You are on page 1of 30

COLLABORATIVE MODULE FOR OUTCOMES-BASED AND FLEXIBLE LEARNING

IN COURSE (COURSE CODE)

Name of Student: ___________________________Major:__________


Name of Professor: _________________________Schedule:_________
Week no.: 1 Duration: 1 weeks Lesson no.:3 No. of Hours: 3
TOPIC:
INTENDED LEARNING OUTCOMES
1. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa
wikang pambansa
2. Naipagmamalaki ang gamit ng wika bilang bahagi ng pag-unlad ng isang bansa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon
3. Nakabubuo ng maikling sanaysay na nagpapakita sa opinyon tungkol sa napakinggang
panayam

PHASES OF STUDY
METHOD/PHASE SUMMARY OF CONTENT/TEACHING AND EXPECTED
LEARNING ACTIVITIES (TLA) OUTCOME
1. Introduction
Magandang umaga sa iyo,Narito ako

Upang gabayan ka sa ikalawang ba-

hagi ng ating aralin,tara usap tayo! Brainstormed


Ideas

Balik Aral:

Bago mo simulant ang pag-aaral ng modyul na


ito, sagutin muna ang mga sumusunod upang
malaman kung hanggang saan na ang iyong
nalalaman sa paksang tinalakay. Itiman ang
bilog ng tamang sagot.

1. Pinagtibay na batayan n gating wikang


pambansa ang tagalog dahil.
Ito ang salitang ginagamit sa Maynila,
ang punong-lungsod
Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at
Espanyol na mga dayuhang salita
Karamihan sa mga hukom na nasa
asembliyang nagpatibay sa ating wikang
pambansa ay mga Tagalog
Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong
Quezon
2. Mas mabuting
Gamitin ang Filipino bilang tanging
paraan ng pakikipag-usap sa buong
bansa
Gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa
pangangailangan
Gamitin ang Ingles lamang
Huwag gamitin ang Ingles o Filipino
3. Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang
Pambansa?
Francisco Balagtas
Jose Rizal
Manuel L. Quezon
Jose Palma
4. Mahalagang magkaroon ng wikang
pambansa dahil ito ay:
Nagpapaunlad ng pagkatuto sa
pamamagitan ng interaksyon ng guro at
mag-aaral l
Nagbibigay-daan sa epektibong
pagpapalitan ng mga kaisipan at
impormasyon
Nagbibigay- daan upang magkaroon ng
interaksyon ang mga ito
Lahat ng ito
5. Ang iyong local na diyalekto ay
______________ Ingles at Filipino.
di-gaanong singhalaga ng l
mas mahalaga kaysa
singhalaga ng
dapat mapalitan ng

Motivation:
Bago magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito,
sagutan mo muna ang panimulang pagtataya na
inihanda ko para sa iyo. Itiman mo ang bilog ng
tamang sagot.

Basahin at unawain ang panuto para sa mga gagawin


sa bawat bahagi ng modyul na ito.

May mga sasagutan ka sa modyul na ito bago at


pagkatapos ng aralin.

Iwasto ang sagot ng panimula at


pangwakas na pagtataya sa
dulong bahagi ng modyul na ito.

Maging matapat sa pagsagot sa


modyul.

Unawain mong mabuti ang


katanungan. Itiman ang bilog ng
napiling sagot.
1. Ang wika ay walang kaugnayan sa lahat ng
aspekto sa lipunan.

A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon

2. Hinahati ng wika ang mga mamamayan sa


dalawang kategorya.

A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon

3. Edukasyon ang ibinahagi ng mga Amerikano sa


mga Pilipino upang hindi tayo mag-aklas laban
sa kanila.

A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon

4. Kung walang makitang pagkamakabayan sa


mga opisyal ng pamahalaan, hindi dapat
asahan sisibol sa mga Pilipino ang damdaming
nasyonalismo.
A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon

5. Ang wika bilang isang tagapag-unlad at


tagapalaya ng isang bansa.

