You are on page 1of 379

Seventh Sense

by purpleyhan

Erityian Tribes Series #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals


and sacrifices (Tantei High prequel).

=================

Foreword

Seventh Sense

Tantei High prequel

The Tribes Series #2

***

Hi guys, so ito na ang prequel. Ang time frame nito ay from 15-20 years ago. And
yes, story 'to ng Great Seven before, during the war and the years after that. Dito
rin masasagot yung ibang tanong sa Tantei High.

Ipopost ko ang prologue sa October 25.

Please, wag po muna itong babasahin hangga't hindi nababasa yung Tantei High dahil
nandito yung lahat ng answers sa mga tanong doon. Masspoil kayo. Again, 'wag itong
babasahin unless tapos mo na ang Tantei High.

Pero ang focus story ko po ngayon ay yung Oh My Ice Goddess muna (The Tribes Series
#3) kaya mas madalas ang update ko doon kaysa dito.

Salamat :)

-Ann ᴥ

=================

Prologue

I want to live normally but I can’t. In this extraordinary world, living normally
is not possible. Death is inevitable and the only way to survive is to become
strong.

***

"Ate Rielle!"

"Oh. Sarah."

Napatigil siya sa pagtakbo at huminto sa harapan ko. Napangiti naman ako dahil
hindi pa siya makapagsalita sa sobrang pagod. Bakit ba kasi siya tumatakbo? This
eight-year old kid is really energetic.

"Pinapatawag ka ng parents mo." Nawala bigla yung ngiti ko nung narinig ko yun.
Tsk. Hindi talaga sila titigil.

"Sarah," tumayo agad ako at nginitian ko ulit siya. "After nito, pipili na tayo ng
weapon mo, okay?"

"Whoa! Talaga? Yehey!"

Naglakad ako sa hallway at lahat ng nakakasalubong ko ay nagbobow sa akin. Hinayaan


ko na lang sila at patuloy na naglakad. I really don’t like it when they do that.

Pabigat nang pabigat ang mga hakbang ko habang lumalapit ako sa room na yun. I
don’t want to see them right now, but I really have no choice.

Huminga muna ako nang malalim bago ako kumatok at pumasok.


“You’re late,” sabi agad ni Dad at nanigas ako sa intensity ng titig niya sa akin.
What a great pressure.

“Sit,” sabi naman ni Mom at saka niya hinagis sa direksyon ko ang apat na cards. I
caught them using the spaces between my fingers. Ouch. Kahit light lang yung
pagkakabato niya, ang sakit pa rin!

Napatingin naman agad ako kay Rin na nakaupo sa harapan nina Mom and Dad. Umupo na
lang rin ako sa tabi niya, and as usual, hindi na naman niya ako kinakausap.

“Alam kong alam mo na kung bakit ka namin pinatawag dito.” Napayuko ako nung sinabi
yun ni Dad. Bakit kasi kailangan ko pang gawin yun? Bakit ako pa?

Nakaramdam agad ako ng kirot sa kaliwang pisngi ko at pinigilan ko ang pagreact.


She’s really fast when it comes to attacking. Nasugatan agad ako sa pisngi dahil sa
card na pinalipad niya papunta sa akin.

“I can still read your mind. Fix that. You must close it well.”

“Y-yes, Mom.”

Kahit nakasarado na ang isip ko, mas lalo ko pang pinigilan yung pagflow ng
thoughts papunta sa kanila.

“Here are the requirements,” sabay lapag ni Dad ng mga papeles sa table. “You’ll go
to that damn school to be a spy, and you have to find that book.”
Pagkasabi nun ni Dad, nakita ko kaagad na natense si Rin. Tsk. Bakit pati siya
pinatawag dito kung ito lang ang sasabihin nila? They are really heartless.

“Rin wants to do it but she’s still too young...” Napatingin ulit ako kay Rin at
mas lalo pa siyang yumuko dahil sa sinabi ni Mom. She’s clenching her hands tightly
to control her emotions. Ni hindi man lang nila naisip yung mararamdaman niya.
“...and she doesn’t have the skills—”

“ENOUGH! I’LL DO IT SO SHUT YOUR MOUTH.” Tinignan ko siya nang masama pati na rin
si Dad. Padabog kong kinuha yung papeles sa harapan ko at hinawakan ko ang braso ni
Rin.

“Let’s go,” saka ko siya hinatak palabas sa kwartong yun.

Pagkalabas na pagkalabas namin, kumalas agad siya and this time, tumingin siya nang
masama sa akin...pero umiiyak siya.

“R-rin...”

“Lagi na lang ikaw. I...I...hate you...” saka siya tumakbo palayo sa akin.

Dahil may mga Shinigami sa paligid, tinatagan ko muna ang loob ko at naglakad
pabalik sa kwarto ko. Pero pagdating ko doon, nandun pa si Sarah.

“Ah, ate Rielle—”

“Sarah, bukas na lang tayo ulit mag-usap. Please, iwan mo muna akong mag-isa.”
Nakita ko yung gulat na expression niya dahil sa sinabi ko.
“O-okay po.”

Pagkalabas na pagkalabas niya, dun na rin nagsimulang tumulo yung luha ko. Hinagis
ko yung mga papeles na hawak ko at dumapa na lang ako sa kama ko.

I am a Shinigami and I am the daughter of the current leader. Sabi nila, siguradong
ako na raw ang susunod na leader kapag ready na ako. Laging ako ang tinitignan nila
dahil ako ang panganay at dahil sa unique trait at sixth sense ko. Ni hindi man
lang nila naisip na may isa pa silang anak.

Rin is really trying her best to impress our parents pero konting attention lang
ang binibigay nila sa kanya. Alam ko rin na nagseselos na siya sa akin dahil sa
nangyayari kaya simula nung mag-six siya, hindi na niya ako masyadong kinakausap.
Ngayong twelve na siya, mas lalong lumala ang relasyon namin bilang magkapatid.

“I hate you.”

You hate me, huh.

I know. I hate myself, too. I can’t protect you as an older sister. Mas lalo lang
lumayo ang loob mo sa akin. I guess mas gusto mong mawala na lang ako sa paligid
mo.

Tumayo ako at pinulot ko yung mga papeles na binigay sa akin ni Dad.

Gusto talaga nilang mapabagsak ang Senshin tribe but we can’t. We generally have
stronger sixth senses and we can use the Black Dimension but that’s all. Mas marami
sila at mas advanced ang technology na gamit nila. At isa pa...kaya nilang gumamit
ng Seventh Sense.

Sa records ng ancestors namin, sinabi nila na nasa possession ng Senshins ang libro
na sinulat ng tatay nina Shou at Ryou, first ancestors ng Senshins at Shinigamis,
about sa kakaibang technique using the sixth senses. To defeat them, we also need
to learn that. Sigurado sina Mom and Dad na yung libro ay nasa school na yun
ngayon.

Tinignan ko ulit yung papeles na hawak ko.

Tantei High, huh.

***

=================

Chapter 1

“Ate Rielle, totoo ba yung sinabi ni Ate Rin? Aalis ka raw? Saan ka pupunta?”

Umagang-umaga pa lang, binulabog agad ako ni Sarah sa kwarto ko. Dapat talaga hindi
ko muna siya tinuruang magtravel gamit ang Black Dimension. Nakakapasok tuloy siya
sa kwarto ko kahit nakalock naman.

Bumangon agad ako at hinarap ko siya. Napangiti ako dahil sa itsura niya. Gulu-gulo
yung shoulder-length, light brown niyang buhok at mukhang di pa siya naghihilamos.
Paiyak na rin yung itsura niya habang nakaluhod sa may kama ko. Ang cute talaga ng
batang ‘to.

“Mmm. Pero di pa naman ngayon,” saka ko lalong ginulo yung buhok niya. Tumayo na
rin ako at nag-inat-inat muna. Sinarado ko na rin agad yung isip ko.

Hindi ko pa rin maisip na nagawa kong sabihin yun kahapon. Sinigawan ko sina Mom
and Dad. First time ko yung ginawa! Kasalanan rin naman nila. Ni hindi man lang
nila iniisip yung feelings ni Rin. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa kanila,
at alam kong mas lalong nainis si Rin sa akin. Ano pa nga bang magagawa ko? Mas
magandang umalis na lang ako rito para hindi na mahirapan si Rin.

“Kailan ka aalis?” sumunod naman sa akin si Sarah at kumapit pa siya sa laylayan ng


damit ko. Inalala ko naman yung nakasulat sa may papeles.

“August 31. One week pa,” then I smiled at her.

Pumasok ako sa banyo at sumunod rin siya. Hinilamusan ko na rin yung mukha niya at
inayos ko yung buhok niya. Sa totoo lang, mas ramdam ko pa yung pagiging ate ko kay
Sarah kaysa kay Rin. Nung bata pa kami ni Rin, close kami sa isa’t isa pero lumayo
yung loob niya sa akin simula nung lagi nang pinag-uusapan nina Mom and Dad kung
paano ko pamumunuan yung tribe sa future.

Naging close rin ako kay Sarah dahil gusto niya raw maging apprentice ko. Akala ko
nga dati, nagjojoke lang siya, pero seryoso pala. Paano kasi, six years old pa lang
siya nun. Pero dahil nga iniiwasan na ako ni Rin noon, si Sarah ang parang naging
second sister ko. Eight na siya ngayon, at sa loob ng two years ng pagtuturo ko sa
kanya, mas mataas na ang level niya kaysa sa mga ka-edad niyang Shinigamis.

“Saan ka pupunta, ate?” tanong agad ni Sarah nung bumalik na kami sa may kama.
Paano ko ba ieexplain sa kanya ‘to?
“I’m going to study. May kailangan kasi akong matutunan para mas lumakas yung sixth
sense ko,” sabi ko na lang. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na mag-aaral
ako sa school na yun para maging spy at para nakawin ang isang libro dahil kaming
pamilya lang ang dapat makaalam nun.

“Hindi ako pwedeng sumama?” sabay pout niya pa. Aba, nagpacute pa ang isang ‘to!

“No. You’re still weak.” Tinignan naman niya ako nang masama.

“Eh kasi hindi mo na ako tinuturuan! Tinatakasan mo ako lagi!”

This time, guilty ako. Minsan ko lang rin naman kasi siya turuan. Actually, sinadya
ko talaga na gawing once a month na lang yung lessons namin dahil masyadong mabilis
yung progress niya. Pag nalaman ng Elites na mas malakas pa siya kaysa sa regular
Shinigamis, paniguradong ipapadala siya sa mahihirap na missions kahit bata pa lang
siya, and I don’t want that to happen. Natatakot ako na baka may mangyaring masama
sa kanya kaya dapat bagalan ko lang ang pagtuturo sa kanya.

“Ah! Pipili pa tayo ng weapon ko! Sabi mo dati kapag nakapagtravel na ako sa Black
Dimension, pwede na akong magkaroon ng weapon.”

Napabuntung-hininga na lang ako. Wala talaga akong laban sa kakulitan ng batang


‘to. Lahat ng sinasabi ko sa kanya, tinatandaan niya at talagang gagamitin niya sa
akin.

“Okay, fine. Magbibihis lang ako and then pupunta na tayo sa weapon’s storage.”

“Yehey!”

Nagbihis naman agad ako at nag-ayos na rin ng itsura. Pagtingin ko sa orasan, 8:30
AM pa lang pala. Lumabas agad kami ni Sarah sa room ko at may mga mas bata sa aking
Shinigami ang nasa hallway para sa training nila. Nung nakita nila ako, agad silang
tumigil sa paglalakad at yumuko. Nagnod na lang ako para magpatuloy na sila sa
paglalakad.
Pagdating namin doon sa may storage, bumungad agad sa amin ang iba’t ibang uri ng
weapons. Napakapit sa akin nang mahigpit si Sarah. Natawa naman ako sa kanya.
Actually, ganyan rin yung reaction ko nung una akong pumasok dito nung six years
old ako. Nakakatakot kasi dito. Ang creepy sa pakiramdam at isa lang ang ilaw kaya
medyo madilim pa rin. Idagdag pa na sobrang tahimik dito na tipong may marinig ka
lang ay kakabahan ka na talaga.

Habang naglalakad kami, sobrang higpit ng kapit ni Sarah sa damit ko. Inassess ko
naman kung ano yung pwedeng weapon ni Sarah. Hindi pa siya masyadong magaling sa
hand-to-hand at close range combat. Mas maganda sigurong mid-range and long-range
weapon ang gamitin niya dahil doon siya mas magaling.

Bigla naman kaming may narinig na gumalaw sa right side kaya napatigil kami sa
paglalakad at napayakap na sa bewang ko si Sarah. Maski ako kinakabahan na rin.
Nakakatakot talagang pumasok dito sa storage room kaya dapat kung gusto mong
magkaroon ng weapon ay kaya mo ring pumasok dito.

Nakarinig ulit kami ng ingay at this time, pati footsteps. Humihikbi na si Sarah at
natatakot na rin ako. Kinikilabutan ako dahil pakiramdam ko ay papalapit sa amin
yung naririnig kong footsteps. Pero kaming dalawa lang naman ni Sarah ang nandito.
Sinarado ko yung pinto after naming pumasok at hindi ko naman narinig na bumukas
yun. Hindi rin pwedeng gamitin dito ang Black Dimension kaya tanging yung pinto
lang ang pwedeng entrance dito.

Binilisan na lang namin yung paglalakad hanggang sa makarating kami sa part ng


long-range weapons. Pabilis na nang pabilis yung paghinga ko dahil pakiramdam ko ay
may sumusunod sa amin.

“Sarah, pumili ka na ng gusto mong gamitin. Don’t worry, babantayan kita,” saka ako
tumalikod para tignan kung may sumusunod ba talaga sa amin habang pumipili na si
Sarah ng weapon niya.
Naririnig ko pa rin yung paglalakad at this time, parang mas bumilis. Dahil closed
room ‘to at sobrang tahimik, maririnig mo agad ang kahit anong klase ng ingay.
Kinuha ko kaagad sa bulsa ng jacket ko yung cards ko at niready ko ang sarili ko
kung sakali mang may bigla na lang sumugod.

“A-ate Rielle, m-meron na po,” narinig kong sabi ni Sarah.

Hahatakin ko na sana siya para makalabas na kami rito pero bigla akong may narinig
na mahinang pagtawa. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pakiramdam
ko talaga may nakatingin sa amin somewhere.

Hanggang sa may biglang lumitaw sa harapan ko. Natumba at napasigaw ako dahil sa
sobrang gulat pati na rin si Sarah.

“Hahaha! Your expression is priceless, Rielle!” Nung nakita ko ang pagmumukha ni


Kid ay nawala bigla yung takot ko at napalitan ng matinding pagkainis. Tumayo agad
ako at sinapak-sapak ko siya.

“Bwisit ka! Bwisit! Muntik na akong atakihin sa puso! Akala ko kung sino na! Bwisit
ka talaga!”

“Whoa! Whoa! Chill! Ouch! Teka!” sinapak-sapak ko pa rin siya dahil ang lakas ng
topak niya.

Pero nainis rin ako sa sarili ko dahil hindi ko naisip kaagad na si Kid lang pala
yun. Kababata ko siya, along with Dana and Keith. One level lower lang sila sa akin
dahil yung parents nila ang Elite guards nina Mom and Dad, at nakasama ko sila sa
basic training nung mga bata pa kami. Pero hindi ako masyadong close sa dalawang
lalaki at si Dana lang ang madalas kong kausap.

Si Kid ang madalas mangtrip sa amin at gustung-gusto niya ring mabigyan ng


mahihirap na missions. In short, papansin at pabida siya. Pero hindi ko na naisip
ang existence niya kanina dahil pagkapasok pa lang namin sa weapon’s storage ay
naunahan na ako ng takot kasi naalala ko yung unang beses akong pumunta rito. At
nung nakita ko ang pagmumukha ni Kid, ang pagsapak talaga sa kanya ang unang
nagregister sa utak ko.

“Hi Sarah!” sabi niya pero nagtago si Sarah sa likod ko. Natrauma siguro sa
pinaggagawa ng epal na ‘to.

“Wag mo ngang takutin! Epal ka talaga eh. Ano bang ginagawa mo dito?”

“Ganda ng hello mo ha,” sabay iling-iling pa siya. “Naghahanap lang ng panibagong


weapon. Tapos nakita ko kayo na pumasok kaya sinundan ko kayo. It turns out na
naghahanap pala ang alaga mo ng weapon.” Hinampas ko ulit siya nung sinabi niya
yun. “Aray ko! Nakakarami ka na ha!”

“May pasunod-sunod ka pang nalalaman! Alam mo namang nakakatakot dito tapos gagawin
mo yun?”

“Malay ko bang matatakutin ka pala? Di halata eh.”

Nakailang hampas pa ulit ako sa kanya bago kami nakalabas. After that, nagpaalam na
siya dahil may gagawin pa raw siya. Pinauna ko naman na muna si Sarah sa room niya
dahil alam kong shocked pa siya sa nangyari. Walanhiya kasing Kid yun, kung anu-
anong trip sa buhay!

Dahil wala na rin naman akong gagawin, dumiretso na rin ako sa kwarto ko. Kinuha ko
yung papers na gagamitin ko para makapasok sa school ng Senshins. Iniisip ko pa
lang na makikita at makakasama ko sila, kinikilabutan na ako. Pakiramdam ko hindi
ko kakayanin.

Pagtingin ko, may note na nakalagay doon sa isang papel na nakaaddress sa isang
nagngangalang Rielle Anna Natividad.

I see. Minabuti nina Mom and Dad na kapangalan ko ang Senshin na niligpit nila para
ako ang pumalit sa kanya. Profile nung Rielle Anna ang nakalagay doon pero picture
ko ang nakapost. Kinabisado ko na lang yung details para kung sakaling magtanong
man yung staffs sa school ay tama ang isasagot ko.

Naramdaman ko naman yung pagbukas ng Black Dimension kaya napatigil ako sa


pagbabasa. Nung bumukas yun ay nakita ko si Dana.

“Hey, Rielle. Totoo bang aalis ka?” Lahat na lang ba ng papasok sa kwarto ko ay yun
ang itatanong?

“Kanino mo nalaman?”

“Nabasa ko sa isip ni Sarah.” Tsk. Sabi na nga ba. Hindi pa masyadong marunong si
Sarah sa pagsasara ng flow ng isip niya. Oh well, sasabihin ko rin naman kay Dana
later dahil siya ang best friend ko. Hindi ko kayang maglihim sa kanya dahil
nasanay na akong sinasabi sa kanya lahat ng nangyayari o nararamdaman ko.

“Yeah. Wala naman akong choice. Mom and Dad’s order.” Umupo siya sa may kama ko at
humarap naman ako sa kanya.

“Oh. No choice nga. Pero di ba gumagamit rin sila ng second name, like us? Tsk.
Dahil lang parehong Japanese origin ang ancestors natin, ganun rin ang ginamit
nila.”

“Oo nga eh. I think kapag pumasok ang isang Senshin sa school na yun, kailangan na
nila agad ng codename? Sa atin naman, kapag na-attain na natin ang Green Stage,
tsaka lang tayo pwedeng magkaroon ng second name.”

“Malapit ka na rin naman sa stage na yun so siguradong may naisip ka nang second
name.”

“Sus, ikaw rin naman eh.”

Nagtitigan kami at sabay kaming tumawa. Okay, alam kong weird kami at tanggap na
namin yun. Nakibasa na rin siya sa mga papeles na hawak ko at tinulungan niya akong
intindihin yung mga nakasulat doon. May nakita rin kaming map at wala rin namang
kwenta yun dahil matagal na naming alam kung nasaan ang base ng Senshins.
Bigla naman akong napaisip sa sinabi ni Dana. Second name, huh. Alam kong meron na
rin siyang prepared second name dahil yellow green na ang kulay ng mga mata namin.
Isa lang naman ang pangalang nasa isip ko. Paano kung may gumagamit na nun sa
school na yun? Pwede kayang same kami? Hay. Bakit ba kasi kailangan ko pang gawin
‘to eh.

One week na lang, maiiba na ang takbo ng buhay ko.

***

=================

Chapter 2

Tinignan ko ang relo ko at 3:35 AM na. Siguro naman wala nang Shinigamis na
nagnanavigate ngayon sa Black Dimension. Kailangan ko kasing tahimik na umalis dito
dahil secret task ito. At isa pa, ayoko ring makita yung mga taong malalapit sa
akin dahil mahihirapan lang akong umalis.

Binuksan ko yung Black Dimension mula sa kwarto ko habang hatak-hatak ko yung


maleta ko. Nung nasa loob na ako, tuluy-tuloy lang akong naglakad.

“Hm? Where are you going?” Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako kung saan
nanggaling yung boses. Pagtingin ko, papalapit si Kid sa akin. Tsk. Bakit nandito
siya ng ganitong oras? Sinarado ko nang mabuti yung isip ko para makasigurado na
wala siyang mababasa.

“Mission. Sa ibang bansa.”

“Cool. Saang bansa?”


“Australia.” Yun ang una kong naisip. Bahala na kung anong magawa kong kwento!

“Oh. Pero bakit dito ka dumaan sa Black Dimension?” sabi niya sabay hikab. Mukhang
inaantok na ang isang ‘to. Bakit kasi gumagala pa siya dito? Hindi na lang siya
matulog.

“Ayokong dumaan sa hallway. Tsaka mas gusto ko dito. Ikaw? Bakit ka nandito?”

“Katatapos lang ng mission. Killed some Custos agents.” Naalala ko naman bigla yung
mission about doon. Nalaman kasi namin na may mga Custos na hinahanap yung base
namin at yung temporary headquarters nila ay malapit dito.

“How was it? Nalaman nila?”

“No. They were just Class D agents. Madali lang iligpit.”

Bigla naman siyang lumapit sa akin at tinitigan niya yung mukha ko. Then, sinuotan
niya ako ng sunglasses.

“You can’t revert it back to black or brown, right? Use this to cover your eyes,”
sabay ngiti pa niya. “Sige, magpapahinga na ako. Morning, Rielle,” saka siya
tumalikod at lumabas na siya sa Black Dimension.

Napahawak naman ako sa sunglasses na sinuot niya sa akin. Oo nga pala, hindi ko na
mababalik sa dating kulay yung mata ko since malapit na ako sa Green Stage. Bakit
kasi wala kaming magawang paraan para mabalik or icover man lang yung mata namin
nang hindi na gumagamit ng ganito. Tsk.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Alam ko naman kung saan ako pupunta dahil
ilang beses na rin kaming nagspy sa Tantei High, pero sa labas lang. Ito ang first
time na makakapasok ako sa loob nun. Sana nga lang, walang makadiskubre sa akin.
Kailangan kong maging maingat sa lahat ng galaw ko.
Halos isa’t kalahating oras akong naglakad at after that, lumabas na ako sa Black
Dimension. Buti na lang at wala pang tao dito sa may park kaya walang nakakita na
lumitaw ako bigla. Hinawi ko yung mga sanga at naglakad ako papunta sa gitna ng
gubat. Nakita ko yung lake at yung buong school pero madilim pa.

Masyado yata akong maaga.

Binitawan ko muna yung maleta ko at sumandal ako sa may puno. Kinuha ko yung form
at ang nakalagay doon ay 7 AM pa papapasukin ang transferees. Two hours pa akong
maghihintay dito.

Gusto ko sanang matulog pero buhay na buhay pa yung utak ko at ayaw akong
patulugin.

“Tsk. I’m too early.” Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko at napatingin
rin siya sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan dahil nagpapakiramdaman kami, at
kutob ko ay kakaiba rin siya. Ewan ko pero yun ang nararamdaman ko. At pinigilan ko
ang sarili ko dahil muntik ko nang ilabas yung weapon ko. Nasanay na kasi akong
kalabanin ang kahit sinong Senshin na makikita ko. Pero ngayon, kailangan kong i-
control ang sarili ko. Kailangan kong makisama sa kanila.

“T-transferee ka rin?” tanong ko sa kanya pero kumunot lang yung noo niya.

“Bakit, may problema ka sa akin?!” Napanganga na lang ako sa sagot niya. Anong
problema niya at parang galit siya? Tsaka ang layo ng sagot niya sa tanong ko!
Damn! Gusto ko na siyang sugurin! Nakakainis.

“Wala, pero ang tanong ko ay kung transferee ka rin ba?”

“Tss. Oo,” sabay bagsak niya ng gamit niya at muntik nang matamaan yung paa ko!
Kainis na talaga ‘to ha! Umupo naman siya sa may tabi ko at naglabas siya ng libro.
Wow. Hindi halatang mahilig siyang magbasa.
Naging tahimik naman ulit siya kaya hinayaan ko na lang siya. Pero nacurious ako sa
binabasa niya kaya napatingin ako sa cover at nakita kong History book yun. Tsaka
ko narealize na wala akong alam sa history ng Senshins kaya kailangan ko ring mag-
aral! Pero nakakahiya namang makihiram.

“Oi.” Napatingin naman ako sa kanya at nakatutok pa rin siya doon sa libro.

“Huh? Ako ba?”

“Sino pa ba?” sabay tingin niya nang masama sa akin. Bakit ba parang ang init ng
ulo ng isang ‘to? Nakakainis na ha! Nahahawa na ako sa kanya!

“Tsk. Ano?”

“Anong alternative name mo?”

Napakunot bigla yung noo ko. Bakit niya tinatanong? At alternative name? Yun ba ang
tawag nila sa second name? Kailangan ba meron agad kaming naisip bago pumasok sa
loob?

“Mine’s Mitsuo,” saka niya sinarado yung librong hawak niya. “Siguradong sa Atama
ako mapupunta dahil kay Lolo pero sabi niya, mabibilang mo lang sa daliri mo ang
members doon at conceited silang lahat dahil lang sa special sila. At malaki ang
chance na ako lang ang transferee na doon mapupunta. I don’t want to be with those
people but I have no choice.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Bukod sa sobrang haba at parang hindi na siya galit, ay
naintindihan ko siya lalo na yung sinabi niya nung huli. Ginagawa namin ang bagay
na ‘to hindi dahil gusto namin, kundi dahil wala kaming choice.

“What’s yours? At saang family ka?”

“Akemi, at sa Me family ako.” Actually hindi ko yun alam kaya balak kong maki-ride
sa flow na lang mamaya.

“Ah. So you have eye abilities.”

“Y-yeah.”

So yun pala ang Me. Yung family na yun ang may eye abilities. Ibig sabihin, yung
Rielle na pinalitan ko ay may eye ability rin? Buti na lang.

‘Tsk. I thought she’s the same as me.’

Nagulat ako nung nabasa ko yung isip niya pero pinigilan kong huwag mahalata.
Sobrang konti lang kasi ang nababasa ko ang isip like yung family members ko, sina
Kid, Dana, Keith at Sarah lang. Ito ang first time na nakabasa ako ng isip na hindi
ka-tribe ko.

Pero sayang dahil magkaiba kami ng family. Ano kayang ability meron ang Atama
family? Ang sabi niya, special daw sila. Ibig sabihin, may special ability rin
siya? Sayang talaga. Siya ang unang Senshin na nakausap ko nang mahinahon, though
hindi ganun kahinahon. Pero dapat kalaban pa rin ang tingin ko sa kanya. Nandito
ako para magspy at hindi para sa kung ano pa man.

Isa-isa namang nagdatingan dito yung iba pang transferees kaya tumayo na kami dahil
anytime ay papapasukin na kami.

Nung 7 AM na, may tatlong lalaking lumabas sa main gate kaya nagready na kaming
lahat, pero si Mitsuo...hindi ko pala nalaman yung totoo niyang pangalan. Oh well,
si Mitsuo, nakaupo pa rin. Wala ba siyang balak magready na pumasok?
“Transferees, welcome to Tantei High.”

After that, pinapila kami at kinuha yung letters namin. Pinasok nila yun sa parang
device sa may gate at paglabas ay naging ID na. Nice. Buti pa sila may ganitong
technology.

Kung saan-saan pa kami pinapunta at nakasunod lang ako sa nauuna sa akin habang si
Mitsuo ay nasa likuran ko at naririnig ko siyang humihikab. Ang last stop ay sa
quadrangle at nakapila doon yung mga estudyante.

Bigla akong kinilabutan.

I am surrounded by hundreds of Senshins. Kailangan kong kumalma. Hindi dapat ako


nagpapanic but this is really crazy! Ano ba ‘tong pinasok ko?

“Nervous?” Napatingin ako kay Mitsuo at nakakunot na naman yung noo niya sa akin.

“N-not really,” saka ako huminga nang malalim.

“Damn. They’re already eyeing me,” sabi niya. Tinignan ko naman kung saan siya
nakatingin at nakita ko yung limang estudyante doon sa pinakadulo. Yung babae sa
unahan ay may hawak na cardboard na ang nakasulat ay ‘Atama.’ So that’s the Atama
family. Sobrang konti nga nila compared sa ibang families.

Nagbigay na ng instructions yung speaker kung saan kami pupunta and such. Papunta
na sana ako sa family ko pero biglang tumingin sa akin yung speaker.

‘Wow. Her eyes are almost green. Sa Me family siya? Akala ko sa Atama.’
For the second time, nakabasa na naman ako ng isip ng iba. At ano raw? Atama? Bakit
naman ako mapupunta doon? Tinitigan ko rin siya at this time, binuksan ko ng kaunti
yung isip ko para makausap siya.

‘Excuse me, ano pong ibig niyong sabihin?’

Pagkasabi ko nun, biglang nanlaki yung mata niya at lumapit siya sa akin.

“Did you just use your inner voice?” sabi niya sa akin at talagang gulat yung
expression niya. And what inner voice? Yung pagbabasa ng isip at pagrereply sa
kanya?

“Y-yeah. B-bakit po?”

“That’s the special ability of Atama family. Hindi kaya mali lang ang assessment ng
paglalagay sa’yo sa ibang family? Come with me,” then bigla niya akong hinatak
papasok sa building sa harapan namin.

Ngayon lang nagsink-in sa akin yung sinabi niya. Sinarado ko kaagad yung isip ko
dahil baka kung anong mabsa niya.

So...yung inner voice something ang special ability ng Atama family? So ibig
sabihin, kasama rin siya sa Atama family? Teka, kaya ba sa Atama family si Mitsuo
ay dahil may inner voice rin siya?

“Sorry for not properly introducing myself. I’m Yamato, from Intel Department at
galing rin ako sa Atama family,” sabay ngiti niya sa akin habang hatak-hatak niya
pa rin ako. Ugh. Gusto ko nang hugutin yung cards ko at saktan siya dahil sa
ginagawa niya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kailangan kong makisama sa
kanila para hindi nila ako pagdudahan.

“S-saan po tayo pupunta?”

“We’re going to change your family. You should be in Atama.”

Pagkasabi niya nun, kung anu-ano na ang naisip ko. Atama family...ibig sabihin
makakasama ko si Mitsuo pati na rin yung ibang may inner voice na conceited?!

This is going to be a mess.

***

=================

Chapter 3

“Here’s your new ID,” sabay abot sa akin ni Yamato ng card na hawak niya. Pagtingin
ko, hindi na A107-F56934 ang nakalagay na student number ko kundi MT205-F56934. So
ibig sabihin, sa Atama family na ako?

Tinuro niya sa akin yung girl’s dorm kaya lumabas na ako sa building na ‘yun at
naglakad papunta sa dorm. Habang naglalakad ako ay gusto ko nang kunin yung cards
sa bulsa ng jacket ko dahil sa dami ng Senshins sa paligid. Ganito pa nga lang,
hindi na ako makapagpigil, paano pa kaya kapag may kasama pa ako sa kwarto?

Binilisan ko na lang yung lakad ko habang dala-dala yung maleta at nakarating naman
agad ako sa dorm. Dahil bago na yung family ko, nabago na rin yung room ko. Saka ko
lang napansin na isang building lang pala ang girl’s at boy’s dorm pero magkaibang
wing—right side sa girls at left sa boys. Paakyat na sana ako sa kanan pero nahagip
ng mata ko si Mitsuo at napatingin rin siya sa akin.

“Atama?” Napatingin naman ako bigla doon sa kasama niyang lalaki at nakatingin siya
sa akin. Teka, ako ba ang tinanong niya? “ID mo. MT ang nakalagay.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman ‘yun? Nakita niya ba? Pero
ang layu-layo ko sa kanila! Sino ba siya?

“Akala ko sa Me ka?” tanong naman ni Mitsuo.

“Akala ko rin. They didn’t know I can use inner voice. ”

“Cool.”

“Yeah.”

After that ay nagpaalam na ako dahil hahanapin ko pa yung room ko. Pero hindi ko
maalis yung tingin ko sa lalaking kasama niya. Tinitigan ko lang sila habang
naglalakad sila palayo. Mukhang tinu-tour niya si Mitsuo sa dorm.

‘Why are you staring at me?’

Muntik na akong malaglag sa hagdan nung narinig ko yung boses ng lalaking ‘yun sa
isip ko. Teka paano niya nalamang nakatingin ako? Nakatalikod sila sa akin ah?!
Napailing na lang ako at tinuloy ko na lang yung pag-akyat ko. Ang weird niya.
Nakarating naman agad ako sa harap ng room pero hindi ko mabuksan yung pinto dahil
ayokong pumasok. Panigurado nandoon yung roommates ko.

“Hello!”

“Oh sh—!!”

Muntik na akong matumba dahil sa gulat. Kumilos naman ng kusa yung mga kamay ko at
hawak ko na yung cards ko. Buti na lang at napigilan ko yung sarili ko sa pagtarget
sa kanya. Actually, parang tumigil sa paggalaw yung kamay ko ng ilang milliseconds
bago ko napigilan talaga yung sarili ko. Err. Ewan, basta ang mahalaga hindi ako
nakapatay sa first day ko rito. Bigla na lang kasing bumukas yung pinto at tumambad
sa akin ang mukha ng isang babae.

“Success! Nagulat siya! Sabi sa’yo, Naomi, may tao sa labas ng room natin eh!”
sabay tingin nung babaeng redhead sa isa pang tao sa may loob ng room.

“At muntik ka nang mapuruhan,” saka siya tumingin sa akin.

“Huh?” mukhang ‘di na-gets nung redhhead yung sinabi nung Naomi.

“Wala.”

Kinabahan naman ako bigla. Ibig sabihin, alam niyang muntik ko nang sugurin yung
kasama niya. Pero hindi ko naman ‘yun sinasadya!

“Anong meron?” Napatingin naman ako sa kabilang room dahil bumukas rin ‘yung pinto
nila at may lumabas na dalawang babae.

“Michiko! Siya ‘yung bagong member ng Atama. Narinig ko ‘yung pag-uusap nila kanina
ni Sir Yamato,” sabi ni redhead.

“Talaga? Wow! Two new members ngayong year!” tapos lumapit sa akin yung Michiko at
inakbayan ako. Ugh. “Sorry. Ganyan lang talaga siya,” sabi naman nung babaeng
nakasalamin na kasamang lumabas ni Michiko.

“Akemi, right?” tanong ni redhead. Teka, paano niya nalaman ang alternative name
ko? Hindi ko pa naman sinasabi ah?

“Yeah.”

“Tara, pasok ka muna. Marami ka pang dapat malaman about sa family natin, sa school
at sa kung saan-saan pa.”

Si redhead ang nagpasok ng maleta ko habang nakaakbay pa rin sa akin ‘tong Michiko.
Gusto ko na ngang tanggalin yung braso niya pero baka isipin nilang rude ako.
Kailangan ko pa namang maging good shot sa kanila para hindi nila ako pagdudahan.

Nagkumpulan sila doon sa may kama habang ako ay pinaupo nila sa lapag. Tinitigan ko
sila isa-isa and just like me, halos green na rin yung mga mata nila, except doon
sa nakasalamin. Green na talaga yung sa kanya. Wow.

“So Akemi, I’m Akira,” sabi ni redhead.

“Michiko!” I know.

“Mayu,” sabi nung nakasalamin.

“Naomi.” Alam ko na rin.

Base sa first impressions ko, ang magka-wavelength ay sina Akira at Michiko,


parehong masakit sa ulo. Silent type at mukhang mautak naman sina Mayu at Naomi.

“Yung nag-iisang guy naman sa amin bago nasali si Mitsuo, ay si Hideo,” dagdag ni
Akira. So Hideo pala yung name ng lalaking ‘yun?
“Interested?” Napatingin naman ako kay Naomi. What? Teka, nabasa niya ba ang isip
ko? But my mind is already closed.

“No,” sabay kunot ko ng noo ko. Naweweirduhan lang ako sa kanya. ‘Di kaya dahil
‘yun sa sixth sense niya?

“In fairness, may itsura ‘yung Mitsuo ha? Kaso mukhang masungit,” dagdag ni
Michiko.

“Oo nga eh. Ang sama ng tingin sa akin kanina!”

“Paanong ‘di mapapatingin sa’yo, masyadong agaw-pansin yang buhok mong red.”

“Inggit ka naman?”

“No way! Masaya na ako sa buhok ko no.”

Nakita kong napailing na lang si Mayu dahil sa sagutan nina Michiko at Akira.
Mukhang sanay na sila sa kania. At ako, mukhang kailangan ko nang masanay kahit
ang sarap nilang batukan at patumbahin.

Tinulungan naman muna nila akong mag-ayos ng gamit. Kaya pala nakahiwalay si Mayu
at Michiko ay dahil pang-tatluhan lang bawat room. Nag-aayos ako ng closet ko nung
bigla akong napahinto dahil sa narinig ko.

‘You’re the second person na ka-age ko na hindi ko masyadong mabasa ang isip.’

Napatingin agad ako kay Naomi dahil boses niya ang narinig ko sa isip ko. Pero
nakaupo lang siya sa may kama at may binabasang libro. Kinabahan ako bigla dahil sa
sinabi niya. I am really thankful to Mom dahil tinuruan niya ako kung paano mas
isesecure ang isip ko. At sabi ni Naomi, hindi niya masyadong mabasa ang isip ko.
Ibig sabihin, may nababasa pa rin siyang thoughts sa akin.
I focused my mind sa paglilipat ng gamit para hindi na ako masyadong mag-isip pa.
Mahirap na, baka mabasa niya pa. Pero wait, paano niya nababasa yung isip ko?

‘How can you read someone’s mind even if it’s closed?’

‘My mind is closed by default. Kaya ang effect, kaya ko ring magbasa ng closed
minds.’

Mas sinecure ko pa yung thoughts ko dahil sa sinabi niya. She’s dangerous. Hindi ko
alam na may nag-eexist pala na katulad niyang closed ang isip by default.

“Girls, tawag tayo ni Hideo.” Napatingin naman kami kay Akira at nakasimangot siya.
“Napakagandang timing talaga. Kung kelan tayo magbobonding tsaka eepal ‘tong
lalaking ‘to.”

Hindi ko alam kung paano niya nalamang tinatawag siya nung Hideo. Pati na yung
sinabi niya kanina na narinig niya kami ni Yamato. ‘Di kaya ang sixth sense niya ay
may kinalaman sa hearing?

“Hey, what’s your sixth sense?” tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.

“I can hear everything within an 800-meter radius.”

Wow. Sobrang lawak naman ng cover ng pandinig niya. Hindi ba masakit sa ulo ‘yun?
Yung tipong naririnig mo lahat? Iniimagine ko pa lang, feeling ko mabibiyak na yung
ulo ko.

Tinigil ko muna yung pagliligpit ko ng gamit at hinatak ako ni Michiko palabas ng


room. Bumaba kaming lima at naabutan namin sa labas ng dorm sina Hideo at Mitsuo.
Bigla namang tumawa nang malakas si Michiko.

“Hahaha! My gosh! Labanan ba ‘to ng facial expression?” sabay turo niya sa


pagmumukha ng dalawang lalaki. “Ikaw, expressionless, ito namang si Mitsuo parang
laging galit!”

Nakita ko naman na nagbago yung expression ni Mitsuo—mas lalong naging galit.


Napansin naman agad ‘yun ni Naomi kaya hinatak niya kaagad si Michiko palayo sa
kanya.

“Sorry. Sinasabi niya talaga lahat ng gusto niyang sabihin,” sabi ni Naomi kay
Mitsuo.

“Tss.”

“Buti na lang talaga at hindi naging roommates sina Akira at Michiko,” narinig kong
sabi ni Mayu. Feeling ko nga. Parang magiging disaster kapag magkasama silang
dalawa.

“So, Hideo, anong meron?” tanong ni Akira.

“I want to—” Napatigil naman si Hideo sa pagsasalita dahil sa ginawa ni Michiko. Ni


hindi ko nga namalayan na nasa likod na pala siya ni Hideo. Napa-facepalm na lang
sina Mayu at Naomi sa kanya. Paano ba naman ay hinatak niya yung mukha ni Hideo
para magmukha siyang nakasmile.

“Hideo, smile!” at saka siya tumawa.

“Pfft. HAHAHAHA! Bagay, Michiko! Stretch mo pa!” sabi naman ni Akira at naiiyak na
rin siya kakatawa sa hitsura ni Hideo.

“Sabi sa’yo, bagay sa’yo ang nakasmile! ‘Di ba, Akemi?” at nagtawanan sina Michiko
at Akira doon. Bago pa may mangyaring masama sa kanila ay hinatak na sila nina
Naomi at Mayu at sila na ang nakipag-usap kay Hideo.

Napabuntung-hininga na lang ako. Hindi ko ata kakayaning makasama ang mga ‘to.

***

=================

Chapter 4

***

“So, anong gagawin natin?” tanong ni Naomi kay Hideo.

After ng pinaggagawa ni Akira at Michiko kay Hideo ay hinatak sila palayo ni Naomi.
Pero ang nakakagulat ay bigla silang tumahimik nung tinignan sila nang seryoso ni
Mayu.

“Pupunta tayo sa plaza. Gusto kong maging pamilyar na agad sila sa campus,” tapos
bigla siyang tumingin sa akin. What? May problema ba siya sa akin? Gusto niya ba ng
away? I am always ready!

“Ah! Gising na sa Hiroshi!” biglang sabi ni Akira kaya napatingin kami sa kanya.

“I’ll be back,” sabi naman ni Mayu tsaka siya bumalik sa may dorm.
Hmm. Sino si Hiroshi? Member rin ba siya ng Atama? Akala ko ba kaming pito lang ang
current members?

“Hiroshi is her son,” sabi sa akin ni Naomi. Nung una ay hindi ko pa maprocess yung
sinabi niya dahil nashock ako, pero ano raw?!

“S-son? May anak na siya?”

“Hindi lang halata pero 22 years old na siya.”

“What?!”

“Yes. Kahit mukha siyang kaedad natin, mas matanda pa rin siya. Pero ayaw niyang
tinuturing siyang mas matanda, though nagagalit rin siya pag hindi siya
nirerespeto,” sabay tingin niya kay Akira at Michiko na parehong nag-iwas ng
tingin.

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Akala ko talaga nasa eighteen or
nineteen pa lang siya. Sinong mag-aakalang 22 na siya? At lalong hindi ako
makapaniwala na may anak na siya. Ibig sabihin, kasama si Hiroshi sa room nina
Michiko at Mayu.

“Ilang taon na si Hiroshi?” tanong ko ulit.

“Magt-three sa October. ”

Wait, so 19 siya nagkaroon ng anak. Ang bata! And who is her husband? Kasal ba
sila? Bakit ang bata nilang nagpakasal at nagkapamilya? At kung may pamilya na
siya, bakit nandito pa siya sa Atama? Sobrang nacucurious tuloy ako kay Mayu.

Mga ilang minuto pa kaming naghintay at nakita na naming bumaba si Mayu—kasama si


Hiroshi. Isa lang ang masasabi ko—sobrang cute ng anak niya!
“Hiroshi!” sabay angat ni Michiko ng kamay niya at kinuha niya kay Mayu si Hiroshi.
Ngumiti naman sa kanya si Hiroshi. Ang cute niya talaga. Parang gusto ko rin siyang
buhatin. Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng ma-attach sa kanya dahil Senshin pa
rin siya.

Nagsimula naman kaming maglakad papunta sa plaza. Nauunang maglakad yung dalawang
lalaki habang kaming lima ay nakasunod sa kanila.

Ngayon ko lang narealize na sobrang laki pala ng school na ‘to. Hindi ko na kasi
masyadong tinignan kanina since masyado akong nagfocus sa pag-control sa sarili ko.
Ang dami ring nagkalat na estudyante at napapatingin sila sa amin.

“Pfft. We’re really famous,” bulong ni Michiko. “Right, Hiroshi? Paglaki mo, ikaw
naman ang titignan. Kaya kailangan pogi ka. At huwag na huwag kang tutulad kay
Hideo o dito sa Mitsuo na ‘to. They have dead face.”

“Mmm,” tapos nag-nod si Hiroshi. A-a-ang cute! Must resist...must resist.

Bigla ko tuloy naalala si Sarah. Kamusta na kaya siya? Nung kasing-edad siya ni
Hiroshi, sobrang nacute-an rin ako sa kanya. Kaya nga nung six year old na siya at
sinabi niyang gusto niyang maging apprentice ko ay sobrang natuwa ako. Bakit ba
kasi ang cucute ng mga bata? Ang hirap tuloy magresist.

“Mi...mit...suo?” Napatigil kami sa paglalakad nung narinig namin yun. Nagsalita si


Hiroshi at Mitsuo ang sinabi niya. Nakita ko namang nag-flinch si Mitsuo at biglang
napatingin si Hideo kay Hiroshi. Parang biglang nag-iba yung expression niya pero
hindi lang halata dahil minimal lang yung movement ng muscles sa face niya. Dead
face nga talaga.
“Hahaha! Look at Hideo’s expression! Priceless!” sabay halakhak pa ni Akira habang
nakaturo kay Hideo. “Pano ba ‘yan, hindi na lang sa’yo interested si Hiroshi?
Jealous? Hahaha!”

“Shut up,” sabay talikod ni Hideo.

Napatingin ulit ako kay Mitsuo at hindi pa rin siya lumilingon sa amin. Parang
nanigas na siya sa kinatatayuan niya.

“Hey,” sabay hampas sa kanya ni Naomi sa likod. Whoa! Ang lakas nun! Maski ako,
nafeel ko yung impact. “Tinatawag ka ng bata.”

“Tsk!” Eh? What’s with that reaction?

“Are you afraid of kids? Or you just can’t handle them?”

Pagkasabi nun ni Naomi ay nagflinch na naman si Mitsuo. Bull’s eye. Naomi’s so


blunt. Nakita ko pa siyang nagsmirk dahil nahulaan niya si Mitsuo. Or binasa niya
yung isip niya since kaya niyang magbasa ng closed minds?

Bigla namang nilapitan ni Michiko si Mitsuo at binigay niya si Hiroshi sa kanya.


Gaya ni Naomi ay nagsmirk rin siya at parang ginagawa talaga niya yun para macorner
si Mitsuo. Whoa. They are both evil.

“Mit...suo?”

“Ugghhhh.”

“Pffft! Para siyang mamamatay na!”


“Damn! May mas malala pa pala kay Hideo sa paghahandle ng bata! Hahaha!”

Tawa na lang nang tawa sina Michiko at Akira dahil sa nakikita nila. Napapangiti
rin ako dahil ngayon lang ako naka-encounter ng mga lalaking ganyan sa bata. Si Kid
at Keith kasi, close naman sila kay Sarah at sa iba pang bata na anak ng elite
guards.

Wait, that means kids are their weakness. I can use that.

Nanginginig naman na inabot ni Mitsuo kay Hideo si Hiroshi. This time, ngumiti si
Hiroshi kay Hideo. Hmm, mukhang interested nga siya sa kanya. Pero parang may
mali...

“Wahahaha! There it is! Dead Silence!”

“Hideo, ilang beses ba naming sasabihin sa’yo na wag mong kausapin si Hiroshi
through inner voice? Hindi pa yan nakakaintindi!”

Huh? Kinakausap niya yung bata through inner voice? Abnormal ba siya? Malamang ay
hindi talaga maiintindihan nung bata. Kaya pala tahimik lang siyang nakatingin kay
Hiroshi!

Narinig ko namang nagbuntung-hininga si Mayu at napailing pa. Si Naomi naman, kahit


composed pa rin ang itsura niya ay halatang pinipigilan niya lang na tumawa nang
malakas, unlike sa dalawang kanina pa tawa nang tawa.

“They are hopeless,” sabi ni Mayu.


Kinuha na niya si Hiroshi sa kanilang dalawa at nagpatuloy kami sa paglalakad. Pero
napatigil ulit kami nung may nakasalubong kaming dalawang bata.

“Ah! Hi-ro-shiiii!” sabay kaway nung babaeng bata habang nagbow naman sa amin yung
lalaking katabi niya.

“Hiroshi, you want to go with them?” tanong ni Mayu.

“Mmm,” tapos binaba niya si Hiroshi at naglakad siya papunta doon sa dalawang bata.
Nagtakbuhan naman sila kaya pinanood na lang namin sila habang unti-unti na silang
nawawala sa view namin.

“Sino sila?” tanong ko kaagad nung makalayo na yung mga bata.

“Reina and Hayate. They are a year older than Hiroshi at silang tatlo ang bubuo sa
next generation ng Atama,” sabi ni Naomi.

“Tsk. More kids,” rinig naming sabi ni Mitsuo. Kasabay nun ay nagsigh si Hideo.

“They like to pester Hideo, you know. Mukhang madadagdagan na ang kukulitin nila,”
saka nag-giggle si Akira na mukhang ineenjoy ang paghihirap nung dalawang lalaki.

Bigla namang may tumunog na kung ano kaya napatigil ako. Pagtingin ko, may kinuha
si Hideo mula sa bulsa niya na parang phone at nagbiblink yung ilaw nun habang
tumutunog.

“What the hell is that?” sabay turo ni Mitsuo doon sa hawak ni Hideo.

“We have to go to the agency,” seryosong sabi ni Hideo. “And this, is an emergency
device. We’re going to solve a case.”
***

=================

Chapter 5

Ginawang Fantasy ni wattpad ang genre nito imbes na Science Fiction. Kainis. So wag
niyo na po siyang hanapin sa Scifi category kasi si wattpad na mismo nagbago huhu.

***

“Mayu,” sabi bigla ni Hideo.

“Yeah.”

May nilabas naman na parang controller si Mayu at may pinindot siyang button. Hindi
ko alam kung para saan ‘yun pero parang may hinihintay siyang dumating.

“Akala ko ba pupunta tayo sa agency?” Nakakunot na naman ‘yung noo ni Mitsuo.

“Mag-antay ka,” sabi sa kanya ni Naomi at saka siya hinampas sa likod. Naubo naman
si Mitsuo dahil sa lakas ng impact. Feeling ko kapag ako ang hinampas nang ganun,
lalabas ang baga ko.

Ilang seconds pa lang ang lumilipas ay may nakita na akong paparating sa amin.
Pagtingin ko, parang van. Nung huminto na sa tapat namin ay nilapitan ‘yun ni Mayu.

“Mitsuo, Akemi, this is Miyu, a programmed vehicle designed by my father.”


“Nice to meet you, Masters.”

Naamaze ako agad nung pumasok kami sa loob. Ang taas talaga ng level ng technology
ng Senshins. Samantalang sa amin, ‘yung scientists ay more on making drugs. Drugs
as in gamot na iniintake para pumatay nang walang evidence sa katawan. Though hindi
pa rin napeperfect hanggang ngayon.

“Kakatapos lang ng programming sa kanya nung isang araw kaya kaming lima lang ang
kilala niya. I’ll add your names later,” sabi ni Mayu sa amin.

Pagpasok sa loob ay kakaiba ang space. Parang hindi ganito kalaki kapag nasa labas
ka. May mababang lamesa sa gitna at cushions. Sa side naman ay may holograms na
puro computer terms ang nakikita ko, then sa harap ay ‘yung mismong main system ng
sasakyan. This is really awesome.

Umupo kami doon sa gitna at may nakita akong paperworks sa lamesa.

“Oh, sorry,” sabay ligpit naman ni Mayu sa mga papel at pumunta siya sa main system
ni Miyu.

“Ano ‘yun?” tanong ko kay Michiko na nasa right side ko.

“Projects niya sa Technology department. After three years kasi ay magreretire na


si Sir Aiwa kaya naghahanda na siya para maging head.”

“Sir Aiwa?”

“Her father, also known as the Legendary Mechanic.”

Bigla akong kinilabutan nung narinig ko ‘yun. Kaya pala parang pamilyar ‘yung
pangalang Aiwa. Siya ‘yung sinasabi ni Dad na kailangan naming mapatay dahil sa
inventions niya. He’s a huge threat to us. I need to gather data as much as
possible.

“Bakit pala siya magreretire? Hindi na ba niya kaya?”

“Well, 52 years old na siya and tradition sa kanila na kapag 25 na ang next heir ay
siya na ang magiging head.”

“What will happen to him?” Napatingin naman ako kay Mitsuo. Mukhang interested din
siya kay Aiwa.

“Magiging adviser na lang siya ng Technology department pero ang alam ko, sabi ni
Mayu ay may gusto raw puntahan si Sir Aiwa na lugar.”

“Away from Tantei High?” tanong ko ulit.

“Yep!”

There. Pwede namin siyang ma-corner kapag aalis na siya sa campus. Kailangan kong
marelay ang information na ‘to. But before that, I need to calm down. Naomi can
read closed minds. Kahit saradong-sarado na ang isip ko, kailangan ko pa ring mag-
ingat.

Hindi ko muna inisip ‘yung tungkol kay Aiwa at nagfocus ako sa pupuntahan namin.
Nung huminto na ‘yung sasakyan ay nasa harapan na kami ng...

“Police station?”

Akala ko ba agency ang pupuntahan namin? Bakit nasa police station kami?
“Haha! Don’t worry, tama lang tayo ng pinuntahan,” sabay pasok ni Akira doon sa
loob.

Since isa-isa na silang pumasok ay sumunod na lang ako. Nagulat ako nung ang mga
officer na sumalubong sa amin ay yellowish to green ang kulay ng mga mata. So this
is not an ordinary police station. Police force pala ‘to ng Senshins.

“Most of them are Shinigami trackers, by the way,” dagdag ni Naomi. Pagkasabi niya
nun, lalo akong kinabahan.

Calm down. Calm down. Hindi nila ako mahuhuli. Kaya nga ako ang pinadala sa secret
mission na ‘to eh. I need to calm down.

“Are you okay?” Muntik na akong mapalundag nung may bumulong sa tenga ko. God! Sa
sobrang focus ko sa pagkalma ay ‘di ko namalayan na lumapit na pala ‘tong Hideo na
‘to sa akin!

“Oo.” Pero at least, natanggal na ‘yung kaba ko sa katawan dahil sa gulat sa kanya.

“Bigla ka kasing namutla,” sabi niya pero nakatingin lang siya sa harapan.

“Ah. Hindi lang ako sanay sa maraming tao.”

“Kaya pala namumutla ka rin nung Family Announcement.”

“Y-yeah.”

He’s dangerous. Masyado siyang observant. I never thought na mahihirapan agad ako
sa first day ko rito. Kung hindi ako mag-iingat kapag kasama ko ang mga ‘to, baka
mapahamak ako.
Binuksan naman ni Michiko ‘yung pinto sa dulo ng station. May isa pa palang room
doon. So, ito ang agency? Good move, Senshins. Magkasama ang agency at police
station. Another piece of information.

“Ah. Andito na kayo.”

“Yes, sir!”

Pagkakita ko pa lang sa lalaking nasa desk ay nanigas na agad ‘yung katawan ko at


napatigil ako ng ilang segundo sa paghinga.

“Sir, bagong members nga pala ng Atama, sina Mitsuo at Akemi,” sabay turo sa akin
at kay Mitsuo ni Akira.

“Mmm.”

Lalaking laging naka-sunglasses, may sigarilyo at may mahabang scar sa right cheek—
he is Kyo, the one who wounded my father’s arm. Siya lang ang nakalaban ni Dad na
nakapag-iwan ng sugat sa kanya at nasa Death List rin siya ni Dad. Hindi ko
akalaing makikita ko kaagad siya.

Bigla siyang tumingin sa akin at naging stiff lalo ang katawan ko. Parang binabasa
niya ang buong pagkatao ko at hindi ko maputol ‘yung tingin niya sa akin.

“Ito ang case,” bigla niyang sabi tapos hinagis niya sa amin ‘yung papel. Hindi ko
alam kung sinasadya ba or coincidence lang na saktong lumanding ‘yung mga papel sa
mga kamay namin.

“What’s the time limit?” tanong ni Hideo.


Time limit? Time limit ng ano?

Nilagay naman niya sa ashtray ‘yung sigarilyo niya at saka siya tumayo. Pumunta
siya sa kabilang side ng room kung saan may pinto rin.

“Two hours,” sabi niya at saka siya pumasok doon.

“Yes, Sir!”

Nung nakaalis na siya ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko napansin na
sobrang pressure pala ang naramdaman ko nung nandito siya sa room na ‘to. Akala ko
mawawalan na ako ng hininga kanina.

“Two hours, huh? Mas naging limited ang time ngayon,” sabi ni Naomi.

“Para saan ‘yung two hours?” tanong naman sa kanya ni Mitsuo.

“Time limit ng pagsosolve ng case. We always cases under the pressure of time.
Ganun kami sinanay ni Sir Kyo kaya tara na,” saka niya hinampas ulit si Mitsuo.

“Aray!”

Lumabas kami doon sa agency pero bago ‘yun ay napalingon ako doon sa pintong
pinasukan niya. Para saan kaya ‘yun? May room ba ulit sa kabila nun?

“Hallway lang ‘yun,” biglang sabi sa akin ni Mayu.


“Hallway?” Paano nagkaroon ng hallway doon?

“Yeah. Normal hallway lang ‘yan pero 1.5 kilometers ang haba at connected siya sa
Midori building. Safety route ‘yan kung sakaling may umatake rito though sobrang
layo nga lang ng lalakarin mo.”

“Bakit doon siya dumaan?”

“Morning exercise ‘yan ni Sir Kyo. Tara na,” saka niya ako hinatak palabas doon sa
agency.

Nung nasa loob na kami ni Miyu, nag-gather kami doon sa table at tinignan namin
‘yung papel na binigay niya sa amin—picture and description ng isang crime sa may
bangko.

“Hmm. Gusto kong makita ‘yung mismong crime. Ang hirap makita nung buong picture
dahil sa angle,” sabi ni Akira.

“At mas makikita rin natin ‘yung mismong crime scene,” dagdag naman ni Michiko.

Wow. Ganito ba sila? Nagiging seryoso silang dalawa bigla kapag crimes na ang
pinag-uusapan. Hindi halata na galing sa kanila ‘yung mga kalokohan kanina.

‘Makukulit sila pero pagdating sa mga ganito, maaasahan mo sila.’ Napatingin naman
agad ako kay Naomi. Nabasa niya ba ang isip ko o halata lang sa itsura ko? I should
close my mind more tightly.

“We’re here, Masters.”

Bigla namang huminto ‘yung sasakyan kaya lumabas agad kami. Nasa harap na kami
ngayon ng bangko kung saan ang daming tao sa paligid.
“Excuse me, excuse me!”

May kinausap na pulis si Michiko at agad kaming pinapasok sa loob ng bangko.


Pagkapasok na pagkapasok namin, nakita agad namin ‘yung patay sa gitna. Kumalat na
‘yung dugo sa paligid niya at mukhang medyo tuyo na.

“Oww. Akala pa naman namin magffreak out kayong dalawa kasi first time niyo sa
isang case,” sabi ni Akira sa amin ni Mitsuo.

“Sanay na ako,” sabi naman ni Mitsuo.

“Ako rin,” sabi ko naman. Well, normal na sa aking makakita ng bangkay dahil ako
ang pumapatay dati. But I can’t tell that to them.

“We only have two hours. Let’s go,” at saka nanguna si Hideo sa pagpunta sa crime
scene.

***

=================

Chapter 6

***

“Kailangan pa ng autopsy report para malaman natin ang time of death,” sabi ng
isang pulis sa may gilid. Halata namang humdrum siya dahil sa mga kinikilos niya.
“Heh, no need for us,” bulong naman ni Michiko sa amin.

Naglabas bigla si Mayu ng parang laser something at iniscan niya ‘yung bangkay
gamit ‘yun. After that ay tumayo siya at lumabas muna ng bangko habang sinusundan
ko siya ng tingin.

“Miyu can do that job. Mas mabilis pa siya magprocess ng kalagayan ng bangkay kesa
sa autopsy process ng humdrums,” dagdag naman ni Akira.

Awesome. That vehicle is really awesome. Paano sila nakakagawa ng ganun? Ngayon ko
lang naappreciate ang pagiging Legendary Mechanic ng Aiwa na ‘yun. Kaya pala
gustung-gusto siyang patayin nina Dad ay dahil sa skills niya.

Tinignan ko naman ulit ‘yung babaeng bangkay sa harapan namin. Sa likod ang tama
niya pero hindi siya nakadapa kundi nakaharap. Gumalaw ba siya nung tinamaan siya?
Tsk. Pero nakakainis kung sino mang gumawa nito. Ang dumi ng pagkakagawa niya.
Humdrums are really pathetic.

Bigla namang sumeryoso ‘yung mukha ni Akira. Ang weird talaga na makita siyang
seryoso. Hindi ako sanay.

“April dela Rosa, 28 years old. General Manager ng bank. Nakita ang bangkay
kaninang 7:45 AM ng body guard. Disabled ang CCTVs kagabi kaya walang footage na
nakuha at ‘di pa rin alam ang time of death. Ang cause of death ay tama ng bala sa
likod and loss of blood. Finished,” sabay grin niya sa amin ni Mitsuo.

How the heck did she know all of those?!


Mukhang nabasa niya ‘yung reaksyon ko kaya umakbay siya sa akin pati na rin kay
Mitsuo.

“I heard them from the humdrum police officers. Habang nagsasalita sila doon sa may
gilid, sinasabi ko sa inyo ‘yung pinag-uusapan nila. Galing ko ‘no?” tsaka siya
tumawa.

“Stop showing off, Akira,” sabi naman ni Hideo sa kanya.

Tsaka ko naman naalala ‘yung sinabi niya kanina. Oo nga pala. Her sixth sense is
that she can hear everything within an 800-meter radius.

“Wait, don’t touch her,” biglang sabi naman ni Naomi. Pagtingin ko, gusto pa lang
hawakan ni Mitsuo ‘yung bangkay. “Michiko,” sabay tingin niya kay Michiko.

“Roger!” then the next thing I knew, bigla na lang may lumitaw na gloves sa kamay
niya at binigay niya ‘yun kay Mitsuo. “Oh ito, gamitin mo. Wag na ‘wag kang hahawak
ng bangkay with bare hands. Baka makuha nila ang fingerprints natin. You know,
kakaiba ang katawan natin kaya siguradong magsususpect ang humdrum community.”

Of course. Kaya nga kapag pumapatay kami, wala kaming iniiwang ebidensya. Unlike sa
crimes na ginagawa ng humdrums, sobrang dumi.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Bakit biglang may hawak na si
Michiko na gloves? Saan niya ‘yun nakuha?

“How the hell did you do that?” tanong ni Mitsuo sa kanya.

“That’s my sixth sense. I can summon everything I touched before.”


Summon? What the heck? Ang galing!

“Their family’s sixth senses are useful. Kaya nga sila ang subject ng Technology
department for the last 15 years. Sinusubukan nilang i-apply ang summoning sa
weapons para hindi na kailangang dalhin at makakapili rin sila ng appropriate
weapons sa isang situation,” dagdag ni Naomi.

Another important information. Kailangan ko ‘tong ipaalam kina Dad. Kapag naging
successful ang project na ‘yun, magkakaroon sila ng advantage sa amin. Damn. The
Technology department is really a pain in the ass!

“Gusto kong makita ‘yung bullet wound,” biglang sabi ni Mitsuo.

“Huh? Baliw ka ba? Kailangan mong baligtarin ‘tong katawan para makita mo ‘yun!
Makikita tayo ng mga humdrum police! Baka bigla na lang tayong paalisin dito dahil
ginalaw natin ‘to,” pabulong na sabi ni Michiko sa kanya.

“But I want to see it.”

“Ugh! Ang kulit!” sabay facepalm ni Michiko. Maski ako mapapaganun dahil ang pilit
ni Mitsuo tapos gagamitan ka pa niya ng expression niyang hindi ko maintindihan
kung galit, walang paki o ano.

Nakita ko namang napabuntung-hininga si Hideo tapos tumingin siya sa relo niya.

“I want to see it, too,” sabi niya.

“Huh?!” sabay na reaksyon ni Akira at Michiko.

“Naomi,” tapos tumingin si Hideo sa kay Naomi at tumango naman si Naomi sa kanya.
Then tinignan niya ‘yung paligid at napatigil siya doon sa tatlong pulis na
nakatingin sa amin.

“You only have three seconds. Kaya gawin niyo na lahat within three seconds,” sabi
niya tapos huminga siya nang malalim.

“Okay.”

‘Listen. We need to turn her over to see the bullet wound. Help me,’ rinig kong
sabi ni Hideo sa isip ko.

‘For three seconds? Seryoso?’ tanong naman ni Akira.

‘Hay. Wala tayong choice. ‘Yun ang limit ni Naomi,’ sabi naman ni Michiko.

Wala naman kaming masabi ni Mitsuo dahil hindi pa namin maintindihan kung anong
mangyayari. Pero nagready na lang ako dahil ganun ang ginagawa nila. Binigyan rin
kami ni Michiko ng gloves kaya sinuot ko kaagad. Humarang kaming lima sa view ng
ibang tao para hindi nila makita ‘yung gagawin namin.

‘Go!’ Pagkasabi nun ni Naomi ay bigla naming tinulak ‘yung bangkay at agad-agad
hinawakan nina Mitsuo at Hideo ‘yung sugat nung babae sa likod and then after that
ay binalik agad namin sa dating pwesto ‘yung bangkay.

“Whoa! Akala ko ‘di tayo aabot!” bulong ulit ni Michiko.

“Muntik na akong mamatay sa sobrang kaba!” sabi naman ni Akira sabay hawak niya pa
sa dibdib niya.

Bigla namang tumayo si Hideo at tinanggal niya ‘yung gloves niya.


“Let’s go,” tapos nagsimula na siyang maglakad.

“Teka, saan tayo pupunta?” tanong ko naman. Bakit bigla kaming aalis? Maski sina
Akira at Michiko ay tumayo na rin.

“Kay Mayu,” tapos bigla siyang ngumiti kaya nabigla ako. First time niyang ngumiti
ngayong araw.

‘Don’t mind him. Ganyan talaga ‘yan kapag may nakita siyang evidence,’ sabi naman
ni Akira sa isip ko.

Napatayo na rin ako dahil sa kanila pero napatigil ako at napatingin ako kay Naomi.
Tumayo na rin siya pero parang may kakaiba sa kanya. Itatanong ko na sana kung
anong problema niya pero bigla na lang siyang na-out of balance!

“Nao—”

Napahinto ako sa pagtawag dahil nasalo na siya ni Mitsuo. Buti naman—teka nga.
Tama. Dapat wala akong pakialam sa kanila. I’m just a spy here. Hindi dapat ako ma-
attach sa kanila.

“Careful,” narinig kong sabi ni Mitsuo sa kanya at inalalayan niya si Naomi sa


paglalakad.

“T-Thanks.”

Tumalikod na lang ako. Pero pagtalikod ko, bigla akong may nabangga. Pagtingin ko,
si Hideo pala. Teka, bakit ‘to nandito? Siya ang nauunang maglakad kanina ah?
“I guess I don’t need to worry.” Nakita ko namang nakatingin siya kay Naomi. Ibig
sabihin nakita niya ring natumba si Naomi kanina? Eh nakatalikod siya ah? Humarap
ba siya? Parang ‘yung nangyari kanina sa may hallway sa dorm. Hindi naman siya
nakatingin sa akin nun pero nalaman niya ‘yung ginagawa ko. Bigla naman siyang
napatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

“I can see everything around me within a one-kilometer radius, if that’s what you
want to ask.” Napatingin naman agad ako sa kanya. Sabi na nga ba may kinalaman sa
sixth sense niya ‘yun eh. Nagsimula naman siyang maglakad ulit kaya sumunod na lang
ako.

“Anong nangyari kanina? ‘Yung ginawa ni Naomi?” Hindi ko pa rin kasi maintindihan
kung bakit three seconds lang ang allotted time kanina para gawin ‘yun.

“That’s her sixth sense. She can freeze any moving object within a certain distance
for three seconds by looking at it. Though it requires a lot of stamina.”

Bigla naman akong napatingin kay Naomi. Ibig sabihin, pinahinto niya ‘yung time ng
tatlong pulis para hindi nila makita ‘yung ginawa namin dahil nakatingin sila sa
amin?

They are really on a different level. ‘Yung mga nakaharap kong Senshins dati, hindi
ganito kalakas. Pero sa kanila, naririnig ko pa lang ang sixth sense nila,
kinikilabutan na ako.

“Baka tapos na rin ni Mayu ‘yung autopsy report,” sabi ni Hideo. Bigla naman kaming
napahinto nung may tatlong taong pumasok sa bangko at may escorts silang pulis.

“April!” sabay takbo nung lalaki papunta doon sa bangkay pero pinigilan siya nung
pulis.

“A-ate...”

“Ma’am April...”
Nagkatinginan naman kami ni Hideo at mukhang pareho kami ng iniisip.

These three are the suspects.

***

=================

Chapter 7

“Here’s the autopsy report,” sabay abot ni Mayu ng papers sa amin.

Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan at kinocollect na namin lahat ng


evidence na nakuha namin kanina. Mukhang ayos na rin si Naomi dahil bumalik na sa
dating kulay ‘yung mukha niya.

Tinignan ko naman ‘yung nakasulat doon sa report. Namatay ‘yung babae nung 11:04 PM
kagabi dahil sa tama niya sa trapezius and blood loss. Wait ano ‘yun? Ah basta ang
alam ko sa likod tumama ‘yung bala. Wala na akong pakialam sa internal organs niya.

“I thought so,” sabi ni Hideo.

“May distansya sa pagitan ng pumatay at nung biktima dahil walang burn marks ‘yung
sugat niya,” dagdag naman ni Mitsuo.

“Ahh. So ‘yun ‘yung tinignan niyo kanina kaya hinarap niyo ‘yung likod niya,” sabay
tango ni Michiko.

Oh. Kaya pala. Akala ko kung anong tinignan nila doon sa may bullet wound ng babae
eh. In fairness, ang bilis nilang mag-isip. Samantalang ako, lost. Malay ko ba sa
pag-iinvestigate? Ako ang pumapatay at hindi ang nag-aanalyse sa patay. Tsk.

“And I think, tumakas siya sa killer niya by running dahil mabilis ang pagsisimula
ng rigor mortis ng katawan niya,” sabi ni Mayu sabay upo sa tabi namin.

Bigla naman akong napatingin kay Mitsuo dahil sa aming pito ay siya lang ang hindi
nagbabasa nung autopsy report.

“Bakit hindi mo binabasa?” tanong ko sabay nguso ko doon sa papel sa harap niya.

“Nabasa ko na.” Pagkasabi niya nun ay napatingin kaming mga babae sa kanya habang
si Hideo ay patuloy lang sa pagbabasa ng kanya.

“Tapos mo na?!” sigaw sa kanya ni Akira.

“Oo. Bakit?”

“Anong bakit?! Two pages ‘to ah! At wala pang one minute nung binigay ‘to!”

“Wait...” sabi naman ni Naomi tapos tumingin siya sa papel na hawak niya. “Second
page. Fourth paragraph. First sentence,” then tumingin siya kay Mitsuo.

“The bullet was from a gun called Mamba pistol which automatically loads bullets
and can be used by a man or a woman.”

Napanganga naman kami nung sinabi niya ‘yun. For less than a minute, nakabisado
niya ‘yung two-page report?
“That’s his sixth sense,” biglang sabi ni Hideo nung wala nang makapagsalita sa
amin. Napatingin ulit kami kay Mitsuo at this time, tumingin siya sa autopsy
report.

“I can easily memorize the things I see. Though they also easily fade away after a
few days.”

Whoa. Awesome. Ang astig ng mga sixth sense nila. Ang hindi ko na lang alam ay
‘yung kay Mayu. Malalaman ko rin naman siguro soon.

Inexplain naman ni Mayu ‘yung rigor mortis na sinasabi niya kanina. Normally raw,
kapag pagod o may ginawang nakakapagod ang isang tao bago siya mamatay, mas mabilis
ang process ng rigor mortis o ‘yung pagtigas ng muscles ng katawan. Kaya ang hinala
niya ay pilit na tinatakasan nung biktima ang killer niya bago siya mamatay.

“Pero mukhang walang iniwan na dying message ang biktima,” sabi ni Akira.

“But why? Hindi naman considered as critical hit kapag natamaan ka sa trapezius ‘di
ba? She could’ve leave some clues before dying,” dagdag pa ni Michiko.

“Maybe she can’t. Maybe the killer did something after firing a shot,” sabi naman
ni Naomi.

Natahimik naman ulit sila at tumingin ulit doon sa report.

“I think they are already asking the suspects,” biglang sabi naman ni Hideo sabay
tingin niya kay Akira.

“Yeah. I can hear them. Let’s go!” sigaw ni Akira.

“Wait,” tapos pinigilan ni Mayu si Akira sa pagtayo.


Tumayo naman bigla si Mayu at pumunta siya sa may harapan. May tinype siya doon sa
computer katabi ng main system and then bigla na lang nawala ‘yung isang side ng
sasakyan.

“Whoa! Astig!” sigaw ni Michiko at lumapit siya doon sa side ng sasakyan.

“I added this option so that we can see what’s happening outside even if we’re
here. Naglagay na rin ako ng microphone bugs sa mga kwelyo ng pulis habang nandoon
tayo kaya kahit malayo sila sa atin maririnig natin ‘yung usapan nila,” pag-
eexplain ni Mayu.

“The legacy of your father continues! Ang galing niyo talaga!” sabay ngiti nang
malawak ni Michiko.

Napatitig ako kay Mayu habang nakatingin siya doon sa side ng sasakyan.
Nagkagoosebumps ako dahil sa ginawa niya. Ni hindi ko nga napansin na naglagay pala
siya ng bugs sa mga pulis eh. She’s really a genius. Ngayon ko masasabi na siya nga
talaga ang anak ng Legendary Mechanic na si Aiwa. I can feel admiration and fear
towards her.

