You are on page 1of 8

“Gender Roles in Philippine History.

Cast

Pangunahing tauhan- Krizylle as Charlie Anice Santos(aka Sha)- (bidang babae, mapupunta sa
ibat ibang panahon, a bit rude, ayaw sa family nya, she hates other kind of gender, walang pake
sa mundo at mentally abuse)

Father-Carl John Corpuz as Amil (aka Amilia) Santos (father ni Cha but bading)

Mother- Dexie T. Regalado as Antonette (aka ton ton) santos- (mother ni Charlie pero tomboy)

Teacher- Jose Elson Gabriel C. Sara as teacher Rowelsyo Cabasal (AP teacher na mag tuturo
kay charlie kung nasaan ung magical book, sya din maga keep kay charlie while she were
sleeping)

Bully/mean girls- James Andy Padonia, Ma. Sophia Visabella, Shyniah Venecie C. Oab
(Ledesma siblings, nambubully kay charlie dahil sa status ng parents nya)

Best friend- Lucky Latube as Liam Alcantara (best friend ni Charlie, may kaya but kinda nerd,
may gusto kay charlie pero lowkey lang, anak ni mayor ramon alcantara)

Gabriela Silang- Julie M. Maquiling

Inaabusong babae sa panahon ng pananakop ng mga hapon sa pilipinas. ( Elyza Lomuntad and
Glea Mae B. Burado)
Unang kabanata (present life)

Natutulog si cha nang biglang kumatok ng malakas ang kanyang ama (carl).

Carl: “cha, gumising kana, ready na ung breakfast, malalate kana sa iskol” sinasabi niya ito
habang patuloy na kumakatok

Biglang malimpungatan si cha (ung higa nya ay padapa) “argh” reklamo niya, tatayo sya ng naka
simangot, kukunin niya ang tuwalya sa likod ng pinto at bababa, makikita nya sa baba ang
harutan ng nanay at tatay nyang nagka palitan ng kasarian, padabog nyang hihilain ang upuan at
saka uupo, doon maatitigil ang harutan ng mag asawa,

Dexie:“oh, naka baba kana pala” (manly, deep voice)

Carl: “ano ba naman yan my ton ton, ang aga- aga, you ugly the mood of my dawter.

*mapapatingin nang masama si cha sa kanyang nanay, at lalapit sa kanya ang nanay niya at
hahawakan ang kanyang balikat*.

Carl: kumain ka na, hayaan mo na yang papa mo. *binigyan ng pagkain si cha*

Dexie: ano bayan Amellia, masyado mong binebeybi yang anak mong sutil. *padabog na tumayo
si Cha at nang akmang makakalayo na ay biglang nag salita ang nanay niya (carl) dahilan para
mapatigil si cha sa pag lalakad

Carl: Cha, kumain ka na muna (biglang mag sasalita ang ama ni cha na nakapg padagdag ng inis
niya)

Dexie: hayaan mo na kung ayaw niyang kumain, siya din naman ang magugutom.

Cha: sino namang gaganahan kumain kung pag gising mo palang kayo agad ung makikita
(pabulong na sabi ni cha ngunit nadinig ng kanyang ama)

Dexie: aba’t sumasagot ka pa talaga ha(dinuro niya si cha at lumapit sa kanya upang) ano bang
ginawa namin sayo ng nanay mo para kamuhian mo kami ng ganito (aawat si carl) lahat! lahat ng
hingin mo binibigay namin, sa lahat ng gusto mo sinusuportahan ka namin, hindi na namin
hinihiling na naipagmalaki mo kami. Sana man lang, matutunan mo ang totoo, Tanggapin mo
kami! (hahawakan nya si dexie, papakalmahin at saka papaalisin si cha cha)

Carl: Sige na anak, mag asikaso ka na.

*lalakad papunta sa kanilang banyo si cha nang hindi lumilingon sa kanyang mga magulang.
Siya ay may kabigatang nararamdaman at pagkarating doon, siya ay humagulgol sa pagluluha.
Pumasok na siya sa kanyang kuwarto at nag-ayos ng kanyang kasuotan, paglabas niya, wala na
roon ang kanyang tatay, nanay niya nalang ang natira sa bahay*.

