Professional Documents
Culture Documents
Papasok noon ang anak nitong si April ng biglang magpabili ito sa kanya ng bagong damit para sa
kanilang darating na Christmas Party.
April: Ma, pwude mo ba kong ibili ng bagong dress gagamitin ko lang sa Christmas Party.
Mrs. Dumpal: Pero nak, kabibili ko lang sayo noong nakaraan eh bago na naman???
Mrs. Dumpal: Nak naman, sige gagawan ko ng paraan yan magayak ka na at sabay na tayong aalis.
Narrtor: Matapos ang tagpong iyon ng mag-ina ay umalis na sila. Samantalang sa bahay naman ng
pamilya Olager na di kalayuan sa bahay nina Mrs. Dumpal ay makikita ang isang 12 taong gulang na
batang babae na si Princess na naglalaba na kanilang mga damit.
Mrs. Olager: Princess, Princess, Princess nasaan kaya ang batang iyon bakit hindi sumasagot???
Princess!!! (at sa pagkakataong ito nilakasan na niya ang pagtawag dito)
Princess: Nay, andito po ako sa likod ng bahay.
Mrs.Olager: Ano ba naman Princess ang tagal mong sumagot kanina pa kita tinatawag ah ...
Mrs.Olager:Kaya pala hindi ka matapos tapos diyan eh, pati dito kasama mo yang gitara mo !
Princess: Nay, pero.... (may na amoy na nasusunog) Nay may niluluto po ba kayo???
Narrator: At dali-daling tinungo ang kusina, ngunit huli na sunog na ito. Samantalang sa dakong kanan ng
bahay nila ay may isang subdivision. May mga naglalakihang bahay , makukulay na garahe at mga pader.
Dito nakatira ang mag-inang Eloisa at Arjay. Biyuda na si Mrs. Salido kaya ng mamatay ang asawa nito
siya na rin ang tumayong CEO ng kanilang kompanya pagkat ang anak naman nitong panganay na si
Mabeth ay bising bising sa kanyang pag-aaral upang maging isang guro ayaw niya raw kasi na
magtrabaho sa kompanya at wala sa interes niya ang maghawak at magpatakbo ng negosyo kaya't siya
na lang muna ang humahawak nito habang ang kanyang anak na bunsong lalaki na si Arjay ay wala pa sa
hustong gulang.
Narrator: Naglakad ng naglakad si Mrs.Salido hanggang marating niya ang sala at nakita niya si Edz na
nanonood ng paborito nitong korean teleserye.
Mrs. Salido: Pakigising nga muna si Arjay pasabi na aalis na ako maligo na siya at parating na ang service
nya maya-maya lang .
Narrator: At lumakad na si Edelyn papunta sa kuwarto ni Arjay ngunit bigla siyang tinawag muli ni Mrs.
Salido.
Mrs.Salido: Edz
Mrs.Salido : Bago ko nga pala makalimutan , maaari bang tapusin mo muna lahat ng iyong gawain bago
ka manood ng hindi ka rin naabala , pwude ba iyon???
Edz: Arjay gising na tanghali na papasok ka pa. Saka sabi ng Mommy mo parating mamaya si Ninang
Ambon ipapasyal ka raw niya saka bibili kayo ng gift mo para kay ate Mabeth para pag-uwi nya marami
rin siyang dalang christmas gift para sayo.
Arjay: Talaga yaya pupunta dito si Ninang saka uuwi si ate Mabeth miss na miss ko na po kasi siya eh...
Edz: Yup pero bago yan, ligo ka muna ha at mamaya parating na ang service mo.
Narrator: Matapos maligo ni Arjay hindi natagalan ay dumating na ang kanyang school service.
Danica: Ms. Tulungan nyo po kami gamutin po natin ang kapatid ko...
Ms. Ambon: Sige,sige pasensya na kayo ha hindi ko kasi kayo napansin bigla kasi kayong natawid na lang.
Narrator:Sa hospital talaga niya balak dalhin ang bata ngunit tinutulan ito ng magkapatid.
Danica: Puwde pong bang sa bahay nyo na lang takot po kasi siya sa hospital doon po kasi namatay ang
mga magulang namin.