Napatingin naman ako sa side gaya nila at kita mula rito ‘yung tatlong suspects
dahil nakaharap sila sa amin pero medyo malayo nga lang.

“Anong relasyon niyo kay Ms. April dela Rosa?” tanong nung pulis na nagtatanong sa
kanila. And tulad ng sinabi ni Mayu, rinig na rinig nga namin dito ‘yung pinag-
uusapan nila.

“I’m her fiancé,” sabi nung lalaki habang umiiyak at nakatingin doon sa bangkay.

“Y-younger sister niya po,” sabi naman nung babaeng umiiyak rin. Saka ko napansin
na medyo magkamukha nga sila nung namatay.

“E-employee po ako rito sa bangko,” sabi naman nung isa pang babae na naka-uniform.
“Heh. So you are all related to her. Hmmm,” sabi ng isang lalaki na biglang tumabi
doon sa pulis na nagtatanong sa suspects.

“Sino ‘yun? Hindi ko siya nakita kanina,” tanong ni Mitsuo. So natandaan niya na
rin ‘yung pagmumukha ng humdrums doon sa loob?

“Apparently, siya ‘yung detective na kadarating lang. Buti nga at nalagyan ko rin
siya ng bug,” sagot ni Mayu.

“Oh. A humdrum detective? I don’t like his expression. Ang sarap suntukin!” sabi
naman ni Michiko.

And like what she said, ayoko rin sa pagmumukha ng humdrum detective na ‘to.
Nakasmirk siya at nakatingin siya doon sa tatlong suspects habang nagsusulat sa
notebook niya.

Nakinig lang kami habang iniinterrogate ‘yung tatlo pero gusto nang sugurin ni
Akira at Michiko ‘yung detective dahil lagi na lang may side comment. Tss. That’s
why I hate the humdrums. They think they are above all else. Akala mo kung sino.
Pero ang totoo, they are all patethic creatures na walang ginawa kundi umasa sa
pwede nilang asahan.

Bago pa ako lalong mainis ay nagfocus na lang ulit ako sa nagather naming
information.

Si Bobby Torres ‘yung fiancé ng biktima. He’s 29 years old at ang alibi niya sa
time of crime ay nasa loob lang daw siya ng condo unit niya habang naghihintay ng
text from April, pero walang proof. Then, Andrea dela Rosa is her younger sister,
23 years old. Nag-early leave siya kanina sa work dahil masakit ang ulo niya kaya
nasa apartment niya lang siya hanggang umaga pero wala ring matibay na ebidensya.
Last one is Tessa Andres, 24 years old, employee rin dito sa bangko at mukhang
under siya sa management ni April. After daw ng office hours ay umuwi agad siya sa
apartment na tinutuluyan niya at wala ring makapagsabi na nandoon nga talaga siya.
“All of their alibi have no proofs,” sabi ni Hideo.

Bigla namang may tumakbong officer papunta doon sa pulis na kumakausap sa tatlo at
nagsalute.

“Sir! May natagpuan pong vault na walang laman!”

“Vault?”

“Yes, Sir! Sabi ng employees, kahapon daw ay may laman ‘yun pero ngayon wala na. At
si Ms. April dela Rosa lang daw po ang laging may hawak sa susi ng vault.”

Napatingin naman ‘yung pulis sa bangkay at inutusan niya ‘yung isang pulis na
hanapin sa damit ni April ‘yung susi. After ilang minuto, walang nakita sa kanya.

“You mean, pera ang motive ng crime?” tanong ni Akira.

“O baka pinlano na ng killer na isipin natin na pera ang motive pero hindi naman
talaga,” sabi naman ni Naomi.

“Tsk. We only have one hour and ten minutes left,” sabi ni Hideo. Pagkatapos nun ay
natahimik kami at mas nakinig kami sa usapan ng pulis at ng tatlong suspect.

But I have a weird feeling about that person.


***

=================

Chapter 8

“Sir! Wala pong natagpuang susi sa damit ng biktima,” sabi nung isang pulis.

So pwede ngang pera ang motibo ng crime.

“Maybe the murderer got the key after killing her,” sabi ni Naomi.

Hindi pa rin namin alam kung sino ang killer pero mukhang may theories na ‘tong mga
kasama ko. Well, what do I expect? Lagi silang nagsosolve ng crimes at siguro ay
sisiw lang sa kanila ‘to.

But damn. That humdrum detective is getting on my nerves. Kanina pa siya nagbibigay
ng side comments at akala mo ay alam na niya ang nangyayari. Kung pwede lang siyang
sugurin at patayin, kanina ko pa ginawa!

“Wait, hindi kaya nasa killer pa ‘yung susi ng vault?” tanong ni Michiko.

“The killer must be stupid if he brings an evidence at the crime scene,” sabi naman
ni Akira.

“Oh. Mukhang naisip na rin ‘yun nung detective.” Napatayo naman si Michiko at
mukhang tama nga siya. Kinakapkapan na ng mga pulis ‘yung suspects ayon sa pag-
uutos nung detective na ‘yun.
Tsk. Why do I have to do this? Imbes na hinahanap ko ‘yung librong ‘yun, kailangan
ko pang magsolve ng crime na gawa ng humdrums. I want to end this mission as soon
as possible dahil nasesense ko na mahihirapan akong kumilos kapag lagi ko nang
kasama ang mga ‘to.

“Ate...”

Napatingin naman ako bigla doon sa babae na lumapit sa bangkay. Sa pagkakaalala ko,
siya ‘yung younger sister ng biktima. Umiiyak siya ngayon doon sa harapan ng ate
niya. Ewan ko pero parang may kung ano sa loob ko na bumigat. Napaisip tuloy ako...

Will Rin cry for me if I die?

Hindi ko alam kung maaayos ko pa ba ‘yung relationship namin pero nakakalungkot


lang na dahil sa akin kaya siya nagkakaganun. Pero alam ko rin na hindi family ang
priority namin. Mga bata pa lang kami, ‘yun na ang sinasabi sa amin nina Mom and
Dad. If someone is in your way, even if it’s your friend, lover or family, you
should kill them and move forward. And of course, you should only trust yourself.

“Sinong...sinong makakagawa nito? Bakit...” Iyak lang siya nang iyak sa harapan
nung bangkay kaya inalalayan na siya nung isang pulis.

“April...” Pati ‘yung fiance ay halata namang nagpipigil rin ng iyak dahil
nanunubig na ‘yung mga mata niya.

“Bakit kaya ang tahimik nung employee? She’s suspicious,” biglang sabi ni Akira.

“Oo nga eh. May tinatago kaya siya?” dagdag naman ni Michiko.
Binasa ko naman ulit ‘yung autopsy report dahil naguguluhan na rin ako sa clues at
statements ng suspects habang ‘yung iba ay pinapanood pa rin ‘yung interrogation.

After a few minutes ay naggather ulit kami doon sa table at mukhang may mga
hypothesis na sila, samantalang ako ay wala.

“Ito ‘yung mga nakuha nating info,” sabay lapag ni Mayu sa isang papel na mukhang
inencode niya. “They all have motives to kill her. ‘Yung kapatid niya pala ay
matagal nang gustong magtrabaho dito sa bangko pero ayaw siyang payagan ng ate niya
kaya napilitan siyang sa iba magtrabaho though hindi ko alam kung bakit. ‘Yung
fiance naman niya ay mukhang pineperahan lang siya, ayon na rin sa employees dito.
Then ‘yung isang employee ay under ng management ni April at hindi sila magkasundo
dahil lagi raw siyang pinapagalitan ni April.”

“One of them is absolutely lying about their alibi,” dagdag ni Hideo.

“But something is weird,” sabi naman ni Mitsuo habang tinitignan niya ‘yung picture
na kinuha namin kanina.

“Ano?” tapos kinuha rin ni Naomi ‘yung isang copy ng picture.

“I-Ikaw...Ikaw ba...a-ang gumawa nito?” napatingin naman kami doon kay Andrea,
‘yung kapatid ng biktima, dahil bigla na lang niyang hinarap ‘yung employee habang
iyak pa rin siya nang iyak. Mukhang nagulat naman ‘yung employee kaya napaatras
siya.

“M-Ma’am, h-hindi ko po...magagawa kay Ma’am April...” sabi nung Tessa habang
nanginginig.

“Sigurado ka?!” Lumapit na rin ‘yung fiance at masama na rin ang tingin niya doon
sa employee.

“Bakit hindi ka na makapagsalita, Ms. Tessa?” at nakisama na rin ‘yung detective.

“Ugh! That detective is really annoying!” sabay hampas ni Michiko sa mesa.

“H-hindi po...hindi po talaga ako...” Umiyak na rin ‘yung employee dahil na rin
siguro sa pressure at takot.

Tsk. Humdrums are really weak. They break down so easily. And they blame others for
their own fault. Gusto ko nang matapos ‘to dahil kapag humaba pa ‘to ay baka hindi
ko na talaga mapigilan ang sarili ko at sugurin ko silang lahat doon.

Bigla naman akong napatingin sa harapan ko at nakita kong nakatingin sa akin si


Hideo habang nakapangalumbaba kaya napakunot ‘yung noo ko.

‘What?’ pagalit kong sagot.

‘You’re too hot-headed.’

‘Huh?!’

‘See? Your expressions are too easy to read.’

What the hell is his problem? Pakialam niya ba? Ugh! Mas nafufrustrate lang ako
dahil sa kanya! Both Senshins and humdrums are annoying!

“It’s weird, right?”

“Oo nga. Pero bakit naging ganito?”

Napatingin naman kami kina Mitsuo at Naomi na mukhang seryoso ang discussion doon
sa picture.
“What’s weird?” sabay kuha rin ni Akira ng isang copy ng picture.

Hinarap naman ni Naomi sa amin ‘yung picture na hawak niya at tinuro niya ‘yung
traces ng blood sa sahig.

“The shape is irregular. Parang nagstop or nabura ‘yung blood sa part na ‘to.”

Napatingin rin agad ako sa picture at tama nga ang sinabi niya. Tinignan ko si
Mitsuo pero nakatingin pa rin siya sa picture. Siya ang nakapansin nun. Is this
really his first time? Bakit parang hindi? His observation skill is scary. Mukhang
kailangan ko ring mag-ingat sa kanya.

Pero anong pwedeng magblock sa trace ng blood? Wait, sa pagkakatanda ko sa sinabi


ng officer kanina...at kung ako ang killer...

“His hand, knee or foot...” bigla kong nasabi kaya napatingin silang anim sa akin.

“You mean...” Mukhang naintindihan naman ni Naomi ang gusto kong sabihin.

“Yeah. Kung wala ‘yung susi doon sa damit nung bangkay, it’s either nilagay niya sa
ibang place like sa pouch or may kumuha sa kanya.”

“Then pwedeng kinuha sa kanya ‘yung susi after siyang patayin at hindi napansin
nung killer na may napunta na pala sa kanyang traces of blood,” dagdag ni Naomi.

“Wait...eh di malaki ang probability na si Bobby Torres ang killer dahil pera ang
motive niya. At may strong evidence rin dahil nawala ‘yung perang laman ng vault,”
sabi naman ni Akira.

“Though pwede ring set-up lang ‘yun para isiping pera ang motive ng pagpatay when
in fact, hindi pala,” sabi naman ni Mayu.
“It’s not me! Why would I kill my fiance? Are you nuts?”

“Mr. Bobby, marami sa employees ang nagsabing pera lang ang habol mo—”

“Sino? Sino ang nagsabi niyan?!”

“Calm down.”

Hindi ko alam kung bakit nandito pa ‘yang detective na ‘yan samantalang wala naman
siyang naitutulong. Tanga ba siya? Pagkatapos niyang i-corner ‘yung suspect,
sasabihan niya ng calm down?

“Pwede ba akong lumabas dito at sugurin ‘yung detective na ‘yun?” sabay tayo ni
Michiko at biglang may hawak na lang siyang maliit na sword. See? Hindi lang ako
ang nagpipigil para saktan siya!

“Sit down, Michiko,” sabi ni Hideo.

Bigla namang natahimik si Michiko at parang nagkaroon ng tension sa aming pito. For
the first time, nakaramdam ako ng takot na nararamdaman ko lang kapag sina Mom and
Dad ang kausap ko.

“Alam kong naiinis ka sa kanya pero wala na tayong oras. We have to solve this in
forty minutes.”

What? Forty minutes na lang? Ni hindi ko na napansin ‘yung oras.

“Sapatos...” Napatingin naman kami kay Mitsuo dahil sa sinabi niya.


“Shoeprint?” sabi naman ni Mayu.

Nagtinginan kaming pito dahil mukhang pare-pareho na kami ng naiisip.

“Do you think ‘yun ang suot niya ngayon?” sabay tayo ni Akira.

“Kung hindi niya napansin na may dugo pala doon. Pero pwede ring hindi na ‘yun ang
suot niya,” dagdag ni Naomi.

“We just need to ask them to do a luminol test,” tapos tumayo na rin si Hideo kaya
lahat kami ay napatayo na rin.

Bigla naman akong napatigil nung may kakaiba akong naramdaman. Pero kinabahan ako
nung napatigil rin silang anim sa paggalaw at naging alert sila.

Somewhere nearby...the black dimension is opening.

***

=================

Chapter 9

The black dimension was opened but after that, nawala na ‘yung presence kaya lalo
akong kinabahan. Konti lang ang may kakayahang buksan ang black dimension in a
splitsecond like my family, the Elites, Dana, Keith and Kid. For sure isa sa kanila
ang malapit sa amin pero hindi ko alam kung sino.
“Now we also have to deal with Shinigamis,” bulong ni Mayu.

“No. We need to solve this crime first,” sabi naman ni Hideo kaya napatingin silang
lahat sa kanila.

Bigla namang in-open ni Mayu ‘yung pinto ng van kaya lumabas kami at sinundan namin
si Hideo na nangunguna papunta doon sa crime scene. Pero napansin ko na tumingin
muna siya sa paligid. He’s still wary about black dimension and the Shinigami.

“Ito pala ang pakiramdam kapag nagbubukas ang black dimension.” Napatingin naman
ako kay Mitsuo. So ibig sabihin, first time niyang maencounter ang black dimension?

“You mean hindi ka pa nakakaencounter ng Shinigamis?” tanong sa kanya ni Naomi.

“I’ve heard about them but I’ve never seen one.”

Weird. Parang sanay na siya sa crimes and all pero hindi pa siya nakakakita ng
Shinigami? Well, I’m a Shinigami so that means may isa na siyang nakita, though
hindi niya naman alam.

Pumunta kami sa crime scene at napatingin sa amin ‘yung officer na kumakausap sa


suspects pati na rin ‘yung bwisit na detective.

“What are you doing here, brats?” tanong nung detective na binigyan pa kami ng
superior look. Kung hindi ko lang talaga kasama ang mga taong ‘to, wala pang isang
segundo ay wala na siyang buhay.

“We’re here again, Sir,” sabi ni Hideo sa officer at hindi niya binigyan ng pansin
o kahit sulyap man lang ‘yung detective. Halata namang nainis siya sa ginawa ni
Hideo kaya nag-iba ‘yung expression niya.
“Oh. Kayo ‘yung detectives kanina, hindi ba? The apprentices of Kyo?”

“Yes. And we’re here to expose the murderer’s identity.”

Pagkasabi nun ni Hideo ay nag-iba ‘yung tingin nung suspects at lalong nainis ‘yung
detective. Pero nagulat ako nung kilala nung officer si Kyo. Does that mean alam
nila ang identity niya?

‘Hey...’ sabay tingin ko kay Naomi.

‘Nope, if that’s what you want to ask. Hindi nila kilala si Sir Kyo as a Senshin
pero kilala siya sa police force as Criminal Hunter. He helps them provided that
his identity and appearance are only known by high ranking officials.’

Kaya pala. He’s really a troublesome man. Kailangan naming pagplanuhan kung paano
siya papatahimikin dahil hindi imposibleng malaman niya ang identity ko. I really
need to tell this to Mom and Dad.

“Huh? These kids are detectives?! Niloloko mo ba ako?” sabay tingin nung detective
doon sa officer at tinuro kami. “You’re underestimating crimes, kids.”

“Shut up. You’re not even a decent detective,” biglang sabi ni Mitsuo kaya hinampas
siya ni Naomi.

“Anong sinabi mo?!”

“Don’t worry, we’ll prove it to you,” dagdag pa ni Michiko.

Sinabi naman agad ni Hideo ‘yung tungkol sa luminol test doon sa officer kaya
inutusan niya ‘yung ibang pulis na iprepare ‘yun agad. Then hinarap namin ‘yung
suspects.
“You all have motives for killing her, right?” pagsisimula ni Mayu. Halata namang
nagulat ‘yung tatlong suspect dahil sa sinabi niya.

“My...my sister hates me. Ayaw niya akong tanggapin dito pero...pero kahit na
ganun, hindi ko magagawang patayin siya. She’s still my family,” sabi ni Andrea at
umiyak na naman siya.

“Me too. How could I kill my own fiance? Ikakasal na dapat kami next year
pero...pero nangyari ‘to,” sabi naman nung Bobby.

“H-hindi ko po ‘to magagawa kay Ma’am April. Hindi ko po siya magagawang patayin,”
dagdag ni Tessa at nakayuko lang siya.

“Hah! Kanina, iniisip ko na ikaw ang pumatay,” sabi nung detective at tinuro niya
si Tessa. “Pero ngayon, sigurado na ako na ikaw ang pumatay sa kanya!” tapos tinuro
niya naman si Andrea.

“A-ako? T-teka hindi ko pinatay si Ate!”

“Sabi mo kanina ay umuwi ka ng maaga sa apartment mo dahil masakit ang ulo mo. Pero
ang totoo ay ginamit mo lang ‘yung alibi at pumunta ka rito sa bangko habang wala
nang ibang tao at si Ms. April na lang ang nasa loob. Kung tutuusin, madadaanan mo
ang bangko na ‘to kung galing ka sa trabaho mo pauwi sa apartment mo hindi ba?”

“O-oo pero...”

“You killed her by using a silencer so that no one could hear the shot. And then
you dispose the gun or it’s still in your apartment.”

“Ano naman ang evidence mo dyan, Mr. Detective?” tanong ni Akira na mukhang
nagpipigil ng sarili sa pagsugod sa kanya.

“Of course! The weapon! Paniguradong nasa apartment niya ‘yun. At pagkatapos niyang
patayin ang kapatid niya ay kinuha niya ang susi sa damit niya para palabasing
pagnanakaw ang motibo. The money must also be in her apartment.”

“Then how would you explain the rigor mortis? What activity did she do before she
died that caused the odd rigor mortis? And how did she disable the CCTV cameras?”
tanong ni Naomi at natahimik ‘yung detective.

“Oh ano? Hindi ka makasagot ngayon?” sabay smirk ni Michiko.


Well, he deserved that. Tama lang na manahimik siya dahil isa lang siyang hamak na
humdrum na nagpapanggap na magaling. Fools like him should die in a painful way.

“Who’s the killer then?” tanong naman nung officer at lalong nag-iba ‘yung
expressions ng suspects.

“You’ll know it once the test is done,” maiksing sabi ni Hideo.

Hinintay naman namin ‘yung mga gamit for the luminol test. Habang hinihintay namin
‘yun ay nagbigay pa ng ibang ‘deduction’ ‘yung detective at kung sinu-sinong
suspects na ang tinuturo niya. Retarded ba ‘to at hindi niya kayang panindigan
‘yung mga sinabi niya kanina?

After a few minutes, dumating ‘yung dalawang officer habang may dala-dalang kit.
Lumapit naman agad sila sa amin.

“Mitsuo,” tawag ni Hideo sa kanya kaya nagnod naman siya. Humarap siya sa officer
at nagsimulang magsalita habang hawak-hawak niya ‘yung picture ng crime scene.

“I noticed that some blood traces are gone at this particular area,” then he
pointed at the picture. Lumapit naman ‘yung officer para makita niya ‘yung tinuturo
ni Mitsuo. Pero para mas makita nila ay pumunta sila sa mismong crime scene at
tinuro ni Mitsuo ‘yung part na ‘yun.

Wala na rin pala doon ‘yung bangkay dahil kinuha na kanina para sa autopsy report.
‘Yung dried blood na lang ang nandun.

“We’re pretty sure that something caused this to happen,” then tinignan niya ‘yung
suspects.
Kinuha naman nina Akira, Michiko, Naomi at Mayu ‘yung luminol test kit at lumapit
sila sa suspects.

“W-wait, anong gagawin niyo?” tanong ni Andrea.

“Aalamin namin kung sino ang killer,” sagot naman ni Akira.

“B-by using that?”

Agad nilang inispray sa suspects ‘yung luminol pero wala akong nakitang kakaiba.

“A-anong meron dito?” tanong naman ni Tessa.

“Watch and learn. Mr. Officer! Pakipatay po nung ilaw at pakisarado ‘yung blinds!”
sigaw ni Michiko sa mga pulis na malapit sa switch at sa mga bintana. Agad-agad
naman silang kumilos at sinunod ‘yung utos niya.

The next thing I knew, may blue light na naggoglow sa isang tao habang madilim.
Maski ako ay nagulat dahil tama ang deductions nila kanina sa sasakyan. Sobrang
kinilabutan talaga ako. With just a tiny clue, they found out the murderer’s
indentity.

After thirty seconds or so, nagfade na ‘yung blue light at saka ulit sinigaw ni
Michiko na buksan ‘yung ilaw. This time, sobrang naging pale ng expression ng
murderer.

“Do you have any explaining to do?” tanong ni Mayu doon sa murderer.
“I...I...”

“My guess is you accidentally killed her, right? She saw you entered this bank and
you saw her. She wanted to escape by running. That’s why the rigor mortis was sped
up.”

“And you hastily searched for the vault’s key since you know it’s location. You
probably didn’t plan it but you still did it since the chance is there. And the
trace of blood at your shoe is a solid proof,” dagdag ni Hideo.

Yes. The glowing blue light was seen at the killer’s shoeprint.

“Pero...nakuha ko lang ‘to kasi...lumapit ako sa bangkay kanina.”

“Imposible ‘yan dahil tuyo na ang dugo bago pa kayo dumating,” sabi naman ni Naomi.

“That means nakuha mo ‘yan during the crime,” dagdag ni Akira.

“And we already have evidences that you are indeed the killer. Right, Mayu?” tapos
tumingin si Hideo kay Mayu.

“Yes.” Nakita ko naman na may hawak na papel si Mayu.

“So...you’re the killer? You...you killed...you killed...her?” sabi nung isang


suspect habang nakatingin siya sa murderer.

Lumapit naman ako kay Mayu para silipin ‘yung papel at nagulat ako sa nakita ko. So
that’s what she’s working on a while ago. Kaya pala nakaharap lang siya kanina doon
sa computer. Pero nakakamangha na nakakuha siya ng ganung information within a
short period of time.

“We looked into your bank accounts and we found out that you suddenly deposited 50
million. Isn’t that suspicious,” then tinignan niya ‘yung killer. “Mr. Bobby
Torres?”
Natahimik siya bigla pagkasabi nun ni Mayu. Damn it. Hindi ko akalaing magagawa
niyang makakuha ng information gamit lang ‘yung system ni Miyu. She’s really a
genius. Wait, no. They are all genius. They solved this crime in less than two
hours!

“And the way you’re acting is really weird, Ms. Tessa. Probably because you saw
them. Right?” tanong naman ni Hideo at maski ako ay nagulat sa reaction ni Tessa
dahil namutla siya at talagang nakatitig lang siya kay Hideo. Napatingin rin sa
kanya si Bobby na halata namang gulat rin sa nalaman.

“Paano ko nalaman? ‘Yan ba ang gusto mong itanong?” napayuko na lang si Tessa after
that.

“It’s easy. You keep on looking at him like you’re seeing a ghost. Hindi ka rin
nagsasalita kanina dahil natatakot ka sa pwedeng mangyari kasi kasama mo siya.”

“T-then...p-pinatay niya si Ate d-dahil sa...dahil sa...”

“Oo. Pinatay siya dahil sa pera. He stole the company’s money,” sabi ni Akira.

“And that’s how you solve a crime and corner a criminal,” sabay tingin ni Michiko
doon sa detective na namutla rin dahil sa nangyari.

Huhulihin na sana nung mga pulis si Bobby pero nabigla kaming lahat nung bigla
niyang hinablot ang baril doon sa officer at tinutukan niya si Tessa habang
nakayakap siya mula sa likod nito. Unti-unti rin siyang naglalakad papunta doon sa
pintuan.

“Wag na wag kayong lalapit, kundi papaputukin ko ang bungo ng babaeng ‘to!”

Napatigil silang lahat sa paggalaw at wala silang magawa kundi tignan lang siya
habang unti-unting binubuksan ‘yung pinto.
“Damn! I should’ve pinned him down!” sabay gulo ni Michiko sa buhok niya sa sobrang
inis.

“We’ll chase him,” sabi naman ni Hideo.

“Ganyan ba magcorner? Hah! Ni hindi niyo nga siya nahuli—”

“Shut up, pathetic human or I’ll rip your heart out,” seryoso kong sabi sa kanya.

Natahimik siya after that. Good for him. Hindi ko na siya kayang itolerate kapag
nagsalita pa siya. Mapapatay ko na talaga siya sa sobrang inis.

Nakita naman namin mula rito na sumakay siya sa sasakyan niya at tinulak niya sa
loob si Tessa, at saka niya pinatakbo ‘yung sasakyan.

After that ay agad kaming tumakbo palabas kasama na ‘yung mga pulis na sumakay rin
sa mga sasakyan nila. Tumakbo naman sina Mayu papunta doon kay Miyu pero hindi
sumama sina Michiko at Hideo. They stared running after the car.

Ako naman ay lumayo muna sa kanila at tumakbo ako papunta doon sa isang eskinita.

I need to end this case right now. Kailangan ko nang magresearch sa mismong Tantei
High pero dahil dito ay kailangan ko pang magsolve ng crimes kasama sila. I need to
catch that man. Pero hindi ko siya kayang hulihin kung tatakbo lang ako.

I need to use it.


But they would notice it. Pero naisip ko na pwede kong gamiting cover ‘yung
nangyari kanina. Bahala na!

I observed the surroundings for the last time. Then, I immediately opened the black
dimension.

Yes. I opened it. At ngayon ay nandito na ako sa loob. For sure ay napansin nila
‘yun pero wala na akong time para alalahanin pa ‘yun. Nagnavigate agad ako rito
hanggang sa maramdaman ko ‘yung presence ni Bobby pati na ‘yung sasakyan niya. I
opened the black dimension again but at the wrong time.

Nabuksan ko ‘yun kung kailan nasa harapan ko na ‘yung sasakyan. Muntik na akong
masagasaan pero nagawa kong tumalon papunta doon sa hood at gulat na gulat ‘yung
expression nilang dalawa.

“Shit! Tabi! Wala akong makita!”sigaw ni Bobby habang pazigzag na ‘yung pagdadrive
niya dahil nakaharang ako sa view at panay naman ang sigaw ni Tessa.

Ugh! Nahihilo na rin ako! I’m just barely hanging onto it!

Nilabas ko kaagad ‘yung cards ko and I threw them at him. Nabasag ‘yung salamin at
tumama ‘yung cards ko sa balikat at braso niya na agad nagdugo. Bumunggo kami sa
pader ng isang building at nawalan ng malay si Tessa habang duguan naman ‘yung
braso ni Bobby.

Agad-agad naman akong bumaba mula doon sa hood pero nahilo ako dahil sa impact ng
pagkabunggo. Gusto ko sanang hilahin siya palabas para dalhin sa mga pulis pero
nahihilo na talaga ako.
“Hey. Are you okay?” Nagulat naman ako nung biglang nasa likuran ko na si Hideo at
napasandal ako sa kanya.

“Y-yeah.” Pumikit-pikit muna ako at iniling ko ‘yung ulo ko.

“You should be more careful. That was a dangerous stunt.” Bigla naman akong
kinabahan sa sinabi niya.

“N-nakita mo ako?”

“Nung lumabas sa isang eskinita ‘yung sasakyan, nandoon ka na sa hood.”

Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko nakita niya akong gumamit ng black
dimension.

“But I felt the opening of the black dimension.”

“Siguro ‘yung Shinigami rin kanina,” sabi ko na lang. Tumayo naman ako nang maayos
after ng ilang segundo. Then I recovered my cards. Nakita kong kumunot ang noo niya
sa ginawa ko.

“How did you do that?”

“What? Sa cards ko? It’s just like that. Since I am the owner of the cards, they
will return to me,” sabi ko na lang.

Tinulungan ko naman siyang ilabas mula sa sasakyan ‘yung dalawa at this time,
tinali niya si Bobby para hindi na siya makatakas.

After that ay dumating ‘yung mga pulis pati na rin si Miyu kaya sumakay agad kami
doon. Inexplain rin nila in detail ‘yung deduction na ginawa nila.
‘Yung pagnanakaw ng pera sa bangko ang totoong motibo ni Bobby kaya niya naging
fiance si April. Matagal na niya palang pinaplano ‘to at kagabi niya sinagawa ‘yung
paglilipat ng pera sa account niya. Pero hindi niya inaasahan na nandoon pa si
April at agad namang nalaman ni April ‘yung ginagawa niya. Kaya naman tumakas siya
dahil nakita rin siya ni Bobby at may dala siyang baril. Pero hindi siya nakatakas
at binaril siya habang tumatakbo. That explains the bullet wound sa likod niya.
Kinuha niya rin ‘yung susi sa damit niya at habang ginagawa niya ‘yun ay hindi niya
alam na may napunta na palang dugo sa sapatos niya. After that ay kinuha niya na
rin ‘yung pera sa vault kahit wala naman sa plano niya ‘yun. That was his fatal
mistake. Kung hindi niya hinanap ‘yung susi, hindi malalagyan ng dugo ‘yung sapatos
niya. He exposed his own crime because of his greediness. Still, nakita siya ni
Tessa nung lumabas siya sa bangko kaya nagtaka siya. Then she was summoned at the
crime scene kaya nagkaroon siya ng idea kung sino ang tunay na killer pero hindi
niya lang masabi.

Pero ang mas nakakagulat ay nagawa nilang isolve ang crime within two hours, just
like what Kyo instructed. Kailangan ko talagang mag-ingat sa kanila. They are
really dangerous...and smart. Lalo na sina Hideo at Mitsuo. Sila ang nakafigure out
ng major evidences.

Pagkarating namin sa agency ay nireport lang namin kay Kyo ‘yung nangyari at after
that ay dumiretso kami sa dorm. Bagsak agad ako sa kama dahil sa sobrang pagod.
Kaninang madaling araw pa ako gising at ngayon ko naramdaman ‘yung antok.

And that’s how my first day ended. Tomorrow, I’ll start my mission.

***

=================

Chapter 10
Dalawang linggo na ang nakalipas after kong makapasok sa school na ‘to pero hindi
ko pa rin alam kung nasaan ‘yung libro. Kapag pupunta kasi ako sa library, pupunta
rin sila doon. Ininspect ko na ‘yung ibang books pero mukhang wala ‘yun doon.
Siguro nasa restricted section or nasa ibang building.

“Good night!” sabay higa ni Akira sa kama niya.

Katatapos lang naming kumain at magshower dahil sobrang napagod kami ngayong araw.
PE kasi namin kanina at si Kyo rin pala ang instructor doon. Chinallenge niya kami
sa one-on-one pero ‘yung right hand at left leg lang raw ang gagamitin niya. Nainis
talaga ako nung sinabi niya ‘yun dahil masyado niya kaming ina-underestimate
pero...hindi namin siya natalo.

Sobrang lakas niya. To think na hindi namin siya kaya at halos wala pa sa kalahati
‘yung inexert niyang force to deal with us.

“Hindi ka pa ba matutulog?” tanong sa akin ni Naomi habang nagbabasa siya ng libro.

“Di pa ako inaantok.”

Pero ang totoo, hihintayin ko muna silang makatulog at saka ako pupunta sa library.
Sinara ko rin ang isip ko dahil alam kong delikado ako kapag bukas ‘yun hangga’t
nasa tabi ko si Naomi. Nilapitan ko naman siya at umupo ako sa tabi niya.

“Ano ‘yang binabasa mo?”

“Ah. Tungkol sa kung paano mag-isip ang criminals.”

“Oh.”
Sa lahat ng pwedeng basahin, bakit ‘yun pa? She’s really weird. Well sabagay,
makakatulong ‘yun sa pagsosolve ng crimes.

Sanay naman akong hindi matulog dahil tinrain ako ni Dad na maging alert kahit na
antok na antok ka na. Kaya kong hindi matulog for three to four days basta ba may
pagkain. Naalala ko dati na kami nina Kid, Keith at Dana ay hindi natulog for three
days para lang ma-ambush namin ‘yung dalawang Huntres na kumalaban sa amin. They
are really troublesome dahil sa attributes nila pero in the end, nagawa pa rin
namin silang matalo.

Ilang oras din akong naghintay para makatulog si Naomi. Pagtingin ko sa orasan, 2
AM na.

Dahan-dahan akong umalis sa kama ko at kinuha ko ‘yung ilang gamit ko. Naglakad ako
sa hallway at dahan-dahan akong umalis palayo sa dorm. Nagtago muna ako sa likod ng
buildings at chineck ko ‘yung paligid dahil baka may makakita sa akin. Kung pwede
ko lang gamitin ‘yung Black Dimension papunta sa library ay kanina ko pa ginawa
pero may detector na nakapalibot sa buong school kaya hindi pwede.

Pagdating ko sa library ay agad akong pumasok at patay na rin lahat ng ilaw. Nag-
iwan ako ng maliit na papel kanina sa may bintana para hindi ‘yun fully masara kaya
doon ako pumasok.

Ginamit ko ‘yung ring flashlight na binigay sa akin ni Mayu last week at inilawan
ko ‘yung dinadaanan ko. Pumunta ulit ako doon sa History section dahil hindi ko pa
masyadong nabobrowse ang area na ‘to. Sino ba naman kasi ang gustong malaman ang
history ng tribes namin? Ang alam ko lang ay galing kami sa iisang race called
Erityians at nagkaroon ng Tribe system dahil sa opposing ideas ng leaders.

Inisa-isa ko ‘yung books pero wala naman masyadong mahalaga ang nakalagay. Pero
nung nasa dulo na ako ay may kakaibang libro akong nakita. Hindi alphabet ang gamit
sa pagsusulat kundi puro symbols. Maski ‘yung title ng libro ay ganun din ang
nakasulat.

What the heck is this?

ҁ ѫҩ•ҩϫҁͽ ⧝ҵǂ ϫѫѣҩᵻ ҁ •ᴥϕ•ҩѯǂ ҁ⊱ǂ ͽᵻ •ѯͽͼҩ•ϫҁͽѯҁҩϠ•⨳ѫҩᵻ •ϫѫǂ ᵻ ϛǂ ∎•⋇ҩѯᴥᵻ ǂ жͽ ∎•ǂ ⋇ͽᵻ жᴥ⋇∎•⊱ҵҵжͽ ∎•ҩϠϠͽ •ͽᵻ Ϡ•ѯ⊱ᴥϭ •
ѣҩҁ•ҩͽͼѫ•ᴥҁѫҩѯ•ͽᵻϠ•ҁѫҩ⊱•⧝ҩͼͽѣҩ•ҁѫҩ•Ϟǂҵҵͽѯϫ•ᴥϕ•ǂҁ∺•ѫᴥ⨳ҩ⋇ҩѯ∎•Ϡϭҩ•ҁᴥ•ᴥϞϞᴥϫǂᵻ≬•ᴥϞǂᵻǂᴥᵻϫ•ͽᵻϠ•⧝ҩҵǂҩ
ϕϫ∎• ҁѫҩ⊱•ϠҩͼǂϠҩϠ•ҁᴥ•≬ѯᴥϭϞ•ҁѫҩ•ҩѯǂҁ⊱ǂͽᵻϫ•ͽͼͼᴥѯϠǂᵻ≬•ҁᴥ•ҁѫҩǂѯ•Ϡᴥ⨳ҩѯϫ•ͽᵻϠ•ͽ⧝ǂҵǂҁǂҩϫ∺

Tinitigan ko lang ‘yung libro after kong makita ‘yun. Then pumunta pa ako sa ilang
areas at naghanap ng mga kakaibang libro. Kaso, wala na akong makita bukod dito sa
hawak ko. Iniscan ko ulit ‘yung part ng History section kung saan ko nakita ‘to
pero napatigil ako sa paggalaw dahil sa nakita ko.

May dalawang matang nakatingin sa akin sa dilim doon sa kabilang part ng shelf at
natatakpan ‘yung mukha niya ng mga libro kaya ‘yung mata lang talaga ang nakikita.
Muntik na akong sumigaw dahil sa gulat pero nagawa kong pigilan ‘yung sarili ko at
naging alert ako.

“Sino ka?!” sabay tapat ko sa kanya nung ring flashlight pero nung tinapat ko doon
sa part kung saan ko siya nakita ay wala nang tao doon.

Huminga muna ako nang malalim. Hindi kaya guni-guni ko lang ‘yun? Pero nakita ko
talaga ‘yung mga mata niya na nakatingin sa akin eh. Imposibleng—

Bigla akong may naramdamang movement sa kaliwa ko kaya napaharap agad ako dun. Ibig
sabihin may tao talaga rito bukod sa akin.

Umatras ako ng ilang hakbang at pinakiramdaman ko ‘yung paligid ko pero sobrang


tahimik na. ‘Yung tibok ng puso ko na lang ang naririnig at nararamdaman ko.
Nagulat ako nung biglang may humawak sa balikat ko mula sa likuran kaya hinablot ko
agad ‘yung kamay niya at in-arm throw ko siya. Pero nung nasa ere na siya ay
napigilan niya ‘yung pagbagsak niya and instead ay tinulak niya ako kaya bumagsak
ako sa sahig. Agad-agad kong inilawan ‘yung mukha niya at—

“Hideo?!”

“Oh. It’s you.”

Biglang nag-init ‘yung ulo ko dahil sa kanya. Tumayo agad ako at hinarap ko siya.

“Ano bang pinaggagawa mo?! Akala ko kung sino na!” pabulong kong sigaw dahil baka
may makarinig o makakita sa amin dito.

“Nauna ako sa’yo rito. Biglang may pumasok kaya tinignan ko kung sino. Ikaw pala.”

“Ugh!”

Kinalma ko muna ‘yung sarili ko dahil any time ay baka masugod ko siya. Sobrang
kinabahan ako dun dahil akala ko ay staff at nalaman nilang spy ako or something!
Nakakainis!

“What are you doing here?” tanong niya sa akin habang naglalakad siya papunta doon
sa discussion table at binuksan niya ‘yung maliit na ilaw sa lamesa, though faint
light lang kaya medyo madilim pa rin. Sumunod naman ako sa kanya habang hawak-hawak
ko pa rin ‘yung librong nakita ko kanina.

“Wala lang. Gusto ko lang malaman ‘yung history,” palusot ko. Umupo naman agad
kami.
“History?”

“Yeah. Hindi kasi ako masyadong informed about sa history ng tribes kaya gusto kong
malaman kung anong nangyari dati.” As if. Parang sasakit ang ulo ko kung malalaman
ko pa ‘yung mga pangyayari before.

“Ah.”

“Ikaw? Ano bang ginagawa mo rito?”

“May kinalaman din sa history,” sabi naman niya.

“Like what?”

“Like the secrets of each tribes and how their abilities really work.”

Bigla naman akong naging interesado sa sinabi niya. Gusto ko ring malaman ang
tungkol doon dahil makakatulong ‘yun sa akin.

“May nahanap ka ba?” tanong ko naman.

“None,” sabay buntung-hininga niya.

Napatingin naman siya sa akin pati na rin doon sa book na hawak ko.

“What’s that?”

Hinigpitan ko ‘yung hawak doon sa libro at hindi ko alam kung anong dapat kong
gawin. Kapag pinakita ko ‘to sa kanya, may possibility na malaman niya kung ano
talaga ang purpose ko sa pagpunta rito. Pero mas magiging suspicious ako kapag
hindi ko ‘to pinakita.
“I found this earlier. Hindi ko maintindihan ‘yung nasa loob dahil puro symbols
lang ang nakasulat,” then binuksan ko ‘yung book at lumapit siya sa akin para
makita niya.

“These are not symbols. It’s the ancient writing style of our tribes.”

“Ancient writing? Talaga?” Paano niya nalaman ‘yun? Ibig sabihin ba, familiar siya
rito?

“Yes. Nakikita ko ang symbols na ‘yan sa ilang lumang buildings dito sa campus.”

“Pero alam mo kung paano ‘to basahin?”

“Hindi.”

Ugh. Walang kwenta naman oh. Akala ko magkakaroon na ako ng lead!

“Then mag—”

“Shh!”

Nagulat ako nung bigla niyang pinatay ‘yung ilaw at hinatak niya ako sa lapag
habang nakatakip ‘yung kamay niya sa bibig ko.

‘Why?!’

‘Someone is coming.’
Napatigil naman ako sa pagpupumiglas nung sinabi niya ‘yun. At base sa reaction
niya, mukhang teacher or staff ‘yun. Bigla naming narinig ‘yung pagbukas ng pinto
ng library kaya mas lalo akong kinabahan. Lagot kami kapag may nakakita sa amin
dito.

“Sinong nandyan?!”

Oh shit. We’re doomed.

***

=================

Chapter 11

Nagtatrack po ako ng tweets sa twitter so para mabasa ko po ay ito na lang ang


gamitin #SeventhSense. Thank you :)

***

Kinabahan ako nung narinig ko ‘yung boses. Hindi naman kasi ‘to tulad ng missions
ko dati na kapag may nakakita sa akin ay pwede kong patayin agad. I can’t cause
trouble here.

“May tao ba rito?!”

Naririnig ko ‘yung footsteps nung lalaki na papalapit na sa pwesto namin kaya hindi
na ako makahinga. Idagdag pa na nakatakip sa akin ‘yung kamay ng Hideo na ‘to. Nasa
gilid lang kami ng table at kapag dumiretso pa siya sa paglalakad ay matatamaan
niya kami.

Shit! Rinig na rinig ko na ‘yung paghakbang niya! Lagot talaga kami kapag nakita
kami rito. Baka kung anong isipin nila.

“Tora, anong ginagawa mo dyan?”

“Kyo?”

Sobrang erratic na ng heartbeat ko dahil narinig ko rin ‘yung boses ni Kyo. Mas
mapanganib kung siya ang makakakita sa amin dito.

“May naramdaman kasi akong motion dito sa library,” sabi nung lalaki na halos isang
metro na lang ata ang layo sa amin.

“Dito?”

“Teka. Baka naman ikaw ‘yun? Kanina ka pa ba naglalakad malapit sa library?”

“Oo.” Bigla namang naglakad ulit ‘yung Tora kaya lalo akong kinabahan pero it turns
out na naglakad siya palayo sa amin.

“Langya! Ikaw lang pala! Akala ko may nagtatago dito sa library!”

“Ang sabihin mo, hindi mo lang magamit ng tama ‘yang sixth sense mo.”

“Siraulo! Teka, papunta ka rin ba sa Intel? Mukhang may mission tayo.”

“Oo. Nagsisimula na namang gumalaw ‘yung Shinigamis.”


Unti-unting nawala ‘yung mga boses nila at hindi pa rin ako humihinga hanggang sa
hindi ko na talaga sila marinig. Binitawan naman ni Hideo ‘yung bibig ko kaya doon
lang ako nakahinga nang maayos.

‘Are you okay?’

‘Yeah.’

Pero grabe ‘yung presence ng dalawang ‘yun. Pakiramdam ko kinuha nila lahat ng
lakas ko. For sure, kasinglevel rin ni Kyo ‘yung Tora na ‘yun.

Tinulungan naman ako ni Hideo na tumayo habang hawak-hawak ko pa rin nang mahigpit
‘yung librong kinuha ko. I want to know the content of this book.

‘Let’s go.’

Sumunod naman ako sa kanya palabas ng library. Baka mamaya may pumasok na naman
dito at tuluyan na kaming mahuli.

Habang naglalakad kami pabalik sa dorm ay nagtatago kami dahil baka may makakita sa
amin. Then saka ko lang napansin na may hawak rin pala siyang libro. Teka, kelan
niya kinuha ‘yun?

Nung nakarating na kami sa dorm ay agad-agad akong umakyat sa kwarto namin. Pumunta
ako doon sa table at binuksan ko ulit ‘yung libro.
Grabe. Ano ba ‘tong symbols na ‘to? Ang sabi ni Hideo kanina, ancient writing daw
ng tribes ‘to pero hindi niya rin alam kung paano basahin. So ibig sabihin,
kailangan pa ‘tong idecode?

“Akemi?”

“Ay pusa ka!”

Muntik na akong malaglag sa upuan nung nakita kong gising na pala si Naomi.
Affected pa rin ako ng presence nung dalawang ‘yun kanina kaya medyo nagugulat pa
ako sa nangyayari sa paligid ko. Kainis! Pero nagising ba siya nung pumasok ako?
Pagtingin ko sa orasan, alas-singko na pala!

“What’s that?” Dahil nakita niya na rin naman ay wala na akong magagawa.

“Book. Pero ‘di ko mabasa.” Tumabi siya sa akin at tinignan niya rin ‘yung laman ng
libro.

“Oh. That’s the ancient writing system.”

“Alam mo rin?”

Bigla naman niya akong tinitigan at nagsisi ako sa sinabi ko.

“Ah, so magkasama pala kayo ni Hideo kanina?”

Sinarado ko na nang mabuti ‘yung isip ko. Kailangan talaga lagi akong on guard
kapag kaharap ko ang babaeng ‘to. Ang dali niyang mabasa ‘yung isip ko kahit na
nakasarado naman. Buti na lang ‘yung superficial thoughts lang ‘yung nababasa niya.
“Nung mga bata pa kasi kami ay lagi naming nakikita ‘yung symbols na ‘to sa lumang
buildings pero hindi naman namin pinapansin masyado. Hindi ko alam na may mga libro
palang nakasulat ng ganito.”

“Gusto ko silang mabasa,” sabi ko sabay buklat ulit doon sa libro.

“Well siguro naman hindi ganun kahirap i-decode ‘to.”

ҁѫҩ•ҩϫҁͽ⧝ҵǂϫѫѣҩᵻҁ•ᴥϕ•ҩѯǂҁ⊱ǂͽᵻ•ѯͽͼҩ•ϫҁͽѯҁҩϠ•⨳ѫҩᵻ•ϫѫǂᵻϛǂ∎•⋇ҩѯᴥᵻǂжͽ∎•ǂ⋇ͽᵻжᴥ⋇∎•⊱ҵҵжͽ∎•ҩϠϠͽ•ͽᵻϠ•ѯ⊱ᴥϭ•
ѣҩҁ•ҩͽͼѫ•ᴥҁѫҩѯ•ͽᵻϠ•ҁѫҩ⊱•⧝ҩͼͽѣҩ•ҁѫҩ•Ϟǂҵҵͽѯϫ•ᴥϕ•ǂҁ∺•ѫᴥ⨳ҩ⋇ҩѯ∎•Ϡϭҩ•ҁᴥ•ᴥϞϞᴥϫǂᵻ≬•ᴥϞǂᵻǂᴥᵻϫ•ͽᵻϠ•⧝ҩҵǂҩ
ϕϫ∎•
ҁѫҩ⊱•ϠҩͼǂϠҩϠ•ҁᴥ•≬ѯᴥϭϞ•ҁѫҩ•ҩѯǂҁ⊱ǂͽᵻϫ•ͽͼͼᴥѯϠǂᵻ≬•ҁᴥ•ҁѫҩǂѯ•Ϡᴥ⨳ҩѯϫ•ͽᵻϠ•ͽ⧝ǂҵǂҁǂҩϫ∺ϕᴥϭѯ•ҁѯǂ⧝ҩϫ•ҩѣҩѯ≬ҩϠ•ϕ
ѯᴥѣ•ҩѯǂҁ⊱ǂͽᵻϫ•ͽᵻϠ•ҁѫҩ⊱•⨳ҩѯҩ•ͼͽҵҵҩϠ•ϫҩᵻϫѫǂᵻ∎•ϫѫǂᵻǂ≬ͽѣǂ∎•ѫϭᵻҁѯҩϫ•ͽᵻϠ•ͼϭϫҁᴥϫ∺•ϫѫǂᵻϛǂ•ͽᵻϠ•⋇ҩѯᴥᵻǂжͽ•ҵҩϠ•
ҁѫҩ•ϫҩᵻϫѫǂᵻ•ҁѯǂ⧝ҩ•ͽᵻϠ•ҁѫҩ⊱•ҁѯͽ⋇ҩҵҵҩϠ•ͽͼѯᴥϫϫ•ҁѫҩ•⨳ᴥѯҵϠ∎•⨳ѫǂҵҩ•ϫѫǂᵻϛǂˠϫ•⧝ѯᴥҁѫҩѯ∎•ѯ⊱ᴥϭ∎•ҵҩϠ•ҁѫҩ
•ϫѫǂᵻǂ≬ͽѣǂ•ҁѯǂ⧝ҩ•ͽᵻϠ•ѫҩ•ͼᴥᵻͼҩᵻҁѯͽҁҩϠ•ҁѫҩǂѯ•ϕᴥѯͼҩ•ǂᵻ•ϛͽϞͽᵻ∺•ҁѫҩ•ѫϭᵻҁѯҩϫ•ҁѯǂ⧝ҩ•⨳ͽϫ•ҵҩϠ•⧝⊱•ǂ⋇ͽᵻжᴥ⋇•ͽᵻ
Ϡ•⊱ҵҵжͽ∎•⨳ѫǂҵҩ•ҩϠϠͽ•ҵҩϠ•ҁѫҩ•ͼϭϫҁᴥϫ•ҁѯǂ⧝ҩ∺

First paragraph pa lang, umiikot na ‘yung paningin ko. Bakit ba kasi ang kumplikado
ng writing system nila? Wala man lang bang kopya kung anong equivalent ng symbols
na ‘to?

“Hmm, I think may corresponding letters and numbers dito sa symbols na ‘to. Wait,”
then tumayo siya at kumuha siya ng pen and paper.

“Kaya ba nating madecode ‘to?”

“Let’s try,” tapos nakita ko siyang magsmile.

Mukhang mga ganitong bagay ang nakakapagpaexcite sa kanya. Hindi kami magka-
wavelength. Kasi ako, naiinis ako sa mga ganito!
Tahimik lang syang nagsscribble sa papel ng kung anu-ano. Tinry ko na ring idecode
pero sasabog na ang utak ko, wala pa rin akong maisip. Then may napansin akong
constant doon sa symbols.

“Hindi kaya space ‘to?” sabay turo ko doon sa isang symbol.

“I think so. Tapos baka comma ‘to,” then tinuro niya rin ‘yung isang symbol doon.

Ginawa kong blank ‘yung ibang symbols at pinalitan ko ng space and comma ‘yung
tinuro namin pero parang wala namang nangyari. Hindi pa rin namin alam kung anong
ibig sabihin nun. We need to know the words written here.

“Anong...ginagawa niyo?” Napatingin naman ako kay Akira na bumangon na sa kama pero
pikit pa rin ‘yung mata niya. Siguro naririnig niya ‘yung pagsusulat namin.

“Mamaya na lang natin ‘to ituloy. Baka malate tayo sa klase,” sabi ni Naomi na
tumayo na at dumiretso sa banyo.

“Natulog ba kayo?” sabay hikab ni Akira.

“Konti,” sabi ko na lang kahit na ang totoo ay wala pa akong tulog though hindi ko
naman ramdam.

Nagprepare na rin ako dahil PE na naman ‘yung class namin ngayon at makikita ko na
naman si Kyo.

Bigla ko namang naalala ‘yung nangyari kanina. Narinig ko na may mission sila about
sa Shinigamis. Ano kayang nangyari? May failed missions na naman bang nangyari sa
base? Kailangan ko na talagang magbigay ng report sa kanila at kailangan ko na rin
ng ibang info.
Lumabas kaming tatlo sa kwarto. Mukhang nauna na sina Michiko at Mayu sa klase
dahil wala nang tao sa kwarto nila. Paglabas namin sa dorm ay nakasalubong namin
sina Hideo at Mitsuo. Bigla namang pumunta si Mitsuo sa gilid ni Hideo at tumingin
siya nang masama kay Naomi. After that, nauna na silang maglakad.

“Problema nun?” tanong ni Naomi.

“Pano lagi mong hinahampas. Nagkaroon na tuloy ng automatic reaction kapag nakikita
ka,” sabi ni Akira sabay hampas niya rin kay Naomi. “Siguro ang saya na ngayon ni
Hideo dahil hindi na lang siya ang nakakatikim ng masakit mong hampas.”

“Kahit naman hampasin ko siya ng tubo, wala pa ring expression ‘yung mukha niya.”

“Hahaha! Sabagay!”

Sabay-sabay kaming pumunta sa klase habang nasa isip ko pa rin kung paano idedecode
‘yung libro.

***

=================

Chapter 12

“Ouch!”

“See? Kapag nanlaban ang isang kriminal, pwede niyo ‘tong gamitin.”

Tumayo si Mitsuo sa pagkakahiga niya. In-arm throw kasi siya ni Kyo at talagang
rinig na rinig ‘yung pagbagsak niya sa sahig. Ang lesson namin ngayon ay kung paano
ipeprevent ang pagtakas ng isang suspect or criminal kapag hinahabol siya.

By partner kami at si Naomi ang kasama ko. Ewan ko pero bigla kaming naging seryoso
pareho. Naging alert ako sa kilos niya dahil alam kong anytime ay pwede siyang
umatake.

“Oi, oi, ang seryoso niyo naman masyado—whoa! Teka! Akira!”

Nakita ko sa peripheral view ko na nung tumingin sa amin si Michiko ay ginamit ‘yun


ni Akira na opportunity para umatake.

Bigla ko namang napansin na napatingin siya ng splitsecond sa kanila at gaya ni


Akira, ginamit ko ‘yun para atakihin siya. Sinunggaban ko ‘yung braso niya at
sinubukan kong i-throw siya pero hinawakan niya ng dalawang kamay ‘yung sleeves ng
damit ko at hinook niya rin ‘yung right leg niya sa right leg ko. Dahil nasa
disadvantage ako, minadali kong yakapin siya at hinigpitan ko ‘yug hawak sa bewang
niya and I pushed her to the ground. Pero bago pa siya bumagsak ay inikot niya ako
kaya ako na ‘yung nasa ilalim.

Ang sakit sa likod! Brutal pala ang gusto mo ha?

Dahil nasa gitna ng legs ko ‘yung binti niya ay inipit ko ‘yun at finlip kaya
napasigaw siya. That time ay gumulong ako and I pinned her down.

“Okay, enough.”

Napatigil naman kami sa paggalaw nung narinig namin ‘yung boses ni Kyo. Tsaka ko
lang narealize na nakatingin na sa amin ‘yung lima.

“Ang sabi, judo techniques hindi wrestling!” sabay iling pa ng ulo ni Akira.

Tumayo naman ako at tinulungan ko si Naomi.

“Sorry. Nadala lang,” sabay bow niya sa akin.

“Masanay ka na dyan. Masyado siyang competitive,” sabi naman ni Mayu.

After ng discussion sa skills namin ay dinismiss rin kami kaagad ni Kyo dahil may
kailangan pa raw siyang gawin. Malakas ang kutob ko na tungkol ‘yun sa narinig ko
kagabi.

Agad-agad naman kaming bumalik sa dorm. Pero pagdating namin sa room ay nagpalit
lang ng damit si Akira tapos sinundo siya ni Michiko then lumabas na sila.

“Saan sila pupunta?”

“They have their own training menu to improve their sixth sense,” sagot ni Naomi.

“Oh.”

Dati hindi ko lang pinapansin ‘yung pag-alis-alis ni Akira sa kwarto. ‘Yun pala
nagtetraining siya?
“Magdedecode ba ulit tayo?” Hindi ko alam pero parang excited siya. Wow ha.
Naeexcite talaga siya sa pagdedecode? Gaano ba kaboring ang buhay ng isang ‘to?

“Fine.”

Nilabas ko ulit ‘yung libro at sinimulan ulit namin ‘yung pagdedecode. Ilang oras
na kaming nagsusulat ng kung anu-ano at medyo may sense naman ‘yung nabubuo namin.

“Oh. Erityian race? Nandito ‘yung tribes,” then tinuro niya ‘yung isang paragraph
sa first page. “Four tribes emerged from Erityians and they were called Senshin,
Shinigami, Huntres and Custos.”

Sinimulan naman naming i-rewrite ‘yung first page kahit na ang sakit sa mata at sa
utak. Nakita ko naman na exhausted na ‘yung mata niya. Hindi siguro siya sanay sa
walang tulugan.

“Yep.”

“So binasa mo na ‘yung isip ko.”

“Mm. Pero ‘yung superficial thoughts lang. Pareho kayo ni Hideo, laging tight ang
isip. You must have dark secrets,” sabay ngiti niya pa ng inosente.

Shit. Bull’s eye. Kung alam niya lang na tama ‘yung sinabi niya. She’s really
dangerous.

Tumayo naman siya at kukuha lang daw siya ng maiinom namin habang ako ay patuloy pa
ring nirerewrite ‘yung paragraphs. Tsk. So history book lang ‘tong nakuha ko? O
baka naman may important part sa bandang gitna o dulo? I need to know their
secrets. Like our Black Dimension, siguradong meron ring kakaiba sa Senshin tribe
bukod sa sixth sense nila.

“Here.” Tinignan ko naman si Naomi habang papalapit dito at may hawak siyang
dalawang baso ng juice. Pero nagpanic ako nung bigla siyang natapilok bago pa niya
maiabot sa akin ‘yung baso.

“Whoa! Whoa!”

Bigla namang nagreact ng kusa ‘yung katawan ko dahil baka mabasa ‘yung libro at
tinitigan ko ‘yung bumabagsak na baso...and I repelled it. Tumilapon sa dulo ng
room namin ‘yung baso at tumama sa pader kaya nabasag.

“That’s your...”

“S-sorry.”

Tumakbo agad ako doon sa direksyon kung saan nabasag ‘yung isang baso at nakita ko
na nagkalat sa kwarto namin ‘yung mga basag na piraso.

Ugh. Tanga! Bakit ko ba ginawa ‘yun?!

“Matagal na akong nacucurious sa sixth sense mo. So this is it,” then tumulong siya
sa pagpulot ng bubog.

“Kaya ba hindi mo ginamit ‘yung sa’yo?” Sa pagkakatanda ko kasi, kaya niyang i-


freeze ang time within three seconds. Kung ginawa niya ‘yun, eh di sana hindi rin
nabasag ‘yung baso!

“Nope. Hindi ako nakapagreact agad eh. Dala na rin siguro ng antok,” sabay ngiti
niya pa. Hindi naman siya masyadong masaya na nalaman niya ‘yung sixth sense ko no?
Ilang linggo kong tinago sa kanila ‘yung sixth sense ko. Alam ko namang nacucurious
rin sila that’s why I want to tease them. Pero dahil lang sa pagkaantok ni Naomi,
nalaman na niya?!

Ano pa nga bang magagawa ko?

“But your sixth sense is cool. Kaya mong i-repel ‘yung makikita mo?”

“Same as yours. Kaya mong i-freeze ‘yung nakikita mo.”

“Then does that make us partners?”

Partners? Ano namang ibig niyang sabihin?

“Alam mo, kapag nagsosolve kami dati ng crimes, laging si Hideo ang nakakahuli sa
killer.”

“Uhmm...”

‘Masanay ka na. Masyado siyang competitive.’

Naalala ko bigla ‘yung sinabi ni Mayu kanina. Mukhang alam ko na kung saan papunta
‘to.
“Sa susunod na crimes, unahan natin siya.”

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kapag tinulungan ko siya sa gusto niya, pwede
rin akong humingi ng favor sa kanya. At gusto ko ring makita ang defeated
expression ni Hideo. Aba, paano feeling boss siya! Bakit siya ‘yung lagi naming
sinusunod kapag sa crimes o kahit sa group activities sa klase?!

“Deal?”

“Deal.”

“Okay. Pero pano natin lilinisin ‘to?” sabay turo niya sa mga bubog na nagkalat sa
kwarto namin. For the first time, nakita kong nag-iba ‘yung expression niya. I mean
hindi na ‘yung seryoso. Nakapout siya at parang bothered na bothered siya sa
sitwasyon namin ngayon.

Pagkatapos ng ilang oras na paglilinis namin ay agad-agad na nakatulog si Naomi.


Siguro dahil konting oras lang siyang nakatulog kagabi dahil sa pagdedecode namin,
tapos sobrang pagod rin kami ngayon. After that ay dumating rin agad sina Michiko
at Akira. Mabilis ring nakatulog si Akira nung pagkadating niya sa kwarto.

Ilang oras pa akong naghintay bago ako bumangon sa kama at kinuha ko ‘yung black
cape ko. That way, mas makakapagblend ako sa dilim.

Lumabas ako ng dorm at dahan-dahan akong naglakad papunta sa gubat kung saan mahina
lang ‘yung detector ng Black Dimension.

Pero bigla kong nakita ‘yung ibang teachers na naglalakad papunta sa Intel
department kaya agad akong nagtago sa likod ng bushes. Cinonceal ko rin ‘yung
presence ko at sinubukan kong kumalma.
“The president is asking for the impossible. How can we convince those tribes to
ally with us?”

“Pero may point naman siya. Malaki ang maitutulong ng alliance.”

“Pero paano? Sobrang gulo pa ngayon ng Huntres dahil sa nangyari at ayaw rin namang
makipagcommunicate ng Custos.”

Nung makalayo na sila ay saka lang ako nakahinga. Pero nabother ako sa usapan na
‘yun. Bubuo sila ng alliance? Para ano? Para pagkaisahan kami? These damn tribes!

Tumayo agad ako para maglakad pero napatigil ako dahil sa narinig ko at sobrang
kinabahan ako.

“Saan ka pupunta?”

I saw Hideo behind me and I feel that he’s really suspicious of me.

Patay.

***

=================

Chapter 13
***

“Saan ka pupunta?”

“Bakit? Sasama ka?”

Hindi naman siya kaagad nakasagot. Kailangan ko munang tanggalin ‘yung suspicion
niya sa akin and at the same time, kailangan ko ring maging aggressive. Napansin ko
naman na naka-all black siya. Siguro para hindi rin siya masyadong mapansin.

Bakit ba kasi lagi akong nahuhuli nito...oh wait. His sixth sense! Kainis! Bakit
kasi hindi pa siya natutulog? Damn him and his sixth sense!

“You’re acting suspicious,” sabi niya sa akin.

“You too. Bakit mo ba ako sinusundan? May kailangan ka ba sa akin?” sabay taas ko
ng mukha ko para hindi niya mahalatang nagpapanic na ako sa loob-loob ko.

“I’m on my way to the library, then I saw you walking.” Tinaas niya ‘yung kamay
niya at may hawak siyang libro. ‘Yun ba ‘yung kinuha niya sa library last time?

“Oh eh ‘di pumunta ka na sa library.”

Tinalikuran ko siya at naglakad ulit na parang walang nangyari pero narinig ko


‘yung footsteps niya na papalapit sa akin. Ugh! Paano ko ba tatakasan ang isang
‘to? Sobrang hirap gumalaw sa school na ‘to!

Bigla ko namang naalala ‘yung sinabi ni Naomi kanina kung bakit umaalis minsan si
Akira. Hmm. Might as well use that as an excuse.
“Pupunta ka sa gubat? Alam mo bang bawal pumunta doon ng ganitong oras?”

“Alam ko.” Patuloy pa rin akong naglalakad at hindi ko siya nililingon.

“Then why?”

“Because I can break the rules,” sabay hinto ko sa paglalakad at humarap ako sa
kanya.

“Are you an idiot?”

Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig ko pero mas lalo lang akong nainis nung
nakita ko ‘yung ‘deadface’ niya. Paano niya nagawang sabihin sa akin ‘yun ng wala
man lang ka-expre-expression?

“Ang sinasabi ko lang, Mr. Genius, hindi ako takot sa punishments dahil confident
ako sa kakayahan kong makatakas sa ganun. I am not a coward like you na
nirerestrict ang sarili sa rules ng school na ‘to,” then I gave him a sarcastic
smile.

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinatak ‘yung braso ko at nagbago ‘yung tingin
niya. Did I provoke him too much?

“What did you say? Coward?”

“B-bakit? Hindi ba?” First time ko lang siya nakitang ganito kaseryoso kaya
kinabahan ako bigla. Nagsink-in sa utak ko na nasa danger ako kaya parang kusang
kumilos ang mga kamay ko at inabot ko ‘yung cards sa bulsa ko.

I threw one at his face pero naiwasan niya at nasalo pa ng kamay niya. Lalo akong
kinabahan dahil nag-initiate ako ng attack and I failed. Siguradong iniisip niya
nang gumanti.
“Scared?” then bigla siyang nagsmirk. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagsabi niya
ng scared o sa ngiti niya kaya ko biglang sinipa ‘yung binti niya. Akala ko
napuruhan ko na siya dahil biglang lumuwag ‘yung hawak niya sa braso ko pero
nagulat ako nung biglang hinook niya ‘yung binti niya sa binti ko at naramdaman ko
na lang na bumagsak ako sa lupa.

Tumayo siya at tinignan niya lang ako habang nakahiga.

“Fine. I won’t follow you anymore,” tapos tumalikod siya at naglakad siya papunta
sa library.

Hindi naman ako nakagalaw ng ilang segundo dahil sa nangyari. Kinalma ko muna ‘yung
sarili ko at saka ako tumayo.

Anong nangyari sa kanya? Bakit biglang nagbago ‘yung isip niya? Hindi kaya may
pinaplano na naman siya? At kahit naman hindi niya ako sundan, posible pa ring
makita niya ako dahil sa bwisit na sixth sense niya. Kung alam o lang ‘yung blind
spot ng sixth sense niya ay pwede ko siyang matakasan.

Hindi ko tuloy alam kung tutuloy ako sa balak ko o hindi. Sinadya niya ba ‘yung
gawin para guluhin ang utak ko?

Magsisimula na sana ulit akong maglakad pero bigla kong nakita si Mayu na
naglalakad papunta sa Technology...wait, saan siya pupunta? Lumagpas na siya sa
Tech Department ah?

Hindi ko naman napigilan ang curiousity ko at sinundan ko siya within a safe


distance. May coat rin siyang suot gaya ko. Mukhang normal na dito ang pumuslit
tuwing gabi ah. O kami lang ang gumagawa nun?

After a few minutes, huminto siya malapit doon sa eastern side ng gubat at
palingun-lingon lang siya. May hinihintay ba siya?

Bigla namang may dumating na lalaki at after that ay niyakap niya si Mayu. Nagulat
naman ako nung nakita kong umiiyak siya.

“You’re coming back, aren’t you?” Ngumiti ‘yung lalaki sa kanya at hinaplos niya
‘yung buhok ni Mayu.

“Oo naman. I’ll be back for you and for our son.”

What? So siya ‘yung asawa niya? Wait mag-asawa na ba sila? At siya ‘yung tatay ni
Hiroshi! Whoa. Hindi mo talaga aakalaing may anak na sila. Pero bakit sila
nagpapaalam sa isa’t isa? Aalis ba siya?

“Tahan na.”

Napatalikod na lang ako. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko. Malaki ang
possibility na nakamanman pa rin sa kilos ko si Hideo at baka makita rin ako ni
Mayu kapag pumunta pa ako sa gubat. Tsk. No choice. Kahit sinabi ko kay Hideo
kanina na hindi ako takot mahuli, kailangan ko pa ring mag-ingat dahil identity ko
ang nakataya rito.

Naglakad ako pabalik ng dorm at sinigurado kong walang makakapansin sa akin.


Tumakbo naman agad ako sa kwarto at pagdating ko doon ay gising na si Naomi kaya
para akong nafreeze sa kinatatayuan ko.
“Saan ka galing?”

Ugh! Bakit ba ang galing tumiming ng mga taong ‘to?!

“Pupunta sana ako sa gubat para magtraining din. Nainggit kasi ako kay Akira at
Michiko pero nakasalubong ko si Hideo at sinabihan akong bawal daw.” Kalmado kong
pag-eexplain sa kanya. “Tss. Ano bang pakialam niya?” bulong ko naman sa sarili ko
nung naalala ko na naman si Hideo.

“Ah. So gusto mong magtrain secretly?”

“Oo. Tsaka nakita ko rin si Mayu na may kasamang lalaki. Asawa niya ba ‘yun?”

Bigla namang naging seryoso ‘yung mukha ni Naomi. Umupo ako sa kama at hinintay ko
siyang magsalita.

“Alam kong nagtataka ka dati pa kung bakit ang aga magkapamilya ni Mayu.”

“Bakit? May reason ba ‘yun?”

“Yes. It’s actually because of their bloodline.”

“Bloodline?”

“Kilala ang family nila dahil sa bloodline nila. First ay dahil ‘yung sixth sense
nila ay mostly useful sa technology. Second, ay ‘yung pagbuo nila ng pamilya.
Ordinary lang naman ‘yung guys pero sa mga babae, may kakaibang nangyayari.”
Dati pa ako curious na curious dito kaya mas naging attentive pa ako sa pagkukwento
niya.

“Sa teenage years lang ng mga babae nangyayari ang pagiging fertile nila at ‘yun
lang ang chance para magkaanak sila.”

“What? Seryoso ba ‘yan?”

“Mukha ba akong nagjojoke?” Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa sinabi
niya dahil hindi ako sanay na ganito ‘yung way ng pagsasalita niya. Kumbaga, siya
ang babaeng version ni Hideo. Pareho silang stone cold!

“I heard that,” sabi niya naman.

“Totoo naman eh. Anyway, tuloy mo na ‘yung sinasabi mo.”

“Fine. Ayun nga. Pagtungtong kasi nila ng twenty ay nagkakaroon ng special reaction
‘yung katawan nila sa sperm cells kaya walang fertilization na nagaganap. Kaya
naman kapag may babae sa family nila, bata pa lang sila ay hinahanda na nila ‘yung
pag-aasawa para makilatis ‘yung lalaki at pagtungtong ng 18 or 19 ay kailangan na
nilang magkaroon ng anak. Or else, hindi na siya magkakaanak. And since next head
si Mayu ng family nila, kailangan niya ng successor.”

After niyang mag-explain ay napagconnect-connect ko rin lahat ng katanungan ko sa


pagkatao ni Mayu. Kaya pala ang aga niyang magkaroon ng anak.

“Wait. Eh bakit hindi sila magkasama ng asawa niya?”

“Nasa Intel department kasi si Shiro at halos lahat ng nasa department na ‘yun ay
busy. Hindi sila masyadong nagkikita.”

“Mukhang aalis ‘yung asawa niya kasi nagpapaalam sila sa isa’t isa kanina.”

“What? Talaga?”
Mukhang nashock naman siya sa sinabi ko. Pero saan kaya pupunta ‘yung asawa niya?
Sa pagkakaalam ko, ang head ng Intel department ay ‘yung current President.

“The president is asking for the impossible. How can we convince those tribes to
ally with us?”

“Pero may point naman siya. Malaki ang maitutulong ng alliance.”

“Pero paano? Sobrang gulo pa ngayon ng Huntres dahil sa nangyari at ayaw rin namang
makipagcommunicate ng Custos.”

Bigla kong naalala ‘yung usapang narinig ko kanina. Hindi kaya may kinalaman doon
‘yung pag-alis niya?

Pinabalik naman ako ni Naomi sa pagtulog dahil hapon pa naman ang klase namin.
Dahil almost two and a half days na rin akong hindi natutulog, humiga na rin ako
para magpahinga.

***

The next day, nagklase kami about sa Psychology at after that ay naglie low muna
ako sa pagtakas tuwing gabi. Ayokong paulit-ulit na maging suspicious sa akin si
Hideo at pati na rin si Naomi.

“Hoy.”

Napalingon naman ako at nakita ko si Mitsuo na nakasunod sa akin. At ang ganda ng


tawag niya sa akin ha.

“Hoy rin. Bakit?”

“May kopya ka ba ng libro na hiniram ni Hideo?” Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Tsaka bakit niya sa akin tinatanong?

“Huh? Anong libro?”

“The one with the ancient writing. Napansin kong lagi kayong nagpapakiramdaman
pagkatapos makuha ni Hideo ‘yung libro. Aksidente ko lang nakita ‘yun sa kwarto
namin at nacurious ako sa laman nun. Malakas ang kutob ko na meron ka ring ganung
libro.”

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Walang hiya. Hindi ko rin pala dapat
inuunderestimate ang isang ‘to. His deducting skill is unbelievable!

“Akemi, tara na.” Napalingon naman ako kay Naomi at napangiti ako dahil may naisip
ako. Tinignan ko ulit si Mitsuo.

“Oo meron pero na kay Naomi na. Hiramin mo sa kanya kung gusto mo. Bye,” sabay
ngiti ko sa kanya.

Now I just need to plan my next move. I need to be careful of this people. Dana. I
need to contact Dana.

***

=================
Chapter 14

“Bakit ba ayaw mong ipahiram sa akin?”

“Wala nga kasi sa’kin. Na kay Naomi. Sa kanya mo hiramin.”

“Tsk.”

Hindi ko alam pero nag-eenjoy akong asarin ‘tong si Mitsuo. Ayaw niyang lumapit kay
Naomi dahil siguro mahilig manghampas si Naomi. Pero ano naman ‘di ba? Parang
hampas lang. ‘Di naman siya mamamatay doon.

Naisip ko naman agad ‘yung libro na ‘yun. Dahil alam ko na kung paano idecode ay
hindi ko na ‘yun kailangan kaya nga pinahiram ko na kay Naomi dahil interested
siyang basahin ‘yun. Tungkol lang naman sa history ng tribes ang laman nun at
palagay ko ay wala doon ‘yung tungkol sa hidden skills ng bawat tribes. For sure ay
nasa restricted section o sa lugar na hindi madaling makita ‘yung about doon. Gusto
ko nang hanapin ‘yun pero hindi ko magawa dahil nag-iingat ako kina Hideo at Naomi.
Alam kong suspicious na sila sa akin kaya ayaw ko munang gumalaw.