A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon

2. Presentation Content/Discussion:
Teorya ng Wika, Antas ng Wika at Kasaysayan ng
Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas.

Answered Q &
Unang Bahagi
A
“Tara! Usap tayo.”

ANG DEPINISYON NG WIKANG FILIPINO: Ang


Katawan at Kaluluwa....

(Bahagi ng pagtalakay ni Efren N. Abueg)

Ang ating wikang pambansa ay napag-


uusapan. Sasabihing ito'y Tagalog, Pilipino o
Filipino. Makikilala sa mga sagot na ito ang
oryentasyon sa wika ng mga mamamayang
Pilipino. At kung masagot namang Filipino ang
wikang pambansa natin, hindi naman ito
mabigyan ng angkop na depinisyon.
Tatlong komisyoner ng Komisyong
Konstitusyonal (Concom) ang nagbigay-linaw sa
katangian ng Filipino bilang wikang pambansa. Sa
katitikan ng pulong ng subkomite sa wika ng
Concom noong Setyembre 10, 1987, ganito ang
salin ng kanilang palitan ng mga pangungusap:
Ayon kay Komisyoner Wilfrido Villacorta: Ito
ang isang umiiral na wikang pambansa, at ang
nukleo nito ay Pilipino...sapagkat ito ay isa nang
malaganap na umiiral na wika, na Pilipino na P.
Sinabi rin natin na mayroong isang wikang umiiral
na pinalawak at pinaunlad na tinatawag na Filipino
at ang pormalisasyon nito ay kailangang isagawa
sa sistemang pang-edukasyon at iba pa, subalit
hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito
pormalisado ay hindi umiiral. Ito ay isang lingua
franca."
Tinalakay ni Ponciano Bennagen: Kailangan
nating magkaroon ng isang midyum ng
komunikasyong magbibigkis sa atin at iyon ay ang
Filipino, na binigyang-kahulugan ng isang pangkat
ng mga pantas sa wika at mga organisasyong
pangwika bilang isang lumalawak na bersyon ng
Pilipino."
Nilinaw ni Komisyoner Francisco Rodrigo:
Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o
kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino.
Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya
nga't ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang
Filipino ay batay sa Pilipino."
Binigyan din nila ng historikal na perspektiba
ang Filipino. Binanggit ni Rodrigo na "ang Pilipino
ay batay sa Tagalog", samantalang sinabi naman
ni Bennagen na " ang Pilipino....bilang isang
lumalawak na bersyon ng Filipino." Mula kay
Rodrigo na sinabing "Itong Filipino ay hindi isang
bagong kinatha o kakathaing lenggwahe"
hanggang sa winika ni Villacorta na "subalit hindi
nangangahulugan na dahil hindi pa ito
pormalisado ay hindi ito umiiral." At ipinanghuli
niya: "Ito ay isang lingua franca." Kaya mula sa
Tagalog (sa panahon ng Pangulong Quezon)
hanggang sa Pilipino (sa panahon ni Kalihim
Romero ng Edukasyon) hanggang sa Filipino (sa
panahon ni Presidente Aquino), nakumpleto ang
ebolusyon ng wikang pambansa.
mamamayang Pilipino. Naghari ang kolonyal –
partikular na ang Kanluranin – na pag-iisip
na lumilikha ng mga “mental educators” o mga
misedukado. Sa isang panig naman, ang Ingles
ay magbibigay daan sa isang matagumpay na
“export economy” (Arao, 2007).
Sa kabuuan, may iba’t ibang mukha ang
wika na pinakita ang mga awtor: Ang wika
bilang instrumento sa kapangyarihan (De
Quiros 1996), Ang wika bilang susi sa
pagbubuklod ng sambayanan (Arao, 2010), ang
wika bilang instrumento sa pagyayaman ng
edukasyon at kaalaman (Constantino 1996),
ang wika bilang instrumento sa pamamahayag
(Arao, 2007), at, sa kabuuan, ang wika bilang
isang tagapag-unlad at tagapalaya (Geronimo,
2012).Nakakatawang isipin na ang wika – na
pangunahing instrumento sa komunikasyon,
ang siya pang nagiging dahilan upang mahati,
mawalan ng pag-uunawaan, at mawalan ng
komunikasyon ang mga mamamayang Pilipino.