Narrator: Hindi na sumagot si Joan dumiretso na lang siya sa opisina ni Ms. Blastique.
Narrator: Umalis sa siya ng kanyang clinic buti na lang at wala syang gaanong pasyente di nagtagal ay
narating na niya ang bahay ni Ambon. Dahil kilala na si Doc. ng kasambahay nito ay pinapasok na nya ito
at nagtuloy-tuloy sa itaas kung saan naroon ang bata.
Dr. : Ok na siya maya maya lang gigising na yan hindi naman malakas ang pagkabagok ng ulo nya pero
ung braso nya ang medyo napinsala. Siya nga pala paano mo nga pala nakita ang mga batang ito ?
Ms.Ambon: Dyan lang malapit sa park papunta kasi ako nun kay Arjay kasi nga ilalabas ko sya kaso may
tumawag na kleyente at bigla umatras so ayon sa gigil ko, hindi ko napansin iyong mga bata kaya't
nabangga ko sila.
Narrator: Di nagtagal ay umalis na rin si Dr. Blastique at nagising na rin si Regin nagulat siya sa kanyang
nakita .
Regin: Puting paligid( sa isip niya nasaan ako at nagpanik biglang sumigaw) ahhhhh nasaan ako ..!!!.
Patay na po ba ko? Nay, Tay asan na po kayo?
Ms. Ambon: Hindi iha nasa bahay ko ikaw nabangga ko kasi kayo kanina.
Ms. Ambon: Nasa baba sila, kaya mo bang tumayo? Pasensya na talaga ,hindi ko sinasadya. Ano ba kasing
ginagawa nyo roon alam nyo namang daanan ng sasakyan iyon dilikado dun.
Regin: Diba po magpapasko na, inakit ko po sila dun kasi maraming tao baka maraming magbigay sa
amin.Doon po kasi kami nangangarolling saka malapit na po kasi ang birthday ni Bunso gusto po namin
syang bilhan ni ate Danica ng regalo.
Ms.Ambon:Ganun ba, ah sige mamaya ay ipapasyal ko kayo at bibili rin ako ng regalo ko para sa kapatid
mo at sa inyong dalawa rin.
Narrator: At pumunta na nga sila sa kusina at nakita nya ang kanyang mga kapatid na kumakain tinawag
niya ang mga ito.
Regin: Ate Danica ,bunso
Danica: Ivy
Aljane:ate Ivy
Narrator: At nagyakap ang tatlo. Samantalang sa bahay nina Eloisa ay patuloy pa ring nag-aantay ang
anak nitong si Arjay sa ninang nito kanina pa kasi siya nakauwi at lagpas na rin iyong oras na binigay ng
ninang nya ngunit hindi pa rin ito dumarating. Nang biglang may narinig siyang busina ng sasakyan.
Narrator: Ngunit hindi sumagot ang yaya nito kaya dali-dali syang bumaba at nadismaya siya sa di
inaasahang makita.
Eloisa: Sige tanggalin nyo yan ka lalaking tao naglilipstick. Baby kiss mo muna si Mommy pagod ako eh
magpapahinga muna ko.
Narrator : At nagdadabog na umakyat sa taas at tinawagan ang Ninang niya kung bakit hindi ito
dumating sumagot naman ito pasensya na raw may bata syang nabangga at bumawi sya dito mamaya
na lng dw sila mag-usap kasi ipapasyal nya muna iyong mga bata. Kaya matapos ang tawag na ito
napaluha si Arjay at nag-video call sa ate niya , sumagot naman ito.
Arjay: Ate puwede ba na umuwi ka na dito miss na miss kita puwede ba? (umiiyak na)
Mabeth: I miss you baby sorry to say this gustohin ko man ayaw na kong payagan ni daddy na umuwi
diyan sa Pilipinas kasi kailangan nya ko dito.
Arjay: Bakit ate ? hindi ka ba kailangan namin ni Mom alam mo na mhal na mahal ka namin pati din ni
Daddy kahit hindi ka tunay na anak ng daddy tinulungan ka nya, alam mong sya ang dahilan kung bakit
nandiyan ka ngayon kasama ng totoo mong Daddy.
