You are on page 1of 5

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Paksa: Gamit ng Wika sa Lipunan


Inihanda Ni: Bb. Cristine P. Paquibot Baitang: Ikalabing-isa
Semestre: Una Linggo: Ikaapat-Ikalima

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nabibigyan-kahulugan ang mga komunikatibong gamit sa lipunan (Ayon kay M.A.K.
Halliday) - F11PT- Ic- 86

AKTIBITI 1

Panimulang Gawain:

Panuto: Mamili ng partner sa kaklase at basahin diyalogo na may


damdamin at sa tuno.

Diyalogo sa pagitan ng waiter at customer

Waiter: Magandang hapon, miss, paano kita matutulungan?

Customer: Magandang hapon, maaari mo bang sabihin sa akin na mayroon kang


regular na hamburger?

Waiter: Siyempre, mayroon itong 200 gramo ng karne, keso sa cheddar, bacon,
mga hiwa ng kamatis at mga sarsa.

Client: Magaling. Gusto ko ng isa, sinamahan ng isang soda.

Waiter: Napakahusay. Gusto mo ba ng isang panghimagas kasama ang


iyong pagkain?

Customer: hindi ko pa alam. Sasabihin ko sa iyo kapag nagdala ka ng


burger.

Waiter: Okay. Dadalhin ko sa iyo ang iyong order sa ilang sandali.

Customer: Maraming salamat.

1
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Mahalagang ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao, gaya ito


ng ating pahinga at paglakad, na natural na dumadaloy gaya ng dugong
bumubuhay sa ating katawan.

Ang wika ng tao ay kakaiba kung ihambing sa ibang anyo ng


komunikasyon gaya ng hayop. Ang wika ng tao, ayon nga sa Wikipedia,”
allows humans to produce an infinite set of utterences from a finite
set of elements and because the symbols and grammatical rules of
any particular can only be acquired through social interaction.”

Ayon sa siyentista , ang sistema ng komunikasyong ginagamit ng mga


hayop ay limitado sa “finite number of utterences”at halos lahat sa mga
ito ay genetically transmitted.
May pitong gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.AK. Halliday sa kanyang
“Explorations in the Functions of Language”. Hinati ni Halliday sa dalawang pangkat
ang gamit ng wika.

Ang UNANG PANGKAT ng gamit ng wika sa lipunan ay nakatuon upang


malinang ang katangian ng isang bata. Tumutugon ito sa pangangailangang pisikal,
emosyonal, at sosyal.

1.Pang-instrumental- Tumutugon sa pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-usap


sa iba lalo na kung may katanungan na kailangang sagutin.

Halimbawa: Liham-pangangalakal, advertisement

2.Panregulatori- Ang tungkulin ng wika mula sa salitang “regulate” ay ginagamit upang


kontrolin at gabayan ang kilos at gawi ng tao upang maging maayos at matagumpay sa
bawat gawaing pagkilos sa madaling salita ito ay tumutukoy sa pagkontrol ng ugali.

Halimbawa: Direksyon sa pag-inom ng gamot, panuto sa pasulit, babala

3.Pang-interaksyunal- Ang wika ay ginagamit sa pakikipag-interak ng tao. Nilalarawan


nito ang pagpapalitan ng bawat mensahe mula sa isang tao patungo sa iba pa. At ang
pagkakaroon ng pakikibagay, pagkakaunawaan at paggalang sa kapwa o mas kilala
bilang pakikipag-usap o pakikipagkapwa.

Halimbawa: Ang pagkipagkuwentuhan ng magkaklase sa loob ng silid-aralan,


Pagbabahagi ng damdamin, pagbibiruan

2
4.Pampersonal- Ang tungkulin ng wika ay para sa pansariling kapakanan na
makapagpahayag ng sariling ideya,saloobin, o kuro-kuro batay sa isang paksa.

Halimbawa: Pagsulat ng talaarawan, journal, Ang pagbibigay opinyon sa isyung


panlipunan.

Ang IKALAWANG PANGKAT ng gamit ng wika sa lipunan ay nakatuon na malinang


ang pakikisalamuha sa lipunang kinabibilangan.

Pangheuristiko- Ang tungkulin ng wika ay para saa pangangalap, pananaliksik ng mga


impormasyon sa paraan ng pagtatanong, pag-imbestiga, at pakikipanayam sa madaling
salita ay ang pagkuha ng impormasyon.