TEORYA NG WIKA – Mga Teoryang Kung Saan Ang


Wika Ay Pinagmumulan

TEORYA NG WIKA – Sa paksang ito, tutuklasin natin ang


iba’t ibang teorya ng wika na mga basehan kung saan
nagsimula ang wika.

Pero bago natin silang kilalanin, ano ba ang teorya?

Mga iba’t ibang mga teorya ng wika


1. Teoryang Bow-wow
Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga
hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng
mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng
ulan, atbp.

Teoryang Ding-dong
Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa
kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.
Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan
nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon tulad
nga saya, lungkot, galit, atbp.
 Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay
Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing
sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago
at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng pagsayaw,
pagtatanim, atbp.

 Teoryang Sing-song
Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba
at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng
marami.

Teoryang Biblikal
Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang
buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita,

Teoryang Yoo He Yo
Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita
bunga ng kaniyang puwersang pisikal.

Teoryang Ta-ta
Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam
sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay
kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.

 Teoryang Mama

Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya


masabi ang salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi
niyang mama kapalit sa mother.

Teoryang Hey you!
Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga
tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din
itong teoryang kontak.

Teoryang Coo coo


Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na
ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid.

Teoryang Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang
kahulugang bulalas ng mga tao na nasuwertehang
nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.

Teoryang Hocus Pocus
Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng

Teoryang Eureka!
Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng
pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan
sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga ideyang iyon,
mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.

IKATLONG BAHAGI
LIMANG ANTAS NG WIKA
“Alam kong makatutulong ito sa iyo upang
magkaroon ka ng gabay at mapadali sa iyo
ang daloy ng modyul na ito.”

Ang wika ay bahagi ng kultura at


kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay
simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng
bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng
wika, ay nailalabas o naipapahayag natin
ang ating mga emosyon at
saloobin,masaya man o malungkot.
Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng
pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t ibang
barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri
ng lipunan na ating ginagalawan,
heograpiya, antas ng edukasyon,
okupasyon, edad at kasarian at uri ng
pangkat etniko na ating kinabibilangan.
Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na
wika tayo ay nagkaroon ng iba’t ibang
baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga
barayti ng wika, ayon sa pagkakaiba ng
mga indibidwal.

Dayalek-Ito ang salitang gamit ng mga tao


ayon sa partikular na rehiyon o
lalawigan na kanilang
kinabibilangan.
Halimbawa:
Tagalog=Bakit? Ilocos =
Bakit ngay?
Batangas=Bakit ga?
Pangasinan = Bakit ei?
Bataan = Baki ah?

Idyolek- Bawat indibidwal ay may sariling


istilo ng pamamahayag at pananalita na
naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon
ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang
pagkatao.
Halimbawa:
“Kabayan”- Noli De Castro
“Magandang Gabi, Bayan-Mike
Enriquez
“To the highest level na talaga
to’=Ruffa Mae Quinto

Sosyolek- minsan ay tinatawag na


“Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti
lamang. Ito ay uri ng wika na
ginagamit ng isang partikular na
grupo. Ang mga salitang ito ay may
kinalaman sa katayuang sosyo
ekonomiko at kasarian ng indibidwal
na gumagamit ng mga naturang
salita.

