Professional Documents
Culture Documents
1. Wika ……………………………………… 1
2. Wika Pambansa
3. Wikang Panturo
4. Wikang Opisyal
5. Bilinggwalismo
6. Multilinggwalismo
7. Register/Barayti ng Wika
8. Homogenous
9. Heterogenous
10. Linggwistikong komunidad
11. Unang Wika
12. Pangalawang Wika at Iba pa
1. Instrumental
2. Regulatoryo
3. Interaksyonal
4. Personal
5. Heuristiko
6. Representatibo
1
2
Filipino 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang wikang panturo naman
ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga
mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade
3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinatawag itong Mother Tongue-
Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).
Unang Wika (L1) ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang
itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, at arterial na wika. Sa
wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang
mga ideya, kaisipan, at damdamin.
Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika
sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon, o sa iba pang tao. Dito
ngayon umuusbong ang kanyang pangalawang wika (L2).
Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami
pa ang mga taong nakasasalamuha niya, gayun din ang mga lugar na kanyang
nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na
kanyang nababasa at tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral. Ang wikang ito
ang ginagamit niya sa pakikiangkop sa lumalawak na mundong kanyang
ginagalawan. Ito ang ikatlong wika o L3.
3
Bilingguwalismo ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba
ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Maituturing na bilingguwal ang isang
tao kung magagamit niya ang dalawang wika ng matatas sa lahat ng pagkakataon.
Multilingguwalismo. Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon
tayong mahigit 150 na wika at wikain.
Idyolek- Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa
ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Sa barayting ito, lumulutang
ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Hal. Kris Aquino,
“Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla!
Register-Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri
ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang
pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mas
mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong
kakilala.
Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at layunin. Maaari itong gamitin
upang magtakda ng isang kautusan, magpalaganap ng kaalaman, kumumbinse ng
kapwa na gawin o paniwalaan ang isang bagay, bumuo at sumira ng relasyon,
kumalinga sa mga nahihirapan at nasisiphayo, at sa maraming pang kaparaanan.
Ayon sa mga Australyanong linggwista na si M.A.K. Haliday, may iba’t ibang gamit
4
ang wika. Tinalakay niya ang mga ito sa kanyang “Systemic functional linguistic
model.” Nasa ibaba ang 7 gamit ng wika at halimbawa ng mga ito.
5
isinakatuparan. Magbigay ng ekstaktong pangungusap. Ibahagi ang obserbasyon sa
klase.
http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/
http://wika.pbworks.com/w/page/8021671/Kasaysayan
6
http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-filipino
https://www.scribd.com/doc/56032425/Multilinggwalismo-Salbabida-Ng-Wikang-Filipino-at-Mga-
http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/order/2013/DO_s2013_034.pdf
Dayalekto-Bagong-Kahingian-Sa-Global-is-a-Dong
file:///C:/Users/mlmcantillo/Downloads/Tanggol_Wika_30_Hunyo_2015.pdf
7
ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
8
isang Wikang Katutubo ang dapat maging Wikang Pambansa. Matatag din itong
sinalungat ng mga nagtaguyod ng Wikang Ingles.
Natanaw ang banaag ng tagumpay nang iminungkahi ni Lope K. Santos na
dapat ibatay ang Wikang Pambansa na isa sa umiiral na wika ng Pilipinas at
sinusugan ito ni Manuel L. Quezon - Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Batay ito
sa probisyon ng 1935 Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV: “Ang Kongreso ay
gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang
Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Alinsunod na rin sa
naturang probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Komonwelt ng Pilipinas
ang Batas Komonwelt Blg. 185 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang
gawain ng Surian ay ang pag-aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit sa
Pilipinas. Ang layunin ay makapili ng isang panlahat na Wikang Pambansa na
nakabatay sa pinakamaunlad na katutubong wika ayon sa balangkas, mekanismo at
panitikan na sinasalita ng nakakaraming Pilipino.
Noong panahon ng Hapon, Niponggo at Pilipino ang wikang ipinagamit sa
pagtuturo. Nanlulupaypay ang mga manunulat, nawalan ng interes sa pagsusulat sa
iba’t ibang uri ng panitikan at ang malaking kadahilanan idinadaan sa sensura ang
lahat ng uri ng sulatin. Naipalaganap, naisulong ang Pambansang Wika.
Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspeto ng pamumuhay ng mga
Pilipino gayun din ang paggamit ng mga aklat at peryodikal na nauukol sa Amerika.
Niponggo at Wikang Tagalog ang ginawang midyum ng pagtuturo. Ang mga dating
sumusulat sa Ingles ay pinatigil, ibinaling ito sa Tagalog maliban sa Tribune at
Philippines Review. Nakasalalay sa Ordinansa Blg. 13, ginawang opisyal na wika ng
bansa ang Tagalog at Niponggo.
Panahon ng Amerikano
9
Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga pagbabago sa
panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literature gaya ng
malayang taludturan (sa mga tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay
(critical essay). Ang impluwensya ng mga Amerikanong mananakop ay nanatili
kaalinsabay ng pagtatalaga sa Ingles bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan
sa bansa gayundin ng paglinang sa masining na kamalayan ng mga manunulat
batay sa modernong panitikang dala ng mga mananakop.
Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Amerikano noong 1898-1946, Ang mga
sundalo ang unang nagturo ng Ingles na sinundan ng pangkat ng mga gurong
Amerikanong tinawag na THOMASITES. 1901: batas blg. 74 vng komisyon ni Jacob
Schutman ay nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag ng Ingles ang
gagawing wikang panturo ng tinatawag na 3R (Reading, Writing, Arithmetic) at
noong 1931 ay pinagamit ni Bise Gobernador-heneral George Butte a kalihim ng
pambayang pagtuturo ang Bernakular, o wika o Dayalektong ginagamit araw-araw
ng mga tao sa kanilang lugar, sa pagtuturo sa unang apat na taon sa pag-aaral.
10
Sa panahon ng mga Hapones ay naisolong ang Ordinansa Militar blg.
13, inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas ang ordinansang ito na
nagtatakda na ang kapwa NIHONGGO at TAGALOG ang magiging mga opisyal na
wika sa boung kapuluan.
11
Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 – Iniutos ng kalihim ng Pampublikong
Instruksiyon Jorge Bocobo na ituro sa lahat ng paaralan ang pambansang wika na
base sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941.
Order Militar Blg. 13 – Ibinaba noong panahon ng pananakon ng Hapon, ginawang
opisyal na mga wika ng Pilipinas ang wikang Hapon at Tagalog.
Batas ng Komonwelt Blg. 570(Hulyo 4, 1946) – Ang wikang Pambansa ay
tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay maging nang wikang opisyal ng
Pilipinas.
Proklama Blg. 12(Marso 26, 1954) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay
ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula sa Marso 29
hanggang Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 12 na kanya ring kaarawan ayon
sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.
Proklama Blg. 186( Setyembre 23, 1955) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay ang susog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ikaw-13 hanggang
ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon,
“Ama ng Wikang Pambansa.”
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7(1959) – Sa pamamahala ng Kalihim ng
Edukasyon Jose B. Romero, ipinatupad ang pagtawag sa wikang Pambansa na
Pilipino bilang sa mahabang itinawag na Batas Komonwelt Blg. 570.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24(Nobyembre 14, 1962) – Ang mga sertipiko at
diploma g pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na o may
salin sa wikang Pilipino.
Kautusang Tagapaganap Blg. 96(Oktobre 24, 1967) – Ang lahat ng edipisyo,
gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay nilagdaan ni
Pangulong Ferdinand Marcos
Memorandum Sirkular Blg. 172(Marso 27, 1968) – Ipinag-utos na ang mga
letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino, kalakip ang
kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa
tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
Nilagdaan ito ni kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas.
Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksiyon 3 – Ang Pambansang Asemblea
ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang
panlahat na wikang Pambansa na tatawaging Filipino. Hanggat hindi nagpapatibay
ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino ang siyang wikang opisyal.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25(Hulyo 10, 1974) – Itinakda ang mga
panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon Bilingguwal sa mga
paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-1975. Ang patakarang ito ay nag-
uutos ng magkahiwalay na paggamiT ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng
pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primarya , intermediya, at sekondarya.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 – Ang wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at payamanin pa
salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7 – “Ukol sa layunin ng
komunikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon
ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa
mga wikang panturo roon.”
12
Saligang Batas ng 1987, Artikulon XIV, Seksiyon 8 – Ang Konstitusyon ito ay
dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at kastila.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 9 – Dapat magtatag ang
Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan
ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
Tungkulin ng Wika
Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi
na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos,
kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag-uugali. Naglahad sina
Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangalahatang gamit
ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng
wika ang lahat ng bagay sa mundo.