*napalingon sa kanya ang nanay niya, at malungkot na ngumiti sa kanya, nakaramdam ng


konsensya si cha.*

Cha: papasok na po ako. *nakayuko niyang sinabi, akmang aalis na siya nang biglang nagsalita
ang nanay niya*

Amellia (carl): mag-ingat ka, *sabay matamis na ngumiti at umakyat pataas*

*naiwang nakatulala si cha, at sinundan niya ng tingin ang kanyang nanay. At saka lumabas.*
Ikalawang Kabanata: Sa Eskwelahan

*Papasok na si cha sa loob ng paaralan, habang naglalakad siya sa pasilyo ay may biglang may
umakbay sa kanya. Nagulat sya (cha: ay kalabaw ni rizal) kaya nilingon niya ito at napagtantong
si liam ang taong umakbay sa kanya. Agad niya itong binatukan*

Cha: sira ulo ka, papatayin mo ba ako ha?! *Sigaw nya kay liam pero tinawanan lang siya nito*

Liam:“ang O.A. mo naman, pano kasi ang aga aga tapos yang nuo mo nakakunot (sabay pitik sa
nuo ni cha, hahawakan ni cha ung nuo nya saka gaganti kay liam pero agad na tatakbo si liam,
pag pasok nya sa room nandon ang ledesma siblings)

James: ah, ang sweet nyo namang tignan (sarcastic na pa-cute)

Sofie : paanong di magiging bagay yan eh parehong salot sa lipunan ung mga magulang? “Kill
two birds with one stone” –*tatawa silag tatlo*

*biglang susulpot si liam sa gitna nila at sila’y iaawat*

Lucky: ano nanaman bang kaylangan niyo sa kanya? *nag tawanan ang tatlo saka tumayo si shy
at hinila ang neck tie sa leeg ni liam

Shy: so, ikaw na ang bayani ng niya? Acting strong, to think that is masculinity *tumawa*
(mapapakunok si liam at saka tataas ang kilay ni shy sa kanya)

Shy: Move ( may-awtoridad na sinabi ni Shy saka walang sabi sabing tinulak si liam sa gilid)
opss, sorry (maarteng sabi nya saka lapit kay shy)

Cha: At nagawa niyo nan ga, na siraan ang araw ko.

Shy: kayo ang naunang nanira, the moment you came in this very location, kayo ang nagpakita.
Kayo ang naninira ng araw namin.

Cha: ah, buti na lang wala akong pake (lalapit sya kay Liam thaka hahawakan sa pulsuhan)
halika na Liam, wala naman patutunguhan to lalo na’t hangin ang laman ng mga utak at puso ng
mga to (manlilisik ang mata si shy)

Shy: What did you just say, you moron! (lalapitan siya ni Sopiah at papakalmahin)

Sofia: Hayaan mo muna sila, mainit ka pa kay dean.

(ngingiti si cha sa kanila, ung sarcastic)

Cha: One wrong move, bye bye Sta. Monica

*Biglang dadating ang teacher nila at agad na matataranta ang mga bata, mag sisiblik sila sa
upuan aayusin ang sarili*

Teacher: Magandang Hapon sa inyo

Class: Magandang Hapon din po sir Cabasal, *walang ganang sabi ng mga bata, ang iba ay naka
upo, ang iba ay nag uusap, ang iba ay naka upo sa arm chair habang nag babatuhan ng mga
crambled paper.*

Mapapa-iling ang teacher saka papaupuin ang mga bata


Teacher; okay, ngayong hapon ay dadako tayo sa isang panibagong aralin na laganap sa
kasalukuyan, lalong lalo na sa henerasyong ito *mag lalakad sya sa gitna ng klase*

May ideya na ba kayo sa kung anong aralin ang tatalakayin natin ngayon? [walang sasagot]

*Magtetext ang si Amelia sa kanyang anak na si Cha habang nagtuturo ang kanyang Guro
patungkol sa Gender Role*

Jose: Ang gampanin ng kasarian o gender roles sa Pilipinas. *Nagtuturo ang guro habang si
Charlie ay nakatutok sa kanyang cellphone*Una sa lahat, nahahati ito sa apat na 4 na panahon.
Una ay ang Pre-colonial Period, sa ika-15 na siglo bago pa masakop ng espanya ang Pilipinas,
nasasabing ang Boxer code ay isa sa mga patakaran noon, kasama din dito ang tradisyon ng
Binakot. Ang binakot.....At panghuli ay sa kasalukuyan.....