Halimbawa:
Repapips, ala na ako datung eh
(Pare, wala na akong pera)
my God! It’s so mainit naman dito.
(Naku, ang init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang
mukha o itsura ang gelpren mo o
kaya ay pangit ng gelpren mo)
Etnolek-Isang uri ng barayti ng wika na
nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa
pagkakaroon ng maraming pangkat
etniko sumibol ang ibat ibang uri ng
Etnolek. Taglay nito ang mga
wikang nagging bahagi nang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat
etniko.
Halimbawa:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga
ivatan na pantakip sa kanilang ulo
tuwing panahon ng tag-init at tag-
ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa
pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng
mga grupo ng Kankanaey ng
Mountain Province

Register-minsan sinusulat na “rejister”, ito


ay barayti ng wikang espisyalisadong
ginagamit ng isang partikular na
domeyn. Ito ay may tatlong uri ng
dimensyon.

Natutukoy ang iba’t ibang register at


barayti ng wika sa mga terminong may
kaugnayan sa mga trabaho o iba’t ibang
hanap-buhay o larangan. Kapag
narinig ang terminong ito ay matutukoy o
masasabi ang larangan o sitwasyong
karaniwang ginagamit ng mga ito.
Ang mga abogado o taong nagtatrabaho
sa korte ay maipakikilala ng sumusunod na
mga jargon:
Exhibit Suspect
Appeal court
Complainant justice

Ang mga guro o mga taong konektado sa


edukasyon ay maipakikilala ng
sumusunod:
Lesson plan
curriculum
Test textbook
Ang mga sumusunod naman ay mga
jargon sa disiplinang Accountancy.
Account balance
Debit credit
Net income gross
income

Ayon kay Marietta Alagad-Abad,


ang barayti ng wika ay tumutukoy sa uri o
klase ng wikang ginagamit sa isang
partikular na teksto o diskors. Nakikita mo
ang kaibahan ng isang teksto sa isa pang
teksto dahil sa uri ng wikang ginagamit sa
nasabing teksto. Ang uri ng teksto ay
dumidepende sa uri o barayti ng wikang
ginagamit sa teskto. Samakatwid, ang
tekstong panghumanidades ay gumagamit
ng wikang masining; ang tekstong pang-
agham ay gumagamit ng wikang
sayantipik; ang tekstong pang-agham
panlipunan ay gumagamit ng wikang
pansosyal.

Ang barayti ng wika ay naaayon din


sa antas nito; kaya mayroon tayong wikang
pambansa, wikang opisyal, wikang
lalawiganin, wikang kolokyal o karaniwan,
at wikang islang o balbal.
Ang wika ay maaari ring uriin ayon
sa propesyon o disiplina tulad ng: wikang
medikal, wikang pambisnis, wikang
akademik, at teknikal. Maaari namang
makilala ang barayti ng wika ayon sa mga
institusyong gumagamit nito tulad ng
wikang pampaaralan, wikang
pansimbahan, wikang pampamahalaan,
atbp. Sa ngayon, mayroon ding tinatawag
na wika ng bakla at wika ng lasing.

https://takdangaralin.ph/barayti-ng-wika/ at Retorika

Questions/Analysis:
GAWAIN 1
Sumulat ka ng isang maikling sanaysay na
nagpapakita ng iyong opinyon tungkol sa binasang
pagtalakay sa wikang pambansa. Narito ang rubrik:

RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Puntos
Nilalaman…………………………….5

Kahusayan sa paglalahad ng ideya………………5

Watong gamit ng mga bantas……………………..5

KA
BUUAN- 15
GAWAIN 2
Unawaing mong mabuti ang katanungan. Itiman ang
bilog ng napiling sagot.
1. Nagsisilbing tagapagpalaya at tagapag-unald
ang wika.

A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon
2. Ang mga Amerikano ay ibinahagi sa mga
Pilipino ang edukasyon para hindi
tayo mag-aklas.

A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon

3. Walang kaugnayan ang wika sa lahat ng


aspekto sa lipunan.

A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon

4. Ang mga mamamayan ay nahahati sa


dalawang kategorya dahil sa wika.