Umuwi muna ako sa dorm habang ‘yung iba ay pumunta doon sa plaza. Inaaya nga nila
ako pero ang sabi ko medyo masakit ang ulo ko kaya hinayaan na nila ako.

Pagdating ko sa kwarto, tinignan ko muna ‘yung paligid kung may kakaiba. Pumunta
ako sa closet ko at kinalkal ko ‘yung pinakailalim nun. The vial is still safe.

Kinuha ko ‘yung vial na ‘yun pati na rin ‘yung isang card ko. This is the only way
to contact Dana. Hindi naman kasi ako pwedeng magtravel sa Black Dimension papunta
sa base namin dahil for sure ay hahanapin ako ng mga ‘yun.
Dugo ni Dana ang laman ng vial. Actually, I have a lot of vials containing my
friends’ blood. Isa rin kasi ‘to sa ways para macontact sila.

Sinulat ko sa isang maliit na papel lahat ng information na nakalap ko at dinikit


ko ‘yun sa card ko. I marked it with Dana’s blood at hinintay kong matuyo. After
that ay nilagay ko muna sa bulsa ng damit ko.

Humiga muna ako sa kama at nagpahinga.

Grabe. Mahigit isang buwan na ako dito pero wala pa ring progress. Hindi ko akalain
na ganito kahirap kumuha ng information about sa tribe na ‘to. Buti na lang talaga
at hindi nila ako nadedetect because of my special case.

“Hey!”

Naputol naman ‘yung pagpapahinga ko nung biglang bumukas ‘yung pinto at pumasok si
Michiko.

“Bakit?”

“Tara! Tara!” bigla naman niya akong hinatak palabas sa kwarto.

“Teka, bakit ba?”

“May bagong case!”

Sabay kaming tumakbo papunta sa labas ng dorm at nasa harapan si Miyu. Pagbukas ko
ng pinto ay bigla akong tinulak ni Michiko.

“Shi—”

“You’re welcome.”

Inayos ko naman agad ‘yung sarili ko. Tss. Sa lahat ng pwedeng makasalo sa akin,
‘tong si Hideo pa. Tapos parang nangmomock pa siya!

“Sorry Akemi!” sabay peace sign sa akin ni Michiko. Isa pa ‘to eh. Bakit kasi
nanunulak? Siya kaya itulak ko palabas?

Umupo kami doon sa gitna habang umandar na si Miyu. Sa kasamaang palad ay nasa
pagitan ako nina Mitsuo at Naomi, habang nasa harapan ko naman si Hideo.

This position is hell.

“We received the notice a while ago. May car accident na nangyari malapit dito
kaya tayo ang nanotify,” sabi ni Mayu.

Bigla ko namang naalala ‘yung nakita ko last time. Hindi pa rin talaga ako
makapaniwala sa nalaman ko tungkol sa kanya. Ibig sabihin hindi na siya ulit
magkakaanak dahil tapos na ‘yung teenage years niya.

Napatingin naman ako kay Naomi at naisipan kong asarin ‘yung isa ko pang katabi.
“Tapos mo na ba ‘yung pinahiram kong book sa’yo?” tanong ko kay Naomi at biglang
napatingin sa amin si Mitsuo.

“Hindi pa. Nasa kalahati pa lang ako. Bakit? Kukunin mo na ba? Sabi ko ako na lang
magbabalik nun ah?”

“Ah. May gusto rin kasing manghiram,” tapos pasimple akong tumingin kay Mitsuo at
nagsmirk ako sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya natawa ako.

“Sino? Ikaw ba?” sabay turo naman ni Naomi kay Hideo.

“What?” sagot naman niya at tumingin siya sa amin.

This time, ako naman ang sumimangot. Naalala ko na naman ‘yung ginawa niya nun sa
gubat pati na ‘yung pagsabi niya na hindi na niya ako susundan. Hindi ko alam kung
bakit nagbago ‘yung isip niya that time at dahil din doon ay mas lalo akong naging
cautious sa mga kinikilos ko.

“Hindi no. Bakit ko naman siya papahiramin?”

“I have my own copy. Hindi ko na rin kailangang manghiram sa kanya dahil sabay
naming kinuha ‘yun.”

Bigla namang lumapit sina Akira at Michiko sa amin at tinignan nila ako nang
nakakaloko.

“Sabay niyong kinuha? Sa pagkakaalam ko, madaling araw ‘yun kinuha ni Akemi. Don’t
tell me magkasama kayo sa library that time?”

Naikwento ko pala kay Akira ‘yung ginawa kong pagkuha ng libro sa library pero
hindi ko sinabing kasama ko si Hideo that time. Nahuli niya kasi ako nung madaling
araw na nagbabasa nung libro at tinanong niya kung saan ‘yun galing.

“Yes,” sagot niya habang nagtitingin-tingin lang siya sa mga papeles na nakakalat
sa lamesa.

“Kayo ha. May secret meeting pa kayo sa library!” tapos ngumiti na naman si
Michiko.

“Nagkataon lang na nagkita kami. It’s not what you think,” sabi ko na lang.

“Ano ba sa tingin mo ang iniisip namin?” dagdag pa ni Akira.

Bigla namang hinawakan ni Michiko ‘yung mukha ni Hideo ng dalawang kamay niya at
hinarap niya sa kanya.

“Nagbibinata ka na. Congrats! Now, smile!” sabay binanat niya ‘yung pisngi ni
Hideo.

Nagtawanan sila dahil doon at natawa na rin ako dahil hindi bagay sa kanya ang
nakangiti. Ang creepy! Siguro dahil nasanay na ako sa stone-cold expression niya.

‘Shinigami, detected. Custos, detected.’

Napatigil kami sa pagtawa nung sinabi ‘yun ni Miyu. Lumapit agad sa main computer
si Mayu at nagtye siya ng kung ano at nag-appear ‘yung hologram sa harapan namin.
Parang radar ‘yun at may tatlong dots doon—isang Shinigami at dalawang Custos.
“Anong gagawin natin?” tanong ni Michiko.

“I’ll go and check the situation.”

Tumayo bigla si Hideo at huminto naman si Miyu.

“Sasama ako,” sabi ko at tumayo rin ako.

“Why?” Nagsususpetsa na naman ba siya sa akin?

“Because I want to.”

Bahala na.

Inunahan ko siyang bumaba at sumunod naman agad siya. Gusto ko talagang makita kung
anong nangyayari doon. Malakas kasi ang kutob ko na kilala ko kung sino ang
Shinigami na ‘yun.

“Hideo! Akemi!” bigla naman kaming napatingin kay Mayu at may hinagis siya sa amin.
“Use that to track us. Sumunod agad kayo and don’t do anything stupid.”

After that ay umandar na sila at napatingin naman ako sa hawak ni Hideo na parang
relo. I think it’s a tracker dahil may dalawang dots doon at isang box.

“Let’s go.”
Tumango naman ako at sinundan ko siya. Tumakbo kami papunta sa place kung saan
nadetect ‘yung Shinigami at Custos. Habang papalapit kami ay nararamdaman ko na
nagbubukas-sara ‘yung Black Dimension.

“Stay close to me,” tapos humarang siya sa akin.

Likod niya lang ang nakikita ko habang papalapit kami sa place. Ngayon ko lang
nakita ‘yung protective side niya. Pero wala akong panahon para pansinin pa ‘yun.

This is my chance to do my plans. I have to succeed.

***

=================

Chapter 15

Nasa likod kami ngayon ng isang building at cinonceal ko ang presence ko. Bigla
namang tumingin sa akin si Hideo kaya kumunot ‘yung noo ko.

“What?”

“Akala ko nawala ka. I can’t feel your presence.”

See? It’s effective. Bata pa lang kami ni Rin, tinuruan na kami ni Dad para
iconceal ang presence namin sa mga tao. I guess kami lang ang kayang gumawa
nun...or dahil hindi nila alam kung paano?

“How did you do that?” tanong niya sa akin.

“Sorry. Para lang sa awesome people ‘yun.”

Sasagot pa sana siya pero bigla kaming nakarinig ng crashing sounds kaya lumapit
kami sa direksyon na ‘yun. Then we saw a lifeless body—wait. He’s still moving!

Agad-agad tumakbo si Hideo papalapit sa kanya kaya sumunod ako kahit na nabobother
ako dahil nararamdaman ko na naman ‘yung pag-open ng Black Dimension. It’s actually
a blessing in disguise pero kailangan kong planuhing mabuti ang gagawin ko or else
I’ll blow my covers off.

The guy has a deep wound on his chest at halos kumalat na ‘yung dugo sa buong
katawan niya pero nagawa niya pang itaas ‘yung hawak niyang baril at tinutok niya
sa amin at tinignan niya kami nang masama with his blood-red eyes.

“We’re not enemies.”

“Don’t—”

“We’re Senshins.”

Halos masabi kong, and I am not pero pinigilan ko ‘yung sarili ko.

Pagkasabi ni Hideo nun ay napatigil ‘yung lalaki at nagwince siya. Maski ako
nasasaktan para sa kanya. It’s better to be dead than to feel the pain of that
terrible wound.

“And...we’re...n-not allies...e-either.”

“Wag kang gumalaw—”

“Oh. Buhay ka pa.”

Bigla na lang bumukas ‘yung Black Dimension sa harapan namin and blood splattered
everywhere. He slit the Custos agent’s throat at natalsikan kami ng dugo niya.

Biglang pumosisyon si Hideo sa harapan ko habang nakarang ‘yung left hand niya.
Naging alert siya dahil sa nangyari and I acted the same way. And right after that,
nagkatinginan kami nung Shinigami.

I knew it.

Tinitigan ko siya nang mabuti at hiniling ko na sana maintindihan niya ‘yung tingin
ko. I can’t risk to speak with him using our minds lalo na at nasa pagitan namin si
Hideo. Sobrang kinakabahan ako dahil nung huli kaming nagkita, ang sinabi ko sa
kanya ay pupunta ako sa ibang bansa para sa isang mission.

And now he saw me together with a Senshin.

Sa lahat ng pwedeng makaencounter, bakit si Kid pa?


As expected, confused ang expression niya. Magsasalita na sana siya pero naunahan
ako ng takot kaya inunahan ko na siya.

“You’re a Shinigami, aren’t you?” tanong ko kaagad at napalingon sa akin si Hideo


at tinignan niya ako nang kakaiba. Of course. I asked a stupid question.

Akala ko katapusan ko na pero biglang nagbago ‘yung expression ni Kid. He grinned


at me at alam kong nagets na niya kung bakit ako nandito ngayon. And I hope ay
hindi siya magsasabi ng kung ano.

“Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita?” then nilabas niya ‘yung lance niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sumakay siya sa plano ko o maiinis dahil
feeling ko ay pinaglalaruan niya ako. Pero kahit papaano, nabunutan ako ng tinik sa
dibdib dahil hindi nareveal ang pagkatao ko.

“Stay behind me. This one’s dangerous,” bulong ni Hideo habang nakatalikod siya sa
akin.

“Hooh. Ganun ka ba kahina para protektahan niya?” then Kid smiled again.

Damn you, Kid. Mukhang ineenjoy niya masyado ang pagiging passive ko. Humanda ka sa
akin kapag nakabalik ako sa base! Nagulat naman ako nung biglang naging seryoso
‘yung itsura niya...like those times kapag malakas ang mga nakakalaban namin.
“Sorry but I don’t like the view.”

The next thing I knew, nawala na siya sa harapan namin at naramdaman ko ‘yung
pagbubukas ng Black Dimension sa likuran ko. I was acually tempted to open it too,
pero kinontrol ko ang sarili ko.

Hinatak bigla ni Hideo ‘yung braso ko pero huli na ang lahat. Kid enclosed his arms
around my neck and he pointed his knife on me.

“You’re slow, Miss Senshin.” Halos ang lapit niya sa tenga ko nung sinabi niya ‘yun
at sobrang kinilabutan ako. Damn it! He’s really mocking me!

“Pakawalan mo siya.”

Lalo naman akong kinilabutan nung narinig ko ‘yun galing kay Hideo. I can sense the
seriousness...and threat in his voice. Pero dahil doon ay naging seryoso ulit si
Kid.

Why am I in the middle of this?!

Bago pa ako tuluyang mainis at mawalan ng control ay mabilis kong inabot ang cards
ko sa bulsa ko. I sliced his arm and he winced in pain. Agad-agad akong tumakbo
papunta kay Hideo tapos nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung kamay ko. I
attacked Kid again at this time, hinagis ko ‘yung dalawang cards sa kanya pero
nasangga niya ng lance niya.
Sinamaan niya ako ng tingin at nginitian ko siya for a splitsecond.

“You okay?”

“Y-yeah.”

Hindi ko alam kung si Hideo ba talaga ‘to o ano. Hindi ako sanay na ganito
siya...kaprotective to the point na kinikilabutan ako sa kilos niya.

Bigla namang may tumunog doon sa kabilang eskinita at napalingon kaming tatlo.
Tinignan kami ni Kid nang masama...well, si Hideo lang. He gave me a mocking look.

“Well done, Miss Senshin. I’ll remember this. But for now, you are not my
priority.”

After sabihin ‘yun ni Kid ay nawala na siya at mukhang sinundan niya ulit ‘yung isa
pang Custos. Nagcollapse ‘yung binti ko pagkatapos. Not because I’m scared of him,
hell no! Pero dahil sa sobrang kaba na muntik nang mabunyag ang pagkatao ko. Buti
na lang at naintindihan agad ni Kid ‘yung sitwasyon though nakakainis ‘yung acting
niya.

“You’re not okay.”

Hinintay niya naman na kumalma ako at nung bumalik na ‘yung senses ko ay tumayo
agad ako. Napatingin kami doon sa Custos na namatay at pareho kami ng tanong sa
utak—anong gagawin namin sa kanya?
Nagdecide kami na takpan na lang muna siya ng mantel. For sure ay may magtatrack sa
kanya dito—either the Senshins, Shinigamis or the Custos.

Naconscious naman ako nung nakita kong nakatitig lang sa akin si Hideo.

“Ano? Bakit may—” at napatigil ako sa pagsasalita nung hinawakan niya ‘yung mukha
ko. Tsaka ko narealize na pinunasan niya ‘yung dugong tumalsik doon.

“You’re a mess.” Pagkasabi niya nun ay napatingin ako sa damit ko at totoo nga. May
mga bahid ng dugo ‘yung damit ko. Bwisit. Kid could’ve killed that guy in a cleaner
way!

“Nagsalita ang malinis,” tapos nagsmirk ako sa kanya. Puti pa naman ‘yung damit
niya kaya halatang-halata ‘yung bahid ng dugo.

Dahil hindi kami pwedeng maglakad ng ganito, kinontact niya sina Mayu at sabi nila
ay within ten minutes ay makakarating sila dito. Nalaman ko rin na nasolve agad
nila ‘yung case. Tss. Eh ‘di sila na ang magagaling.

Tahimik lang kaming nakasandal sa may pader habang naghihintay sa kanila. For
security, sinarado ko nang maiigi ang utak ko dahil kung anu-ano na ang naiisip ko.

My plan was a success.

‘Yung card na ginamit ko kay Kid is actually the card with all the information I
gathered. Nasama niya ‘yun kanina sa Black Dimension kaya for sure ay matatrack na
ni Dana ‘yun. Buti na lang at hindi ‘yun napansin ni Hideo...hopefully.
Now I need to plan for my next move.

***

=================

Chapter 16

Tahimik lang kaming naghihintay kina Mayu pero pareho kaming naging alert nung may
narinig kaming kaluskos sa paligid. For a second, akala ko ay gumalaw ‘yung bangkay
dahil gumalaw ‘yung mantel na nakatakip sa kanya. Nilabas ko kaagad ‘yung cards ko.
Pero nagulat kami nung biglang may lumabas na pusa doon.

“Meow.”

Nagkatinginan kami kaagad ni Hideo dahil hindi namin alam ang gagawin. I know it’s
just a cat pero may pakiramdam ako na...hindi siya ordinaryo. At alam kong may mga
pusang green ang mata pero kakaiba ang sa kanya. It’s eyes are intense green and
it’s fur is as white as snow.

Bigla namang naglakad ‘yung pusa papunta sa amin...like it’s sensing something
different from us. Wait, kaya niya ba nilapitan ‘yung Custos? Can this cat
differentiate us from humdrums?

“A-anong gagawin natin?” tanong ko kay Hideo na mukhang hindi rin alam ang gagawin.

“Is it really a cat?”


Tinignan ko siya nang masama. Hindi niya ba alam ang itsura ng pusa para itanong pa
‘yun? Mukhang nabasa niya naman ‘yung expression ko kaya tinignan niya rin ako nang
masama.

“Ang ibig kong sabihin, baka sixth sense ‘yan.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Maybe someone can transform into a cat or control the mind of a cat.”

Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. Well, those are possible. Pero hindi
naman related sa five senses ‘yung dalawang binanggit niya kaya malabo. Pero ‘yung
mind-controlling, mukhang posible.

Dahan-dahan kaming nilapitan nung pusa pero napapaatras din kami. I swear, kung may
makakakita man sa amin ngayon, paniguradong tatawanan kami. Why are we freaking
afraid of a cat?!

“This is really absurd!” Wala na akong pakialam. Bahala na.

Nilapitan ko ‘yung pusa at halos mapasigaw ako nung bigla niya akong sinugod—or
not. Tumalon lang siya sa akin at dahil sa shock ay napaupo ako sa kalsada. Lumapit
naman agad si Hideo sa akin at tinignan niya rin ‘yung pusa sa lap ko.

“Meow.”
Tinilt ng pusa ‘yung ulo niya na parang sinasabi niyang, ‘Anong problema ng
dalawang ‘to?’ Hindi ko alam kung saan siya nanggaling pero kakaiba talaga ang
presence niya.

“Shall we take her?” tanong ni Hideo.

“Her?” Tinuro niya naman agad ‘yung pusa at nakita kong babae nga.

Sakto namang dumating si Miyu at lumabas silang lima. Tumayo ako agad at sinalubong
namin sila. Kinuwento agad namin ‘yung nangyari at tinuro namin ‘yung bangkay nung
Custos. Cinontact ni Mayu ‘yung police force para irecover ‘yung bangkay. Sinabi
rin nila sa amin ‘yung case na nangyari at mukhang ayos naman na lahat.

“Wait, kanina pa ako nagtataka. Bakit may pusa ka?”sabay turo ni Michiko sa pusang
nasa paanan ko.

“Actually kakakita lang namin sa kanya.”

Kinuwento rin namin ‘yung nangyari kanina at kung paano nag-appear ‘yung pusa sa
harapan namin. Nagulat naman kami nung biglang umakyat ‘yung pusa kay Hideo
at...pumatong sa ulo niya.

Pinipigilan kong tumawa dahil sa itsura niya pero hindi ko na kinaya nung
nagsimulang tumawa sina Akira at Michiko. Nakita ko ring natawa si Naomi at ang
weird lang. Halos pareho kami ng expression ni Mitsuo nung nakita namin ‘yun at
nung tumingin sa akin si Naomi ay umiwas ako. Then nakita kong sumulyap siya kay
Mitsuo.

“What?” tanong niya kay Mitsuo pero umatras lang siya. Pfft. Don’t tell me takot pa
rin siya kay Naomi?
Napagdesisyunan naman naming isama ‘yung pusa pabalik sa campus at icoconsult namin
sa Medical or Intel department ‘yung tungkol doon. After that ay sumakay na kami
kay Miyu at bumyahe pabalik.

“Teka, ano palang ipapangalan niyo sa kanya—pfft! Hahaha!” sabay turo ni Akira sa
pusa na nasa ulo pa rin ni Hideo hanggang ngayon. Mukhang ‘yun na ang favorite spot
niya.

“Hmm, since kayong dalawa naman ang nakakita, why not combine your names?” sabi
naman ni Michiko na halatang pinipigilan ‘yung tawa niya.

Inabot naman ni Hideo ‘yung pusa mula sa ulo niya at pinatong niya sa may lamesa.

“Stay there, Demi.” Pagkasabi niya nun ay parang namangha si Michiko sa kanya at
parang nag-agree rin ‘yung pusa dahil nag-meow siya at nagstay nga siya sa may
table.

“Wow. Ang ganda ng name na naisip mo, Hideo! Akalain mong may taste ka pala sa
pagpapangalan—” bigla naman siyang sinamaan ng tingin ni Hideo. “—sabi ko nga shut
up na ako.”

Demi, huh? So pinagsama niya talaga pangalan namin? Err. ‘Di ko alam kung matutuwa
ba ako o ano. Oh well, para lang naman sa pangalan ‘yun ng pusa.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako or what pero parang nakatitig lang sa akin
si Demi. It’s like she wants to tell me something. Or, iniisip ko lang ‘yun.

Hinigpitan ko ‘yung pagkakasara ng isip ko. Naiisip ko na naman kasi ‘yung nangyari
kanina. Akala ko talaga mabubunyag na ‘yung identity ko. Buti na lang at naisipan
ni Kid na sumakay, though nakakainis pa rin ‘yung ginawa niya. Pero dahil dun,
nagawa ko ‘yung pagsend ng information kay Dana. I hope she can track my card as
soon as possible.

Kailangan ko nang kumilos ulit. I really need to find that book about their secret—
the Seventh Sense. Ang choices ko lang naman kung saan ‘yun mahahanap ay sa
library, Intel department or sa Midori building. I guess I need to explore the
library first. Hindi naman kasi ako nakapagtingin nang maayos doon dati dahil sa
pagsulpot ni Hideo.

Pagbalik namin sa campus ay nagstay lang ako sa dorm. Sina Akira at Naomi naman ay
umalis at hindi ko na tinanong kung saan sila pupunta. Si Demi naman, nandoon sa
isang sulok. Akala ko nga kay Hideo siya sasama pero nagstick siya sa akin.

“Meow. Meow.”

“What?”

“Meow.”

Oh God. Bakit ko ba ‘to kinakausap? Pero kasi parang may sinasabi siya eh. O
pinagtitripan lang ako ng pusang ‘to?

Nagulat naman ako nung bigla siyang umakyat sa kama at pumatong sa lap ko. Aba.
Mukhang may nahanap na naman siyang favorite spot bukod sa ulo ni Hideo. Bigla
naman siyang tumingala at ginagalaw niya ‘yung paws niya sa mukha niya. Alam kong
cute ‘yung gesture pero parang may something talaga eh...

Wait.
Binuhat ko siya at tinignan ko ‘yung leeg niya. Bumilis ‘yung tibok ng puso ko nung
may nakita akong maliit na papel na nakalagay doon. Ni hindi ko ‘yun napansin
kanina habang hawak ko siya sa sasakyan. Siguro dahil sa makapal na fur niya.

Kinuha ko kaagad ‘yun at pinakiramdaman ko muna ‘yung paligid. Nung wala naman
akong ibang presence na maramdaman ay dahan-dahan kong binuksan ‘yung papel.

Akemi—Rielle, whatever. Bumalik ka na as soon as possible. The Custos are getting


aggressive on their attacks. We need you and the secret of the Senshins.

-Haruka, uhm Dana, I mean. You know, I already have my second name.

PS. I’ll sneak at their base tomorrow. Sa may gubat. Meet me there.

Pagkabasang-pagkabasa ko nun ay napatingin agad ako kay Demi. Ibig sabihin,


pinadala siya sa akin ni Dana. Saan niya naman nakuha ‘tong pusang ‘to? At mukhang
sabay kaming nagpadala ng message sa isa’t isa. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng
babaeng ‘to. And what? May second name na siya? Now I really want to see her.

I find myself grinning at the idea of meeting her again. Ewan ko pero naeexcite ako
na kinakabahan. I really need to find that book. At isa pa, ayoko nang magtagal
dito dahil masyadong delikado ang identity ko sa mga kasama ko.

Pumunta ako sa kusina at sinunog ko ‘yung sulat ni Dana. Then napatingin ulit ako
kay Demi. Now I know kung paano siya nag-appear kanina.

Akala ko ay nararamdaman ko lang ‘yung pag-open ng Black Dimension mula sa malayo


dahil kay Kid pero ngayon, alam kong si Demi ang gumamit nun.

“Demi,” tapos nilapitan ko siya. “Wag na wag kang magbubukas ng Black Dimension
dito, okay? You might get caught.”

“Meow.”

Hindi ko alam kung nakakaintindi ba ako ng cat language o ano pero mukhang oo ang
ibig sabihin nun.

Pagdating nina Akira at Naomi ay naabutan nila akong nakikipaglaro kay Demi at
tinawanan ako ni Akira.

“Ang weird makita na nakikipaglaro ka sa pusa—pfft!” Sinamaan ko siya ng tingin.

Napatingin naman ako kay Naomi at may kung anong nagclick sa utak ko. Now I know
kung bakit wary and at the same time ay medyo comfortable ako sa kanya. It’s
because she reminds me of Dana. Well, not really, but their personality, strength
and weirdness are the same.

“Ay Akemi, may ikukwento ako sa’yo—whoops!”

“Shut up, Akira!”

Hindi pa man din nakakalapit sa akin si Akira ay nagrarambulan na sila ni Naomi at


natatawa lang si Akira sa kanya. Hindi ko lang alam kung naiimagine ko lang ba o
sadyang namumula ‘yung mukha ni Naomi?
‘Kanina, nakasalubong namin sina Hideo at Mitsuo. Tapos ‘di ba parang laging aloof
siya kay Naomi pero nagulat kami nung lumapit siya sa kanya. Tapos—’

‘Stop it, Akira!’

Kahit sa isip kami nag-uusap ay nag-aaway pa rin sila at ang sakit sa utak ng sigaw
ni Naomi! Pero ngayon ko lang siya nakitang ganito.

‘Tapos—hahahaha! Sabi sa kanya ni Mitsuo, “please stop hitting me” tapos natulala
lang si Naomi kanina at napasagot siya ng “okay” My gosh kung nakita mo lang ‘yung
itsura nila kanina! Nakakatawa talaga!’

After that ay dumiretso na sa banyo si Naomi at may pakiramdam ako na magkukulong


siya doon. Is she embarassed? Lumapit naman sa akin si Akira at pinupunasan niya
‘yung luha niya sa sobrang pagtawa.

“Nakakatawa talaga! As in seryosong-seryoso ‘yung expression ni Mitsuo eh. Ganito,


oh.” Hinawakan niya bigla ‘yung kamay ko at tumingin siya sa mga mata ko, tapos
ginaya niya ‘yung boses ni Mitsuo. “Please stop hitting me.”

Hindi ko napigilang hindi tumawa dahil sa impersonation ni Akira. Naiimagine ko


‘yung scene at parang gusto kong makita in person ‘yun. Kaya pala ganun ‘yung
itsura ni Naomi.

After ilang oras ng asaran ay nakatulog na rin silang dalawa. Kinuha ko ‘yung cape
ko at tinignan ko si Demi na mukhang naintindihan naman ‘yung gusto kong sabihin.
“Let’s go, Demi. Time for book hunting.”

***

=================

Chapter 17

Nauuna akong maglakad kay Demi at nakasunod siya sa akin. For the past few days,
tinrack ko kung saang way ang safest papunta sa library. Pumunta ako sa likuran ng
dorm dahil mapuno doon at walang makakakita sa amin, though mas mahaba nga lang ang
lalakarin. Naramdaman ko namang medyo nauuna na sa akin si Demi, which is probably
good dahil para siyang nag-iilaw dahil sa white fur niya at nagsisilbing guide ko.

Buti na lang at wala kaming nakasalubong na kahit sino. ‘Yung past encounters ko
kasi ay lagi akong nakakakita ng kung sinu-sino pero luckily, si Hideo lang ang
nakakita sa akin.

Pagdating namin sa library, sumuot agad ako sa bintana na in-unlock ko kanina.


Pagbukas ko nun ay tumalon din si Demi papasok sa library. Inactivate ko ‘yung ring
flashlight ni Mayu para kahit papaano ay may ilaw kami. Naglakad ako papunta sa
restricted section pero nakalock ‘yung pinto. At ang nakakainis pa, may code na
sasagutan para bumukas ‘yung lock. And I am not good at those.

“Meow.”

“Anong sabi mo?”

Buti na lang talaga at walang nakakakita sa akin kundi iisipin nilang nasisiraan na
ako. I’m conversing with a cat...a cat.

Bigla naman siyang tumalon sa akin papunta sa ulo ko. Then tumalon ulit siya at
pagtingin ko, may maliit na space doon sa pagitan ng pinto at wall. Napangiti ako
agad.

“Nice one, Demi. Go inside and bring me a good book.”

“Meow.”

Hindi ako nakakaintindi ng cat language but I hope she means ‘okay’ or ‘yes’.

Habang nasa restricted section si Demi ay naglibot naman ako sa ibang shelves at
nagbabakasakaling may kakaibang libro akong makikita. Nabobother din ako sa shadows
ng kurtina dahil feeling ko ay may nakatingin sa akin. Curse that Hideo! Dahil sa
ginawa niya dati, hindi na tuloy ako makapagfocus dahil sa paranoia.

Hinayaan ko na lang na i-lead ako ng instinct ko. Pumunta ako sa rightmost corner
at tinignan ko ‘yung rows of books na nakaayos sa mga shelf. On my peripheral
vision, nakita ko si Demi na lumalabas doon sa maliit na space sa taas ng pinto at
may kagat-kagat siyang libro. Hindi ko alam kung paano ‘yun nakaya ng bibig niya
but still, I’m thankful na kasama ko siya ngayon. May kinuha rin akong kakaibang
libro sa kinatatayuan ko na nakasulat sa ancient writing.

Pumunta kami sa gilid, sa natatakpan ng shelves at hindi nakikita sa bintana, then


tinutok ko ‘yung ring flashlight ko sa librong kinuha ko. Ang tagal ko pa bago
nadecipher ‘yung title dahil nakasulat rin ‘yun in ancient text.

“Using the Sixth Sense. Mukhang magagamit ko ang librong ‘to.”


“Meow.”

Feeling ko either unti-unti na akong nakakaintindi ng cat language or nasisiraan na


ako. Pero mukhang nag-agree sa akin si Demi sa statement ko kanina. Then nilapag
niya sa lap ko ‘yung librong kinuha niya sa restricted section at dinecode ko ulit
‘yun.

I gasped when I was able to read the title. Napatingin pa ako kay Demi at hindi ko
alam kung sinwerte ba siya o sadyang malakas lang ang pakiramdam niya.

“Meow.” Now I swear parang sinasabi niyang, ‘I told you. I’m great.’ Dahil sa
gestures niya. Nakataas ang ulo niya pati ang buntot niya habang nakatingin sa
akin. This is one arrogant cat.

Napatingin ulit ako sa libro at kinilabutan ako nung hinawakan ko ‘yung old cover
nito. It’s like this book is radiating power and intense emotions.

“Beyong the Sixth Sense.” I read the title and my skin tingled.

I knew it. I know this is the book I am looking for. Beyond the sixth sense...is
the seventh sense. That mysterious power na kayang gamitin ng Senshins pero hindi
ng Shinigamis...just like our Black Dimension.

Kinabahan ako habang binubuksan ko ‘yung libro pero nagulat ako nung biglang
umakyat si Demi sa lap ko at doon siya humiga sa ibabaw ng libro.
Nang-aasar ba ‘tong pusang ‘to?

“Demi!” pabulong kong tawag sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin.

“Meow.”

“C’mon! Kailangan kong mabasa ‘to!”

Then nagulat ako nung bigla siyang tumayo, like kapag nagugulat ang mga pusa.
Nagtwitch din ‘yung tenga niya at nakataas na naman ang buntot niya.

“Bakit? May tao ba?”

Bumaba siya sa lap ko at naglakad siya palabas ng library. Dahil ayoko namang
mahiwalay sa kanya ay binalot ko ‘yung dalawang libro sa cape at lumabas kami sa
bintana, then nilock ko nang tuluyan ‘yun. Luckily, walang tao sa daan. And I hope,
tulog na si Hideo ngayon. But I know that he can’t see through buildings kaya mas
okay na magtago kami sa likod ng mga ‘yun kahit wala namang tao. He’s too
troublesome even when he’s not around.

Sinundan ko si Demi na mukhang papunta sa gubat. I know it’s a rule that we can’t
go there after curfew pero ilang beses na rin akong hindi sumunod sa rules.
Besides, breaking the rules is fun and challenging.

Hinayaan kong si Demi ang maglead ng way at kasalukuyan na kaming nasa loob ng
gubat. Naglakad lang siya papunta sa pusod ng gubat and somehow, mas naging at ease
ako. Kasi dito, hindi na sakop ng Senshins ang paligid. I can open the Black
Dimension, though alam kong may possibility pa rin na madetect nila ‘yun since
malapit lang.
Hindi pa rin tumigil sa paglalakad si Demi hanggang sa makarating kami sa dulo
and...wait. May grassland pala dito?

“Sup, Rielle?”

Hindi ko kaagad napansin na may babae palang nakasandal sa puno sa may right side
ko. And when I saw her, I immediately grinned.

“Seriously Dana? Akala ko ba bukas ka pa pupunta?”

“Duh? Technically, it’s already tomorrow. Madaling araw na.”

“Whatever.”

Nagtawanan kami at namiss ko ang presence niya. At gaya ng sinabi niya, intense
green na rin ang kulay ng mata niya. Mas naging intimidating pa siya lalo. Si Demi
naman, naglakad-lakad lang sa paligid namin.

“I heard na nakaencounter mo si Kid. Buti at narealize niya agad ang nangyayari,”


then tinawanan niya ako.

“Damn that was really nerve-wracking. Muntik ko na siyang sigawan that time pero
ayoko nang magbuild pa ng suspicion.”

“At least, he understood.”

Agad-agad naman niyang sinabi sa akin ang sitwasyon sa base. As expected, Mom and
Dad are busy. At nalaman kong si Rin ang namamahala ngayon sa young Elites and
Sarah is one of them. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko. At least, nakita nila Dad
na maaasahan din siya.
“As I was saying, nagiging aggressive na ang Custos. Gusto nilang malaman ang
secret ng Black Dimension...and our ongoing research.”

Nung minention niya ‘yung research ay napahawak ako sa sikmura ko. The Senshin
tribe may have the best technology, but we have the best doctors and researchers.
Hindi ako interested sa mga ginagawa nila dahil una, it’s creepy and disgusting, at
pangalawa, wala akong interes.

“I bet nagiging subject ang mga nahuling Custos.”

“Yeah,” then she groaned.

Pareho naming ayaw ang research na ‘yun. Hindi ko totally alam kung para saan ‘yun
pero ang alam ko, may kinalaman sa mga mata ng Erityians ‘yun. They are studying
them at hindi ko na alam kung anong gagawin nila doon. Basta ang alam ko ay
nagdidisect sila ng subject nila at kung anu-anong experiment ang ginagawa nila. I
told you, it’s really disgusting.

“Kaya kailangan mo nang bumalik as soon as possible. We need you.”

“Mukhang malapit na rin akong matapos dito so baka makabalik na rin ako.”

“Namimiss ka na nina Sarah at Kid,” then she smiled smugly.

“Oh shut up, Haruka,” this time ako naman ang naggrin sa kanya. Her second name
sounds weird. Parang ang bait pakinggan.

“Nice try. Sige na. Mapapahamak ka kapag hindi ka pa bumalik within five seconds.”

“Bye!”
Tumayo ako at tumakbo kaagad palayo sa kanya at nakita kong nakitakbo rin si Demi
sa akin. Alam kong mangyayari ang sinabi ni Dana kapag hindi ko ‘yun sinunod. After
all, that’s her sixth sense. She can see what will happen five seconds from the
future. Ang sabi niya, parang may dalawang dimension daw sa utak niya—the real time
and the one with advanced time.

After a few minutes (with a lot of running, stumbling and hiding), nakarating kami
ni Demi sa likod ng dorm at nagsneak kami papasok. Pag-akyat ko, dahan-dahan kong
binuksan ‘yung kwarto at buti na lang ay tulog pa ‘yung dalawa. Tinago ko ‘yung
dalawang libro na nakabalot pa rin sa cape ko sa pinakailalim ng closet ko. After
that ay nagbihis ako at nahiga na. Pagdikit pa lang ng katawan ko sa kama ay
bumigat na ang mga mata ko. Sabagay, ilang gabi na rin akong walang tulog. I guess
I can still sleep for a while.

***

=================

Chapter 18

“Sorry Akemi, but I’m going to win.”

“Not a chance.”

Pinosition ko kaagad ‘yung staff ko habang nagsummon naman si Michiko ng dual


sword. Kahit ilang beses ko nang nakikita ‘yung pagsa-summon niya ay namamangha pa
rin ako. I wish I could do that para hindi ko na kailangang hawakan lagi ang
weapons ko.

Staff ang napili kong weapon bukod sa cards ko dahil madali lang gamitin. Pero
mukhang mahihirapan ako pagdating kay Michiko dahil papalit-palit ‘yung weapons
niya.

Bigla naman niya akong sinugod kaya winield ko kaagad ‘yung staff at sinangga ko
‘yung swords niya. Good thing is, metal ang staff ko kaya hindi nadamage. Tumalon
ako at inapakan ko ‘yung isang sword niya tsaka ako nagpaikut-ikot sa ere. Then I
grabbed my cards and threw it to her. She immediately swapped her swords to a whip
and she slashed my cards. Bago ako makatapak ulit sa sahig ay bumalik ulit sa mga
kamay ko ang cards ko.

“Time’s up.”

Napahinto naman kami pareho ni Michiko nung sinabi ‘yun ni Kyo. Tsk. Bakit kasi
fifteen seconds lang ang limit namin? Sobrang hirap kayang matalo ng mga ‘to within
fifteen seconds! Nakapaglaban na lahat ng possible pairs pero wala pa ring natalo
sa amin kahit isa. Eh ano bang attack ang magagawa namin within fifteen seconds na
makakapagpabagsak sa kanila, ‘di ba? At hindi na rin naman kami makakapag-isip ng
major attacks kapag nasa laban na since katawan mo na lang mismo ang gumagalaw.

“Hangga’t hindi niyo kayang pabagsakin ang kalaban ninyo sa loob ng fifteen seconds
ay ganito lang ang gagawin natin buong linggo. Okay, dismissed.”

Napaupo ako sa sobrang pagod nung umalis na si Kyo sa harapan namin. He’s really a
Spartan. Lagi niya na lang kaming pinapahirapan. No wonder hirap na hirap sina Dad
na pabagsakin ang isang ‘to.

Nagpahinga kami ng ilang minuto doon sa room bago umuwi sa dorm. Sobrang naubos ang
energy ko sa sparring naming lahat kahit tigfi-fifteen seconds lang ‘yun. Pero sina
Hideo at Mitsuo, hindi sila hinihingal kundi pinagpapawisan lang. Mukhang sila
talaga ang mga sanay sa combat. Bigla tuloy akong nacurious sa background ni
Mitsuo. Ano kayang ginagawa niya bago siya napunta rito sa school na ‘to?
Nung nakabalik kami ng dorm ay nagshower muna kami then nagpahinga. As usual,
magkasama ulit na umalis sina Michiko at Mayu para sa summoning project ng
Technology department. Habang kaming tatlo ay nandito sa may kama.

Pumunta naman agad ako sa closet at nilabas ko ‘yung librong nakuha ni Demi sa
restricted section nung nakaraan. Napagdesisyunan kong kailangan ko ang tulong nila
kung gusto kong malaman ang secrets sa librong ‘to. Sila ang mas nakakaintindi nito
at para na rin hindi ako magcause ng suspicion.

“Hey. Pwede bang tulungan niyo ko?” sabi ko nung nasa kama na ako at napatingin
naman agad sila. Pati si Demi ay nakisali sa amin at pumwesto sa pagitan namin ni
Naomi.

“Ano ‘yan?” sabay turo ni Akira sa librong hawak ko.

“Beyond the Sixth Sense. Nakuha ko sa restricted section,” tapos nilapag ko ‘yun sa
harapan.

“Pumunta ka sa restricted section ng library? You broke the library rules,” sabi sa
akin ni Naomi.

“Duh? Rules are meant to be broken.”

“Gusto ko talaga ang mga ideas mo,” tapos tinapik ako ni Akira sa balikat at
tumangu-tango pa siya.

Inopen ko ‘yung libro at sinimulan ulit naming idecode ‘yung ancient writing. Damn.
Bakit kasi ganito nila sinulat lahat ng libro before? Ilang oras tuloy ang makakain
para lang sa pagdedecode.

ѫϭᵻϠѯҩϠϫ•ᴥϕ•⊱ҩͽѯϫ•ͽ≬ᴥ∎•ͽ•ϛͽϞͽᵻҩϫҩ•ѣͽᵻ•ᵻͽѣҩϠ•ϫѫᴥϭ•ѯҩͽҵǂ҂ҩϠ•ѫǂϫ•ϭᵻǂᴕϭҩ•ͽ⧝ǂҵǂҁ⊱•⨳ѫǂͼѫ•ѫҩ•ͼͽҵҵҩϠ•ϫǂԇ
ҁѫ•ϫҩᵻϫҩ∺•ѫҩ•ͼѫͽᵻ≬ҩϠ•ѫǂϫ•ᵻͽѣҩ•ǂᵻҁᴥ•ϫѫǂᵻϛǂ•ͽᵻϠ•ҁѯͽ⋇ҩҵҵҩϠ•ͽͼѯᴥϫϫ•ҁѫҩ•⨳ᴥѯҵϠ∺•ͽϕҁҩѯ•ͽ•ϕҩ⨳•⊱ҩͽѯϫ∎•ѫ
ҩ•≬ͽǂᵻҩϠ•ϫᴥѣҩ•ϕᴥҵҵᴥ⨳ҩѯϫ•⨳ѫᴥ•ͼͽᵻ•ͽҵϫᴥ•ϭϫҩ•ҁѫҩǂѯ•ϫǂԇҁѫ•ϫҩᵻϫҩ∺•ҁѫҩ⊱•ϕǂᵻͽҵҵ⊱•ϫҩҁҁҵҩϠ•ǂᵻ•ͽ•ͼᴥϭᵻҁѯ⊱•ͼ
ͽҵҵҩϠ•ϞѫǂҵǂϞϞǂᵻҩϫ•ͽᵻϠ•⧝ϭǂҵҁ•ͽᵻ•ǂᵻϫҁǂҁϭҁǂᴥᵻ•⨳ѫҩѯҩ•ҁѫҩǂѯ•ͼѫǂҵϠѯҩᵻ•ͽᵻϠ•ϕҩҵҵᴥ⨳•ϫǂԇҁѫ•ϫҩᵻϫҩ•ϭϫҩѯ•ͼͽᵻ•ѫᴥ
ᵻҩ•ҁѫҩǂѯ•ϫжǂҵҵϫ•ͽᵻϠ•ͽ⧝ǂҵǂҁǂҩϫ∺•ҁѫǂᴥ•ǂᵻϫҁǂҁϭҁǂᴥᵻ•⨳ͽϫ•ҵͽҁҩѯ•ͼͽҵҵҩϠ•ҁͽᵻҁҩǂ•ѫǂ≬ѫ∺
“Oh gosh. Nakakahilo naman ‘to. Seryoso kayong nadecode niyo ‘to?” sabi ni Akira.
Sabagay, ngayon niya pa lang mata-try idecode ‘to.

“Si Mitsuo,” biglang sabi naman ni Naomi.

“Anong meron kay Mitsuo? Don’t tell me gusto mo siya?! ” tapos tumayo pa si Akira
sa kama at nag-act na para talaga siyang nagulat.

“Oh shut up, Akira. I mean, his sixth sense. Kung kabisado niya ‘yung letters
corresponding each symbols, that means kaya niya ‘tong basahin kahit hindi na natin
idecode.”

Natulala naman ako sa kanya. Bakit hindi namin agad naisip ‘yun? ‘Yung Mitsuo lang
pala na ‘yun ang sagot sa paghihirap na ‘to!

“Pero sasabihin ba natin sa kanila ang about dito?” tapos tinuro ni Naomi ‘yung
libro.

“No choice. I bet curious din sila,” sagot ko na lang.

Okay. I am risking to share that book to them. Pero wala na akong choice. I need to
know the secrets as soon as possible at kailangan ko sila. After all, they’re in
the Atama family. They are the best Senshins in the making.

“Then let’s have a secret meeting! Now that’s exciting!” sabay hagikgik ni Akira at
pati si Demi dinamay niya. Kinuha niya kasi si Demi na nananahimik sa tabi namin at
niyakap-yakap niya.

“Iinform na lang natin sila bukas...I mean later,” sabi ko at nagnod naman silang
dalawa.

After that, tinry namin ulit idecode ‘yung mga sumunod na paragraph at ito ang
nakuha namin:

Sixth sense is the ability to use and manipulate one of the five senses to
extremities or to any specific situation. But there are some who can use it to a
different level. A higher level of ability called seventh sense.

According to Shinji, seventh sense is the ability of a Senshin to use his or her
sixth sense fully and share 70% of its efficiency to others. However, it is
extremely difficult to attain since nobody knows how, when or where it will
activate.

The first ones who executed the seventh sense are Shinji and Natsue. During their
stay in Romania, they successfully shared their sixth sense to each other for a few
minutes. According to them, they felt something different inside their body and
they can clearly read each others mind without restrictions.

Pagkabasa ko nun ay bigla akong nabother at mukhang silang dalawa rin.

“Whoa. Wait. That Seventh Sense—parang ang awesome,” sabi ni Akira, wide-eyed.

“Sharing of sixth sense...posible pala ‘yun.” Parang nasa trance naman si Naomi at
mas lalo pa akong nabother. Now they are also starting to know this Seventh Sense.
Sharing this book to them...is it a bad idea? Is it really worth the risk?

“At kaya nilang basahin ang isip nila without any restrictions...just like you,”
sabi ko na lang at tumingin ako kay Naomi, ganun din si Akira.

“Di ba sabi mo simula bata ka pa ay kaya mo nang gawin ‘yan? Hindi kaya may
kinalaman sa Seventh Sense ang ability mo na ‘yan?” tanong ni Akira.
“I don’t know. But one thing is for sure. This Seventh Sense thing is not something
we could do on a whim.”

Halos ilang arguments ang napag-usapan namin about sa Seventh Sense na ‘yun at
hindi na namin namalayan ang oras. Nagulat na lang kami nung tumalon si Demi mula
sa kama papuntang bintana at pagtingin namin ay sumisikat na ang araw kaya agad-
agad kaming nagprepare. Paglabas namin sa room ay napatingin sa amin sina Mayu at
Michiko.

“Anong ginawa niyo at bakit ganyan ang itsura niyo?” tanong agad ni Michiko.

“Nasarapan kami sa pag-uusap. Anyway, late na tayo,” sabi ko sabay tingin sa orasan
sa hallway.

“Oh no. Lagot tayo kay Mrs. Yura!” sigaw ni Akira at nung tumakbo siya ay nakitakbo
na rin kami.

Habang tumatakbo ay kung anu-ano na rin ang tumakbo sa isip ko. The book, it’s
meaning, the Custos, and our tribe. I was so occupied with my thoughts at napansin
ko na lang na nasa labas na kami ng dorm at nasa harapan namin sina Hideo at
Mitsuo.

“Walang class?” tanong agad ni Michiko.

“Cancelled,” sagot ni Hideo.

“Bakit daw?”

“Biglang may meeting lahat ng teachers.”

“Meeting during class hours? That’s weird,” dagdag naman ni Naomi.


Then all of a sudden, umilaw ‘yung pendant sa necklace ni Mayu na ngayon ko lang
nakita. Tumingin siya sa right side at mukhang alam ko na kung bakit.

“I guess this is not a free cut. May panibagong case,” sabi ni Mayu and then may
nilabas siyang parang cellphone na sa pagkakaalam ko ay nagtatransmit ng signal kay
Miyu. After one minute ay dumating si Mayu sa harapan namin at sumakay agad kami.

Bigla ko namang narealize na si Mayu lang ang nakakacontrol sa interface ni Mayu.


Then that means hindi kami nakikita or nadedetect ng kahit sino rito. Mukhang ganun
din ang nasa isip nina Naomi at Akira dahil napatingin sila sa akin. Dahan-dahan
kong nilabas ‘yung book sa bag ko at pinatong ko sa low table sa gitna at
napatingin silang lahat sa akin.

“Okay guys, listen to me,” and then I told them what we did last night.

***

=================

Chapter 19

“May ganitong idea pala? Ang galing!” sigaw ni Michiko habang nakatingin siya sa
libro.

Si Naomi naman, tinuturuan niyang magtranslate si Mitsuo para mabilis naming


malaman ‘yung content ng libro. Pero napahinto kami nung nakarating na kami sa
agency. As usual, nagpatak ulit kami sa mata nung eye droplets at after a few
seconds ay nagsolidify para maging contact lens to hide the true colors of our
eyes. Mahirap na kasing irevert back to black or dark brown since lahat kami ay
nasa green stage na. Then bago kami bumaba ay balak ko sanang kunin ulit ‘yung
libro pero sabi ni Mayu ay iwanan ko na lang daw kay Miyu kaya wala na akong
nagawa. Dumaan kami doon sa police quarter at sinabi nila na may babae raw na
naghihintay doon sa agency. Pagkapasok namin ay may nakaupo nga doon sa may sofa at
nung makita niya kami ay tumayo siya.

Si Hideo ang umupo sa tapat niya at nakinig naman kami sa sinabi nung babae.

“I’m Carla Buenavista,” sabay abot niya kay Hideo ng ID niya. “Please tulungan niyo
akong hanapin ang ate ko.”

Habang nagkukwento siya ay nanunubig na ‘yung mga mata niya. For some reason ay
bigla akong naging interested kaya nakinig ako sa kanya.

“Sabi niya kagabi, hindi raw muna siya makakauwi kaya hindi ko na siya hinintay.
Pero bigla akong nag-alala kinabukasan kaya kinontact ko ‘yung officemates niya.
Ang sabi nila, maaga raw siyang umalis sa office at wala raw siya doon ngayon.
Kinokontact ko siya kanina pero hindi niya sinasagot ‘yung phone niya.”

Pinakita niya kay Hideo ‘yung picture ng ate niya after that at nagbigay din siya
ng basic information about doon sa babae. Sa pagkakaalala ko sa mga sinabi nung
Carla, Catherine Buenavista ang name ng kapatid niya, 25 years old at nakatira lang
sila sa iisang apartment.

“Siguro kung makikita namin ang kwarto o ilang gamit niya, mas madidistinguish
namin ang character at personality niya,” singit ni Naomi kaya napatingin sa kanya
si Carla.

“O-okay po. Pero maliit lang ‘yung kotseng dala—”

“It’s okay. We have our own vehicle. We’ll just follow your car,” sabi naman ni
Hideo.
Tumayo si Carla at sinundan namin siya palabas sa agency at headquarters hanggang
sa makarating kami sa tapat ng kotse niya. Luckily ay malapit lang doon sa parking
area kung nasaan si Miyu kaya pumunta agad kami doon at sinundan namin ‘yung kotse.

“Later na lang natin ituloy ‘yung pag-uusap about dito sa seventh sense,” sabi agad
ni Mayu nung makapasok kami sa van at nag-agree naman kaming lahat sa kanya.

Napatingin ako doon sa book na nasa gitna ng table. Medyo pinagsisisihan ko nang
ipinakita ko sa kanila ‘yun. Maybe I should’ve solved it by myself. Tsk. Pero huli
na.

‘Kailan mo ibabalik ‘yan?’ Napatingin naman ako bigla kay Naomi dahil narinig ko
siya sa isip ko.

‘Ang alin? ‘Yung libro?’

‘Oo. Chinecheck ng librarian every Friday lahat ng libro at alam niya kung may
kulang doon.’

‘Wait. So you mean binalik mo ‘yung librong binigay ko sa’yo?’

‘Of course. May nilagay na detector si Sir Aiwa sa bawat libro na sinuggest ng
librarians kaya kaya nilang itrack ang mga ‘yun.’

Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko naman kasi alam ang tungkol doon at sina
Naomi at Akira lang ang nakakaalam na sa restricted section ko kinuha ‘yung libro.
Ang sabi ko kasi sa iba, basta kinuha ko lang ‘yun sa library.

‘So dahil Wednesday ngayon, may two days pa tayo bago madetect ‘yung libro. Bakit
ngayon mo lang sinabi?’ sabay napabuntung-hininga na lang ako.
‘Akala ko alam mo dahil kumuha ka na ng libro doon.’

Buti na lang pala at binigay ko kay Naomi dati ‘yung librong kinuha ko, kundi baka
tinago ko lang ‘yun at kung mamalasin ay mahuhuli pa ako sa pagnanakaw ng libro.

Pero kung gagamitin ko ang Black Dimension para makauwi sa base habang dala-dala ko
ang libro, madedetect pa kaya nila ‘yun? Ang alam ko ay wala pa silang device na
may kakayahang madetect ang Black Dimension. That means may pag-asa pa akong
maitakbo ang libro, either within these two days or ibabalik ko ‘yun at kukunin
ulit after Friday.

“We’re here,” sabay tayo ni Hideo.

Napatingin naman ako sa labas at nakahinto na ‘yung sasakyang sinusundan namin. Ang
bilis ata ng byahe namin. That means malapit lag ang bahay nila sa agency. Kaya
pala doon siya kaagad pumunta.

Sa harapan namin ay isang bahay na mukhang tinitirhan nung Carla at Catherine.


Bumaba kaming lahat kay Miyu at mineet ulit namin si Carla. Sinundan namin siya
hanggang sa makarating kami sa pintuan. Nilabas niya ‘yung purse niya at naglabas
siya ng ring of keys.

“May tao ba sa loob?” biglang tanong ni Akira habang nakakunot ang noo.

“W-wala. Ako lang at ang ate ko ang nakatira dito pero dahil nawawala siya...”

“Pero bakit bukas ‘yung shower?”

“Shower? P-pano mo narinig ‘yun?”


“Uhm, matalas ang pandinig ko kaya ganun. Please open the door. Masama ang kutob ko
rito.”

Halos isang minuto kaming nagtagal doon sa pintuan dahil nanginginig ‘yung kamay ni
Carla kaya tinulungan na siya ni Mitsuo sa pagbubukas ng pinto. Pagpasok namin sa
loob ay dumiretso si Akira sa may CR, which is alam niya kaagad dahil sa tunog ng
shower, at sumunod kami sa kanya. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay napasigaw
si Carla at nagcollapse ang tuhod niya.

“A-ate...ate!”

“Mayu, contact the police force,” sabi ni Hideo at tumango naman si Mayu.

Sa loob ng banyo, habang nakabukas ang shower ay nasa bathtub ang isang babaeng
wala nang buhay. May nakasaksak na kutsilyo sa likuran niya at kulay dugo na ang
tubig na pinagliliguan niya.

Pumasok sina Naomi at Mitsuo sa loob habang may suot-suot na gloves. Pinatay ni
Naomi ‘yung shower at tinanggal naman ni Mitsuo ‘yung coat niya para ibalot doon sa
babae. After that ay pumasok na rin kami ni Hideo habang ‘yung tatlo sa labas ay
nag-inspect sa kwarto nila.

Nakita ko na may cellphone doon sa isang rack kaya kinuha ko ‘yun at pinakita ko sa
kanila.

“I think sa kanya ‘to,” sabi ko. Pero hindi naman namin mabuksan dahil may
password.

“Give it to Mayu,” utos ni Hideo.


Umalis ako doon sa banyo at hinanap ko si Mayu, na nasa kwarto pala nung biktima
kasama si Michiko. Si Akira naman ay nasa sala at binabantayan si Carla. Inabot ko
kay Mayu ‘yung phone at nagulat ako nung may pumalibot sa kamay niya na parang
holograms ng numbers.

“What the...”

“Oh. Ngayon mo lang pala makikita si Mayu na gamitin ang sixth sense niya,” sabi ni
Michiko habang nakasmirk. “It’s cool,” dagdag pa niya.

Yung hologram numbers na nakapalibot sa kamay niya ay nagpaikut-ikot kaya habang


tinitignan ko ‘yun ay bigla akong nahilo. Then all of a sudden ay biglang
nagcompress ang mga ‘yun sa kamay niya at may anim na numbers na natira then nawala
rin kaagad. May tinype si Mayu doon sa cellphone at nung pinakita niya sa akin ay
bukas na.

“Wow.”

“I can manipulate any device as long as I know how it operates. Cellphones are the
easiest.”

Kaya pala ang pamilya nila ang head ng Technology department. Her sixth sense is
awesome. Imagine? Kaya mong imanipulate lahat ng devices? No wonder their
technology is so advanced.

Tinignan ko kaagad ‘yung messages at call logs and I found two names na nagmessage
at tumawag sa kanya between last night at ngayon. Pinuntahan ko kaagad sina Hideo
at sinabi ko ‘yun sa kanila and after that ay kinontact namin sila.

“So we have two suspects,” sabi naman ni Mitsuo. “Francis Ramos and Chris Domingo.”
“There’s another one,” dagdag ni Naomi tapos tumingin siya sa may sala. “Carla
Buenavista.”

Naghintay kami doon habang naghahanap ng mga evidence pero napahinto agad ako.
Naramdaman ko na naman ang pag-open ng Black Dimension...and this time, I know
who’s opening it.

***

=================

Chapter 20

What the heck? Ano na namang ginagawa ng lalaking ‘yun? He’s opening a huge part of
the Black Dimension. But his sixth sense is really amazing since he can control
some parts of the Black Dimension. Nung nagkita kami last time, I didn’t sense him
immediately since he’s simply using it, not manipulating it.

“Parating na sila,” biglang sabi naman ni Akira kaya nabaling agad ‘yung atensyon
ko sa kanila. “Parating na ‘yung police force pati na rin ‘yung dalawang suspects.”

Napatingin ako doon kay Carla na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin at umiiyak
habang nasa gilid niya sina Akira at Michiko. After a few minutes ay may nakita
kaming sasakyan sa harapan ng bahay at pinagbuksan namin sila. Nandoon ‘yung ibang
pulis na nakikita ko sa headquarters, and just like us, black rin ang mga mata nila
ngayon. Naunang pumasok ang dalawang lalaki at nagmamadaling pumunta ‘yung isa kay
Carla, habang ‘yung isa naman ay lumibot sa bahay hanggang sa mapunta siya sa banyo
at natulala na lang.

“F-Francis...s-si ate...”
“Shh...shh...it’s going to be okay,” sabay yakap nung lalaki sa kanya at patuloy
lang na umiyak si Carla.

“Catherine...” Napalingon naman agad ako doon sa isang lalaki at nakita kong
tahimik siyang umiiyak habang nakatingin doon sa banyo. So this guy must be Chris.

“A-anong nangyari?” tanong bigla nung Francis.

“Naabutan naming wala nang buhay si Ms. Catherine Buenavista sa banyo,” sagot naman
ni Naomi. “and you three called and messaged her last night and a while ago.”

“Wait, are you saying that we’re the suspects?” tanong ni Francis at nakita kong
humigpit ang hawak niya doon kay Carla.

“Nasaan kayo at anong ginagawa niyo kagabi at kanina?” tanong agad ni Naomi sa
kanila.

Habang nakikinig kami sa statements nila ay in-autopsy naman nung mga pulis ‘yung
katawan. Ako naman, parang nahati ang utak ko sa dalawa—‘yung isa ay nakikinig at
tinatry ideduce kung sino ang pumatay kay Catherine, habang ‘yung isa ay iniisip
kung ano na namang ginagawa ni Kid.

Yes, I know it’s Kid. He’s nearby. I always got chills when he’s using his sixth
sense. And he’s only using it when he’s battling with a strong enemy or when he’s
with us. So it’s either kasama niya ngayon sina Dana at Keith, o may kinakalaban
siya.

Kaya kailangan mo nang bumalik. We need you.

Dana’s voice echoed inside my head. Ito na ba ang tinutukoy niya? Pero...
‘Hey.’

‘H-huh?’ Nagpanic ako nung narinig ko ‘yung boses ni Hideo sa isip ko. I tried
closing my mind then I saw him winced. Nagkatinginan kami at napabuntung-hininga
ako. Buti na lang at sarado na ang isip ko.

“So you mean sa apartment mo siya nagstay kagabi?”

Bumalik naman ‘yung focus ko kay Michiko habang tinatanong niya si Chris.

“Oo. Ang sabi niya, wag ko raw ipaalam kahit kanino. Hindi naman ako makatanggi
dahil ang lungkot ng mukha niya that time. Tapos kaninang paggising ko, wala na
siya sa apartment. That’s why I called her pero walang sumasagot. Tinext ko rin
siya nang ilang beses pero hindi siya nagrereply. Pumasok ako sa office, hoping
that she’s there, pero wala. Tapos bigla na lang may mga sumundong pulis sa akin.”

“P-pero bakit hindi siya umuwi?” tanong naman sa kanya ni Carla at tumingin nang
masama sa kanya si Chris.

“You should know the answer to that. You, of all people, should know.”

After sabihin ni Chris ‘yun ay namutla si Carla at napakapit siya nang mahigpit kay
Francis.

“Stop it. Namatay ang kapatid niya pero ganyan pa ang tono ng pananalita mo?”
depensa naman nung Francis.

Maybe they are a couple. Sa kilos pa lang nila ay halata naman.


Habang iniinterrogate sila ay pumunta naman ako doon sa banyo at nakisama sa mga
pulis na nag-iinspect. Habang tinatanggal nila ‘yung kutsilyo sa likod ni Catherine
ay may napansin akong kakaiba. Bakit...ganun?

Tinanggal nila ‘yung coat ni Mitsuo doon sa bangkay at binalot nila ang katawan.
After that ay nilabas siya para siguro dalhin sa morgue. Kinuha ko ‘yung coat niya
at nabasa na dahil doon sa bloody water sa tub. Tinignan ko ‘yung shower na kanina
ay bukas nung pumasok kami. Bakit kaya bukas ‘yun? Does that mean inatake siya
habang naliligo? Pero bakit shower ang nakabukas? Hindi ba kapag naliligo ka sa tub
ay ‘yung gripo ang nakabukas? And the position of the body when we discovered it is
weird.

“What are you doing here?” Kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Hideo ‘yun at
lumapit siya sa akin pero nakafocus lang ako sa shower.

“Isn’t it weird? Imbes na faucet ay shower ang nakabukas?”

“What’s this?” tapos may kinuha si Hideo doon sa tub.

“Bakit nasa tub ‘yan?”

“Wait...”

Lalong akong nabother nung nakita ko ‘yun. Bakit nandoon ang bagay na ‘yun sa tub?
Bakit nakabukas ‘yung shower? Bakit ganun ‘yung posisyon niya?

“Anong alibi nung dalawa?” tanong ko kaagad kay Hideo at sinabi niya naman agad sa
akin.

Si Carla, nasa bahay lang nila buong gabi at ilang beses niya ring tinawagan ang
ate niya pero hindi sinasagot. Nagtext rin siya pero walang reply. Dahil nag-aalala
siya sa ate niya ay minabuti na niyang ipahanap sa amin dahil malapit lang ang
agency sa kanila. Then after that ay umuwi siya kasama namin at naabutan na naming
patay si Catherine. Si Francis naman, nasa condo niya lang at nagpapahinga. Then
nakita ni Naomi kanina sa phone ni Catherine na tumawag siya kay Francis nung gabi.
Tapos nung umaga ay si Francis naman ang tumawag dahil pinakiusapan siya ni Carla
kasi hindi siya sinasagot ng ate niya.

Pumunta ulit kami ni Hideo doon sa sala at si Naomi naman ang nagtatanong ngayon.
Nalaman na rin namin ‘yung result ng autopsy at ayon doon ay namatay si Catherine 2
hours ago, which means 7 AM.

“Anong oras ka umalis dito sa bahay mo?”

“6 AM,” sabi ni Carla.

“Pero 8 AM ka pumunta sa agency. Anong ginawa mo during those two hours?”

“N-nagpunta ako sa office ni Ate kasi baka nandoon siya. Almost 45 minutes ang
byahe papunta doon. Pero nung sinabi ng guard na hindi pa raw pumapasok si Ate ay
pumunta na ako sa agency.”

“Ishi, go to their office. Confirm her statement with the guard,” sabi naman ni
Mayu doon sa isang pulis at umalis kaagad siya.

“How about you? May sinabi ba sa’yo si Ms. Catherine kagabi? And where were you
after she left your house?” tanong naman ni Naomi kay Chris.

“Wala. Wala siyang sinabing kahit ano kahit na tinatanong ko siya. Basta ang sabi
niya lang ay kung pwede siyang magstay hanggang umaga sa apartment ko. Pumayag
naman ako pero pagkatapos nun ay nawala na siya.”

“Anong oras siya umalis?”

“Hindi ko alam. Nagising ako ng 6:15 at wala na siya.”

“Do you have any proof?”

“N-no...”
After him ay si Francis naman ang tinignan ni Naomi.

“How about you? Bakit ka tinawagan ni Ms. Catherine kagabi?”

Pagkasabi niya nun ay nag-iwas ng tingin si Francis at tumingin sa kanya si Carla


with a confused look.

“T-tinawagan ka ni Ate kagabi?”

“Oh. Naalala ko na lumabas siya saglit kagabi habang hawak ‘yung phone niya,”
dagdag naman ni Chris.

“Anong pinag-usapan niyo?” tanong ulit ni Naomi sa kanya.

“G-gusto niyang makipagkita sa akin but I turned her down.”

“Why would she want to meet with you?”

Walang nagsalita sa kanila nung tinanong ‘yun ni Naomi. Nakatingin lang silang
tatlo sa iba’t ibang direksyon and then I realized something. Tahimik pa rin sila
kaya I broke the silence.

“Dahil may gusto siya sa’yo.”

Napatingin silang tatlo sa akin and during that time ay napayuko si Francis habang
si Carla ay nakatingin sa kanya. Then I saw Chris with clenching his jaw. Now this
is more complicated than I thought. Tumingin ako kay Hideo para sana iinspect ‘yung
bagay na nakuha niya sa tub pero pagtingin ko sa kanya, bigla siyang yumuko at
nagsmile.
‘Thank you, now I have an idea of what had happened.’

After that ay pumunta ulit siya sa banyo...and I followed him.

***

=================

Chapter 21

“What do you mean? Alam mo na ang nangyari? Kilala mo na ang pumatay sa kanya?”
tanong ko kaagad nung nasa harapan na kami ng bathtub.

“A little,” sabay taas niya doon sa nakuha niya sa tub...isang hibla ng sinulid.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ibig sabihin hindi pa siya sigurado talaga? Ang gulo ng
isang ‘to ah. Lumapit ako sa kanya para makita rin ‘yung white thread na nakuha
niya. Pero bakit kaya nasa tub ‘yun?

“There’s a high probability na si Carla ang pumatay sa ate niya, right?” sabi ko sa
kanya. “Siya lang ang may spare key sa bahay nila maliban sa biktima at siya ang
mas nakakakilala sa kapatid niya. Pero kung siya nga, bakit pa siya pumunta sa
agency para ireport na nawawala ang kapatid niya?”
“Maybe to create an alibi.” Napatingin naman ako kay Naomi na pumasok na rin dito
sa banyo at kasunod niya sina Mitsuo, Akira, Michiko at Mayu.

“Anong ginagawa nila?” tanong ko kaagad dahil bigla na lang silang pumunta rito.

“Iniinspect sila and sinusubject sa ilang tests,” sagot naman ni Mayu.

“Ano ‘yan?” sabay lapit ni Akira kay Hideo at tinignan niya ‘yung sinulid na hawak
niya, at ganun din ang ginawa nung iba.

“Saan mo nakita?” tanong naman ni Mitsuo sa kanya at tinuro ni Hideo ‘yung tub.

Kanya-kanya kaming naghanap ng spots para maapag-observe at deduce sa nangyari.


Pero ‘yung kalahati ng isip ko ay nakafocus sa ibang bagay. I really want to end
this murder case para hindi na madivert ‘yung isip ko.

“That Francis...siya lang ang tinawagan ni Catherine ‘di ba? And you said na dahil
may gusto siya sa kanya,” tapos tinignan ako ni Michiko.

“Halata naman eh.”

“At kailan ka pa naging love expert?”

“Sabi nga nila, everyone is an expert when it comes to love,” dagdag naman ni Akira
at ngumiti siya nang nakakaloko sa akin. I rolled my eyes in return.

“And since girlfriend niya si Carla, may motive rin siya para patayin si Catherine
dahil nakakagulo siya sa relasyon nila. Ganun din ang motive ni Carla,” pagtutuloy
ni Michiko.

“That Chris is suspicious too. Kung sa kanya nakitulog si Catherine, there’s a high
probability na siya ang pumatay sa kanya. Pwedeng doon siya pinatay at dinala lang
dito sa bahay to frame someone and he just made up his alibi,” sabi naman ni Naomi
at natahimik kaming lahat.

“That’s impossible.” Pagkasabi nun ni Mitsuo ay kumunot ang noo ni Naomi.


“At bakit?”

“Kung dinala niya nga rito ang bangkay, don’t you think there will be traces of
blood on his car? Chineck ko ‘yun kanina nung lumabas ako at wala naman. At kung
sedated naman siya nung dinala rito at dito siya mismo pinatay, dapat ay may
nadetect na chemical sa kanya.”

“And what if it’s just ammonia na nilagay sa panyo at tinakip sa bibig at ilong
niya? The comfort room is the best room to place the body since matatanggal ‘yung
amoy nun.”

“No. She was killed here,” sabi bigla ni Hideo na nakapagpatahimik doon sa dalawa.

“How did you know?”

“If she was killed at his apartment, the rigor mortis would be set when we
discovered the body. But when we arrived, the body was not yet stiff.”

Natahimik ulit sila after sabihin ‘yun ni Hideo. Ginamit ko naman ang time na ‘yun
para sabihin sa kanila ‘yung weird things na napansin ko kanina habang nakatingin
ako sa bangkay.

“Mitsuo, hindi ba ang weird nung position ng knife?” tanong ko kaagad sa kanya
dahil siya lang naman ang makakaalala nun.

“Yeah. And the body’s position is odd, too.”

“What do you mean?” tanong ni Naomi.

“Kasi ‘yung katawan niya ay nakalean sa tub at malapit sa faucet. Hindi ba kapag
nasa tub ka, kadalasan ay nasa opposite side ka nakaposisyon? And the knife...it’s
upside down.”

“Upside down?” Nakuha kaagad nun ang attention ni Hideo.

“Siguro hindi niyo agad napansin dahil sa posisyon ng katawan. It seems natural.
Pero kung nakatayo o nakahiga siya, ‘di ba dapat ay nakaharap sa baba ‘yung sharp
edge at handle ng kutsilyo? Pero sa kanya, nakaharap sa itaas habang ‘yung blunt
side ay nasa baba,” dagdag ni Mitsuo.
“Now that you mention it, that seems really odd. Dapat nakayuko siya at nasa
harapan niya ‘yung murderer tapos saka siya sinaksak para ganun ang maging pwesto
ng kutsilyo,” sabi naman ni Naomi.

“Or...” tapos biglang tumingin si Hideo sa may shower kaya napatingin din ako.

Something clicked inside my head and I immediately looked at him, because I knew we
are thinking of the same thing. Pero napahinto ako nung naramdaman ko na naman
‘yung Black Dimension, and this time, nakita ko ring nagtwitch si Mayu.

“May gumalaw sa holographic markers ko,” biglang sabi niya kaya kinabahan ako.

“H-holographic markers?” Hindi ko pa naririnig ‘yun galing sa kanya.

“I put some of them within the vicinity para ma-alert ako kung may tao sa
paligid...or enemies.”

“Saang part ang nadisturb?” tanong ni Michiko.

“Fifty meters away from here.”

“Ichecheck namin,” sabay hatak ni Michiko kay Akira.

“Sasama na rin ako.”

After that ay umalis silang tatlo doon at naiwan kaming apat sa may banyo. Bigla
namang umakyat si Naomi doon sa tub at inabot niya ‘yung shower.

“Guys, look.” May kinuha siya doon sa shower at nung pinakita niya sa amin ay
sinulid din, katulad nung nakuha ni Hideo sa tub. Mas lalo lang tuloy akong naging
sigurado sa nangyari. Pero kung ganun nga, then it’s a bit sad.
Mukhang nagets na rin nina Naomi at Mitsuo ‘yung nangyari. Naging malungkot ‘yung
expression ni Naomi habang hawak-hawak niya ‘yung sinulid sa kamay niya.

Pinag-usapan namin sa isip namin ‘yung deductions at nagfit naman ang mga nakalap
namin. Lumabas kami doon sa banyo at nagpunta sa sala kung saan kababalik lang nung
tatlo. Umiiyak pa rin si Carla habang nakayakap sa kanya si Francis at si Chris ay
pained and expression. Hindi kaya...

“Nakita namin ‘to sa tub,” sabay lapag ni Hideo doon sa sinulid. “The one who
killed her is—”

“Wait.”

Pinutol ko ‘yung sasabihin niya dahil may gusto pa akong kumpirmahin. Tinignan ko
si Francis habang nakayakap siya kay Carla.

“Alam mo bang may gusto sa’yo si Catherine dati pa?” tanong ko sa kanya.

“No. Nalaman ko lang nung naging kami na ni Carla. Kaya dumistansya na ako sa kanya
simula nun.”

“So matagal mo na siyang kilala?”

“Of course. Naging magkaklase kami sa isang subject nung college.”

“At ginamit mo lang siya para makilala ang kapatid niya,” dagdag naman ni Chris and
I’m pretty sure na may halong galit ‘yung pagsasalita niya.

“I didn’t. Hindi ko naman alam na...na may gusto siya sa akin.”

“Then you’re blind.”

“Stop it. Please...” sabi naman ni Carla.


“At ikaw. Alam mong matagal nang may gusto ang ate mo sa kanya bago ka pa niya
makilala pero ganito pa ang ginawa mo.”

Natahimik si Carla sa sinabi ni Chris and I can see where his anger is coming. He
likes Catherine. I can sense that.

“Kaya ba pinatay mo siya para maging tahimik na ang relasyon niyo?” tanong ni Chris
kay Carla.

