You are on page 1of 6

KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Nilalaman (45%) 
Kaugnayan sa Tema (30%) 
Paggamit ng Salita (25%) 
Kabuuan (100%)

PAGSULAT NG TULA

Panuntunan:

1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mga mag-aaral na may asignaturang Filipino.Isa hanggang dalawang kalahok ang inaasahang kakatawan
sa bawat klase.

2. Gaganapin ang paligsahan sa ika-28 ng Agosto,2009 sa ganap na ika-10 ng umaga sa BR2.

3. Ang Komiti ay magbibigay ng sulatang papel bago magsimula ang paligsahan kaya’t magdala lamang ng panulat.

4. Bubuuin ng apat na taludturan na may lima hanggang anim na saknong ang tulang gagawin.

5. Isusulat at gagawin lamang ito sa loob ng isang oras.

6. Ibibigay ang pamagat/paksa ng tula sa takdang oras .

7. Ang desisiyon ng mga hurado ay pinal.

Krayterya:

Nilalaman at pammaraan         –           50%

Istilo                                        –           25%

Pananalita                                –           15%

Orihinalidad                            –           10%

1. MEKANICS PARA SA POSTER


a. Ang paligsahan ay bukaspara sa mga pampubliko at pampribadong kawani na interesadong
lumahok.
b. Dapat angkop sa temang Buwan ng Wika ang larawang iguguhit – “Wika Natin, ang Daang Matuwid.”
c. Ang kalahokang siyang magdadalang mga kagamitan para sinasabing paligsahan.
d. Ilagay sa isang kalahating kartolina ang larawan iguguhit.
e. Binibigyanng isa at kalahating oras ang bawat kalahok na matapos ang kanyang poster.
f. Isumite sa taga-pangulo ang natapos na poster.
g. Ang pasyang mga hurado ay pinal at hindi na maaring pasubalian.
h. Ang mga magwawaging Una hanggang Ikatlong gantimpala ay tatanggap ng Sertipikong Pagkilala.
i. Ang kraytirya ay binubuo ng mga sumusunod:
Sining ng pagkakabuo 30 %
Kaugnayan sa Paksa 20 %
Pagpapakahulugan 20 %
Pangkalahatang 15 %
Biswal
Orihinalidad 15 %
Kabuuan 100%
Paggawa ng Sanaysay
Kinakailangan ng isang studyante.
Mga Alituntunin ng Paligsahan
 Ang bawat kalahok ay bibgyan ng sari-sariling pwesto ng paggawaan ng sanaysay. Ang mga kalahok ay
gagamit ng kompyuter sa paggawa ng kanilang mga likha.
 Ang gagawing sanaysay ay dapat mayroong 500 salita o higit pa.
 Gawing nauugnay ang likha sa binigay na tema.
 Siguraduhing hindi gagamit ng mga salitang mapaminsala sa kapwa.
 Bawal ang paggamit ng ibang sanguni o maging ang internet, siguraduhing alang ibang aplikasyong
nakabukas sa kompyuter.
 Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtingin sa gawa ng ibang mga kalahok at hangat maari ay tahimik na
gumawa.
 Mayroong isang oras na nakalaan sa paggawa ng naturang sanaysay. Sa paglipas ng nabangit na oras ay
kinakailangan ng huminto ang kalahok sa paggawa, ang sino mang hindi hihinto ay madidiskwali- pika. Kung
tapos na bago pa man ang oras na binigay ay maaring ng tumayo sa kinalalagyang pwesto.
 Bago lisanin ang kompyuter na pinaggagawan ay siguraduhing naka’save ang inyong gawa sa file name at
directory na ibibigay ng tagapangasiwa.

Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa


ni Patrocinio Villafuerte
(Sabayang Pagbigkas)
Sa bawat panahon
Sa bawat kasaysayan
Sa bawat henerasyon
May palawakan ng isip
May palitan ng paniniwala

May tagisan ng matwid

Maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit

Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangkat

Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit

Wikang Pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao

Wikang naglalagos sa isipang makabansa

Wikang nanunuot sa damdaming makalupa

At paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig

Bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit

Hinihingi’y Kalayaan! Katarungan! Kalayaan! Katarungan!