A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon

5. Hindi dapat asahang sisibol sa mga Pilipino ang


damdaming nasyonalismo
kung walang makitang pagkamakabayan sa
mga opisyal ng pamahalaan,

A. Sang-ayon
B. Hindi sang-ayon

GAWAIN 3
Alin sa mga Teorya ng wika ang labis mong
pinaniniwalaan?Iguhit ito at ibigay ang sariling opinyon
tungkol dito.
GAWAIN 4

Narito ang link para sa panayam:

https://news.abs-cbn.com/life/08/08/17/tama-ba-ang-
mga-pagbabago-sa-wikang-filipino
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN:

Suriin mabuti ang mga pahayag. Ibigay ang iyong


pananaw kung sumasang-ayon o kaya ay hindi
sumasang-ayon.

________1. Sa pag-usad ng panahon, may bahagyang


pagbabago sa paggamit

ng wikang Filipino at tila hirap ang ilan na makisabay


rito.

________2. Hindi maiintindihan ng susunod na mga


henerasyon kung mananatiling makaluma ang paggamit
sa wika.

________3. Walang masama sa pagbabago ng wika.

________4. Araw-araw na nagbabago ang buhay


na wika at ang pagbabago ay
isang katotohanang kailangang tanggapin.
________5. Kinakailangang unawain ang mga
bagong gamit ng salita.

Pagpapaunlad ng aralin:
“Wikang Filipino, sangkap sa pagpapakilala ng kultura”
Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
makabagong uri ng komunikasyon tulad ng social
media, maaaring matagpuan ang mga pagbabago sa
kultura at lingguwistika ng ating lipunan, ayon sa mga
dalubhasa.

“Ang social media ay pangunahing ginagamit natin


sa paghahatid ng mensahe, isa ito sa mga
pangunahing proseso ng komunikasyon at hindi ito
mahihiwalay sa kultura ng lipunang ginagalawan
natin,” wika ni April Perez, propesor sa Unibersidad ng
Pilipinas-Diliman, sa ikalawang araw ng
Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa
Wikang Filipino.Lumabas sa pananaliksik ni Perez na
higit na binibigyang-pansin ng mga mag-aaral ang
nilalaman ng mga Facebook status ngunit tinitingnan
pa rin nila ang wikang ginamit sa pagpapahayag nito.

Sa paglipas ng mga araw, nakilala mo ang kalagayan


ng ating wika sa iba’t ibang sitwasyon. May mga
sektor na nanatili ang pagkapuro ng ating wika.
Mayroon naman na ang ating dati ng wika ay
napapalitan lamang ng ilang salita o nadadagdagan
ng ilang letra. Nalalaro ito at napapaunlad ngunit
mayroon din namang mga salita na hindi na rin alam
ng ating kabataan sapagkat ito ay hindi na nagagamit
pa. Hindi nawawala, nalilimutan lamang gamitin. Bakit
nga ba?
Komunikasyon ang pangunahing salik upang
mapaunlad ang ating wika. Ngunit sa pagsulpot ng
mga cellphone at mabilis na pag-upgrade nito, mabilis
din ang pagkawala ng personal na interaksyon sa mga
tao. Umaasa na lamang sa nauuso at ‘trending´ sa
ating lipunan. Napakabilis nitong kumalat na akala mo
ay isang epidemya.dahil na rin sa patuloy na
pagbabalita nito mapatelebisyon, radyo at pahayagan.
Dahil kailangan mong makahabol sa mabilis na
pagbabago, ito ay gagamitin mo. Halimbawa ay ang
mga gay lingo na hindi lamang ang mga bakla ang
gumagamit, mapababae o lalaki man, bata o matanda,
nakatapos ng pag-aaral o hindi. May isang
pagkakataon pa na kahit sa loob ng senado ay
nagkaroon ng gay lingo war sa pagitan nina
Presidential Spokesman Edwin Lacierda at
tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay na si
Joey Salgado na hindi umano magandang ehemplo sa
kabataan. Nagpapatunay lamang ito na hindi
nananatili sa isang grupo ang salita at ito ay
tinatangkilik mapapropesyonal man o hindi kahit nasa
saang sektor ng lipunan.
Sa kabuuan, malaki ang impluwensya ng social
at mass media sa ating wika. Hindi man ito
nakasasama ngunit huwag sana na ipagsawalang
bahala na tayo ay may wikang pambansa na
ginagamit nang wasto sa mga pagkakataong
kailangan natin.