Jose: at sa huli ay ang panahon ng kasalukuyan. Ang iba man ay maaaring nakatali parin sa
tradisyonal na Gender Role sa ating bansa, ngunit ganap na itong nagbabago. Ang mga hadlang
ng nakaraan ay unti-unting nawawasak.

-Sabi sa text [anak, umuwi ka ng maaga ha, mag luluto ako ng hapunan, mag ingat ka sa pag
uwi] titigan muna ito ni cha, mag iisip ng kung ano ano at biglang may mararamdaman syang
tatapon ng crambled paper sa kanya, bago pa lang sya mababalik sa katinuan, mapapaayo sya ng
upo at haharap sa klase

Jose: at sa huli ay ang panahon ng kasalukuyan. Ang iba man ay maaaring nakatali parin sa
tradisyonal na Gender Role sa ating bansa, ngunit ganap na itong nagbabago. Ang mga hadlang
ng nakaraan ay unti-unting nawawasak.

Teacher; mukhang may magandang kwento kang nais ibahagi dyan sa cellphone mo, miss
Santos. *Lalapit kay Cha at hahablutin ang cellphone nito*

Teacher: Alam mong nasa patakaran ng aking klase ang pagbabawal ng cellphone habang may
klase, Ano pang mas mahalaga sa ating aralin?

Cha: Pasensya na ho sir. *Nag-aalala niyang sinabi*

Teacher: Sumama ka sa akin sa guidance office, ikaw ay malalagay sa detensyon. Mayroon din
akong kailang sabihin. *mahinahon niyang sinabi kay Cha*

Teacher: Alright Class, dito nagtatapos ang ating klase. Nawa’y may natutunan kayong
makabuluhan.

Class: Paalam Ginoong Cabasal.

-Pagkarating sa Guidance Office-

Teacher: Miss Santos, pumunta ka sa librarya at linisin mo iyon. Iyan ang iyong parusa.

Cha: Pero sir…!*nag-aalinlangan niyang sinabi*

Teacher: Wala nang pero pero, maliwanag ba Miss Santos?

Cha:…….

*Dali-dali siyang pumunnta sa librarya. Sa unang pagpasok niya palang ay nasilayan niya ang
mga aklat na nakakalat sa lamesa ng librarya, tila pinabayaan lamang ng mga bumasa nito.
Pagkatapos ay sinubukan niyang ligpitin ang bawat aklat na nakakalat at ibinalik ito sa
pinagmulan*

Charlie: Napaka-kalat naman ng libraryang ito. Patext-text pa kasi ang nanay.

*Maya-maya, nakarinig siya ng tunog ng nahulog na libro. Naagaw nito ang atensyon niya at
mabilis na kumilos para makuha iyon. Kapag ginawa niya, isang dramatikong paghinto ang
naganap. Tinitigan muna niya ang libro ng ilang saglit bago ito binuksan. Nakita niyang pilay ito
noong una, gayunpaman, nang makarating siya sa unang pahina, nakita niya ang isang hindi
pangkaraniwang wika na nakasulat sa aklat.*

Charlie: Hindi ba baybayin ito? Subukan ko ngang basahin.

Charlie: Filioli mei aperi librum et cognosces Saglit, nagpapractice ba yung sumulat nito? Di
bale. Filioli mei, aperi librum et cognosces veritatem. Non cures, quia sic duceris.

* Ang libro ay nagpalipat-lipat ng pahina, ang mga mahiwagang salita ay nagsimulang kumalat
sa paligid niya at sa libro. Nilamon ng liwanag ang buong library at nanlaki ang mga mata niya
dahil sa gulat sa huling sandali.*

Ikatlong Kabanta: Pre-colonial period

*Sa isang idlap, bumuklat ang mat ani Charlie. Tanging kalikasan ang nasa paligid, mga puno ng
Balete at Akasya na matayog. Ang simoy ng hangin, tila tunog ng isang musika na mula sa himig
ng Suling. Naroon ang mga sinaunang tao na may bitbit na anino. Maaga ang mga oras na iyon.*

Charlie: *Humahalinghing*, nasaan na ako? *

*Doon, narinig niya ang magandang tunog ng plauta. Nakita niya ang isang misteryosong tao na
dinadala ng duyan, ang kanyang buong katawan kasama ang ulo ay natatakpan ng ilang etikal na
tela. Ang taong iyon ay tila dinadala ng ilang tribo, pauwi. Kahit nalilito siya, lihim niyang
sinundan ang mga taong iyon sa pamamagitan ng pagtatago sa mga puno.*

Charlie: nakakapagod, bakit ko kaya ito ginagawa?

