You are on page 1of 7

MGA PANGUNAHING KARAKTER:

Mrs. Aragon
Layla
Trisha
Snow
Shan
Zariyah
Mrs. Riego
Jaxon
Hades
Amber

(UNANG KWENTO: MAHINANG SIGNAL)

(PANGALAWANG KWENTO: WORKING STUDENT)

(PANGATLONG KWENTO: MAAGANG NABUNTIS)

(PANG-APAT NA KWENTO: BROKEN


FAMILY)

(PANGHULING KWENTO: DEPRESYON)

SCENE 1: ONLINE CLASS

Kasisimula pa lamang ng birtwal na klase ni Mrs. Aragon ngunit galit na galit na ito dahil sa ilan
sa kaniyang mga estudyante ay lumiban sa klase at hindi nakapagpasa ng gawaing kaniyang
ipinagawa.

MRS. Aragon : (galit)

NASAAN ANG IBA? ABSENT NA NAMAN? BAKIT BA NAPAKAPABAYA NINYO? NASA


KOLEHIYO NA KAYO BAKA NAKAKALIMUTAN NIYO? HINDI AKO NANDITO PARA
MAGTURO NG MGA IRESPONSABLENG MGA ESTUDYANTE! KAILAN BA KAYO
MAKIKINIG HA?

ESTUDYANTE! KAILAN BA KAYO MAKIKINIG HA?

IPASA NA ANG IPINAGAWA KO LAST MEETING.

( Hindi sasagot ang mga estudyante )


HINDI NIYO GINAWA?! ANO BA NAMAN YAN. MGA KOLEHIYO NA KAYO!

( May isang estudyante ang magtataas ng kamay. )

LAYLA: Ms. Aragon, sinabihan po ako ng nanay ni Sam na hindi na po siya makakapasok dahil
sa kasamaang palad ito po'y nagpakamatay. Kagabi lang daw po maam. Dahil daw po sa
depresyon. (mangiyak-iyak)

Natahimik ang lahat... walang nagsasalita...

Natapos ang klase ni Ms. Aragon at paglabas niya ng kwarto nakita niya ang kaniyang
anak na tila balisa at hindi mapakali. Nagkibit balikat lamang si Ms. Aragon sa kaniyang
nakita at tumungo pabalik ng kaniyang silid upang tignan ang mga output ng kaniyang
mga estudyante. Habang binabasa ang mga ito...

SCENE 2: UNANG KWENTO: MAHINANG SIGNAL


TAGPUAN: SA LOOB NG TAHANAN

MGA TAUHAN:

TRISHA - Ang mag-aaral na nagkakaroon ng problema sa kaniyang signal.


MRS. ARAGON - Ang guro ni Trisha na hindi marunong umintindi sa mga mag-aaral.

Magkakaroon ng online class at tinanong si Trisha ng kaniyang guro ngunit nawala ang
kaniyang signal.

MRS. ARAGON : Trisha maaari mo bang sagutin ang tanong na nasa screen?...

TRISHA: Ma'am... ang sagot po ay...

MRS. ARAGON: (maguguluhan at putol putol ang pagsasalita dahil sa signal)

Hindi ka namin marinig Trisha...


TRISHA: Ma'am? Hello po? Naririnig niyo ba ako?
(tatakbo si Trisha palabas ng bahay at maghahanap ng signal hanggang sa makarating
siya sa gitna ng kakahuyan...nagkaroon nga siya ng signal ngunit hanggang chat lang
ang kaniyang pwedeng gawin)

TRISHA: (gagawa ng mensahe para sana sa guro ngunit nabasa niya ang mensahe ng
kanyang guro) Trisha sa susunod sisiguraduhin mo na mayroon kang mainam na koneksyon
kaya ka nag enroll dahil kaya mo at magagawa mo ang mga bagay na ipapagawa sa iyo!!

(nalungkot si Trisha sa kanyang nabasa ngunit


nagpaabot na rin siya ng paghingi ng paumanhin at patunay)

Si Trisha ay umuwing luhaan sa kanyang bahay at walang nagawa kung hindi tanggapin
na lamang ang sinabi ng kanyang guro sa kaniya.

SCENE 3: PANGALAWANG KWENTO: WORKING STUDENT

MGA TAUHAN:

ZARIYAH - Maagang nawalan ng magulang, naging working student.


MRS. RIEGO- May-ari ng bahay pinagtatrabahuan ni Zariyah.
Mrs. Aragon - Ang guro ni Zariyah na hindi marunong umintindi sa mga mag-aaral.

Nasa bakuran at nakatingin sa malayo.

