You are on page 1of 9

MODYUL 4

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat


aytem.Isulat lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na
papel o notbuk.

1. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya


naisipan na lamang niyang pumunta sa Silid-aklatan upang
magsaliksik.
a. INSTRUMENTAL c. IMAHINATIBO
b. HEURISTIK d. REGULATORI
2. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa
pagkakaroon ng kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang
teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
a. PERSONAL c. REGULATORI
b. IMAHINATIBO d. HEURISTIK
3. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada
nabawasan ang mga aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang
daanan.
a. INTERAKSYONAL c. PERSONAL
b. INSTRUMENTAL d. REGULATORI
4. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang
layuning masugpo ang kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
a. HEURISTIK c. IMAHINATIBO
b. IMPORMATIB d. INSTRUMENTAL
5. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya
naman nagsimula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang
talaarawan.
a. INTERAKSYONAL c. PERSONAL
b. HEURISTIK d. REGULATORI
6. Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa pagdiriwang
ng Dinagsa Festival sa Cadiz.
a. IMPORMATIBO c. INSTRUMENTAL
b. INTERAKSYONAL d. IMAHINATIBO
7. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang
kinalabasan ng kanyang luto dahil matamang sinunod niya ang pamaraan
ngpagluto nito.
a. PERSONAL c. IMAHINATIBO
b. HEURISTIK d. REGULATORI
8. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ng
Makabagong Tula dahil sa mga matatalinhaga at masining na
pagpapahayag.
a. IMAHINATIBO c. REGULATORI
b. INTERAKSYONAL d. INSTRUMENTAL
9. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating
nabagyo sa ating bansa.
a. HEURISTIK c. PERSONAL
b.IMPORMATIBO d. INSTRUMENTAL
10.Nahumaling si Nathaniel sa nakita niyang patalastas na may tagline na
"Wala pa ring tatalo sa Alaska!" kaya bumili siya nito.
a. IMAHINATIBO c. INSTRUMENTAL
b. REGULATORI d. INTERAKSYONAL

ARALIN 4
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

SUBUKAN MO ITO
Panuto: Basahin ang pahayag sa ibaba. Tukuyin kung anong gamit ng
wika ang ipinapahiwatig sa pahayag.Bigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit
ng wika sa lipunan.
1. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi
mahusay na mahusay ang modelo-ang mga guro.” Ito ang opinyon ni Ruth
Elyna Mabanglo noong Agosto 2015, Kongreso ng Pagpaplanong Pangwika.
Gamit o tungkulin ng wika:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Kahulugan at paliwanag:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

MATUTO TAYO

Kahalagahan at Tungkulin ng Wika

1. SARILI
- Nagagawang paunlarin ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pagtatamo ng mga butil ng kaalaman mula sa kanyang paligid. Nagagawa rin
niyang maipahayag ang kanyang mga naisin at hangarin sa buhay na
maaaringmay malaking epekto sa kanya tungo sa pampersonal na kasiyahan.

2. KAPWA
- Walang sinuman sa mundong ito ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kung
kaya’t kailangan natin ang ating kapwa upang sa gayon ay lalo pa nating mapaunlad
ang ating kaalaman at kakayahan.
3. LIPUNAN
- Nagkakaroon ng isang maayos na lipunan sa sandaling magkaroon ng
mabuting ugnayan ang mga tao sa isang tiyak na pamayanan. Nagagawang
pagbuklurin ang lahat ng mga taong nakatira sa isang lipunan sa pamamagitan ng
wikang gagamitin upang magkaunawaan, magkaintindihan, at magkapalagayan dahil
nakabatay ito sa kanilang sariling kultura.

Gamit ng Wika sa Lipunan

Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng


paguugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing
ang mga sarili bilang isang yunit. Ang wika,pasalita man o pasulat, ang
instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-
ugnayan sa isa't isa.Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan? Marami-
rami rin ang nagtangkang uriin ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin
nito sa ating buhay.isarito si M.A.K. Halliday na naglahad sa anim na
tungkulin ng wika na sumusunod:

1. Instrumental

Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga


pakikipagugnayan sa iba.Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa
patnugot, at Gawain 2 C. PAGYAMANIN 9 pagpapakita ng mga
patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga
ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.

2. Regulatoryo
Pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng
direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon sa
pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.

3. Interaksiyonal

Nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang


kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang
pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa.
4. Personal

Ang pagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang


pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at
journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng
panitikan.

5. Heuristiko

Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may


kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Halimbawa rito ay ang pag-
iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng
pahayagan, blog at aklat.

6. Impormatibo

Aang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha


o paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa
pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.

BALIKAN NATIN
I. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Ilapat ang naunawaang
kahulugan ng gamit ng wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Isulat
kung Panregulatori, Pang-interaksyunal, Pampersonal, Pangheuristiko,
Parepresentatibo, at Pang-imahinasyon ang gamit ng wika sa bawat
sitwasyon.

1. Pagpapahayag ng pananaw o damdamin ukol sa mga pangyayari sa isang


pelikula.
______________________________________________
2. Paggawa ng sarbey ukol sa pinakaninanais na trabaho o hanapbuhay.
________________________________________________
3. Pinaalalahanan ng ina ang anak na huwag magpagabi sa pag-uwi.
_________________________________________________
4. Pag-uulat sa klase ukol sa BOL (Bangsamoro Organic Law).
___________________________________________________
5. Paggawa ng liham pagtatanong tungo sa pamunuan ng
unibersidad/kolehiyo ukol sa paraang paarn ng pagkuha ng
libreng paaral na programa ng eskwelahan.
___________________________________________________
6. Pggamit ng “Po” at “Opo” habang kinakausap ang mas nakatatanda.
___________________________________________________
7.Pakikisuyo sa magpabili ng gamot sa parmasya.
___________________________________________________
8. Pagbibigay paalala ukol sa mga dapat gawin at tandaan sa lakbay-aral.
___________________________________________________
9. Pagsulat ng tesis.
___________________________________________________
10.Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano makatutulong sa magulang
kahit nag-aaral pa.
___________________________________________________
11.Pagbuo ng kanta.
___________________________________________________
12.Paggawa ng resipe ng isang pagkaing pinoy.
____________________________________________________
13.Pagpapaalala ng tatay na dapat matutong mamili ng kaibiganin.
___________________________________________________
14.Pag-anyaya sa panauhin na tikman ang inihandang pagkain ng pamilya.
__________________________________________________
15. Paglikha ng tauhang kakaiba ang hitsura sa kuwentong isusulat.

II. Panuto: Panoorin ang video sa YOUTUBE na America’s Got


talent WOW Marcelito Pomoy “The Prayer”. Isulat ang buod ng
pinanood na video. Sa ilalim nito ay isulat kung bakit ito ang iyong
napili.
Boud ng Video:

Tungkulin ng Wika:

Ipaliwanag:

You might also like