13
Regulatory – Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.
Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng
mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-
daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-
ayon , di-sumang-ayon at pag-aalalay at pag-abala sa gawa/kilos ng iba,
Representasyunal – Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa
daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga
pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp.
Personal – Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat
sa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika,. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao
sa nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng
marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin
ang kanilang sasabihin.
Heouristic – Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at
pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig.
Nagbubunga ng sagot ang mga taong, konklusyon ang pangangatwiran, mga
bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp.
Imahinatibo – Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga
akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian
virsions) sa isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako.
Antas Ng Wika
Pabalbal/Balbal
May katumbas itong “islang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang
antas ng wika.
Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.
14
Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may
nabubuong mga salita.
Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na
nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.
Halimbawa: Parak = Pulis, Juding = Bakla.
Kolokyal
Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormall na mga
salita.
Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin naman
maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang
kinakausap.
Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang-alang dito ang salitang
madaling maintindihan.
Halimbawa: alala, lika, naron, kanya-kanya, anya, lugal.
Lalawiganin/Panlalawigan
Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga
Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa
kanilang pagsasalita.
Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook.
Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa
ibang lugar.
Halimbawa: Kaibigan-tagalog = Gayyem-ilokano, Halik-tagalog = Halok-Cebuano.
Pambansa/Lingua Franca
Ginagamit sa mga aklat, babasahin , at sirkulasyong pangmadla.
Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at
kalakalan.
Halimbawa: aklat, ina, ama, dalaga, masaya,
Pampanitikan
Pinakamayamang uri
Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan
Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto.
Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid na babae
ng kasaysayan,” ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan
dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng piksyunal o kathang isip.
Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang
nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang
pampanitikan.
15
Halimbawa: Mabulaklak ang dila, Di-maliparang uwak, Kaututang dila.
Barayti ng Wika
Ang pagkakaroon ng barayri ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang
sosyolinggwistika na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogeneous ng wika. Ito
ang nagbubunga ng sitwasyong at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na
DIVERGENCE, ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng barayti ng
wika. Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa loon mg
kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito.
Etnolek – Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga
iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko.
Halimbawa: Palangga – Sinisinta, Minamahal, Kalipay – saya, tuwa, kasiya.
16
Monolinggwalismo, Bilinggwalismo, Multilinggwalismo
1. Mahigit sa 100 wika at 400 na dayalek ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga pag-aaral na
ginagawa pa kaugnay ng wika ay nagpapakita ng pagkakatulad ng mga ito. Gayunman, sa kabila ng
mga pagkakahawig ng mga wika sa Pilipinas, malaki pa rin ang problema dahil sa kolonyal na
karanasan ng bansa kung saan ang isang banyagang wika ay nagpupumilit na magdomina sa isang
lipunang nadodominahan sa bilang ng mga hindi nagsasalita ng wikang ito.
17
2. Nahahati sa panahon ng (1) Kastila, (2) Amerikano, (3) Hapon, at (4) Republika hanggang sa
kasalukuyan
18
bernakular bilang pantulong na wikang panturo. Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na
Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya sa Ingles-Ilokano, Ingles-
Tagalog, Ingles-Bisaya at Ingles-Bikol.
Noong 1906 pinagtibay ni Dr. David Barrows (direktor ng Kawanihan ng Pagtuturo) ang
isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa Philippine Normal School
sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral.
Nagbago na naman ang pamamalakad nang ang nahalili bilang Direktor ay si Frank White
dahil sa pagreresayn ni Barrows. Ipinahayag ni White na Ingles lamang ang gagamiting wikang
panturo at ipinagbabawal ang bernakular.
Ganito ang nakalagay sa Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon:
19
patakarang Ingles, sa pamamagitan ng iba’t ibang probisyon, pinagtibay ito ng Komisyon ng
Pilipinas at Lehislatura ng Pilipinas bilang opisyal na wika ng Departamento ng Katarungan ng
pamahalaan mula sa Hukuman, sa Korte ng Tagapamayapa, sa Kataas-taasang Hukuman, at
sa mga Korte sa buong kapuluan.
References: https://www.facebook.com/notes/zyvi-corleone/sitwasyong-pangwika-sa-
pilipinas/435120993188749/
20