“No! No...hindi ko pinatay si Ate. Hindi ko...hindi ko...magagawa ‘yun.”

“Okay, stop. Wala na rin namang mangyayari kung magsisisihan pa kayo,” sabi naman
ni Naomi. “We know how she was killed and who killed her.”

Natulala ‘yung tatlo at tumahimik sila after that.

“First, ‘yung oras ng pagkamatay niya. According sa autopsy, 7 AM siya namatay.


That was an hour before you left your house,” sabi niya kay Carla. “And 45 minutes
after you woke up at ganun din katagal ang byahe mula sa inyo papunta rito,” sabi
niya naman kay Chris. “While you have no concrete alibi, Mr. Francis. That makes
you three, suspects.”

“Nakalock rin ang pintuan at kayong magkapatid lang ang may susi sa bahay. Pero
kung may kumuha man ng susi ng biktima, that’s a different story,” dagdag ni
Mitsuo.

“Nung nakauwi siya rito sa bahay ay dumiretso siya sa banyo para maligo at doon
siya pinatay. It’s either may kasama siya or may pumuslit sa bahay nang hindi niya
alam...” napahinto ako sa pagsasalita at tinignan ko ‘yung sinulid na nasa lamesa.
“or she killed herself.”

Pagkasabi ko nun ay natulala silang tatlo.

“Maybe she wants to frame someone kaya nakaisip pa siya ng ganitong scenario. Of
course, sino ba namang mag-aakalang pinatay niya ang sarili niya kung nasaksak siya
sa likod? But it’s possible. Right?” tapos tumingin ako kay Hideo.

“Yeah. This thread is the proof. Naglusot siya ng sinulid sa handle ng kutsilyo at
tinali niya ‘yung kabilang dulo sa butas ng shower. Kapag binuksan niya ‘yung
shower, mapapatid ‘yung sinulid dahil sa force ng tubig at malalaglag ‘yung
kutsilyo. That explains the body’s and knife’s position. Siguro hindi na niya
napansin na nakabaligtad ‘yung kutsilyo habang tinatali niya at kaya malapit siya
sa faucet ay para mabuksan niya ‘yun.”

“She killed herself...maybe because she can’t take the pain anymore,” dagdag ni
Naomi. “She wants to frame you,” sabay tingin niya kay Carla, “siguro dahil kay
Francis. Mas una silang nagkakilala pero ikaw ang minahal niya. Alam mong mahal
siya ng kapatid mo dati pa pero kayo pa rin ang nagkatuluyan.”

After niyang sabihin ‘yun ay yumuko na lang si Carla at tahimik na umiyak habang si
Francis ay confused na ang itsura. Hindi niya siguro alam ang tungkol doon at siya
ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Catherine.

I never thought na makakaramdam ako ng lungkot habang nagsosolve ng crime. Pero


naisantabi ko ‘yun kaagad nung biglang pumasok sina Mayu, Michiko at Akira sa loob.
Napatingin muna sila doon sa tatlo habang iniescort sila ng mga pulis para
makapagbigay ng statement sa nangyari.

‘Three Shinigamis and a Custos.’


Nung narinig ko ‘yung sinabi ni Michiko sa isip namin ay bigla akong kinabahan and
at the same time, naexcite. Three Shinigamis...ibig sabihin ay magkakasama sila.

They’re here.

***

=================

Chapter 22

Three Shinigamis, huh? That means magkakasama nga sila. Pero ibig sabihin din ay
may kakaibang nangyayari. Madalang mangyari ang ganitong sitwasyon, lalo na at
magkakapareho sila ng status.

The Shinigami tribe has a hierarchy and is divided into five levels—the Soldiers,
Assassins, Reapers, Elites and Royals. Ang Soldiers at Assassins ang gumagawa ng
missions sa mundo ng humdrums at sila ang nagsusupply ng funds. ‘Yung pera na
nakukuha nila mula sa humdrums na naghihire o gumagamit sa kanila ay binibigay sa
tribe para sa projects na dinedevelop ng ilang Shinigami scientists. Reapers serve
as the guards of the higher levels. Kadalasan ay sila ang pinapadala sa mahihirap
na missions at nagliligpit sa mga malalakas na kalaban. Sa Elites naman nabibilang
sina Kid, Dana at Keith. They are the Royal guards and they are usually sent to the
most difficult missions and cases. They are strong enough to be on par with
Senshin’s Atama, Huntres’ officers and Custos’ A class. Lastly, the Royals are the
direct descendants of Ryou’s eldest son, and they serve as the leaders.

Ngayong magkakasama ang tatlong miyembro ng Elites, sigurado akong may nangyayaring
hindi maganda. The members of the Elite can fight enemies alone. At kapag
magkakasama sila, either may napakahirap na mission or they are in trouble.
“We should get back to Miyu,” biglang sabi ni Mayu.

Pinahandle na lang sa mga pulis ‘yung case at agad kaming tumakbo palabas. Pumunta
kami kung saan nakapark si Miyu at pumasok kami sa loob.

‘Shinigamis, detected. Custos, detected.’

Napatingin agad kami doon sa computer sa harapan at may apat na dots na


nakadisplay. One kilometer lang ang layo namin sa kanila kaya pinaandar agad ni
Mayu ‘yung sasakyan. Habang nakafocus sila doon sa radar ay pumwesto ako sa likuran
ni Akira dahil natatakpan niya si Hideo, para hindi niya magamit ang sixth sense
niya sa akin. Palihim kong kinuha ‘yung libro doon sa mesa at nilagay ko sa loob ng
damit ko.

“Nakita namin ‘yung laban nila kanina though hindi sandali lang. Kinakalaban nung
tatlong Shinigami ang isang Custos at nagcacause sila ng panic sa mga tao. Dahil
masyadong seryoso ang laban nila ay nadadamage ‘yung ibang buildings at baka may
madamay na humdrums.”

Pagkasabi nun ni Akira ay tumaas ang tension dito sa loob ng sasakyan. An all-out
fight, huh. Sino kaya ang kalaban nila para maging seryoso sila?

“Watch out!” sigaw ko dahil naramdaman ko ang pagbukas ng Black Dimension sa


paligid.

Huminto si Miyu at agad-agad akong bumaba. Sumunod naman sila sa akin at pagtingin
namin sa labas, napatigil kami.
Nagbabagsakan na ‘yung debris sa ilang buildings na nasisira dahil sa labanan nila
pero hindi sila napapansin ng mga ordinaryong tao dahil sa bilis ng pangyayari.

“Help the humdrums,” sabi ni Hideo tapos sabay-sabay silang bumalik kay Miyu para
kuhanin ang weapons nila.

Ginamit ko naman ang pagkakataong ‘yun para magtago sa likod ng isang kotse at
inopen ko ang small portion ng Black Dimension para ipadala ‘yung isa sa cards ko.
After that ay bumalik ako sa pwesto namin pero may nakita akong bata na hindi na
makagalaw doon sa pwesto niya at tinitignan lang ‘yung isang malaking bato na
nalalaglag sa itaas niya.

Napatakbo ako agad sa direksyon na ‘yun at nilabas ko ang cards ko. I threw them
upwards at tumama sila sa bato. Nahati ‘yung bato sa ilang parts at hinatak ko
‘yung bata papunta doon sa lugar kung saan wala masyadong debris. Bago niya pa
marealize kung anong nangyari ay iniwan ko na siya doon at pumunta ako kung nasaan
‘yung anim.

“Maghiwa-hiwalay tayo at iinform niyo kaagad kapag may nangyari.”

After sabihin ‘yun ni Hideo ay nagscatter kaming pito. Agad naman akong tumakbo
palayo at nilingon ko si Hideo kung saan siya nakapwesto. May nakita akong building
sa kanan ko kaya nagtago agad ako doon para hindi niya ako makita then I opened the
Black Dimension.

Nung nakaapak ako sa loob ay naging at ease ako. It’s been a long time since I’ve
used it. Then may naramdaman akong movement kaya naging alert ako.
“Rielle?”

Nung narinig ko ang boses niya ay agad akong napangiti. Lumapit ako sa kanya at
nakita kong hinihingal siya habang hawak-hawak niya ang isang double-edged sword. I
smirked at him nung magkaharap na kami.

“Long time no see, Keith.”

“What are you doing here? Akala ko nasa base ka ng Senshins?”

Agad ko namang sinabi sa kanya kung anong nangyayari sa labas at sinabi niya rin sa
akin kung anong lagay nila. Kaya rin pala alam niya kung anong kalagayan ko ay
sinabi sa kanya ni Dana.

“Wait, you mean you’re battling with a Class A Custos?”

“She’s way stronger than Class A. Hindi ko alam kung may mas mataas pang level
bukod doon pero kung meron man, baka doon siya kasali.”

“At bakit naman kayo nakikipaglaban sa kanya?”

“She attacked the base on the other side at may kinuha siya sa research labs.”

“What?!”

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kaya pala sumusugod ang Custos malapit sa
entrance ng base kapag ginamit ang Black Dimension ay para madivert ang attention
namin sa kanila, while in fact ay nasa other side ang pakay nila. The other
entrance is located at Japan, malapit sa shrine ng pamilya nina Ryou. But that
entrance is heavily guarded with Reapers and Assassins. Then that means natalo niya
ang mga ‘yun ng mag-isa?
“Nasaan sina Dana at Kid?”

“Kino-corner nila ‘yung Custos. I’m on my way to them pero nakita ko ‘yung card
mo.”

“Lead the way.”

Sinundan ko siya habang nagnanavigate kami sa Black Dimension. Hindi naman maalis
sa isip ko kung anong nangyayari doon sa anim at baka mapansin nilang nawawala ako
pati na ‘yung libro.

After a few seconds ay inopen ni Keith ‘yung Black Dimension at lumabas kami sa
rooftop ng isang building. Nakita ko kaagad sina Dana at Kid pati na rin ‘yung
Custos na kalaban nila. Narealize ko kaagad ‘yung sinabi ni Keith kanina dahil ang
lakas ng presence ng Custos na ‘to kahit sa isang tinginan lang.

“Hmm, you look stronger than them,” sabi niya sa akin.

The Custos is wearing a spy suit with lots of gadgets on it. She has a shoulder-
length ragged blonde hair and her eyes were blood-red.

“What did you steal?” tanong ko kaagad and I readied my cards.

“Oh I didn’t steal anything. But I did recover what you Shinigamis stole to us.”

I threw my cards at her but she easily deflected them. Then bigla rin siyang
naghagis sa akin ng small knives but I repelled them towards her. Tumama ‘yung
hilts nila doon sa Custos and she lost her balance.
“Kid!” sabay tingin ko sa kanya at tumango naman siya.

Kid manipulated the Black Dimension to open near her since it weakens the other
tribes except us. Pero bago pa siya maabot nung Black Dimension ay nawala na siya
doon at nasa pinakagilid na siya ng rooftop.

“I really want to play with you all but I don’t have enough time.”

Bigla naman siyang tumalon doon sa rooftop kaya napatakbo kami doon sa side niya.
Pero pagtingin namin sa baba ay nakasakay na siya sa isang hand glider.

“Damn it!” sigaw ni Kid habang nakatingin na lang kami doon sa Custos mula sa
malayo.

Sinabi naman sa akin ni Dana kung anong nangyari sa base. Kaya pala madaling
nakapasok ‘yung Custos ay dahil karamihan ng Reapers at Elites ay may ginagawang
missions at ilan lang ang natira doon. Buti na lang daw at kararating lang nilang
tatlo doon at naabutan nila ang nangyari kaya sila ang humabol sa kanya.

“Pero anong kinuha niya?”

“The eyes of their agents that I killed,” sabi ni Kid.

“Alam mo namang interested sa mga mata ng Erityians ang scientists at researchers.


But somehow ay nalaman ng mga Custos na pinag-aaralan natin ang mga ‘yun,” dagdag
ni Dana.

“It’s because you did a terrible job. Dapat ay hindi mo iniwan ‘yung mga bangkay
nila na walang mata doon sa entrance,” sabi naman ni Keith kay Kid.

“Tss. Anong gusto mo? Ilibing ko pa sila?”

“Tumigil nga kayo. But we still have a problem.” Bigla namang tumuro sa baba si
Dana at nakita ko doon sina Mitsuo at Naomi.

“I’ll handle them,” sabi ko sa kanila. Kailangan ko silang mapaniwala na wala nang
labanan na nagaganap.

“No,” halos sabay-sabay nilang sagot sa akin tapos naging seryoso ang expression
nila.

“We can handle them. Rielle, you should go back to the base. Oras na para bumalik
ka at sa tingin ko ay tapos na ang mission mo sa kanila.” Seryosong nakatingin sa
akin si Dana kaya hindi na ako nakapagsalita.

Sabay na tumalon sina Dana at Keith at mukhang kakalabanin talaga nila sina Naomi
at Mitsuo. Gusto kong makita kung anong mangyayari pero pinigilan ako ni Kid.

“You’re not with them anymore, Rielle. Let’s go back to where you truly belong,”
sabay hatak sa akin ni Kid and he opened the Black Dimension.

Hindi pa masyadong nagsisink-in sa akin kanina pero ngayong nasa Black Dimension na
ako ay kakaiba ang nararamdaman ko.

I’m going home.

***
=================

Chapter 23

“So how are you, Miss Senshin?”

Nilingon ko kaagad si Kid at nakita ko siyang nakangiti nang nakakaloko. Bwisit.


Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa ilang buwan ko sa school na
‘yun, hindi ko naranasang bumalik sa Black Dimension dahil baka madetect ako ng
devices nila. Kaya naman ngayong nandito na ako, namiss ko ang pakiramdam—the cold
and chilling sensation of this dimension.

“Do you want to go back?”

“Bakit naman ako babalik dun?”

“Ewan. It seems like you’re close with them—”

“I’m not going back to them,” sabay tingin ko sa kanya.

“Okay. But seriously, ang tagal mo doon.”

“Hindi madaling makuha ‘yung libro because I need to be cautious when I’m with
them.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa base. Pero napahinto


agad nung nakita ko ang sitwasyon ng base namin.

“Ito rin ang naabutan namin kanina,” sabi kaagad ni Kid nung huminto ako.

“Nasaan sina Mom and Dad? Si Rin? Si Sarah?”

“They’re safe. Nasa main chamber sila pati na ang mga natirang Elites and
researchers.”
“Let’s go.”

Nagmadali kami papunta doon sa main chamber kung nasaan sina Dad at halos wala
akong maramdamang presence sa paligid. Mukhang walang natirang Soldiers at
Assassins dito sa loob. That means nandoon nga sila sa kabilang entrance and that
Custos managed to take them down.

Nung nakarating kami doon ay agad kong binuksan ang pinto at napatingin silang
lahat sa amin ni Kid. Hinanap ko kaagad si Rin pero hindi ko siya makita. Si Mom
lang ang nakita ko doon pati na rin si Sarah kaya lumapit ako sa kanila.

“Ate Rielle!” sabay yakap sa akin ni Sarah. Nginitian ko naman siya tapos tumingin
ako kay Mom.

“Nasaan si Dad and Rin?”

“Nasa entrance. They want to make sure na wala nang makakapasok doon.”

Nang sabihin ‘yun ni Mom ay humarap siya doon sa computers at nagsabi siya ng
commands. Nakikita kasi doon lahat ng places sa base at inuutusan niya ‘yung
natirang soldiers at assassins ng mga gagawin nila.

“Fucking Lace! Kung alam ko lang na aatake siya, sana napigilan ko siya! Paano niya
nalaman na wala masyadong tao rito? Don’t tell me may spy dito? O masyado lang
siyang magaling magtiming?”

Nagulat ako nung nagwala si Mom doon at tahimik lang kaming lahat. Kapag mainit ang
ulo niya, madalas ay pinapabayaan lang namin siya dahil pwede kang mamatay kapag
ginulo mo siya. Pero hindi ko akalain na kilala siya ni Mom. Lace, huh? Madalas pa
naman ay ang natatandaan lang ni Mom na names ay ‘yung mga malalakas at on par sa
kanya. Kaya pala parang pinaglalaruan niya lang kami kanina.
Bigla namang may nagclick sa utak ko. Napaisip ako doon sa sinabi ni Mom. Lumapit
ako kay Kid at bumulong ako sa kanya.

“Yung mata ng mga pinatay mong Custos agents ang kinuha nung Lace ‘di ba?”

“Yeah. Why?” bulong niya rin sa akin.

“Nung kinuha mo ang mga mata nila, kanino mo binigay?”

“Sa research lab, of course.”

“No. I mean specifically, kanino mo binigay?”

“Hindi ko na matandaan. I think...” Iniscan ni Kid ‘yung researchers na nandito


ngayon sa main chambers.

“C’mon, Kid. Alalahanin mo.”

“I think, that one,” sabay tingin niya doon sa isang lalaki sa dulo.

Tinignan ko ‘yung lalaking naka-labgown habang nakatingin siya sa paligid. At nung


mapatingin siya sa akin, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

Sinugod ko siya.

Sa sobrang gulat niya ay hindi siya nakagalaw. Natumba siya at umupo ako sa tyan
niya habang nakatutok sa leeg niya ang isa kong card. Biglang tumahimik ang paligid
at lahat sila ay nagulat sa ginawa ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin pati na rin
doon sa researcher.
“You’re a spy, aren’t you?”

Nakita ko kaagad sa mukha niya ang panic. Nung tinignan ko ang mata niya, alam ko
kaagad na artificial lenses ang gamit niya para maging green ang kulay ng mata
niya.

“I don’t know how you did it pero pagkatapos patayin ni Kid ang mga kasamahan mo,
you slipped inside our base and pretended to be a researcher. Right?”

Naramdaman ko naman na nasa likuran ko si Kid.

“And he informed the Custos about the situation here. I see.” Lumapit sa akin si
Kid at bumulong siya sa akin. “Mukhang may natutunan ka sa school na ‘yun.”

Hindi ko siya pinansin kahit alam kong nakangiti siya na parang nang-aasar.
Nakatingin lang ako doon sa lalaki na ngayon ay biglang naging kalmado ang itsura.

“Heh. That’s right. Nakatakas ako nung nakita kong pinatay mo ang mga kasama ko.
Sinundan kita hanggang sa makarating ka sa base. Pinatay ko ang researcher na ‘to
at nagpanggap akong siya. Now I know why you’re collecting Erityian eyes—”

“Rielle, dalhin mo siya sa basement. Lock him up. I’ll kill him in a painful way,”
biglang sabi ni Mom.

Hindi ako agad nakagalaw dahil sobrang seryoso at kalmado ng boses niya. She’s
scary when she’s mad pero mas nakakatakot siya kapag ganito na siya kakalmado. It’s
like the calmness before the storm. Halos lahat ng nasa chamber ay hindi rin
kumikilos at ang footsteps lang ni Mama papunta doon sa computers ang naririnig.

Nagulat naman ako nung biglang may humila sa kamay ko.

“I’d rather die on my own hands,” and then he tugged my hand. Hindi ko napigilan
ang ginawa niya kaya dumiretso ‘yung hawak kong card sa leeg niya. Tumalsik ‘yung
dugo sa mukha ko at halos kalahati ng card ko ang bumaon sa leeg niya. Agad kong
hinila ‘yung card kaya tumalsik ulit sa akin ‘yung dugo niya.

He’s dead.

Napatingin agad ako kay Mom at kinilabutan ako dahil sa tingin niya. Dahil ayaw
kong mabaling sa akin ang galit niya ay tumayo agad ako at binigay ko sa kanya
‘yung librong nakuha ko.

“Mom, here’s the book about Seventh Sense,” pag-iiba ko ng topic. Kinuha naman agad
niya ‘yung libro at iniscan niya ang pages.

“This was written using the ancient writing system.”

“Yes. I actually know how to decode—”

“Scan it,” sabi niya doon sa isang researcher at binigay niya sa kanya ‘yung libro.
Tumakbo naman ‘yung reseacher papunta doon sa kabilang dulo kung nasaan ang
computers na ginagamit for research.

“Rielle, Kid, come with me.”


Napasunod agad kami ni Kid kay Mom nung tinawag niya kami. Lumabas kami doon sa
main chamber at huminto si Mom sa isang hallway. Nagulat ako nung bigla niyang
ginamit ang sixth sense niya and then all of a sudden ay nakaangat na si Kid at
hawak-hawak ni Mom and leeg niya.

“Mom—”

“Silence!” Napatigil ako sa pagsasalita pero naaawa ako kay Kid dahil hindi na siya
makahinga.

“This is your fault, Kid. Ang taas ng expectation ko sa’yo pero dahil lang sa hindi
mo napatay ang isang ‘yun ay nagawa niyang makalusot dito.”

“I...I’m...s-sor...ry...” Halos nawawalan na ng kulay ‘yung mukha ni Kid kaya lalo


akong nagpanic. I don’t want him to die but I can’t fight with my Mom.

“Good timing, Izumi.”

Napatingin naman agad ako sa paligid at naramdaman ko ang pagbukas ng Black


Dimension. Halos maggive-up ang tuhod ko nung nakita ko si Izumi, one of the most
powerful Elites and the guard of my Mom. Siya ang nagturo sa amin nina Kid, Dana at
Keith makipaglaban noong mga bata pa kami. She’s as strict as Mom kaya takot din
kami sa kanya.

“Lady,” sabay luhod ni Izumi sa harap ni Mom. Binitawan ni Mom ang leeg ni Kid at
bumagsak siya sa sahig habang umuubo.

“Lock him up.”

“Yes, Lady.”

“Mom! Wag mong gawin ‘to!”

“And you, child,” sabay turo niya sa akin habang si Izumi ay buhat-buhat si Kid
palayo sa amin, “will go back to that school.”
Napatigil naman ako nung sinabi ‘yun ni Mom. Babalik ako doon? Kasama ng mga
Senshin? Bakit pa? Nakuha na niya ang gusto niyang makuha. Bakit kailangan ko pang
bumalik?

“You need to go back. You’re the perfect spy for us, Rielle. You’ll be the eye of
our tribe, just like what the dead agent did for his tribe.”

Tumalikod si Mom sa akin at naglakad siya pabalik sa chamber. Napaupo ako sa sahig
at tumulo na lang bigla ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong
bumalik doon dahil alam kong naiiba ako, at ngayong nandito naman ako, tinataboy
ako palayo.

I don’t know where to go anymore.

***

=================

Chapter 24

Another update :)

***

“I’m okay.”

“No, you’re not.”


Nginitian niya lang ako habang nasa loob siya ng selda. Bumigat ‘yung pakiramdam ko
nung nakita ko ang mga sugat sa katawan niya. Inabangan ko talaga na umalis si
Izumi bago ako pumuslit dito. Lumapit ako at tumayo siya.

“Oh Rielle. Nakakapanibago talaga kapag umiiyak ka,” sabay ngiti niya pa na parang
wala lang ang nangyayari sa kanya. Silang tatlo lang nina Dana at Keith ang
nakakakita sa aking umiyak at minsan lang naman ako maiyak. Pero ngayon, hindi ko
na talaga alam ang gagawin ko.

“Nahihirapan na ako.” Pagkasabi ko nun ay naramdaman ko ‘yung kamay niya sa kamay


ko.

“Dana and Keith are still there. Tutulungan ka nila.”

“But how about you?”

“I told you, I’m fine.”

Tinitigan ko lang siya. Kahit na siya ang pinakamayabang at nakakainis sa aming


apat, kapag seryosong usapan ay nag-iiba siya. Ayokong nakikita siya nang ganito.

“Why do you act like everything is okay even though it’s not?” Hinawakan ko ‘yung
mukha niya na puro sugat at nakita ko siyang nagwince. Iniimagine ko pa lang kung
anong ginawa sa kanya ni Izumi, bumibigat na ‘yung pakiramdam ko.

“So that no one worries about me. Sige na, umalis ka na. Sabihin mo na lang kina
Dana at Keith ang nangyari para hindi nila ako hanapin kung saan.”

Kahit ayaw kong umalis ay naglakad ako palayo doon habang pinupunasan ko ‘yung
pisngi at mata ko. Lumabas ako sa basement at pumunta ako sa main chamber kung
nasaan si Mom. Pero pagbalik ko ay nandoon na rin sina Dad at Rin. Nung
nagkatinginan kami ni Rin ay napangiti ako. Ang tagal ko na siyang hindi nakita at
namiss ko siya pero alam ko namang magkaiba kami ng nararamdaman. She’s jealous of
me and she wants me to be out of her life. Mukhang nakuha na niya ang tiwala ni Mom
and Dad and I’m happy for her. Masaya na ako na may tiwala na sa kanya ang parents
namin, unlike before.
Siguro nga, mas magandang wala ako rito.

Inabot sa akin ni Mom ‘yung libro about sa Seventh Sense at inutos niyang bumalik
na ako. Nagpaalam ako sa kanila pero hindi ako pinansin ni Rin. Nagpaalam din ako
kay Sarah at nakita kong naging malungkot ang expression niya.

“Aalis ka na naman, ate Rielle?”

“Kailangan eh. Mukhang ikaw ang magiging guard ni Rin ah?” Napansin ko kasing
lumapit si Rin sa kanya kanina. Isa kasi si Sarah sa anak ng ilang Elites katulad
nina Kid, Dana at Keith.

“Opo. Tinetrain kami ni Roku.” Si Roku pala ang nagtetrain sa kanila. He’s the
guard of Dad and he’s the most powerful Elite here. Mukhang malaki ang expectation
nila sa kanila kaya napangiti ako sa kanya.

“Pagbalik ko, may ituturo ako sa’yo.”

“Talaga?!”

“Yup. So wait for me, okay?”

“Mmm!” sabay tango niya.

Habang hawak-hawak ko ‘yung libro ay lumabas na ako sa chamber. Ni hindi man lang
ako nilingon nina Dad, Mom at Rin. Si Sarah lang ang kumaway sa akin. Sanay naman
na ako pero nakakalungkot pa rin. Lalo na ngayon at babalik na naman ako sa lugar
na wala akong mapagsabihan dahil wala doon si Dana.

Binuksan ko ang Black Dimension at nagtravel ako hanggang sa maramdaman ko ang


presence nina Keith at Dana. Lumabas ako sa Black Dimension at nag-end up ako doon
sa rooftop kung saan kami nagkita-kita kanina. Pagsilip ko sa baba ay
nagkikipaglaban pa rin sina Keith at Dana kina Naomi at Mitsuo. Naglabas ako ng
card at sinugatan ko ang sarili ko. Sinulat ko ang gusto kong sabihin doon at nag-
open ako ng small part ng Black Dimension, tsaka ko tinapon doon ang card. For sure
ay makukuha ‘yun ni Dana mamaya.

Tumayo ako at tumalon mula doon sa building. I threw my cards below at natamaan si
Keith sa balikat habang si Naomi sa binti. Shit! I didn’t intend to wound them!
Napatingin sila sa akin habang bumabagsak ako at pare-pareho ang expression nila—
shocked. Tinitigan ko si Dana at mukhang nakuha niya ang tingin na ‘yun. Naglanding
ako sa likod nina Naomi at nagpagulung-gulong ako dahil hindi ko naitama ang bagsak
ko.

“Akemi! Are you okay? Saan ka galing?” sigaw ni Mitsuo habang nakatalikod at hindi
tinatanggal ang tingin doon sa dalawa.

“Rooftop. Nakita ko ‘yung Custos doon kanina pero hindi ko siya napigilan.”

“The agent is there?” tanong ni Dana at pareho silang tumingin ni Keith sa itaas.

“Sorry Senshins, we still want to play with you but we don’t have enough time,”
sabay ngiti ni Keith at napailing na lang ako dahil ginaya niya pa ‘yung sinabi sa
amin ng Custos kanina.

Inopen nila ang Black Dimension at pumasok sila doon. Agad namang lumapit sa akin
si Mitsuo at Naomi pero nagcollapse si Naomi sa tabi ko. Nakita ko ‘yung card na
nakabaon doon sa binti niya kaya kinuha ko kaagad.

“Sorry! Hindi ko sinasadya. Dahil sa hangin, nagbago ‘yung trajectory ng target.”

“It’s okay. At least, nasugatan din si Daiki,” sabi naman niya.

“Daiki?”

“The male Shinigami. And the female one is Haruka.”


So may second name na rin pala si Keith. Then that means meron na din si Kid pero
hindi ko alam kung ano. Kid. Naalala ko na naman siya. Sinarado ko kaagad ang isip
ko for security.

“Shit. Hindi ko kayo kayang buhating dalawa,” sabi naman ni Mitsuo.

Dahil nagkamali ako ng bagsak kanina, nasprain ata ‘yung paa ko. Bakit ba kasi ako
tumalon sa napakataas na building? Wala na ata ako sa sarili ko. Si Naomi naman,
hindi makatayo dahil sa ginawa ko. Pero mukhang kaya ko namang maglakad.

“Don’t worry about me. Kaya ko namang maglakad. Buhatin mo na si Naomi.”

“What?! No, no. Kaya ko ring tumayo,” sabi bigla ni Naomi tapos tinry niyang tumayo
pero nawalan ng strength ‘yung binti niya.

“Careful.” Buti at nasalo siya ni Mitsuo. Then suddenly, naalala ko ‘yung first
case ko kasama sila. Parang ganito rin ang nangyari nun. Okay. Weird.

Hindi na umimik si Naomi at binuhat siya ni Mitsuo sa likod niya. Napakunot ang noo
ko nung nakita kong namumula si Naomi. Mukhang alam ko na ang nangyayari pero saka
ko na siya kakausapin. Tinry kong tumayo pero naluha ako nung inistep ko ‘yung
kaliwang paa ko.

“Okay ka lang?” tanong ni Mitsuo sa akin.

“Yung totoo? Hindi. Pero kaya ko namang maglakad hanggang kay Miyu.” Napakagat ako
sa labi ko sa bawat paghakbang na ginagawa ko. Sinabayan naman ako ni Mitsuo at
Naomi sa paglalakad kaya ang bagal ng progress namin.

“What are you doing?”


Napatingin kaming tatlo sa likuran namin at nakita namin si Hideo na nakatingin sa
amin na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Sabagay, ang bagal-bagal
naming maglakad tapos karga pa ni Mitsuo si Naomi. For sure ay maguguluhan talaga
siya.

“Her leg is wounded,” sabay lingon ni Mitsuo kay Naomi. “Akemi’s foot is sprained.”

Lumapit sa amin si Hideo at chineck niya ang sugat sa binti ni Naomi. Tapos bigla
siyang lumuhod at inangat niya ‘yung paa ko. Napapikit ako nung hinawakan niya ‘yun
at napahawak ako sa buhok niya nang mahigpit para mapigilan kong sumigaw.

“Bumalik muna tayo kay Miyu. We need to treat your injuries.”

Maglalakad na sana ulit ako pero bigla naman niyang pinigilan ‘yung braso ko.

“Where are you going?”

“Huh? Babalik kay Miyu.” Pinagloloko niya ba ako? Siya ‘tong nagsabing bumalik kami
eh.

“With that sprained foot?”

Nagulat ako nung bigla niya rin akong binuhat at nakailang sabunot ako sa kanya
para lang pababain ako pero hindi niya ginawa. Ayoko namang lumundag pababa dahil
baka lumala lang ‘yung sprain ko pero ayokong magka-utang na loob sa taong ‘to.

Pero wala na akong nagawa dahil makalipas ang ilang minutong paglalakad ay
nakarating kami kung saan nakapark si Miyu at nandoon sa labas sina Akira, Mayu at
Michiko habang nakatingin sa aming apat.

“Uso na ba ngayon ang piggyback ride pabalik sa sasakyan?” seryosong tanong ni


Michiko.

“They’re injured,” sagot naman ni Hideo.

“Ah. Akala ko trip niyo lang bumalik ng ganyan.”

“Pfft. Nakakatawa ‘yung itsura niyo,” sabay tawa nang malakas ni Akira at nakita ko
ring ngumiti si Mayu. Napayuko ako sa kahihiyan at hinigpitan ko ang kapit ng braso
ko sa leeg ni Hideo.

“Ouch—can’t—breathe—”

“Ibaba mo na ako!”

Hindi naman niya ako pinakinggan at binaba niya lang ako nung nasa loob na kami ng
sasakyan. Habang hindi sila nakatingin at nasa blindspot ako ni Hideo ay sinauli ko
‘yung libro sa dating pwesto and after that ay naupo ako nang dahan-dahan dahil sa
bwisit na sprain na ‘to. Binaba naman ni Mitsuo si Naomi sa tabi ko at tinignan ko
siya.

Hindi ako sanay na makitang ganito si Naomi. Tinignan ko si Akira at nakatingin din
siya kay Naomi. Nung nagkatinginan kami ay tinaas-taas niya ang kilay niya tapos
ngumiti siya nang nakakaloko. For sure ay magtatanong ‘to nang magtatanong.

Huminga ako nang malalim at sobrang nadrain na ang energy ko ngayong araw. Ang dami
masyadong nangyari at pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang matulog at
magpahinga. Napatingin ako kay Mitsuo at napaisip ako sa sixth sense niya. He can
remember anything but they easily fade away. Does that apply to everything o sa mga
minor things lang? Parang gusto kong ganun na lang din ang sixth sense ko.
I want everything in my mind to fade away.

***

=================

Chapter 25

Correction lang sa last update. Napagpalit ko 'yung alternative names nina Keith at
Kid. Keith should be Daiki, not Kuro. Haha.

***

“Ouch! Ouch!”

Sobrang higpit ng hawak ko doon sa unan dahil ang sakit ng paa ko. Hindi ko alam
kung anong ginagawa nung doktor dahil ayokong tignan. Nung nakita ko kasi kanina
‘yung paa ko ay namamaga na at pulang-pula kaya hindi ko na ulit tinignan pa.
Matapos ang isang oras ay pinagpahinga na ako ng doktor habang ‘yung assistant niya
ay nakatingin sa akin. Kaming dalawa na lang dito sa room dahil ‘yung lima ay
bumalik muna sa dorm habang si Naomi ay nasa kabilang kwarto.

“Ikaw pala ‘yung isa sa mga bago sa Atama. Nice meeting you,” tapos yumuko siya sa
akin. Nagnod na lang ako sa kanya tapos tinignan ko ‘yung name niya doon sa uniform
niya, which is Yuuki. After niya akong icheck ulit ay umalis din siya kaagad.

Nung mag-isa na lang ako sa kwarto ay napabuntung-hininga ako at inisip ko lahat ng


nangyari ngayong araw. Sa loob ng isang araw ay ang daming nagbago at mababago.
Hindi ko alam kung kaya ko pang makatagal dito. Gusto ko nang bumalik pero ayaw
naman ng pamilya ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar ngayon.
Idagdag pa ‘yung nangyari kay Kid. I know Mom can be cruel but I didn’t expect na
gagawin niya ‘yun kay Kid. Nung nakita ko kanina ‘yung mga sugat niya at halos puro
mantsa ng dugo ‘yung damit niya ay doon ako naiyak. Nagawa niya pang ngumiti-ngiti
sa akin kanina kahit alam kong sobrang sakit ng katawan niya. Sana lang ay nakuha
nina Dana at Keith ang card ko. Sana nabasa nila ‘yung sinulat ko tungkol kay Kid.

“Hey,” sabay bukas ng pinto at nakita ko ang pagmumukha ni Hideo. Hinigpitan ko ang
pagkakasarado ko sa isip ko.

“Anong kailangan mo?” tanong ko tsaka ko siya binigyan ng matalim na tingin.

“Wala. Chineck lang kita.”

“I’m okay. Makakaalis ka na.”

“You’re not.”

Biglang nagflash sa isip ko ‘yung pag-uusap namin ni Kid kanina dahil ganun din ang
naging takbo ng usapan namin. I immediately dismissed that thought. Hindi na lang
ako umimik after that.

“Are you hiding something from us?”

Nung tinanong niya ‘yun at napatingin ako sa kanya. Seryosong-seryoso ang


expression niya kaya kinabahan ako. But I managed to control my emotions at
tinignan ko rin siya nang seryoso.

“Lahat ng tao may sikretong tinatago,” sagot ko sa kanya. Bigla naman siyang tumayo
at lumapit sa akin. Napaatras ‘yung ulo ko at naramdaman ko ang headboard habang
‘yung mukha niya ay nasa harapan ko.
“But yours seems to be deeper and darker.”

Tinulak ko siya palayo at tinignan ko siya nang masama. Gusto ko nang sumigaw dahil
sa frustrations na nararamdaman ko pero kinalma ko ang sarili ko.

“We all have dark secrets that should never be revealed, Hideo. Hindi lang ako.
Kaya kung tapos ka na sa pag-iinterrogate mo sa akin, pwede ba umalis ka muna? I
want to rest.”

Natahimik siya pagkatapos kong sabihin ‘yun. Humiga ako sa kama at pinantalukbong
ko sa mukha ko ‘yung kumot. Naghintay ako ng ilang segundo at narinig ko ang
pagbukas at pagsarado ng pinto. Pagtingin ko, wala na si Hideo sa kwarto.

Tumulo agad ang luha ko pero hindi ako gumawa ng kahit anong ingay. I know Akira’s
still around and I don’t want her to hear me crying.

We were trained to control our emotions, because they can lead us to danger or even
death. Shinigami, is a tribe of killers, assassins and human weapons. We are not
allowed to show any emotions except triumph and satisfaction.

Pinunasan ko ‘yung luha ko at kinalma ko ang sarili ko. Sabi ni Mom, crying is for
the weak. And yes, I still believe that. Ayokong maturingang mahina kaya kinontrol
ko ang emosyon ko. I am here for a reason and that’s to become the eye of our
tribe.

***
Napabangon ako nung naramdaman kong may tao sa kwarto ko. Pagdilat ko, nakita ko
‘yung assistant ng doktor kanina na chinecheck ‘yung paa ko. Ni hindi ko napansin
na nakatulog pala ako kanina. Sa pagkakatanda ko ay Yuuki ang pangalan niya.
Napatingin siya sa akin at nginitian niya ako.

“Okay na ang paa mo. Naayos na ang muscles sa area ng sprain kaya makakapaglakad ka
na nang maayos.”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay agad kong inikut-ikot ‘yung paa ko at wala na
akong naramdamang sakit. Wow. Magaling na nga. Ang bilis ng process ng paggagamot
nila.

“Pwede kang magstay dito or umuwi sa dorm.”

“I’ll stay here,” sabi ko kaagad dahil gusto ko munang mag-isa. Then naalala ko si
Naomi sa kabilang kwarto. “Kamusta si Naomi? Tsaka nandyan pa ba sila?”

“She’s sleeping. Ayos na rin siya pero numb pa ang binti niya dahil sa
anaesthetics. And sina Hideo, bumalik na sa dorm. Yung bago na lang din ang natira
dyan,” sabay ayos niya doon sa kumot ko.

“Bago? Si Mitsuo?”

“Yeah. I think that’s his name.”

“Siya ang nagbabantay kay Naomi?” tanong ko habang nakakunot ang noo. Bakit siya
ang nagbabantay? Kailan pa sila naging close?

“Yes. Nung pumunta ako sa kabila kanina, parang guilty ang expression niya. Siya ba
ang may kasalanan nung nangyari—oh. Sorry, medyo personal na ata ‘yun. Sige
magpahinga ka na.” After niyang sabihin ‘yun ay dumiretso siya sa pinto.

“Thanks...Yuuki.”

Pagkasabi ko nun ay napahinto siya at lumingon siya sa akin na parang gulat.


Itatanong ko sana kung may problema ba pero nagnod lang siya sa akin at tuluyan
nang lumabas. Pero nagulat ako nung biglang bumukas ‘yung pinto at nakita ko siyang
sumilip.

“Oo nga pala, you can be at ease here. Naomi’s and this room are soundproof. But
this room is special since brain emissions and magnetic waves can’t pass through
the walls,” sabay ngiti niya. “Ininsist kasi ni Hideo na ito ang gawing room mo.”
Sinara niya ‘yung pinto pagkatapos nun pero wala pang isang segundo ay bumukas
ulit. “By the way, did I tell you my name?”

Tsaka ko narealize na ‘yung reaction niya kanina ay dahil nagulat siyang alam ko
ang pangalan niya. Nginitian ko naman siya kaaagad.

“No. But I’m observant,” sabay tingin ko doon sa uniform niya. Sinundan niya naman
‘yung tingin ko at napatango siya dahil narealize niya na nakasulat ang pangalan
niya doon. Pagkatapos nun ay sinara na niya ulit ‘yung pinto. Naging alert ako for
one minute dahil baka bumukas na naman ulit ‘yung pinto pero hindi na nangyari kaya
nakahinga na ako nang maluwag.

Ngayong mag-isa na lang ulit ako ay napatingin ako sa buong kwarto. So this is a
soundproof room and hindi rin mababasa ng kahit na sino sa labas ang isip ko.
That’s great. That explains Hideo’s action. Alam niyang kaming dalawa lang ang
nakakaalam ng nangyayari dito sa loob kaya niya tinanong ‘yun.

And I think naghihinala na talaga siya sa akin.

You need to go back. You’re the perfect spy for us, Rielle. You’ll be the eye of
our tribe, just like what the dead agent did for his tribe.

Biglang nag-echo sa tenga ko ang boses ni Mom at kinilabutan ako. Alam ko naman na
para sa tribe ang ginagawa kong ‘to pero parang hindi ko na kaya. Pakiramdam ko
kapag pinagpatuloy ko pa ‘to, may magbabago na sa akin. Pakiramdam ko, mawawala ang
identity ko...and I don’t want that to happen.

Bumangon ako agad at dahan-dahan kong tinapak ‘yung paa ko sa sahig. Napapikit pa
ako in case na may maramdaman akong kirot pero wala. Agad-agad kong sinuot ‘yung
slippers at lumabas ako sa kwarto. Naglakad ako papunta sa kabila at sumilip muna
ako bago pumasok. Pagtingin ko, tulog si Naomi habang nakaupo naman si Mitsuo doon
sa sofa. Mukhang naramdaman niya ang presence ko dahil napatingin siya sa pinto.
Dahil nakita niya na rin ako ay pumasok ako sa loob at naglakad palapit sa kanya.

“Looks like your foot is okay.”

“Yeah. Ang effective ng treatment nila,” sabi ko tapos umupo ako sa tabi niya.

Pareho lang kaming nakatingin kay Naomi at wala nang nagsasalita sa amin. Pero
kahit ganun, hindi awkward sa pakiramdam. It’s either sanay kami sa katahimikan or
parehong malalim ang iniisip namin...or sadyang boring lang kami pareho.

“Why did you stay here?” tanong ko naman dahil bigla akong nacurious. Ang sabi ni
Yuuki, parang guilty daw si Mitsuo sa nangyari kay Naomi pero ang totoo ay ako
naman ang may kasalanan nun.

“I felt responsible for what has happened.”

“Pero ako ang may kasalanan.”

“Pero kung naging mas mabilis ako sa kilos ko, sana hindi kayo nandito. I was there
but I can’t even protect both of you. I’m a man but I let two girls to get hurt in
front of me.”

Nagulat ako sa narinig ko. I didn’t expect him to be a gentleman. Ang tumatak na
impression ko sa kanya ay short-tempered and cold. Pero ngayon ay nasaksihan ko ang
pagiging caring niya. Nakatulala lang ako sa kanya at hindi talaga ako
makapaniwala.
“Si Mitsuo ka ba?” I absent-mindedly asked and in return, tinignan niya ako nang
masama habang nakakunot ang kilay at noo niya. “Okay. Si Mitsuo ka nga.”

“I know that you see me as aloof and unapprochable,” tapos napansin kong naging
relaxed ‘yung balikat niya at sumandal siya sa sofa, “but I really care for people
who appreciate me.”

Nakita ko naman na parang naging malungkot ‘yung expression niya and for the first
time ay parang naging calm ang mukha niya.

“I’m from a family of executioners.” Nung narinig ko ‘yun ay nagulat na naman ako.
Sinasabi niya sa akin ang background niya. Ni hindi ko inexpect na malalaman ko ‘to
mula sa kanya kahit simula pa lang nung nagkita kami ay curious na curious na ako.
“Kaya nga sabi ko ay sanay na akong makakita ng patay o mga bangkay. Dahil kami
mismo ang pumapatay sa kanila.”

Then I suddenly realized that we’re the same. We are born and raised to be killers.

“Lahat ng S+ criminals o ‘yung mga sobrang bigat ng ginawang kasalanan, kami ang
nagbibigay ng parusa. Kaya nga hindi rin alam ng publiko kung sino ang mga kriminal
na ‘yun dahil may special police force na humuhuli sa kanila at hindi sila kilala
ng media. Of course, they are composed of Senshins. Oras na nakahuli sila ay
ipapadala agad sa lugar namin at kami na ang mamamahala. And Sir Kyo is one of
those police.”

“Si Kyo? I mean, si Sir Kyo? Talaga?”

“Yes. Kaya rin ako nakapasok dito ay dahil magkakilala si Lolo at Sir Kyo. Hindi ko
naman talaga gustong pumunta rito. Gaya nga ng sinabi ko nung una tayong magkita.”
Naalala ko naman ‘yung una naming pagkikita. That was months ago but I can still
remember it clearly. Sinabi niyang dahil lang sa lolo niya kaya siya napunta dito
at sa Atama kahit ayaw niya. Conceited daw kasi ang mga nabibilang dun.

“Bakit ka pinilit ng lolo mo na pumunta rito?” tanong ko dahil sobrang nacucurious


ako sa pagkatao niya.

“Because my sixth sense can be used to collect information about the criminals, to
hunt them, rather than for execution.”

Sabagay. Tama naman ‘yun. So that’s the reason kung bakit siya nandito. And that
explains his personality. Kaya pala parang galit siya nung una kaming magkita.
Napilitan lang siyang pumasok dito dahil sa gamit ng sixth sense niya.

“During our cases, I saw lots of dead bodies. Hindi naman na bago sa akin ‘yun pero
‘yung mga pamilya at kaibigan nila na umiiyak sa pagkamatay nila, ‘yun ang bago.
Lahat ng kriminal na ineexecute namin, wala ang mga pamilya o kaibigan para umiyak
sa kanila. Doon ako nasanay. I always believe that they deserve to die and no one
should grieve for them.”

“So now, you’re afraid to lose those important to you? Dahil sa nakita mo sa cases
na sinolve natin. Kaya ngayon, pakiramdam mo responsible ka sa nangyari sa amin.”

“Yes. I thought you two would die. Buti na lang...buti na lang umalis ‘yung mga
Shinigami.”

Narinig ko naman na nagcrack ‘yung boses niya and I could feel his anxiety and
fear. Tinapik ko naman ‘yung likod niya dahil hindi ko alam kung paano siya
icomfort. And somehow, nararamdaman ko ‘yung nararamdaman niya. Kasi nung tinarget
ko si Keith at Naomi kanina ay natakot din ako para sa kanila. But I had no choice
since that’s the only thing that I can do.
Tumahimik kami nang matagal and during that time ay marami akong napag-isip-isip.
Nung mga 3 AM na ay nagpaalam na ako sa kanya. Pinagbantaan niya pa akong wag ko
raw sasabihin sa iba ‘yung pinag-usapan namin pati na ‘yung muntik niyang
pagbreakdown. Umoo naman ako. Well, at least may pang-blackmail na ako sa kanya
kapag nagkataon.

Paglabas ko ng kwarto ni Naomi ay hindi ako dumiretso sa kwarto ko. Lumabas ako sa
ospital at sinigurado kong walang nakakita sa akin. Dumaan ako sa route na hindi
ako mapapansin papunta sa gubat. Ewan ko ba pero naaakit talaga ako sa place na
‘to. Maybe because it has similarities to Black Dimension—dark, eerie and cold.

Naglakad lang ako nang naglakad para marelax ang utak ko. Saka ko lang napansin na
parang unfamiliar na ang part na ‘to. I think nasa east side ako...or west? Hindi
ko na maalala.

Babalik na sana ako pero napatigil ako nung may nakita akong parang kuminang sa
right side ko. Pagtingin ko, mga bulaklak pala. Pero ang hindi ko inaasahan ay
‘yung kulay nila.

It’s green.

Lumapit agad ako doon at tinignan ko ‘yung mga bulaklak. Akala ko namamalikmata
lang ako pero green talaga ang kulay nila but not like the color of the leaves.
Para silang naggoglow kapag gabi. Ang gandang tignan.

Pipitas na sana ako ng isa pero napatigil ako dahil nakaramdam ako ng chill...or
more like a presence. Naging alert ako at nilibot ko ang tingin sa paligid since
sanay naman ang mata ko sa dilim. And then I saw something that sent chills all
over my body.
I saw two ferocious eyes staring at me.

***

=================

Chapter 26

Hindi ako gumalaw dahil alam kong may nakatingin sa akin. Pinakiramdaman ko siya
pero hindi rin siya gumagalaw. Ang naririnig ko lang sa paligid ay ‘yung paghampas
ng hangin sa mga puno. Dahan-dahan kong kinuha ang cards sa bulsa ko pero mukhang
nasense niya ang movement ko kaya bigla siyang sumugod...

At halos mapasigaw ako nung makita ko ang itsura niya.

Napasandal ako sa puno habang nasa harapan ko ang isang malaking oso na thrice ng
laki at lapad ko. Pero ang mas nakakagulat ay ‘yung fur niya dahil patusok kaya
nagmukha siyang higanteng hedgehog na nakatayo. Tapos marami ring scars ang mukha
niya at ang hahaba ng claws niya.

Is this really a bear? Ngayon lang ako nakakita ng ganito ang itsura.

But there’s nothing to worry about. I can handle it. This is just like any
monstrous animals. They can be dangerous but they only use their instincts.
Bigla naman siyang nagroar at sumugod sa akin kaya tumalon agad ako sa taas ng
puno. Tumama siya doon sa trunk kung saan ako nakasandal kanina at sobrang lakas ng
pag-uga ng puno to the point na muntik na akong malaglag. Bumilis bigla ang tibok
ng puso ko dahil muntik na niya akong masunggaban. Hindi ko akalaing sobrang bilis
ng kilos niya. At pagtingin ko doon sa puno ay butas-butas na ang trunk dahil doon
sa matalas niyang balahibo.

The bear roared at me again and it slammed its body to the tree. This time, sobrang
lakas ng impact kaya na-uproot ‘yung puno at bumagsak. Tumalon agad ako at tumakbo
papunta sa katabing puno. Mukhang hindi naman ako nakita nung oso kasi nakafocus pa
rin siya doon sa punong itinumba niya at inislash niya ‘yung claws niya doon na
parang hinahanap niya ako.

Gagamitin ko na sana ang time na ‘yun para tumakas dahil ayaw kong kalabanin ang
isang ‘to. Baka kasi may makakita o may makaramdam na may nangyayaring kakaiba rito
sa gubat. Pero muntik na akong mapasigaw nung naramdaman ko ang sakit sa paa ko.

Shit! Sabi ni Yuuki, ayos na raw ang sprain ko pero bakit parang bumalik ulit? Ang
sakit! Paano ako ngayon makakatakas sa isang ‘to?

“Meow.”

Napahinto naman ako sa paggalaw nung narinig ko ‘yun. Hinanap ko kaagad kung saan
galing ang tunog at nakita ko sa likod ng oso si Demi. Mukhang hindi niya pa alam
na may oso sa harapan niya dahil palinga-linga lang siya. Hindi naman kasi kaagad
makikita ‘yung oso dahil dark ang kulay niya. Pinilit kong kunin ang atensyon ni
Demi pero hindi niya ako makita. Pero nung tumalikod ‘yung oso ay natakot ako para
kay Demi.

“Demi!”
Parehong napatingin sa akin si Demi pati na ‘yung oso. Nakahinga ako nang maluwag
nung hindi tuluyang lumingon ‘yung oso kay Demi dahil ayokong may masamang mangyari
sa kanya, at nakita na rin ako ni Demi. Pero ang problema ay nahanap rin ako ng oso
at tumakbo siya papunta sa puno kung nasaan ako.

Hindi ako makagalaw dahil sa bwisit na paa ko kaya inatake ko na lang siya gamit
ang cards ko. Tinamaan siya sa kaliwang pisngi at nagroar siya pero pinagpatuloy
niya pa rin ang pagtakbo papunta sa akin. Shit talaga! Hindi ko magamit ang buong
lakas ko dahil sa posisyon ko at sa paa ko.

Saglit kong hinanap si Demi sa likuran nung oso pero pagtingin ko doon ay wala na
siya. Mukhang natakot siya kaya tumakbo pabalik sa school. Kung kaya ko lang din
sanang gawin ‘yun...

Wait.

I can use the Black Dimension!

Pero baka madetect ako rito. Or not? Medyo malayo naman ako sa campus. Kaso
kailangan ko nang mag-ingat dahil masyado nang nagsususpetsya sa akin si Hideo.

Damn it, Akemi! Nasa panganib ka ngayon! Uunahin mo pa ba ‘yang tingin ng Hideo na
‘yan?!

Pagkatapos kong makipagtalo sa sarili ko ay napagdesisyunan kong gamitin ang Black


Dimension. I have no other choice! Mamamatay ako rito kapag hindi ko ‘yun ginawa!
Bigla namang nagroar ulit ‘yung oso nang sobrang lakas kaya niready ko na ang
sarili ko. I was about to open a portion of the Black Dimension nung biglang...

May naramdaman akong mas nakakatakot na presence. My instincts took over at yumuko
agad ako dahil alam kong may masamang mangyayari sa akin kapag hindi ko ‘yun
ginawa. Then all of a sudden ay naputol ‘yung puno kung nasaan ako, at kung hindi
ako nakayuko ay paniguradong naputol din ang ulo ko. Nung tinignan ko ‘yung oso ay
huminto na siya sa pagtakbo at hindi na gumagalaw. After a few seconds ay bigla na
lang siyang natumba at parang nagkaroon ng panandaliang earthquake dahil doon.
Parang ayaw ko nang alamin kung gaano kabigat ang osong ‘yun.

Hinanap ko kaagad ‘yung nakakatakot na presence at napahinto ako nung nakita ko


kung sino ang nasa likod ng oso.

“Meow.”

Nakita ko si Demi na akala ko ay tumakbo pabalik dahil sa takot, at kasama niya si


Hideo habang may hawak-hawak na malaking espada.

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” mariin niyang sabi at naglakad siya papalapit sa
akin.

Naalala ko ang unang beses na nakita ko siyang sobrang seryoso at dito rin ‘yun sa
gubat. Pero ngayon, bukod sa seryoso ay mukhang galit din siya. Hindi ako sumagot
at hindi rin ako gumalaw dahil sobrang sakit pa rin ng paa ko.

“I told you, we’re not allowed to venture this forest. At ngayon, alam mo na kung
bakit,” sabay tingin niya doon sa oso na pinabagsak niya. “There are many peculiar
and dangerous animals residing here, and most of them are active during the night.
They will attack anything or anyone who’s stupid enough to cross their
territories.” Nakakunot ang noo niya at nakatingin siya sa akin nang masama habang
sinasabi ‘yun.

“So sinasabi mong stupid ako?” Uminit kaagad ang ulo ko sa sinabi niya at
pinipigilan ko lang ang sarili kong ibato sa kanya ang cards na hawak ko.
Nakatingin lang siya sa akin at nagpakawala ng buntung-hininga. After that ay
bumalik na sa dati ang expression niya—ang walang expression niyang mukha.

“Let’s go. Buti nakita ko si Demi kanina at nalaman kong nandito ka.” Nagulat naman
ako nung narinig ko ‘yun.

“Si Demi? Pumunta sa’yo si Demi?” Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Yeah. She was hissing at me and I don’t know why. Tapos bigla siyang tumakbo
papunta sa gubat kaya sinundan ko siya.”

Napatingin ulit ako kay Demi habang umaakyat siya papunta sa ulo ni Hideo. Kung
hindi lang seryoso ang usapan na ‘to ay kanina pa ako natawa dahil sa itsura nila.
Pero masyadong mabilis ang nangyari at imposibleng tumakbo si Demi sa maikling
panahon paalis at papuntang gubat. I’m sure she used the Black Dimension.
Seriously, this cat is intelligent.

“Bumaba ka na dyan. Baka biglang may sumugod na naman dito.”

“Actually, that’s the problem.”

“What do you mean?”

“I think, nasprain na naman ang paa ko.”

After kong sabihin ‘yun ay nakatingin lang siya sa akin ng ilang minuto at mukhang
hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napabuntung-hininga ulit siya at lumapit siya
dito sa may puno. Binaba niya ‘yung sword na hawak niya pati na rin si Demi at
tumalon siya papunta sa branch kung nasaan ako.

“You’re really troublesome,” sabay buhat niya sa akin at tumalon siya pababa.

“I know. I think trouble has a crush on me,” bulong ko naman sa sarili ko.

“That means trouble is a guy.”

“Ha-ha. Corny mo.”

Hindi ko alam kung niloloko lang ba ako ng mata ko or what pero nakita ko siyang
nagsmile ng konti. At hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko na kausapin
ang isang ‘to. Parang kanina lang sa ospital ay sobrang seryoso ng usapan namin at
ayaw ko na siyang makita pero ngayon, eto ako, buhat-buhat ng lalaking ‘to.

Binaba niya muna ako doon sa lupa pagkatapos ay umupo siya nang nakatalikod sa
akin.

“Sakay,” sabi niya habang nakalingon. Kumapit naman ako sa leeg niya at binuhat
niya ako sa likuran niya habang hawak-hawak niya ‘yung sword. Sumakay din si Demi
sa kanya at as usual, doon siya sa favorite spot niya.

Naglakad siya nang tahimik habang ako ay naging alert sa paligid. Baka bigla na
lang may sumugod na naman sa amin. Sa ilang beses na pumunta ako rito sa gubat ay
ngayon lang ako nakaencounter ng hayop. Ang nakakainis lang ay naencounter ko ‘yun
kung kailan injured ako. Kung hindi lang sana ay mabilis ko nang napabagsak ang oso
na ‘yun kanina. Tsk. Nagka-utang na loob pa tuloy ako sa lalaking ‘to.

“Sorry for what I’ve said earlier,” biglang sabi niya. Hindi naman ako nagsalita at
bumigat ang pakiramdam ko pero hindi ko alam kung bakit.
Tumahimik ulit siya after that at narealize ko na kung bakit ganun ang naramdaman
ko.

I was scared. Natakot ako na baka mahuli niya ako at malaman ang totoong pagkatao
ko. Malalaman niyang Shinigami ako at nagpapanggap lang akong Senshin. Wala naman
akong pakialam kung anong iisipin nila kapag nangyari ‘yun, as long as nagawa ko
ang mission ko. Pero ngayon, nacucurious ako kung anong magiging reactions nila.
Siguro magagalit sila sa akin. Siguro maglalaban-laban kami.

Inalis ko naman kaagad ang idea na ‘yun. Kung sakali mang mangyari ‘yun ay ayoko
silang makalaban. Maybe I’ll let Kid, Dana and Keith fight them.

“Are you okay?” tanong bigla ni Hideo.

Umikot naman bigla ang paningin ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa lahat ng
nangyari ngayong araw. Ni hindi ako masyadong nakapagpahinga sa kwarto ko kanina
dahil sa dami ng iniisip ko. Sumandal na lang ako sa balikat niya at pumikit dahil
ang bigat na rin ng mga mata ko.

“Thank you...for saving me,” bulong ko sa kanya and then exhaustion forced me into
sleep.

“Always...as long as trouble has a crush on you.”

***
=================

Chapter 27

Ang weird ng panaginip ko kanina. Parang may sinabi si Hideo na something pero
hindi ko marinig. Oh well, panaginip lang naman. Hayaan na nga. Bumangon ako at
pinakiramdaman ko muna ang paa ko.

"Oh, 'wag ka munang aalis dyan. Ikaw rin, Naomi! Bakit ba ang kulit niyong dalawa?"

Nagkatinginan kami ni Naomi na pababa na rin pala ng kama at napangiti na lang kami
sa sinabi ni Akira. Para tuloy siyang magulang namin dahil binabantayan niya kami
dito sa room. Actually, nandito na kami sa dorm namin dahil pareho naming ayaw
magstay sa ospital. Kaya ngayon ay si Akira ang nakukunsumi sa amin.

"Akira, ayos na ako," sabi ni Naomi.

"Ako rin," dagdag ko pa.

"Wala akong pakialam. Basta bawal kayong umalis dyan. Kundi, papapuntahin ko rito
sina Hideo at Mitsuo."

"Ano namang kinalaman nila?" tanong ko pero pinagsisihan ko kaagad 'yun dahil may
namuong nakakalokong ngitisa mga labi ni Akira.

"Akemi, don't underestimate my ears," sabay turo niya sa tenga niya.

"Fine, fine."

Umayos ulit ako ng upo ko sa kama dahil ayoko nang maalala 'yung mga nangyari
kagabi. Narinig pala ni Akira 'yung mga pag-uusap namin. Nakakainis talaga ang
sixth sense niya sa mga ganitong sitwasyon.
Tinransfer kaming dalawa ni Naomi sa kwarto namin sa dorm para na rin
makapagpahinga nang maayos. At isa pa ay pareho naming mas gusto rito. Napatingin
naman ako kay Naomi na katabi ko lang sa kama at huminga ako nang malalim.

"Sorry nga pala," sabi ko sabay tingin sa binti niya.

"It's okay. Aksidente lang naman ang nangyari. Besides, natamaan mo rin si Daiki."

"Yeah..."

Naisip ko naman bigla si Keith. Natamaan ko nga rin siya pero alam kong hindi siya
napuruhan. Isa pa, useful din ang sixth sense niya sa mga ganung klaseng sitwasyon.
Ang mas iniisip ko ngayon ay si Kid. Ano na kayang nangyari sa kanya? Napuntahan na
ba siya nina Dana at Keith? Nakapag-usap ba silang tatlo? Ano na kayang binabalak
nila? At ano nang ginagawa nina Mom?

"Huy!" Napatingin naman ako bigla kay Michiko na nasa harapan ko na. Teka, bakit
nandito siya?

"Kanina ka pa nakatulala dyan. Hindi mo tuloy sila napansing pumasok," sabi ni


Akira sa akin.

Saka ko lang nakita na nasa loob na nga ng kwarto namin sina Mayu at Michiko.
Masyadong malalim ang mga iniisip ko kanina kaya hindi ko na sila napansin.
Sinarado ko na lang ang isip ko para makapagfocus sa nangyayari ngayon.

'Your mind is really hard to read.' Tumingin agad ako kay Naomi na nasa tabi ko
pero nakatingin lang siya sa harapan niya at nakikipag-usap kay Michiko. How can
she do that? Hindi ba nakakalito na kinakausap niya si Michiko using her real voice
at ako naman by her inner voice?
'Bakit mo kasi binabasa ang isip ko?' tanong ko na lang sa kanya at mas lalo ko
pang sinara ang isip ko.

'Hindi ko rin alam. Siguro kasi dahil mahirap? It's in our nature to try things
that are challenging, dangerous and forbidden. Alam kong ganun ka rin.'

Natahimik na lang ako sa sinabi niya dahil totoo 'yun. Minsan napapaisip ako kung
may alam ba si Naomi sa totoong pagkatao ko, just like Hideo. Sila talaga ang
pinakamautak sa kanila and what's worse is sila pa ang lagi kong nakakasama.

'By the way, alam mo bang si Mitsuo ang nagbantay sa'yo?' Iniba ko na lang ang
usapan dahil baka macorner ako. This time, ako ang cocorner sa kanya.

'Really?' tapos napatingin siya sa akin.

"Hey, hey. Ishare niyo naman ang pinag-uusapan niyo. Stop using your inner voice!"
sigaw sa amin ni Michiko at umakyat siya sa kama. Nagsunuran naman sina Akira at
Mayu. Tsk. Mga tsismosang 'to. Napabuntung-hininga na lang ako at hinarap ko sila.

"Sinasabi ko lang na si Mitsuo ang nagbantay sa kanya," sabi ko sa kanila at


tinignan nila si Naomi nang nakakaloko kaya nakisali na rin ako.

"I knew it! Kaya siya nagpaiwan doon sa room mo," dagdag ni Akira habang nakaturo
kay Naomi.

"I think nagstay siya doon hanggang umaga. Nakita ko siyang palabas pa lang ng
ospital nung bandang 6 AM," sabi pa ni Mayu habang inaadjust ang salamin niya.
"Oh, bakit namumula?" tukso ni Michiko kay Naomi.

"May gusto ka ba sa kanya?" tanong ko.

Natahimik silang apat at nakatingin lang sila sa akin. Then after a few seconds ay
humagalpak sa kakatawa sina Akira at Michiko habang si Mayu ay nagpipigil ng tawa.
Si Naomi naman ay parang naestatwa na sa pwesto niya at hindi na makapagsalita.

"Yan ang gusto ko sa'yo Akemi eh. Straight to the point!" sabay tawa ulit ni Akira.

"Maski ako nagulat! Ayan nawala na tuloy kaluluwa niya," sabi naman ni Michiko
habang inaalog-alog si Naomi.

So may gusto nga siya kay Mitsuo? Whoa. Alam kong trip niyang asarin at hampas-
hampasin si Mitsuo kahit nung una pa lang silang nagkita pero hindi ko inexpect na
ganito na pala. At hindi ko rin alam kung anong nakita ni Naomi sa lalaking 'yun na
lagi lang nakakunot ang noo. Pareho lang naman sila ni Hideo na walang expression
ang pagmumukha at parang mga tuod kung umasta. But then, naalala ko ang other side
ni Mitsuo kagabi—his soft side. Hindi ko talaga akalaing sobra siyang nag-alala sa
amin kahit na galing siya sa pamilya ng executioners.

"Eh kayo ni Hideo, kamusta?" biglang tanong ni Akira habang nakangiti nang sobra.

"Anong kamusta? Ayos lang," sagot ko naman.

"Sus! I told you, I heard everything from here."

"Bakit? Bakit? Anong nangyari sa kanila?" Tsismosa talaga 'tong si Michiko.

"Ganito kasi 'yun."


Bigla namang tumayo si Akira habang hatak-hatak si Michiko at sinabi niya 'yung mga
narinig niya. Gumawa pa talaga sila ng dialogue at napailing na lang ako sa sobrang
OA ng acting nila.

"Tapos narinig ko pa si Hideo na nagsabing... Always. As long as trouble has a


crush on you." Bigla silang naghiyawan at nagtawanan after that habang ako ay
nagulat.

He said that? Teka, panaginip ko lang 'yun ah. Hindi naman pwedeng narinig ni Akira
ang nangyayari sa panaginip ko. Does that mean, sinabi niya talaga 'yun?

"This would be a great shot," biglang sabi ni Mayu at may nilabas siya na parang
cellphone at kinuhanan niya kami. After that ay may lumabas sa screen na projection
at picture namin ni Naomi ang nakadisplay na nakatulala lang kami.

Matapos ang mahaba-haba nilang pang-aasar ay nagpahinga na rin sila. Umalis silang
tatlo para sa klase habang kaming dalawa ni Naomi ay naiwan dito para magpahinga.
Ginalaw-galaw ko ulit ang paa ko at mukhang okay naman na. Siguro naman wala na
akong maeencounter na bear o kahit anong hayop dito na magcacause pa ng panibagong
sprain.

Umalis din si Naomi sa kama at nagsimulang maglakad-lakad sa kwarto. Mukhang okay


na rin ang binti niya. Buti na lang talaga at hindi masyadong malalim ang sugat na
nagawa ko sa kanya. Then all of a sudden ay parang may narinig akong ingay sa
labas. Hindi ko na lang pinansin dahil parang galing naman sa malayo.

"I was just thinking," sabi niya tapos huminto siya sa harapan ko. "Hindi kaya
kilala tayo ng mga Shinigami na sumugod sa atin? And I think may nangyari sa kanila
nung Custos agent. Siguro sumugod siya sa base nila and hinabol naman siya ng
Shinigamis. But they didn't expect na nandoon din tayo sa vicinity kaya napilitan
silang kalabanin tayo. Napansin kong hindi nila kami sineryoso at parang alam nila
ang sixth sense namin tapos mas focused sila doon sa paghabol sa Custos agent. Sa
tingin mo may kinuha o ginawa siya sa base nila?"
Natulala na lang ako sa kanya. Seriously, this girl is amazing and terrifying at
the same time. Halos nakuha niya ang totoong nangyari gamit lang ang observation at
ang isip niya. Her reasoning capability is unbelievable!

"Maybe. I think both tribes are making their moves," sabi ko na lang habang
tumatayo.

"At mukhang dahil doon ay may tension na namumuo pati sa Senshins. I don't know
about the Huntres, though. Masyadong isolated ang base nila."

Napatigil naman kami sa pag-uusap nung biglang may kumatok sa pinto. Nagtinginan pa
kami at in the end ay si Naomi na ang nagbukas ng pinto.

"Anong ginagawa—"

"Let's go."

Biglang hinatak ni Mitsuo si Naomi palabas ng room at sa likuran niya ay nakatayo


rin si Hideo. Pumasok siya sa loob at hinatak niya rin ang kamay ko kaya napatayo
ako.

"Wait! What are you doing? Anong nangyayari?"

Hindi niya ako sinagot at kumuha lang siya ng coat sa closet tapos binato sa akin.
Hinatak niya ako palabas ng room namin at nasa unahan naman namin sina Mitsuo at
Naomi.
"Teka, ano bang—"

"Case. May nagtanim ng mga bomba sa city at every thirty minutes ay may sumasabog,"
sabi niya sa akin at natahimik ako.

"Mayu and the others are on their way to the city. Maging ang ilang estudyante sa
ibang families ay pumunta rin doon para tumulong maghanap ng mga bomba at
madetonate ang mga 'yun." Narinig ko ang pag-eexplain ni Mitsuo kay Naomi.

Then I realized kung bakit kami hinatak ng dalawang 'to. Our sixth sense may be
effective on preventing the explosions.

Narinig ko naman si Demi sa tabi namin at naglalakad siya kasabay namin. Tinignan
ko siyang mabuti at nakita kong may nakataling note sa leeg niya kaya nagpanic ako
dahil baka makita ni Hideo. Bumitaw ako sa kanya at kinarga ko si Demi habang
patagong kinukuha 'yung note, pagkatapos ay pinatong ko siya sa ulo ni Hideo na
favorite spot niya.

Binulsa ko muna iyon at may narinig na naman akong ingay mula sa labas. This time,
alam kong ang naririnig ko ay pagsabog ng bomba.

"Ayos na ba ang paa mo?" biglang tanong ni Hideo habang palabas kami ng dorm.

"Yeah. Sana ay wag na ulit masprain dahil nakakairita na."

"Kasalanan mo naman kung bakit ka nagkaganun." Nung sinabi niya 'yun ay tinignan ko
siya nang masama. Tss. Kailangan sa kanya pa manggaling? Alam ko naman 'yun sa
sarili ko no.

"Whatever."

Agad kaming tumakbo papunta kay Miyu dahil hindi iyon ginamit nina Akira. Sumakay
kaming apat pero muntik na akong masubsob dahil sa bwisit na pajamas ko. Kasi
naman, nanghatak agad 'tong dalawang lalaking 'to! Ni hindi man lang kami
pinagpalit ng damit!

"Mag-ingat ka nga. Hindi sa lahat ng oras, may tutulong sa'yo," sabi ni Hideo
habang nakahawak sa wrist ko kaya binawi ko kaagad 'yun at umakyat sa sasakyan.

"Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako."

Umiling na lang siya at umakyat din sa sasakyan. Pinaandar namin si Miyu at


nalocate niya kaagad sina Mayu, Akira at Michiko. Dalawang pagsabog na ang narinig
ko mula kanina sa kwarto. Ano kayang nangyayari?

I wonder. What kind of case is this?

***

=================

Chapter 28

Halos magkaroon ng after shock na tulad sa earthquake after ng dalawang pagsabog.


Nararamdaman ko ang vibration ng lupa habang umaandar ang sasakyan.

"Mayu, ano nang nangyayari?" rinig kong tanong ni Hideo sa isang mini-computer sa
mesa, tapos biglang nagproject ang image ni Mayu sa taas nun.

"Nalocate namin ang isa sa mga bombang sumabog. Nalocate na rin ng Mimi family ang
isa pa."
Napaisip naman agad ako sa sinabi ni Mayu. Sa pagkakaalamko ay Mimi ang tawag sa
family ng mga may sixth sense na connected sa hearing or any sounds.

"Mayu, where were the bombs located?" tanong naman ni Naomi habang binebendahan ang
binti niya. Maging ako ay nilalagyan ko rin ng benda ang paa ko para mareduce ang
stress na mabibigay ko rito. Ayoko nang masprain for the third time.

"We found this one behind the school at 'yung isa ay sa lumang pabrika. Wala namang
namatay pero may mga sugatan at nagkaroon na ng mass panic. Iniisip nila na gawa
ito ng terorista at marami pang bomba ang sasabog."

"Give me the map," utos ni Naomi kay Mitsuo at inabot naman niya kaagad ito. Iba
talaga ang ugali niya kapag nagsosolve ng kaso. Para siyang si Hideo.

Nilatag niya 'yung mapa sa low table at tinignan naming apat 'yun. Minark niya
'yung dalawang location ng sumabog na bomba at halos isang kilometro lang pala ang
layo ng dalawa.

"Where's Akira?" tanong ulit ni Hideo.

"She's locating the other bombs. She can hear the faint ticking of the timer on the
bombs."

"Good. We'll be right there."

Nagkatinginan kami ni Mitsuo at alam kong pareho kami ng iniisip. These two—Hideo
and Naomi, are the brains of Atama family. Nakakapag-isip sila nang matino at
kalmado kahit na nagkakagulo na sa city. Siguro kaya rin ganun ang personality
nila.

Makalipas ang dalawang minuto ay nakita ni Hideo si Akira kahit halos isang
kilometro pa ang layo namin sa kanya. Papalapit na kami kay Akira nung bigla siyang
napahinto.

'BOMB! SA PARK!'

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang lakas ng boses ni Akira. Para akong
nagkamigraine at nagdoble ang paningin ko.

Agad-agad kaming bumaba dahil nasa tapat na kami ng park at sobrang daming tao
rito. Tumakbo kami papunta doon at sabay-sabay kaming sumigaw ng 'bomb' kaya
nagsitabuhan palayo ang mga tao.

"There!" sigaw ko nung makita ko ang bomba na nakastrap sa isang malaking sanga ng
puno.