3. Assessment Instruction or Direction Answered


Activity no. 1
and 2
Isaisip Mo!

Reviewed
Sumulat ng sariling obserbasyon ng wika sa iyong concepts and
analyzed
lipunang ginagalawan batay sa impormasyong nabasa
answers
mo sa teksto at ano ang naging epekto nito sa ating
correctly
kultura.
Well
understood
Tugunan Mo! concepts

Panuto: Pumili ng isang palabas sa telebisyon at


bigyan ng pagsusuri ito batay sa obserbasyon mo sa
wikang kanilang ginagamit. Nasa ibaba ang rubrics na
gagamitin.

__________________________
Pamagat ng Programa sa Telebisyon

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
________________________________.

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
________________.

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
________________________________.

Panukat sa gawain
Pagpapalutang ng Paksa 5
Pahayag na tesis 5
Organisasyon 5
Pagsunod sa itinakdang oras 5
Kabuuan 20

PAG-ARALAN AT HALAWIN ANG KAALAMAN

school life, oh my high school life


Ev’ry memory, kay ganda
High school days, oh my high school days
Are exciting, kay saya

There are times, may problema ka


Kung ang homework, left undone
Pray ka lang, ‘wag tawagin ka
Upang di pagtawanan

-Mula sa awiting High School


Bersyon ni Loisa Andalio
http://m.rebisco.com.ph/media.php?cid=2&media=6
Saan-saan mo nakikita ang bawat isa? Ano ang masasabi
mo sa pagkakasulat nito?
___________________________________________
___________________________________________
____________________________

Anong antas ng wika ang lumutang sa bawat isa.

___________________________________________
___________________________________________
____________________________

Lambatin ang impormasyon nakatago sa gawain.

Suriin mo ang mga dayalogo ng pelikulang Pilipino


at isulat mo sa ilalim ng bawat larawan ang
pamagat nito.

1.“Ginamit lang naman ako ng tadhana para


pagtagpuin kayo. Im’Just a piece of your puzzle”
(Gara)

_____________________________________

2.“I deserve an explanation! I need an acceptable


reason”
(Marco)
_____________________________________
3.“Mas pipiliin ko ang isang bukas na nandoon ka
kaysa sa isang bukas na wala ka”
(Gab)

Bakit kaya Ingles ang karaniwang ginagamit na


pamagat sa mga pelikulang Pilipino?
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
______________________________________
Anong antas ng wika ang namayani sa pahayag?
___________________________________________
__________________________________

Further readings (links, other reading materials,


etc.)

https://www.academia.edu/32106593/WIKANG_FILIPINO_
SA_MAKABAGONG_PANAHON?auto=download
https://www.scribd.com/document/372275957/Rubric-
PAgsulat-Ng-Sanaysay-Filipino-V
https://businesstips.ph/list-of-famous-filipino-brand-
names-and-slogans/

4. Reflection Repleksyon…… Reflected


inputs
Tingnan natin kung paano mo
maisasabuhay ang mga paksang
natalakay sa modyul na ito
Handa ka na ba?
Tara, Game!
Bumuo ng isang maikling talata na naglalahad kung
paano makatutulong ang mag-aaral na kabataan ng
ating bansa sa pagpapalaganap ng gamit ng wikang
pambansa. Tiyaking ito ay nagpapakita ng konseptong
sanhi at bunga. Lumikha ng sariling pamagat.
Narito ang panukat ng iyong tugon.
Nilalaman…….. …………………………10
Kahusayan sa paggamit ng salita………5
Pagbabantas……………………………..5

Kabuuan…………………………………..20

5. Generalization Abstraction:
Phase Bumigkas ng isang pangako tungkol sa
pagpapahalaga sa pinagdaanang kasaysayan n
gating wika. Iideo

6. Reinforcement Activity no 4
Phase

Ibigay ang kolokyal ng bawat isa.