.. Ganun na lang ba iyon matapos mo siyang makilala ate mahal na mahal kita lalo na ni Mommy
ginagawa nya ang lahat sa kompanya para sayo para makauwi ka na ... Pero hito ka tumutanggi na naman
i hate you ate , i hate you ,..........
Pasko na naman ngunit wala ka pa
REFRAIN:
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Sa araw ng Pasko...
REFRAIN:
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Sa araw ng Pasko...
(Repeat Refrain)
Narrator: Galit na galit si Arjay sa ate nya dahil lagi na lang nagbabago ang isip nito na uuwi sa tuwing
sasapit ang pasok na tila ba ayaw silang makasama.
Habang sa bahay naman ng pamilya Dumpal ay nag-iintay ang anak nitong si April sa kanya di nagtagal
ay dumating na rin ito at pagod na pagod.
April: Hi Ma (at humalik sa pisngi nito) Mukhang pagod na pagod kayo ah , kumusta naman po ang lakad
nyo marami bang nagpatahi , marami po bang nag-order sa mga nilako nyo at higit sa lahat binili nyo po
ba ko ng damit ?
April: Bakit Ma? nakita nyo na naman po ba si Papa sa tuwing nakikita nyo sya nagkakaganyan kayo ,
dahil ako pa rin ang sinisisi nyo kung bakit nya tayo iniwan kasalanan ko po ba talaga? Na spoiled brat
ako, na mas mahal ako ni daddy kesa sayo kaya lahat ng ginagawa nya para sa akin ay ginagawa nyo rin
upang mapagtakpan ang totoong nararamdaman nyo na hindi ka nasasaktan sa tuwing makikita mo si
Papa at dahil doon sa sobrang close namin iniisip nyo na ginagawa yun ni Papa para makapambabae sya
dahil kampi ako sa kanya pero hindi po Ma dahil mas mahal kita kay Papa.
April: Ginawa ko lang po kung ano iyong tingin kung tama Ma, ayaw ko na habang buhay tayong lokohin
ni Papa.Sinabi ko lang sa inyo ang nakita ko.
April: At dahil sa pagmamahal na yan Ma nasakal na si Papa na ultimo si tita pingsilusan nyo pa, kahit ako
na sarili mong anak kaya siguro nambabae na talaga sya dahil nakakasakal kang magmahal Ma.
Pakiramdam ko hindi na rin kita napapasaya dahil si Papa lang ang lagi mong hinahanap at kaya nyo lang
namn sinusunod lahat ng gusto ko dahil kay Papa pero ngayon may pamilya na syang iba at di mo
kailangang magpanggap pa Ma (sabay takbo )
Sa tuwing pasko'y sumasapit nais makitang kang muli at kahit na isang sandali
Churos:
Narrator: Ngunit huli na nakalabas na ito ng tarangkahan ng bahay nila. Sa bahay naman ng pamilyang
Olager , galit na galit ito kay Princess dahil dito kaya nasunog ang ulam nila para sa pananghalian.
Princess: Nay,
Mrs. Olager : Anong uulamin natin ngayon tingnan mo nga dahil sayo nasunog tuloy ang paboritong ulam
ng kapatid mo.
Mrs.Olager: Si Estifanie
Princess: Ayun naman pala Nay tayo ang kakain ng niyan hindi si Estifanie,
Princess: Paano po kung ayaw ko Nay. Si Princess po ako hindi si Estifanie patay na sya Nay, isang taon na
ang nakakalipas hindi pa rin po ba kayo nakakamove-on nandito naman po ako di ba at pinupunan ko ng
pagmamahal ang lahat ng ginawa nya para sayo noon, kulang pa ba Ma kulang pa ba ?