"Shit! 4 seconds left!" sigaw ni Hideo.

Pare-pareho kaming tumakbo papunta sa puno at sa loob ng apat na segundo ay parang


bumagal lahat. I always experience this sensation when I am in a near-death
experience.

Pero alam ko sa sarili ko na ang pagtigil ng timer sa bomba ay hindi kasama sa


sensation na 'yun. Huminto sa 01 :34 ang timer at alam kong may isa't kalahating
segundo na lang kami.
"D-do it..." halos pabulong na sabi ni Naomi habang namumuo ang pawis sa noo niya.

At biglang gumalaw ulit ang timer.

I need to do something.

Tinitigan ko nang mabuti ang bomba at naramdaman ko ang pag-intensify ng kulay ng


mga mata ko. With an invisible force, I repelled the bomb away from us and it ended
on the fountain at the center of the park.

And there was a huge explosion.

Tumilapon kami dahil sa lakas ng impact ng pagsabog at tumama ang likod ko sa puno.
Humawak ako sa trunk para hindi ako tangayin sa malayo at nilabas ko ang cards ko.
I thrusted them on the trunk para doon kumapit. Good thing my sixth sense is
repulsion. At least, hindi dito sa part na 'to sumabog kundi maraming madadamay sa
explosion.

Sa sobrang lakas ng pagsabog ay halos nawala lahat ng bagay na nasa gitna ng park.
Tumayo agad ako at hinanap ko kung saan napunta 'yung tatlo. Pagtingin ko, nandoon
sila sa pinakadulo at dahan-dahan silang tumayo. Pero nagulat ako nung may nakita
ako sa bandang likuran nila na lalaking naglalakad lang.

And I even saw him smiled.


Hahabulin ko sana siya pero sumama siya doon sa kumpulan ng mga tao at hindi ko na
siya makita. That guy is definitely suspicious. Kung isa ako sa bystanders, sa
mismong pagsabog lang ako titingin. Pero 'yung lalaki, ni wala man lang siyang
pakialam doon sa nangyari at naglakad lang siya na parang wala lang sa kanya ang
scene na 'to.

Lumapit ako sa kanilang tatlo at mukhang okay lang naman sila. Pero napahinto ako
nung makita ko ang itsura nila. Their eyes were intense green and the blazing heat
was reflected on them. Bago pa kami mapansin ng mga tao ay dali-dali kaming umalis
dahil nakafocus lang sila doon sa bombang sumabog. May nakita naman akong police
officers na papunta doon sa gitna. Sila na ang bahala doon at kailangan pa naming
hanapin ang ibang bomba.

Pagkabalik namin kay Miyu ay nasa loob na si Akira at kausap niya sa mini-computer
sina Michiko at Mayu.

"Yes. Walang casualty rito. Napigilan nina Akemi at Naomi na sumabog malapit sa mga
tao," sabay tingin niya sa amin. "Actually, they're back."

Hinarap niya sa amin 'yung mini-computer at nakita namin doon sina Michiko at Mayu.
Nandoon pa rin sila sa school at ang dami kong nakikitang estudyante.

Bigla naman akong nahilo. Sobrang daming tao sa hologram at hindi ako sanay sa
ganun. I was always alone and I don't like big crowds. Naramdaman ko rin ang sakit
ng likod ko na tumama kanina sa puno. Damn it. These past few days, lagi na lang
akong nagkaka-injury.

Binuksan ulit ni Naomi 'yung map sa may table at minarkahan niya 'yung park kung
saan sumabog ang bomba. Wala naman akong makitang pattern kung saan sasabog ang
susunod na bomba o kung may sasabog pa ba. Hindi rin kasi namin alam kung ilan ang
bombang nakatanim sa city. Basta ang alam namin ay every thirty minutes sumasabog
ang mga 'to. For now, tatlong bomba na ang sumabog.
"Wala na akong naririnig na timer," sabi ni Akira.

Minsan napapaisip ako kung paano nagagamit ni Akira ang sixth sense niya. Sobrang
daming relo o orasan dito sa city but she can selectively hear what she wants to
hear. That's amazing.

"Does that mean wala nang sasabog na bomba?" tanong ko.

"Probably. Pero sobrang weird ng case na 'to," sagot naman ni Akira.

"You're right. Tatlong bomba na ang sumabog at may thirty minutes pang interval ang
mga 'yun. And the locations are not connected to each other." Tinuro ulit ni Naomi
sa amin 'yung mga location habang sinasabi niya 'yun.

"May lugar ba kung saan makikita mo doon ang tatlong location na 'yan?" tanong ni
Mitsuo kaya napatingin kami sa kanya.

"Bakit?"

"If I were the criminal, I would like to see the explosion myself. Tinago niya ang
mga bomba sa mga lugar na matao pero wala man lang nakakita ng mga 'yun. I'm sure
na nakabantay siya mula sa malayo para kung sakali mang may mangyaring hindi sang-
ayon sa plano niya ay alam niya ang gagawin."

"Mukhang alam mo kung paano mag-isip ang isang kriminal," sabi ni Naomi.

"Of course. I understand their minds more than what you think I could."

Biglang nagkaroon ng tension sa sasakyan. In fairness, kahit na may gusto si Naomi


kay Mitsuo, nagagawa niya pa ring pakitunguhan siya na parang wala lang. Pero bakit
ba paiba-iba ng ugali 'tong si Naomi? Nung una, akala ko siya ang girl version ni
Hideo dahil pareho sila ng aura pero ngayon, iba na ang tingin ko sa kanya. Si
Hideo kasi, 'yun lang talaga ang ugali niya—calm and stiff. Pero si Naomi, minsan
cold, unapproachable, tapos biglang matutuwa o kaya nagiging childlike.
"It's here," biglang sabi ni Hideo kaya naputol ang tension sa pagitan nina Naomi
at Mitsuo. Tinuro niya ang isang place doon sa mapa at tumingin siya sa side ng
sasakyan. Nakaproject doon ang itsura sa labas at tinuro niya 'yung isang mataas na
building malapit sa park. "I think you can see the three places at once when you
are at the top of this building."

Bigla naman akong kinilabutan at naalala ko ang nangyari kanina.

"May nakita akong suspicious na lalaki kanina." Pagkasabi ko nun ay nagtinginan


silang lahat sa akin. Dahil katabi ko si Hideo ay napahawak siya sa balikat ko at
nilayo ko naman ang mukha ko dahil masyado siyang malapit.

"Anong itsura niya?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Di ba dapat nakita mo rin siya? Didn't you use your sixth sense?"

"I was too busy protecting the both of them," sabay tingin niya kina Mitsuo at
Naomi. Magsasalita nga sana silang dalawa pero kumunot ang noo ni Hideo at
kinilabutan ako bigla. 'Yun din siguro ang naramdaman nila kaya hindi na nila
natuloy kung anumang sasabihin nila. Binitawan niya naman 'yung balikat ko at
nirelax ko ang sarili ko.

"Nakasuot siya ng sumbrero at masyadong maraming tao kanina kaya hindi ko masyadong
nakita ang mukha niya. He was wearing a white T-shirt and I think...may tattoos
siya pero hindi ko maalala—"

"Black sun," biglang sabi ni Mitsuo tapos tumingin siya sa akin. "I think I saw him
too but he was hidden in the crowd. Ang natandaan ko lang ay ang black sun tattoo
niya sa batok."

Wow. Nakita niya lang 'yung lalaki sa crowd pero natandaan niya 'yung itsura ng
tattoo? His sixth sense is really cool.

Bigla namang bumukas 'yung pinto ng sasakyan kaya natigilan kami. Nakita namin na
pumasok sina Michiko at Mayu. Hawak-hawak ni Mayu ang isang maliit na phone at
after niyang mag-okay sa kausap niya ay tumingin siya sa amin at sabay silang umupo
ni Michiko sa lapag.
"Bad news," sabi ni Mayu habang inaadjust ang salamin niya.

"Don't tell me may bomba na namang—"

"No, Akira."

"Then what's the bad news?"

"The Mayor is dead."

Pagkasabi nun ni Mayu ay nagulat kami at lalo pang gumulo ang kasong 'to.

***

=================

Chapter 29

Nireport sa amin ni Mayu ang lahat ng alam niya. Kausap niya pala ang isang Senshin
police kanina sa phone dahil nagkaroon ng kaguluhan sa munisipyo. Natagpuan daw
kasing wala nang buhay ang Mayor pagkatapos ng pagsabog.

"You think this is a different case? Or the bombs are just diversion?" tanong ko sa
kanila.

"Siguro malalaman natin kung pupunta tayo ngayon sa Mayor's office," suggestion ni
Naomi kaya pinaandar kaagad namin si Mayu.

Hindi pa rin ako mapakali dahil baka may sumabog na namang bomba kung saan. Ten
minutes pa lang ang nakakalipas simula nung sumabog ang bomba sa park. Ibig
sabihin, twenty minutes pa ang hihintayin namin para maprove kung meron pa ngang
bomba.
After three minutes ay nakarating kaagad kami sa munisipyo at nagmadali kami sa
pagpasok. Buti na lang at may tatlong Senshin police na nandoon, though katulad
namin ay nakasuot din sila ng black lenses para hindi makita ng humdrums na green
ang mga mata namin. At kahit naman hindi ko nakitang green ang mata nila ay alam ko
kaagad na Senshins sila dahil sa kilos nila. The police humdrums here are really
sloppy. Parang hindi nila alam ang ginagawa nila and mostly ay nag-iinterview lang
sila ng mga tao, while the Senshins are at the crime scene.

Pagdating namin doon ay nakaharang sa pintuan ng office ang mga pulis dahil ang
daming reporters at mga usisero sa labas. Agad naman kaming pinapasok dahil ang
chief inspector ay isang Senshin. Pagpasok namin ay lumantad ang katawan ng Mayor.

Nakahandusay siya sa sahig habang dilat na dilat pa ang mata at nakaawang ang
bibig.

"Ugh. Brutal," bulong ni Akira. Paano kasi, may tama ng bala sa noo 'yung Mayor
tapos may tatlong tama rin sa dibdib. Halos kumalat 'yung dugo sa buong katawan
niya pati na sa sahig.

"Narecover niyo na ba ang mga bala?" tanong ni Naomi doon sa police officer sa
gilid namin.

"Yes. Four bullets were found on his body."

"And the gun?" tanong naman ni Hideo.

"Kinuha ng forensic team. Tsk."

Napansin kong kumunot 'yung noo nung pulis at narealize ko na ang forensic team
dito ay binubuo ng humdrums. Tss. Kung isa siguro sa Senshins ang humawak nun ay
na-identify na kung may fingerprints at ibang details doon sa baril. Akala ko yung
mga nag-iinterview lang sa mga tao yung humdrums dito, 'yun pala meron ding iba
rito sa crime scene.

"Anong baril ang gamit?" This time, si Michiko naman ang nagtanong.

"I think it's a Mamba pistol and the bullets are 9 x 19 parabellum."

"A semi-automatic pistol, huh. Then pwedeng babae o lalaki ang pumatay sa kanya."

"May suspects na ba?" tanong ni Mitsuo.

"Yes. Iniinterview sila ngayon sa kabilang kwarto."


Sumunod sila doon sa pulis pero ako ay nagpaiwan dito. Tinignan ko nang mabuti ang
bangkay at masasabi kong experienced sa firearms ang pumatay sa kanya. Alam ko kung
ano ang fatal points ng katawan ng tao, well not exactly. Keith's sixth sense is
that he knows the fatal points of the body...he can see them. Siya ang tumulong sa
amin nina Kid at Dana kung paano pumatay ng malinis at madali by just targeting a
fatal point. Hindi ko alam kung natamaan mismo sa fatal point 'yung Mayor but I'm
pretty sure na malapit. 'Yung tatlong bala sa dibdib niya ay halos magkakadikit
lang at gitnang-gitna pa 'yung tama sa ulo niya.

"At the back of his ears."

Napatalon ako nung may bumulong sa tenga ko at pagtalikod ko ay nakita ko si


Mitsuo. Seryosong-seryoso 'yung mukha pa ang mukha niya. Tinignan ko kaagad 'yung
sinabi niya at natulala ako.

"Black sun," mahinang sabi ko.

"Now we know that these two cases are connected."

Lumapit kami sa bangkay para mas makita 'yung tattoo sa likod ng tenga niya.
Nakaukit doon ang maliit na black sun na gaya ng nakita namin doon sa misteryosong
lalaki sa park.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko. Akala ko ay sumunod siya doon sa kabilang
kwarto.

"I'm not into gathering information."

"Me too."

Sa mga ganitong sitwasyon ko talaga napapatunayan na magkaparehas kami. Ang


pinagkaiba lang, ako Shinigami, siya Senshin. Naalala ko naman bigla 'yung scenario
naming mga babae sa dorm at ang pag-iinterrogate nila kay Naomi. And since wala
sila rito, ito na ang pagkakataon ko para magtanong.

"Anong tingin mo kay Naomi?" I used my own voice dahil mas gugustuhin kong marinig
na ni Akira kaysa ma-invade ni Naomi ang isip namin at malaman niyang pinag-uusapan
namin siya.

"What do you mean?" sabay kunot niya sa noo niya.

"I mean...tsk. Wag na nga."

"She's a tough girl." Napatingin naman ako agad sa kanya. Kita mo 'to, alam naman
pala 'yung sinasabi ko, itatanong pa sa akin. "But I think she's just afraid of
showing her vulnerability."
Magsasalita na sana ako pero hindi ko na naituloy dahil sa narinig naming boses.

"Hey."

Pareho naman kaming napatingin sa likuran at nakita namin si Hideo na lumabas doon
sa kwarto kung nasaan daw ang suspects tapos lumapit siya sa amin.

"Pumasok na kayo doon," sabi niya tapos lumingon siya sa kwarto. Sasabihin ko
sanang ayaw ko pero mukhang seryoso ang itsura niya kaya sumunod na lang ako pati
na si Mitsuo.

Pagpasok namin doon ay may limang taong nakaupo sa gilid at may isang pulis na
nagtatanong sa kanila habang tatlong pulis naman ang nakabantay sa buong room. Buti
na lang at Senshin 'yung nagtatanong. Lumapit ako kina Naomi at nakaupo lang sila
sa kabilang gilid.

Tinatanong na nung pulis ang isang babae na umiiyak. May isa pang babaeng suspect
at kasama niya 'yung tatlong lalaki. Tingin nang tingin 'yung isang babae sa relo
niya. 'Yung isang lalaki ay nakasalamin at parang nanginginig ang buong katawan.
'Yung isa pa ay kalmado lang habang 'yung huli ay kinakagat-kagat ang kuko niya.

'Bakit sila ang suspects?' tanong ko kaagad.

'Sila ang pinakamalapit sa Mayor's office nang mangyari ang pagpatay sa kanya,'
sagot ni Hideo sa akin.

"E-excuse me." Biglang tumayo 'yung babae doon sa gilid at lumapit sa isang pulis.
"P-pwede po bang magbanyo? Please?"

"Sige," sabi nung pulis at tumingin siya doon sa kasamahan niyang pulis para
samahan 'yung babae.

Tumayo rin 'yung tatlong lalaki at mukhang tapos na ring kwestyunin 'yung isa pang
babae. Kinausap din nila 'yung tatlo pang pulis at nagpaalam din na pumunta sa
banyo. Kaso ay kulang ng isa kaya nagprisinta ako para sa babae. Sumama rin si
Hideo sa akin dahil baka raw may mangyaring masama.

Nang makarating kami sa banyo ay tumayo si Hideo sa labas ng banyo habang sumama
ako doon sa babae papunta sa loob. Pinupunasan niya ngayon ang luha niya pero hindi
pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Nagpaalam siya sa akin na papasok na siya sa
cubicle kaya tumango naman ako.

Hinintay ko na lang siya at nakatingin lang ako sa salamin.


Then all of a sudden, nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin kaya naging
alert ako. Mabilis kong inikot ang paningin ko at nagulat ako nung parang may
aninong dumaan sa maliit na bintana. Iaalert ko na sana si Hideo pero napatigil ako
nung may narinig akong malakas na sigaw galing sa CR ng boys.

"A-anong...anong nangyayari?" rinig kong tanong ng babae sa cubicle.

"Tapos ka na ba? Lumabas ka na dyan ngayon din! May nangyari sa kabila!"

Pagkasigaw ko nun ay agad siyang lumabas sa cubicle. Tumakbo kami palabas ng banyo
at wala na doon si Hideo. Pumunta kaagad ako sa boy's CR at nakita ko doon na
nagkumpulan ang mga suspect at pulis. Nandoon din si Hideo sa pinakaharapan kaya
dumaan ako sa kanila.

"He's dead."

Sa harapan ko ay nakahawak si Hideo sa leeg ng lalaking may tama ng baril sa


sentido na nasa loob ng cubicle. And that guy was one of the suspects. Nilapitan ko
siya pero napatigil ako nang makita ko ang wrist ng suspect.

"H-hideo..." Tinignan niya kung saan ako nakatingin at sumeryoso lalo ang mukha
niya.

On the guy's wrist was the same tattoo as the mysterious guy at the park and the
Mayor-a black sun.

***

=================

Chapter 30

Lumapit ako kay Hideo at umupo ako sa tabi niya habang iniinspect 'yung bangkay.
Hawak-hawak niya 'yung wrist nung lalaki at nakatingin kami pareho sa black sun
tattoo na nakalagay doon. Tumayo naman siya bigla at nakita ko 'yung isang Senshin
police na pumasok dito sa CR.

"Pakidala ang suspects pabalik sa room," sabi niya doon sa police at nagnod siya
kay Hideo tapos tumingin siya doon sa natirang suspects na pare-parehong nakatingin
sa bangkay. "And I don't want any of you wandering around."
Dahil sa tono ng pananalita niya ay naging stiff 'yung suspects, maging ako. Kahit
na mas matanda sila sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang authority sa boses niya.
Inassist ng mga pulis ang suspects palabas ng banyo. Bigla naman siyang tumingin sa
akin kaya napataas ang kilay ko.

"What?"

"At ikaw, 'wag kang basta-basta pumapasok sa CR ng mga lalaki."

"Duh? May narinig akong putok ng baril at pagsigaw dito, syempre pupunta ako."

Napailing naman siya sa sinabi ko. Ano bang problema nito?

Bigla naman kaming may narinig na footsteps at pagtingin ko sa pintuan ay pumasok


sina Naomi at Mitsuo. Dumiretso agad sila sa direksyon namin at tinignan ang
bangkay.

"What happened?" tanong ni Naomi.

"May narinig akong pagputok at sigaw sa loob ng CR kaya tumakbo ako sa loob at
kinatok ko 'yung cubicle pero nung hindi binubuksan ay pumasok ako sa katabi tapos
nakita ko na patay na siya,"sabi ni Hideo.

"Right under our noses," bulong ni Mitsuo.

Tama siya. Ang lakas ng loob ng gumawa nito. Pinatay niya ang lalaking 'to kahit na
napakaraming pulis sa lugar. Naalala ko naman bigla 'yung aninong nakita ko sa
bintana ng girl's CR.

"Actually, may nakita akong anino sa labas mula sa CR ng girls." Pagkasabi ko nun
ay napatingin silang tatlo sa akin.

"What do you mean?" Tumayo naman si Hideo at hinarap ako.

"Parang may tumakbo doon sa labas papunta rito. And right after makita ko 'yung
anino ay narinig ko ang sigaw at putok ng baril kaya nagmadali akong pumunta rito."

Ininspect naman nina Mitsuo at Naomi 'yung bangkay at nakita rin nila 'yung black
sun tattoo sa wrist nung lalaki. Tinanggal din ni Mitsuo 'yung baril mula sa kamay
nung bangkay at maingat na nilagay sa isang sealed plastic.

"Bibigay ko muna 'to sa forensic team. Baka may makitang fingerprints," sabay alis
niya doon.
"I think this is not a suicide," sabi ni Naomi. "Kahit na may burn mark sa sentido
niya at kung sakali mang may makitang fingerprints doon sa baril ay masasabi kong
'di pa rin 'to suicide."

"Sa tingin ko rin," dagdag ko naman. "Why would he shout while killing himself? And
the shadow outside was too suspicious."

"And don't forget their tattoos. The Mayor, this guy, and the guy at the
park...they have the same tattoo-the black sun symbol," sabi naman ni Hideo.

May mga pumunta ulit na pulis dito sa cubicle at inasikaso nila 'yung bangkay. Kami
naman ay bumalik doon sa room at pagdating namin ay nakaupo 'yung apat doon sa
gilid. Sina Michiko at Akira ay nasa kabilang gilid. Pagdating namin doon sa kanila
ay sinabi nilang lumabas sina Mayu at Mitsuo para i-analyse 'yung baril kasama ng
forensic team.

"May ginawa ba silang kakaiba habang wala kami?" tanong ni Hideo kina Akira at
Michiko.

"Wala naman. Pagkabalik nila galing sa CR ay dumiretso sila sa upuan nila," sagot
ni Michiko.

"I've heard everything from here. That guy has the same tattoo right? Hindi kaya
serial murder 'to? Hindi kaya may susunod pang patayin?" sabi naman ni Akira habang
nakatingin sa apat pang suspects.

Tumahimik kami after that dahil hindi rin namin alam kung anong susunod na
mangyayari. Tumingin na lang din ako sa apat pero iniiwasan nilang tumingin sa
direksyon namin at sa direksyon ng mga pulis. Sinabi rin sa amin nung Senshin
police lahat ng information na nakalap nila mula sa suspects.

'Yung babaeng umiiyak kanina na sinamahan ko sa CR ay si Sally Tolentino, secretary


ng Mayor. Nung panahong pinatay ang Mayor sa office niya ay nandito siya sa
kwartong 'to para kunin ang files na kailangang pirmahan. Siya rin ang unang
tumakbo papunta sa Mayor's office dahil sa putok ng baril na narinig niya kaya siya
rin ang unang nakakita sa bangkay.

Si Wella Asuncion naman ang isa pang babae at siya ang head ng isang office sa
floor na 'to. Pansin kong tingin siya nang tingin sa relo niya, 'yun pala ay habit
niya iyon dahil na rin sa work niya. Siya ang nagmamanage ng meetings at agenda ng
mga tao rito sa munisipyo. Nung nakarinig daw siya ng putok ng baril ay agad siyang
pumunta rito sa office.

Henry Santos naman ang pangalan nung nakasalamin na nanginginig. Kasalukuyan daw
siyang nandito sa floor na 'to dahil sa papeles na ibibigay niya sana kay Sally at
saktong narinig niya ang putok ng baril at pagsigaw ni Sally kaya nagmadali siya sa
Mayor's office. Naabutan niya doon ang duguang katawan ng Mayor at siya rin ang
pangalawang nakakita sa bangkay. Ang sabi niya sa mga pulis ay may phobia raw siya
sa dugo kaya siya nanginginig. Pinainom siya ng pampakalma kanina pero hindi rin
umepekto dahil naman sa nangyari sa CR.

Ang last ay si Gino Natividad. Kinakagat-kagat niya ang kuko niya ngayon at mukhang
mannerism niya 'yun kapag kinakabahan. Siya ang panga-apat na nakakita doon sa
bangkay. Ang sabi niya ay nung narinig niya ang sunud-sunod na pagputok ng baril ay
napatakbo siya papunta sa office. Pero ang kakaibang sinabi niya ay tungkol sa
putok ng baril. Ang sabi niya, after ng isang putok ay tumigil muna ng one or two
seconds. Tapos saka lang pinaputok ng tatlo pang beses.

'Yung namatay naman sa CR ay si Romeo Quezon. Siya ang huling nakakita ng bangkay.
At dahil nga sa nangyari kanina ay hindi na nahingi ang statement niya. Ang sabi ni
Gino ay seryoso lang ang expression ni Romeo noong makita niya ang bangkay at hindi
na siya nagsalita ulit.

"So ang pagkakasunud-sunod nila ay-Sally, Henry, Wella, Gino and Romeo. At nung
nag-CR silang lima ay doon naman namatay si Romeo," pagsusummarize ni Naomi.

"Hey." Napatingin naman kami sa pintuan at sabay na pumasok sina Mayu at Mitsuo.
Umupo sila sa tabi namin at may inabot si Mayu na papel.

"Ako na ang nag-analyse sa baril. They are too busy about the autopsy," sabi ni
Mayu. Tss. Those humdrums.

Sinabi namin sa kanila 'yung information na nakalap namin at after that ay


nakatingin lang sa kabilang pintuan si Mitsuo. Tinanong naman namin si Mayu tungkol
doon sa baril. Ayon sa analysis ni Mayu ay fingerprints ni Romeo ang nasa baril.
Doon naman sa baril na ginamit sa Mayor ay walang fingerprints na nadetect.

"Romeo's fingerprints? Teka, suicide?" tanong ni Akira.

"Pero paano siya nagkaroon ng baril? Nung kinapkapan sila kanina ay wala namang
nakuha sa kanya ang mga pulis," dagdag ni Michiko.

"Do you think he hid the gun inside the cubicle?" tanong ko. Kasi kung wala sa
katawan niya, that means nasa CR 'yun. Siguro kaya rin siya nagpunta sa CR during
that time.

"And the bombs...anong kinalaman nun sa kasong 'to?" This time, si Naomi naman ang
nagtanong.

Sabay-sabay naman kaming napatingin nung napatayo bigla si Mitsuo at Hideo.


Dumiretso si Mitsuo doon sa kabilang pintuan. Dalawa kasi ang pinto rito pero doon
lang kami sa left side na pinto pumapasok at lumalabas. Si Hideo naman ay lumabas
din sa kwarto.

Tumayo kaming dalawa ni Naomi at nagpaiwan 'yung tatlo para magbantay. Sumunod kami
sa kanilang dalawa at nag-end sila pareho sa Mayor's office. Pagdating namin doon
ay may hawak na papeles si Hideo habang si Mitsuo ay nakasandal sa pader.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong kaagad ni Naomi.

"We know who the killer is," sabi ni Hideo at saka siya ngumiti.

"And we know how the killer did it," dagdag ni Mitsuo.

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang isa si Mitsuo sa unang makakadiscover ng


nangyari. Mukhang si Naomi rin ay nagulat dahil hindi ko maexplain ang facial
expression niya.

But seriously, alam na nila?

***

=================

Chapter 31

"Sigurado ba kayo?" tanong agad ni Naomi sa kanilang dalawa.

"Yes. Do you want to bet on it?" sagot naman ni Mitsuo and he gave her a lazy
smile. Hindi ko alam kung 'yun ba ang unang beses na ngumiti o nagsmirk siya dahil
sa isang case kaya medyo nagulat ako. Well, at least hindi katulad ng reaction ni
Naomi na parang hindi makapaniwala sa nangyari at kumunot ang noo niya. Para tuloy
nagpalit sila ng expressions.

"Pero may isang problema," biglang sabi naman ni Hideo.

"Ano?" Lumapit ako sa kanya habang bina-browse niya ang mga papeles na hawak niya.

"We still don't know the connection between the two murders and the explosion."

"What? So tingin niyo ay magkakonekta talaga sila?"


"Yes. There's a high probability that they are related."

"Paano mo naman nasabi?"

"Logical thinking and instinct."

Napabuntung-hininga na lang ako. Ang hirap talaga intindihin ng utak ng isang 'to.
Sabagay, they've been doing this since they were young, no wonder madali na lang sa
kanilang i-analyse ang isang crime scene. At dahil sa kanila ay nasasanay na rin
ako magsolve ng iba't ibang kaso na dati ay wala naman akong interes. Kapag
nakakita ako ng bangkay, ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay kung gaano
kalinis ang execution. For me, a professional killer is capable of erasing almost
or all proofs of his or her work. Pero ngayon, natututo na akong alamin ang paraan
ng pagpatay at kung sino ang pumatay.

"So? What's your plan? Hindi naman pwedeng i-confront niyo ang killer ng walang
proof, right?" tanong ko sa kanya. Titignan ko na rin sana 'yung ibang papeles sa
mesa pero nagulat ako nung bigla akong nadulas dahil may mga nalaglag na papel sa
harap ng mesa. "W-whoa-!" Nagpanic ako kaya naghanap ako ng kakapitan pero ang
nahawakan ko ay 'yung mga papel din na nakastack sa mesa.

Napaupo ako at halos nalaglag lahat ng papel na nahawakan ko sa katawan at mukha


ko, dahilan para matabunan ako.

"Are you trying to be funny?" Hinawi ko 'yung mga papel sa mukha ko at tumambad si
Hideo sa harapan ko habang seryoso ang expression niya.

"Sa tingin mo sinadya kong madulas?" Inirapan ko siya at nakita kong inilahad niya
ang kamay niya sa harapan ko. "I don't need any help. Kaya kong tumayo mag-wait!"

Bigla kasi siyang umupo para magkalevel kami at hinawakan niya ako under my arms
sabay angat sa akin patayo. Nung pareho na kaming nakatayo ay lumayo ako agad at
sinamaan ko siya ng tingin.
"You're welcome,"s abi pa niya na parang nang-aasar.

"Hindi na ako magtataka kung magkaka-injury ka ulit," sabi bigla ni Mitsuo habang
papalapit sa amin at nakasunod naman sa kanya si Naomi. Isa rin 'to eh.

Umupo naman ako agad para pulutin ang mga nagkalat na papeles at tumulong din si
Naomi.

"Naghalu-halo na yata 'yung ilang documents."

"It's an accident," sabi ko na lang. Alam naman siguro ng staffs dito kung ano ang
magkakasamang documents. Bahala na silang mag-ayos.

Pinulot ko 'yung isang papel malapit sa paa ko at nabasa kong tungkol 'yun sa
investments. Dahil wala naman akong pakialam doon ay 'di ko na tinuloy basahin.
Pero napatigil ako nung may nakita akong kakaiba sa papel.

"Naomi, look at this." Lumapit siya sa akin at pinakita ko sa kanya 'yung papel na
hawak ko.

"Oh my God. That means..."

"Then it's really connected."

"Ano 'yan?"

Napalingon kami kay Mitsuo at nakatingin na rin siya doon sa papel mula sa likuran
namin. Si Hideo naman, nandoon pa rin sa pwesto niya. Sabagay, nakikita niya naman
'tong papel na hawak ko kahit hindi siya pumunta rito.

"The black sun."

Nakalagay doon sa logo ng company na naka-address sa document ang symbol na halos


kapareho ng tattoo nila. Pero ang kaibahan ay parang minodify ang rays at ginawang
triangular shapes imbes na line lang. At ang nakakagulat ay nakaindicate doon sa
content na may share sa fund na ginamit ang company sa pagpapagawa ng school,
factory at park-which were the place were the bombs exploded.

"Sa tingin mo ay kasali ang Mayor, si Mr. Romeo pati na rin 'yung suspicious guy sa
park dito sa company na 'to?" tanong ni Naomi. "At ano ang motibo nila sa
pagtatanim ng mga bomba sa places na finund nila?"

Then suddenly, narinig namin ang mahinang pagtawa ni Hideo kaya napatingin kami sa
kanya. He's holding a piece of paper and he folded it in half. Nilagay niya 'yun sa
bulsa niya at tumingin siya kay Mitsuo.

"I think it's time." Pagkasabi niya nun ay tumayo si Mitsuo at lumapit sa kanya.

"Hey, what do you mean? Anong gagawin niyo?" tanong ko sa kanila.

"We're going to recreate the crime scene and show everyone how the murderer killed
the mayor."

Hindi ko alam kung bakit pero nung sinabi niya 'yun ay nangilabot ako. The way he
said that with confidence is really intimidating. Ni hindi ako nakagalaw sa pwesto
ko habang naglalakad sila palayo sa amin at pabalik doon sa kabilang room.
"Those two are a great tandem," biglang sabi ni Naomi at tumabi siya sa akin.

"Mukha nga. Ni hindi man lang nila sinabi kung paano nila nasolve."

"May mga nasolve na rin akong parts pero may ilan akong 'di maintindihan. I was
actually surprised na nakuha nila kaagad."

"Really? Alam mo kung sino ang murderer?"

"Yes, though I'm not yet sure."

Wow. She's really fast when it comes to solving crimes. Para talagang siya ang girl
version ni Hideo, mas kumplikado nga lang dahil paiba-iba ang mood niya.

"Alam mo kung bakit ko nasabing good combo sila?" Tumingin lang ako sa kanya at
hinintay ang sagot niya. I also want to know kung pareho kami ng naiisip. "Hideo is
so good in analysing things and events just by looking and observing the scene and
the behavior of the people around him. Kaso, minsan ay masyado siyang maraming
scenarios sa isip niya to the point na hindi niya na madistinguish kung ano ang
posible sa hindi. But ever since Mitsuo joined us, nagbago 'yun. Besides having a
dependable sixth sense, nasosort-out din niya ang mga pwedeng mangyari at hindi.
He's good in putting the pieces altogether. That way, they can solve the cases
efficiently."

Natulala naman ako kay Naomi. Hindi ko akalain na ganito ang tingin niya sa
kanilang dalawa. It's like she knows them too well.

"You know, I'm good in observing people," dagdag niya pa.

Napatigil naman kami nung biglang pumasok dito sa Mayor's office ang mga suspect
pati na rin 'yung lima at ilang police officers.
"Let's see your deduction," sabay sandal ni Akira sa dingding at nakangiti pa nang
nakakaloko. Tinabihan siya nina Mayu at Michiko habang sina Hideo at Mitsuo ay may
sinabi doon sa Senshin police. 'Yung suspects naman ay nasa harapan nina Michiko at
nakabantay sila sa apat.

"K-kilala niyo na ba kung sino ang pumatay kay Mayor?" tanong ni Wella, 'yung
employee na responsible sa meetings at agenda.

"Yes. Shall we start?" sabi ni Hideo at biglang nagsikilos sina Mitsuo at ilang mga
pulis.

'Show-off.'

Narinig ko naman na biglang tumawa nang mahina si Naomi sa tabi ko. Then I realized
na hindi ko pala masyadong nablock ang thoughts ko.

'I have a question. Bakit ba parang may galit ka kay Hideo?' Hindi kami nakatingin
sa isa't isa at inoobserve lang namin ang preparations na ginagawa ng mga pulis.

'We're total opposites,' sabi ko na lang.

'Mind you, opposites do attract.'

'Not everytime. Now, ako naman ang magtatanong. May gusto ka ba talaga kay Mitsuo?'
Narinig ko ulit ang pagtawa niya sa isip ko and I'm sure na hindi niya sasagutin
ang tanong ko. Pero nagulat ako nung narinig ko ang response niya.

'Yes.'
Bigla tuloy akong napatingin sa kanya at nanlaki talaga ang mga mata ko sa gulat.
For a second ay natakot ako dahil sa fearless niyang pagsagot.

'There's no point in hiding it. Inaasar niyo na ako lagi eh. At hindi naman ako
slow para hindi marealize kung ano ang feelings ko sa kanya, though mukhang hindi
niya alam. Of course, hindi pa ako nakakaranas magkagusto sa isang tao before since
si Hideo lang ang lagi naming kasama, and I don't see him as a man. He's like an
older brother to us.'

'Ang dami namang ibang estudyante dito ah? You mean wala kang nagustuhan dati kahit
isa?'

'Hindi naman ako sociable tulad nung nina Akira at Michiko, at minsan lang ako
lumabas ng dorm kapag walang klase.'

Napahinto naman kami sa pag-uusap nung biglang huminto sa paggalaw ang mga pulis.
Looks like they are ready for the show.

"The first murder happened inside this room while the second was at the bathroom
along the hallway. At bago ang mga nangyari rito ay nagkaroon ng tatlong pagsabog
sa city-at the school, the factory and the park."

"W-wait, you mean...m-magkakonekta ang mga bomba sa pagkamatay ni Mayor at Romeo?"


tanong ni Wella.

"Yes. And one of you killed the Mayor. I am sure that Mr. Henry is off the list
since he has a hemophobia and he immediately ran to this room after hearing the
first shot, right?"

Tumango naman si Henry at nakita kong hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya.
No wonder. May dugo pa sa sahig dahil iniimbestigahan pa ang crime scene na 'to.
"Then, who killed the Mayor?" Mukhang si Wella lang ang kalmado sa kanilang apat.
Tahimik lang kasi 'yung tatlo sa tabi niya.

Biglang pumosisyon 'yung isang pulis malapit doon sa parte kung saan nakita ang
katawan ng Mayor habang si Hideo ay naglabas ng baril. Narinig ko ang pagpanic nung
suspects at ng ibang pulis na humdrums nung bigla niyang tinutok 'yun sa pulis na
nakatayo sa crime scene. Pinaputok niya 'yun ng apat na beses at biglang bumagsak
ang pulis na ikinagulat nila. Binato niya ang baril sa katawan ng pulis at tumakbo
siya palabas sa main door at pumasok sa secretary office, then pumasok ulit sa main
door.

"Isn't that how you killed the Mayor, Ms. Sally Tolentino?" sabay tingin niya kay
Sally. "And don't worry, those are blank cartridges." Pagkasabi niya nun ay tumayo
'yung pulis na binaril niya at nagpagpag ng suot niya. Namumutla na si Sally at
hindi siya makapagsalita.

"S-sandali...i-imposible ang sinasabi mo," biglang sabi ni Henry na ngayon ko lang


yata narinig magsalita dahil tahimik lang siya simula kanina. Sa pagkakatanda ko,
siya ang pangalawang nakakita sa bangkay. "N-nakita ko si Ms. Sally na lumabas sa
kwarto niya pagkatapos na pagkatapos ng pang-apat na putok. H-hindi posible na
magawa niya 'yun sa maiksing panahon." Nakita kong namumutla na siya dahil
napatingin siya doon sa dugo sa sahig at dahil 'yun sa hemophobia niya.

"T-totoo ang sinasabi niya. Halos ilang segundo lang ang pagitan naming lima nung
pumasok kami sa room ni Mayor," dagdag nung Gino.

"At hindi rin imposible na lumabas ang killer sa bintana. Second floor lang 'to at
pwede siyang tumalon since may bushes sa baba or 'yung isa pang pinto...though
laging sarado ang pinto na 'yun." sabi naman ni Wella.

"Jumping from the window is too risky. But you're right, she can't do it within a
small period of time. Then how about this?" Pumwesto ulit 'yung pulis at si Hideo
pero this time tinabihan siya ni Mitsuo.
'Oh. So that's how it happened.' Narinig ko ulit ang boses ni Naomi at bigla akong
napatango dahil alam ko na rin kung paano nangyari.

Bigla ulit pinaputok ni Hideo ang baril at bumagsak 'yung pulis then after that...

"W-what..."

"I-ibig sabihin..."

"No...way..."

Halos magkakapareho ang reaksyon ng tatlo dahil sa ginawa nila. Pagkatapos kasing
barilin ni Hideo ng isang beses ang pulis ay ibinigay niya iyon kay Mitsuo at
tumakbo palabas gamit ang main door papunta sa office ni Sally. Nagpaputok si
Mitsuo ng tatlong beses at after that ay hinagis niya ang baril sa katawan ng
pulis. Tumakbo siya papunta naman doon sa isa pang pinto kung saan siya pumasok
kanina. Lumabas si Hideo sa room ng secretary at pumasok ulit gamit ang main door
pero this time ay may tumakbong pulis galing sa office ni Henry. Unang nakapasok sa
Mayor's room si Hideo tapos 'yung pulis na gumanap kay Henry at may dalawa pang
pulis na dumating galing naman sa room nina Wella at Gino. Then after that ay
biglang pumasok din sa room si Mitsuo at siya ang huling nakarating.

"T-then...si Romeo..." Hindi na naituloy ni Wella ang sasabihin niya dahil natulala
na lang siya.

"Yes. Ms. Sally Tolentino and Mr. Romeo Quezon are accomplices. Pumasok si Mr.
Romeo sa kabilang pintuan na nagkokonekta sa Mayor's at secretary's rooms. At dahil
ang atensyon ninyo ay nasa pagsigaw ni Ms. Sally pati sa mga putok na narinig niyo,
ginamit niya ang oras na 'yun para lumabas mula sa secretary's room papunta sa
hallway at tumakbo paikot para palabasing galing siya sa room niya."
"P-pero bakit kailangan pang ipasa ang baril at paputukan ng apat na beses ang
Mayor?" tanong naman ni Gino. Pero imbes na si Hideo ang sumagot ay si Mitsuo ang
nag-explain.

"I can tell that Ms. Sally is not used in using a gun. Siguro ay hindi niya
natamaan ang vital spot ng Mayor pagkatapos ng isang putok at nakita nilang buhay
pa siya kaya inagaw kaagad ni Mr. Romeo ang baril mula sa kanya at siya na ang
tuluyang pumatay. Unlike her, she's an experienced shooter. Makikita kaagad 'yun sa
posisyon ng mga bala. Sa tingin ko ay binaril ni Ms. Sally ang Mayor sa dibdib. Sa
magkabilang side ng sugat na 'yun ay doon naman binaril ni Mr. Romeo ang Mayor pati
na rin sa noo para lang makasigurado. That's how they killed the Mayor."

"At tungkol sa pinto, sa tingin ko ay hindi 'to madalas binubuksan. There's a line
of dust on the floor and the edges. At ang lock ay ay nasa part lang ng Mayor's
office habang sa secretary's office ay handle lang. As a secretary, I'm sure you
know where the key was placed and you stole it, maybe yesterday or the other day,
then gave it to your partner. And the reason he went to the bathroom was to discard
the key and the gloves."

Pagkatapos sabihin 'yun ni Hideo ay nagcollapse bigla si Sally at umiyak siya.

"G-ginawa ko lang y-yun dahil...dahil...sinabi sa akin ni Romeo na makikinabang


kaming dalawa sa mangyayari...N-nalaman ko na...nagnanakaw siya ng funds...at...at
sinabi niyang ibibigay niya sa akin ang kalahati kapag...kapag ginawa ko 'to..."

"Kaya ba pinatay mo siya, Sally? Dahil gusto mong sa'yo mapunta lahat?" biglang
tanong ni Wella sa kanya na parang magkahalong galit at awa ang tono ng boses.
Itinaas naman ni Sally ang ulo niya at nagulat siya sa binanggit ni Wella.

"H-hindi...hindi ako ang pumatay sa kanya..."

Naglakad naman si Hideo papunta sa kanila at mukhang ieexplain niya ang pagkamatay
naman ni Romeo.
"Regarding that case-"

"It was a suicide." Bigla kaming napatinging lahat sa direksyon ng boses at nagulat
ako nung nasa likuran na namin si Kyo. "Romeo killed himself. Now, Daito, escort
this lady to the police car and I want the three of you to give your statements,"
sabay tingin niya sa suspects.

Inalalayan naman kaagad nung Senshin police, Daito pala ang pangalan niya, si Sally
at sumama rin sa kanila 'yung tatlo pang suspect habang inaassist sila ng ibang
pulis kaya kaming pito pati si Kyo na lang ang nandito sa kwarto.

"Sir Kyo," sabay bow ni Hideo at gumaya na lang kami. "Bakit sinabi niyong suicide
ang nangyari kay Mr. Romeo? He was killed."

"I know." Seryoso ang expression ni Kyo kaya parang nahighlight lalo ang scar niya
sa mukha. "But let's leave this one to them."

"Them? Who are them?" tanong naman ni Naomi.

"Member ang Mayor pati si Romeo ng isang underground organization. They specialized
in smuggling weapons all over the country and they are known by their black sun
tattoos. Wala tayong access o alam sa kanila kaya mapanganib na sabihing pinatay
siya ng isa niya pang kasamahan."

"The guy at the park," bulong ko sa sarili ko. I knew it. Sabi na nga ba at siya
ang aninong nakita ko sa bintana ng CR. Nung nakita ko kanina ang bintana sa CR ng
boys ay nasakop nun ang unahang part ng cubicle sa dulo. I think bukod sa
pagdispose sa susi at gloves ay doon din ang meeting place nila-si Romeo sa cubicle
at 'yung lalaki sa park sa may bandang bintana.

"If my theory is right, the guy gave Romeo a gun using the CR's window. Pero imbes
na ibigay niya ay ginamit niya 'yun para patayin siya," sabi ni Hideo.

"You are right but we can't say that to the press. That organization is large and
we don't have enough information yet to expose them," sagot ni Kyo.

"Then the them na sinasabi niyo ang maghahandle sa kanila?" tanong ulit sa kanya ni
Naomi.

"Yes. In fact, one of them disguised herself as a police officer and you didn't
even notice her," then he smirked at us.

Hindi kami nakapagsalita after that at alam kong maging sila ay nainsulto. Parang
sinasabi niya na nalusutan kami ng kung sino and it feels like he's challenging us.

"Who are they?" Seryosong tanong ni Hideo.

"Custos."

***

=================

Chapter 32

Nakasakay na kami ngayon kay Miyu at pauwi sa dorm. Hindi pa rin ako makapaniwala
sa narinig at nakita ko kanina. Hindi ko nga alam kung bakit biglang dumating si
Kyo. After niyang sabihin sa amin ang tungkol sa syndicate na 'yun pati na ang
Custos, sumama siya sa mga police officers at pumunta sa station para magreport.

"So you mean 'yung lalaki sa park ang pumatay doon kay Romeo habang nasa cubicle
siya?" tanong ni Akira kay Hideo at tumango naman siya.

"Yes but that case was reagarded as suicide," sabi niya at may kinuha siya sa bulsa
niya. Nilagay niya 'yun sa harapan namin at tinignan namin kung anong nakasulat
doon.

"Bank account?" sabay kuha ni Michiko doon.

"He embezzled money from that syndicate and used it to build those three
infrastructure under his name."
"But I wonder who's the Custos agent na nagdisguise as police officer. Ni hindi man
lang natin nadetect ang presence niya," sabi ni Naomi.

"I felt her presence but I thought she's one of those Senshin police officers."
Napatingin kami kay Mitsuo dahil sa sinabi niya. Dahil magkatabi sila ni Naomi ay
nilapitan siya ni Naomi at sinamaan ng tingin.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad?"

"Akala ko nga isa siya sa police officers. Hindi ko naman sila kilala sa mukha."
Napabuntung-hininga na lang si Naomi at nagkatinginan kami ni Mitsuo.

I knew it. Sabi na nga ba may kakaiba kanina doon sa crime scene and just like
Mitsuo, inassume ko na isa rin 'yun sa police officers. Pero hindi ako nagreact
dahil naalala ko bigla 'yung sinabi ni Kyo.

"Mabalik tayo doon sa case, does that mean nalaman ng syndicate na ginamit ng Mayor
ang pera nila para sa pagpapatayo ng infrastructures kaya pinatay siya at pinasabog
ang mga 'yun?" tanong ni Mayu.

"Probably. At malayo ang mga 'yun sa Mayor's office kaya ginamit nila ang panahong
'yun para patayin siya dahil paniguradong nasa bombs ang focus ng mga pulis." After
sabihin 'yun ni Hideo ay kinuha niya ulit mula kay Michiko 'yung bank account.

"So they want to erase these infrastructures dahil nakapangalan 'yun sa Mayor kahit
na pera nila ang ginamit. What a way to waste their money pati na rin 'yung effort
sa pagpapatayo ng mga 'yun," dagdag ni Michiko.

After a few minutes ay nakabalik din kami sa campus at dumiretso agad kami sa dorm.
Pero bago kami makapasok ay humarap si Hideo sa amin.

"Magpahinga na kayong dalawa," sabay tingin niya sa amin ni Naomi. "Your injuries
aren't completely healed yet."
Tumango na lang kami at dumiretso na silang dalawa ni Mitsuo sa guy's dorm
samantalang kaming lima ay umakyat papunta sa mga kwarto namin.

Pagbukas ko ng pinto ay tumalon bigla sa akin si Demi. Nagulat pa nga sina Akira at
Naomi kaya natawa ako. Pagpasok namin sa loob ay humiga agad silang dalawa sa kama.
Pinahinga kaagad ni Naomi ang binti niya at may pinahid siyang ointment. Umupo
naman ako sa gilid ng kama at binaba ko muna si Demi. Tinanggal ko 'yung benda sa
paa ko at inikut-ikot ko dahil baka madagdagan ang stress doon.

Naalala ko naman bigla 'yung papel na tinago ko sa bulsa ko kanina na galing kay
Demi. Pumunta muna akong banyo at doon ko tinignan ang nakasulat.

Rielle, are you okay? I've received your letter and I know that your situation
right now is pretty risky. Idagdag pa na nakakulong si Kid. You two are really the
epitome of trouble. - Dana/Haruka

Napabuntung-hininga na lang ako sa nabasa ko. Bigla tuloy nagflash sa utak ko ang
itsura ni Kid that day na duguan at puro sugat ang katawan. Sana lang ay okay lang
siya.

Naalala ko rin tuloy 'yung nangyari kanina. Tahimik lang ako nung pauwi na kami
rito dahil hindi ko makalimutan ang sinabi ni Kyo pagkatapos niyang sabihin sa amin
ang tungkol sa Custos agent na nagdisguise as police officer.

"The Custos tribe is known for having skilled agents and spies. Undetectable
spies...that's the hardest to deal with," sabay tingin niya sa akin at ngumiti.

Kinilabutan talaga ako nun dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung may alam ba
siya sa ginagawa ko o nagkataon lang. Buti nga at nacontrol ko ang sarili ko nun
dahil gustung-gusto ko nang tumakbo palayo sa kanya. Bigla kasi akong naging aware
sa presence niya at para akong sinasakal dahil sa pressure na binibigay ng tingin
niya.

Kinalma ko ulit ang sarili ko at finlush ko 'yung message galing kay Dana. Lumabas
ako sa banyo at humiga ako sa kama. Umakyat din si Demi at humiga rin siya sa tiyan
ko. Pagtingin ko sa gilid, nakatulog kaagad si Akira samantalang si Naomi ay
nakatingin lang sa kisame.

"Are you troubled by something?" tanong niya at nakatingin pa rin siya sa itaas.
"Your mind is kinda hazy, though I still can't read your deeper thoughts."

Hinigpitan ko kaagad ang pagkakasara sa isip ko at nakita kong napangiti siya sa


ginawa ko. Ugh, this girl!

"Not really. Pagod lang ako," sabi ko na lang. "Anyway, gusto kong malaman kung
totoo 'yung mga sinabi mo kanina. I mean, 'yung tungkol kay Mitsuo."

"Ah that. Well, I think so."

"You think so?"

"I told you, I've never experienced this before. Si Hideo lang naman ang kasama
namin lagi. Akala ko parang 'yung kay Hideo lang ang tingin ko sa kanya pero hindi
pala." Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong namumula siya. Hindi ko alam
pero napangiti ako. Nagsoften kasi 'yung expression niya at ang cute niyang tignan.
Pero naisip ko, mas uunahin niya pa rin ang cases or anything related to that kaysa
sa feelings niya.

After that ay dinivert niya na rin ang topic sa kung anu-ano at sandali lang ay
nakatulog na rin siya. Ako naman, tumayo na dahil hindi ako dinadalaw ng antok,
pati na rin si Demi. Nagdecide akong magpunta muna ng library habang bukas pa.
Ayokong pumasok doon kapag curfew dahil mataas ang probability na makita ako ni
Hideo o ni Kyo.

Pagdating ko doon ay kumuha ako ng mga libro tungkol sa Erityian tribes at pati na
rin 'yung isang libro na tinago ko sa dulong shelf. Sayang at hindi ko nakuha 'yung
Beyond Sixth Sense na libro doon kay Miyu.
"Here."

Nagulat naman ako nung biglang may naglapag ng libro sa harapan ko. Pagtingin ko,
si Hideo pala. Umupo siya sa tabi ko at nung nakita siya ni Demi ay lumipat siya sa
upuan ni Hideo. As usual, nandoon siya sa favorite spot niya at gusto kong matawa
dahil parang sanay na siya sa pinaggagawa ni Demi.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya dahil may mga libro at files din siya
sa harapan niya.

"I want to know more about the Custos tribe and the underground organizations." Oh.
Mukhang nacurious siya sa mga nangyari kanina sa case.

"May files dito about sa organizations like the ones with the black sun tattoo?"

"I think so. May mga investigation files and data dito sa mga mysterious and
unsolved crimes."

Nagsimula naman kaming magbasa ng kanya-kanya naming libro. Actually, 'yung binigay
niyang libro ay ang Beyond the Sixth Sense. Natranslate na namin ni Naomi 'yung mga
unang parts kaya iniskip ko na 'yun. Ang kaso nga lang, hindi ko pa rin
maintindihan 'yung context kahit translated na.

"Do you think may Seventh Sense talaga?" bigla kong natanong sa kanya at tumingin
siya sa akin.

"Of course. It's written on the book, right?"

"Pero bakit parang walang may kayang gumawa nun dito? I mean, wala naman tayong
naririnig about doon."

"It's a powerful and mysterious ability that only few can achieve. Sa tingin ko
kaya 'yang gawin nina Sir Kyo at Sir Tora."

"Tora?" Parang pamilyar ang pangalan na 'yun pero hindi ko alam kung kailan at saan
ko narinig.
"Yung muntik nang makahuli sa atin dito sa library."

"Ah..."

Siya 'yung kasama ni Kyo dati at muntik na kaming mahuli dati dahil naramdaman niya
ang motion namin kahit nakapatay ang ilaw nun sa library. Kapag naaalala ko 'yun ay
bumabalik 'yung kabang naramdaman ko during that time.

Bumalik na lang ulit ako sa pagbabasa at nakarating ako sa gitnang part.

ϫҩ⋇ҩᵻҁѫ•ϫҩᵻϫҩ•ǂϫ•ͼᴥᵻϫǂϠҩѯҩϠ•ͽϫ•ͽ•ѫǂ≬ѫҩѯ•ҵҩ⋇ҩҵ•ᴥϕ•ϫҩᵻϫǂᵻ≬•ͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺•жᵻᴥ⨳ǂᵻ≬•ҁѫҩ•ϫҁѯҩᵻ≬ҁѫϫ•ͽᵻϠ•⨳ҩͽжᵻҩ
ϫϫҩϫ•ᴥϕ•⊱ᴥϭѯ•ᴥ⨳ᵻ•ϫǂԇҁѫ•ϫҩᵻϫҩ•ǂϫ•ҁѫҩ•ϕǂѯϫҁ•ϫҁҩϞ•ǂᵻ•ϭᵻϠҩѯϫҁͽᵻϠǂᵻ≬•ҁѫǂϫ•ͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺

Hmm, strengths and weaknesses, huh? Maybe that's the key on understanding the
Seventh Sense. But how?

"Hey, anong-"

Napatigil naman ako sa pagtatanong kay Hideo dahil sa nakita ko. Nakatulog siya
habang nagbabasa at si Demi ay nakahiga na sa table, tulog din. Mukhang napagod din
siya sa case at sa dami ng mga inasikaso niya. Ang amo pala ng mukha ng isang 'to
kapag tulog.

"Mukhang ikaw ang kailangang magpahinga," sabi ko na lang at bumalik na ako sa


pagbabasa.
***

=================

Chapter 33

Kaya kong hindi matulog sa loob ng tatlong araw or around 72 hours pero dahil sa
lalaking 'to ay nakakaramdam na rin tuloy ako ng antok. Pati si Demi natulog na rin
sa tabi niya. Pupunta-punta pa kasi rito, matutulog lang din naman pala. Teka, mas
maganda pala 'yun para walang istorbo.

Parang dati, ang pag-acquire lang sa librong 'to ang mission ko pero ngayon, mas
mapanganib pa. Hindi ko akalaing mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. At nababother
na rin ako sa mga sinasabi ni Kyo. Sa tingin ko ay may alam na siya tungkol sa akin
pero dahil wala pa siyang ginagawang move ay mukhang ligtas pa ako sa ngayon.
Feeling ko pati sina Hideo at Naomi ay naghihinala na rin sa akin kaya kailangan ko
na talagang mag-ingat. Kung sakali mang mahuli nila ako, I can use the Black
Dimension to escape but going back to the base is my problem. Paniguradong
madidisappoint si Mom at hindi na ako magugulat kung parusahan niya ako.

Speaking of Black Dimension, ngayon ko lang narealize na hindi nila nadedetect si


Demi like me. Bakit kaya? Hindi ko na natanong kay Dana nung nagkita kami dahil sa
dami ng mga nangyari. Ano na kayang lagay nila? Kamusta na kaya si Kid?

Napailing na lang ako para alisin sa isip ko ang mga bagay na 'yun. Pinagpatuloy ko
ang pagbabasa sa libro kahit nanlalabo na ang mga mata ko sa symbols. Tuluy-tuloy
lang ang pagbabasa ko kahit na hindi ko masyadong maintindihan ang mga nakalagay
hanggang sa manlabo na ang paningin ko.

***
"Meow."

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Demi sa harapan ko. Hindi ko napansin na
nakatulog pala ako habang nagbabasa. Ang sakit tuloy ng batok at likod ko dahil sa
posisyon ko nung nakatulog ako.

"Evening." Napatingin ako kay Hideo sa tabi ko.

"Kanina ka pa gising? Teka, ilang oras ako nakatulog? Anong oras na?" sabay tingin
ko sa paligid at madilim na sa labas.

"Yes. Isa't kalahating oras kang tulog."

"Bakit 'di mo ko ginising?"

"Because I don't want to."

Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang nagliligpit dahil 7 PM na pala. Lumabas


kami sa library dahil wala nang tao maliban sa amin at naglakad papunta sa dorm.

"Did you learn anything from that book?" rinig kong tanong niya mula sa likuran
kaya lumingon ako. Nauuna kasi ako sa paglalakad habang sila ni Demi ay nakasunod
sa akin.

"Hindi ko masyadong maintindihan. Para kasing may missing pieces sa libro-"


Napatigil ako bigla sa paglalakad nung paglingon ko sa likuran dahil para akong may
nakitang anino doon sa loob ng library kahit patay na ang ilaw. At hindi nga ako
nagkakamali. May silhouette doon sa may bintana at nakasilip siya sa amin na parang
nanlilisik ang mga mata.

"Bakit?" tanong ni Hideo sabay tingin din sa likuran niya.

"D-did you see that? May tao sa library na nakatingin sa atin. You have a 360-
degree view of the surroundings so I'm sure you saw that...person."
"I didn't. Are you sure there's someone there?"

"Of course. Nakadungaw pa nga siya sa bintanang 'yun," sabay turo ko doon sa
bintana pero kanina pa siya nawala. Kinilabutan tuloy ako bigla.

"Maybe that's just your imagination." Tinignan ko siya nang masama dahil sa sinabi
niya.

"It's not! May nakita talaga ako. Nung umalis tayo doon, 'di ba wala naman nang
ibang tao? Pero may nakita talaga akong nakasilip sa bintana." Bigla naman niya
akong hinawakan sa magkabilang balikat at finorce niya akong humarap sa direksyon
papuntang dorm.

"Let's go. You're just tired."

Magrereklamo pa sana ako pero tumalon si Demi papunta sa akin kaya natigil ako sa
pagsasalita. Kinarga ko na lang siya at nagdire-diretso kami papasok sa dorm. Pero
bago pa kami maghiwalay ay nakasalubong namin sina Michiko at Akira na mukhang
pupunta sa plaza.

"Told you," sabi ni Akira kay Michiko habang nakangisi.

"Where's Mayu?" tanong ni Hideo at parehong tumingin sa kanya 'yung dalawa.

"Nasa room, inaalagaan si Hiroshi. Alam mo naman, may mission na ginagawa si


Shiro," sagot ni Michiko. "At kayo? Saan kayo galing?"

"Library," sabay naming sagot at nagmeow pa si Demi.

"Wow. Sabay-sabay pa kayong tatlo ha," dagdag ni Akira habang nakangiti nang
nakakaloko.

Halos sabay kaming naghiwalay ni Hideo papunta sa kanya-kanyang wing ng building at


hindi namin pinansin ang pang-aasar ng dalawa kahit nagsisigaw na sila doon.
Umakyat ako kaagad sa kwarto habang karga ko si Demi at bumaba siya nung makarating
kami doon. Naabutan ko naman si Naomi na nakatanaw sa bintana. Naalala ko bigla
'yung nakita ko sa library.
"Anong ginagawa mo dyan?"

"Wala lang," sagot niya habang nakatalikod sa akin at patuloy lang na nakatingin sa
may bintana kaya lumapit ako at nakitingin na rin. Nakita ko na naglalakad si
Mitsuo papunta sa Intel Division at kaya hindi namin siya nakasalubong ay doon siya
sa likod ng dorm dumaan. Wait, nakita kaya siya ni Hideo?

"Para kang stalker," sabi ko and this time, napatingin na siya sa akin.

"Really?"

"Yes and it's creepy. Sinusundan mo siya ng tingin mula rito sa room."

"But Hideo's also doing-nevermind."

"Huh?"

"Wala."

Lumayo na siya doon sa bintana at naupo sa may gilid ng kama. Lumapit naman ako sa
kanya at naupo sa tabi niya. Ganito ba talaga ang epekto ng attraction sa isang
tao? Parang nagkaroon ng soft spot sa pagkatao niya at mas nagkakaroon ng variation
ang expressions niya. Nagiging playful na rin siya nitong mga nakaraang araw. Bigla
naman niya akong tinignan nang masama.

"What? Nagsasabi lang ako ng napapansin ko." Inunahan ko na siya dahil alam kong
nababasa niya ang iniisip ko. "Anyway, bakit siya papuntang Intel? Alam mo?"

"No. How would I know?"

"Oh."

Siguro nasanay lang ako na silang dalawa ni Hideo ang may alam ng lahat ng bagay
dito. They are like the walking encyclopedia and calculator of our family.
"So, magkasama kayo ni Hideo kanina?"

"Sort of. Nagkasalubong lang kami sa library."

"Oh really," she said with a mocking tone.

"What's with that tone?"

"Hm? Ganito naman talaga ako magsalita. O baka nag-aassume ka lang na may ibang
ibig sabihin 'yun." Nagsmirk siya after niyang sabihin 'yun at sumuko na lang ako.
Mapupunta na naman sa kung saan-saan ang usapang 'to kapag pinatulan ko pa.

Nagbihis na lang ako at binuksan ko ulit ang librong binasa ko kanina. Binasa ko
ang mga natitirang page at nung matapos ko ay lalo lang akong naguluhan. Ito ba
talaga ang libro about seventh sense? Bakit parang history lang 'to at medyo malabo
rin ang pagkakadescribe.

"Hey, Naomi. 'Di ba tapos mo nang basahin 'to?" sabay turo ko sa libro.

"Yeah. Why?"

"May nalaman ka ba about sa nature ng seventh sense? Hindi ko kasi masyadong


maintindihan 'yung content."

"A little. Pero hindi ko rin maintindihan 'yung iba. Parang may kulang."

"What do you mean?" Ewan ko pero parang may nagclick sa utak ko nung narinig ko ang
salitang kulang.

"I don't know...I mean, parang hindi masyadong connected 'yung isang page sa next
page, like that."

"That's it!" Nagulat siya nung bigla akong nagsnap sa harapan niya.

"What's it?"
"It's like what you said. Something's missing with this book. Si Demi ang kumuha ng
librong 'to sa restricted section. I bet there's a second book or a twin book na
kailangang gamitin para maintindihan ang content nito."

Bigla namang kinuha ni Naomi 'yung libro at inexamine ang pages ng libro. Iniscan
niya 'yun at ilang minuto niyang binasa ang mga naunang pages bago tumingin ulit sa
akin.

"You're right. Parang pinutol talaga ang paragraphs pero kahit na na-cut ay
comprehensible pa rin naman kaso walang depth." Tumango ako sa sinabi niya at
chineck ko rin ang paragraphs.

"That means nasa restricted section ang other half ng librong 'to. But I don't
think I can steal again from that room."

"Why?"

Sinarado ko nang mahigpit ang isip ko dahil naalala ko bigla ang nangyari dati.
Muntik na kaming mahuli nung pumunta kami sa library after the curfew. Plus,
nababother pa rin ako sa aninong nakita ko sa loob ng library kanina.

"I think I can get that book."

"Really? Are you sure?"

"You should learn from the expert," sabay taas niya ng kilay at pakita ng confident
expression niya.

"You're a bad girl, aren't you?" Hindi ko ineexpect na may ganitong side siya. I
mean, she's going to steal a book!

"Not as bad as you."

"Of course. I'm the worst," then I smirked.


I don't know if it's just me pero parang nagkaroon bigla ng tension sa pagitan
namin. Parang may ibang iniimply 'yung sinabi niya and I responded like I know what
she's talking about. Then all of sudden, nakaramdam ako ng matinding pressure sa
loob ng room at hindi ako makagalaw. Pinilit kong igalaw ang katawan ko at nakawala
ako sa binding feeling na 'yun. Saktong may naramdaman akong presence malapit sa
amin kaya nilibot ko kaagad ang paningin ko hanggang sa napatingin ako sa bintana
at may nakita akong anino sa labas.

"W-who's that?!" Lumapit ako sa bintana pero pagtingin ko sa baba ay wala na 'yung
anino pati na rin 'yung pressure sa loob ng room.

"Anong nangyari sa'yo?" Napatingin naman ako kay Naomi at parang ayos lang siya.

"H-hindi mo ba naramdaman 'yun?"

"Ano 'yun? Are you okay? Bakit ka namumutla?"

Ibig sabihin, hindi niya naramdaman 'yung pressure pati na rin 'yung presence sa
labas? Does that mean ako lang ang nakapansin nun o ako lang ang target niya? And
I'm pretty sure that's the same person na nakita kong nakasilip sa library. Huminga
ako nang malalim at napaupo sa kama.

"I'm okay. Pagod lang siguro 'to."

"You should sleep."

Tumango na lang ako at nahiga. Tinry kong ipahinga ang utak ko pero hindi ko magawa
dahil kung anu-anong tumatakbo ngayon sa isip ko. That presence...parang familiar
at naramdaman ko na 'yun before pero hindi ko madistinguish kung kanino. Who are
you...
***

'Do you think you can deceive me?'

'S-sino ka?'

'Your trickery ends here,'then he stabbed me on the chest.

Nagising ako bigla dahil sa napanaginipan ko. Napaupo ako dahil pakiramdam ko ay
totoo ang panaginip na 'yun at napansin kong pinagpapawisan ako. Dahil doon ay
naalala ko kung kanino ang presence na 'yun.

Dahan-dahan akong bumaba ng kama dahil tulog na rin sina Naomi at Akira. Mukhang
kanina pa ako natutulog at pagtingin ko sa orasan, alas-tres na ng madaling araw.
Kinuha ko ang cloak ko at nakita kong nakatingin sa akin si Demi na parang alam
niya ang balak kong gawin.

Lumabas ako ng kwarto at nakasunod sa akin si Demi habang bumababa kami sa


hagdanan. Nung nakarating na ako sa labas ay dumaan ako kung saan nahaharangan ang
field of vision ni Hideo, kung sakali mang gising pa siya at baka makita niya ako.

Isa lang ang lugar na pwede kong puntahan kapag nababother ako-ang gubat. Naglakad
ako papasok sa loob ng gubat at dumiretso ako kung saan ko nakita ang green flowers
pati na rin ang ferocious bear dati. Mukhang wala sila sa parteng 'to ngayon.
Lumayo si Demi sa akin at pumunta siya sa eastern part habang ako ay nagstay dito.
Pumitas ako ng isang bulaklak at napangiti ako dahil ang ganda talaga ng kulay
nila. Dahil kakulay ng bulaklak ang mga dahon, hindi 'yun kaagad napapansin sa
unang tingin pero habang tumatagal ay mapapansin mong bulaklak pala 'yun.

"Like you."

Hindi ako lumingon kahit alam kong nasa likuran ko siya. Hindi ko naramdaman ang
presence niya pero alam kong siya 'yung nasa library at nasa labas ng dorm kanina
na minamanmanan ang bawat kilos ko. Narinig ko ang paglalakad niya at nakita ko
siya sa peripheral vision ko kaya tumingin ako sa kanya.
"What do you want?"

"That should be 'what do you want, Sir?'"

Kaharap ko ngayon si Kyo at kahit sobrang kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ay


kinontrol ko ang sarili ko. Lumapit siya sa akin at pumitas din siya ng bulaklak na
katulad ng hawak ko.

"You're like this flower-hidden among the leaves but you can easily see if you just
look at it carefully." Pinakiramdaman ko ang kilos niya at tinignan ko siya nang
masama.

"Just get to the point. Alam kong may alam ka tungkol sa akin." Biglang naging
seryoso ang expression ko at naramdaman ko na naman ang matinding pressure kaya
kinuha ko kaagad ang cards ko sa bulsa ko. "But please use your inner voice."

Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung tulog pa ba si Akira
ngayon pero kung sakaling alam nga ni Kyo ang identity ko, ayokong may makarinig,
lalong-lalo na sa Atama family.

'Noong una pa lang ay alam kong may kakaiba na sa'yo pero hindi ko alam kung ano. I
even asked a Shinigami tracker to keep an eye on you but the results are always
negative. But I'm still not convinced that's why I personally investigated you, and
I found out that you have a unique blood component. You can't be tracked.'

Lalo akong kinabahan ngayong nalaman na niya ang sikreto tungkol sa dugo ko. Mom
and Dad gave me this mission because of that. Kahit na may Shinigami trackers dito
ay hindi nila ako madedetect dahil kakaiba ang dugo ko at aakalain nilang Senshin
talaga ako. But I guess I can't fool this man.
'Your trickery ends here, Shinigami, so is your life,' then he drew his short
blades and attacked me, just like what happened in my dream.

***

=================

Chapter 34

First thing that came to my mind? I NEED to escape. His presence felt like another
being that screams danger, but Kyo himself, is the real danger. It's like looking
at a beast that finally cornered it's prey. And when he lunged at me, I
instinctively opened the Black Dimension...

...but he managed to grabbed my arm and the next thing I knew, we're both in the
Black Dimension.

"The Black Dimension huh," sabi niya habang nakatutok ang dulo ng short blade sa
leeg ko. Pero imbes na matakot ako para sa buhay ko ay naguluhan ako. Black
Dimension is only accessible by Shinigamis, but fatal to the other tribes. Exposure
to this dimension can burn your body from the inside. Bakit parang walang epekto sa
kanya?

"W-what on earth are you? B-bakit hindi ka naapektuhan dito?" tanong ko habang
dahan-dahan kong kinukuha ang cards sa bulsa ko pero diniin niya ang dulo ng sword
kaya napatigil ako.

"Sa dinami-rami ng Shinigami na hinabol at hinuli ko, sa tingin mo ba ito ang unang
pagkakataon na makapasok ako sa dimension na 'to? The first time I entered this
place, I thought I was going to die. I was bedridden for a week. But after a few
months, I chased another Shinigami and ended up in this place...again." Bigla ko
namang napansin na nanginig sandali ang ang kamay niya at doon ko narealize ang
nangyari sa kanya.

Nararamdaman niya pa rin 'yung burning sensation pero hindi na katulad nung unang
beses niyang naramdaman 'yun. Maybe his immune or whatsoever body system developed
or evolved because of repetitive exposure to this dimension. After all, isang
lineage lang ang pinanggalingan ng Senshin at Shinigami pero naging magkaiba na ang
culture, ways of life, even our body and sixth senses sa pagdaan ng panahon dahil
magkaibang path ang tinahak ng ancestors namin and that changed everything. They
have this ability called Seventh Sense which I am investigating, but we don't.
However, we can access and use the Black Dimension but it has detrimental effects
to them. Pero out of the three tribes, sila ang may mataas na chance na makasurvive
dito dahil after all, we're from the same lineage.

"Any last words?" saka niya diniin ulit ang blade sa leeg ko at naramdaman kong may
tumutulo nang dugo doon.

I know he's strong. Heck, he's the strongest Senshin I know. At alam kong kapag
nilabanan ko siya head-on, wala akong pag-asang manalo. Pero wala rin akong maisip
na strategy dahil sobrang lakas ng presence niya to the point na pakiramdam ko ay
nakatali ang buong katawan ko. Pakiramdam ko, kaharap ko ngayon si Dad.

Dad, huh.

Buong buhay ko, takot ako sa kanya, but I admire his fierceness and leadership.
Usually, si Mom ang nagpaparusa sa Reapers, Assassins and Soldiers na nagfail sa
missions nila o may kasalanang nagawa. Pero pagdating sa Elites at sa amin ni Rin,
si Dad ang nagpaparusa. Now that I think about it, siguro 'yung ginawa ni Mom kay
Kid is his way of showing her sympathy. Hindi ko lang kaagad naisip 'yun dahil
pinangunahan ako ng emosyon ko. Kung si Dad ang nakadiskubre ng pagkakamali niya,
hindi ko kayang isipin kung anong gagawin niya kay Kid. He's ruthless and vicious
when it comes to failures at naexperience ko na ng ilang beses 'yun kaya lagi ko
nang ginagawa ang best ko sa lahat ng missions. Not to impress him but to get away
from his punishments...

...or maybe, to impress him a little. But I didn't hear any compliments from him.

Siguro 'yun din ang dahilan kung bakit naweweirduhan ako sa pamilya ni Mayu. Nung
nakita ko siya sa gubat kasama ang asawa niyang si Shiro at kung paano niya alagaan
si Hiroshi, naiinggit ako. I know that Shinigamis should raise their children in a
fierce way to make them strong...pero simula nung binigay sa akin ang mission na
'yun at namuhay ako kasama ng Senshins, nag-iba ang tingin ko sa pamilya.
Huminga ako nang malalim at dinismiss ko lahat ng thoughts ko. Tumingin ako kay Kyo
at ewan ko kung bakit pero kalmado ako. Parang tanggap ko na na ito ang katapusan
ko. Maybe I subconsciously discarded my life when I entered their territory kaya
ngayong nalaman na ng isa sa kanila ang sikreto ko, handa na ako.

Kung sakali mang makatakas ako at makabalik sa base, I'm sure madidisappoint si Mom
at kailangan kong harapin si Dad. Maybe death is better choice than Dad's
punishment. Pero nakakalungkot lang na mamamatay akong mag-isa. I always imagined
my death to be in the middle of a victorious war like a hero or something or due to
old age. Too bad it will end like this.

"What is your mission?" tanong niya at lalo niya pang diniin ang blade sa leeg ko
pero nanatili akong kalmado. Tinignan ko lang siya at ngumiti ako sa kanya.