*ngunit hindi niya alam, na nakita siya ng isa sa mga tribo. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya.
Halos himatayin siya dahil sa pagkalito. Natakot siya, ang tanging magagawa niya ngayon ay
lumipad o lumaban. Sa huli, nahimatay pa rin siya.*

-Sa oras ng tanghali-

*mula sa kaba na nanghihina, sa wakas ay iminulat niya ang kanyang mga mata. Nagtaka siya
kung nasaan siya. Charlie found herself somewhere inside a house, filled with ornaments and it
seems to be made with coconut leaves or abaka mula sa puno ng saging. Sa likod niya ay ang
taong nagtangkang lumapit sa kanya kanina. Sila’y nagkatitigian sa isa’t isa.*

Charlie:…… sino kayo? Anong ginawa niyo sakin?

Tribo:……

*kahit na natatakot siya, natuklasan niya na ang lumapit sa kanya ng mga oras na iyon ay isang
babae. Tunay nga, isang kahanga-hangang babae, nakasuot ng mga palamuti, may dalang
tungkod, at pamilyar ang kanyang pananamit. Mukhang makapangyarihan sa lahat ang babaeng
iyon. Babaylan siya*
*hinawakan siya ng babaylan at ito’y nagsimulang bumukambibig, tila umaaawit*

Babaylan: ……. *isinulat sa baybayin ang tanong na ‘sino ka’?

*Napagtanto ni Charlie na siya ay napunta sa sinaunang panahon sa pagkakita niya sa sulat ng


baybayin*

Charlie: *sinasabi niya sa kanyang isipan* ah, kung napunta nga ako sa sinaunang panahon, baka
ang babaeng ito ay isang babaylan. Base pa nga sa kanyang ganda at ginagawa. Pero
nakakakaba, paano ko kaya siya sasagutin? Alam ko na.

Charlie: *isinulat niya sa baybayin* Ako ay Charlie, nagmula ako sa ibang lugar upang
mangalakal, namangka ako at nasilayan ko ang lugar na ito kaya dito ako pumunta*

Babaylan *isinulat sa baybayin* nakikita ko, baka ikaw na ang ipinadala na kalikasan,
napakaganda mo ngunit kakaiba*

Charlie: …… *tumahimik*

Babaylan: *sumigaw at tinawag ang ibang ka tribo*

*agada gad na lumapit ang mga ka-tribo, Itinuro ang kanilang sibat patungo sa kabilang gilid ng
kubo at binihisan si Charlie na katulad ng pananamit nila*

Charlie: *sinabi sa isip* bakit parang alam nila ang kanilang gagawin? Buti nalang at marunong
ako magsulat ng baybayin.

*umalis ang mga sinaunang tao sa kanyang paligid at siya’y iniwan na mag-isa sa kubo upang.
Paglingon niya ay may nakita siyang isang tao na nakahiga sa isang duyan at may takip. Biglang
gumalaw ang tao at itinanggal ang takip at laking gulat ni Charlie nang Makita niya ang itsura
nito. Ang tao pala ay isang babaeng nakakabibighani, hindi siya bilanggo kundi isang princesa,
ang ganda niya ay natatangi sa ibang tribo. Siya pala ay isang binukot.*

Charlie: ha…. Napakaganda ng babae.

*lumapit sa babae ang tribo, kinuhanan at sinubuan siya ng pagkain. Tila prinsesa ang turi sa
kanya ng ibang ka-tribo. Hindi na siya nagulat sapagkat namangha na siya sa babae. Pagkatapos
nilang pakainin ang babae ay agad silang umalis upang magbantay sa labas.*

Charlie: *sinabi sa isip na ‘hindi ba siya nakakapaglakad?*

*Pagkatapos ay pumasok na ang Babaylan at may dala-dala itong manuscripto na ibinigay sa


binukot. Ito ay suguidon na aaralin at aawitin ng babae sa mga susunod na panahon. Bagkus
nakatulala pa rin si Charlie sa babae,*

*Lumabas si Charlie sa labas ng kubo at nagmuni-muni, pumasok sa kanyang isip ang sinabi sa
kanya ng guro.*

Sa Orihinal na mundo….