Mrs.Olager :Kulang na kulang ang lahat ng ginagawa mo dahil kahit anong gawin mo hindi mo na
maibabalik ang buhay ni Estifanie dahil pinabayaan mo sya kung hindi mo sana sya iniwan baka buhay pa
ang kapatid mo. Ang Estifanie ko (habang umiiyak) ikaw ang matanda pero ikaw pa ang pabaya ang sabi
mo babantayan mo siya pero iniwan mo siya kaya sya nalunod , ikaw ,ikaw ang may kasalanan kung bakit
namatay ang baby ko umalis ka alis ...
Princess: Kung yan ang nais nyo aalis na ko Nay dahil si Estifanie lang pala ang kailangan nyo , ang
nagpapasaya sayo at hindi ako.
Sa darating na pasko
Pag-ibig mo
Repeat II.
Narrator: At nagtatakbo siya palabas ng kanilang bahay dala dala ang kanyang pinaka mamahal na gitara
na regalo ng kanyang yumaong ama at dito ay nabangga niya si Danica .
Princess: Sorry
Narrator : Maggagabi na rin kasi noon at walang ibang ginawa si Princess kundi ang tumakbo ng tumakbo
hanggang marating niya ang parke kung saan ito ang paboritong pasyalan nila ng ama noong ito'y
nabubuhay pa.Di nagtagal ay nakarating din dito sa April dito sya dinala ng kanyang mga paa pagkat ang
parkeng ito ang dating pasyalan nilang tatlo pagkatapos magsimba tuwing linggo noong buo pa ang
kanilang pamilya. At sa kanyang paglinga-linga ay nakita niya ang isang dalagitang nagigitara at
kumakanta habang umiiyak nakuopo at nakasandal sa isang malaking puno kaya't nilapitan naman niya
ito.
April: Hi , ang galing mo nman tumugtog at kumanta, pero bakit umiiyak ka?
Princess: Nagkatampuhan kasi kami ng Inay kasi lahat ng ginagawa ko para sa kanya hindi pa rin pala
sapat palaging may kulang kaya ako nandito para magpalipas ng sama ng loob, isa pa pakiramdam ko
napapagaan ng lugar na ito ang pakiramdam ko.
Princess: Dito kasi kami laging pumupunta ni Itay at dito rin namin isinilibreyt ang 12 birthday ko at ito
ang birthday gift nya sa akin mula kasi nung nalaman nya na hilig ko ang paggigitara at pagkanta
sinuportahan nya ko . Ikaw? Bakit andito ka rin?
April: Nangabilang bahay na andito ko kasi nagkasagutan kami ni Mama at gusto ko muna na lumayo sa
kanya kahit ilang araw lang. Ano ng palang pangalan mo ?
Princess : Kanina pa tayo nagdadaldalan pero di pa pala natin kilala ang isa't isa Princess (sabay abot ng
kamay) Princess , Princess ang pangalan ko.
April: Ako naman si April sampulan mo nga ulit ako nyang kinakanta mo, mukhang ang ganda talaga eh
parang ikaw (sabay ngiti).
Narrator: At nagpatugtog na nga si Princess at dahil pasko na pamaskong kanta na rin ang kinanta nya
pati si April ay nakikakanta na rin .
Family is Forever
Kasiyahan o kalungkutan
Forever forever
Family is forever
Forever forever
Family is forever 2x
Ohh,ohh
Narrator: Nagulat na lang sila ng biglang may nagpalakpakan andami na palang taong nakapaligid sa
kanila at si Danica naroon at sumasayaw habang sila ay kumakanta dahil natuwa ang dalawa ay
nagpatuloy ang mga ito sapagkanta hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paligid at nag-alisan na rin ang
mga tao. Lumapit is Danica sa kanila at nagpapakilala sabay abot sa kanila ng pera.
Danica: Hi ako nga pala si Danica kanina ko pa kayo pinagmamasadan pero mukha ang saya saya nyo na
parang kayo lang ang tao sa mundo kaya hito sinayawan ko ang kanta at di ko sukat akalain na maraming
tao ang dadating at magbibigay sa atin akala kasi nila namamalimos kayo kasi ang dungis nyo na tulad ko.
( sabay tawa at tumawa na rin ang dalawa).
Danica: oh sure, kaso pagpasensya nyo na ung sa amin ha, kami na lang kasing magkakapatid ang
nakatira dun kaya halos sira sira na din un.