"If you want to torture me, you have to do better than that." Wala pa 'to sa
dinanas ko kay Dad. "And Shinigamis have high sense of honor and reverence to our
tribe. I'd rather die than give you any information."

Pagkasabi ko nun, biglang naging troubled ang expression ni Kyo at hindi ko alam
kung bakit. Pero dahil doon ay nakakita ako ng pagkakataon para i-draw ang cards
ko.

Mas mabuti nang mamatay akong lumalaban.

Pero pagkakuha ko pa lang ng cards ko ay mabilis na lumapit sa akin si Kyo...at


naramdaman ko ang sakit sa batok ko...and everything went black.

***
Dumilat ako at napahawak ako sa batok ko. Damn that Kyo! Pero teka, bakit...bakit
buhay pa ako? I thought...

Nagulat naman ako nung bumukas ang pinto at nakita ko 'yung babaeng nagbantay sa
akin dati. Sa pagkakatanda ko, Yuuki ang pangalan niya. Ngumiti siya sa akin.

"Buti at gising ka na. Ayos naman ang condition mo bukod sa wound sa leeg mo."

"P-paanong nandito ako?"

"Sir Kyo brought you here."

"Where is he?!" Napabangon ako at inalog ko ang balikat niya pero napatigil ako
nung saglit na magblack ang paningin ko.

"Calm down, okay? He's fine pero kailangan niyang magpahinga. Nasa kabilang
kwarto-" Pagkasabi niya nun ay naglakad ako palabas ng kwarto at dumiretso sa
kabila.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama at may burns sa katawan niya. Sinarado ko kaagad
ang pinto at napansin kong ito 'yung kwarto kung saan ako dinala dati, the one that
blocks brain wave signals and sixth senses from the outside.

"Why?" tanong ko kaagad sa kanya. Umayos siya ng pagkakaupo at tumingin sa akin at


bigla niyang hinagis ang isang short blade niya sa direksyon ko...but I repelled it
and redirected it towards him. Pero sinangga niya lang ng isa pa niyang short
blade.

"I have my own reason."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko maintindihan ang takbo ng utak niya. Nung
una gusto niya akong patayin pero ngayon sasabihin niyang may reason kung bakit
hindi niya tinuloy? Senshins are really pain in the ass.

"Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na. At tandaan mo, iniimbestigahan pa


rin kita kaya alam ko lahat ng mga kinikilos mo."

Bago pa tuluyang mag-init ang ulo ko ay lumabas ako sa kwarto niya at padabog kong
sinarado ang pinto. Pagpasok ko sa kwarto ko ay napasigaw ako nung mukha ni Hideo
ang biglang bumungad.

"What the heck?!"

"What?"

Napapikit ako at kinalma ko ang sarili ko. Kanina si Kyo ngayon naman pati 'tong
lalaking 'to. Why do I have to be with these two who both have twisted mind and
personality?

"Anong ginagawa mo rito?" Dumiretso ako sa kama at umupo sa gilid habang masamang
nakatingin sa kanya. Lumapit siya sa akin at may inabot na libro.

"Pinapaabot ni Naomi. May pupuntahan daw kasi siya kaya binilin sa'kin."

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko 'yung libro. Halos kapareho 'to ng itsura ng
Beyond Sixth Sense na libro pero iba lang ang title sa front page. God, ginawa niya
nga! Kinuha niya talaga sa restricted section! Paano niya nagawa 'yun?

"Meow."
Napatigil ako nung narinig ko 'yun at nakita kong tumalon si Demi sa lap ko.

"She wants to see you, too," sabi ni Hideo at naglakad siya palayo.

"Too? Hah. Does that mean you're the other one?" then I rolled my eyes. As if.
Bigla naman siyang lumingon kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Yes," biglang sabi niya. "Good night," sabay labas niya sa kwarto ko.

Nagulat ako sa sinabi niya pero napunta ang focus ko sa good night at hinawi ko
kaagad ang kurtina sa kwarto ko. Pagtingin ko ay gabi na nga talaga. Ni hindi ko
man lang 'yun napansin nung gumising ako. Does that mean more than twelve hours na
akong natutulog?!

"Meow." Napatingin ako kay Demi at binuhat ko siya. Hindi ko kaagad napansin na
nakangiti na ako kaya pinigilan ko 'yun at tumingin sa paligid kahit na wala namang
tao.

What the heck is happening to me?

***

=================

Chapter 35

Nahiga na lang ulit ako sa kama habang si Demi ay nasa tabi ko. Ang daming
tumatakbo sa isip ko ngayon at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
Sa totoo lang, gusto ko nang bumalik sa base pero alam kong magagalit sina Mom and
Dad kapag ginawa ko 'yun. Bigla ko tuloy silang naalala.

Sina Mom and Dad ang nagtrain sa akin simula nung five years old ako. Naaalala ko
pa lahat ng sinabi nila sa akin para maging karapat-dapat na Royal shinigami.

"You shouldn't show your emotions during a fight," Mom said. Kahit bata pa lang ako
ay sinanay na nila akong makipaglaban pero syempre, lagi akong natatalo sa kanila.
Dahil bata lang ako noon, kitang-kita sa expressions ko ang sakit. Dahil ayaw kong
madisappoint sila sa akin, natuto akong pigilin ang emosyon na nararamdaman ko
tuwing makikipaglaban.

Hanggang sa magseven years old ako ay si Mom and nagtrain sa akin at after that ay
hinarap ko si Dad. Akala ko ay tuturuan niya rin ako pero hindi ko akalaing
kailangan ko pala siyang kalabanin. Isang segundo lang ata ang nakalipas ay hindi
na ako makatayo at nagkaroon ako ng sugat sa braso.

"You're still too weak. What did you do for the last two years?" sabi niya sabay
lakad palayo sa akin.

Gusto kong umiyak nung mga panahong 'yun pero pinigilan ko ang sarili ko dahil
naalala ko ang sinabi ni Mom nung una akong umiyak dahil sa pagkatalo ko sa kanya:
"Losing a fight means you're weak, but crying after losing a battle means you're
pathetic. Don't ever do that again."

After that, si Izumi—the Elite right hand of Mom—na ang nagtrain sa akin kasama na
sina Kid, Dana at Keith. Kaya rin kami close sa isa't isa ay dahil sama-sama kaming
lumaki at nagtraining. Si Izumi ang tumayong magulang namin simula nung bata kami.

Sa loob ng ilang taon ay ginawa ko ang lahat para maging malakas; para matalo ko si
Dad. 'Yun ang naging goal ko sa buhay ko para i-acknowledge niya ako. Pero tuwing
nagkakaroon kami ng laban para i-assess ang lakas ko ay lagi pa rin akong natatalo.

"Sabi na nga ba nandito ka," sabi ni Kid habang papalapit sa akin.

"How did you know?"

"This is my domain. Of course I would know,"sabay upo niya sa tabi ko.

Every time na natatalo ako o 'di kaya naman kailangan kong mag-isa ay pumupunta ako
sa darkest areas ng Black Dimension dahil ayokong may makakita sa akin sa ganitong
state. But Kid always see me like this. Pinunasan ko kaagad ang namumuong luha sa
mga mata ko.

"I'm not crying, okay?" sabi ko kaagad tapos narinig ko ang mahinang tawa niya.

"I'm not even asking. Bakit ka defensive?"

Napakagat na lang ako sa labi ko dahil napahiya ako. Inaasar niya ako nang inasar
hanggang sa napalitan na ng inis at tuwa ang feelings ko. Saka ko lang narealize na
laging ganun ang ginagawa niya sa akin. Kapag nakikita niyang hindi ko na iniisip
si Dad ay lalabas na kami sa Black Dimension at sasalubong sina Dana at Keith.
Pagkatapos nun, ayos na ang pakiramdam ko.

Nagstart na rin si Mom na i-train si Rin and just like me, alam kong nahihirapan
din siya. I want to help her but Mom said I shouldn't. Kaya naman hanggang tingin
na lang ako sa training niya.

During that time ay ipinatawag kaming apat ni Mom at may binigay siya sa aming
mission. Inexplain niya kay Izumi ang mission at after that ay sinabi naman sa amin
ni Izumi ang dapat gawin.
"We need to kill this guy," sabay turo ni Izumi sa isang picture ng lalaking kulay
green ang mata at may kakaibang tattoo sa leeg—an eye inside a circle.

"What's this?" Tinuro naman ni Keith ang tattoo na napansin ko.

"That's the symbol of the Querino family," sabi ni Izumi.

"Querino family? Sino sila?" tanong ni Dana habang nakatingin sa picture.

"The best Shinigami trackers."

Natahimik kami dahil naririnig lang namin ang Shinigami trackers sa usapan ng
Elites. According to them, they can detect Shinigamis by their blood. Pero hindi
necessarily na may sample of blood kundi nasesense lang nila ang composition ng
dugo namin at kinocompare nila sa kanila.

"Is he the head of the family?" tanong ni Kid.

"Yes. He's Rico Querino, also known as Ryouta. According to my source, may anak
siyang babae na halos kasing-edad ninyo and she's the only successor. To kill
Ryouta, we need to capture her daughter."

"Hindi ba tayo madedetect din ng anak niya?" tanong ko naman.

"No. Kapag tumuntong pa lang siya ng fifteen ay saka pa lang magdedevelop ang
senses niya sa pagiging Shinigami tracker. She's just fourteen so she still can't
track properly."

Nagprepare kami ng ilang araw para sa mission namin at si Izumi ang naglead sa
amin. We managed to locate the village of the Querino family but we can't go near
it. They are the best Shinigami trackers at hindi malabong madetect nila kami oras
na lumabas kami rito sa Black Dimension.
"I'll go first. Wait for my signal," sabi ni Izumi at lumabas siya sa Black
Dimension.

Naghintay naman kami ng ilang minuto at narinig namin ang boses ni Izumi sa isip
namin kaya agad kaming lumabas pero hindi namin siya makita. She's really good at
concealing her presence.

Kanya-kanya kaming pili ng posisyon at doon ako pumunta sa taas ng puno. Bigla ko
namang nakita ang isang babae na naglalakad papunta sa pinakamalaking bahay at
kahit first time ko lang siyang makita ngayon ay alam kong siya ang anak ng target
namin. She has a long, wavy hair; green eyes and pale complexion.

'It's her,' I said and all of them looked at her direction.

Nakita kong naging alert sina Kid, Keith at Dana pero hindi ko pa rin alam kung
nasaan si Izumi. Hinanda ko ang sarili ko dahil sa difficulty ng mission na 'to,
may possibility na mamatay kami. Bigla naman akong nakaramdam ng chill sa right
side at alam kong aura 'yun ni Izumi. She was about to jump off the tree but
something happened. May lalaking lumabas doon sa malaking bahay at hinatak niya
kaagad 'yung babae.

It's Ryouta.

Nagulat ako nung tumingin siya sa direksyon namin.

"There are four Shinigamis in the vicinity! Catch them!" he shouted and I know
we're in trouble.

'Shit. Retreat for now!' sigaw naman ni Izumi sa isip namin kaya nagpanic ako.
Nakita kong papunta sa direksyon namin ang ilang Shinigami trackers pero biglang
nagsink-in sa utak ko ang order ni Ryouta. Four Shinigamis? Pero lima kami.
Nagkamali siya ng pagdetect? Sino ang hindi niya napansin...wait, why aren't they
coming at my direction?

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil narealize kong ako ang hindi nila na-
track. I don't know if this is fear or excitement; maybe both. Izumi, Kid, Dana and
Keith were engaged on their own battles while I am still concealing myself. Pero
dahil baka maraming sumunod na trackers ay kumilos na rin ako.

I threw the cards at their direction and aimed them at the trackers. Maging 'yung
apat ay nagulat at ginamit nila ang chance na 'yun to retreat. They also retreived
my cards and managed to open the Black Dimension. After that ay sumunod ako at
nakita ko sila sa Black Dimension. Nakatingin lang sila sa akin habang hingal na
hingal.

"Damn. Why can't I open the Black Dimension earlier?" sabi ni Kid habang
pinupunasan ang pawis niya.

"Those Shinigami trackers are on a higher level than the normal ones. Kaya nilang
pigilan for a few seconds ang pag-open ng Black Dimension," sagot naman ni Izumi at
parang wala lang sa kanya ang nangyari.

"At parang alam nilang pupunta tayo doon. He even used his daughter as a bait,"
dagdag ni Dana.

"Naisahan nila tayo," sabi naman ni Keith.

Bigla namang tumingin nang seryoso sa akin si Izumi.

"Ang hindi ko maintindihan, bakit hindi ka nila nadetect? It's impossible for him
to not notice you."

"H-hindi ko rin alam ang nangyari."

"Let's go home for now. I need to report this to the Lady."

After that encounter, tinest ako ng scientist namin and they found out na may
kakaibang component sa dugo ko compared sa majority ng Shinigamis. Sabi nila, baka
'yun ang dahilan kung bakit hindi ako nadetect ng Shinigami trackers. Dahil din
doon ay nagsimulang maging interested sina Mom and Dad sa akin. They started to
train me again and they always send me to difficult missions. Siguro dahil na rin
doon kaya napabayaan nila ang training ni Rin at kung bakit lumayo ang loob niya sa
akin.

"Meow."

Bumalik naman ang isip ko sa kasalukuyan at nakita kong nakatingin sa akin si Demi.
Pagtingin ko sa oras, mag-aalas tres na ng madaling araw. Siguro naman tulog na
sina Akira at Naomi.

Nagdecide akong bumalik sa dorm. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto habang karga-
karga ko si Demi. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa harap ng dorm pero
napatigil ako nung may nakita akong nakasandal sa labas habang nakapamulsa at
parang may hinihintay—si Hideo.

"Are you free?" tanong niya.

"Why?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at naglakad lang siya papunta sa likod ng dorm
kaya sumunod na lang ako. Nang makarating kami doon ay naramdaman ko ang lakas ng
presence niya.
"What do you want?"

"Anong nangyari sa inyo ni Sir Kyo?"

I immediately tightened my closed mind because of the pressure he's giving off.
Maging si Demi ay naapektuhan din dahil tumalon siya pababa at lumayo sa aming
dalawa.

"Sorry pero pinagbawalan niya akong sabihin 'yun kahit kanino," sabi ko tapos bigla
siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako, hanggang sa mapasandal na lang ako sa
pader.

"Another secret huh," sabay extend niya sa right arm niya sa wall kaya kinabahan
ako. Ayoko ang pakiramdam na limited ang space dahil para akong nakakulong.

"I-I told you, there are secrets that should never be revealed."

"Sa lahat ng kilala ko, ikaw ang pinakamisteryoso," sabi niya habang nakatingin sa
mga mata ko. I can clearly see his green eyes and his serious expression kahit na
madilim. "You're a mystery to me and everytime I try to solve you, I fall deeper to
the depths of my curiousity."

Pagkatapos nun ay walang nagsalita sa amin at tahimik lang akong nakatingin sa


kanya. Pero hindi ko na kinaya ang intensity ng mga mata niya kaya tinulak ko siya
palayo.

"P-pagod na ako. I want to rest," sabi ko at nagsimula akong maglakad palayo kahit
na feeling ko ay maggigive-up ang legs ko. Sumunod sa akin si Demi at kahit hindi
ko nakikita ay alam kong nasa likuran lang namin si Hideo at nakasunod din.
Pagkapasok ko sa dorm ay agad akong umakyat at pumasok sa kwarto namin. Buti na
lang ay tulog na sina Akira at Naomi dahil nagcollapse ako pagkasarado ko ng pinto.
Nung kaya ko nang tumayo ay pumunta ako sa kama at pumikit pero natatakot ako.
Natatakot akong baka hindi na ako magising dahil sa lahat ng nangyari kanina. Dahil
kapag pumipikit ako, naaalala ko ang muntik ko nang pagkamatay.

Now I'm even scared to fall asleep.

***

=================

Chapter 36

"Hindi ka na naman ba natulog?" Napatingin ako kay Naomi na kakabangon lang sa


kama. Hindi ko siya napansin kaagad dahil nagbabasa ako ng libro sa may lapag.

"Yeah. Hindi ako makatulog eh."

"Bakit?"

"I don't know."

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa librong binigay ni Naomi at nacurious ako bigla


kung paano niya 'to nakuha sa restricted section.

"Hey," tawag ko at tumingin siya. "How did you manage to get this book?"

"Ohh, that? Well, that's a secret," sabay smirk niya pa at tuluyang pumasok sa
banyo.
Napailing na lang ako at nagbasa na lang ulit. Pero mukhang tama nga ang hinala
namin dahil parang magkadugtong talaga ang librong 'to pati na ang librong nakuha
ko dati. Kinuha ko ulit 'yung libro at pinagtabi ko silang dalawa—Beyond the Sixth
Sense and Seventh Sense. Binuksan ko ang dalawang libro at nilipat ko sa parehong
page.

ϫҩ⋇ҩᵻҁѫ•ϫҩᵻϫҩ•ǂϫ•ͼᴥᵻϫǂϠҩѯҩϠ•ͽϫ•ͽ•ѫǂ≬ѫҩѯ•ҵҩ⋇ҩҵ•ᴥϕ•ϫҩᵻϫǂᵻ≬•ͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺•жᵻᴥ⨳ǂᵻ≬•ҁѫҩ•ϫҁѯҩᵻ≬ҁѫϫ•ͽᵻϠ•⨳ҩͽжᵻҩ
ϫϫҩϫ•ᴥϕ•⊱ᴥϭѯ•ᴥ⨳ᵻ•ϫǂԇҁѫ•ϫҩᵻϫҩ•ǂϫ•ҁѫҩ•ϕǂѯϫҁ•ϫҁҩϞ•ǂᵻ•ϭᵻϠҩѯϫҁͽᵻϠǂᵻ≬•ҁѫǂϫ•ͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺

'Yan ang nakalagay sa Beyond the Sixth sense habang sa Seventh Sense naman ay:

ᴥᵻͼҩ•ͽͼѫǂҩ⋇ҩϠ∎•ҁѫҩ•ϫǂԇҁѫ•ϫҩᵻϫҩϫ•ͽᵻϠ•ѣǂᵻϠϫ•ᴥϕ•ҁѫҩ•ϭϫҩѯϫ•ͼͽᵻ•⧝ҩͼᴥѣҩ•ᴥᵻҩ•ͽᵻϠ•ǂҁ•⨳ǂҵҵ•
⧝ᴥᴥϫҁ•ҁѫҩǂѯ•Ϟᴥ⨳ҩѯ•ͽᵻϠ•ͼͽϞͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺•ѫᴥ⨳ҩ⋇ҩѯ∎ϫҩ⋇ҩᵻҁѫ•ϫҩᵻϫҩ•ǂϫ•Ϡͽᵻ≬ҩѯᴥϭϫ∎•ҩϫϞҩͼǂͽҵҵ⊱•ǂϕ•⨳ѯᴥᵻ≬ҵ⊱•ϭϫ
ҩϠ∺•ǂҁ•ͼͽᵻ•Ϡҩϫҁѯᴥ⊱•ҁѫҩ•ѣǂᵻϠ•ͽᵻϠ•ҁѫҩ•ϫҩᵻϫҩϫ•ᴥϕ•ҁѫҩ•ϭϫҩѯ•ᴥѯ•⨳ᴥѯϫҁ∎•ǂҁ•ͼͽᵻ•ҵҩͽϠ•ҁᴥ•Ϡҩͽҁѫ∺

Kinilabutan ako nung binasa ko 'yun nang tuluy-tuloy dahil pareho ang thought ng
sentences. They are really related and I think these sentences belong to the same
paragraph. Nagbasa pa ako ng ilang magkakapantay na sentences sa ibang pages at
ganoon din ang kinalabasan—they form a paragraph with the same thought. Nung
narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo, lumingon agad ako.

"Naomi!" sigaw ko at nakita kong nagulat siya.

"Why?" sabay lapit niya sa akin.

"Tignan mo 'to. Basahin mo mula rito," turo ko sa unang libro, "tapos ituloy mo
hanggang dito," tapos tinuro ko naman 'yung pangalawa.

Sinunod niya naman ang sinabi ko at tahimik niyang binasa ang sentences sa libro
hanggang sa nakikita ko na ang pagbabago ng expression niya.

"So our theory is really true," she said while holding the book.
"Yes but it's still hard to understand."

"Hey, anong ginagawa niyo dyan?" Napatingin naman kami kay Akira na kagigising
lang. Lumapit siya sa amin at tinignan ang dalawang libro sa harapan namin.
Nagkatinginan kami ni Naomi at napagdesisyunan naming sabihin na rin kay Akira
'yung theory namin since alam naman niya nang idecode 'to.

"Oh my gosh. Oh my gosh, totoo ba 'to? Seryoso? God, look at these goose bumps!"
sabay turo niya sa braso niya.

"Mamaya na natin ituloy 'to. May class pa tayo kaya magprepare na kayong dalawa,"
sabi naman ni Naomi at sinarado niya 'yung dalawang libro.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong 7:30 AM na at may class kami ng 8:00 kaya
nag-unahan pa kami ni Akira papunta sa banyo. Naunahan niya ako kaya umupo muna ako
at pumikit pero napadilat din ako kaagad dahil naalala ko 'yung nangyari sa Black
Dimension. Huminga ako nang malalim para makalma ko ang sarili ko dahil tuwing
naaalala ko 'yun ay nanginginig ang buong katawan ko.

"You look sick." Nakatingin sa akin si Naomi at sinarado ko nang mahigpit ang isip
ko sabay smirk sa kanya.

"I'm not."

"Matulog ka kasi."

"Yes Mother," sabay tayo ko dahil lumabas na si Akira sa banyo.

After naming magprepare ay agad din kaming lumabas ng dorm. Pumunta kami sa class
namin pero may nakalagay na note doon na kailangan naming pumunta sa Technology
department for a meeting.

"Meeting? For what?" tanong ni Michiko habang nakatingin doon sa hologram na


nakadisplay sa room.
"Let's go," sabi ni Hideo kaya napasunod kaming lahat sa kanya.

"Lately, mas nagiging seryoso si Hideo 'no?" rinig kong bulong ni Michiko kay Akira
na nasa likuran ko.

"Stressed lang 'yun kasi may hindi siya masolve." I heard her snicker and I was
tempted to look back.

"Masolve? Some kind of puzzle? Case?"

"A mystery..."

"Ha?"

"Basta."

Damn. So Akira heard our conversation. Napakalakas talaga ng sagap ng pandinig ng


babaeng 'to. Walang nakakalusot na usapan sa kanya. Her sixth sense is really
bothersome.

Nung nakarating kami sa Technology department ay ni-lead kami ni Mayu since siya
ang nakakaalam ng mga pasikut-sikot dito. Hanggang sa makarating kami sa isang room
na transparent ang floor kaya nagulat ako pero ilang segundo lang. Sa harapan namin
ay may isang mahabang table kung saan nakalagay ang napakaraming weapons at rinig
na rinig ko ang saya ni Michiko.

"Magandang umaga."

Nagulat ako nung bigla na lang akong may presence na naramdaman sa gilid at
pagtingin namin ay may isang lalaki doon na nakatayo. Kanina pa ba siya doon? Ni
hindi ko siya napansin!

"Dad." Mas lalo akong nagulat nung sinabi 'yun ni Mayu. Dad...so that means this
guy is the Legendary Mechanic? No wonder his presence is so strong.

"Napagdesisyunan namin na kailangan niyo nang magkaroon ng main weapon, pero


nagsisimula pa lang ang pag-aaral tungkol sa teleportation ng weapons kaya
kailangan niyo pang dalhin ang mga 'to," sabay tingin niya kay Mayu at Michiko.

Naalala ko bigla ang sixth sense ni Michiko at sa pagkakatanda ko ay subject siya


for experiment ng Technology department sa pangunguna ni Mayu para sa pagsusummon
ng weapons. They said it will take a long time pero mukhang hindi naman nila
magagawa 'yun. It's impossible to teleport an object from one place to another,
unless that's your own sixth sense.

Lumapit silang anim doon sa table habang ako ay nakatayo pa rin sa pwesto ko.
Napahawak ako sa bulsa ko at nilabas ko ang cards ko.

"Hindi ka ba pipili?" Nagulat ako nung nakita kong nasa tabi ko na pala si Aiwa.
God, bakit ba ang hirap pakiramdaman ng presence niya?

"Uhm, I'm not sure. Meron na akong weapon," sabay pakita ko sa cards ko. Bigla
naman niyang hinawakan ang mga 'yun kaya hinatak ko pabalik sa akin.

"Hmm...gusto mo bang magamit nang mas maayos ang mga iyan?" sabi niya habang
seryosong nakatingin sa cards ko at halos mapaatras ako dahil sa pressure na
nararamdaman ko mula sa kanya. Well, kaysa naman magkaroon pa ako ng bagong weapon,
mas gugustuhin kong mamodify na lang ang mga 'to.

"C-can you do that?" Bigla naman siyang ngumiti sa akin.

"Oo naman. Hindi ako magsasabi ng hindi ko kayang gawin." Nilahad niya ang palad
niya at dahan-dahan kong nilagay doon ang cards ko tapos dumiretso siya sa table
kung nasaan sila.

"Hey."

"Oh my God!"
Muntik na akong matumba dahil sa gulat nung may humawak sa balikat ko. Pagtingin
ko, si Mitsuo pala. Bwisit na 'yan. Nagbuild-up masyado 'yung pressure ni Aiwa kaya
nadisorient ako bigla.

"What the hell was that? Magugulatin ka na ba ngayon?" tanong niya habang nakakunot
pa ang noo. Aba dapat nga ako ang may ganyang expression dahil bigla na lang siyang
sumusulpot!

"Whatever. Bakit ba?"

"May libro bang dinala si Naomi kahapon sa kwarto niyo?" sabi niya habang
nakatingin kina Naomi. Naging alert naman ako bigla. How did he know that?

"Bakit? Ano bang meron doon sa libro?"

"I don't know. I just saw her holding that book tightly while leaving the library."

"Alam mo namang mahilig siyang magbasa. Baka—"

"Pero nakita ko ang title. It's Seventh Sense and I know that both of you are
interested on that." This time, napatingin na ako sa kanya.

"Ha. You're really sharp. Yeah, we're reading that book. Okay na?"

After that ay tumango lang siya tapos umalis na. Sinundan ko siya ng tingin at
nakita kong lumapit siya kay Hideo tapos nag-uusap sila pero hindi ko na marinig
dahil masyado silang malayo sa akin. Lumapit naman sa akin si Naomi at tumingin din
doon sa direksyon ng dalawa.

"Anong pinag-usapan niyo?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.

"Nagseselos ka ba?"

"Not really. Curious lang."

"Curious my ass."
"It's true. I'm just curious." Napailing na lang ako. This girl is too stubborn.

"Fine. He's asking about that book. Nakita ka niyang lumabas sa library habang
hawak 'yung libro."

"He saw me?" Mukhang alam ko na ang iniisip ng babaeng 'to.

"He's not stalking you. Nagkataon lang 'yun."

"Wala naman akong sinasabi."

"But I can clearly see it on your face. Biglang nagliwanag."

Bigla naman siyang naglabas ng fan at pinaypay niya sa sarili niya habang
nakatingin sa kabilang direksyon. Gusto kong matawa sa expression niya pero
pinigilan ko dahil baka magalit.

"Is that your weapon?" tanong ko habang nakaturo sa pamaypay na hawak niya.

"Yes. Cute and handy, isn't it?" sabay tiklop niya sa isang hampas at tinutok niya
pa sa akin.

"Yeah right. A good match up for my cards."

Bigla namang bumukas 'yung pinto sa likuran namin kaya napalingon kami at nanigas
ako sa pwesto ko nung makita ko kung sino ang pumasok.

"Kyo, nandito ka na." Lumapit siya kay Aiwa at nagbow.

"Yes, Sir."
Sa pagkakaalam ko ay 52 years old na si Aiwa at si Kyo siguro ay nasa late 30s na
niya. Siguro nung estudyante pa lang siya ay naging instructor niya rin si Aiwa.
Pero bakit siya nandito?!

"Ngayong nakapili na kayo ng main weapons ninyo ay si Kyo ang mag-oobserba sa


training na gagawin ninyo," sabay ngiti pa ni Aiwa at napatingin siya sa akin.

'H'wag kang mag-alala. Ibabalik ko ang cards mo bukas na bukas din.'

'Y-yes.'

Ugh. I should have known that that guy can force his inner voice to my mind. For
sure galing din siyang Atama family. God, this family is full of troublesome
people.

Tumingin sa amin si Sir Kyo at napaiwas ako ng tingin. Pinigilan ko ang panginginig
ng katawan ko dahil naaalala ko na naman ang nangyari sa Black Dimension.

"Meet me at the PE room later." Tumingin siya sa relo niya at ilang segundo siyang
nag-isip. "Mga 10:00 kayo pumunta. Maliwanag?"

"Yes, Sir!"

Pagkatapos nun ay dinismiss na kami ni Aiwa kaya naman agad-agad akong lumabas ng
room dahil nahihirapan akong huminga. Nanghina ang mga tuhod ko at akala ko ay
babagsak na ako sa lapag pero may humawak sa braso ko at sinuportahan ang weight
ko. Kahit hindi ko tignan ay alam ko na kung sino.

"You're clearly affected by his presence," he whispered to my ears as he pulled me


closer to him.
"W-what...are you...doing?" I tried standing up but my knees gave up. Napaupo ako
sa sahig at humarap siya sa akin habang nakahawak pa rin sa kanang braso ko.

"Why? What happened between the two of you?" He leaned closer and I instinctively
put my other arm between us. Kahit na hindi na ako makahinga nang maayos ay pinilit
ko pa ring kalmahin ang sarili ko.

"W-why do you...want to know it so much? It has nothing to do with you." Natahimik


siya ng ilang seconds dahil sa sinabi ko pero tumingin siya sa mga mata ko after
that and I flinched.

"I told you, you're too mysterious and I can't solve you." Bigla siyang yumuko at
nagulat ako nung sinuntok niya ang pader na sinasandalan ko. "It makes me feel
stupid."

"W-what..."

"That's why I'm curious; too curious about you. Damn it."

Hindi kami gumalaw doon ng ilang segundo at kahit papaano ay huminto na ang
panginginig ko.

"Akemi."

"Hideo."

Nagulat ako nung narinig ko ang boses nina Naomi at Mitsuo kaya napatingin ako sa
pinanggalingan ng boses nila at nakita ko sila na kalalabas lang doon sa room.
Akala ko ay magugulat sila dahil sa naabutan nila pero...parang naiintindihan nila
ang sitwasyon at seryoso ang expressions nila.

Tumayo si Hideo at mabilis siyang naglakad papunta kay Mitsuo. After that ay
naglakad na sila palabas ng Technology department. Napabuntung-hininga na lang ako
at tinulungan ako ni Naomi na tumayo.
"I won't ask anything but seriously, you guys should control your presence."
Inalalayan niya ako sa paglalakad and I'm thankful dahil sa tingin ko ay hindi ko
kakayanin kapag ako lang mag-isa.

"Naomi..."

"What?"

"I'm just curious—"

"Curious my ass."

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nagsmirk siya. I see. So ito ang ganti niya.
Pero kahit papaano, napangiti ako dahil doon. I think I won't be able to sleep
again tonight.

***

=================

Chapter 37

Isang linggo na ang nakakalipas after that incident. Nung 10 AM that same day ay
pumunta kami sa PE room at nagtraining. I tried to focus pero mas lalo akong
nadidistract sa mga presence ni Kyo at Hideo. Damn those two.

"Buti nakakatulog ka na," sabi ni Naomi habang nag-aayos ng gamit.

"Yeah. Though inaabot ako ng madaling-araw para pilitin ang sarili ko na matulog."

"Dami mo kasing iniisip!" sigaw naman ni Akira na kalalabas lang ng banyo.


Napahigpit tuloy ako bigla sa pagsara ng isip ko kaya saglit akong nahilo.
"Hindi ah."

"Hah! I told you, don't underestimate my ears," sabay turo niya pa sa tenga niya.

"Tsismosa ka lang," I said as I roll my eyes. Tsk. Laking problema talaga ng sixth
sense niya.

"Wala ka bang balak umuwi, Akemi?" tanong naman ni Naomi.

"Magsstay muna ako ng ilang days."

Hindi ko akalaing natapos na ang isang school year dito. Ni hindi ko man lang
namalayan na seven months na ang nakakalipas simula nung pumasok ako rito. Akala ko
nasa three or four months pa lang dahil ang konti lang ng nakuha kong information.

Maaga ang end ng school year dito sabi ni Akira dahil ang natitirang two and a half
months ay ilalaan for Fielding alone. That means halos lahat ng estudyante ay
sasabak sa mundo ng mga humdrum. Pero bago 'yun ay may two-week vacation kami para
makapaghanda for the Fielding.

Uuwi sina Akira at Naomi bukas ng madaling-araw kaya naman simula bukas ay ako lang
mag-isa rito sa room. Sina Michiko at Mayu naman ay magsstay since nasa Teacher's
Village lang ang bahay ni Mayu at si Michiko naman ay nasa gitna pa rin ng pagiging
test subject for weapon summoning or teleportation.

"So, anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Akira habang nakaupo sa kama. Nilabas
naman kaagad ni Naomi ang pamaypay niya at nagsmirk siya sa aming dalawa.

"How about some training?"

***

"Heh. Never thought that a three-way battle would be this hard!" sigaw ni Akira
habang hawak ang whip niya mula sa puno kung saan niya nagtatago.

"Of course. All of our weapons are not for short-range attacks," sabi naman ni
Naomi na hawak ang pamaypay niya sa taas din ng isang puno.

"But I have the biggest advantage," I said while smirking and I threw my cards on
their direction with my full power.

I saw the trees where they stood a while ago collapsed, cut into halves by my
cards. Kinilabutan ako and at the same time ay naexcite. That old man Aiwa really
did modify my cards. At magandang training ground din ang gubat dahil sa strategic
locations and attacks na pwedeng magawa.

"Whoa! Whoa! Damn that was dangerous! Hoy Akemi, masyado kang seryoso!" sigaw ni
Akira mula sa punong nilipatan niya.

"Be careful—"

Hindi na naituloy ni Naomi ang sasabihin niya sa akin at natahimik din si Akira
dahil alam kong naramdaman nila 'yun. Napangiti ako.

After that hopeless fight with Kyo, I am now itching to fight these two. And my
thirst for fighting intensifies because I know that their abilities are on par with
me. After all, they are from the Atama family.

"Maybe we should take this training seriously," sabi ko habang nakatayo sa makapal
na branch ng isang puno.

Akala ko ay may sasabihin sila pero pareho silang naging seryoso rin. I instantly
felt their strong presence and they readied their weapons. Ramdam na ramdam ko ang
tension sa paligid dahil walang gumagalaw sa amin. Then all of a sudden, tumalon si
Akira mula sa puno at sumugod sa akin. I immediately threw one of my cards but she
evaded it and she whacked her whip on the branch where I'm standing.

Nakita ko ang ngiti niya habang nalaglag ako sa puno kaya agad akong lumayo.
"Your breathing suddenly changed its pace kaya naman inunahan na kita sa pag-
atakeâ" Napatigil siya sa pagsasalita nung biglang sumugod si Naomi at gaya ko ay
lumayo rin siya.

"And your mind's state relaxed a bit," sabi ni Naomi sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. This is bad. Lalo akong naeexcite.

"Maybe this is the right time to see who's the strongest among us," sabi ko habang
pinipigilan ko ang sarili ko sa pagngiti.

Pinakiramdaman ulit namin ang isa't isa. Kung kanina ay parang greeting lang ang
mga atakeng ginawa nila, ngayon, alam kong seryoso na sila. This would be an all-
out attack with our full power. Mas naging intense ang kulay ng mga mata namin.

And in that instant, we all lunged at each other.

...pero agad din kaming napatigil.

"Bakit hindi natin gawing four-way battle?" Pagkarinig ko sa boses ni Michiko ay


napatingin agad ako sa direksyon niya. Pinigilan niya ang whip ni Akira gamit lang
isang dagger.

"Tsk. Aren't you taking this too seriously?" Nagulat ako nung may narinig akong
putok ng baril at nakita kong tinamaan ang hinagis kong card kaya nagbago ang
direksyon nun. Hinanap ko kung saan nanggaling ang bullet at nakita kong nakaupo sa
isang branch ng puno si Mitsuo habang hawak ang isang baril.

"Michiko, we're not here to—"

"I know, I know! I'm just kidding, okay, Hideo?"


Then I saw Hideo in front of Naomi. Hawak niya ang isang sword at pinigilan nito
ang fan ni Naomi. Pinigilan kami ng tatlong 'to.

"Are you trying to kill each other?" Rinig na rinig namin ang boses ni Hideo dahil
sobrang tahimik ng paligid at natense ako dahil nakakatakot ang presence niya
ngayon. Kahit likuran niya lang ang nakikita ko ay naiimagine ko ang intensity ng
mga mata niya.

I suddenly trembled. It feels like...I'm in a serious trouble...like that time in


the Black Dimension.

***

"Ha-ha. Mukhang masyado nga tayong naging seryoso. Pero grabe, pinagpapawisan pa
rin ako dahil sa ginawa ni Hideo," sabi ni Akira habang papunta kami sa room after
naming makatanggap ng dalawang sermon galing kay Michiko at Mitsuo. Pero ang
nakakatakot ay ang silence ni Hideo habang nakatingin siya nang masama sa amin.

"It's your fault. You girls should add moderation in your dictionaries," dagdag ni
Mayu na nakasunod sa likuran namin. Nandoon din siya sa gubat kanina at siya ang
nagbigay ng location namin doon sa tatlo. Hindi naman namin alam na may sensors
pala siyang nilagay dito sa gubat na kapag nakadetect ng paggamit ng sixth sense,
maiinform siya kaagad.

Pagpasok naming tatlo sa room, humiga kaagad si Naomi sa kama. Si Akira naman,
didiretso na sana sa banyo pero napatigil siya at humarap sa amin.

"Nga pala, bakit parang araw-araw nagkikita sina Sir Kyo at Hideo?"

Nagulat naman ako sa sinabi niya at kung anu-ano na ang naisip ko. Araw-araw silang
nagkikita? Bakit?
"Kailan pa?" tanong ko.

"Hmm...last week? Simula nung nagkaroon ng bagong weapons. That day kasi, after ng
class natin sa kanya, narinig kong pinasunod niya si Hideo sa office niya."

"Baka may private case siya," biglang sabi ni Naomi kaya napatingin kami sa kanya.

"What? Ang duga naman ni Sir Kyo! Bakit si Hideo lang ang may private case?"

"That's just a guess."

After that ay lalo akong nabother. Kung nagkikita sila, hindi kaya sinabi na ni Kyo
sa kanya? Hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilang sinasabi niya kung bakit hindi
niya ako tinuluyan pero dahil doon ay mas lalo akong naguluhan sa kung ano talaga
ang balak niya. That Kyo is really a threat.

Nagpahinga kaming tatlo at nung madaling-araw na ay agad akong lumabas habang suot-
suot ko ang cloak ko. Naglakad ako papunta sa gubat para makapag-isip-isip dahil
nasusuffocate ako sa dorm. Pakiramdam ko ay napakaraming mata ang nakatingin.

Niready ko kaagad ang cards ko kung sakali mang may monstrous bear na namang
umatake. Pagdating ko sa spot na 'yun ay nakita ko ang green flowers at kahit
papaano ay nabawasan ang inaalala ko. Ang ganda talaga nila lalo na kapag gabi.
Parang kumikinang sila dahil nangingibabaw ang kulay nila.

"Meow."

Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita kong nakasunod pala sa akin si Demi.
Ni hindi ko siya napansin habang naglalakad ako kanina. Umupo ako at tumingin sa
akin si Demi.

"Sa susunod, magparamdam ka ha?" sabi ko sa kanya.


"Meow."

Minsan nararamdaman ko lang siya kapag nakikita ko siya o 'di kaya naman kapag nag-
oopen siya ng Black Dimensionâteka...

Ang tagal ko na 'tong iniisip pero bakit nakakapagbukas ng Black Dimension si Demi?
At kung nabubuksan niya 'yun, bakit hindi siya nadedetect ng Shinigami trackers?
Gusto ko tuloy tanungin si Dana tungkol dito dahil siya ang nagpadala sa akin kay
Demiâ

"I'll answer your questions but first, let's get out of here."

"Huh—"

Nagulat na lang ako nung lumitaw si Dana sa harapan ko at hinatak niya ako papunta
sa Black Dimension na binukas niya tapos tumalon din si Demi papunta doon.
Nakapagreact na lang ako nung naramdaman kong nasa loob na kami ng Black Dimension.

"D-Dana?! What the heck are you doing?"

"Hello," she said with a smug face. Napabuntung-hininga na lang ako dahil hindi ako
mananalo sa babaeng 'to lalo na kapag ang dami kong iniisip.

"So, bakit ka nandito?"

"I have three bad news for you, which one would you like to hear first?"

"Start with the least distressing. But let me ask a few questions first."

"Okay."
Nilagay ko sa lap ko si Demi at mukhang naging komportable siya doon dahil
nakatulog agad siya.

"Bakit bigla mo akong hinatak dito?" tanong ko sa kanya.

"Well, there are three persons observing you. Kapag na-late ako ng isang segundo sa
pagbukas ng Black Dimension ay makikita ka nila doon sa pwesto mo."

Her sixth sense is really amazing, as always. But...three persons? Paniguradong ang
dalawa doon ay si Kyo at Hideo. Sino ang isa?

"Next question?" sabi niya habang nakatingin kay Demi at alam kong alam na niya ang
itatanong ko.

"Ano ba talaga si Demi? Why can she open the Black Dimension?"

"Actually, she has a Shinigami blood."

"What?" Hindi ko alam kung tama ba ang rinig ko o ano pero ano araw? Shinigami
blood? A cat has a Shinigami blood? But that's impossible unlessâwait...don't tell
me...

"Yes," sabay tingin niya sa akin dahil mukhang nabasa niya ang isip ko. "I injected
your blood to her. Alam mo namang maraming test subjects ang researchers and
scientists natin kaya kumuha ako ng dalawa secretly. It's quite amazing dahil
pareho silang compatible sa dugo mo, which is rare. And after kong ma-inject sa
kanila 'yun ay agad nag-iba ang kulay ng mga mata nila. They became green, just
like the color of your eyes. Nalaman ko rin na kaya nilang mag-open ng Black
Dimension pero maliit na way lang kaya dahil doon ay faint presence lang ng Black
Dimension ang nadedetect. Kaya naman naisipan kong ipadala ang isa sa'yo para may
kasama ka at katulong sa mission mo and of course, as a way of communication na
rin. And of course, dahil dugo mo ang dumadaloy sa kanila, they can't also be
detected by Shinigami trackers, just like you."

Natahimik ako after kong marinig 'yun. So that's why hindi siya nadedetect at
nagagawa niya ang mga kayang gawin ng Shinigamis.
"So...do they also exhibit sixth sense?" tanong ko.

"No. Ang pagbukas lang ng Black Dimension ang kaya nilang gawin. Their brain and
body can't handle the complexity of sixth sense."

"Wait, ang sabi mo dalawa ang kinuha mo. Where's the other one?"

Nagulat naman ako nung biglang gumalaw si Demi at nagising. Nagtwitch ang tenga
niya at bigla siyang tumalon kay Dana. Nakita kong may gumalaw doon sa loob ng
cloak ni Dana at pagtingin ko, may lumabas na itim na pusa.

"Meow."

Halos magkaparehas sila ng katawan at features ni Demi. Ang kaibahan lang talaga
nila ay ang kulay nila. Demi is as white as the snow, while the other one is as
black as the night and this dimension.

"This is Keina," sabi niya at narealize ko kaagad kung bakit kaya ngumiti ako sa
kanya ng nakakaloko.

"Keina, huh? What a nice name."

"Shut up."

"Anyway, what are the bad news?" tanong ko at naging seryoso ang expression niya.

"First, nakakulong pa rin si Kid. He's been in that prison for months at hindi kami
pinapayagan ni Izumi na lumapit doon."

Parang bumaligtad ang sikmura ko. Normally, ilang days lang ang inaabot ng Elites
sa loob ng kulungan para sa kasalanang ginawa nila pero bakit hindi pa rin nila
pinapalabas si Kid? Dahil ba sa laki ng kasalanan niya?

"Nakakaya ni Izumi na ganun ang maging kalagayan ni Kid?" tanong ko. Si Izumi ang
nagtrain sa aming apat at siya ang tumayong parent namin kaya hindi ko matanggap na
nagagawa niya 'to.

"You know Izumi. She's very loyal to your mother."

"But still..."

"Don't worry. Kid is strong. I know he'll survive there. Anyway, the second one is
about Rin."

Nagflinch ako nung narinig ko ang pangalan ni Rin. Ang tagal na rin nung huli ko
siyang nakita at alam kong galit pa rin siya sa akin.

"Binigyan na siya ng Elite at Reapers. I think your parents are now seeing her as a
valuable child."

"That's good," bulong ko sa sarili ko at napangiti ako pero at the same time ay
nalulungkot ako.

"Yeah right. Sarah is now under her care. As well as the reapers Kyuuya and
Raiden."

"What? Si Sarah?"

"Yes. She insisted that she wants to train under you pero dahil utos ng Mom mo ay
wala siyang nagawa kundi maging under ni Rin. And about the worst news..."

Nagdarken ang expression ni Dana kaya tumaas din ang tension sa paligid. Maging si
Demi at Keina ay napatigil sa paggalaw at nagtago sa ilalaim ng cloak ni Dana.
"Last day, aksidente akong napunta sa med laboratory dahil hinahanap ko si Keina.
Doon ko nakita ang ilang bangkay ng Erityians."

"B-bangkay?"

"Yes. And what's disturbing is...wala na silang mga mata." Napalunok ako sa narinig
ko.

"What do you mean?"

"Remember those eye researches? I think tinetest na nila 'yun. They are
experimenting on Erityian eyes. Naalala mo pa ba 'yung Custos na sumugod dito at
'yung nagpanggap na researcher?"

"Yeah. Lace and her accomplice."

"I think niretrive niya ang mga mata ng kasamahan niya, na pinatay ni Kid, dahil
alam niyang pag-aaralan ang mga 'yun. Siguro ay may balak na ring tumakas 'yung
kasama niyang nagpanggap na researcher but you discovered and finished him kaya
kahit papaano ay may test subject pa rin for Custos."

Dahan-dahan kong inintindi lahat ng sinasabi ni Dana at hindi pa rin ako


makapaniwala sa naririnig ko. Then bigla kong naisip...

"Then...kaya ba hindi nila pinapalabas si Kid ay dahil siya ang responsible doon?"

"I think so, though hindi niya naman alam ang tungkol doon sa research. Ang utos sa
kanya ay patayin ang mga Custos na nakapaligid sa base pero iniwan niya ang mga
bangkay doon kaya naretrieve ni Lace ang mga mata nila just in time nung nalaman
niya sa accomplice niya ang about sa research."

"That's not fair!"

"I know but we can't do anything about it. He didn't know the consequence of his
action kaya nangyari 'yun."
Bigla namang naging alert si Dana at tumayo siya kaya nalaglag sina Demi at Keina.

"What's the matter?" tanong ko.

"You need to go back. Someone will search for you."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tinulak niya ako pati si Demi palabas ng Black
Dimension. Nag-end up ako sa pwesto ko kanina, sa harapan ng green flowers pero
puro lupa na ang cloak at kamay ko. Damn that Dana! Bakit kailangan pa akong
itulak?

Tumayo ako at pinagpagan ang cloak at damit ko. Ang dami kong nalaman ngayon at
kailangan ko nang kumilos para naman may magawa ako. I want to save Kid and I want
to talk to Rin and Sarah as soon as possible.

"Hey."

Nagulat ako nung narinig ko 'yun kaya napalingon agad ako sa likuran ko at nakita
ko si Hideo na nakahawak sa trunk ng puno at mukhang tumakbo siya dahil hinihingal
siya. Bigla ko namang naalala 'yung nangyari last week kaya nag-iwas ako ng tingin.
Naramdaman kong papalapit siya kaya naging alert ako. Pero nagulat ako nung
dumiretso siya doon sa flowers at pumitas siya ng isa.

"Kapag pumupunta ka rito sa gubat, dito ka lagi dumidiretso," sabi niya habang
nakatingin sa bulaklak na pinitas niya. "Is it because of this?" sabay tayo niya at
pakita niya sa akin doon sa hawak niya.

Hindi ako nagsalita. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ang lalaking 'to. Ang
awkward sa pakiramdam dahil sa nangyari nung nakaraan. Bwisit.

Maglalakad na sana ako palayo pero nagulat ako nung bigla niya akong hinatak
at...niyakap.
"A-ano ba!" Pinilit kong kumawala pero ang higpit ng yakap niya. "Anoâ"

"Sorry."

Napatigil ako nung narinig ko ang pagbulong niya sa tenga ko. Walang gumalaw sa
amin at parang biglang naging sobrang tahimik ng paligid. Pagkatapos ng ilang
segundo ay bumitaw na rin siya at naglakad palayo.

What the heck was that?

***

=================

Chapter 38

Pagbalik ko sa room namin bandang 4 :30 AM ay nakaabang sa loob sina Naomi at


Akira. Nakita kong nakangiti nang nakakaloko si Akira at may pataas-taas pa siya ng
kilay kaya alam kong may narinig na naman 'to.

"Hindi ka na namin tatanungin kung saan ka galing pero aalis na kami," sabi ni
Akira habang nakatingin sa akin na parang nang-aasar.

Nakaready na ang mga gamit nila at mukhang hinintay lang nila akong bumalik para
magpaalam. Nung palabas na sila ng room ay dumaan sila sa magkabilang gilid ko at
halos sabay silang gumamit ng inner voice sa akin.
'Don't worry, your secret moments are safe with me,' sabi ni Akira.

'Pagbalik ko, we're going to talk about a lot of things.'

Sinarado nila ang pinto pagkalabas nila at naiwan ako doong nakatayo. Sa sobrang
dami ng nangyari ay napahiga na lang ako sa kama at tumabi naman sa akin si Demi.

Of course, nabahala ako doon sa mga binalita ni Dana pero mas nabother ako sa mga
salitang iniwan nina Hideo at Naomi. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin dahil
masyadong vague. Pakiramdam ko, habang tumatagal ako sa lugar na 'to, mas lalo
akong nahihirapang magsurvive at magtago. Lalo na ngayong may isang taong may alam
na ng identity ko.

"Anong iniisip mo?" Nagulat ako nung may mukhang lumitaw sa taas ko kaya nahagis ko
bigla 'yung card ko. Buti na lang at nasangga niya ng isang dagger kaya hindi
dumiretso sa mukha niya.

"Michiko! Bakit ka nandito?!" Napabangon ako agad sa kama at medyo nainis ako dahil
tinawanan niya lang ako. Nakita ko rin si Mayu na nakaupo doon na naghahanap ng
libro sa shelves namin. "Kailan pa kayo nandyan? Teka paano kayo nakapasok?"

"Duh, kanina pa kami kumakatok. Pumasok na lang kami at ayan, lutang ka." Naalala
ko naman na magsstay ang dalawang 'to dito sa dorm. Akala ko pa naman mag-isa lang
ako ngayon.

Nilapitan naman ako ni Mayu at tumayo siya sa harapan ko habang hawak ang isang
helme-like object. Bigla niyang sinuot 'yun sa ulo ko at bigla akong nagkaroon ng
flashbacks tapos may pixels din akong nakikita sa harapan ko. Natakot ako sa
pwedeng mabasa o makita nila kaya sinarado ko nang mahigpit ang isip ko at nung
ginawa ko 'yun ay tumigil ang flashbacks na nakita ko.

"Hmm...as expected, your mind is inaccessible," sabay tanggal ni Mayu doon sa


helmet.
"What is that?" turo ko naman doon.

"A prototype of my current project—Wavisual."

"Wavisual?"

"A gear that can convert brain waves to visual images. Mukhang marami pa akong
modifications na kailangang gawin. But I think Hiroshi can continue this project in
a few years."

Sobrang kinabahan ako sa sinabi niya. That was a close call. Kung nadisplay lahat
ng nasa isip ko ay siguradong malala ang mangyayari. I'm glad I closed my mind
immediately after I saw those pixels and flashbacks. Damn. Mayu's inventions are as
problematic as her dad's. Pero teka, tama ba ang narinig ko? Si Hiroshi?

"What do you mean, Mayu? Si Hiroshi ang gagawa?"

"Well, he's already three and a half years old."

"He can do things like this?" tanong ko at hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ay naku. Sa kwarto namin, puro nagkalat na wires at devices dahil sa mag-inang
'yan," sabi sa akin ni Michiko habang nakaakbay.

"Actually, this is his idea. May gusto kasi yata siya sa aking sabihin at ipakita
pero hindi niya maexplain nang maayos. I saw him wearing a helmet and using his
sixth sense, nakapagproduce siya ng images. Doon ko naisip na gawin 'to," pag-
eexplain ni Mayu.

"Wow. Your son is a prodigy." Namangha talaga ako sa sinabi niya.

"Ha? What are you saying, Akemi? Halos lahat naman ng nasa Atama family, may
exceptional skills na ipinapakita simula bata pa sila," sabi naman ni Michiko. But
still, that's impressive.

At dahil gusto kong makita si Hiroshi ay pinapunta nila ako sa kwarto nila. Nagulat
naman ako nung may tatlong bata doon at ayon sa pagkakaalala ko ay sina Hayate at
Reina ang dalawang kasama ni Hiroshi.
"—nasa labas si Mama mo," rinig kong sabi ni Hayate nung binuksan namin ang pinto.

Ang cute nilang tatlo. Nakadagdag pa sa cuteness nila ang hazel brown eyes nila.
Nakakatuwa lang na itong tatlong 'to ang susunod na generation ng Atama family...

Oh. Why am I thinking about that? Hindi naman ako originally part nito. I'm just an
outsider. Napabuntung-hininga na lang ako. Sa dami ng problema ko ay naaapektuhan
na ang isip ko. Nagstay kami doon ng ilang oras para panoorin 'yung tatlo. Nung
masyado na akong naooverwhelm ng mga iniisip ko ay tumayo na ako. Kailangan ko ng
ibang mapagkakaabalahan.

"Uhm, sige balik na ako sa kwarto," sabi ko kaya napatingin sina Michiko at Mayu sa
akin.

"Why? Masama ba pakiramdam mo?"

"May problema ka ba?"

"Wala naman. May gagawin pa kasi ako eh."

"Ano?" sabay akbay ulit ni Michiko. Dahil wala naman na akong magagawa at alam
naman nila ang tungkol dito, sinabi ko na lang din.

"I'm currently reading those books about seventh sense."

Pagkasabi ko nun ay naging interested din sila kaya nagpaalam muna sila doon sa
tatlong bata at lumabas kami sa room. Pero napasigaw kami nung nakita namin sina
Hideo at Mitsuo na nakasandal sa pader sa tapat ng room namin kaya naman napalabas
din 'yung tatlong bata.

"Ah! Kuya Hideo! Kuya Mitsuo!" sigaw ni Reina at tumakbo siya papunta sa dalawa
habang nakasunod naman sa kanya sina Hayate at Hiroshi.
Natawa nang malakas si Michiko at tinuro niya si Mitsuo kaya napatingin din kami ni
Mayu. Naalala ko bigla na hindi nga pala magaling mag-handle ng mga bata si Mitsuo
dahil na rin sa pinanggalingan niya. Kumapit naman si Hayate sa binti ni Hideo na
parang koala at si Hiroshi naman ay sa kaliwang binti niya at kanang binti ni
Mitsuo sumabit. Humagalpak kaming tatlo sa tawa habang 'yung dalawa ay naestatwa na
doon.

Binuksan ko ang pinto ng room namin at bigla namang lumabas si Demi. Sinundan namin
siya ng tingin hanggang sa pumosisyon din siya sa ulo ni Hideo kaya habang
pumapasok kami sa room ay nagcollapse na sa sahig si Michiko kakatawa habang si
Mayu ay dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Bumaba naman sina Reina at Hayate
sa kanila at nagtakbuhan sa loob ng room namin.

Bigla namang napatingin sa akin si Hideo kaya nag-iwas ako ng tingin. Naalala ko
kasi bigla 'yung nangyari kaninang madaling-araw.

"Bakit pala kayo nandito?" tanong ni Mayu habang may hawak na baso at kinuha na
niya si Hiroshi mula doon sa dalawa.

"Gusto rin naming malaman ang tungkol sa seventh sense," sabi ni Mitsuo at hindi ko
alam kung paano nila nalaman na 'yun ang balak naming gawin.

Dahil nandito naman na rin sila ay wala na akong nagawa kundi kunin ang dalawang
libro. Inexplain ko sa kanila ang mga nalaman namin nina Naomi at Akira dito.
Binigay ko sa kanila ang dalawang libro pero hindi na raw kailangan nina Hideo at
Mitsuo 'yung isa kaya nagtaka kami.

"Meron na ako," sabay labas ni Mitsuo ng isang libro sa bag na dala niya.

"Whoa! Pareho!" sigaw naman ni Michiko habang pinagcocompare ang hawak ni Mitsuo
pati 'yung Beyond Sixth Sense.

"Don't tell me namemorize mo 'yan kaagad nung hiniram mo?" tanong ko naman.

"Oo. Kaya nga minadali kong isulat dahil baka mawala na sa isip ko kapag tumagal."
Napa-whoa ulit kami dahil nakakamangha. Akalain mong nakopya niya ang buong librong
'yun sa loob ng maiksing panahon? Useful talaga ang sixth sense niya sa mga
ganitong pagkakataon.

Pinagpatuloy ko naman ang pag-eexplain sa kanila ng laman ng libro at binasa naman


ni Mayu 'yung nakasulat sa pages na naka-open sa both books nang magkasunod.

Sixth sense is the ability to use and manipulate one of the five senses to
extremities or to any specific situation. But there are some who can use it to a
different level. A higher level of ability called seventh sense.

According to Shinji, seventh sense is the ability of a Senshin to use his or her
sixth sense fully and share 70% of its efficiency to others. However, it is
extremely difficult to attain since nobody knows how, when or where it will
activate.

The first ones who executed the seventh sense are Shinji and Natsue. During their
stay in Romania, they successfully shared their sixth sense to each other for a few
minutes. According to them, they felt something different inside their body and
they can clearly read each others mind without restrictions.

Seventh Sense is considered as a higher level of sensing ability. Knowing the


strengths and weaknesses of your own sixth sense is the first step in understanding
this ability. Once achieved, the sixth senses and minds of the users can become one
and it will boost their power and capability. However, seventh sense is dangerous,
especially if wrongly used. It can destroy the mind and the senses of the user or
worse, it can lead to death.

"Wow. Reading each other's mind without restrictions? That's cool," sabi ni
Michiko. "Parang si Naomi lang pero this time, hindi lang siya ang nakakagawa kundi
pati 'yung ka-share niya ng sixth sense."

"Is it really possible to share your sixth sense?" tanong ni Mitsuo at walang
sumagot sa amin.

"Maybe. May written records so that means it's possible," sagot naman ni Mayu.
Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung paano nangyayari ang seventh sense dahil
wala namang sinabi kung paano ito gawin. Sabi, the first step is to know the
strengths and weaknesses of your own sixth sense. Of course, alam naman namin 'yun
sa mga sarili namin. What I want to know is how to activate the seventh sense. May
something ba na kailangan naming gawin o maramdaman?

"But now we know that this power is dangerous," sabi naman ni Hideo habang tahimik
kami kaya napatingin kami sa kanya. "As stated here," sabay turo niya sa libro, "it
can destroy the mind and the sense of the user or worse, it can lead to death.
Maybe that's why these books are sealed away from the students because of the risks
involved."

Natahimik ulit kaming lahat pagkatapos nun. Pero alam ko na lahat kami ay lalong
naging interesado sa seventh sense. Nararamdaman ko na nacucurious din sila at
gusto rin nilang malaman kung paano 'yun nagagawa. Especially me. After all, this
was my first mission...until my mother changed it.

Nagbasa pa kami ng ilang page pero wala pa rin kaming makuhang concrete information
kaya after ng ilang oras ay tinigilan na namin. Lumabas silang lahat sa room at
bumalik si Mayu sa kwarto nila para tignan 'yung tatlong bata sa loob. Si Michiko
naman ay bumaba para raw magtraining habang si Mitsuo ay may pupuntahan daw muna.
Doon ko lang napansin na naiwan pala kaming dalawa ni Hideo sa may hallway kaya
biglang naging awkward ang situation namin. Ang nakakainis pa ay naalala ko na
naman 'yung ginawa niya. Dahil hindi ko na kaya ang bigat ng atmosphere ay minabuti
ko nang magsalita.

"Anong ibig mong sabihin nun?" tanong ko at bigla naman siyang sumandal sa pader
habang nakapamulsa.

"Hmm?" Aba? At nagmamaang-maangan pa siya?

"Why did you say sorry?" diretso kong tanong pero tinitigan niya lang ako.

Dahil ayokong magpatalo ay hindi ko pinutol ang tingin ko sa kanya. Pero kahit
gusto ko nang itigil ay hindi ko magawa. His eyes are so enticing that it's hard to
break contact.
"It's just a word," seryoso niyang sabi.

"No. Sorry is a lot of things."

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon pero hindi mapanatag ang loob ko.
Bakit naman siya magsosorry? May nagawa ba siyang kasalanan sa akin na hindi ko
matandaan? O gagawin niya pa lang? People usually say sorry after making mistakes
but this time, hindi ako sigurado. Kapag iniisip ko 'yun ay mas lalo akong
naguguluhan at kinakabahan sa pwedeng mangyari.

Bigla naman siyang naglakad palapit sa akin at mas lalong naging seryoso ang
expression niya. Nagulat ako nung naglean siya kaya napaatras ako pero hinawakan
niya ako bigla sa braso. Hinigit niya ang bewang ko at nilapit niya ang mukha niya
sa akin hanggang sa nararamdaman ko na ang paghinga niya. Bumilis ang tibok ng puso
ko dahil sa kaba pero nagulat ako nung bumulong siya sa tenga ko.

"That word would bind us together until things are set right. I'll be taking
responsibility for my actions so don't worry."

"W-what do you mean?" tanong ko at mas lalo niya akong hinatak palapit sa kanya.
Naramdaman ko ang pagsandal ng ulo niya sa balikat ko at ang kamay niya sa likod
ko. "H-hey..."

"Why does it have to be this complicated?" mahinang bulong niya at kinabahan ako
bigla sa hindi ko malamang dahilan.

Nagstay kami sa ganung position for a few seconds then after that ay bumitaw siya
habang ako ay disoriented pa rin dahil sa kinikilos niya. Napabuntung-hininga naman
siya bigla at naging seryoso ulit.

"Sige, una na ako." Tumalikod siya at naglakad palayo and I was left dumbfounded.

"That's the first time I saw him with a troubled expression."


Nagulat naman ako sa narinig ko kaya napalingon agad ako sa likuran at nakita ko si
Mayu na nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto nila.

"And saying sorry takes courage," dagdag niya pa. That means narinig niya ang
pinag-usapan namin.

"Pero hindi ko alam kung bakit siya nag-sorry."

"Hindi ko rin alam but you know what? Sometimes, sorry can mean anything. From a
simple apology to leaving yourself open to pain and hate...or telling he cares for
you or he loves you but he'll do something more important than his feelings. Ikaw
na ang bahala kung paano mo iiinterpret 'yun."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay pumasok na ulit siya sa kwarto habang ako ay
hinintay na magsink-in lahat ng narinig ko.

***

=================

Chapter 39

Hindi ako makapaniwala na nandito na naman sila. Sa loob ng isang linggo ay lagi na
silang nakatambay dito sa kwarto namin dahil sa dalawang libro na kinuha namin ni
Naomi sa library. Nakaupo kami ngayon sa lapag habang nakapalibot sa mga libro.

"Ang cool ng concept ng seventh sense pero hindi ko alam kung paano ginagawa," sabi
ni Michiko habang nasa lap niya si Reina. Yes, pati 'yung tatlong bata ay nandito
rin.

"Sa tingin ko, sinadyang hindi nilagay dito ang tamang paggamit nun dahil sa
panganib din na pwedeng mangyari," dagdag naman ni Mitsuo. Ang cute lang ng itsura
nila ni Hiroshi dahil nakasakay siya sa balikat niya. Para silang sina Hideo at
Demi tignan.

"But at least, we know the concept." Bigla namang natawa si Michiko dahil pinipilit
umakyat ni Hayate sa balikat ni Hideo. Mukhang nainggit siya kay Hiroshi. Pero ang
mas nakakatawa ay nasa ulo niya rin si Demi. Mukha tuloy siyang pugad ng mga bata
at hayop.

Narinig ko rin ang mahinhing pagtawa ni Mayu sa tabi ko at napansin kong ang saya
niya ngayon. Siguro dahil na rin sa nakaraang linggo ay may katulong siya sa pag-
aalaga ng mga bata.

Pinag-aralan namin ang buong libro at ang dami naming nalaman tungkol sa seventh
sense, though malabo pa rin ang ibang parts. May ilang chapters na nag-enumerate ng
Senshins who successfully executed the seventh sense, and from what we saw, most of
them are from the Atama family.

I want to report this to Mom but I don't know how. Bukod sa lagi kong kasama ang
mga 'to ay paniguradong under observation pa rin ako ni Kyo. Ayoko munang gumawa ng
ikakapahamak ko pagkatapos niya akong macorner sa Black Dimension nung nakaraan.

"They're here," biglang sabi ni Hideo. Itatanong pa lang sana ni Michiko kung sino
pero biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat doon.

"Sabi ko na nga ba! Naririnig ko ang mga boses niyo dito sa kwarto!" sigaw ni Akira
habang hinihingal pa. Mukhang tumakbo ang isang 'to dahil sa sobrang excitement.
Yes, I can see it in her eyes.

"Why do we need to run?" Nasa likuran naman niya si Naomi na mukhang napatakbo rin
dahil kay Akira. Pero nung nakita niya si Mitsuo ay huminga siya nang malalim at
kahit hindi halata sa expression niya ay alam kong medyo nagpanic siya.

Nag-ayos silang dalawa ng mga gamit nila and after that ay sumali na rin sila sa
amin. Noong una ay seryoso pa ang mga usapan at tungkol pa sa seventh sense ang
arguments namin pero habang tumatagal ay nagiging biruan na at asaran. Habang
nagtatawanan kami ay hindi ko maiwasang mapaisip.

I shouldn't get too attached to them. This is just a mission and during a mission,
you should set aside your feelings or you'll end up failing or worse, dead. Habang
tumatagal ako rito, mas lalo lang akong naguguluhan. Sometimes, I feel too
comfortable, I keep forgetting that I do not belong here. That I am not a Senshin.
That's why sometimes, I just want to get back to my own home. To my real home. To
where I truly belong. Staying here made me confused and made me feel emotions I
shouldn't feel in the first place. But right after my confrontation with Kyo,
nagbago lahat 'yun.

Right now, I felt suffocated and cornered. Hindi na ako makatulog nang maayos dahil
alam kong may nagmamanman sa akin at lahat ng nandito ay kalaban ko. I am not safe
here.

'Are you okay?' Nagulat naman ako nung marinig ko ang boses ni Naomi sa isip ko.
'You look tired.'

Napabuntung-hininga ako at pinilit kong ngumiti dahil nagtatawanan pa rin silang


lahat. Napansin ko namang nakatingin sa akin si Hideo kaya napaiwas agad ako ng
tingin.

'I'm fine. Hindi lang ako nakapagpahinga nang maayos.'

Maybe I'm just really tired. Pagod na ako sa kakaisip sa mga problema ko. Pagod na
ako sa tungkulin ko. I just want to have a rest without thinking anything.

***

"You're a failure."

"You do not belong here."

Nagising ako bigla dahil sa panaginip ko. Pero nagulat ako nung nakita kong wala
ako sa kwarto namin. Napabangon agad ako pero napahawak ako sa ulo ko dahil umikot
ang paningin ko.

"Huwag mong biglain ang katawan mo."

Instinct took over me when I heard a voice and I reached for my cards. Pero
napigilan niya ang braso ko at saka ko lang narealize na si Hideo pala ang kasama
ko ngayon. Napatingin agad ako sa paligid at mukhang nasa Medical department ako
ngayon. But why am I here?

"Anong nangyari?" tanong ko habang nakatingin sa buong kwarto.

"You fainted."

"Ano?"

Inalala ko kaagad ang huling nangyari at ang natatandaan ko ay nasa loob kaming
lahat ng room. After that, wala na akong maalala. Doon ba ako nawalan ng malay?

"Ilang oras na akong nandito?"

"Nine hours."

"What?! Teka, anong oras na?"

"1 AM."

After all those sleepless nights, ito na yata ang pinakamahabang tulog na naranasan
ko. Kahit papaano ay narelax nang kaunti ang isip ko and I don't feel lightheaded
anymore.

Sobrang tahimik naman ng room dahil bukod sa kaming dalawa lang ang nandito ay
hindi na rin kami nagsasalita. I suddenly felt the awkwardness between us, lalo
pa't nagkasagutan kami last week. Tumingin na lang ako sa kabilang side habang
nakaupo siya sa couch sa may right side ko.

"Why are you still here?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa left side ko.
Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa gilid ng kama kaya napatingin agad ako
dahil wala man lang akong narinig na kahit anong ingay nung tumayo at naglakad
siya.
"Binabantayan kita." He said that so casually but something inside me felt
different. This past few months, he's been saying weird and confusing things. But I
shouldn't lower my guard. After all, he's an enemy.

"Pwede ka nang umalis. Gising naman na ako kaya hindi mo na ako kailangang bantayan
—" Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla siyang lumapit sa akin. And with those
intense green eyes looking at me, I suddenly can't move.

"No. I'm not here just because of that."

"W-what do you mean?"

Long silence. He's just staring at me and I didn't back down. Hindi ko kaagad
napansin na kanina pa pigil ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit niya. His
presence, and this distance between us is suffocating me. Bigla naman niya akong
hinatak palapit sa kanya...and the next thing I knew, he's already hugging me. I
want to push him away but my body can't respond. My body is frozen.

"I know what and who you are," he whispered.

Ilang segundo pa ang lumipas bago magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Lalo akong
hindi nakagalaw sa pwesto ko at ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso
ko.

He knew...

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko kahit parang nagmamalfunction na ang utak ko.
Gusto kong kumawala sa kanya pero sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

"How? Since when?" bulong ko rin habang iniisip kung ano ang dapat kong gawin.

"I have a suspicion since the beginning but I only confirmed it last month."
Last month. The same time when Kyo discovered my identity.

Then I realized what's going on between them. Those secret meetings...are they
talking about me? Kaya ba parang lagi siyang nakabantay sa akin ay siya ang naging
mata ni Sir Kyo? Damn. I'm so stupid! Bakit hindi ko kaagad napansin 'yun?

"Are you going to kill me?" I asked without any hesitation. Sa sitwasyon namin
ngayon, hindi malabong mamatay nga ako sa mga kamay niya. I do not have my weapons
and he's stronger than me.

"What do you think?" Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa akin at kahit
papaano ay nakatulong 'yun sa paghinga ko. But after that, parang may bumalik sa
loob ko na nawala nang matagal sa akin.

"You won't have any chance other than now," seryoso kong sabi. Not as a member of
Atama family or a spy, but as a Shinigami. As the archenemy of a Senshin.

"But you can't escape from here," sabi naman niya. Then I realized na nandito ako
sa room kung saan hindi nakakapasok ang kahit anong brain waves at mahirap ring
gamitin ang sixth sense. Does that mean hindi rin pwede rito ang pagbubukas ng
Black Dimension?

I was about to try opening the Black Dimension but before I can even do it, he
gripped my wrist and pinned me down to the bed.

"Don't you dare try to escape—"

"Then kill me," I said in a challenging tone. "That's the only way to keep me from
escaping." I boldly said that to him kahit na alam kong pwede talaga akong mamatay
sa ginagawa ko. But I don't have any other choice. I don't want to look pathetic by
pleading with him.

Bigla naman akong kinilabutan nung naramdaman ko ang pressure sa kanya at nakita ko
ang lalong pagseseryoso ng expression niya. Bigla na lang niyang sinuntok ang pader
sa may ulunan ko at tumingin siya sa akin nang masama.
"Sa tingin mo ba hindi ko naisip 'yun? I should kill you, heck I should tell them
about you, but I can't." Biglang nagbago ang mukha niya into a softer expression
but I can't tell if he's hurt or in pain. "Tell me, what did you do to me?"

And then I realized...that's the same question I wanted to ask to them...to him.

***

=================

Chapter 40

Tell me, what did you do to me?

Dahil nakatulog na ako ng ilang oras ay hindi na ako makatulog ngayon. Ang malala
pa, naaalala ko ang nangyari kanina. Buti na lang talaga at dumating si Yuuki sa
room kaya umalis si Hideo. Pero napansin ko na nag-blush si Yuuki at alam kong may
kakaiba siyang naisip sa naabutan niya. Gusto ko sanang liwanagin 'yun pero hindi
ko na ginawa dahil hindi ko naman na siya ulit makikita.

Yes, I'm planning to leave this place.

Masyado nang nakakasakal ang pag-stay ko rito. Sa lahat ng pwedeng makaalam ng


pagkatao ko, sina Kyo at Hideo pa. Kapag pinilit ko pa ang sarili ko sa lugar na
'to, mas mahihirapan lang ako.

Nung wala na akong maramdaman na presence malapit sa kwarto na 'to ay agad akong
tumayo at inayos ko ang cards sa bulsa ko. Kailangan ko munang bumalik sa dorm para
kunin ang dalawang libro dahil 'yun naman talaga ang unang pakay ko sa lugar na
'to.

Lumabas ako sa kwarto at naglakad papunta sa dorm. Nung nasa harapan na ako ng
pinto ng kwarto namin ay dahan-dahan akong pumasok. Naabutan ko sina Akira at Naomi
na tulog kaya nakahinga ako nang maluwag. I don't want them to see me leaving.
Sinuot ko ang cloak ko at kinuha ko ang dalawang libro na naglalaman ng information
about seventh sense. Bigla namang lumapit si Demi sa akin at tumalon papunta sa
balikat ko. She purred but it sounded like a baby's cry.