ZARIYAH: Sana may magulang din ako kagaya nila.(Nakatingin sa masayang pamilya)

Sa loob ng bahay

ZARIYAH: (Nananalangin) Maraming salamat po. Panginoon at nakakuha po ako ng


scholarship upang makapag-aral sa kolehiyo. Humihingi po ako ng tulong sa inyo na sana'y
makahanap rin po ako ng trabaho.

MRS. RIEGO: Talya, huwag mong kalimutan na linisin yung kalat sa loob.

ZARIYAH: Opo, Ma'am. (Agad nilinis ang mga kalat at pumunta na rin sa kusina upang
mag hugas ng pinggan)

Araw-araw siya naglilinis ng buong bahay at nagbabantay ng anak ni Mrs. Riego habang
naghihintay na mag-online class.

Sa Klase

Mrs. Aragon:(Maraming sinabi sa klase at maraming ipinagawa) Ipasa niyo bukas.

ZARIYAH: Ma'am puwede ho ba sa lunes ko po mapasa? Marami pa po kasi akong gagawin.


(Mahinahon na sabi ni Zariyah)

Mrs. Aragon: Klas, dismiss!

ZARIYAH: (Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Zariyah ng marinig iyon) Grabe


naman si Ma'am. Hindi ba siya marunong makonsensya? Di bale, sisikapin ko talagang
matapos lahat ng kanyang ipinagawa. Sayang ang mga sakripisyo ko kung hindi ako
makapagtapos ng pag-aaral.
Halos, gabi-gabi ay panay gawa niya ng mga requirement sa paaralan ngunit nalungkot
siya dahil nauubos na rin ang kaniyang allowance para pang sa tuition mula sa
scholarship niya dahil ginagamit niya itong pang load para sa online klas. Napaluya na
lamang siya habang nag-iisip ng maaari niyang gawin upang magkaroon ng pera para sa
pag-aaral.

SCENE 4: PANGATLONG KWENTO: MAAGANG NABUNTIS

MGA TAUHAN:

AMBER - Mag-aaral na maagang nabuntis.


JAXON- Kasintahan ni amber na hindi siya kayang
panindigan. (MAGKASINTAHAN)

Tinawagan ni Amber ang kaniyang nobyo upang ipaalam rito ang kaniyang kalagayan.

Phone ring...

AMBER: Hello Jaxonn?

JAXON: Amber napatawag ka?

AMBER: (nauutal) ahh.. kase.. ano.. may gusto sana akong sabihin sayo.

JAXON: Ano yun Amber?

AMBER: (natahimik saglit) Jaxonn, buntis ako.

JAXON: Ha? Sure ka ba? Baka hindi akin 'yan?

AMBER: Oo, positive ang resulta jaxonn at sayo ito.

JAXON: (lalakas ng bahagya ang boses) Amber, hindi pa ako handa!

AMBER: (naluluha at lalakas ng bahagya ang boses) Anong hindi handa jaxon? Ginawa
natin to kaya kailangan natin tong panagutan!

JAXON: Sorry Amber pero hindi ko kaya. Hindi kita kayang buhayin at ang batang iyan...

AMBER: (galit at magpupunas ng luha) Pagkatapos ng lahat lahat, 'yan lang ang sasabihin
mo? Napakakapal ng mukha mo! Alam mo, maghiwalay na lang tayo total wala ka namang
pake sakin tyaka sa magiging anak mo. Hindi ko kailangan ng duwag na tulad mo. Kaya kong
buhayin ang anak ko.
Papatayin ang tawag.

SCENE 5: PANG-APAT NA KWENTO: BROKEN FAMILY


MGA TAUHAN: SNOW
LAYLA
HADES (TATAY)

Papasok si Layla sa bahay ni Snow upang humingi ng tulong sa paggawa ng takdang-


aralin. Pumunta ito sa kanyang silid. Makikita niya na umiiyak si Snow.

LAYLA: oh? Anong nangyari sa iyo?

SNOW: Maghihiwalay na ang mga magulang ko. Lagi nalang kasi silang nag-aaway. Umalis na
si mama dito sa bahay dahil sinasaktan siya ni papa.

LAYLA: (Yayakapin si Snow) Okay lang yan, malalampasan mo rin ang mga pagsubok na
iyan.

SNOW: Sana nga kayanin ko, teka ano bang ginagawa mo rito? Magpapatulong sana ako sa
takdang aralin pero parang ikaw yata ang may kailangan ng tulong, tsk! (Iiling-iling).

SNOW: Hindi pa nga ako nakagagawa dahil nagwawala ang mga magulang ko dito sa bahay,
pinagtatapon ang mga gamit pati gamit ko dito tinapon.