Narrator: Ngunit hindi pa nakakalayo sa parke ang mga dalagita ng biglang bumuhos ang malakas na ulan
kaya nakisilong muna sila sa isang tindahan.
Danica: Naku malayo ang amin baka hindi tayo makauwi roon dito na lng muna tayo magpalipas ng gabi.
Narrator:Sakto naman na may iba pang pulubi roon at may bakante pang karton kaya doon sila nahiga,
noong una nag-aalangan pa si April ngunit sa huli ay nakatulog na rin. Kinabukasan nagising sila sa
malakas na boses at sipa sa kanilang mga paanan imbis na sa mataas na sikat ng araw.
Guwardiya: Hoy gising bawal ang mga pulubi dito, ang dami dami dyang puwdeng matulugan dito pa
talaga alis.
Narrator: Sa pagbukas ng mga mata ni Danica nilinga niya ang paligid at wala na doon ang iba pang mga
bata silang tatlo na lamang ang naiwan saka bigla nyang naalala ang kanyang mga kapatid baka hindi pa
kumakain ang mga ito. Ginising niya ang dalawa at nagtatakbo sila pauwi dahil walang nagpapasakay sa
kanilang dyip dahil nga ang dudumi nila. Pagdating sa bahay nila ay agad niyang tinawag ang pangalan
ng mag kapatid sira, sira na ito butas-butas ang bubungan ngunit pwd pa naman tulugan, ang
banggirahan nilang kawayan ay tila yuyukod na sa lupa at ang kanilang kalagimay na banig ay sirasira na
din.Umabot ng isang minuto ang paghahanap ni Danica sa kanilang mga karatig na barong-barong ngunit
wala talga ang mga ito kaya nag-alala siya tatawid na sana siya ng kalsada noon ng tawagin ni April ang
pangalan niya pagkat nakalimutan na niyang kasama nga pala niya nag mga ito dahil sa sobra pag-aalala
niya sa mga kapatid.
Narrator: Ngunit huli na pagkat nahagip na nito si Danica dali-dlaing bumaba ang driver at si Miss Ambon
pala iyon.
Danica: Miss. Ambon nakita nyo po ba ang mga kapatid ko? (sambit nito bago mawalan ng bahay).
Narrator : Isinakay nila si Danica sa kotse kasama ang dalawang bata. Habang sa Mansiyon naman ay
nagtatakbo pababa si Arjay sa sobrang sama ng loob sa kanyang kapatid nais na sana niyang lisanin ang
mansiyon ngunit ang hindi niya napansin na may mga bata palang nangangarolling sa tapat ng bahay nila
at dahil doon ay napahinto siya.
Singing
Sa may bahay ang aming bati Merry Christmas na mawalahati
Regin and Aljane: (muling kinalimbang ang dala nilang lata na may lamang mga bato)
Mamamasko po
Arjay:ah pasensya na kayo wala akong pera tulog si Mommy pero may pagkain kami .
Regin: Talaga puwede ba gutom na gutom na kasi ako saka itong kapatid ko kaninang tanghali pa kami di
kumakain kasi hanggang ngayon di pa bumabalik si ate Danica namin eh
Arjay: hoy bakla hindi tayo talo noh... Babae rin ako si Mommy lang kasi hmmm lika ka na pasok na kayo
sa loob.Yaya may bisita po ako pwd po ba nyo silang ipaghanda na makakain ung madami po ah
Edz: Dyos ko!!!??? ay saan mo naman napulot itong mga bisita mo at mukhang kahapon pa hindi naliligo
ang mga yan, tingnan mo nga ang dungis dungis
Arjay: Yaya (sa galit ngunit matinis na tinig) susundin nyo po ba ko o isusumbong ko kayo kay Mommy na
wala ka ng ginawa sa maghapon kundi magbabad sa tv.
Edz: Yes you two, biki sya pero secret lang yun hindi pa kasi alam ng Mommy niya.
