You are on page 1of 3

Ang Naglayas

ni: Syahril Latif



Unit-unitng lumakas ang mga boses ng madasling araw sa labas: ang tunog ng beduk sa malayo,
ang mga tandang na sunud-sunod na tumitilaok, ang tubig na bumubuga sa tubo, ang mga sandalsyas na
hinihila sa table, ang mahihinang pag-ubo; nakahiga pa akong nakikinig sa lahat ng tunog na iyon, medyo
tulog pa. madilim sa kiwarto at madilim din sa labas. At saka narinig ko ang boses ng Tatay ko na
nagdadasal ng Subuh: malingkot pero nakagugulat sa umaga. Bumangon ako, kinusot ko ng ng kamay
ang mata ko at saka bumaba sa hagdang naliligo sa mahinang liwanag ng galling sa kuwarto ng Nanay
ko. Nang pumasok ako sa kuwarto, nakita ko ang Nanay at Tatay ko na nakaluhod at nagdarasal nang
taimtim. Nakaupo si Nanay sa likuran ni Tatay, suot ang puting kerudung. Naaninag sa mukha niya ang
kapayapaan. Nakatititg si Nanay sa sahig gaya ng mga taong nagdadasal. Hula ko alam ng Nanay na
nakatayo akong malapit sa kanya. Nanonood pagkat pagkatapos na pagkatapos niyang magdasal,
niyakap niya ako at kinandong niya ako. Namumuno sa dasal ang Tatay. Pagkatapos niyon, umikot si
Tatay nang nakatingin sa akin.
Usman, pinagalitan ako ng Tatay, Maghilamos kat magdasal! At balik na naman ang Tatay
sa kanyang Zikir. Nakahiga ako sa kandungan ng Nanay, na marahang hinilot ajko sa ulo.
Umikot uli si Tatay at mabagsik na nagsabi, Matigas ang ulo mo! Sige labas! Erehe!
Nag-unat akong tatamad-tamad.
Sige na, Us sabi ng Nanay. Gawin moa ng gusto ng Tatay mo. Ipagpiprito kita ng itlog. tindig
na, iho.
Natuwa akoy napagsabihan ako ng Nanay kaya tumayo ako, tulu-tuloy sa banyo.
Aanim na taon ako noon.
Umalis si Nanay para kunin ang damitr ko sa aparador samantala, hinintay ko siya sa kusina,
nakabalanal ng tuwalya at giniginaw matapos maligo sa umaga. Nagbihis ako. Sinuklayan anko ng Nanay.
Nang nag-almusal kami natapon ang salsa ng gulay sa shirt ko. Galit na sabi ng Tatay: Talagang salbahe
ka! Bigla akong nawalan ng gana kahit ng nga may pritong itlog sa mesa.
Pagkaalmusal, pinalitan ng Nanay ng malinis ang damit ko. Eto ang pera, sabi ng Nanay at
inilagay niya ang pera sa bulsa ng shirt ko. Ingat ka, darling. Sige, puntahan moa ng Tatay mo sa
tindahan at sabihin mo, Dad, gusto po ni Us na pumasok sa eskwelahan.
Umiling ako. Kung pilitin ng Nanay na puntahan ko ang Tatay ko iiyak ako. Naintindihan naman
ako ni Nanay. Sa likuran ako nagdaan para pumasok sa eskuwelahan.
Malapit sa hilera ng mga tindahan sa daang iyon an gaming bahay. Hinawa naming tindahan ang
harapan ng bahay, nagbibili kami ng maliliit na kasangkapan, kendi, tinapay at tela. Ang kuwarto naming
ni Ida ay nasa second floor sa tapat ng tindahan mismo. Bukas ang tindahan mula umaga hanggang gabi.
In-charge doon ang tatay. May assistant siyang lalaki na siyang gumagawa ng mabibigat: nagbubukas ng
pinto at ng mga bagong dating na kahon, inaayos sa shelves ang lahat ng paninda, at umuuwi lang
pagkasarado na ang tindahan. Paminsan-minsa, inaasikaso rin ni nana yang tindahan kung wala naming
Jmasyadpong ginagawa sa kusina.
