Professional Documents
Culture Documents
Gaano ba kahalaga ang pagkakaroon ng wikang reihiyunal at ano ang epekto nito sa ating bansa bilang
pangkalahatan?
Tinuturing na ang wika ay isang susi sa pagkakakilanlan ng ating bansa. Ginagamit ito bilang
pakikipagkomunikasyon at pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na pamumuhay upang magkaintindihan at
magkaroon ng ugnayan sa kapwa.
ANTAS NG WIKA
PORMAL- mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng higit na nakararami.
a. Pambansa- kadalasang ginagamit ng pamahalaan, aklat pangwika, aklat pambalarila at paaralan.
Hal. Ama
b. Pampanitikan o Panretorika – mga salitang matatayog, malalim, makulay, masining at ginagamit ng
mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan.
Hal. Haligi ng Tahanan
IMPORMAL – mga salitang karaniwan, pang-araw-araw, palasak at kadalasang ginagamit sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
a. Lalawigan – mga bokabularyong dayalektal
Hal. Amahan
b. Kolokyal – mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
Hal. Tatay-Tay
c. Balbal – pinakadinamiko at pinakamababang antas ng wika na kadalasang maririnig sa mga usapang.
Hal. Erpat
BARAYTI NG WIKA
May kani-kaniyang wika ang bawat lipunan. Kagaya na lamang nito ay ang Filipino, Ingles, Pranses at iba pa. Sa
Pilipinas ay may walong maituturing na pangunahing wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinan, Pampanggo, Waray,
Hiligaynon, Cebuano at Bikol.
1) DAYALEKTO – ito ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
- Wikang ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook, Malaki man o maliit.
Hal. Aba, ang ganda! (Manila)
Aba, ang ganda eh! (Batangas)
2) SOSYOLEK – Wikang nabubuo ayon sa dimension sosyal dahil sa ito ay nakabatay sa mga pangkat
lipunan.
Hal. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! (Gay lingo o Wika ng mga Bakla)
Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven! (Wika ng mga Adik)
3) JARGON – tanging bokubularyo ng isang particular na pangkat ng gawain.
Hal. Tsok, lesson plan, klas (Titser)
Appeal, justice, court, hearing (Abogado)
4) IDYOLEK – tumutukoy sa personal at kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika.
Hal. Magandang gabi, bayan! (Noli de Castro)
Halika, kaibigan! Usap tayo. (Boy Abunda)
5) EKOLEK – wikang nagmula sa sariling tahanan
6) ETNOLEK – mula sa etnekolinggwistikong pangkat
Hal. Vakul – pantakip sa ulo ng mga Ivatan na yari sa damo.
7) PIDGIN – wikang di pag-aari ninuman, walang gramatikal rul na sinusunod.
Hal. Bili ikaw dami, ako bigay tawad.
8) CREOLE – dating pidgin na nagging wikang istandard
Hal. Chavakano
Hindi man magkapareho ang pinanggalingan ng bawat tao at wikang sinasalita nito dahil sa antas ng buhay at
paraan ng pananalita. Kung minsan ay nagiging dahilan din ito ng hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa.
Pinagbubuklod pa rin ang mga tao sa pambansang wika ng bansa. Kung kaya’t mahalagang matutunan at
maintindihan ang pinagmulan ng bawat wika upang matutunang rumespeto at igalang ito.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Pangalan: CANLUM, RUBEN Taon at Seksyon: BIT CT 3B DAY
Yunit III: Wika at Kultura Petsa: Pebrero 24, 2022
Nagkakaiba-iba ang paraan ng pananalita sa wika ng bawat rehiyon kung saan kakikitaan ng mga sumusunod:
1.) Diin- tumutukoy sa bigkas ng salita
2.) Tono/ Intonasyon – ang pagbaba at pagtaas ng boses
3.) Haba – tumutukoy sa mahahaba at maiikling vawel/ consonant
4.) Hinto/ Antala – saglit na paghinto
DAYALEKTO /
LAAWIGANIN