Narrator: At ngumisi ang tatlo habang nakatingin kay Arjay at si Arjay naman ay nakasimangot na
nakapamiywang na nakatingin sa mga ito . Ang lingid sa kaalaman nila ay nandun pala ang ina nito at
nakikinig sa kanila. Nang maya maya lang ay bumaba ito at nagulat ng makita ang dalawang pulubi.
Mrs. Salido : Kaibigan? kailan ka pa nagkaroon ng kaibigang magrurusing ay diring diri ka nga sa kanila
diba nakita mo na sila nun noong pauwi ka galing school noong ako ang sumundo sayo.
Mrs. Salido: Pero kahit na, ayaw ko ng nagpapapasok ka sa bahay ko ng hindi ko alam at saka dapat mga
lalaki ang maging friends mo.
Arjay : Mom i'm a gay (ninirbyos man ay tinatagan pa rin niya ang loob pagkat nasisiguro nya na ito na
ang tamang panahon upang malaman nito na isa syang bakla)
Mrs. Salido: Kailan pa ? at bakit anak? Pano na yan sino na ang magmamana ng ari-arian ng ama mo
kung gayong wala ng magmamanage nito ikaw ang inaasahan namin para sa kompanya.
Arjay: I'm sorry for dissapointing you Mom buts its me.
Mrs.Eloisa: Ahm Edz pakibigyan ng pagkain ang mga batang yan at palabasin mo mukhang hindi sila
magandang impluwensya sa anak ko.
Mrs.Eloisa: Talaga ba ha matigas talaga ang ulo mo ... Hala sige Edz ihatid mo ang mga bata sa gate isama
mo na yan...
Narrator: At inihatid nga ni Eds ang mga bata sa labas kasama si Arjay.
Mrs.Eloisa: Mas pinili nya talaga ang mga yun kesa sa Mommy nya.
Narrator:Dahil sa katatakbo ng mga bata makalayo lng sa bahay nina Arjay ay narating nila ang bahay ni
Ms.Ambon, kung saan naroon din si April,Princess at Danica.
Dahil kilala na sila, pinapasok na sila ng katulong sakto namang kagigising noon ni Danica at pagsilip nya
sa bintana nakita nya ang mga kapatid sa garden naghihilamos ng mukha at naghuhugas na paa. Dalidali
syang bumaba ng hagdan at nang makarating siya sa kinaroroonan ng mga kapatid ay agad niyang
niyakap ang mga ito dalawang araw na kasi mula ng magkahiwalay sila at lumipas na rin ang birtday ni
Aljane kahapon lang at hindi man lang nila ito naicelebrate.
Danica : Ang saya ko na nakita ko na ulit kayo akala ko hindi ko na kayo makikita pa.
Narrator: Habang nagyayakapan at nagiiyakan ang tatlo ay nasa taas naman si Princess, April, Miss Rona.
Dito ay kinausap ni Ms. Ambon ang dalawang bata tungkol sa pag-uwi nila sa kani-kanilang bahay .
Ms.Ambon :Handa na ba kayong umuwi miss nyo na ba ang mga mommy nyo.
Narrator: Matapos ang mahabang diskusyunan nila kung paano sosorpresahin ang mga magulang di
nagtagal ay umalis na rin sila. Kasama si Arjay at ang tatlo magkakapatid na sa bihis pa lang ay hindi ma
mapagkakamalang sila'y mga Pulubi.
Sa bahay ni April sila unang pumunta at natanaw nito ang kanyang inang naghahanda ng hapunan .At
lumingon ito sa kanyang mga kasama.
Paskong nagdaan
Ngayon ay Pasko
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag-awitan.
[Koro]
Pasko! Pasko!
Pasko! Pasko!
Narrator : Narinig ito ng kanyang ina kaya naman lumapit ito sa may bintana at nakita ang kanyang
pinakahihintay na anak na halos dalawang araw na nawala ang akala nya tuloy ay mag-iisa siya ngayong
araw ng pasko.Lumapit si April sa kanya at nagmano .
Mrs.Dumpal: Patawad anak kung sa tingin mo mas minahal ko ang papa mo keysa sariling kong dogu't
laman.
