You are on page 1of 4

Q3/WEEK 4

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
Sangay ng mga Paaralan ng Negros Occidental
Negros Occidental High School
Senior High School Department
Lungsod ng Bacolod

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

Ikatlong Kuwarter – LAS 4


Gamit ng Wika sa Lipunan
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Learning Activity Sheet


4 (LAS 4)
1
Learning Activity Sheet 4 (LAS 4)
Q3-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Pangalan: __________________________ Antas at Pangkat:_______________
Guro: __________________________ Petsa: ________________________

Gamit ng Wika sa Lipunan

Markahan: Ikatlo Linggo: Pang-apat


Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

I. Learning Competency with Code


a. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula F11PD – Id – 8
b. Naipaliliwanag nang pasulat ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
pagbibigay halimbawa F11PS – Id – 87
II. Background Information for Learners
ARALIN 4–
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag- uugali, ideya, saloobin at
namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit. Ang wika,pasalita man o
pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't
isa.Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan? Marami-rami rin ang nagtangkang uriin ang mga
tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay.isarito si M.A.K. Halliday na naglahad sa anim na
tungkulin ng wika na sumusunod:

1. Instrumental
Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag- ugnayan sa iba.Ang paggawa
ng liham pangangalakal,liham sa patnugot pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad
ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
2. Regulatoryo
Pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng
ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.
3. Interaksiyonal
Nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;pakikipagbiruan;
pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa.
4. Personal
Angpagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng
talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
5. Heuristiko
Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan,blog at
aklat.
6. Impormatibo
Ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito
naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
III. Accompanying DepEd Textbook and Educational Sites
A. Mga Aklat
 Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog:Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog .Lungsod ng
Quezon: UP Diliman. 1996.
 Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.
Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik.Valenzuela
City: Mutya Publishing House Inc. 2006.
 Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal:Vicente Publishing House, Inc.
 Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.
 Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 gorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
 Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Cand E
Publishing, Inc. 2016
 Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.Sining ng
pakikipagtalastasa:Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2000.

B. Mga Website
 http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content
 http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph http://atin-americanliterature.edu.ph
 https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm
http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html

Activity Proper:
I. PAGTATAYA (Written Work)
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa ibaba at isulat lamang ang titk o letra ng
mapipili mong sagot (2 puntos bawat bilang).
A. Instrumental B. Regulatoryo C. Interaksiyonal D. Personal E. Heuristiko F. Impomatibo
1. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang pumunta sa
Silid-aklatan upang magsaliksik.
2. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon ng kasunduan
upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
3. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan ang mga aksidenteng dulot
ng hindi pagtawid sa tamang daanan.
4. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning masugpo ang
kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
5. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula siyang
magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.
6. Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng
Dinagsa Festival sa Cadiz.
7. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng kanyang
luto dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ngpagluto nito.
8. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ng Makabagong Tula dahil sa
mga matatalinhaga at masining na pagpapahayag
9. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating nabagyo sa ating bansa
10. Nahumaling si Nathaniel sa nakita niyang patalastas na may tagline na "Wala pa ring tatalo sa Alaska!"
kaya bumili siya nito.

II. GAWAIN (PERFORMANCE TASK)


Panuto: Ang sumusunod ay iba’t ibang pahayag mula sa palabas sa telebisyon at
pelikula. Tukuyin ang gamit ng wika at ipaliwanag ang halaga nito sa pang-araw- araw
na buhay. Sampung puntos bawat isa (3- Gamit ng wika, 3- Kalinawan 4-Nilalaman)

1. “Ang Pera natin hindi madaling nauubos pero ang pasanesya ko konting-konti
na lang”- Angelica Panganiban, ONE MORE TRY (STARCINEMA 2014)
2. “Kaya tayo pinagsama-sama bilang mga sundalo para iwasan ang maling
paniniwala”- Gerald Anderson, A Soldier’s Heart (Star Cinema, 2020)

3
4

You might also like