Hanggang saan susukatin?

Hanggang kailan bubuhayin?

Hanggang kailan maaangkin?

Layang mangusap, layang sumulat

Layang mamuhay, layang manalig

Layang humahalakhak, layang mangarap,

Layang maghimagsik

Maghimagsik! Maghimagsik! Maghimagsik!

A, parang isang pangarap, parang isang panaginip

Kasaysayan pala’y mababago isang saglit

Sa dakong silangan … doon sa silangan

Ang sikat ng araw … sumilip, sumikat, uminit

Sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid

Sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsa’t tumindig


Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!

Laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapan-lupig

Bata’t matanda, propesyonal at di propesyonal

Manggagawa, kawani, guro, mangangalakal

Mangigisda’t magbubukid, pari, madre, iskolar

Sundalo, pulis, drayber, estudyante, istambay

A, lahat-lahat na

Sa sama-samang tinig, sa sama-samang lakas

Nagkakaisa, nagkasama

Nagkasama, nagkaisa

Mga bagong bayani ng Bagong Republika

At …

Wala nang dapithapon

Wala nang takipsilim

Wala nang lungkot, takot, luha, dusa’t hinagpis

Wala nang tanda, ng dustang pagkalupig

Bagwis ng ibong dati’y pinuyian sa tinid ng galit

Ngayo’y nakalipad na … umaawit, humuhuni, umaawit

Dahil malaya

Dahil sa wika

Dahil sa lakas

Bagong kalayaa’y naririto ngayon

At nakamit natin nang buong hinahon

Ni walang digmaa’t pinapanginoon

May mabuting nasang taga sa panahon

At kung sakaling magbalik muli

Ang kasaysayang hininog ng isang madilim na kahapon

Muli, ang paisa-isang dila, ang parami-raming labi

Ang sama-samang tinig

Ang sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo’t magkakapatid

Sama-samang gigising, magkakapit-bisig aalsa’t titindig

Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!

PAMANTAYAN PARA SA MGA LALAHOK SA PALIGSAHANG SABAYANG PAGBIGKAS:


I.
 
Ang paligsahan ay gaganapin sa Don Bosco Gym sa ika-31 ng Agosto 2012, sa ganap na10:30-12:30.1.
 
Ito ay maaaring lahukan ng mga sumusunod:a.
 
Mga mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.b.
 
Mga naimbitahang mga mag-aaral mula sa paaralang sekondarya ng ating kolehiyo.c.
 
Mga naimbitahang mga mag-aaral mula sa TVET.II.
 
Mga Mekaniks ng Paligsahan:1.
 
Bawat kalahok na pangkat ay bubuo ng mula 15 hanggang 30 kasapi.2.
 
Isang pyesa lamang ang maaaring gamitin sa paligsahan (“Ang Buhay ng Tao”, akda ni
Jose Corazon de Jesus).3.
 
Hindi bababa sa tatlong minuto (3 mins.) at hindi naman lalampas sa limang minuto (5mins.) ang kinakailangan upang
tapusin ang pyesa.4.
 
May kabawasan sa bawat segundo ang pangkat na lalampas sa hinihinging takdang orasupang tapusin ang pyesa:a.
 
1 puntos para sa 1-5 segundob.
 
2 puntos para sa 6-10 segundoc.
 
3 puntos para sa 11 segundo pataas.5.
 
Mga dapat tandaan habang bumibigkas:a.
 
Asul na watawat
 – 
hudyat na maaari ng magsimula ang mga kalahok b.
 
Dilaw na watawat
 – 
hudyat na kalahati na sa itinakdang oras ang natitirac.
 
Pulang watawat
 – 
hudyat na kalahating minuto na lang ang natitira sa mga kalahok.6.
 
Bilang paggalang sa
“poetic right” ng may
-akda, hindi pinahihintulutan ang pagkakaltasng mahahalagang salita o kaisipan sa nasabing pyesa; ngunit maaaring
payagan angpagdaragdag ng ilang mga pantulong na salita na hindi naman makakaapekto sa naisipahayag na kahulugan
ng may-akda.7.
 
Ang paglalapat ng himig, tunog, o awitin habang bumibigkas ay maaaring gawin ng mgakalahok.8.
 
