You are on page 1of 9

L Lady Maica S.

Macaraeg
BSE 3C FILIPINO

Modyul (Fil Ed 313) Pangalan: _______________________________________


Gawain Blg. 1 Programa/Taon: ________Araw ng Pagsumite: ___________

I. Pagkilala

1. Isang linggwista na nagsabing ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong


simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng tao.
 Edgar Stuvenant

2. Sino ang sumulat ng what is language?


 Archibald A. Hill

3. Ayon sa tinuran ni Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalita


ang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang ano?
 arbitraryo

4. Ano ang gamit ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao?


 Instrumental

5. Maligayang kaarawan! Ito ay halimbawa ng anong tungkulin ng wika?


 Interaksyunal

6. Ang pick up lines na "Password ka ba? Bakit? Di kasi kita makalimutan, ay halimbawa
ng anong tungkulin ng wika?

7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng Heuristikong tungkulin nga wika?


A. Kumain tayo sa labas C. Pinoy soda: Mauuhaw ka sa inggit
B. Bakit mo ginawa iyon? D. Buksan mo ang sorpresa

8. Ano ang dalawang kategorya ng antas ng wika?


 Pormal at Di-pormal

9. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa


lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan.
 Pambansa
10. Ang wika ay nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman, paglalakbay, pagsasalin at
pagtatala kaya ang wika ay sinasabing _______ ng Karunungan.
 midyum

Modyul (Fil Ed 313) Pangalan: _______________________________________


Gawain Blg. 1 Programa/Taon: ________Araw ng Pagsumite: ___________

II. Pagpapaliwanag

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang wika?


Mahalagang pag-aralan ang wika upang magkaroon tayo ng mga kaalaman tungkol sa bagay
na ito. Ito ang napakabisang paraan upang makipag komunikasyon sa kapwa. Gamit ang wika
lahat ng tao ay magkakaintindihan, mahalagang alam natin ang iba’t ibang wika upang
malaman ang mga kahulugan nito ng sa ganoon ay hindi tayo makapanakit ng damdamin ng
ibang tao.

2. Bakit Tagalog ang piniling maging batayan ng wikang pambansa?


Tagalog ang piniling maging batayan ng wikang pambansa dahil karamihan sa mga taong
naninirahan sa Pilipinas ay natutong magsalita at makipag usap sa Tagalog.

3. Bakit naging isang multilinggwal na bansa ang Pilipinas?


Isang multilinggwal na bansa ang Pilipinas dahil maraming wika ang ginagamit sa bansang ito
kahit na Filipino ang lingua franca ng bansang Pilipinas mayroon pa ring mga ibang wika na
ginagamit ang mga tao base sa kanilang tribo, rehiyon at sa kanilang pamayanan.

Modyul (Fil Ed 313) Pangalan: _______________________________________


Gawain Blg. 2 Programa/Taon: ________Araw ng Pagsumite: ___________

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang nakaugaliang ito ay maaring labag sa batas, hindi naaayon sa utos ng simbahan, basi sa
kultura at upang matawag na natatangi ang isang pangkat.
a. Eupimistikong pahayag b. Taboo c. Eupimismo d. Moralidad

2. Kung ang taboo ay tanggap sa ibang komunidad sa paanong konsepto ito madalas
hinuhusgahan ng mga taong hindi sang-ayon sa kanilang kinagawian?
a. Batas b. Relihiyon c. Moralidad d. Wala sa nabanggit

3. Tumutukoy ito sa mga eupimistikong pahayag o salita upang pamalit sa mga pahayag na hindi
kaaya-ayang gamitin.
a. Salita b. Pahayag c. Eupimismo d. Taboo
4. Ayon sa mga Filipino ang eupimismo ay isang pangangailang_______?
a. Pilosopiya b. Sikolohiya c. Taboo d. Eupimismo

5. Ito ay naglalarawan sa mga identipikasyon ng mga konsistent na katangian ng pananalitang


matatagpuan sa isang heograpikong lugar.
a. Aksent b. Salita c. Dayalek d. Dayalektong Rehiyonal

6. May kaugnayan sa paaraan ng pagbigkas ng isang tao gamit ang kanyang wika.
a. Aksent b. Salita c. Dayalek d. Dayalektong Rehiyonal

7. Dito maaaring madertemina ang kanyang lugar na pinagmulan.


a. Aksent b. Salita c. Dayalek d. Dayalektong Rehiyonal

8. Isang barayiti ng wika na tumutukoy sa mga salita at paraan ng pananalita ng mga tao ayon
sa kanilang lokasyong heograpikal.
a. Aksent b. Salita c. Dayalek d. Dayalektong Rehiyonal

9. Ayon sa isang linggwista "Ang wika ay tumutukoy sa masistemang balangkas ng sinasalitang


tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga
tao sa lipunang may iisang kultura."
a. Delmirin, 2012 c. Rubrico, 2009
b. Santiago, 1979 d. Henry Gleason

10. Sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat
ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan.
a. Wika c. Pambansang Wika
b. Kultura d. Wala sa nabanggit

11. Sa patuloy na pag-usad nang panahon marami na rin ang mga salitang naimbento at
nadiskubreng mga salita na mabilis na nakaimpluwensya sa lipunan. Isang halimbawa nito
ay ________ na ginagamit ngayong panahon ng pandemiya na naglalarawan ng kultura
nang pagtutulungan o bayanihan.
a. Ayuda b.Quarantine
c. Asymptomatic d.Lahat ng nabanggit

Modyul (Fil Ed 313) Pangalan: _______________________________________


Gawain Blg. 2 Programa/Taon: ________Araw ng Pagsumite: ___________
12. Ang mga kaugalian, tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon,
pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa anong uri ng kultura na ayon kay (Delmirin,
2012).
a. Materyal na kultura c. Kultura ng mga Pilipino
b. Di-materyal na kultura d. Kultura ng mga dayuhan

13. Gumagamit ng "Po, Opo at Oho" si Aya sa tuwing siya ay sasagot sa klase. Ito ay isang
halimbawa ng anong relasyon?
a. Relasyon ng wika at lipunan lamang
b. Relasyon ng magkaklase
c. Relasyon ng wika, kultura at lipunan
d. Lahat ng nabanggit

II. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

Diglossia Artipisyal na wika Syntax


Espotanyo Likas na wika Pragmatic

Artipisyal na wika 1. Ito ay itinayo gamit ang natural na wika o isang dating itinayong artipisyal
na wika.
Syntax 2. Ito ay katumbas ng salitang palaugnayan.
Pragmatic 3. “Ah, baka hindi ako makakasama sa inyo mamaya.” Anong halimbawa ito?
Likas na wika 4. Tagwag sa wikang hindi nangangailangan ng masusing pag-aaral.
Espotanyo 5. Ito ay pag-uusap na kadalasang pabara-bara ang paraan ng pananalita.

Jargon Register Creole


Pidgin Dayalek Sosyolek

Pidgin 6. “Saan ikaw punta kagabi ikaw bigla nawala?” Anong wikang halimbawa ito?
Sosyolek 7. “Nada!” Ito ay halimbawa ng _____.
Creole 8. Ang Chavacano ay isang mahusay na halimbawa ng _____.
Jargon 9. May tiyak napakahulugan ang mga salitang ginagamit dito na tanging ang mga taong
kabilang sa isang partikular na pangkat lamang ang nakaiintindi o nakauunawa.
Pidgin 10. Isang bagong wika na nabubuo mula sa dalawang taong may magkaibang unang wika
na nagtatangkang mag-usap ngunit hindi magkaintindihan, na siyang
nagbubunga ng tinatawag na makeshift language.
Modyul (Fil Ed 313) Pangalan: _______________________________________
Gawain Blg. 2 Programa/Taon: ________Araw ng Pagsumite: ___________

III. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag, isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.

Seksismo 1. Ito ay ang diskriminasyon sa kasarian na partikular na tinukoy sa mga tuntunin ng


hindi pagkakapantay-pantay sa lugar ng trabaho at iba pa.

Mode o Modo 2. Ito ay ang paraan kung paano tayo makipag komunikasyon sa ibang tao.

Field o Larangan3. Ito ang ang tinuturing na layunin ng diskurso o ng paksang pinag uusapan ng
dalawa o higit pang taong nagpapalitan tunog.

Ekolek 4. Ito ay ang pagkakaroon ng estalisadong wika na ginagamit ng mga tao sa tahanan,
pakikitungo sa pamilya at mga propesyonal.

Pananalitang espatanyo 5. Isa itong paraan ng pakikipag usap o pakikitungo ng tao sa


indibidwal na kanyang kausap.
Modyul (Fil Ed 313) Pangalan: _______________________________________
Gawain Blg. 3 Programa/Taon: ________Araw ng Pagsumite: ___________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.

Pidgin 1. Dalawang tao na magkaiba ng speech variety ngunit nagkakaintindihan.


Language Boundary 2. Ito’y bunga ng migrasyon, kagaya ng lindol sa Makilala, North Cotabato
noong 2019.
Dayalek 3. Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Idyolek 4. “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro. Anong uri ng barayti ito?
Dayalek 5. “Nalilibog ako”.
Mode o Modo6. Paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
Wikang Filipino 7. Isa sa dalawang wikang opisyal o ang wikang ginagamit sa pamahalaan at
edukasyon.
Wika 8. Isang mahalagang bagay sa iba’t ibang sektor. Konyo 9. Epekto ng linggwistikong varayti
katulad ng nagsali, gibili, gikain.
Tenor 10. Ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.

II. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung
ang sinalungguhitang salita ay tama at isulat ang tamang sagot/salita kung mali.
TAMA 1. Wikang Filipino ang lingua franca ng bansang Pilipinas.
Natural 2. Hindi isang natural na phenomenon ang multilinggwalismo.
TAMA 3. Tinutukoy ng varyasyong ponolohikal ang pagkakaiba-iba sa paraan ng pagbigkas.
TAMA 4. Binubuo ang Pilipinas ng ibat ibang etnikong grupo na may kani-kanilang katutubong
wika
Interference 5. Ang varyasyon sa wika ay hindi maiiwasan dahil may preference na nagaganap.
TAMA 6. Ang language boundary ay bunga ng migrasyon.
TAMA 7. Ang register ay barayti ng wika na espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na
domeyn.
TAMA 8. Ang varyasyong gramatikal ay ang paraan ng pagbubuo ng mga salita tulad ng
paglalapi at pag-uulit ng pantig o reduplikasyon.
TAMA 9. Heograpikong lokasyon ng mga speech communities ay lugar kung saan ginagamit ang
mga partikular na wika na pwedeng pinaghihiwalay ng isang anyo ng tubigan o
kabundukan.
Pangalawang wika 10. Naiimpluwensiyahan ng unang wika ang pangatlong wika sa bokabolaryo
o leksikon, sa paraan ng pagbigkas, at maging sa gramar.
Modyul (Fil Ed 313) Pangalan: _______________________________________
Gawain Blg. 4 Programa/Taon: ________Araw ng Pagsumite: ___________

I. Pagpipilian. Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng wastong
sagot.

1. Ang pahayag sa ibaba ay pagpapaliwanag ng sinong teorista batay sa teroyang Language


Code.
“Nagpapakitang ang wikang ginagamit ng tao sa pang-araw-araw na pag-uusap ng
parehong naglalarawan at humuhubog ng mga hinuha ng isang tiyak na panlipunang
grupo”.

A. Stephen Littlejohn C. Edward Lee Thorndike


B. Basil Bernstein D. Lahat ng nabanggit

2. Alin sa sumusunod ang eksaktong halimbawa ng Elaborated Code.


A. Pag-uusap ng matatalik na magkaibigan
B. Pag-uusap ng mag-asawa
C. Pag-uusap ng dalawang hindi magkakilala
D. Pag-uup ng magkasintahan

3. Ito ang tawag sa mga salitang unang mabigkas ng isang bata.


A. Interlanguage
B. Utterances
C. Unang wika
D. Lahat ng nabanggit

4. Isa itong uri ng pananalita ng isang tao na hinding-hindi mawawala dahil nasa walang malay
na bahagi na ito ng isang tao.
A. Pangalawang wika
B. Fossilized language
C. Fossilized error
D. B at C

5. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Restricted Code, MALIBAN sa?


I. Ekonomikal at mayaman itong naghahatid ng malawak at maraming kahulugan.
II. Nakatatayo sa kanyang sarili.
III. Mga nakaaangat sa buhay o Middle Class ang gumagamit ng Restricted Code.
IV. Nagbubuo ng damdaming nagkakaisa sa uri ng code na ito, na pakiramdam na bahagi
siya ngisang grupo.

A. I at ll C. II at lll
B. I, ll at lV D. IV
Modyul (Fil Ed 313) Pangalan: _______________________________________
Gawain Blg. 4 Programa/Taon: ________Araw ng Pagsumite: ___________

II. Pag-iisa-isa. Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Tukuyin ang wastong sagot at
isulat bago ang bilang.

Teoryang Interference 1. Ang teoryang ito ay sinimulan ni Hugo Munsterberg noong 19 siglo.
Output 2. Ang pag-alala sa isang tiyak na impormasyon ay nagiging sagabal sa pagkuha ng
orihinal na impormasyon.
Teoryang Interlanguage 3. Isang uri ng wikang natatamo at natutunan ng isang mag-aaral ng
pangalawang wika, karaniwang banyaga na hindi katulad ng kanyang unang wika
at hindi rin naman katumbas ng kanyang target na pangalawang wika.
Sapir-Whorf Haypotesis 4. Ito ay kilala rin sa katawagang linguistic determinism?
Dayvergens 5. Iniiba ang pananalita sa kausap para ipakita ang pagiging iba o di pakikiisa o
panggigiit sasariling kakayahan at aydentidad?
Teoryang Akomodasyon 6. Ang Teoryang ito ay nakapokus sa taong kasangkot sa sitwasyong
pangwika sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto sa pangalawang wika?
Franz Boas 7. Ang nagsalungat sa paniniwala ni Humboldt. Iginiit niya ang pagkaapantay-pantay
ng mga kultura at wika at nakita niyang di-maaring ihiwalay na bahagi ng kultura
ang wika, na ang dalawa ay magkabuhol.
Konvergenz 8. Ito ay halos magkakatulad na ang istilo ng pananalita ng taong nagsasalita at ang
taong kinakausap?
Bergstorm 9. Sino ang sikologong Aleman na nakagawa ng unang pag-aaral tungkol sa
interference noong taong 1892?
Howard Giles 10. Siya ay naghanap ng mga rason sa pagbabagong kanyang napansin sa iba’t
ibang pananalita ng mga tao kaugnay sa kanilang pag-uugali?

You might also like