You are on page 1of 8

PAGKALAYA NI THALIA SA MGA KAMAY NG

SARILI NIYANG AMA

Sa bawat sulok ng ating bansa, marami sa ating mga kabataan ang


naghihirap dahil sa pang-aabuso. Ito ay isang malubhang problema na
hindi dapat balewalain. Narito ang kwento ni Thalia Deguzman, isang
studyanteng nakaranas ng pang aabuso sa kamay ng kaniyang sariling
ama.

Sa isang madilim at simpleng tahanan, doon nakatira si Thalia at ang


kaniyang ama na nagngangalang Jose Deguzman. Si Thalia ay nasa ika-
walong baitang pa lamang at hangarin na niyang makatapos ng pag-
aaral. Hinahangaan naman siya ng mga guro sa kaniyang paaralan
sapagkat napakahusay at napakabibo nito pagdating sa edukasyon,
ngunit hadlang naman ang ama niya rito. Bata pa lamang siya ay iniwan
na sila ng kaniyang ina sa kadahilanang nakahanap ito ng bagong
asawa. Si Thalia ay lumaking may takot sa kaniyang ama sapagkat sa
araw-araw na pag-iinom at pagsusugal nito ay palagi na siya ang
pinagbubuntungan ng galit nito. Suntok, sampal at tadyak na mula sa
mga kamay ng kaniyang ama ang palagi niyang nararanasan.

Jose (Ama): Malas! naubos na naman ang pera ko.


Iyan ang katagang laging sambit ng ama ni Thalia, kaya sa murang edad
pa lamang niya ay nagtatrabaho na siya dahil alam niyang wala siyang
maaasahang pera sa kaniyang ama. Sa ikinakabahala ni Thalia,
dumating na naman ang gabing kinakatakutan niya sapagkat alam
niyang uuwi na namang lasing ang ama niya kaya ito ay nanahimik at
nagkulong sa kwarto niya.

Jose (Ama): Thalia, nasaan ka na namang bata ka?

Ngunit hindi na sumagot si Thalia dahil alam niyang uutusan lamang


siya nito.

Jose (Ama): Hoy bata ka! lumabas ka riyan!

Sa sobrang galit ng ama ay sinugod niya ito sa kwarto niya at agad na


hinawakan nang mahigpit sa braso at kinaladkad palabas.
Pinagsasampal at suntok na naman siya ng kaniyang ama at hindi na
siya nanlaban pa sapagkat napangunahan siya ng takot. Bigla namang
natigilan ang ama sa pananakit niya nang biglang tumakbo si Thalia
patungo sa kwarto niya.

Jose (Ama): Bumalik ka rito!

Thalia: Itay, tama na ho, sawang sawa na ako sa pananakit ninyo.


(nagmamakaawa)
Hindi na lumabas pa ng kwarto si Thalia matapos ang pangyayaring iyon
sapagkat siya'y lubos na natatakot.

Kinabukasan ay kailangan na niyang pumasok sa paaralan dahil may


pagsusulit sila sa araw na iyon kaya naglakas loob lumabas si Thalia.
Paglabas niya naabutan niyang tulog pa ang ama kaya dahan dahan
siyang gumayak papuntang paaralan. Sa pagpasok ni Thalia sa kaniyang
paaralan, kapansin pansin na sa kaniya ang problemado niyang muka at
ang guro niyang si Ms. Hernandez ay nagtataka sa mga ikinikilos nito.

Ms. Hernandez (Guro): Thalia, maaari ba kitang makausap pagkatapos


ng klase?

Thalia: Sige po ma'am.

Nag-umpisa na nga ang klase nila Thalia at sa kabutihang palad,


nakakuha siya ng matataas na marka at sabik na sabik siyang umuwi
para hindi siya maabutan ng ama niya ngunit naalala niyang kailangan
pa pala siyang kapulungin ng guro niya.

Ms. Hernandez (Guro): Thalia, halika rito.

Thalia: Ma'am, maaari po bang sa susunod na araw na lamang tayo mag


usap?
Ms. Hernandez (Guro): Madali lamang ito Thalia, kahit maglaan ka lang
ng kaunting oras. Hindi kasi kaaya-aya ang kinikilos mo, may problema
ba sa bahay niyo? Maaari kang magsabi sa akin.

Thalia: Nako ma'am, wala po. (nag-aalinlangan)

Ms. Hernandez (Guro): Siya sige, basta kapag may problema ka, huwag
kang matatakot magsabi.

Thalia: Maraming salamat po, mauuna na po ako. (natataranta)

Agad na nagpasalamat si Thalia at nagmadaling umalis, pero hindi pa rin


nakakampante ang guro dahil alam niyang may mali kaya naisipan niya
puntahan ang Bahay ni Thalia kaya naglakad lakad siya sa lugar kung
saan naroroon ang bahay ni Thalia upang magtanong.

Ms. Hernandez (Guro): Manong, alam niyo po ba ang bahay ni Thalia


Deguzman?