Halimbawa: Interview, pakikinig sa radio, panonood sa telebisyon

Pang-impormatibo- Ang tungkulin ng wika ay makapagbabahagi o makapagbibigay ng


mga mahahalagang datos o impormasyon na kapakipakinabang.

Halimbawa: Pagbabalita sa TV o pagsulat ng pahayagan.

Pang-imahinasyon: Ang tungkulin ng wika ay para mapagalaw ang imahinasyon ng


tao at upang maging malikhain sa pamamagitan ng pagpapahayag ng damdamin at
iniisip sa paraang pasulat o pasalita sa madaling salita ito ay patungkol sa
malikhaingguni-guni ng tao

Halimbawa: Ang pagsulat ng isang tula na alay para sa isang ina.

Kalinisan
AKTIBITI 2

Pangkatang Gawain:

Panuto:Sumulat ng isang talata/sanaysay sa anyong Personal, Interaksyunal, at


Impormatibo. Isulat sa isang buong papel.

3
AKTIBITI 3
Performance Task:
Ikaw ay nahalal bilang bagong pangulo sa pinakamataas na pamahalaan ng mag-aaral
(SSG) sa taong panuruan 2022-2023. Isa sa tungkulin mo ang pag-organisa at paggawa ng
proposal activity na gagawin sa kulminasyon sa Buwan ng Wika. Napagpasyahan ng iyong mga
kasamahan na itampok ang kultura ng iyong komunidad at magsagawa ng panayam mula sa
mga dalubhasa sa kultura ng iyong komunidad bilang paghahanda upang maging kawili-wili at
maayos na mailahad ng maayos aspektong kultural ng Cebu sa darating na kulminasyon.
Matapos mong maisagawa ang panayam ay kailangan mong gumawa ng sanaysay mula sa
tugon na iyong nalikom bilang proposal sa gagawin na kulminasyon.

Ang pamantayang gagamitin sa pagmamarka ay:

1. Nagagamit ng maayos ang mga Kohesyong Gramatikal sa pagsulat ng sanaysay.


(Gramatika)
2. Ang sinulat na sanaysay ay naglalaman ng impormatibong argumento sa aspektong
kultural ng iyong komunidad.
3. Ang sanaysay ay nailahad ng maayos bilang proposal activity.

References:

 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(para sa Senior High School) – Cid


alcaraz/Gina Basilides/Jocelyn Pamplina/Avelina Treyes/Imelda Hilario/Johnson Lacusta/Renalyn
Austria/Ricky De La Cruz
 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. https://www.elcomblus.com/ibat-ibang-
paniniwala-sa-wika/
 Dalumat (komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino- Leodivico C. Lacsamana,Ph.D.

Edited by: JUVELYN A. BERDON

4
Pangalan:______________________________ Kwarter:________
Seksyon:__________ Linggo:_________

I. Panuto: Tukuyin ang tungkulin ng wikang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.


Isulat sa patlang ang TITIK ng iyong sagot.

a. Interaksyonal d. Personal g. Impormatibo


b. Instrumental e. Imahinatibo
c. Regulatori f. Heuristiko

____________1. Panatilihing malinis at maayos an gating kolehiyo.


____________2.Ang mungkahi ng G. Morales ang pinakamainam sa ating mga mag-
aaral.
____________3.Kayo, kabataang handing umimbulog sa bagwis at pakpak ng mayang
loob…
____________4.Paano ba ang pagpunta sa bagong bili mong townhouse?
____________5.Nakikiramay po ako sa pagyao ng mahal mong ina.
____________6.Uminom ka ng gamut ng makatlong beses sa isang araw.
____________7. O ilaw, sa gabing madilim,wangis mo’y bituin sa langit.
____________8.Pakikuha mo naman ako ng isang basong tubig.
____________9. Ano po ang masasabi ninyo sa kinasasangkutang kontrobersya ng
ating Pangulo sa ngayon?
____________10.Natuklasan namin sa aming isinagawang pananaliksik ang mga
sumusunod na datos.
____________11. “July 23, 1994
Mahal kong Talaarawan,
Masaya ako ngayon dahil kaarawan ko ngayon.

____________12.Babala! Bawal magtapon ng basura dito!

____________13.Hi! Magandang araw!


____________14.Ito ay patungkol sa pangangalakal na liham. Anong gamit ng wika
ito?

____________15.Ito ay sumasagawa ng interview. Anong gamit ng wika ito?

You might also like