April: Ok na po yun Ma ang mahalaga magkasama na tayo at bubuo tayo ng panibagong alaala na tayong
dalawa lang , nang hindi na tayo masasakatan pa ni Papa.
April: (nanunuri ang mga mata) Mag-asawa na po kasi kayo para may mangungulit na din sa inyo.
Narrator: At nagtawanan ang lahat kasabay noon lulan ng sasakayan ni Ms. Ambon ay nilisan nila ang
bahay nina April. Ngayon patungo na sila sa bahay ni Princess. At dito makikita ang kanyang Ina na
nagsasabit ng mga regalo sa kanilang munting christmas tree . Nakita ni Princess ang Ina at niyaya na
ang kanyang mga kasama upang kantahan ito.
Princess: Are you ready guys?
Ng magagandang himig
Ng tanging alay.
Tayo'y mangagsiawit
Tayo ay magmahalan
At magbuhat ngayon
Narrator: Dahil sa may pinto naman nakaharap si Mrs. Olager ay nakita niya agad ang anak at sinalubong
nila ang isa't isa ng yakap .
Mrs.Olager: Sorry din anak hindi kita inisip na ikaw ang buhay dapat mas sayo nakatuon ang attention ko
pasensya ka na rin kung sinisi kita sa pagkamatay ng kapatid mo alam ko na naman at naiintindiham ko
na aksedente iyon patawad anak Merry Christmas at mahal na mahal ka ng Nanay mo.
Narrator: Nagpalakpakan ang mga nasa likod at ito na ang pinakahihintay nila ang sorpresa dw ng mga
anak nila para sa kanila kaya naman pumunta na sila sa vinue kung saan gaganapin ang sorpresang
ito.Habang nasa bayahe nag-uusap usap ang mag-iina dahil sobrang namiss nila ang isa't-isa hanggang sa
marating na nila ang lugar. Madilim ang paligid kung kaya't nahirapan silang maglakad hanggang sa
makarating na sila sa loob. Mayamaya lang ay napansin ni Mrs. Olager na wala na sa kanyang tabi si
Princess magsasalita pa sana sya ng bigla bumukas ang mga ilaw at tumugtog na ang gitara at ang anak
nya pala iyon si Princess nasa taas ito ng stage. Nasa sa taas na rin ang lahat ng mga kabataan at
mukhang handang-handa na sila para sa kanilang sorpresa .
Princess: Ma para po sa inyo toh Merry Christmass at pati na rin po sa mga naging kaibigan ko Danica,
April salamat, higit sa lahat kay Miss Ambon dahil sa inyo gumaan ang loob ko at natanggap ko ang
pagkakamali , at para po sa inyong lahat alay po namin ang kantang ito , muli Merry Christamass.
Sa pangunguna ni Princess ay tinugtog at kinanta nila ang pamaskong handog nila sa kanilang mga
pamilya. Si Princess na nagigitara at siya ring nangunguna sa pagkanta , si Regin na siyang nagdudrum at
si April na siyang nagpapiano, si Aljane ,Danica at Arjay namn ay sumasayaw. Hindi nagtagal ay
sinabayan na rin sila ng kanilang mga magulang at napakasaya ng lahat dahil nagkapatawaran na ang
mga ito. Si Eloisa ay napatawad na rin ng kanyang anak na si Arjay at si Mabeth naman ay pinayagan na
rin ng kanyang Ama na magpasko dito sa Pilipinas at kasalukuyang nasa Airport tinawagan kasi ito ng Ina
na nawawala si Arjay kaya naman napapayag nya ang ama na umuwi ito na Pilipnias. At bahay ni Ms.
Ambon patuloy pa rinang kanilang kantahan.
Family is Forever
[Verse 1]
Kasiyahan o kalungkutan
Kinaya natin together
[Chorus 1]
Oooh, oooh
[Verse 2]
[Pre-Chorus 1]
[Chorus 2]
Salamat sa liwanag mo
[Pre-Chorus 2]
[Chorus 3]
[Verse 3]
Sa mundong maingay
[Pre-Chorus 3]
[Chorus 4]
[Verse 4]
[Bridge]
[Chorus 1]
[Chorus 5]