1.saan naroon                          

2.nasaan                                    

3.naroon, naroroon               

4.kaniya, kani-kaniya          

5.aywan                                    

6.piyesta 

GAWAIN 5                                 

Panuto: Tukuyin kung anong Jargon ang sumusunod.


Itiman ang bilog ng tamang sagot.

1.Ito ay ginagamit sa mga transaksyon sa cashier.

A. lesson plan
B. suspect
C. pa-avoid
D. x-ray

2. Ito ay terminong ginagamit ng may alam sa musika.


A. nagsha-sharp
B. lesson plan
C. earning
D. justice

3.Ito rin ay ginagamit ng mga doktor, nars, o mga


taong may kinalaman sa
medisina.

A. konstitusyon
B. Ctrl-Alt-Delete
C. check-up
D. datung
4. Ang terminong ito ay ginagamit ng may mga alam
sa kompyuter.
A. jump shot
B. download
C. travelling
D. serbey

5. Ito ay ginagamit ng mga may katungkulan at/o may


mga employer sa isang tanggapan kung lumiliban
nang matagal nang walang paalam.

A. sick leave
B. AWOL
C. under time
D. over time

7. Summary IBIGAY ANG LAGOM NG ARALIN Summarized


content

Gamit ang iba pang halimbawa, sagutin ang


sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
espasyong nasa ibaba ng bawat tanong.

1. Bakit may mga tao na gumagaya o pinipiling i-


spoof ang mga sikat na linya ng mga artista o
personalidad?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________

2. Alin sa mga katangian nito ang nagugustuhan


ng mga tao lalo na ang kabataan?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________
8. Moving Let’s try this exercise for the board exam!
Forward 1.Ano ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo
ngmga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran /
ginagamit salansangan.
2.  Ito ay kabilang sa antas ng mga salitang katutubo
sa
lalawigan.
3. to ang antas na may pinakamayamanguri. Madalas
ito ay ginagamitan ng mga salitang may ibapang
kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at iba't
ibangtono, tema, at punto ay ginagamit sa
pampanitikan.
4.ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao
ngunit Answered
bahagya ng tinatanggap sa lipunan. Ang mga ganitong questions
salita ay natural related to the
na phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang board exam
mapabilis ang daloyng komunikasyon
5. salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng
buong bansa. Ito ay isang wika na natatanging
kinakatawan ang
pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang
mga salitang itoginagamit sa mga aklat, babasahin at
sirkulasyong pangmadla. Ito rinang wikang ginagamit
sa paarala at sa pamahalaan.

Answer Key (If necessary):

1.Balbal
2.Lalawiganin
3.Panitikan
4.Kolokyal
5. Pambansa
REFERENCES: (Textbook, e-book, e-journals, links, etc.)
1. Mga Sangggunian
Dayag, Alma M. at Mary Grace G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma –
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City:
Phoenix Publishing House. 2017.

2. https://justinehernandez.wordpress.com/2014/01/28/wikang-pambansa-ang-
magpapalaya-sa-bansa-sa-trahedya-ng-pagkawala/
3. http://m.rebisco.com.ph/media.php?cid=2&media=6
POST-TEST
A.Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Itiman ang bilog ng titik ng
tamang sagot.
1.Kadalasan nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa
mga salitang “walang pakialam,” “walang pangarap” at “walang
kinabukasan.”
A. Ninja moves
B. Walwal
C. Hokage
D. Pabebe

2.Ito raw ay salitang beki na pamalit sa mga terms na hindi masabi o maalala.
Noong dekada ‘80, ibig sabihin nito ay “any-any” o kung ano-ano lang. At
nung dekada ’90 naman, naging “anik-anik” at ngayon, eme-eme na!
A. Eme-eme
B. Bae
C. Edi wow!
D. Beast mode