*Pumasok si Sir Cabasal sa librarya at binantayan ang natutulog na estudyante. Sa lamesa ay


inilapag niya ang isang orasang buhangin. Ito kaya ang magsasabi kung kalian magpapalit ng
panahon ang estudyanteng si Charlie*

Teacher: Charlie, nawa’y magkaroon ka ng kaalaman tungkol sa katotohanan nang maisip at


magawa mo ang tama. Ito ang espesyal na aralin ko para sayo.
Pagbalik sa Sinaunang panahon…

*Oras na nang gabi, bumalik na si Charlie sa kubo, naroon ay may Apoy, ang mga tribo ay
parang naghahanda ng pagkain, at ang binukot ay nakatayo na at umaaawit ng suguidon. Sabay
na binihisan ng Datu at Babaylan ang binukot ng isang masing na suotin, parang may papak. Ang
awit ng binukot ay tumagos sa puso’t isipan ng tribo, tila isang agila na nagkukuwento nang
kanyang nakita sa katas-taasan ng langit*.

*Ibinuhat ng datu ang babae papunta sa labas ng kubo kasama ang babaylan*

Binukot: Ye tunding…..

*Pagkatapos kumanta ng binukot ay sinamahan ni Charlie ang babaylan sa labas ng kubo,


kinausap niya ito sa wikang tagalog*

Charlie: Ha… nakakaiyak naman ang mga pangyayari ngayon. Ganito ba sa sinaunang panahon?
Sir cabasal, eto na ba ang sinasabi mong gender role ng mga Sinaunang Pilipino? Ang mga
magaganda’y minamaltratong princesa, pinapakain at inaalagaaan ngunit hindi hinahayaang
magpakita sa labas? Ito na ba ang gampanin ng mga babae? Nakakabighani ang babaylan sa
kanyang galing, halos alam niya ang lahat at mayroon siyang pagmamay-ari. Nang Makita ko na
magkasama sila ng Datu, napagtanto ko na halos magkasingtaas lang ang kanilang posisyon.
Masaya makakita ng ekwalidad sa sinaunang panahon.

*Tinitigan ng babaylan si Charlie, Iniapak niya ang kanyang tungkod sa buhangin. Sa pagtunog
ng tungkod, gumuho ang bundo na parang mahina na alon tubig, Halos katulad sa nangyari bago
mapunta si Charlie sa dimensyong ito.*

Ikaapat na Kabanata: Pananakop ng Espanya

*Sa panibagong paligid. Bagong tunog ang naririnig, takbo ng kabayo, pagisisgawan ng mga tao
sa paligid, martsa ng mga gwardiya sibil at pag-aalitan ng isang Pari at dalagang babae sa
Simbahan.

Pari; anong ginagawamo? Susmaryosep. Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na bawal kang lumabas
ng tahanap? Bakit antigas ng ulo mo? Kung ako sayo, manatili ka sa iyong tahanan, maglaba,
maghanda ng pagkain at higit sa lahat magdasal , ipagdasal mo ang iyong kaluluwa santisimo.

Babae: Opo padre, nais ko lamang pumunta sa isang eskwelahan.

Padre: …..

* lumabas ng simbahan ang babae patungo sa kanyang tahanan. Si Charlie ay nasa likod ng
kumbento ng simbahan, nagpasakit sa kanyang tainga ang alitan ng dalawang tao. Naisipan
niyang sumunod sa babae upang malaman ang mga nangyayari.

Charlie: *tinapik ni niya ang kaniyang ulo* ansakit ng ulo ko, nasaan nanaman ako? Ito na ba
ang aking parusa?

Charlie: di bale, baka kailangan kong sundan ang babae.

*tumakbo si Charlie papunta sa daanang pinuntahan ng babae. Ngunit sa kanyang pagtakbo ay


nakabangga siya ng isang gwardiya sibil.*
Gwardiya sibil: iha* hinay-hinay sa iyong pagtatakbo, gusto mo bang ikulong kita? Lumuhod ka
at humingi ng pasenya*

Charlie: pasensya na po, hindi na mauulit ginoong gwardiya sibil.*

You might also like