"We're going home, Demi." Pagkasabi ko nun ay pumasok siya sa loob ng cloak ko at
doon din siya pumwesto sa bandang balikat. After that ay hindi na ulit siya nag-
ingay.

Naglakad ako palabas sa kwarto pero lumingon muna ako kina Akira at Naomi.
Matinding pagpilit pa sa sarili ang ginawa ko para lumabas. Nung makalabas ako ay
napatingin din ako sa kwarto nina Michiko at Mayu. Somehow, bumigat ang pakiramdam
ko.

And then I realized, a part of me wants to stay here. To stay with them. But I
can't. I shouldn't.

This is my fault. I allowed myself to be comfortable with them. Nagkaroon ako ng


connection sa kanila and that's one of the things Mom reminded me about. Naaalala
ko pa ang sinabi niya bago ibigay ang mission na 'to sa akin.

"Make them trust you and then betray them. Use them to get information but don't
get too close or you'll be vulnerable to those petty emotions that can cause
failure."

Nung una, I thought that was absurd. I mean, how can I allow myself to become close
with our archenemy? I even feel repulsed when I first entered this place at gusto
kong saktan at patayin lahat ng nakikita kong Senshin. But these past few months,
kailangan ko pang ipaalala sa sarili ko na hindi nila ako kauri.

I am a Shinigami. I do not belong here. And the only way to leave this place is to
set aside these lingering emotions and betray them.

Naglakad ako papunta sa gubat at ang tanging iniisip ko lang ay ang pag-uwi ko.
Masyado na akong nagtagal sa lugar na 'to at kapag mas lalo pang tumagal, baka mas
lalo lang akong maguluhan.

Pumunta kami ni Demi sa right side ng gubat hanggang sa makarating kami sa parang
grassland. Dahil malayo na 'to sa campus ay hindi kaagad madedetect ang pag-open ng
Black Dimension. I was about to open it when I felt a tremendous presence behind
me.
"You're...really leaving..."

I looked at Hideo while he's catching his breath. Mukhang tumakbo siya papunta
rito. Akala ko ay magpapanic ako kapag may nakakita sa akin pero kalmado lang ako
ngayon, unlike nung nandun kami sa may Medical department.

"You should've killed me a while ago," seryoso kong sabi.

"I won't hesitate if I can do it." He looked at me and it felt like he's looking
through my mind...my soul.

"Then it's your loss."

I opened the Black Dimension and Demi immediately stepped inside. Papasok na rin
sana ako nung bigla kong naramdaman ang paghigit niya sa braso at bewang ko.

"I can't kill you but I won't allow you to leave this place," he whispered in a
serious tone. The pressure he's giving screams danger that's why I immediately
looked at him in the eyes.

"But I will...and I can." I felt the surge of power within my body and when our
eyes met, I used my sixth sense. I repelled him.

The force struck him out and he flew a few meters away from me. Tumama ang katawan
niya sa trunk ng isang puno at nakita kong nawalan siya ng malay. Bago pa siya
makagalaw ulit ay agad akong pumasok sa Black Dimension at agad ko ring isinara.
Pero pagtapak ko doon ay biglang nanghina ang katawan ko at napaupo ako. My eyes
felt tired kaya pumikit muna ako.

Ngayon ko na lang ulit ginamit ang sixth sense ko sa isang tao. Usually, I repel
things towards my enemies pero kinailangan kong gawin 'yun dahil hindi ako
makakatakas sa kanya sa mga ganung atake lang.
"Rielle?"

Napadilat ako nung may narinig akong boses. Hinanap ko kaagad kung saan nanggaling
'yun at nakita ko ang isang lalaki na papalapit sa akin. Nung nakita ko kung sino
ay nakahinga ako nang maluwag.

"Keith..."

"Bakit...teka, anong nangyari?"

Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan niya ako. Parang anytime ay babagsak ako
dahil medyo nanlalabo ang paningin ko.

"I thought you're in—" Hindi ko na siya pinatapos at sinabi ko kaagad ang ginawa
ko.

"Tumakas ako."

"Bakit?"

"May mga nakaalam nang isa akong Shinigami. I can't be a spy anymore but I managed
to get some information," sabi ko habang dahan-dahan kaming naglalakad.

Bigla naman kaming napatigil nung naramdaman namin ang pagbukas ng Black Dimension.
Napatingin kami sa parteng 'yun at nakita namin si Dana.

"Rielle!" sigaw niya. "Sabi ko na nga ba."


"Dana..."

Inalalayan nila ako pareho habang nakasunod sa akin si Demi. Parang lumulutang na
ang isip ko at kahit isang beses ko lang ginawa ang repulsion ay na-drain ang lakas
ko. That only means na sobrang lakas niya and I think nasobrahan ako sa paggamit ng
sixth sense ko. Ang huli kong nakita bago ako pumasok ng Black Dimension ay ang
pagtama ng likod niya sa puno at ang pagkawala niya ng malay. Maybe I used too much
force.

Nakarating naman kaagad kami sa base at dumiretso kami sa chamber. Nakita ko kaagad
sina Mom and Rin at nagulat sila nung nakita nila ako na nakatayo sa harapan nila.

"Rielle, what are you doing here?" tanong ni Mom. Alam kong magagalit siya sa akin
pero nilakasan ko ang loob ko at kinalma ko ang sarili ko.

"I'm sorry, Mom. I can't do it anymore."

Matapos kong sabihin 'yun ay walang nagsalita ni isa sa amin. Maging sina Keith at
Dana na nasa magkabilang gilid ko ay tahimik lang at ramdam ko ang uneasiness nila.

"So you are abandoning your mission." My skin tingled when she said that and I can
sense the disappointment in her tone.

"Y-yes. Pero nagawa kong kunin ang dalawang libro na naglalaman ng information
about sa seventh sense," sabay pakita ko ng books. Nagkatinginan kami ni Rin and at
that moment ay nawala ang mga libro sa kamay ko at napunta sa kanya.

Attraction. Yes, that is her sixth sense. And I can tell na nag-improve na siya.
She looks stronger...and colder.

Inabot niya kay Mom ang mga libro at nilapag naman 'yun ni Mom sa machine sa gilid
niya. Nakatingin lang siya sa akin at kapag ganitong wala siyang sinasabi, isa lang
ang ibig sabihin nun.
She's not pleased.

"We'll talk later," sabi niya sabay talikod. "Rin, let's go." Sumunod naman sa
kanya si Rin at sabay silang lumabas sa chamber kaya naiwan kaming tatlo doon.

"For a moment, I thought your Mom is going to hurt you," sabi ni Dana at naramdaman
ko rin 'yun. She's about to attack me but somehow, pinigilan niya ang sarili niya.

"Gusto ko munang magpahinga," sabi ko na lang.

"You should. The fatal points of your eyes are not in good condition," dagdag ni
Keith.

Hinatid nila ako sa kwarto ko and after that ay umalis na rin sila. I'm sure they
understood that I want to be alone. Humiga agad ako sa kama ko at saka ko lang
napansin na nakasunod pa rin pala sa akin si Demi. Umakyat din siya sa kama at
tumabi siya sa akin.

"Meow." Nginitian ko siya. At least, Demi's here with me.

"Yes, we're home."

But this room doesn't feel like home anymore.

***

=================

Chapter 41
It's been two weeks since I left that place. Lagi lang akong nandito sa kwarto
dahil wala pang ibinibigay na bagong mission sa akin at ayaw ko rin munang lumabas.
Pero araw-araw kong dinadalaw si Kid kapag umaalis na si Izumi sa post niya.
Katulad na lang ngayon.

"Nandito ka na naman," rinig kong sabi niya kahit hindi pa ako nakakarating sa cell
niya. Nung nandoon na ako sa tapat ay nakangisi siya.

"Ayaw mo?" I said while arching my brow.

"Gusto." Napangiti naman ako. At least, playful na ulit siya.

Bakas sa katawan niya ang scars mula sa pagtorture sa kanya nung kinulong siya.
Pumayat din siya at mas naging dark ang expression niya. Naaawa ako sa kanya at
gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa.

"I still can't believe that you're here," sabi niya kaya napataas ulit ang kilay
ko.

"Two weeks na akong dumadalaw sa'yo pero 'di ka pa rin makapaniwala?"

"Malay ko ba kung hallucination lang kita?" Lumapit ako sa kanya at inextend ko ang
kamay ko sa loob ng cell. Hinawakan ko ang pisngi niya at ramdam ko kaagad ang
lamig nun.

"O, ayan. This is the real me." Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.

"You're right," saka siya ngumiti.

Sa nakaraang dalawang linggo ay siya lang ang nakakausap ko dahil laging wala sina
Dana at Keith. Si Sarah naman, hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon dahil nasa
gitna siya ng pagtetraining kasama ang dalawang Reapers under Rin.

Naalala ko tuloy nung una akong pumunta rito kay Kid. Gulat na gulat siya nung
nakita niya ako at tinanong niya ako kung bakit ako nandito.

"Bakit ka nandito? Anong nangyari?"

"Bumalik na ako dahil hindi ko na kaya ang mission. Besides, may nakadiscover na ng
identity ko," sabi ko at umupo ako sa harapan ng cell niya.

"Tumigil ka na sa pagiging Miss Senshin mo?" Tinignan ko siya nang masama at


ngumiti siya.

"Funny, Kid."

"But that's great. You're back to where you truly belong."

Where I truly belong ,huh. Yeah. Because I'm a Shinigami, I belong here. I belong
with them. I should stop thinking about those Senshins because they're our enemies.

Napailing ako at tinanggal ko ang thought na 'yun. Nagfocus ako kay Kid at bigla
kong naalala ang mga sinabi ni Dana sa akin nung nakipagkita siya sa akin before.

"By the way, are you okay? Ang sabi ni Dana, hindi raw sila pinapayagan ni Izumi na
dumalaw rito sa'yo," tanong ko. Buti na lang at may mission si Izumi ngayon kaya
walang bantay sa cell niya.

"I'm okay. I'm not that weak," sabi naman niya habang nakaupo at nakasandal sa
pader.

"I know. But this is not fair. Kakausapin ko si Mom mamaya at papakiusapan ko
siyang palabasin ka—"

"No need, Rielle." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"What? Bakit?"

"May utos na ang Mom mo at sinabi na sa akin ni Izumi kanina."


"Ano 'yun?"

"Makakalabas ako rito pagkatapos ng isang buwan. She just want to test my resolve
and I think I've proven that I can still be useful."

Nakahinga naman ako nang maluwag at napangiti ako nung marinig ko 'yun. Akala ko
hindi na siya mapapatawad ni Mom but I'm glad na ganun ang naging desisyon niya.

"Rielle." Napabalik naman ang isip ko sa present nung narinig ko ang pagtawag sa
akin ni Kid.

"What? Ano na ngang pinag-uusapan natin?"

"You need to leave. Pabalik na si Izumi rito."

Pagkarinig ko nun ay napatayo agad ako at agad na tumakbo palayo. Mahirap na at


baka mahuli niya ako. Mamaya masisi na naman si Kid at hindi na siya palabasin
doon.

Nakabalik ako sa kwarto at nagulat ako nung naabutan ko doon si Sarah na sobrang
lumawak ang ngiti nung nakita niya akong pumasok.

"Ate Rielle!" sabay takbo niya papunta sa akin at yumakap sa bewang ko.

"Wow. Parang tumangkad ka ah?"

Nag-usap kaming dalawa at buong time ay nakangiti at nagtatawanan lang kami.


Sobrang namiss ko ang batang 'to at mukhang ganun din siya. Naramdaman ko rin na
mas lumakas siya at mukhang kaya na niyang kontrolin ang isip niya, though may
nagli-leak pa rin na thoughts at medyo nababasa ko ang mga 'yun.

'Sana si Ate Rielle na lang talaga ang Royal na pagsisilbihan ko. Gusto kong maging
Elite niya. Pero wala na akong magagawa kasi inassign na ako kay Miss Rin.'
Hindi ko alam kung malulungkot ako o mata-touch sa thought na 'yun. After an hour
ay umalis na rin siya sa kwarto ko dahil may training pa raw sila kaya naman naiwan
ulit akong mag-isa. Wala rin kasi si Demi rito at mukhang kasama niya si Keina.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin ako at nakita kong pumasok sina Dana
at Keith sa kwarto ko. Nagtaka naman ako dahil seryoso ang expressions nila.
Magtatanong na sana ako pero bigla akong hinatak ni Keith at hinawakan niya ang
batok ko.

"What are you doing—" Itutulak ko na sana siya pero may naramdaman akong something
sa batok ko.

"I knew it," sabi niya at nung humiwalay siya sa akin ay may nakita akong parang
chip na hawak niya.

"What the heck is that?" tanong ko habang nakahawak sa batok ko.

"It's a tracker," mabilis na sabi ni Dana.

"Tracker? Sa akin?"

"Yes. They put a tracker on you. Simula nung bumalik ka rito, inobserbahan namin
ang kilos ng Senshins na nakasama mo pero wala silang ginagawang actions," pag-
eexplain ni Dana at kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. "I thought na baka
wala lang silang alam or hindi lang nila pinapakita pero kinutuban ako na baka may
iba silang ginagawa. I asked Keith to observe you and kung may kakaiba ka bang
kinikilos pero sabi niya ay wala naman. Then bigla siyang may naalala nung nagkita
kayo sa Black Dimension."

Napatingin naman ako kay Keith at dinurog niya ang chip sa kamay niya.

"I thought it's weird that I can't see the fatal point at your nape. Nung
inobserbahan namin ang kilos nila, nakita ko ang isang lalaki na parang may
listening device na nakasaksak sa tenga niya. Doon ko naisip na baka nilagyan ka
nila ng tracker nang hindi mo napapansin. At tama ako. Ang tracker na 'to, kapag
nadikit sa balat, nagka-camouflage at hindi kaagad natatanggal unless ibang tao ang
magtanggal," sabi ni Keith.
Halos sumakit ang ulo ko sa mga sinabi nila. Ako? Nalagyan nila ng tracker? How?

"But how? I wouldn't allow myself—"

Napatigil ako sa pagsasalita nung may narealize ako. Tracker...listening


device...that night...Napahawak ako sa batok ko at nakaramdam ako ng inis.

It was Hideo. Nung gabing niyakap niya ako at nagsabi siya ng sorry. He touched my
nape during that time. At nung kasama ko sina Michiko at Mayu, agad nilang nalaman
ni Mitsuo ang pinag-uusapan namin kahit wala naman sila doon.

So he lied about everything. Sinabi niya lang 'yun para hindi ko mapansin ang
ginawa niya.

"Did they manage to track me?" seryoso kong tanong sa kanila.

"I don't think so. Mahirap i-pinpoint ang lugar kapag nasa Black Dimension and
luckily, your quarter is inside it," sabi naman ni Dana.

"Give that to me," sabay tingin ko kay Keith at nilahad ko ang kamay ko. Binigay
niya naman agad sa akin ang tracker kahit na sira-sira na 'yun.

Kinuha ko ang cloak ko pati na ang cards ko. Lumabas ako ng kwarto at nakasunod
lang sila sa akin.

"Anong gagawin mo, Rielle?" tanong ni Dana pero hindi ko sila hinarap at ginamit ko
ang Black Dimension.

"I'm going to return this to him."


***

Naglakad ako sa Black Dimension habang mariin kong hawak ang tracking device sa
kanang kamay ko. I've never been this annoyed with myself until now. I should have
known that they are going to do this. After all, they are Senshins and I'm a
Shinigami.

After some time ay nasense ko ang familiar surrounding. Lumabas ako sa Black
Dimension at nag-end up ako sa far eastern side ng gubat. At kahit hindi ako
gumalaw ay may naramdaman akong kakaiba sa paligid.

"H'wag ka nang magtago," sabi ko at humangin nang malakas. Narinig ko ang dahan-
dahang paglalakad sa likuran ko at kahit hindi ko lingunin, alam ko kung sino 'yun.

"You came back," he said and I turned around.

When I saw the image of Hideo, I clenched my hand and felt the pieces of the
tracker. I tossed them in the air and repelled the pieces towards him with full
force. Nakaiwas siya sa halos lahat pero nagalusan siya ng isang piece sa kanang
pisngi at agad na nagdugo 'yun.

"Yes. I came back to return that thing." Tinignan ko siya nang masama pero hindi ko
mabasa ang expression ng mukha niya. "Sa tingin mo hindi ko malalaman? Kaya pala
wala kayong move na ginawa nung umalis ako. Under observation niyo pa rin ako
because of that freaking tracker. You really are a sly."

"Then I don't have any choice," he said and he suddenly drew his sword. "You're
going to stay here."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay sumugod siya sa akin kaya naman nilabas ko ang
cards ko. I threw them at him but he deflected them easily. Nakaramdam ako ng
sobrang bigat na pressure sa paligid nung bigla siyang sumugod papunta sa akin. I
prepared myself for his attack but his movement was too fast. Nadala ako ng force
niya and he pinned me to the ground.
"I won't allow you to leave my side again," mahina niyang sabi habang sobrang lapit
ng mukha niya sa akin.

"Why? Para ba mapag-aralan niyo ako? Para may malaman kayo tungkol sa mga
Shinigami?" galit kong tanong. "Pero kahit anong gawin ninyo, wala kayong
makukuhang information sa akin."

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Hindi ka na ulit makakatakas mula sa'kin."
Lalo lang akong nainis dahil sa sinabi niya. Is he underestimating me?

Kinalma ko ulit ang sarili ko. Nadadala ako ng emosyon ko kaya nagkakaganito ako.
Mom is right. I should control my emotions more because it might be the cause of my
downfall.

"May isa kang pagkakamali," sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya and for a
second, he lowered his guard. I used that moment to attack. I used my sixth sense
on him.

He was pushed away from me by a repulsive force and I immediately stood up. I
looked at his sword on the ground and I repelled it towards him. Halos matamaan ang
braso niya dahil doon and the sword ended up thrusted to the trunk of the tree
behind him.

Binuksan ko kaagad ang Black Dimension habang disoriented pa siya sa ginawa ko.

"Never underestimate a Shinigami, especially a Royal." Tumalikod ako at naglakad


papunta sa Black Dimension. Sorry Hideo, but from now on, I am cutting all my ties
with the Senshins...and with you.

***
=================

Chapter 42

"May idea ka na ba kung paano nagagawa 'yang seventh sense na 'yan?" tanong ni Dana
at umiling lang ako.

"Alam ko lang idecode ang mga nakasulat pero mahirap pa ring intindihin ang
contents. Sa mga nakuha kong information sa kanila, na-aactivate daw ang seventh
sense kapag alam mo ang strengths and weaknesses ng sixth sense mo at kapag may
deep connection kayo ng mga kasama mo."

"That sounds simple but not specific."

"Yeah. That's why it's hard to research about this."

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at pinag-uusapan namin ang tungkol sa seventh


sense. Hindi ko naman mapakita sa kanya 'yung libro dahil binigay ko kay Mom ang
mga 'yun kaya sinulat ko na lang sa papel 'yung ilang symbols at paragraphs na
natatandaan ko.

"Anyway, ano palang nangyari nung bumalik ka sa lugar na 'yun?"

Napatigil naman ako sa tanong niya. Three days na ang nakakalipas simula nung
nangyari 'yun at ngayon lang kami nagkita ulit ni Dana. Nilaru-laro ko ang ballpen
na hawak ko habang inaalala ko ang naging usapan namin.

"Nothing. Binalik ko lang sa kanya ang tracker na nilagay niya sa akin at pinutol
ko na lahat ng connection ko sa kanilang lahat."

"This is the first time that I saw you like this."


"What do you mean?"

"You don't sound confident."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Shinigamis look up to me because I'm a Royal,
the daughter of our current leader, and the next leader in line. Those situations
give me confidence and pressure. Pero nung binigay sa akin ang mission sa Tantei
High, marami akong nakilala na mas malakas sa akin, bukod sa parents ko at sa
Elites nila. Kung icocompare ang Atama family, halos kalevel nila ang Elites like
Dana, Keith and Kid.

"They will be here in three seconds," bigla namang sabi ni Dana kaya napatingin ako
sa kanya and after three seconds, bumukas ang pinto at nakita ko sina Keith...

...and Kid.

"Miss me, girls?" then he smirked.

"Kid!" Halos tumalon kami ni Dana sa kama at tumakbo kami papunta sa kanila. The
next thing I knew, magkakayakap na kaming apat at rinig na rinig ko ang pagtawa ni
Kid sa tenga ko. Ang tagal ko nang 'di naririnig ang tawa niya at masaya ako na
nakalabas na siya sa kulungan niya.

"Uhm...you guys are too heavy..." Saka lang namin napansin na si Keith pala 'yung
sumusupport sa weight naming tatlo kaya bumitaw na rin agad kami ni Dana sa kanila
at kinalma namin ang mga sarili namin.

Ngayon na lang ulit kami nagsama-samang apat at laging sa kwarto ko ang nagiging
tambayan nila. Somehow, it feels like I'm home. I feel like my old self again.
Seeing my comrades beside me gives me confidence and security. When I was at the
enemy's lair, I felt alone. There was always the feeling of danger and I can't
lower my guard for even a second.

"You're spacing out."


Nagulat naman ako nung maramdaman ko ang kamay ni Kid sa magkabilang pisngi ko at
nakita kong nakatingin na silang tatlo sa akin. I tightened the walls around my
mind and smiled at them.

"Nothing. I'm just glad that you're alright. And, ngayon na lang ulit tayo nagsama-
sama. Never thought I'll miss you, guys."

Napatingin lang sila sa akin at bigla namang kinurot ni Kid ang pisngi ko habang
sina Keith at Dana naman ay naupo lang sa kama ko nang nakangiti.

"Yan ba ang epekto ng pagpunta mo sa lugar na 'yun?" sabi ni Kid.

"Oo. Halata naman," dagdag ni Dana.

"It's good that you're back," sabi naman ni Keith.

Napailing na lang ako sa comments nila at kung anu-ano pang pang-aasar ang inabot
ko. Napag-usapan din namin ang ilang serious matter like the secret eye project and
seventh sense. Nahiga na nga si Kid sa kama ko habang sina Keith at Dana ay lumipat
sa couch.

"Kid, anong masasabi mo—" Hindi ko na naituloy ang itatanong ko dahil nakatulog na
siya sa kama ko.

"Hayaan mo na. Ang tagal hindi nakahiga niyan sa kama," sabi ni Keith habang sabay
silang tumayo ni Dana.

"Teka, saan kayo pupunta?"

"Magpapahinga na rin. May mission pa kami mamayang madaling-araw," dagdag ni Dana


at ngumiti muna siya sa akin bago sila tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Napatingin ako kay Kid at ang peaceful ng expression niya. Halata pa rin ang
eyebags niya at ilang scars sa katawan. May scar din siya sa bandang noo at mas
lalong naging distinctive 'yun dahil sa pale complexion niya. Napangiti ako habang
tinitignan siya dahil kasama na ulit namin siya.

"Your mind is unstable." Nagulat naman ako nung bigla siyang nagsalita kahit
nakapikit pa siya. Pero dinilat niya ang isa niyang mata at seryosong tumingin sa
akin. "Are you worried about something?"

Nag-iwas ako ng tingin at naramdaman kong umupo siya. Si Dana ang lagi kong
pinagsasabihan ng mga bagay na gumugulo sa isip ko pero si Kid, lagi niyang
nahuhulaan ang iniisip ko kahit hindi ko sabihin. His ability to read minds is on
par with Naomi and he's been doing that since we were kids.

"A bit," sabi ko. "My mind's messing with me lately."

"Mukha nga. Magpahinga ka na muna."

"Ayokong matulog," sabi ko naman. Nahihirapan pa rin akong makatulog hanggang


ngayon dahil kung anu-ano ang naiisip ko. Pakiramdam ko, malulunod ako sa sarili
kong isip.

"You need to. Magpahinga ka na. Babalik na ako sa kwarto ko."

Nung tumayo na siya sa kama ko ay bigla kong nahatak ang braso niya kaya napahinto
siya at tumingin sa akin.

"Can you stay for a while?" Nagcrack na ang boses ko at naramdaman ko ang pagtulo
ng luha sa mata ko.

"Why are you crying?" I can sense the panic in his voice. Bigla siyang umupo ulit
sa tabi ko at pinunasan ko ang luha ko habang umiiling.

"I...I don't know. Damn, I don't even know why."

Hinatak niya ako palapit sa kanya at pagkatapos nun ay lalo lang akong naiyak.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Everytime I'm thinking about those
Senshins, part of me wants to see them again. Pero kapag naiisip ko sina Dana,
Keith at Kid, I feel like I've betrayed them. And I don't want to feel this way.

At kapag naaalala ko ang expression ni Hideo last time, mas lalo akong naguguluhan.
I'm pretty sure that sorry of his was for the tracker that he put on me. But his
expression during that time...it felt like he was pleading me not to go instead of
forcing me to stay. Was that part of his plan?

Hindi ko rin alam kung ano nang iniisip sa akin nung lima. It shouldn't matter but
I want to know what are they thinking about me.

"Cry all you want. I won't ask any questions." Pagkasabi niya nun, lalo lang
bumigat ang pakiramdam ko. Lalo lang akong naguilty sa mga iniisip ko.

Malaking parte ko ang pinagsisisihang tinanggap ko ang mission na 'to dahil ang
daming nangyari sa akin na hindi ko na nagugustuhan. I just want everything to be
okay and simple again. Not like this.

Hindi ko na masabi kina Dana ang nararamdaman at iniisip ko. Hindi ko rin naman
masasabi kina Naomi dahil sa situation ng tribes namin. This is the first time that
I felt completely alone. I don't have anyone to tell all my problems. I don't have
anyone except myself. And no one can save me from this misery except myself.

I don't know where I belong anymore.

***

=================
Chapter 43

"Seriously?"

"Of course. A piece of cake."

Naglalakad kami ngayon ni Kid sa Black Dimension at kinuwento niya sa akin ang
first mission na ibinigay sa kanya after niyang makalabas sa kulungan. He killed
three humdrum congressmen who were messing with our Soldiers. Some of our Soldiers
ar disguised as part of their office but these congressmen realized that their
funds were being embezzled. Kid was asked to finish those three and he did it.

"Did you see Dana and Keith?" tanong ko naman dahil ilang linggo ko na silang 'di
nakikita. Ni hindi man lang kami nagkakaabutan.

"You mean Haruka and Daiki, right Akemi?" sabay ngiti naman niya. Gustung-gusto
niyang tinatawag kami sa second names namin at hindi ko alam kung bakit. "Busy sila
sa mission na binigay ng Dad mo."

"At hindi ko pa rin alam kung anong mission 'yun. Ni hindi naman nila sinasabi sa
akin."

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa buksan namin ang Black Dimension.
Nag-end up kami sa rooftop ng isang building at rinig mula rito ang ingay sa baba.
Pagtingin ko, may police cars sa main entrance ng building at nagkumpol ang mga tao
doon.

"What happened?"

"I'll check it." Kid opened the Black Dimension and after a minute, he came back.
"Fuck it. He's dead."
"Sino?"

"Our client."

"What?!"

Shit. This is not good.

Mom gave this mission to us and to redeem myself, I must complete the tasks.
Kailangan naming malaman sa CEO ng company na 'to ang kinalalagyan ng laboratory
niya dahil ayon sa sources na nakuha namin, may pinag-aaralan silang blue-eyed
person.

Yes, it might be a Huntres. Naging interested sina Mom at ang researchers namin
nung nalaman nila ang bagay na 'yun kaya pinadala nila kami rito. Mataas din kasi
ang position ng CEO sa underground business so mahirap siyang malapitan kung
Reapers lang ang ipapadala nila.

I'm sure this has something to do with the eye project pero hindi ko na tinanong si
Mom dahil baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon ko. Among the four tribes, rare
talaga na makakita ka ng Huntres sa cities dahil kadalasan ay tumitira sila sa
secluded villages at sinasarili na nila ang lugar na 'yun. Kaya naman siguro para
sa researchers, malaking bagay ang blue-eyed person na sinasabi ng CEO na 'yun pero
ngayong patay na siya, hindi namin alam kung may makukuha pa kaming information
about that.

"Let's go," sabi ko at inopen namin ang Black Dimension para makapunta doon sa
crime scene.

We blended easily with the employees because of our corporate attire. Balak sana
naming makipag-meeting sa kanya pero dahil sa nangyari ay nasira na ang plano
namin. Hindi pa nakakaakyat ang mga pulis dito kaya naman puro employees ang kasama
namin na nakikiusisa rin sa nangyari.

Sa top floor nangyari ang pagpatay at mukhang brutal ang nangyari dahil 'yung desk
at floor ay punung-puno ng dugo. Nakahandusay sa lapag ang katawan niya at nakita
kong nasa right part ng leeg ang fatal wound na natamo niya.
"Slashed in his carotid artery. Tsk. What a messy way of killing," sabi ni Kid
habang nakakunot ang noo. Well, he's known for killing silently and without a trace
so I guess this scene annoyed the heck out of him.

"Humdrum's work." I added.

"We need to find some clues regarding his laboratory's location."

"Okay. Let's search habang wala pa ang mga pulis—"

"This is the police! Don't move!"

Maging kami ay napatigil nung isa-isang pumasok ang mga pulis at bigla nilang
sinara ang pinto ng office. May ilan ding nag-escort sa employees papunta sa
kabilang room and I'm sure tatanungin sila sa kung ano ang alam nila sa mga
nangyari at ang alibis nila. In short, all the people inside this building are
suspects. I'm not sure kung paano nila ina-narrow down ang malaking bilang na 'to.

'Ano nang gagawin natin?' tanong ko.

'We can just open the Black Dimension. Don't worry,' sabi naman ni Kid.

Mabuti na lang at medyo malapit kami sa desk kaya nababasa ko ang mga papeles na
nakalagay doon pero 'yung iba ay nabahiran na ng dugo. Then after scanning the
papers for a minute, I saw a company name.

'Genome Organization,' sabi ko kaagad.

'Is that the name of the laboratory?'

'I think so.'

'Then let's get out of here.'


'Okay.'

Dahil marami pa namang employees ang nandito, malaki ang probability na hindi kami
mapansin kung sakali mang mawala na lang kami bigla. One of the operators of the
CCTV is a Soldier so he can just edit out our appearance just in case.

"No one's leaving this place."

Napatigil ako nung marinig ko ang isang pamilyar na boses. Napatingin ako kaagad sa
may pintuan at halos hindi ako makagalaw nung makita ko sila.

The Atama family.

And that person is staring at me. He immediately found me.

"Isn't this too early for a reunion?" bulong ni Kid.

"Oh shut up, Kid. Let's go out of here. Now."

He immediately opened the Black Dimension and we stepped inside it. Tumingin ako sa
side nina Hideo sa huling pagkakataon at nakita kong bumulong siya kina Mitsuo at
Naomi, at tuluyan nang sumara ang Black Dimension.

Nag-end up kami ulit sa rooftop pero pagdating namin doon ay naabutan namin sina
Dana at Keith.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko kaagad pero nakatingin lang sila sa may pinto
habang seryoso ang mga expression ng mukha nila.
"Go. Proceed with your mission," sabi ni Keith at pagkatapos nun ay biglang bumukas
ang pinto. Nakita ko sina Mitsuo at Naomi na lumabas mula roon...

...at nagtama ang mga mata namin.

Tumalikod agad ako at nung binuksan ni Kid ang Black Dimension, narinig ko ang
pagbukas ng pamaypay ni Naomi at ang pagkasa ni Mitsuo sa baril niya.

"Akemi." Napahinto ako nung tinawag ni Naomi ang alternative name ko pero hindi ako
lumingon sa kanya. "Whether you like it or not, you're going with us."

Haharap na sana ako pero biglang hinatak ni Kid ang braso ko.

"No. She's staying with us," sabi naman ni Dana.

"Kid," sabay lingon ni Keith sa amin at nagnod si Kid sa kanya.

"Let's go, Rielle."

Sa huling paglingon ko ay nakita ko ang pagsugod nilang apat sa isa't isa at ang
patuloy na pagtawag sa akin nina Naomi at Mitsuo.

"You're not going anywhere!"

Nagulat naman ako nung biglang may pumulupot sa kamay ko at bigla na lang akong
nahatak palabas ng Black Dimension. Bumagsak ako sa sahig habang patuloy pa rin
akong nahihila ng whip sa braso ko. I immediately cut it off using my card. I stood
up and saw Michiko and Akira on the doorway.

"Shit. They're all here," sabi ni Kid. "Mukhang gusto ka talaga nilang makuha.
Damn, you're too valuable, Rielle."

Inayos ko ang sarili ko at hinarap ko sina Akira at Michiko habang naglalaban sa


kabilang banda sina Dana, Keith, Naomi at Mitsuo.

"I am done with all of you so stop this bullshit," I coldly said but they didn't
even changed their expression.

"Are you sure? Your mind doesn't say so!" sigaw ni Naomi pero napatigil siya dahil
sumugod sa kanya si Dana at tumilapon siya sa dingding. I heard her grunt but
Mitsuo quickly helped her.

Damn that ability of hers.

But I'll stick to my decision. After those sleepless nights and confusing thoughts,
i finally have my resolution.

And that's to serve my family and my tribe.

Aaminin ko, napalapit ako sa kanilang lahat, sa Senshins, and that was my fault. I
shouldn't let that happened. Because of my carelessness, I've had second thoughts
about where my loyalty lies. It feels like I'm standing in the middle of a land
that's about to split into two and I don't know which side I'll take. And if I keep
on standing on that fissure, I will fall to the dark and endless chasm below.

Bumalik ang isip ko sa current situation namin at nagulat ako nung buksan ulit ni
Kid and Black Dimension pero maliit na section lang. May kinuha siya sa loob nun at
paglabas ng braso niya ay hawak na niya ang lance, which is his main weapon. He
swung it so forcefully that both Akira and Michiko fell out of balance because of
the gust it created.

"If you want to get her, you need to kill me first. I won't hand her easily to the
likes of you." Natulala ako sa sinabi ni Kid. Minsan lang siya maging seryoso sa
isang laban and this is one of those moments. I can sense danger in his presence.

'Umalis ka na rito, Rielle. Kami na ang bahala.' Pagkarinig ko ng boses ni Kid ay


agad kong inopen ang Black Dimension bago ko pa pagsisihan ang mga naiisip ko.
I blocked my mind from all their voices and I entered the Black Dimension. I can't
believe all of those people that I treasure, my comrades and my childhood friends
and those people I am comfortable with during my stay at that school, are fighting
because of me.

Really...

Friendship is the most beautiful and painful thing that happened to me.

But there's no turning back. Kung pagsisisihan ko man ang magiging desisyon ko,
wala na akong pakialam. This is my way of punishing myself for the failures I've
caused. This is the only way to reclaim my self-respect and dignity.

***

=================

Chapter 44

Bago pa ako maabutan ni Kid ay pinunasan ko ang luha ko at pinigilan ko ang


panginginig ng buong katawan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko
kanina. They were there. But I've already made my decision.

I can't be with those people. I chose my tribe. I chose my responsibilities as a


Shinigami and as a Royal.

"Rielle."
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Kid at nakita ko siyang papalapit sa
akin habang hawak niya ang lance niya. Huminga ako nang malalim at hinarap ko siya.

"Let's go," I said while pulling my cloak to cover my face. Naramdaman ko ang
pagsunod niya sa likuran ko kaya naman nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Tahimik lang kaming dalawa at thankful ako dahil hindi na siya nagtanong tungkol sa
mga nangyari kanina. Kid might be playful and rude sometimes but he's not that
insensitive. Hanggang sa makalayo kami ay hindi pa rin kami nag-uusap and that gave
me a breathing space.

"Here." Nagulat naman ako nung bigla akong hinatak ni Kid papunta sa kaliwang
direksyon. "Dito ang papunta sa Genome Organization," seryoso niyang sabi. Nagnod
na lang ako at nagpahatak sa direksyong sinasabi niya. Hanggang sa ilang minuto ang
lumipas at binuksan niya ang Black Dimension sabay sabing, "We're here."

Nakarating kami sa loob ng isang building at mukhang nasa hallway kami ng fourth
floor. Pagsilip ko sa baba ay napakaraming employees at lahat sila ay naka-black.
Parang tuloy nasa base lang kami.

"Do you know where the girl is?" tanong ko kay Kid pero umiling siya.

"Maghiwalay na lang tayo sa paghahanap," he suggested and he opened the Black


Dimension again. Before I could say something, he was already gone.

Tss. Iniwan na lang ako bigla.

Naglakad-lakad ako sa fourth floor dahil wala namang masyadong tao rito. Mostly ay
nasa first and second floor sila. Nung nakakita ako ng hagdan ay agad akong umakyat
at may nakita akong plan na nakadikit sa pader. Mukhang eight-storey floor ang
building na 'to at ang laboratories nila ay nasa sixth floor. Agad naman akong
pumunta sa sixth floor at pagdating ko doon, mas marami ang tao kaysa sa first and
second floors.

That girl is definitely here.

I roamed around the sixth floor and used the Black Dimension to navigate inside the
labs. Sa unang lab na napasok ko, iba't ibang uri ng hayop ang nakita ko at
napaatras agad ako dahil sa sangsang ng amoy. Ilang ganung lugar pa ang napasukan
ko at may ilang bangkay din akong nakita. Pero sa fifth attempt ko ay may
naramdaman akong kakaiba.

I entered that lab and saw several scientists or researchers, whatever you call
them, inside it. And lying on the top of an experiment table is a naked girl with
her eyes...crystal blue eyes open.

"Hmm...another unique specimen."

Napalingon ako sa narinig kong boses at nakita ko ang isang lalaki na nakatingin sa
akin. Ni hindi ko namalayang napansin na pala niya ako dahil nakafocus lang ako sa
Huntres.

All of a sudden, I feel infuriated. I dislike the other Erityian tribes but seeing
a group of humdrums experimenting on them enrage the hell out of me. How dare these
humans mock our race? This is one of the reasons why I hate these low-life
humdrums.

I glared at him and held my cards tightly inside my cloak. He teasingly smiled at
me and pressed a red button behind him. Several men in black, about thirty in
number, holding guns and other weapons entered the laboratory.

"Apprehend her but don't kill her," utos ng lalaki.

Lalo lang akong nainis dahil sa inasal niya. Is this guy underestimating me?
"Bring it on, weaklings," I said and after a long time, I felt the desire to
slaughter these humdrums—a very strong bloodlust.

They all lunged and aimed their weapons at me. I positioned my cards between my
fingers and before they could even use their weapons, I started attacking them. I
continuously slashed and repelled my cards at them and before I knew it, the room
fell quiet. The white walls and floor were now covered with blood and my cloak
almost turned maroon.

They are all dead. Except him.

I looked at him and gave him a cold smile. I saw him flinched and his horrified
expression made me feel better.

"You're next," mahina kong sabi pero nag-echo pa rin 'yun sa buong room.

"W-wag k-kang lalapit!"

"Messing with an Erityian," sabay tingin ko doon sa experiment table, "means you
chose death over a peaceful life. Maswerte ka pa nga at ako ang tatapos sa buhay
mo. The Huntres tribe will torture and slowly kill you if they found out about
this." Lumapit ako sa kanya habang tinatanggal ko ang kumapit na dugo sa isa kong
card.

"W-wag...w'wag—" I slashed his head and his body fell to the floor with a loud
thud.

"Shut the hell up, humdrum."

Nakatayo lang ako sa gitna ng kwarto habang nakapaligid sa akin ang bangkay nilang
lahat. It's been a long time since I last felt this serenity after killing people.
If I could just stay like this forever; if I could just forget all the things that
happened, my life would be less chaotic.

What frustrates me the most are those people. I already made my resolve and chose
my responsibilities rather than my desires but they keep on appearing near me.
I...I don't want to see them anymore.
"K-kill...m-me..."

Nagulat ako nung narinig ko 'yun kaya napalingon agad ako at nakita kong nakatingin
sa akin ang Huntres na nakahiga sa may experiment table...

...and she's crying.

"P-please..."

Nung nakita ko ang expression niya ay nakaramdam ako ng awa. Maybe this girl wants
to die the moment she was captured but she can't and they would not let her.

Lumapit ako sa kanya at niready ko ang card ko. In the first place, my mission is
to bring this girl's eyes, and to do that, I need to kill her.

Nung nakita niyang hawak ko ang card ko at nakatutok sa kanya ay bigla siyang
ngumiti at pumikit. It's like she's sleeping peacefully and I know that she's ready
to die.

'Thank you.'

After hearing that, I raised my arm and decided to end her life. But before I could
do that, the walls exploded and a sillouette of a man appeared.

"Nahanap ko rin. Kyo, they're here!" Pagkarinig ko ng pangalang 'yun ay kusang


nagreact ang katawan ko at napaatras ako hanggang sa mapasandal ako sa experiment
table. And that voice, I remember it. Siya ang muntik nang makakita sa amin ni Hi—
sa akin sa library. If I remember correctly, his name is...
"Don't blow off every room you enter, Tora."

Nung numipis na ang usok sa loob ng room ay nakita ko silang dalawa na naglalakad
papunta sa direksyon namin. As usual, may hawak na sigarilyo si Kyo habang si Tora
ay inaayos ang gloves niya. Sobrang ramdam ko ang pressure ng presence nila at kung
kakalabanin ko sila ay paniguradong hindi ako tatagal. But I don't want to run
away. That Kyo already spared my life once and I don't want to be humiliated again.

"So you already shed your skin," sabi ni Kyo habang nakatingin sa mga katawang
nakahandusay sa sahig.

"Whoa. What a scary kid," dagdag naman ni Tora.

"Stay away from me," sabi ko habang nakatutok sa kanila ang cards ko.

Damn. This is not good. Nasaan na ba si Kid? Kung nandito siya, baka may pag-asa
pang makaya namin sila.

"Are you referring to that brat with a lance?" biglang sabi ni Tora kaya naman
tinignan ko siya nang masama.

"Nasaan siya? Nasaan si Kid?! Anong ginawa mo sa kanya?!"

"Chill, kid. He's fatally injured but not dead."

"I'm going to kill you—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla silang nawala sa harapan ko.
Nagulat na lang ako nung naramdaman ko ang presence nila sa tabi ko, and before I
knew it, Kyo tied a cloth to cover my eyes.
"Bitiwan mo ako!" sigaw ko dahil hawak niya ang magkabilang braso ko sa likuran ko.

"Ikaw si Minerva, 'di ba?" rinig kong tanong ni Tora at saka ko lang narealize na
baka 'yung Huntres ang kausap niya pero wala na akong narinig mula roon sa Huntres.
"Hiniling nina Ark at Glace na tulungan namin silang iligtas ka kaya h'wag kang
mag-alala. You're now in good hands."

Magsasalita na sana ako pero bigla akong nakaramdam ng panghihina at unti-unting


nawawala ang malay ko. Naramdaman ko rin ang sakit sa batok ko. What did just
happen...

"Sleep, kid. You are going with us," rinig kong sabi ni Kyo.

"N-no..."

I don't want to go back there. Please. Anyone, save me.

Kid...

"Let her go, fucking old men." Gusto kong sumigaw nung narinig ko ang boses ni Kid
pero hindi ko siya makita dahil sa blindfold na 'to at nanghihina na rin ako.

Please Kid, save me.

'Don't worry. We'll go home together.'

After hearing those words, everything went black.


***

=================

Chapter 45

Nagising ako nung may naramdaman akong dumikit sa balat ko, pero wala pa rin akong
makita dahil sa blindfold na nilagay sa akin ni Kyo. Pagkagalaw ko ay naramdaman ko
ring nakatali ang dalawa kong kamay sa likuran pati na ang mga binti ko. Naalala ko
bigla ang mga nangyari at nagpanic ako nung narealize kong nawalan ako nang malay
after that.

Si Kid...

"Kid?" tawag ko pero walang sumasagot. Wala rin akong maramdamang presence sa
paligid ko. Pumikit ulit ako at huminga nang malalim. I felt a surge of energy
going through every part of my body and I directed that power into my eyes. I used
my sixth sense.

Natanggal ang blindfold mula sa mga mata ko at nakita ko ang kinalalagyan ko. Nasa
isang kwarto ako na mukhang matagal nang hindi ginagamit dahil puro agiw at amoy
pinaglumaan na rin. Sobrang dilim din at pagtingin ko sa maliit na bintana sa
bandang itaas ay liwanag na lang ng buwan ang pumapasok sa loob.

Where the heck am I? And what happened to Kid? Sana walang masamang nangyari sa
kanya. I swear, I won't forgive those two if something bad happened to him.

Nakarinig naman ako bigla ng kaluskos mula sa labas.

Footsteps...

Nararamdaman kong papunta sila rito kaya niready ko ang sarili ko kahit hindi ko
alam kung paano ako makakalaban sa kalagayan ko. Kapag kasi pinipilit kong kumawala
sa lubid na nakatali sa akin, mas lalong humihigpit kaya hindi na ako makahinga
nang maayos.

Pinakinggan ko ang paglalakad nila at parang nasa ilalim ko lang sila. So does that
mean, nasa second or third floor ako? Wala naman din kasi akong makita sa labas
dahil masyadong mataas at maliit lang ang bintana.

Pumikit ako at kinalma ko ang sarili ko. I tried reaching and reading their minds
from here and I was a bit surprised when I did hear their thoughts.

'Ano ang gagawin natin sa batang iyon?'

'Mas makakabuti kung mawawala na siya dahil siya ang susunod na mamumuno sa mga
Shinigami.'

'Pero hindi ba mas maganda kung pag-aaralan muna natin siya? Kahit hindi sabihin ni
Kyo ay alam kong may tinatago siya tungkol sa batang 'yun.'

Nung naramdaman kong papalapit na sila ay nagpanggap akong walang malay at sinara
ko ang isip ko kung sakali mang magtangka silang basahin 'to. Narinig ko ang
pagbukas ng pinto at pinigilan ko ang sarili ko sa pag-ubo dahil masyadong maraming
alikabok ang kumalat.

"Gising," sabi nung isang boses ng lalaki at naramdaman ko ang paghawak niya sa noo
ko. Pero halos mapasigaw ako nung naramdaman ko na parang nakuryente ang buong
katawan ko kaya napadilat agad ako.

Pagtingin ko ay nakangiti 'yung lalaking nasa harapan ko sabay sabing, "the nervous
system reacts to my touch and I can manipulate the electrical discharges running
through it."

Lumayo ako sa kanya hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Sa harapan ko ay may


dalawang matandang lalaki at isang babae. Isang tingin pa lang ay alam kong sila
ang Council of Elders na sinasabi nila. Sa pagkakaalam ko, hindi rin sila
nagpapakita sa mga estudyante pero may kapangyarihan sila sa administration. And of
course, they are all from the Atama family.
I think they are in their eighties or nineties but they're not a bit senile. Just
by looking at them, I can feel their power but I can say that they have weakened
over the years.

"What do you want from me?" matigas kong tanong at tinignan ko sila nang masama.

"Hmp. Kung ako lang ang masusunod, mas gugustuhin kong mawala ka na sa mundo," sabi
nung isang lalaking nakasalamin.

"Kodai," tawag nung babae habang nakatingin doon sa lalaki na parang binabalaan
siya pero tumingin lang sa kabilang direksyon 'yung lalaki.

"Maswerte ka at hindi kumalat sa buong eskuwelahan ang pagiging Shinigami mo, kung
hindi, marami ang magtatangka sa buhay mo at magkakaroon din ng kaguluhan dito,"
dagdag naman nung gumising sa akin and I find it creepy whenever this guy talks
while smiling. "At para sa kapakanan nila, mas mabuting hindi na nila ito malaman."

"Don't fuck with me, old fools. I know that this isn't for their sake but the
administration's." I put my smug face on show. "Kapag nalaman nilang may nakalusot
na Shinigami sa school bilang estudyante for the first time, sa tingin mo kanino
mapupunta ang sisi? Sa inyo!"

Natahimik sila after that at biglang lumayo 'yung dalawang lalaki tapos lumapit
naman sa akin 'yung babae. Nag-inhale siya at habang ginagawa niya 'yun ay bigla
akong nahirapang huminga...

...hanggang sa hindi na talaga ako makahinga.

I kept gasping and my vision's starting to blur. I can't breathe, and I'm sure it's
her doing.

"Brat, you have crossed the line," sabi niya at habang nagsasalita siya ay unti-
unti na akong nakakahinga. "It seems like you're the type of Erityian who has her
own ideals and justice kaya nasasayangan ako kung hahatulan ka man ng kamatayan.
Pero sa ipinakita mo ngayon, masasabi kong mas inuuna mo ang emosyon mo kaysa sa
isip mo."

I gave her a snort of disgust. "A Senshin, feeling sorry for a Shinigami? Wow,
that's new." But instead of getting angry, she smiled at me.
"So are you also the type of Shinigami who bears nonsensical hatred to Senshins?"

"What do you mean?" The hell is she saying?

"Matagal nang magkaaway ang tribo natin pero hindi maitatangging may koneksyon
tayong nararamdaman kapag nagkikita ang isang Senshin at Shinigami. Dahil sa
history ng pag-aaway ay madalas, galit tayo sa isa't isa kahit wala namang
direktang ginawa o kinalaman sa'yo ang isang Senshin o Shinigami, hindi ba?"

"What's your point?"

"Aren't you defying that? Think about it," sabi niya at saka siya tumayo para
tumabi doon sa dalawang lalaki. "Pumunta kami rito para pagdesisyunan kung ano ang
gagawin sa'yo, at ngayon, mukhang pare-pareho na kami ng desisyon," sabay ngiti at
tingin niya doon kay Kodai na nakakunot lang ang noo.

Pagkatapos nun ay dali-dali silang lumabas sa kwartong 'to at doon lang ako
nakahinga nang maluwag. Never thought that after seeing the Council of Elders, I'd
still be alive.

Napaisip naman ako doon sa sinabi ng babae. It's true that the Senshin and
Shinigami tribes have a long history of hatred with each other, and all of the
preceding and succeeding generations feel the same. It won't change since it's part
of the culture and that hatred was passed from generation to generation.

Aren't you defying that?

Is she insane? I've decided to follow my tribe and family. There's no way in hell
I'll...

Akemi, whether you like it or not, you're going with us.

Stop.

I won't allow you to leave my side again.

No. Stop it!

It feels like my head is going to explode with all these confusing thoughts inside
it. That's why I don't want to go back here. I don't want to be in this place.
"It's painful to hear your thoughts."

Nagulat ako nung makarinig ako ng boses at pagtingin ko sa may pintuan ay nakatayo
doon ang babaeng nakita ko sa experiment table. One of the Huntres tribe.

She looks like a ghost because of the moonlight and her pale complexion pero 'di
tulad nung nakita ko siya sa lab, mas crystal blue na ang mga mata niya. Nakasuot
din siya ng hospital gown at wala siyang footwear. Lumapit siya sa akin at umupo sa
harapan ko.

"Tumakas ako sa ospital dahil gusto ko lang ulit magpasalamat. Thank you for saving
me."

"I didn't save you. Those two geezers did." Pagkasabi ko nun ay tumawa siya at
bigla kong naalala sina Sarah at Rin. This girl laughs like them, though Rin
doesn't laugh or smile anymore.

"You did save me from those humdrums." Nagulat naman ako nung bigla siyang may
kinuha sa likuran niya at nakita kong may hawak na siyang dagger. Mas lalo akong
nagulat nung pinosisyon niya ang dagger sa rope na nakatali sa akin and after the
contact ay nagyelo ang lubid hanggang sa tuluyan nang nabasag into fragments.

"What--"

"Alam mo ba, ngayon lang ako nakakita ng Senshins at Shinigami," sabay ngiti niya.
"Our leaders forbid us to leave our village because our powers can cause
destruction and calamities, and humdrums might know our existence and use this to
hunt our kind."

Hindi ako nagsalita after her pause because for some reasons, gusto kong marinig
ang istorya niya. Indeed it is very rare for Huntres tribe to reveal themselves
kaya naman out of the four tribes, sila ang interesting.

"But ever since the Division wars, masyado nang magulo sa White and Black Division
kaya naman ang ilang Huntres na ayaw madamay sa gulo ay piniling umalis at lumayo.
But that's the biggest mistake we have ever made. Our culture is more on the
primitive side and we can't handle any technologies. Of course, our eye color drew
attention and we were captured by different organizations. Some of us escaped using
our attributes but some, like me, can't."

"Why?"

"May devices silang inilagay sa amin na nagdidisable ng attributes namin at hindi


ko alam kung paano nangyayari. Kaya naman dahil dun, hindi ko nagawang tumakas."

"May iba pa ba?" Ngumiti ulit siya.

"Only me. I used my attribute once before they injected me with tranquilizer and I
managed to wipe out the guards. Nakatakas ang mga kasama kong nahuli but I didn't."

Natahimik ulit kaming dalawa pagkatapos nun. This girl sacrificed herself for the
sake of her comrades. She's brave and heroic despite her appearance.

"How about you?" biglang tanong niya. "What happened to you?"

"Why would I tell you?"

"Hmm...because you need someone to share your pain?" Bigla akong natahimik sa
sinabi niya at naging seryoso naman ang expression niya. "I don't know what
happened between the Senshin and Shinigami tribes and I don't really care who's
right and wrong. May iba-iba tayong paniniwala at iba-ibang kulturang sinusunod.
Kaya nga tayo nahati sa apat na tribes dahil doon. But I can tell that you're torn
between the two."

"H-how..."

"Disoriented minds are the easiest to read, right?"

Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng lakas.


Hinawakan ko ang wrist ko na ngayon ay namumula pa rin dahil sa pagkakatali kanina.
Tumingin ulit ako sa kanya at mukhang naghihintay siya ng sasabihin ko.
It's true that I can't say my troubles to Dana and others. Sinasarili ko na lang
ang problemang 'to dahil in the first place, ako rin ang may kasalanan.

"I...I don't know where I belong anymore. It's like I'm stuck in the middle of
nowhere."

"Because?"

"Because I became too attached with my enemies, but I don't want to betray my
tribe."

"Pero hindi naman ibig sabihin na kapag na-attach ka sa Senshins ay nagtataksil ka


na sa Shinigamis, hindi ba?"

"That's treason and disloyalty."

"Do you love your tribe?"

"Of course."

"Then do you hate these Senshins you're speaking of?"

I was taken aback by her question but I already know the answer. "N-no..."

"Do they hate you?"

"Hindi ko alam. Maybe." Bigla naman siyang ngumiti at tumayo.

"May pumunta sa kwarto ko kanina at nagtanong kung nasaan ang babaeng dinala ng mga
nagdala sa akin dito. He looked so worried. I can't see any hatred in his eyes."
Naglakad siya palayo at nung nasa may pintuan na siya ay lumingon ulit siya sa
akin. "It's not wrong to serve your family and comrades but I think you should be
loyal to yourself first. You really won't understand anything if you can't accept
your true feelings."

***

Nagising ako dahil sa pagtama ng init sa mukha ko. Inalala ko kung anong nangyari
at ang natatandaan ko lang ay ang pag-alis nung Huntres sa kwartong 'to and after
that ay nakatulala lang ako for a few minutes, then...

...nagising na ako ngayon.

"You lost too many blood, that's why. Tss. You didn't even notice your wound."
Nagulat ako nung nakita ko si Kyo sa may paanan ko habang nagsisigarilyo at
nakatingin lang sa may kisame. Saka ko lang narealize na nakahiga na pala ako sa
kama kaya napabangon ako.

"Anong--"

"Bakit mo ginawa 'yun?" Napakunot naman ang noo ko sa biglaang pagtatanong niya.
And what did I do?

"Ang alin?"

"Defending that Huntres against those humdrums," sabay tingin niya sa akin nang
seryoso and I suddenly felt the danger in his presence. "It's very peculiar to see
a Shinigami defending someone. Aren't you guys egocentric?"

"Why? Does it bother you because you Senshins who save a whole lot of people and do
heroic stuff, were late in saving that girl?" He laughed at my retort and somehow,
his serious expression dissipated.

"You got me, kid."

"I am not a kid."

"You are. The reckless and immature kind."

"What did you--?!"

"And you remind me so much of my daughter."

Napatigil ako nung sinabi niya 'yun at hindi ko alam kung ano ang irereact ko. His
tone was so soft that I've had a second-thought if this is really Kyo, and at the
same time, wished that my own father can speak to me like that.

But I know that it's impossible.


Bigla naman siyang tumayo at naglakad palabas ng kwarto pero lumingon siya sa akin.

"Eat," sabay turo niya doon sa pagkaing nakahanda sa may lapag. "And by the way,
you can't escape from here so don't try stupid things or you'll just waste your
energy."

"Wait! Anong nangyari kay Kid? Nasaan siya?" tanong ko bago siya tuluyang makaalis
at huminto siya sa paglalakad.

"Ah, that boy? Two midgets came and rescued him." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay
tuluy-tuloy na siyang naglakad habang ako ay parang natanggalan ng tinik sa dibdib.
Dana and Keith managed to save Kid and I am glad that they are alright.

Tumingin ulit ako sa may pintuan pero wala na si Kyo doon. Just like that, he was
gone.

***

=================

Chapter 46

It's been three days since I arrived at this place. At gaya ng sinabi ni Kyo, kahit
anong gawin ko ay hindi ako makatakas. I tried opening the Black Dimesion countless
times but I failed. I can't even feel it's presence. Ilang beses ko na ring
sinubukang lumabas sa kwartong 'to mula sa pinto pero tuwing ginagawa ko 'yun ay
bumabalik lang ako rito. Sinubukan ko ring akyatin ang maliit na bintana sa gilid
pero narealize ko na hindi pala talaga 'yun bintana kundi projection lang ng itsura
sa labas. Pati ang pagrepel sa buong kwarto, ginawa ko na rin, pero wala. I think
the only way to get out of this place is from the outside.
'That's right. Kaya huwag ka nang magpagod pa dahil hindi ka makakalabas dyan.'

I stood still when I heard Kyo's inner voice. Dahil sa sinabi niya nung nakaraan ay
ang weird na ng pakiramdam ko sa kanya, pero at the same time, nacucurious ako sa
buhay niya...

...lalo na sa anak na tinutukoy niya.

Napaupo ako sa sahig at huminga nang malalim. Hindi ko na alam kung paano makalabas
dito. Kung kaya ko lang macontact sina Dana...

"Sino si Dana?"

Halos mapatalon ako nung narinig at nakita ko sa harapan ko si Minerva, 'yung


Huntres na pumunta rito nung nakaraan.

"What the heck are you doing?!"

"Uhm, dinadalaw ka?"

Napabuntong-hininga na lang ako dahil ayoko nang makipagtalo. Pagtingin ko sa


kanya, medyo may kulay na ang balat niya at hindi na siya ganoon kaputla, pero gaya
dati ay hospital gown lang ang suot niya. Umayos siyang upo at biglang naging
seryoso ang expression niya.

"I'm leaving," biglang sabi niya. Saka ko narealize na ang ibig niyang sabihin ay
babalik na siya sa village nila. Kaya pala nasa labas lang si Kyo. Siguro nirequest
niya na hintayin na lang siya sa labas.
"Bye," halos walang buhay kong sabi pero kahit papaano ay nalungkot ako dahil siya
lang ang kumausap sa akin maliban kay Kyo simula nung makulong ako sa lugar na 'to.

"I think we won't see each other very soon. Baka nga may pamilya na tayo kapag
nagkita ulit tayo," sabay ngiti niya at naiwan naman sa isip ko ang salitang
binitiwan niya.

Pamilya...

I don't think I'll have one.

Nagulat naman ako nung bigla siyang natawa kaya napakunot ang noo ko sa kanya.

"Why?" tanong ko.

"Kasi alam mo, mahilig akong mag-isip ng pangalan ng magiging mga anak ko in the
future. Hindi mo ba ginagawa 'yun?"

"No. That's a weird thing to do."

"Really? But for me, it's pretty relaxing. Imagining the future with your partner
and children keeps my mind from chaotic thoughts."

"Do you have a partner right now?" Pagkasabi ko nun ay ngumiti ulit siya at kahit
hindi niya sabihin ay alam ko na kaagad ang sagot.

"Yes. He's one of those Huntres that I managed to save from the organization. Nung
una ay ayaw niya pa akong iwan doon pero ako na mismo ang pumilit sa kanya para
umalis dahil mas mataas ang position ko sa kanya. Inutusan ko siyang i-lead ang
grupo ng mga nakatakas pabalik sa village and I think nagawa naman niya 'yun. I
can't wait to see him again."

"Well, that's good for you."

"How about you? Do you have someone you love?"


Hindi ako nakasagot kaagad at hindi ko rin alam kung bakit nagflash sa isip ko ang
mukha niya. Again, this conflicting feeling dominates my mind but I pushed it on
the corner.

"No," matigas kong sagot at agad kong iniba ang topic. "Anyway, ano ba ang mga
pangalang naisip mo?" I thought I asked something nonsensical but she smiled.

"If he's a guy, his name would be Marco. Kapag babae naman, Miles."

"Ahh..." Marco and Miles. Might as well remember those names just in case.

Bigla namang may kumatok sa pinto at nung narinig 'yun ni Minerva ay agad siyang
tumayo.

"My time is up," sabay lakad niya papunta sa pintuan. "Goodbye. I hope we'll see
each other soon."

"Yeah..."

Lumabas siya sa kwarto at nakita kong tinignan ako ni Kyo bago niya isinarado nang
tuluyan ang pinto. I'm sure he saw my eye movement because I was about to repel the
door but Minerva was on the way.

I punched the floor because I wasted that opportunity. Pero kung makalabas man ako
sa kwartong 'to habang nandyan si Kyo, malaki ang probability na mahuli niya ulit
ako, lalo na't hindi ko alam kung sa buong area ba hindi bumubukas ang Black
Dimension.

Napahawak ako sa cards sa cloak ko at bigla kong naisip ang kwarto ko sa base.
Naisip ko sina Kid, Dana at Keith pati na rin sina Rin at Sarah. They are the
reason why I still want to serve my tribe.

It's not wrong to serve your family and comrades but I think you should be loyal to
yourself first. You really won't understand anything if you can't accept your true
feelings.

Minerva's words lingered inside my head after she said those days ago. I know that
I kept denying my true feelings because it felt wrong. Right now, I have accepted
the fact that I am confused of who I really am. Biologically, I am a Shinigami but
after living with the Senshins, I learned a lot about their culture and somehow I
have taken a liking on them. I realized that my ideals and judgment are more
inclined with the Senshins.

Kung isasantabi ko sina Kid, Dana, Keith, Rin at Sarah, mas gugustuhin ko pang
maging mag-isa na lang at pumunta sa kung saan-saan para makilala ko pa ang
pinagmulan ko. Pagkatapos kong makasalumuha ang iba't ibang Erityian tribes, gusto
ko pang malaman ang history namin bukod sa mga nakasulat sa libro.

But I can't.

Those people depend on me and I don't want to disappoint them. I know that they
look up to me that's why I want to meet their expectations. Isa rin sa mga dahilan
kung bakit ayaw kong talikuran ang tribe ko ay dahil marami akong gustong baguhin
sa pamamahala kung ako man ang susunod na leader.

I don't want to run away with my responsibilities.

Bumalik naman sa kasalukuyan ang isip ko nung makarinig ako ng kaluskos sa paligid.
Nung pinakiramdaman ko nang mabuti ay narealize ko na nanggagaling sa baba ang
ingay kaya naman nilapat ko ang tenga ko sa sahig. Naririnig ko ang maingat na
paglalakad at alam kong paakyat na ang kung sinuman sa kwartong 'to.

Don't tell me those elders are here again?

Pinosisyon ko kaagad ang cards sa pagitan ng mga daliri ko at naging alert sa bawat
paghakbang na naririnig ko sa labas. Unti-unting bumukas ang pinto at nakita ko ang
dalawang tao, at isa sa kanila ay pamilyar ang mukha.

They are wearing lab gowns and the older one is holding a medical kit. The younger
one met my eyes and she slightly bowed at me. Kung tama ang pagkakatanda ko, her
name is Yuuki.

"What do you want?" I said while glaring at them but the older lady stepped forward
without any hesitation.

"I'll get a sample of your blood," sabi niya at naglakad siya papalapit sa akin. I
immediately slashed my cards at her but she deflected it with her injections. The
cuts ricocheted on the walls and the projected surroundings on the supposed-to-be
window blacked out. "Nice to meet you too, Miss Akemi, if that's your way of
greeting." Nagulat ako nung binato niya sa akin ang anim na injections and I
instinctively deflected them, but one managed to hit me on my leg. "I'm Dr. Miwako,
by the way, the head doctor and scientist of Medical department."

"D-damn..." In just three seconds, my strength seeped away from my body and I
collapsed on the floor. I can't feel anything anymore.
"You're quite amazing dodging them but once it hit you, the drug inside that will
steal your physical strength and will numb your whole body for thirty minutes."

Nakita kong lumapit siya sa akin pati na rin si Yuuki habang naglabas ulit siya ng
isang injection. Gusto kong ilayo ang braso ko sa kanya pero wala akong maramdaman
na kahit ano, hanggang sa kumuha siya sa akin ng dugo. Nakita kong napuno ang
injection na hawak niya ng dugo ko at si Yuuki naman ang naglagay ng gasa sa braso
ko. Pumunta naman sa likuran ko 'yung Dr. Miwako at inikot niya ang katawan ko pero
hindi ko maramdaman ang ginagawa niya sa akin. Is she experimenting on me?

'She's tending the wound on your back.' Narinig ko ang boses ni Yuuki sa isip ko at
nagulat ako sa sinabi niya.

"Shut up, Yuuki. Focus on your job."

"Sorry, Dr. Miwako."

Bigla namang inabot ni Dr. Miwako ang injection kay Yuuki at tinransfer niya 'yun
sa isang container na hindi ko alam ang tawag at inilagay niya sa medical kit na
nasa gilid niya.

"I hate Shinigamis," biglang sabi ni Dr. Miwako and I'm quite thankful that my
whole body is numb because I think I'd cry out in pain if not. "Your tribe kills
people without any consideration and you don't value life. I lost one of my loved
ones in the hands of Shinigamis. And you know who I hate the most?" Naramdaman ko
ang malalim na paghinga niya na parang nagpipigil ng emosyon. "The likes of you. A
Shinigami who's reckless enough to spy on our tribe and ended up being caught."

What? That doesn't make any sense. What does she mean?

Gusto ko sanang itanong kung ano ang ibig niyang sabihin doon pero tumayo na siya
at naglakad silang dalawa ni Yuuki papunta sa pintuan, habang ako ay nakahiga pa
rin sa sahig at hindi makagalaw dahil sa drug na sinasabi niya. Pero nagulat ako
nung huminto si Dr. Miwako at lumingon sa akin.
"I'm sure you've heard this from my husband. You remind me so much of our
daughter." After she said that, realization hit me. This doctor is Kyo's wife and a
Shinigami killed their daughter. "And do you know who killed her?" Her expression
hardened and she looked at me with anger. "A guy called Subaro. I'm sure you know
him very well."

I inhaled sharply when I heard that name. Of course. Sinong hindi makakakilala sa
kanya? That guy leads our tribe. That guy is my father.

"As his daughter, I want to kill you so that he can feel the agony of losing his
child. Pero hindi ko 'yun gagawin dahil para na rin akong katulad n'yo, at para ko
na ring pinatay ulit ang anak ko."

Huminga ulit siya nang malalim at matapos niyang sabihin 'yun ay tuluyan na silang
lumabas at naiwan akong mag-isa.

So that he can feel the agony of losing his child.

I wonder if Dad is capable of that. Ni hindi nga siya nagpapakita sa amin ni Rin
nang madalas at nakikita lang namin siya kapag nagbibigay siya ng missions or kapag
tinetest niya kami. I know it's his nature and he can't show any favoritism or
inclination towards us just because we are his daughters since he's also the tribe
leader.

Naramdaman ko naman na biglang nanlabo at umiikot ang paningin ko. This must be the
effect of drawing my blood out and tending my wound. Hanggang sa unti-unti nang
dumilim ang paligid ko.

***

Nagising ako nung may naramdaman akong malagkit sa pisngi ko at pagdilat ko ay si


Demi agad ang bumungad sa akin.
"Demi..." I stroked her back and she purred excitedly. Inalala ko naman kung ano
ang nangyari sa akin at biglang nagflash sa isip ko sina Minerva, Kyo, Dr. Miwako
at Yuuki. Saka ko narealize na wala na ako sa sahig at nasa higaan na ako ng kwarto
na 'to, at hindi ko rin alam kung paano nakapunta si Demi dito.

"I'm glad you're awake."

Hindi ako nakagalaw kaagad nung narinig ko ang boses na 'yun. Gusto kong bumangon
pero nanghihina pa rin ang lower limbs ko. Pagtingin ko sa paanan ko ay nakaupo
doon si Hideo habang nakatingin sa akin at hindi ko mabasa ang expression niya. Ni
hindi ko nga alam ang gagawin ko kaya tumingin na lang ako sa kisame at kinontrol
ko ang paghinga ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya pero pinigilan ko ang sarili kong
tumingin sa kanya.

"I know I shouldn't even care about you, but I can't help it."

"Don't say it if you don't mean it," sabi ko naman at naramdaman kong lumakad siya
papunta sa gilid ko. Nakita ko rin sa peripheral vision ko na nilipat niya ang
upuan sa gilid ko at tumalon sa lap niya si Demi.

"Do you think I'm not sincere?" I sensed a hint of anger in his tone so I faced
him.

"Are you? Masasabi mo pa rin ba 'yan kahit alam mo ang sitwasyon natin? No, Hideo.
You should not care about me because we both know it would cause mayhem to both of
our tribes. So please, stop confusing me with your words. Stop messing with my
mind."

"Sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan? You are a chaos that brought disorder
to my life. I tried, Akemi. I tried but I can't stop this madness anymore."

Seeing him with his painful expression made my heart skip a beat. Maybe I'm also
mad.

We both went silent after that and during that defeaning silence, I accepted my
true feelings...and our fate. Akala ko dati ay safety precaution ko lang sa sarili
ko ang pag-oobserve sa kanya dahil mabilis siyang makapansin ng mga bagay-bagay.
Lagi kong binabantayan ang mga tingin niya sa akin at hindi ko namamalayan na lagi
ko na siyang hinahanap at napapansin. Hanggang sa may kakaiba na akong naramdaman
para sa kanya, and this time, I'm accepting the fact...

...that I'm attached and I feel deep affection for this guy.

But my feelings and my responsibilities are too contrasting.

"You can, if you try harder," sabi ko at ngumiti ako. "We can't let our emotions
overcome us, Hideo. We define tragedy."

Natahimik ulit kami pareho at pinilit ko ang sarili kong kumalma kahit na ang sakit
na ng dibdib at lalamunan ko. It's time to stop this insanity even if it means
hurting ourselves.

"I know," biglang sabi niya. "I know that but can I be selfish just this one time?"

The next thing that happened went like a blur.

He kissed me...

...and I didn't know that a kiss can stir up different emotions at the same time—
passion, pain, sympathy, yearning—but I ended up crying because I know that we
can't be together.

***

=================
Chapter 47

"I know that but can I be selfish just this one time?"

The moment he kissed me, everything that weighs me down, everything that confuses
me, dissolved at the back of my mind. I went through different emotions but what I
felt the most was the desire to be with him. Like him, I want to be selfish for
once. Just this time, I don't want to be concerned by everything. I want my own
happiness.

He looked at me and this is the first time I saw him with such emotional
expression.

"Why are you crying?" tanong niya habang pinupunasan ang luha ko. Kahit na sinabi
kong pigilan niya ang nararamdaman niya, kahit na sinabi kong hindi pwede 'to, mas
nangibabaw ang gusto ko and I hate myself for being swayed easily.

"Because I'm choosing you over everything." Lalo akong naiyak dahil kahit na alam
ko sa isip ko na pagsisisihan ko 'to, gusto ko pa ring sabihin sa kanya ang
nararamdaman ko. Nakatulala lang siya sa akin na para bang nagulat sa sinabi ko.
Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na
hindi 'to pwede, na magiging malaking gulo 'to, pero ngayong nandito siya sa
harapan ko, hindi na ako makapag-isip nang matino. I just want him to stay by my
side.

Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit. Pero mas nagulat ako
nung may naramdaman akong mainit sa pisngi ko.

He's crying. At ayaw niyang makita ko 'yun.

I hugged him back, and this time I asked him his own question.

"Why are you crying?"


"Because you chose me," he whispered.

Napangiti ako. I wish I could have Naomi's sixth sense right now. I want to stop
the time just this time. Just this moment with him, because I know that this is our
only time to be together.

Napahigpit ang yakap ko sa kanya dahil naisip kong pagkatapos nito, aalis na siya
at maiiwan ulit ako ritong mag-isa. I always thought that I am meant to be alone,
but the truth is, I'm scared of being alone.

"Do you hate me?" bigla kong tanong dahil sumagi sa isip ko ang ginawa kong
pagtataksil sa kanila, though that was my mission. I betrayed him yet he's here
with me.

"No," mahina niyang sagot.

"Will you betray me?" What if he's just confusing my mind again just like the last
time? What if ginagawa niya lang 'to sa akin para magamit ako laban sa sarili kong
tribe?

"I'd rather die than betray you."

Napatigil ako nung sinabi niya 'yun at humiwalay siya sa akin. Tinignan ko siya sa
mga mata at kahit hindi niya sabihin, kita ko sa mga mata niya ang pagiging
sincere. Maybe I'm just too paranoid because I didn't expect him to be here. To be
with me.

"I never thought that chaos can be this beautiful," he whispered and my heart
skipped a beat.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko magawang umiwas ng tingin dahil sa ganda ng
mga mata niya. I closed my eyes as he cupped my face and I felt his lips brushed
against mine. The next thing that happened made me realize how much I yearn for
him, how much I love him.
I gave myself to him.

***

I've never been scared of the future before, but right now, I am. Hindi ko alam
kung ano nang mangyayari dahil sa ginawa ko at akala ko, maliliwanagan na ako sa
dapat kong gawin pero mas lalo lang akong naguluhan. I know what we did was wrong
but I chose my own desire before anything else.