Matanda: Malayo pa po, siguro bago pa po makasapit ng gabi bago pa


kayo makaparoon. Basta mag-iingat po kayo ma'am, mahirap po kasi
ang ugali ng ama niyang si Jose.

Lubos na nagtaka ang guro ni Thalia sapagkat ang pagkakaalam niya ay


wala na itong mga magulang, kundi sa tiyahin ito nakikitira kaya kahit
na may pag-aalinlangan siya sa sinasabi ng matanda, nagpatuloy pa rin
siya para lang makapunta sa bahay ni Thalia.
Nakarating na si Thalia sa kanila bago pa makarating ang gyro niya
sapagkat ito'y nagmadali para makauwi na agad. Si Thalia ay agad
tumakbo papasok sa kwarto niya ngunit napigilan agad siya ng kaniyang
ama.

Jose (Ama): Ano ka ba namang bata ka! Diba ayaw kong nag-aaral ka?
(pasigaw)

Thalia: Pero tay, gusto ko pong makatapos at kaya ko naman pong


isabay ang trabaho ko.

Jose (Ama): Tumuon ka na lang sa trabaho mo, baka yumaman ka pa!

Matapos ang sagutan ng mag ama ay inihagis ng ama na si Jose ang


dala dala ni Thalia na mga gamit at umalis na ito. Umiyak lamang nang
umiyak si Thalia pagkaalis ng ama niya.

Sa papalapit na pagsapit ng gabi, may inuwing babae ang ama niya at sa


gabing iyon din siya napagsamantalahan ng kaniyang ama.

Thalia: Tay, ano bang ginagawa niyo? napakahayop niyong dalawa!

At lakas loob na sambit ni Thalia sa dalawang nag lalampungan sa loob


ng bahay nila.
Jose (Ama): Tumahimik ka, huwag kang makialam dito!

Sa pagpipilit ni Thalia na umalis ang babae, napaalis ito nang tuluyan at


si Thalia ang napagsamantalahan ng kaniyang ama.

Thalia: Tulong! (nagmamakaawa)

Thalia: Tay ano bang ginagawa mo?!

Walang awa ang ginawa ng ama ni Thalia sa kaniya at hindi pa


nakakatagal, may biglang dumating sa bahay nila sabay katok.

Ms. Hernandez (Guro): Tao po, guro po ito ni Thalia.

Thalia: Tulong po, may tao po rito!

Agad naman itong narinig ng guro kaya kahit wala siyang permiso,
pinasok niya ang kuwarto kung saan nakarinig siya ng tinig na humihingi
ng tulong. Bumungad sa kaniya ang studyante niyang
pinagsasamantalahan at sinasaktan ng ama niya. Agad namang kumilos
ang guro at pinagtanggol si Thalia. Itinakas niya ito sa kay Jose at inuwi
si Thalia sa kanila.
Ms. Hernandez: Thalia, bakit hindi ka nagsasabi sa akin? Matagal ka na
bang inaabuso ng iyong ama?

Thalia: Sa totoo lang po, matagal na po akong nagtitiis sa pananakit


niya pero natatakot lang po ako magsumbong.

Ms. Hernandez: Gusto mo bang dito ka na lang tumira? Tutal kami lang
namang mag lola ang tao rito.

Agad namang tumango si Thalia upang sagutin ang tanong ng guro.


Maya maya, may sigaw silang naririnig sa labas ng bahay ng guro at
alam nilang pareho na ama iyon ni Thalia.

Ms. Hernandez (Guro): Thalia, huwag mong pansinin iyon. Ang


mahalaga nasa mabuting kalagayan ka na.

Magmula noon, si Thalia ay nanirahan na sa bahay ng kaniyang guro at


dahil sa tulong ng guro niya, nagbago ang daloy ng buhay niya.

Thalia: Ma'am, sobrang laki po ng aking pasasalamat sa iyo. Balang


araw po ay ipinapangako ko na makakabawi ako dahil kayo ang
nagsilbing magulang ko.

Ms. Hernandez (Guro): Maliit na bagay lamang iyon Thalia, huwag mo


na pakaisipin pa.
Nabalitaan din ni Thalia na ang ama niya ay nakulong dahil nahuli
umano ang lugar ng kanilang pinagsusugalan. Napagtanto rin na ang
ama niya ay matagal nang gumagamit ng mga illegal na gamot kaya
hindi na siya nagtaka pa kung bakit ganoon ang pag-uugali ng ama niya.
Pero hinihiling pa rin niya na magkaroon ng pagbabago ang buhay ng
kaniyang ama at handa pa rin niyang patawarin ito.

Thalia:Hindi ko malalampasan lahat ng ito kung walang gabay ng


Panginoon kaya akoy lubos ding nagpapasalamat sa kaniya at tinuruan
niya akong maging matatag.

Iyan ang palaging sinasambit ni Thalia sa tuwing maalala niya ang mga
dinanas niya sa buhay at sa tuwing may magtatanong kung paano niya
nakaya lahat ng pagsubok sa buhay niya.

You might also like