LAYLA: Nako! Paano na yan, bukas na yung pasahan nun, baka pagalitan ka ni Maam kung
hindi ka makakagawa ng takdang-aralin.

SNOW: Teka lang hahanapin ko lang mga gamit ko tulungan mo nga ako.

LAYLA: Sige!

Hinanap ni Snow at Layla ang mga aklat at kwaderno ni Snow. Nakita ni Snow na
nalublob sa tubig ang kanyang mga gamit at nabasa lahat ng libro at kwaderno.

SNOW : Nakita ko na (malumanay na sabi) wala nang pag-asa,hindi ko na to magagamit.


(Unti-unting iiyak)

LAYLA: (Lumapit kay Snow) Nako paano na 'yan?

SNOW: (Pupunta sana sa sala upang komprontahin ang amang lasing ng biglang
sumigaw.)

HADES (TATAY): Mga walang kwenta lumayas kayo sa pamamahay ko!


SNOW: (Napaatras at bumalik sa kwarto)

LAYLA: Nako, pabayaan mo nalang yung tatay mo, pupunta muna ako sa bahay, kukunin ko
yung ekstrang kwaderno ko para makagawa ka na nang takdang aralin. Ako nalang tutulong sa
iyo.

SNOW: Salamat ha.

LAYLA: Ok lang yun, ano kaba. Sige kukunin ko muna.

(Palabas na si Layla sa bahay)

SNOW: Teka lang, Facemask mo nakalimutan mong isuot.

LAYLA: Hala? Oo nga pala. Salamat sa pagpapaalala.

SNOW: Walang anuman, mag-iingat ka.

LAYLA: Sige balik ako agad!

SCENE 6: PANGHULING KWENTO: DEPRESYON

TAUHAN: SHAN
MGA BULONG

Habang abala si Shan sa kanyang activities, nakatanggap siya ng isang mensahe mula
sa email na kabilang siya sa naging postibo sa sakit na covid 19. Kasali si Shan sa tinest
ng taga DOH dahil nakasalamuha niya ang nagpostibo sa sakit na covid 19 sa isang Mall.

Mula sa mensahe na ipinadala ng DOH agad niya itong binasa at sa kanyang pag-babasa
nakarinig siya ng iba't ibang bulong sa apat na sulok ng kanyang silid.

MGA BULONG: Magpakamatay ka na.

MGA BULONG: Uminom ka ng lason dahil wala namang nagmamahal sayo at iniwan ka na
naman ng iyong mga magulang.

MGA BULONG: Kumuha ka na ng lubid at magpatiwakal ka na dahil marami ka pang dapat


sagutan at ipasa.

SHAN: (Sumigaw ng malakas at balisa) Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa araw
na ito. Anong gagawin ko ngayon wala akong karamay, wala na si Nanay at Tatay dahil
namatay sila sa aksidente kahapon sa Cavite at binubuhay ko nalang ang aking sarili. Susunod
nalang ba ako sa kanila? (tanong niya sa sarili).

MGA BULONG: Magpakamatay ka na walang nagmamahal sayo.

MGA BULONG: Sumunod kana sa iyong mga magulang upang mawala na ang iyong mga
problema.

Mula sa mensaheng natanggap, mga problema lalong lalo na sa pagkamatay ng kanyang


mga magulang at maraming gawain sa online class, naging balisa si shan at nagpatanto
niya na kumuha ng nakakalasong gamot.

SHAN : (Sumigaw si Shan habang hawak ang nakalalasong gamot at biglang ininom ni
Shan ang nakalalasong gamot at namatay)

Nakahandusay na lamang ito sa sahig at binawian na ng buhay.

SCENE 7: WAKAS: PAGHINGI NG TAWAD

TAGPUAN: SA ISANG SILID


TAUHAN: Mrs. Aragon

Hahagulgol ng iyak sa kaniyang mga nabasa.

MRS. ARAGON: Ako'y patawarin nawa ng Maykapal sa aking mga paghihigpit! Patawarin ako
ng aking mga estudyante. Hindi ko alam... masyado akong nabulag sa pagod at pangamba.
Hindi ko nakita ang mga paghihirap ng aking mga mag-aaral. Ang hirap na sila lamang ang
nakaaalam. WALA AKONG ALAM! Hindi ko sila nakita. Nakalimutan ko ang pagmamahal sa
aking propesyon at sa aking mga mga estudyante.

Patawarin nawa ako!

Patawarin niyo ako!

Hindi ko alam ang inyong mga pinagdadaanan! Patawad! (hagulgol na iyak habang
pinupukpok ang dibdib)

----------WAKAS----------

You might also like