Ang pagsusuot ng mga kasuotan, paglikha ng mga props o pagkakaroon ng koryograpi aypinahihintulutan kung ito ay
makadaragdag sa pagiging malikhain at ikagaganda pa sanaturang paligsahan.9.
 
Ang mga magwawagi ay magkakaroon ng titulo at magkakamit ng mga sumusunod:a.
 
Ekspert/Dalubhasa (unang gantimpala)
 – 
tropeyo at sertipiko ng karangalanb.
 
Guro/Maestro (ikalawang gantimpala)
 – 
tropeyo at sertipiko ng karangalanc.
 
Nubat/Aprentis (ikatlong gantimpala)
 – 
tropeyo at sertipiko ng karangalan.10.
 
Ang desisyon ng mga HURADO ay pinal at hindi maaaring baguhin ninuman

Mga Mungkahing Paraan sa Paghahanda ng Panabayang Pagbigkas

1.      Piliin ang akda (maaaring tula, sanaysay, talumpati, o alamat) na angkop sa pampanitikang pagpapahalaga ng bata:
sa damdamin, kaisipan, kaugalian.
2.      Pagpangkat-pangkatin ang klase ayon sa tinig: babae-soprano, kontraalto, alto; lalaki-tenor, baho (bass).
3.      Basahin nang malakas at pabigkas ang akda.  Bigyan ng pansin ang mga kamalian sa pagbigkas at iwasto  ang mga
ito.
4.      Unawain ang nilalaman ng akda.
5.      Isaayos ito para sa panabayang pagbigkas sa tulong ng pangkat.
6.      Bigyang-laya ang bawat nagnanais na magpasok ng mga mungkahi sa pagsasaayos ng akda.
7.      Kung kailangan ng mga soloista, pumili sa pamamagitan ng pagsubok.
8.      Gawing magaan at natural ang tinig.  Maaaring palakasin ang tinig ngunit hindi pahiyaw; hindi dapat pilit ang
pagpapalabas nito.
9.      Ang akda ay kusang naisasaulo kapag ito’y binabasa, lalo na kung panabayan.

Madulang  Sabayang Pagbigkas

Panuntunan:

1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng Kolehiyo.

2. Inaasahang ang bawat kolehiyo ay may 25-30 kalahok(dalawampu’t-lima hanggang tatlumpu)

3. Ang mga kalahok ay kukunin sa mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Filipino

4. Isang pyesa lamang ang gagamitin sa madulang sabayang pagbigkas

5. Iminumungkahing  kumuha lamang ng tagapagsanay sa sariling departamento.

6. Pinahihintulutan ang paglalapat ng himig,tunog, o awitin at ang pagkakaroon ng koryograpi.

7. Mahalaga sa madulang sabayang pagbigkas ang tinig,bigkas, pormasyon ,blaking ,ekspresyon imahinansyon interpretasyon
damdamin,tamng pagbigkas at larawang-diwa.

8. Maglapat ng sariling sining

9. Pito hanggang sampung minuto lamang ang oras ng pagtatanghal ng madulang Sabayang pagbasa

10. Bawat lalabis na minuto ay kabawasang isa 1 puntos na tatamuhin mula sa hurado.

11. Tatanggapin ang anumang kasuotang angkop sa pyesa ng Madulang Sabayang Pagbigkas.

12. Final ang desisyon ng Hurado.

Krayterya:

1. Interpreatasyon………………………………………………………………………..…..60%

1. Orkestrasyon ng tinig …………………………………………..30%

(Pagkakahalu-halo ,pagkakasabay-sabay,pagbuo,lakas,taginting,

tempo,uri ng tinig at kaangkupan sa diwa ng pyesa..)

1. Koryograpi(kilos,galaw,kumpas,blaking)………………10%

2. Kaangkupan ng ekspresyon ng mukha………………….10%

1. Sangkap na Teknikal…………………………………………………………………….15%

a.kaangkupan ng pag-iilaw, tunog,awitin

III.   Panghikayat sa madla………………………………………………………………….25%

a.Katauhan/personalidad……………………………………..10%

b.Hikayat…………………………………………………………………5%

c.Kasuotan……………………………………………………………..10%
________________

100%

You might also like