang mga alas 2 ng hating gabi dahil iihi sana ako non, kaso pag tingin ko sa harap ko may batang babae na nakatingin sakin na naka whole dress na white, sa takot ko hindi nalang ako bumangon pa para umihi. Kinabukasan kinuwento ko sa nanay ko ang nangyari, sabi rin niya na meron rin syang nakikita dahil habang natutulog daw ako non sa kwarto may tumakbo daw na bata sabi niya Ralph ikaw ba yan? Tinignan niya sa kuwarto tulog na daw ako. Balik tayo sa batang babae, 2 weeks later nagising na namn ako dahil ang ingay ng pinsan ko naghuhugas pala sya ng pinggan sa madaling araw, kinabahan na naman ako dahil yung batang babae ay nasa harapan ko na naman kahit ang pinsan ko ay nasa gilid naghuhugas ng plato, agad akong bumaluktot sa kumot ko at pinilit na makatulog.Mas malala na ang nangyari nung makalipas ang isang buwan. Nagising ako ng 1ng madaling araw at nandun na naman sya sa harapan ko at sinubukan ko na syang tignan non nawala bigla yung takot ko at tinitigan ko talaga sya ng mabuti hanggang sa Humakbang sya patungo sakin edi natakot na naman ako at umakyat sa katre na tinutulugan ng pamilya ko at bumaloktot ako sa kumot at pinilit ko na namang matulog.Simula nung pinutul na nila yung puno ng talisay hindi na sya nag paramdam sakin pero nanaginip ako sa batang iyon, Siya daw ay 9 na taong gulang,galing daw sya sa kasal at parang ginahasa daw sya at nung tumakas sya nasagasaan sya ng kotse.Ewan ko kung anong gustong ipahiwatig ng batang yun sakin pero sana maging masaya kana at wag kanang manggambala pa.