3.Ito na nga raw ang bagong termino para sa mga kalalakihan na pasimpleng
dumidiskarte sa napupusuang babae.
A. Hokage
B. Ninja Moves
C. Bae
D. Pabebe

4.Ang salitang ito ay ginagamit ngayon ng mga millennials upang ipahiwatig


na sila ay galit na o naiinis.
A. Bae
B. Pabebe
C. Ninja Moves
D. Beast mode

5.Nagmula raw ito sa mga “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang galing, bilis
kumilos, at diskarte na maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi masyadong
napapansin. 
A. Beast mode
B. Pabebe
C. Ninja Moves
D. Bae

B.Panuto: Suriin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon at isulat sa patlang na
nakalaan ang mga gumagamit nito.Piliin ang sagot sa mga salitang nasa ibaba.

1. May Nag Txt!


Party! Party!
2. Handa kana ba?
3. Please do not Leave “tabo” on the floor
Only kolehiyalas make tusok the fishballs
4. R u goin 2 c me 2day?
‘’’’eEWh koOYAh! mZtah PowH
KaYoWz”
5. Purita kalaw
Julie Andrews
VICE GANDA GAY LINGO
KORINA SANCHEZ JEJEMON
CONYO
C.
Panuto: Ilista mo ang mga salitang nararapat mapasailalim sa mga sumusunod . Isulat
mo ang mga salita sa loob ng kahon.

Konstitusyon Syota adyao


Okey, Darla! Dyowa datung
Kalamansi kalamyas aklat
Sintunes danum kumusta
Ebak gurang printer
Lespu may sayad ngipen
Masaya maithiin bag-ang
Matam-is kabihasnan alinlangan
Mabanas toma balat-sibuyas
Maalinsangan wasto dyip
Tingni gab-I masining
Atik samlang tig-ang
Utol lesson plan Walang himala!
Sosi talumpati bingkong
Pang-al tambay tsugi
Aha, ha,ha! Nakakaloka! Handog Handa na ba kayo?

Idyolek Sosyolek Etnolek


1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
APPENDICES
Glossary
Teorya
1.Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga
bagay-bagay na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng
lubos.

2.Ang sosyalekto ng mga Jejemon na tinatawag na Jejenese (magiging literal na


Jejenismo sa Wikang Tagalog)

3. Ang Swardspeak (kilala rin bilang "Bekimon" at "gay lingo") ay isang ... tao at
tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga bagong kahulugan sa iba't ibang konteksto.

4. Ang katagang jargon ay isang Ingles na salita na tumutukoy sa mga espesyal na


salita o ekspresyon na ginagamit ng isang partikular ng grupo 

5.Ang salitang antas ay tumutukoy sa katayuan, bilang o posisyon ng tao o bagay. Ito


ay maaaring sumukat at tumukoy sa ranggo o degri.
6. Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na
kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon 
Suggested Readings

Basahin ang sanaysay.


Epekto ng Teknolohiya sa Wika
Sanggunian:https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/13/epekto-ng-teknolohiya-sa-wika/
ANTAS NG WIKA
https://www.slideshare.net/ReyvherDaypuyart/antas-ng-wika-77091438
TEORYA NG WIKA
https://www.slideshare.net/CeciliaRepalda/wikateorya
KASAYSAYAN NG WIKA
https://www.slideshare.net/RitaMaeOdrada/yunit-2-kasaysayan-ng-wikang-filipino

Answer Key
(guided answer key, if necessary)

POST TEST:
A.
1. B. Walwal
2. A. Eme-eme
3. A. Hokage
4. D. Beastmode
5. C. Ninjamoves
B.
1. VICE GANDA
2. KORINA SANCHEZ
3. CONYO
4. JEJEMON
5. GAY LINGO

Grading Rubric

Components of Class Standing

References
The list will contain the latest references preferably from 2015 onwards

http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/

Sanggunian:https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/13/epekto-ng-teknolohiya-sa-wika/

You might also like