Gustung-gusto ko ng kendi. Pero wala akong lakas ng loob na kumuha niyon sa bote. Natatakot
akong mapagalitan ng tatay. Pero hindi ganoon si Ida, na kapatid ko. Kung malan ng tatay na si Ida ang
nagnanakaw ng kendi, sasabihin lang niyon na ibalik ang kinuha sa lata, at di nga katakataka na
mapupuna sa bibig ni Idaang kendi. At kukulitin ni Ida ang tatay: Isa lang naman, itay.
Hindi na makukuhang magalit ni tatay sa kanya.
Nagpapalipad kami ng kaibigan ko ng saranggola maghapon doon sa malapit sa aming bahay. Nagnakaw
ako ng tatlong putol ng simulid sa tindahan habang nagdadasal ng Lohor ang tatay. Ibinigay ko sa
kaibigan ko ang isang putol. Angdalawang putol ay ginawa naming benang gelasan, sinulid na nilagyan
naming ng bubog na nakahalo sa pandikit.
Masarap maging saranggola, lumilipad ng mataas, libreng hinihipan ng hangin at nakikita ang
buobg baya buhat sa itaas. Maty dalawang ibong lumipad, nilampasan ang saranggola ko, at saka
dumapo sa isang sanga ng mataas na arbol del fuego. Masarap maging isang ibon na lumilipad saanman
niya gustuhin.
Nalimutan kong mag-ngajiat nakauwi nang huli na sa hapon. Pula na ang mga mata ko at gutom
na gutom. Patingkayad akong pumanhik sa itaas sa kuwarto ko para itagi ang saranggola ko.
Tuwing Biyernes, isinasama ako ng tatay sa Moske Jami para magdasal. Binigyan ako ng tatay ng
isang magandang Kopiah at isang Sarong na kinuha niya sa kanyang tindahan. Patagi-tagilid akong
sumabay kay tatay. Maingay an gaming mga sarong. Muntik na akong madapa pagkat di ako sanay
magsandalyas at saka mabilis lumakad si tatay. Hininaan ko ang lakad ko nang Makita kong naglalaro ng
holen ang mga kaibigan ko. Pero hinatak ako ng tatay ko. Saka lang ako nagmadaling sumabay sa kanya.
Nagtataguan-pung kami nina Yenni, Ida, Bahrum, Kolid, at Jaelani matapos magdasal ng
bMagrib.
Mag-Hompimpa muna tayo, sabi ni Bahrum.
Okey.
Okey.
Nag-Hompimpa kami. Natalo si Ida. Tinakpan niya ng kamay ang kanyang mata at nag-umpisa na
siyang bumilang: One, two, three, four, five..sirit?
No! sagot ng mga kaibigan ko.
Masyado ka namang mabilis magbilang e. ang daya ni Ida.
Naghanap kami ng taguang mahirap Makita. Angbilang na naman si Ida:
.six.seveneightnineten!
Nagtago ako sa likuran ng isang kahong walang laman sa madilim na eskinita. Hindi naming
alam, nagyakap kami ni Yenni. Naku, huwag. Nakakahiya, a, bulong ni Yenni sa akin.
Siit, sabi ko, Baka tayo Makita.
May isang lalaking nagnakaw ng Kain Jemuran at hinuli siya ng pulis. Ma dugo ang mukha niya.
Tumigil ang ilang nagdaraang sandal para panoorin ang karnabal.
Anong nangyari?
Nagnanakaw.
Naku, kawawa naman.
Isang gabi bigla akong nagising nang may narinig akong umiiyak. Nag-aaway si Tatay at Nanay.
Pilit na pinipigil ni Nana yang kanyang pag-iyak, ayaw niyang marinig naming o ng mga kapitbahay ang
pag-iyak niya. Gusto kong tulungan si Nanay. Mahal ko si Nanaygalit ako kay Tatay.
Pihong-piho nang isang bese isang buwan umaalis ng bayan si Tatay. Minsan nagpupunta siya sa
Tanjung Balai. Minsan sa Rantau Prapat. Binibisita niya ang mga kliyente at namimili rin siya para sa
supply ng kanyang tindahan

You might also like