I want to know what he feels but I am too scared to ask. Nag-ipon ako ng lakas ng
loob at nung magsasalita na ako ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba. All of a
sudden, something went wrong.

Parang may kung anong nangyari sa isip ko at biglang naging open 'yun kahit na
nakasara naman noong una. And then something happened to my sight. Suddenly, I can
see everything around me, and Hideo's thoughts flowed into my mind, which nauseated
me to the point of passing out. And even though he's not saying it, I know he's
experiencing the same thing.

Don't tell me this is...

But now that I can read his mind without any hindrance and effort, I instantly knew
what he feels and how lonely and hurt he was. Dati ay nacucurious akong malaman
kung ano ang iniisip nina Naomi at Hideo dahil sobrang hirap basahin ng isip nila,
pero ngayon, kusang tumulo ang mga luha ko nung nalaman ko ang laman ng isip ni
Hideo. But before I could even comfort him, hinatak niya ako palapit sa kanya at
niyakap niya ako nang mahigpit.

"I'm sorry," he said and I suddenly felt a lump in my throat. Saka ko lang naisip
na kung nababasa ko ang isip niya, ibig sabihin ay ganun din siya sa akin. I'm sure
he has read all my worries and troubles.

"I'm...okay..." Gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil pagkatapos nun ay halos
nagdilim ang paningin ko. I felt his arms around me at inalalayan niya ako.

"You're not."

Nabasa ko naman kaagad ang iniisip niya.


I'm sure this is the seventh sense they are talking about. According to that book,
it's dangerous. It can destroy the mind and the senses of the users, or it can lead
to death. She might be overwhelmed with my thoughts.

Nung narinig ko 'yun ay parang sumang-ayon ang utak ko dahil biglang sumakit ang
ulo ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa magkahalong isipan namin ni Hideo.

"Magpahinga ka muna. You should sleep," he said as he caressed my hair. Naramdaman


ko ang pagbangon niya kaya napahawak ako sa braso niya.

"Don't leave me," I desperately pleaded. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya
and I can imagine him smiling. I want to open my eyes but exhaustion flooded my
whole body.

"I won't. I'll stay here until you wake up."

Napangiti ako pagkarinig ko nun at agad din akong nakatulog.

***

Pagbukas ko ng mga mata ko ay napahawak ako sa ulo ko. Sobrang dami ng tumatakbo sa
isip ko at bigla akong natakot dahil hindi ko maalala kung sino o nasaan ako. After
a few minutes, the painful throbbing subsided and I managed to sort and organize my
thoughts. Naalala ko ang huli kong natatandaang nangyari at napanganga na lang ako.

Did I really...

Oh my God. That was the most stupid thing that I did. Am I out of my mind? Bakit ko
'yun ginawa?!
"Calm down."

Halos mapatalon ako dahil for a second, akala ko si Hideo ang nagsalita. Pagtingin
ko sa likuran ko ay nakasandal si Kyo sa pader malapit sa maliit na bintana. Agad
kong sinarado ang isip ko kahit na alam kong nabasa na niya 'yun dahil sa
pagpapanic ko kanina.

"Lalo kang manghihina kung laging magulo ang isip mo," sabay turo niya sa sentido
niya. "This is our weapon. Erityians are known for our more evolved brain so try to
be more focused. Your own thoughts can overcome you."

Huminga ako nang malalim at sinunod ko siya. For the past few months, naramdaman ko
rin ang panghihina ko at hindi ko kaagad narealize na dahil 'yun sa sarili kong
pag-iisip. Sa dami ng problemang inaalala ko at mga desisyong nahihirapan akong
pumili, naging dahilan ang mga 'yun para mangyari 'to.

"Why are you here?" tanong ko naman sa kanya.

"My job."

Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Hideo nung nakaraan.

"I won't. I'll stay here until you wake up."

That liar. Pero mas mabuti na rin na wala siya rito dahil hindi ko alam kung paano
ko siya haharapin. I still can't believe that I...damn, whatever!

Then suddenly, nakaramdam ako ng matinding presence, and I'm sure naramdaman din
'yun ni Kyo dahil bigla siyang naging stiff. Nakatingin lang ako sa pinto at
hinintay ko kung sino ang darating. Pagbukas ng pinto, nakita ko ang isang pamilyar
na mukha at sa likuran niya ay ilang nakaputing labgown.

"Come with me, Shinigami," sabi ni Kodai, isa sa Council of Elders na dumalaw rin
sa akin dati.

"Anong kailangan mo?" My body sensed danger and I want to move away from him but I
can't. Parang nanigas na ang katawan ko sa posisyon ko. Pero nung tumingin siya sa
direksyon ni Kyo ay nagawa kong igalaw ang mga daliri ko.

"Kyo, pwede ka nang umalis."

"Mawalang-galang na, Sir Kodai, pero saan niyo sa dadalhin?" Hindi ko alam kung
tama ba ang napansin ko pero pakiramdam ko ay nasa side ko siya ngayon.

"Hindi mo na kailangang malaman pa."

"Is this an order from the President or you're just making your own move?"

"Kyo." Nagawa kong lumingon sa may pintuan nung nakarinig ako ng panibagong boses
at pagtingin ko ay nakita ko ang isa pang Elder na siyang gumising sa akin noon
gamit ang sixth sense niya. Pero nagulat ako nung narinig ko ang pagsigaw ni Kyo at
halos napaluhod siya sa sahig.

"Eichiro..."

"Sir Eichiro," sabi nung lalaki at lumapit siya kay Kyo. Halos mapaatras ako nung
nakita ko ang nanlilisik na mata ni Kyo habang nakatingin kay Eichiro. Nakangiti
siyang lumakad papunta kay Kyo at gaya nung una ko siyang nakita ay kinilabutan
ako.

"Tapos na ang trabaho mo sa kanya. Nadala mo na siya rito kaya wala ka nang dahilan
para kwestiyunin ang mga desisyon namin."

Dahil nakatingin ako sa kanila ay hindi ko kaagad napansin na nasa harapan ko na


pala si Kodai at hinawakan ako ng mga kasama niya. Hinatak nila ako pero kusa na
akong sumama sa kanila. Lumingon ako sa direksyon ni Kyo dahil kahit papaano ay
nakaramdam ako sa kanya ng awa. Simula nung sabihin niyang naaalala niya ang anak
niya sa akin, somehow, naiisip ko na sana ay ganun din ang pakikitungo ni Dad sa
akin.
I tried reaching his thoughts but he blocked off his mind from anything.

Nakalabas kami ng kwarto at hindi ko na siya ulit nakita. Kahit papaano ay naexcite
ako dahil after so many days, makakalabas na ako sa lugar na 'to. If I find a
chance, I will definitely escape.

***

=================

Chapter 48

Habang naglalakad kami ay hindi ko maramdaman ang upper body ko. Tanging binti at
paa ko lang talaga ang nakakagalaw but the rest of my body is completely frozen. Sa
tingin ko ay may kinalaman dito ang sixth sense ni Kodai dahil nasa likuran ko siya
at nasa magkabilang-gilid ko naman ang mga kasama niya.

Sinara ko nang mabuti ang isip ko dahil bigla kong naalala ang lahat ng nangyari
nung nakaraan. Agad akong nakaramdam ng hiya nung narealize ko ang mga ginawa ko.
Wala talaga ako sa matinong pag-iisip nung oras na 'yun at nadala lang ako masyado
ng emosyon ko. For days, I was alone in that place and all my fears and worries
made me less rational. Seeing him that time gave me hope. Sinubukan kong pigilan
ang sarili ko at inisip ko ang responsibilities ko pero dahil sa mga sinabi niya sa
akin, naging mahina ang loob ko at pinangunahan ako ng halu-halong emosyon.

I seriously want to punch myself right now but my body is not cooperating, though
at the back of my mind, there's a little percent that I don't regret what I did. I
promised myself that that's my last selfish act. From now on, I want to start a new
life. I want to reclaim my honor and pride.

Napatigil ako bigla sa pag-iisip nung huminto kami sa Medical department. Hinatak
nila ako papunta sa loob. Dahil ilang beses na akong nakapunta rito ay alam kong sa
right wing ang hospital pero lumiko kami sa left wing kaya kinabahan ako. After a
few minutes ng paglalakad sa hallway ay nakita kong puro research and experimental
laboratories ang nandito sa part na 'to. Naglakad pa kami hanggang sa makarating
kami sa dulo at bumaba sa basement. Pagdating namin doon ay naabutan namin si Dr.
Miwako at nagulat siya nung nakita niya kami. Hindi ko alam kung namamalikmata lang
ako dahil madilim dito at sa gutom, pero parang kagagaling niya lang sa pag-iyak at
agad niyang pinunasan ang pisngi niya.
"What are you doing here...Sir Kodai?" tanong niya at gaya ng tono ni Kyo kanina
kay Eichiro ay parang may galit din sa tono niya.

"Iiwan ko siya sa'yo," then his two followers pushed me down the floor. Hindi ko na
tinangkang bumangon dahil hindi ko pa rin magawang igalaw ang upper body ko.

"For what? I've already run several tests with her blood."

"Pag-aralan mo rin ang buong katawan niya. Paniguradong may makukuha ka, at ibigay
mo sa akin ang resulta." Hindi na niya pinagsalita si Dr. Miwako at agad siyang
lumabas ng kwarto kasama ang dalawang nakabantay sa akin kanina. Naiwan kaming
dalawa rito at after a minute or two ay naigalaw ko na ang katawan ko.

Nagkatinginan kami ni Dr. Miwako at tahimik naming sinusukat ang isa't isa. Sa
totoo lang, sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon dahil iniisip ko na ang plano
kong pagtakas mula rito, but she's a strong enemy.

Bigla naman siyang napabuntung-hininga at naging soft ang expression niya.

"Huwag ka nang magbalak na tumakas. I might kill you."

Hindi ako kaagad nakahinga nung sinabi niya 'yun habang nakatingin sa akin. Kahit
hindi niya sabihin, alam kong seryoso siya sa sinasabi niya. Huminga ako nang
malalim at inayos ko ang posisyon ko. Kung nasa akin lang sana ang cards ko, mas
madali akong makakatakas mula rito.

"Seriously. That shitty old man," pabulong niyang sabi at tumalikod siya sa akin.
Again, I can sense her anger in her tone. Naalala ko rin ang nangyari kanina kay
Kyo at Eichiro. I might be wrong but...

"May kinalaman ba ang council of elders sa pagkamatay ng anak mo?" After kong
sabihin 'yun ay nakita kong nagtense ang buong katawan niya. Ilang minuto na ang
lumilipas pero hindi pa rin siya gumagalaw at nung magsasalita na ulit ako ay
humarap siya sa akin.

"Hindi mo na kailangang malaman."

Bigla naman niya akong hinatak sa braso pero hindi ako makawala sa grip niya kahit
nakakagalaw na ako. Pagtingin ko kung saan kami papunta ay nagawa kong pigilan nang
kaunti ang paghatak niya. Maybe because I saw the experiment table in front of us.

Of course, hindi na bago sa akin ang ganitong set-up dahil may research facilities
kami sa base pero hindi ko pa naman nararanasang umupo or humiga sa ganito. Sumagi
rin sa isip ko ang sinabi ni Dana nung aksidente niyang nakita ang confidential
laboratories namin. Sabi niya, mga bangkay ng Erityians na walang mga mata ang
nakahiga sa experiment tables doon. Bigla akong kinilabutan nung naisip ko 'yun.

I might end up like them.

"Lie down," she ordered. Dahil hindi ako nagrespond for a few seconds ay tinulak
niya ang balikat ko at nawalan ako ng balance hanggang sa mapahiga ako sa table.

"What are you going to do with me?" Hindi niya ako sinagot at may kinuha lang siya
sa bandang ulunan ko. Nung nakita ko 'yun ay pinilit kong tumayo pero biglang may
belts na nagrestrict sa buong katawan ko.

"Don't move."

"No! Stop it!" She's holding a huge syringe and I'm sure the fluid inside is the
same thing she used to numb my whole body.

"It's better this way." Bago pa ako makapagsalita ay ininject niya sa braso ko ang
syringe at unti-unting nawawalan ng pakiramdam ang buong katawan ko.

"D-Damn..."

Nanlalabo na rin ang paningin ko at bumibigat ang mga mata ko. Then all of a
sudden, my heart beat accelerated and became erratic. Hindi rin ako makahinga nang
maayos at pakiramdam ko ay sasabog ang lungs ko.
"I'm sorry, kid."

I cried out loud because my whole body aches and it feels like my muscles are
tearing apart. But after some time, I don't even know if it lasted for a minute or
an hour, the pain faded. My heart beat steadied but I realized it's getting slower
every second.

"Do you want to know what happened to my daughter?" tanong niya pero hindi ko na
siya masyadong makita dahil sobrang labo na ng paningin ko. Hindi na rin ako
makapagsalita dahil parang natuyo na ang lalamunan ko at hindi ko maigalaw ang labi
ko.

"You see, her sixth sense involves shadow. She can manipulate a thing's shadow by
just touching it. According to our studies, Black Dimension might be the Earth's
shadow projected in a different dimension that's why time and distance are not the
same as here."

Sa tingin ko ay pumunta siya sa bandang paanan ko dahil 'yun ang image na gumagalaw
sa paningin ko. Pati ang pandinig ko, unti-unti na ring humihina at bumibigat na
rin ang mga mata ko.

"Since his father became somewhat immune to the Black Dimension, those elders
thought na namana niya rin 'yun sa kanya. Without our knowledge and consent, they
gave her a mission to travel that dimension and gather data." Narinig ko ang
pagcrack ng boses niya. "That child, because she wanted to make us proud, she just
left a note and she accepted that ridiculous mission. She's just twelve that time.
Can you imagine that? Nung nalaman namin 'yun ay huli na ang lahat. Pumunta si Kyo
sa Black Dimension at...at...nakita niya ang sapatos at butones ng damit ng anak
namin. Nalaman din namin na recorder ang butones na 'yun at nung niretrieve namin
ang video, nakita namin ang buong pangyayari."

Nagulat ako nung biglang nawala ang hinihigaan ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko
magawa. The next thing I knew, I was already drowning. Napapalibutan ako ng liquid
at lalong naging restricted ang galaw ko. Naramdaman kong gumalaw ang paligid at
pagkalipas ng ilang segundo ay kaharap ko na si Dr. Miwako at may salaming
nakaharang sa aming dalawa.
Then realization hit me. This liquid...this place...this sensation...

I'm inside a cryogenic chamber.

"She ended up near your base and your father, that monster, was coincindentally at
that place and killed her without a second thought. Nagawa niya pang buhatin ang
katawan niya at paniguradong pinag-aralan din siya," she said though I don't know
how can I hear her inside this chamber. I heard her laugh bitterly and saw her
outline walking towards me.

"Now those elders gave me this chance to get my revenge by experimenting on you."

Upon hearing that, my whole body trembled. Ayokong matulad sa mga bangkay na nakita
ni Dana sa research labs namin. Ayokong mapag-aralan ang katawan ko. Ayoko pang
mamatay. Why do I have to suffer because of my father's sin?

"But I am not a monster at kapag ginawa ko 'yun, wala na rin akong pinagkaiba sa
doctors and scientists ninyo. And how can I do that if you remind me so much of
her? Spying on us and getting caught in the end. Ito lang ang alam kong paraan para
hindi ka mamatay sa lugar na 'to."

Naramdaman ko ang pagkabit ng iba't ibang wires sa buong katawan ko at pagkatapos


nun ay nandilim na ang paningin ko. Wala na rin akong marinig sa paligid at biglang
huminto ang pagtibok ng puso ko.

'Sleep for a while, kid. I'm sorry.'

Damn it...

I don't want to be alone in this cold chamber for a long time. I want to see my
friends, Rin, Sarah...and him. Maybe this is my punishment for my betrayal and
selfishness. I'll die alone and no one will know about it.

***

=================

Chapter 49

'You're not worthy to be the next leader if you are this weak.'

'Don't disappoint us, Rielle.'

Nagising ako dahil sa echo ng boses ng parents ko, though I don't know if I'm
really awake. Everything around me is darkness and I can't see my body. It feels
like this is just my consciousness.

"Stop it, Kid. You'll kill yourself!"

Napalingon ako nung narinig ko ang boses ni Dana sa paligid pero wala pa rin akong
makita. Sinubukan kong hanapin kung saan nanggagaling ang boses niya pero hindi ko
maramdaman ang katawan ko. Pinilit ko ang isip ko na sundan ang boses ni Dana and I
was surprised when her voice was getting closer. It creeps me out because I'm sure
I don't have my physical body right now and I don't know what the heck is happening
to me.

Pagdating ko doon ay unti-unti akong nakakita ng images hanggang sa naging malinaw


ang mukha nina Kid, Dana at Keith. Pero nung nakita ko ang nangyayari ay napatigil
ako.
"Kid, stop. Your fatal points are in grave condition," dagdag ni Keith.

Kid is inside the prison again while Dana and Keith are watching him from the
outside. Punung-puno na naman ng sugat ang buong katawan niya at mas malala pa sa
dati kong nakita. Gusto kong maiyak dahil sa state niya ngayon but I can't feel
anything right now.

"If I was just stronger, they won't be able to get her. It's my fault," sabay
suntok niya sa pader at kumalat ang dugo mula sa kamay niya.

"We're going to save her so keep yourself together," sabi ni Dana.

"What if it's too late? Paano kung may ginawa na sa kanya ang mga 'yun? Alam na
nilang Shinigami siya. Sa tingin mo ba ay hahayaan lang nila siyang mabuhay?!"
galit na sigaw ni Kid at ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Rielle is strong so don't underestimate her. She'll be fine," sabi naman ni Keith.
It's been a long time since someone said those words about me.

"I know that but...she's not using her full prowess these past few months. Alam
kong alam ninyo na magulo ang isip niya pagkatapos niyang manatili sa lugar na
'yun."

Pagkasabi ni Kid nun ay natahimik silang tatlo at nakaramdam ako ng matinding


guilt. Alam nila ang nangyayari sa akin pero hindi nila ako pinilit na sabihin sa
kanila ang problema ko. If I could just hug them all right now, I would.

"Kaya ayaw kong makabalik pa ulit siya sa lugar na 'yun dahil 'yun ang dahilan kung
bakit siya nagkakaganun," sabi ni Kid at mas naging seryoso ang expression niya.

"That's why we're going to get her. The longer she stays on that place, the more
confused she gets, and that can affect her abilities," sabi ni Dana at naalala ko
ang sinabi ni Kyo, that I'm getting weaker because of my chaotic thoughts.
"No. I am going to get her. You stay here," matigas na sabi ni Keith kay Dana at
napahawak naman nang mahigpit si Dana sa cloak na bumabalot sa katawan niya.

"But—" Hinawakan ni Keith ang tiyan ni Dana at doon ko lang narealise na parang may
bump doon. Don't tell me...

"Your body is not just yours so don't make hasty decisions."

"I know that but I want to save Rielle, too. She's been in pain but I didn't
realise it sooner. I want to be by her side right now."

Gusto kong maiyak dahil sa sinabi ni Dana at gusto ko siyang yakapin pero hindi ko
alam kung paano. I was overwhelmed when Dana wiped her tears because she's never
been good in expressing her feelings.

"Don't worry, I'll bring her back," Keith said and he kissed her forehead then the
scene suddenly shifted.

Bigla kong nakita sina Sarah at Rin sa isa sa training rooms sa Chamber. Sobrang
namiss ko sila at hindi ko man lang namalayan na lumalaki na sila. Mukhang
katatapos lang nila magpractice ng weapon handling at nagpapahinga sila sa ngayon.

"Kelan kaya babalik si ate Rielle?" tanong ni Sarah habang nakatingin sa paa niya
habang nakasimangot.

"Who knows. She might be enjoying that awful place," sagot naman ni Rin habang
pinupunasan ang sword na gamit niya. After that ay naging tahimik na silang dalawa
but I managed to read their thoughts.

'Sabi mo magsstay ka na rito pero nawala ka ulit. Sabi mo hintayin kita pero hindi
mo naman ako pinupuntahan. Sinungaling ka ate Rielle.'

'I hope she's safe. But this is better because Mom and Dad's attention are on me.'
I feel sad because I'm hurting them even if I don't want to. Ang dami ko nang utang
kay Sarah at lagi siyang umaasa sa pagbabalik ko. Nung nandoon ako, isang beses
lang kami nagkita at sandali lang 'yun. I wish I spent more time with her when I
was still there. Ayokong lumayo ang loob niya sa akin gaya ni Rin.

Rin...

After a long time, ngayon na lang ulit siya naging concerned sa akin and that made
me extremely happy. I thought she hates me so much that she wants me dead. Kung may
paraan lang para mawala ang galit niya sa akin, gagawin ko. Lagi na lang kasi
siyang nacocompare sa akin at hindi nila nakikita ang abilities niya dahil doon.
She's always labeled as Subaro's daughter, Riyo's daughter and Rielle's younger
sister. She doesn't have her own identity until now.

I miss them so much. Gusto kong mag-sorry sa kanila at gusto kong malaman nila na
importante sila sa akin.

The scenery shifted again and this time, I am inside a room, then I realised that
this is our room. Nakita ko si Naomi na mag-isa roon at balot na balot siya ng
kumot.

"I wonder what kind of future we'll live in," sabi niya at akala ko ay ako ang
kinakausap niya dahil nakatingin siya sa direksyon ko but that's impossible since I
have no physical body right now.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto namin. Ang dami nang nabago rito simula nung
umalis ako. Parang nawala ang mga gamit ni Akira at may mga gamit na dumagdag na
hindi ko alam kung kanino. Lumapit ako sa dati kong desk at napatigil ako. May
picture kaming pito doon at hindi ko alam kung kailan 'to kinuha. We were laughing
and I didn't know I could laugh like that. Of course, Hideo and Mitsuo are the
exemptions. Nakangisi lang sila. Meron pang frame sa tabi nun at kaming dalawa
naman ni Naomi ang nandoon habang nakangisi sa likuran si Akira. Naaalala ko ang
picture na 'to dahil ito ang kinuha ni Mayu nung pinapaamin namin si Naomi kung may
gusto ba siya kay Mitsuo.

Wow. Looking at these photos, I realised I really made a connection and memories
with them.

'These frequent Shinigami attacks around the campus really bothers me pero ayaw
namang sabihin sa amin ng teachers ang nangyayari. I really have a bad feeling
about this,' sabay hawak niya sa tiyan niya.

Shinigami attacks? Sa campus? Since when? Simula ba 'to nung nahuli ako? Wala na
akong balita sa kahit ano dahil nasa secluded place ako for...ewan ko kung ilang
araw o linggo ako sa lugar na 'yun, and now, hindi ko rin alam kung ilang oras,
araw o linggo na ang lumilipas simula nung mawalan ako ng malay.

'That Akemi...kumusta na kaya siya? I'm sure she's having a hard time. Being the
next in line to the highest position of a tribe sucks. You have to put your people
first before yourself. No wonder Hideo's attracted to her. They are sharing the
same fate and pain.'

Pagkasabi nun ni Naomi ay lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Ito ang
unang beses na nababasa ko nang ganito kadali ang isip niya. Her mind is closed by
default so it's really hard to know what she's thinking but right now, I can easily
read her thoughts.

Bigla naman siyang bumangon at umupo, sabay buntong-hininga.

"Really, why did they leave me here? I can still solve cases even in this
condition. Tsk." She punched the bed and I can sense her frustration. Saka ko
napansin na mas naeexpress na niya ang emotions niya ngayon compared before. Bigla
namang naging malungkot ang expression niya at napatingin siya sa kisame.

'Ayokong mag-isa rito.' She sighed. 'God, these mood swings are driving me crazy.
Just go home already, you eidetic fool.'

Like what have happened before, the scene changed again and this time, a familiar
place came into view. Naglakad ako at nakita ko ang paborito kong bulaklak. They
are really beautiful especially at night.

I looked at the top of the hill and saw the person whom I want to see the most.
Naglakad ako papunta sa itaas at tumabi sa kanya. Maybe it's better this way. I
don't want him to see me because I'm still embarassed after what had happened
before. Also, in this state, I can tell him the things I want to say without
getting awkward or nervous.

'Where are you right now?'

'I'm here,' I said but I know he can't hear me. Tumingin ako sa harapan at kitang-
kita mula rito ang liwanag ng buong campus.

'Dapat hindi na lang ako umalis nung araw na 'yun. Dapat tinupad ko ang pangako ko
na hihintayin kitang magising. Now I've lost you again.'

Naalala ko naman ang araw na 'yun. That was both the happiest and saddest moment of
my life. I was so confused before that but after seeing and holding him, my mind
went blank and the only thing that I can think of is him. But after that selfish
act, bumalik sa isip ko lahat ng responsibilities ko at mas lalo akong naguilty sa
ginawa ko.

'Yeah. You're a liar. Paggising ko, wala ka na.'

'Pagbalik ko doon, wala ka na. No traces. No anything. I was about to ask Sir Kyo
but he was sent to another country because of a mission. I find that suspicious.'

'Those elders...' I swear if I have given a chance, I will kill them. They see me
as a Shinigami? Then I'll be a Shinigami to them.

'I've been searching for you for months but I can't find any clues. Where did they
hide you?'

'Hindi ko rin alam...'

Simula nung magising ang consciousness ko ay kanina ko pa inaalala kung ano ang
nangyari bago ako mawalan ng malay. Ang huli ko lang na naaalala ay ang paglabas ko
sa kwarto kung saan nila ako kinulong. After that, nagiging hazy na ang isip ko at
kapag pinipilit kong alalahanin ay parang mawawala na naman ang consciousness ko.

Bigla naman siyang napabuntong-hininga at napatingin ako sa mukha niya. Even if


it's dark, I can still see his clear eyes.
'I really love your eyes,' I said.

"Seriously, don't let me get attached if you're gonna end up leaving me."

Parang tumigil ang mundo nung narinig ko 'yun mula sa kanya. Kung pwede lang na
tumigil talaga ang mundo ko at magstay nang ganito, pero hindi. Reality is really
harsh. We may have feelings for each other but we are not meant to be together.

Actually, I don't even remember falling in love with him. I just realised one day
that I already fell. I fell so deep that I can't leave that chasm anymore.

'Paano kaya kung wala tayo sa ganitong posisyon? Paano kaya kung mababa lang ang
rank natin sa tribes na kinabibilangan natin?' tanong ko. 'I think that would be
easier for us. Worst thing that could happen would be death or banishment. Pero
dahil tayo ang susunod na leaders, our feelings will destroy both communities.'

Natawa na lang ako dahil sa sitwasyon namin ngayon. A hopeless case.

"You're here."

Nagulat naman ako nung may narinig akong boses mula sa baba kaya tumingin ako sa
direksyon na 'yun at nagulat ako nung nakita ko si Dr. Miwako. Para siyang tumanda
ng ilang taon kumpara sa huling pagkakita ko sa kanya—

Wait...kelan ko nga ba siya huling nakita? If I remember correctly...

"Dr. Miwako," sabi naman ni Hideo at bumaba siya sa hill para harapin si Dr.
Miwako.
"I...I actually have no intention to tell you this but I think, given the
circumstances, you need to know her situation."

"A-are you talking about her? Akemi?"

"Yes. She's under my care."

After hearing that, biglang bumalik sa akin ang lahat ng nangyari. Bigla kong
naalala pagkatapos akong ilabas mula sa kwarto na 'yun.

The medical department...the experiment table...the liquid...

Biglang dumilim ang paligid at nagbago na naman ang lugar kung nasaan ako, pero
this time, parang gusto kong mawalan na lang ulit ng malay dahil sa nakikita ko.

I am in front of myself...my naked body...which is inside a cryogenic chamber. My


hair grew longer and it enveloped my whole body. But what surprised me the most is
the bump on my stomach.

***

=================

Chapter 50

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong
maramdaman ngayon. Bigla ko namang naalala ang mga sinabi ng mga nakita ko kanina.

What if it's too late? Paano kung may ginawa na sa kanya ang mga 'yun?
Kelan kaya babalik si ate Rielle?

'These frequent Shinigami attacks around the campus really bothers me.

I've been searching for you for months but I can't find any clues.

God, ilang linggo o buwan na ba ang nakakalipas? Did I see them in different time?

Napatingin naman ako sa likuran ko nung may narinig akong ingay. Nakita kong
bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Hideo habang nakasunod sa kanya si
Dr. Miwako. Nakatingin siya sa totoong ako at para siyang nakakita ng multo.

"Why?" he said in a low, angry voice.

Lumapit si Dr. Miwako sa experiment table kung saan ako huling nakahiga. Parang
kanina lang nangyari ang lahat pero hindi ko akalaing matagal na panahon na ang
nakakalipas.

"The council's order. They want to conduct a study and carry out different tests on
her but by doing that, she will definitely die," sabi ni Dr. Miwako habang
nakatingin sa katawan kong nasa loob ng chamber. "She might be an enemy but she's
still young...and I don't want to experiment on her kaya naman pinag-aralan ko lang
ang body system niya nang walang dissection and injections. In order to save her
from death, I made her sleep so she's in a dormant state. But..." Halos sabay
silang tumingin sa tiyan ko at maging ako ay hindi makapaniwala sa nakikita ko.

"But after eight weeks, I detected a heartbeat. Akala ko nung una, unti-unti na
siyang nagigising at nagiging active na ang puso niya. Week after week, napapansin
ko ring lumalaki ang tiyan niya pero I assumed na dahil lang 'yun sa supplements sa
cryogenic liquid. Pero may isa pang possible cause. I don't want to believe it at
first but after I checked her womb, the fetus is already on its fifth month."

I cursed a mouthful when I heard that. Naghalu-halo na ang nararamdaman ko ngayon


at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Seeing myself inside this chamber
is scary enough but knowing that I'm carrying a child inside me is terrifying. I am
not ready for this. What's scarier is that I've been unconscious for five months
and I have no idea on everything that's happening around me.

"Is she okay? Is the child okay?" tanong ni Hideo kay Dr. Miwako at kita ko sa
mukha niya ang panic.

"They are. I've been monitoring them. Actually, I don't have any plan to tell
anyone about this but when I identified the father, I was in a state of shock."
Seryosong nakatingin si Dr. Miwako kay Hideo at hindi ko alam kung anong
nararamdaman niya ngayon. "Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari ngayon dahil
dito, Hideo? Both of you are the next leaders of your respective tribes. If
everyone learns about this, this child can be the cause of war."

Bigla namang lumapit si Hideo sa chamber at hinawakan niya ang salamin na


nakapagitan sa amin. I felt his pain just by looking at his expression.

"I'm sorry," bulong niya habang nakatingin sa akin at sa tiyan ko. He repeatedly
say those words and it repeatedly broke my heart.

'Sorry for being so selfish. Sorry for leaving you alone in this cold chamber for a
long time. Sorry, Akemi.' I want to hug him because we share the same emotions
right now. I want to tell him it's okay and everything's going to be fine but I
know it won't.

"I know it's not the right time to say this but we still have another problem,"
biglang sabi ni Dr. Miwako kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

"What is it?" he said in a worried tone.

"I told you she's in a dormant state right now, right? Pero sa ngayon, hindi ko
alam kung kailan o kung magigising pa ba siya."

My mind went blank when I heard that. H-hindi na ako magigising?


"W-what do you mean by that? Bakit? Anong nangyari?"

"During her last seconds when she's still conscious, she used her sixth sense."

Did I use it? Hindi ko maalala ang mga huling sandaling 'yun. Everything was so
hazy that time.

"Maybe subconsciously, she used it since she felt danger. However, she didn't use
it to repel the liquid surrounding her nor the chamber itself. On her last moment
of consciousness, she repelled her thoughts."

"What?"

"Right now, her mind is just an empty vessel. Kapag nagising siya, maaaring wala
siyang maalala. Her memories and thoughts might be drifting elsewhere for five
months after she repelled them. I don't know if she can really repel her thoughts
and memories but if she didn't mean it, I don't know what will happen when she
wakes up. She might lose her sanity."

Realization hit me. This...this...consciousness...it's my own mind. My mind which


was separated from my body and I don't know how to get back. Lalo akong natakot sa
pwedeng mangyari.

"Is there a way to get her mind back?" tanong ni Hideo at bumuntong-hininga lang si
Dr. Miwako.

"There is, but it's dangerous—"

"I'll do anything for her."

This guy...how can he say that so easily? Seriously...


"Fine. A way to get her thoughts back is to find them using yours."

"W-what? How?"

"I'm sure you've heard and read about seventh sense, right?"

Tumango naman si Hideo at naalala ko ang nangyari nung gabing 'yun. I was able to
see my surroundings clearly, which is his sixth sense, and his own thoughts flowed
into my mind without any hindrances and difficulty but I almost 'drowned' in his
overwhelming thoughts.

"Seventh sense is a dangerous technique and a natural one. You can't use it for
training nor control it. Understanding yourself and the ones you want to share your
senses with is the first step. Seventh sense is a technique to share your sixth
sense and your mind to others but it's very difficult to open yourself to them.
Alam mo ba kung bakit madalas magkakapamilya, lovers o 'di kaya magkakaibigan ang
nakakagawa nito? It's because they can connect with each other much easier. They
know and trust each other. Pero sobrang kaunti lang ang nakakagawa nito. Alam mo ba
kung bakit?" Hindi naman sumagot si Hideo. "Because a person's mind is overwhelming
and fragile at the same time. Sharing some of your thoughts to your family or
friend is one thing, but opening yourself, your whole being to them, is another
thing. We don't really trust a person 100% of the time. Laging may nakalaan para
lang sa sarili natin. That's why seventh sense is a dangerous thing. You need to
trust your partners completely. You should be willing to share your whole self,
even your worries, fears and your deepest and darkest secrets, to them. That's why
those who tried it and failed lost their sanity and even drove them to death."

If mind suffocation exists, I think that's what I'm experiencing right now. Kahit
wala akong physical form ngayon ay parang nahihirapan akong huminga dahil sa mga
narinig ko. I didn't know that seventh sense can be that dangerous and deadly.
Thinking about that drowning feeling I felt when we accidentally did the seventh
sense frightens me to the core.

"I'll do it," biglang sabi ni Hideo at hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
He...he will do it? Is he out of his mind?

"Are you sure? You might suffer—"


"She's worth suffering for."

Natahimik si Dr. Miwako after that at naglakad siya papunta sa experiment table
kung saan niya ako pinahiga bago ako mapunta sa loob ng chamber.

"I can connect your mind to hers but the rest of your body systems must be inactive
since we don't want any interferences with your brain waves. But I'm telling you,
you might end up like her. I'm just offering this slim chance to you but honestly,
no one can save her except herself. Think about this, Hideo. Think about your child
and the future."

Gusto kong sabihin kay Hideo na itigil niya 'to pero napatigil ako nung nakita kong
namumuo ang luha sa mga mata niya. Doon ko narealise kung gaano kahirap ang
desisyong ginawa niya para rito. He might be hurting right now but he's doing his
best not to breakdown.

No one can save her except herself.

Those words left so much impact to me. I, too, want to save myself. While my mind
is wandering a while ago, there are moments that I just want to die to end this
misery. Gusto ko na lang na matapos ang lahat. Pero nung nakita ko ang mga
importanteng tao sa buhay ko, unti-unting nawala ang ideyang 'yun, lalung-lalo na
nung nalaman ko na may bata sa sinapupunan ko.

I want to give him or her a happy family because I didn't experience that. I want
to be by his or her side when she grows up. I want to give her a better future
that's why I want to live.

I will live for Rin, Sarah, my friends, for Hideo and for our child.

"No one can save her except herself?" bulong naman ni Hideo sa sarili niya at
pagkatapos ay tumingin siya kay Dr. Miwako. "I can and I will."
Pagkatapos nun ay humiga siya sa experiment table at ilang segundong nakatayo lang
si Dr. Miwako na parang hindi makapaniwala sa nangyayari. Lumapit siya sa table at
umiiling siya habang nakangiti.

'Such a genuine and selfless person. He'll do everything for the people he love
even if it's hurting him. You'll be a great leader, kid.'

"As I've said earlier, her mind is an empty vessel. I'm going to direct and
transfer your thoughts to her mind and find a trace of her own thoughts and
memories from the mind's dimension before the repulsion. Are you ready?" tanong ni
Dr. Miwako habang pineprepare ang syringe at ang chamber.

"Yes."

"Good luck, kid."

Then I watched how he fell to the liquid and lose consciousness, how the wires
encircled his whole body and how his chamber moved beside mine. The next thing I
knew, in this darkness, his image...the embodiment of his thoughts was in front of
me.

***

=================

Chapter 51

Nakatulala lang ako sa kanya at hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. I
can't believe he found me.
'Akemi,' mahina niyang sabi at tumakbo siya papunta sa akin. He pulled me in a hug
and I don't know how but it seems like I have a body. Is this a manifestation of my
thoughts, too?

'H-Hideo...' Saying his name made me broke into tears. I suddenly realised how
lonely and terrified I was in this darkness.

'I found you. I really found you.' I just nodded and silently cried on his chest.

Katulad ng sinabi ni Dr. Miwako, madali kong nabasa si Hideo at lalo akong nasaktan
dahil hindi ko narealise kaagad na ganito kabigat ang dinadala niya. His pain might
be even greater than mine. No one knows how much he's hurt and he's carrying a lot
of burden by himself.

'Marami akong dapat sabihin sa'yo pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Your
thoughts...your body...our...our child...' sabi niya habang nakatingin sa akin pero
ngumiti lang ako.

'I know. I know all of them.' Kita naman sa mukha niya ang pagkagulat. 'This
intangible form of mine was listening to you and Dr. Miwako's conversation. I
didn't know I was wandering this dimension for five months.'

Five months. Saying that feels weird. Parang ang bilis ng lahat. Hindi ko pa rin
lubos maiisip na limang buwan na ang nakakalipas dahil parang kahapon lang ang
lahat.

Umupo kami at hinawakan niya ang kamay ko. Sa totoo lang, kahit wala kaming sabihin
sa isa't isa ay ayos lang. Nababasa ko lahat ng iniisip niya at ganun din siya sa
akin, but I need to keep myself busy because his pain and loneliness is so
overwhelming.

'Thank you for risking your life to save me,' I said even though I know that a
simple thank you isn't enough. Ngumiti naman siya sa akin. The kind of smile you
don't want to see because it feels so heavy.

'You're the risk I'll take even if it means death.'


'Stupid,' sabi ko na lang kahit na ganun din ang gagawin ko kung ako ang nasa
posisyon niya.

Then nabasa ko sa isip niya ang 'Is she really okay?' Napabuntong-hininga na lang
ako. Binitiwan ko ang kamay niya at pumunta ako sa likuran niya. I hugged him.

'I should be the one asking you that. Are you okay? You're always worrying about
other people but not about yourself. You're really strong.'

I takes a lot of strength to have his mentality. Kung ako siguro ang nasa posisyon
niya ay nagbreakdown na ako. He's not just physically strong, but mentally too.
Nakita ko namang ngumiti siya pero dama ko ang lungkot sa ngiting 'yun.

'That's the curse of being strong. No one asks if you're okay.' Natahimik naman ako
but I nodded in agreement. I can actually relate with that. 'But it feels
refreshing to hear those words. Thank you,' he said with an unstable voice.

This guy, he still doesn't want anyone to see his pain. Hinigpitan ko ang yakap ko
sa kanya at saka ako bumulong.

'You know what, no matter how strong you are, there are times that you need to let
your pain, your frustrations, your worries and your troubles come out. Crying
doesn't mean you're weak. In fact, crying is the best way to express the pain.'

Pagkatapos kong sabihin 'yun ay naramdaman ko ang pag-iyak niya. Tahimik lang
siyang umiiyak but it pains my heart to see him like this. On the other hand, alam
kong mas gagaan ang loob niya at mababawasan ang sakit na nararamdaman niya.
Gaya niya, hindi ko rin pinapakita sa iba ang kahinaan ko. Kadalasan, umiiyak lang
ako kapag mag-isa ako. Gusto kong makita ako ng iba na malakas. Maybe it's a trait
of leaders and strong people.

Hinayaan ko siyang umiyak at hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas nung
kumalma siya at tumigil. Nilalaru-laro niya lang ang kamay ko habang tahimik naming
binabasa ang isip ng isa't isa. How I wish we can stay like this for a long time.
But that's impossible.

Bigla ko namang naalala ang magiging anak namin. Hindi ko akalaing magbubunga ang
nangyari sa amin nung gabing 'yun. At ngayon, limang buwan na ang nakakalipas.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi ko naman 'to inaasahan. Ni hindi
pa sumasagi sa isip ko dati ang magkaroon ng pamilya dahil sa dami ng problema na
kinakaharap ko. Yet, here I am, carrying a child inside me. I may not be prepared
to have him or her but her existence will cause a stir.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Hideo sa braso at kamay ko.

'Everything will be alright. I'll protect the both of you.' His voice is so
comforting yet my fear is overpowering.

'I'm scared. I'm really scared for her, Hideo. Totoo ang sinabi ni Dr. Miwako
kanina. Kapag nalaman nila ang tungkol dito, posibleng magkaroon ng malaking gulo.
After all, this child will be the first halfblood in history. She won't belong in
either tribe. They won't accept him or her completely.'

Hindi siya nakapagsalita dahil alam kong pareho kami ng naiisip. Pareho kami ng
nararamdaman para sa kanya. Kami lang ang meron siya at kami lang ang makakaintindi
sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ng Council o nina Mom at Dad kapag
nalaman nila 'to.

'I really want to stay with you like this but it might be dangerous for the both of
us,' sabi naman niya at naalala ko ang mga sinabi ni Dr. Miwako regarding seventh
sense.

'Yeah...'

'Let's go,' sabay alalay niya sa akin para tumayo.

'Pero hindi ko alam ang dapat gawin. I don't know how to get back to my body.'
'I'll guide you.'

Naglakad kami papunta sa kung saan at hinayaan ko siyang hatakin ako. Habang
naglalakad kami ay bumibigat ang pakiramdam ko at lumalabo ang paligid. Tanging
likod na lang ni Hideo ang nakikita ko at pagkahinto namin ay napasigaw ako dahil
parang dinudurog ako. I can suddenly feel pain...physical pain and then I lose
consciousness.

***

A familiar sensation coursed through my body. I can feel my limbs and I can hear my
own heartbeat. Nararamdaman ko rin ang liquid na pumapalibot sa akin at kung paano
nun nirerestrict ang kilos ko. Maging ang wires na nakakabit sa buong katawan ko ay
nararamdaman ko. But most of all, I can feel a life within me.

I slowly opened my eyes but everything is blurry. The first thing I checked was my
tummy and it feels weird to see it like this. I tried reaching for it but the wires
and liquid limit my movement.

Then suddenly, the chamber exploded and I was thrown off by the pressure.
Nakaramdam ako ng takot hindi dahil sa pagsabog kundi para sa bata sa loob ko.
Hinila ko ang wires na nakakabit sa akin para lang mahawakan ko ang tiyan ko pero
halos magdilim ulit ang paningin ko nung ginawa ko 'yun. Nung nakalabas na ako sa
chamber at sa liquid na bumabalot sa akin, halos mapasigaw ako sa sobrang sakit na
naramdaman ko. My body feels so weak and I can't breathe properly. My head aches so
bad that I want to hit it repeatedly. And at that moment, someone saved me from the
fall.

"Rielle..." I squinted and saw familiar faces.

Kid and Keith are here.

Ilang segundo pa ang lumipas bago mag-register sa isip ko na nandito sila pero wala
na akong panahon para magulat o magtanong pa. I am on the verge of passing out but
I willed my consciousness to stay with me for a few minutes.

Nakita kong saglit silang napatingin sa tiyan ko pero after that ay nagfocus na
ulit sila sa paligid. Kid covered my body with his cloak and carried me. Hindi pa
rin ako makapaniwalang nandito silang dalawa. Gusto kong tanungin kung anong
nangyayari dahil masyado pang clouded ang isip ko matapos ang...

Wait...

Where's Hideo?

Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya pero walang lumabas na boses sa akin.
Inalala ko ang huling nangyari pero masyadong clouded ang isip ko at parang
naghalu-halo na lahat ng alaala ko.

Naglakad si Kid papunta sa pintuan at nakita ko ang buong room. The room is a mess
and I saw Dr. Miwako lying unconscious on the floor. The alarms started blaring and
red lights flooded the room. Pero bago kami makalabas sa kwartong iyon ay nakita ko
ang nag-iisang chamber na nakatayo sa loob, and I saw him inside it.

'Hideo...' I tried reaching his mind, hoping that we're still connected, but I got
no response. Nawalan na ako ng pag-asa nung nakalabas na kami sa room but
suddenly...

'A...ke...mi...' I heard his voice inside my head but it sounded so weak.


'Don't...leave...'

Napapikit ako nung narinig ko 'yun dahil hindi ko alam kung paano ko siya
sasagutin.

'I'm sorry...I'm sorry, Hideo.'

After that, hindi ko na ulit narinig ang boses niya. Gusto kong mangako sa kanyang
babalik ako pero natakot akong sabihin dahil baka hindi ko magawa.
"Kid, faster! May mga paparating na rito!" sigaw ni Keith at naramdaman kong
papunta na kami sa main hallway ng Medical department.

"Rielle, stay with us." Nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha ni Kid habang
nakatingin sa akin. Ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso niya at ang mabigat
niyang paghinga.

"Shit. Kid, we need to use the Black Dimension again. Kaya mo pa ba?" tanong ni
Keith habang nagtatago kami sa isang room. Doon ko lang napansin na ang putla ni
Kid.

"I still can. Let's go."

Naramdaman ko ang pagbukas ng Black Dimension at agad kaming pumasok doon pero
kasabay nun ay ang pagpigil ni Kid sa pagsigaw niya.

"K-Kid..." For the first time, narinig ko ang sarili kong boses kahit na hoarse at
mahina. Nagcollapse ang binti ni Kid pero mahigpit pa rin ang paghawak niya sa akin
habang si Keith ay lumapit sa amin at hinatak kami palabas sa Black Dimension.
Pagtingin ko, nasa hallway kami pero hindi ko alam kung anong building 'to.

"Tsk. We really can't open the Black Dimension carelessly here," sabi ni Keith
habang inaalalayan niya kami ni Kid. "May detector sila sa buong campus kapag
bumubukas ang Black Dimension pero hindi ko akalaing may traps at alarms din mismo
sa loob ng Dimension."

Dahil sa sinabi ni Keith ay naalala ko ang naging stay ko rito. Hindi ko pa


naranasang magbukas ng Black Dimension sa loob ng campus dahil alam kong may
detectors sila pero hindi ko alam na may traps din. Kaya rin siguro mahirap mag-spy
rito ay dahil hindi namin ma-utilize nang maayos ang Black Dimension sa loob ng
campus, unless doon lang sa may parteng gubat na.

Naramdaman ko naman ang unti-unting pagbalik ng pakiramdam ko. Nagagalaw ko na ang


katawan ko pero nanghihina pa rin ako. Tinapik ko ang braso ni Kid at pareho silang
napatingin sa akin.
'Thank you,' sabi ko at sabay silang ngumiti kahit na nasa ganitong sitwasyon kami.
Hindi ko napigilan ang luha ko.

"We'll do everything for you," mahinang sabi ni Kid at tumango naman si Keith.
Niyakap nila akong dalawa at sobrang namiss ko ang company nila.

"I don't want to spoil this reunion but we really need to get out of here.
Paniguradong paparating na sila rito," sabi naman ni Keith.

"Okay. Let me rest for a minute first," dagdag ni Kid pero alam kong nasa limit na
siya. Maybe they have been travelling the Black Dimension inside the campus for
some time.

Tatayo na sana si Kid pero napatigil kaming lahat nung naramdaman namin ang
pagbukas ng Black Dimension at nagulat ako nung lumabas ang isa sa mga
mapagkakatiwalaan ko.

"D-Demi..."

"Meow."

Tumakbo siya papunta sa akin at tumalon sa cloak na nakabalot sa akin. Bigla naman
akong nakaisip ng paraan para makaalis dito nung makita ko si Demi at mukhang
nahalata nila ang pagpapanic ko dahil nakatingin lang silang dalawa sa akin.

"Are you oka-"

"I...I...have a plan," mahina kong sabi.

Inexplain ko sa kanila kung ano ang plano ko gamit ang inner voice. Hindi ko alam
kung magagawa namin 'to pero wala na kaming choice. Kung gusto naming makaalis dito
ay ito lang ang naiisip kong paraan na hindi kami madedetect.
"Hindi ko alam kung ano ang epekto ng Black Dimension sa real dimension pero para
makasiguro tayong walang makakapasok dito ay ito lang ang magagawa natin," sabi ni
Keith after kong mag-explain.

"I can only open it for a few seconds, though. Ikaw na ang bahala sa akin," sabi ni
Kid kay Keith.

'I-I'm ready...' dagdag ko naman. 'Ikaw na rin ang bahala sa akin, Keith.'

Napabuntong-hininga si Keith dahil sa mga sinabi namin. "Yeah. I hope this goes
well."

Tumingin naman ako kay Demi na siyang susi sa success ng plano namin. "Demi...guide
Keith, okay?"

"Meow."

My plan is to extend the Black Dimension at this place first to ensure that no one
can enter here, in this hallway, though I don't know if the effect of the Black
Dimension would still be the same. To do that, I need to repel the Black Dimension
that Kid will manipulate, to the real dimension. I don't know if I can pull that
off but I have to do it. After that, Demi will guide Keith to navigate the Black
Dimension since she's the only one I know who can freely wander the Dimension
without getting detected.

"Are you ready, Rielle?" tanong ni Kid sa akin at tumango naman ako.

Naramdaman ko kaagad ang tension sa paligid and after a few seconds ay inopen niya
ang Black Dimension and at that moment, I willed my remaining strength into my eyes
and repelled that portion onto the hallway. Upon doing that, my whole body felt
heavy and I saw Kid collapsed. Before I could say anything, my vision went black
and the last thing I saw was Keith running toward us.
***

=================

Chapter 52

Nasa isang madilim na lugar na naman ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero
habang naglalakad ako ay parang lumiliit ang paligid. Hanggang sa tuluyan nang nag-
compress ang buong paligid papunta sa akin na naging dahilan para mapasigaw ako.

"Rielle!"

Nagising ako habang hinahabol ang paghinga ko. Noong una ay wala akong makita pero
makalipas ang ilang segundo ay naaninag ko ang kisame at napabuntung-hininga ako.
Panaginip lang pala.

"Rielle..." Napalingon ako at nakita ko si Kid na nakatingin sa akin. Sinubukan


kong bumangon pero pinigilan niya ako. "Don't move," bulong niya.

"Where are we—" Napatigil ako nung nakita ko ang paligid.

We're surrounded by walls, there are no windows, the room doesn't have anything
except the bed where I'm lying...and the rails in front of us. We're inside a
prison.
Napatingin ako kay Kid at nag-iwas naman siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung
bakit pero parang ang gulu-gulo ng isip ko. Nadidisorient ako at hindi ko maalala
kaagad ang mga nangyari dati. It must be the effect of my long slumber.

Sinubukan ko namang alalahanin ang nangyari bago ako magising at halos sumakit ang
ulo ko dahil doon. Makalipas ang ilang minuto ay naalala ko ang nangyari sa
hallway. Wait, are we still inside the campus? Did we fail?

"Nasaan tayo? Where's Keith?" mahina kong tanong kay Kid at inabot ko kaagad ang
kamay niya dahil nakaramdam ako ng takot, habang ang isa kong kamay ay nilagay ko
sa tiyan ko.

"Dungeon."

Kahit madilim ay kitang-kita ko ang mga mata niya at dahil sa expression niya ay
agad kong narealize kung nasaan kami. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at
huminga ako nang malalim dahil sa nagbubuild-up na frustrations sa loob ko.

Nagawa naming makabalik sa base pero hindi ko inaasahang magigising ako sa loob ng
kulungan.

"Sinong nag-utos nito?" tanong ko ulit pero hindi siya nakapagsalita. Pinilit ko
ang sarili ko na umupo at tinulungan naman niya ako. Magtatanong na sana ulit ako
pero napatigil ako nung may narinig akong boses.

"Sir Subaro's order." Pagtingin ko sa kabilang side ng rails ay nakita ko si Raizo,


one of Dad's Elites, habang seryosong nakatingin sa amin.

So it's really Dad's order. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak dahil ayokong
makita nila ako sa ganung kondisyon. Mabuti na lang at medyo madilim dito at
tanging torch lights lang ang nagbibigay ng liwanag sa parteng 'to ng dungeon.

"What did he say?" tanong ko kay Raizo pero nagulat ako nung lumitaw si Dad sa tabi
niya. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko nung nakita ko siya pero nangibabaw ang
takot ko.
"You're really a disappointment," he said with a cold voice. "You've failed to be
an eye and now, you became too weak." He gripped the rails so hard and I winced
automatically. "You have no right to rule my tribe if you can't even control
yourself."

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Kid sa akin at nagulat ako nung
nakita kong balak niyang magsalita. "Sir—" Hinila ko ang kamay ni Kid but I was too
late.

"Don't talk, Elite," Dad said and Raizo unsheated his sword. Agad akong napatayo at
humarang sa direksyon ni Kid.

"Don't you dare hurt him, Elite," I said indifferently to Raizo while imposing our
status and he immediately stopped his movement. Tumingin ulit ako kay Dad but this
time, I held my head high.

I remember Hideo's face while pleading me not to leave. It was too painful but I
need to move forward and I have to do something if I want to be with him. After
all, our child might be the bridge for reconciliation of our respective tribes, or
the cause of a deeper hatred with each other.

I want to give my child a better future. Even though there's a slim chance, I would
gamble on it. I am going to unite the Senshin and Shinigami tribes.

"You're wrong, Dad." Nakita kong kumunot ang noo niya but I continued anyway. "I
may not be as strong as you but I can lead the tribe. And I'm going to."

Hindi siya nagsalita pagkatapos nun pero alam kong napaisip siya dahil sa pag-tap
ng daliri niya sa rails. He may not notice it himself but I'm always looking at him
since I was young and I know his mannerisms.
"Then prove yourself," bigla niyang sabi at nabuhayan ako ng loob. "Kurai," sigaw
ni Dad at lumitaw ang isa niya pang Elite sa kaliwa niya. Binuksan nila ang rehas
at lumapit sina Kurai at Raizo sa akin. Napalingon naman ako kay Kid at nakita kong
hindi siya makagalaw. Kahit gusto ko siyang tulungan ay pinili kong huwag gumawa ng
kahit ano para makuha ang loob ni Dad...

...pero nagulat ako nung dinala nila ako sa isang separate prison at kinabitan nila
ako ng kadena sa magkabilang paa ko.

"Dad..."

"Bring your mental strength to its former glory and I might give you another
chance. Sa ngayon, mananatili ka rito hanggang sa matapos ko ang paghahanda."
Kinutuban naman ako ng masama sa sinabi ni Dad.

"Paghahanda para saan?" He smiled cruelly but I can see the rage in his eyes.

"An all-out war against the Senshins."

Nakatulala lang ako habang hinihintay kong mag-sink in sa utak ko ang sinabi ni
Dad. Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad palayo pero napahinto siya
bigla.

"As the Shinigami head, I have zero tolerance to failure, that's why you're here.
But as your father, it is my duty to hunt those who ruined you," sabi niya at saka
siya tumingin sa akin. "Get rid of those emotions bothering you and prove your
worth. After all, you're my original successor and you're much stronger than your
sister. Get stronger than me, Rielle."

Hanggang sa pag-alis niya ay hindi ko naalis ang tingin sa likod niya. Bumalik ako
rito na buo na ang loob sa balak kong gawin pero pagkatapos ng sinabi ni Dad sa
akin ay unti-unti na namang nagugulo ang isip ko. After all, that was the longest
conversation I had with him.

But as your father, it is my duty to hunt those who ruined you.


Ahh. So this is how it feels...A father who's going to do everything for her
daughter. It may not sound sweet to others, but for me, that's the most fatherly
thing he said to me.

Get stronger than me, Rielle.

And he called me by my name. Kapag nakikita ko siya o nagtetraining kami, lagi niya
akong tinatawag na child, brat or kid. He always sees me as the child he needs to
train because I'm going to be the next Shinigami leader and not his daughter. But
after calling me by my name, it was so heartwarming.

Napaupo ako sa kama at kinalma ko ang sarili ko. Inisip ko nang paulit-ulit ang
dahilan kung bakit ako nandito. I'm going to unite our tribes so that our child can
live peacefully in the future, and the only way I can think of is becoming the head
of the Shinigami tribe.

'Rielle...'

Nagulat naman ako nung narinig ko ang boses ni Kid sa isip ko. He sounded so tired
and it pains me to hear him like this. Naalala ko tuloy ang unang pagkakataon na
nakulong siya dahil sa nangyari sa mga pinatay niyang Custos agents.

'Why?' I asked in a pleasant tone.

'That child...is it his?'

Hindi agad ako nakasagot dahil bumigat ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa tiyan ko
at naalala ko ang gabing 'yun. This child is a product of an accident but I didn't
regret having him or her.

'Yes...I'm sorry.'

'Bakit ka nagsosorry?'

Lalong bumigat ang loob ko. Noong hindi pa binibigay sa akin nina Dad ang mission
na 'yun, si Kid ang itinuturing kong future husband. It's not uncommon for
Erityians to have a family at their early twenties since we have shorter life span
compared to humdrums. After all, we're always facing danger and our lives are
always at stake.

Kid is my closest guy friend and comrade, and it's not hard to fall in love with
him. Kasama ko na siya simula mga bata pa kami, along with Keith and Dana. I think
we have the same thoughts for each other kaya naman hindi ko inaalala ang future ko
dati. Pero simula nung mapunta ako sa Tantei High, simula nung makilala ko si
Hideo, nagbago na ang lahat.

I fell in love with him.

'Don't say sorry, it's not your fault. Ang mahalaga, ligtas ka ngayon.' Nag-nod na
lang ako kahit hindi niya ako nakikita at kahit na naguguilty pa rin ako sa
nangyari.

'Thank you, Kid, for staying by my side and for saving me.' Narinig ko ang mahina
niyang pagtawa at kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

'An Elite should always be loyal to his or her Royal. I'll always protect you until
my death.'

Hindi na ako nakapagsalita after that. Sinubukan kong humiga sa kama pero nahirapan
ako dahil sa kadenang nakakabit sa paa ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako
nakahiga nang tuluyan pero hindi ako dinadalaw ng antok at buhay na buhay pa ang
utak ko.

Memories started flooding my mind.


My thoughts were still disorganized but somehow, I can remember my mind's
manifestation roaming around that dimension. Dahil wala akong sense of time noong
mga panahong 'yun, hindi ko alam kung kailan nangyari ang ilan sa mga nakita ko
that time.

'Kid?'

'Hmm?'

'Pinuntahan ka ba nina Keith at Dana dito before para pagplanuhan ang pagkuha sa
akin habang...habang buntis siya?' Hindi kaagad nakasagot si Kid pero after a
minute ay narinig ko siya.

'Paano mo 'yun nalaman?'

'Long story. But, when did that happen?'

'That was four months ago, when she was 6 months pregnant.'

Nagulat naman ako sa narinig ko. Ibig sabihin, during that time na nakita ko sila,
isang buwan na akong natutulog sa chamber na 'yun. Ilang months naman kaya ang
lumipas noong nakita ko sina Naomi, Rin at Sarah? But I'm sure na nung nakita ko si
Hideo ay same day na niligtas ako nina Kid.

Wait, so that means nanganak na siya.

'What's the name of their child?' tanong ko ulit kay Kid.

'Darwin Kei Soledad.'

That's a nice name. I hope I can see them right now.

Naging alert naman ako nung may naramdaman akong presence sa paligid bukod sa amin
ni Kid. Bumangon ako sa kama at umupo ako sa gilid nun habang hinihintay ko kung
sinuman ang papunta rito. Akala ko nung una ay Elites lang nina Mom or Dad but I
was not prepared to see these two.

Standing in front of my cell was Rin and Sarah.

***

=================

Chapter 53

Nakatayo sina Rin at Sarah sa labas ng kulungan at hindi ako agad nakapagsalita.
Naalala ko bigla ang buhay ko bago ko gawin ang mission na 'yun. These two were my
source of strength but now, I can't even look at them without feeling guilty.

"Rin...Sarah..." I held back my tears because I don't want them to see my pathetic
side.

"Bakit ate Rielle? Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo?" sabi ni Sarah at nakita
kong pinipigilan niya ring umiyak, but she failed. Natahimik lang ako dahil alam
kong mali ako. I broke my promise, and now, I broke her trust. "Sabi mo, babalik ka
kaagad pero ang tagal mong nawala. Sabi mo, marami ka pang ituturo sa akin, pero
hindi mo nagawa. Sinungaling ka, ate Rielle."

Tuluy-tuloy lang ang pagpatak ng luha niya habang nakatingin nang masama sa akin
pero ramdam ko rin ang kalungkutan niya. It pains me to see her like this.

"Seems like you really betrayed us," sabi naman ni Rin habang nakatingin sa tiyan
ko kaya napahawak ako nang mahigpit sa cloak na bumabalot sa akin.
"I-I'm sorry..." mahina kong sabi dahil hindi ko na alam kung paano sila haharapin.

Nagulat naman ako nung may hinagis si Sarah sa loob at napunta 'yun sa harapan ko.
Pagtingin ko, halos lumubog ang puso ko. She threw the locket I gave her as a
present last year.

"Hindi na ikaw ang Ate Rielle na kilala ko. Nagbago ka na. Binago ka nila."
Tumalikod siya sa akin at alam kong ginawa niya 'yun para hindi ko siya makitang
umiiyak. Halos nagmature na siya ngayon but she's still a crybaby. "I'm going to
make them pay for it," mahina niyang sabi saka siya naglakad palayo. I wanted to
call her but it seems like I have no right to call her anymore because of what I
did.

Naiwan naman si Rin sa harapan ko at nakatingin lang siya sa akin. Napaupo na lang
ako sa kama ko dahil lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"I envy you," bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. "You're strong and
everyone recognizes it. Even our parents see you as a dependable leader and every
Shinigami knows you because of your accomplishments. I really admired you and I
trained earnestly to catch up with you."

Hearing those words from Rin's mouth made me feel a little better. Ang tagal-tagal
na nung huli niya akong kinausap nang ganito at hindi ko na maalala kung kailan
niya ako huling pinuri. Close naman kami nung mga bata pa kami pero nung nagkaroon
na ako ng missions at nabigyan ako ng Elites, unti-unti nang lumalayo ang loob niya
sa akin dahil lagi na akong wala sa tabi niya at lagi na kaming nacocompare sa
isa't isa. Kapag pumupunta siya sa akin ay lagi akong may missions na iniintindi at
hindi ko na siya nakakausap. Her smiles gradually faded and she became distant.
Noong nabawas-bawasan na ang mga gawain ko ay gusto kong bumawi sa kanya, pero huli
na ako. Every time I approach her, she runs away.

Of course, I understand her reasons. Bukod sa nawalan na kami ng oras sa kanya,


hindi na rin siya nakawala sa shadow ng parents namin at sa akin. She's always
known as Subaro's and Riko's daughter and Rielle's younger sister. I understand her
pain because I, too, was compared to my parents before.
"I really envy you," pagpapatuloy niya habang nakatingin sa akin. "to the point
that I started to hate you."

Akala ko masasaktan ako sa sinabi niya pero napangiti na lang ako dahil matagal ko
nang alam 'yun.

"I know," sabi ko habang nakangiti sa kanya. "I know, Rin, and I understand you."

"No, you don't. Maybe Sarah understands me better. After all, pareho mo kaming
iniwanan. Pareho mo kaming binalewala."

Ramdam na ramdam ko ang pait ng tono niya at hindi ko siya masisisi kung sobrang
galit siya sa akin. Kasalanan ko naman kung bakit at alam kong hindi ko na
maibabalik ang dating relasyon namin.

Tumayo ako at lumapit sa rails. Hinatak ko ang braso niya papunta sa akin at
niyakap ko siya kahit na may nakaharapang sa pagitan namin. I don't care if she
hates me. I'll stay by her side even if she doesn't want to. After all, I'm her
sister. I'm her family.

"That's why I'm saying sorry, and I mean it." Pagkasabi ko nun ay pumiglas siya sa
pagkakayakap ko at lumayo ng ilang hakbang sa rails habang nakakunot ang noo niya.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Take care of yourself and Sarah," saka ako tumalikod
sa kanya at tuluy-tuloy na ang pagbagsak ng luha ko. Narinig ko rin ang unti-unti
niyang paglayo hanggang sa tuluyan na siyang nawala.

Napaupo na lang ako sa kama at napabuntung-hininga habang pinupunasan ko ang luha


ko. Seeing those two precious kids turning their backs on me made me feel awful.

Hindi ko na alam kung ilang oras ang lumipas simula nung dinalaw ako nina Sarah at
Rin dahil sa dami ng iniisip ko. Naging aware na lang ulit ako sa paligid nung
maramdaman ko ang pag-open ng Black Dimension malapit sa posisyon ko. Hinintay ko
kung sino ang lalabas pero nagulat ako nung makita ko si Mom.

Sabi nila, kamukha ko daw si Mom noong nasa ganitong edad din siya. With her long
black hair, regal facial features and graceful movements, she looks like a queen,
but I don't. I look like a servant compared to her.

Ngumiti siya sa akin at kinilabutan ako sa ngiting 'yun. Dad might be scary because
of his presence, strength and overall power but Mom is scarier when it comes to
mental and emotional aspects because of her twisted personality. Sinarado ko nang
mabuti ang isip ko at kinalma ko ang sarili ko.

"M-mom..."

"Did your Dad visit you?"

"Y-yes." Her smile was replaced by a serious expression and I tensed.

"If you only focused on your mission, you'll be beside us. You'll be known as a
ruler. But you failed us, Rielle." Kahit gusto ko nang yumuko na lang ay pinilit ko
pa ring tumingin nang diretso sa kanya. "You're the best choice to be your Dad's
successor because of your ability but it turns out you're not. You let your
emotions rule your mind. You let them weaken your mental strength, and now, you're
nothing but a wreck."

Mom's words stung like a venom but I held back my tears. I want to show her that I
am not as pathetic as she thought I am.

"Maybe Rin is a better choice. A better daughter and leader," sabi niya and somehow
ay nasaktan ako. I know Rin is capable of leading the tribe but still, I am the
next ruler. Bigla ko namang naalala ang mga sinabi ni Rin.

Ahh. So this is how it feels. This is how she feels everytime I am compared to her.

"Your Dad might think you can still redeem yourself but I don't. You are now
connected to that tribe and your mental strength is not as strong as it should be.
And do you think I do not know why you return here even though the best choice for
you is to run away? You're underestimating me, Rielle," sabay turo ni Mom sa
sentido niya at lalo akong kinabahan.

If she knows my reason, then I'm damned.

"I won't allow you to rule this tribe, my tribe, for that selfish reason. You
should have ran away but you chose to come back here, and your choice will be your
doom."

Mom glared at me and I know she's really pissed. At times like this, I always
escape from her but I can't and I don't have the ability to do that right now since
nobody can use their sixth sense inside these prisons.

"Izumi," sabi niya at lumabas sa gilid niya si Izumi. "Bring her to the lab."

The moment I heard the word lab, images from that place flashed into my mind.
Nagpanic ako at lumayo sa kanila hanggang sa mapasandal ako sa pader. Pumasok si
Izumi sa loob at tumingin siya sa akin pero hindi tulad ng normal niyang
expression. Gusto kong isigaw na huwag siyang lalapit sa akin pero kakaiba ang
tingin niya sa akin. Habang lumalapit siya sa akin ay nakita kong umiling siya,
and she mouthed 'You shouldn't have come back here.'

And in that moment, I knew she's sympathizing with me and that triggered my tears.

Nilagay niya ang kamay ko sa likuran at naglakad ako palabas ng kulungan habang
nakayuko dahil ayokong makita nila akong umiiyak. Sinundan namin si Mom at nung
nasa tapat na kami ng prison ni Kid ay tumingin ako sa kanya.

"Rielle!" He looks so horrified but I smiled at him.

'Don't worry. I'm okay,' sabi ko kahit kitang-kita ang pag-iyak ko.
Paglagpas namin sa kanya ay kinalma ko ang sarili ko kahit na sa totoo lang ay
takot na takot akong makita ang lab. Dahil sa nangyari sa akin sa Medical
department ay ayaw ko nang marinig o makakita ng kahit anong related sa
laboratories. I remember what happened but everything is still hazy. The only thing
I can remember clearly was Hideo's painful expression inside the chamber while
pleading me not to leave.

Halos hindi ko namalayan na nasa laboratory wing na kami at napansin ko lang 'yun
nung huminto kami sa paglalakad. Halos gusto ko na ring gamitin ang sixth sense ko
para makatakas dito pero hindi ko kayang harapin ng sabay sina Mom at Izumi, at isa
pa, baka mapahamak ang bata sa sinapupunan ko.

Sa tapat namin ay may isang malaking bakal na pinto at nung hinawakan 'yun ni Mom
ay unti-unti 'tong bumukas hanggang sa makita ko kung ano ang nasa loob—a huge
medical laboratory with several experiment tables, apparatuses and equipment. But
what caught my eyes are the cryogenic chambers with bodies inside them at the far
end of the room. My body automatically reacted to that sight and I shuddered.

"M-mom...don't do this...please..."

"Izumi," sabay tingin niya kay Izumi at hinatak ako ni Izumi papunta sa experiment
table. Lalo kong naalala ang ginawa sa akin ni Dr. Miwako at lalo akong nagpanic.

"NO!" I shouted and I felt a familiar sensation coursing through my body.

The next thing I knew, Izumi and the apparatuses around me were pushed to the
walls. I can feel the power on my eyes but my stamina is running low. I caressed my
belly to make sure that my child is fine after using my sixth sense but I suddenly
felt a stinging feeling on my nape. Bigla akong nahilo at bumigay ang binti ko.
Akala ko ay babagsak na ako pero biglang may humawak sa braso ko.

"Seriously Riko, don't bring your daughter here if she's going to destroy my lab!"
sabi ng isang pamilyar na boses at nung nilingon ko kung sino, nakita ko si Saeko,
the other Elite of Mom and the only one who can talk back to her since they are
childhood friends. And she's the one who's always treating my battle wounds after
my missions.
Halos mandilim ang paningin ko nung pinilit niya akong tumayo. Sabay nila akong
inalalayan ni Izumi papunta sa experiment table. Inihiga nila ako doon and they
secured me with belts and wires. My body became numb and I want to curse them for
doing this to me. Bakit ba lagi na lang nilang ginagawa 'to? Both Senshins and
Shinigamis treat me like a guinea pig because of these continuous experiments. They
make me feel like I'm not a human but a subject.

"Holy sh—" saw Saeko's surprised expression while looking at my belly. "I was
focused on immobilizing her that I didn't notice her stomach! She's pregnant? Don't
tell me this child is—"

"Saeko." Napatigil siya sa pagsasalita nung tinawag siya ni Mom nang seryoso.

"Sorry. What do you want me to do with her?"

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at nakita kong sabay na napalingon si Izumi
at Saeko sa direksyon na iyon habang si Mom naman ay ngumiti.

"Mom, I'm here." Narinig ko ang boses ni Rin at gusto ko siyang makita pero hindi
ko na maigalaw ang buong katawan ko.

"She's been tainted by a Senshin but her ability is still useful. Rin's still weak
compared to her so I want you to make her stronger," sabi ni Mom at kinilabutan ako
nung marealize ko kung ano ang gusto niyang mangyari.

"Are you serious about this, Riko?" seryosong tanong ni Saeko kay Mom.

"I am. Rin will be the next head of the tribe," then she looked at me with
distaste. "and I'll do everything to make her a powerful Shinigami."

"But they may end up like that child."

"We're finished with that child during that time so her death didn't have any
effect."

"But—"
"I want you to extract her left eye and implant it on Rin. That's an order from
your Royal, Saeko."

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o epekto lang 'to ng ininject sa akin ni
Saeko kanina. Hindi ako makapaniwala sa gustong gawin ni Mom sa amin ni Rin. And
that child they are talking about...I don't know who he or she is but based on
their conversation, she's already dead and it has something to do with the same
experiment.

That means we may die on the process...

Bigla kong naisip sina Kid, Dana at Keith. Naisip ko rin ang Atama family, lalong-
lalo na si Hideo pati na ang magiging anak namin. I may die and they won't know
about it.

May lumapit sa aking babaeng naka-labgown at hinawakan niya ang tiyan ko. Agad
akong nagpanic dahil baka may balak silang gawin sa anak ko kaya pinilit kong
igalaw ang kamay ko. Nagawa kong hawakan ang wrist niya at napasigaw siya sa ginawa
ko pero agad niyang natanggal ito.

"Whoa. You're still concious and you can still move after I injected you a level 5
tranquilizer? What a monster," sabi niya habang nakatingin sa akin at lumipat naman
ang tingin niya doon sa babaeng nakalabgown. "Anyway, what's the gender of the
child?"

"It's a girl, Doctor. She's on her 27th week and the third trimester is about to
start."

"Okay, thank you." Umalis ang babae at humarap si Saeko kay Mom. "What should we do
with her child?"

"Make sure it's safe. That child, I'm going to use her to lure her father. She'll
be the demise of that tribe and I will make her regret her birth."

I can't contain my anger anymore after hearing that. I glared at Mom and I willed
my eyes to obey my order. I repelled and pushed her away from me.

Nandilim ang paningin ko pagkatapos nun at narinig ko ang pagsigaw ni Mom. Wala na
akong makita o marinig at naubos na ang natitirang lakas ko. But before I lose my
conciousness, I heard a familiar voice and I don't know why or how can I hear him.
'Wait for me. I'm going to save you both. Wait for me, Akemi.'

Somehow, our minds are connected and I think it's because we executed the seventh
sense once. Hearing his voice made me realize how scared and helpless I am. Hindi
ako humingi kailanman ng awa o tulong sa kahit kanino pero para sa anak namin,
gagawin ko ang lahat para mailigtas siya. Right now, I am desperate for help.

'Help me, Hideo. Don't let us die. Please...'

After that, I fell into a deep slumber.

***

You might also like