You are on page 1of 15

TITLE: “IKAW HANGGANG SA HULING PAGKAKATAON”

GROUP 5
Unang-araw ng klase, maraming estudyan ang nalulungkot sa araw na ito. Babalik
nanaman kasi sila sap ag-aaral. May iisiping takdang-aralin,quizzes, activities at
exams pero may mga estudyante pa rin namang natutuwa sa araw na ito. Isa na
rito si luna, ang ating bidang babae at dahil sa angking kasipagan sa pag-aaral,
nagkaron siya ng pagkakataong makapasok sa isang Malaki at sikat na paaralan sa
maynila.
Setting : luna’s house
Props: table, chair, tarpapel, bed
Luna: Ma! Alis na po ako! (paalis sa pinto)
Nanay: sige, anak! Ingat ka
Luna: opo, nay!
Hindi maiwasang matuwa ni luna habang papunta sa eskuwela. Gusto niya na
kasing malaman kung ano nga ba ang kaibahan ng maynila sa probinsya at ang
magiging sitwasyon niya sa paaralang ito pero hindi niya pa rin maiwasang
mabahala, pano kung ibully siya dito? Pano kung wala siyang maging kaibigan? Ay
basta bahala na. Luna is your typical student, maingay, makulit, madaldal pero
masipag naman siyang mag-aral.
Setting : classroom
Props: table, chair, tarpapel
Character: students, teachers, kalix and luna
Teacher: Okay class we have a new student , anak magpakilala ka sakanila
Luna: Good morning, mabuhay everyone! I’m Luna Valdez, 17 , pinanganak noong
august 12,2006, nagmula sa lugar na maraming manga,opo manga, hindi
apple ,hindi orange kundi mangatarem! . Nice to meet you all!!
Teacher: welcome to our school, luna. Please be sitted
Walang ibang bakanteng upuan kaya sa tabi ni clyden uupo si luna.
Luna: hi! I’m luna, bago lang ako dito, ikaw ano name mo?
Kalix: Kalix, ang ingay mo noh?
Luna: ay2 sorry! HAAHAHHAA nice to meet you, kalix
Magpapatuloy ang discussion ng klase hanggang mag recess
Teacher: (discussion)
Teacher: okay class, you may now have your recess
Luna: uy, kalix! Sabay tayo, wala pa kasi akong kakilala
Kalix: Bahala ka
Luna: alam mo ang sungit mo, inaano ba kita?
Kalix: alam ko at ang ingay mo
Setting: canteen
Props: table snacks, tarpapel
Habang bumibili ang dalawa hindi maiwasan ni kalix ang mapaisip, bakit ba siya
napunta sa sitwasyong ito? Ang pagkakatanda niya gusto niya lang namang
mapag-isa tas bigla nalang may sumasama sakaniyang asungot? Malakiing
problema ‘to hayst
Setting: classroom
Props: tables and chairs, tarpapel
Students: yiee magkasama sila
Student: lakas mo clyden
Kalix: manahimik nga kayo
Luna: ano ba guys? Sige pa baka mafall sakin ‘to HAHAHAHHAHA
Kalix: ano?
Luna: wala ang pogi mo
Makulit at maingay, ito ang mga salitang naglalarawan kay luna para kay kalix.
Hindi na kasi tinantanan ni luna si kalix. Kahit saan ay para itong tuko na
sumusunod lagi sakaniya, sa pag-aaral, sa pagkain, sa paglalakad kulang nalang ay
pati sa cr samahan pa niya ito. Ang kulit jusko.
Setting: hallway
Props: bag at tarpapel
Props: tarpapel
Luna: sabay tayo lunch
Kalix: kumain ka mag isa mo
Luna: ayoko, baka pagkalamalan akong loner
Kalix: pake ko sayo
Syempre wala pa ring magagawa si kalix sa kakulitan ni luna kaya’t siya pa rin ang
nasunod.
Luna: alam mo ba?
Kalix: hindi
Luna: Hindi pa ko tapos, actually hindi ko ineexpect na ganito pala sa manila
Kalix: hindi mo ineexpect na?
Luna: na marami palang pogi, kung alam ko lang edi matagal na sana akong
lumipat. Joke! Ang dami kasing mukhang sosyal, tas puro English! Baka
manosebleed ako dito.
Kalix: ahh okay
Luna: ang iksi mo magsalita, hindi pa napapanis laway mo?
Kalix: hindi
Luna: habaan mo naman yung mga sinasabi mo para ka namang sira
Kalix: mahaaaaaaaaaaaabaaaaaaa
Luna: joker ka noh?
Kalix: medyo
Luna: tara na nga at baka hindi kita matantya
Kalix: HAHAHHAHA
Magpapatuloy lang ang pangungulit ni luna at naging mas malalim ang pagsasama
nila pero ang hirap mang isipin noh? Tahimik si kalix, maingay naman si luna
parang hindi bagay. Kahit si kalix nalilito, bakit nga baa ng haba ng pasensya niya
pagdating kay luna?
Setting: classroom
Props: table, chair, tarpapel
Luna: ih dali na kasi, turuan mo na ko. Ayaw mo bang padaliin ang paghihirap ko”
Kalix: ayoko, deserve mo lahat ng paghihirap sa mundo kasi masama ang ugali mo
Luna: tarantado pero uy ang haba, improving ka!
Kalix: talaga?
Luna: oo! Congrats hindi na panis laway mo today!
Kalix: okay, tuturuan na kita
Luna: ‘wag dito! Maingay. Sa library nalang
Kalix: sige
Setting: Library
Props: tables, chair, books and tarpapel
Mapapathank you lord nalang talaga si luna sa mga oras na tinuturuan siya ni kalix
sa pag-aaral. May mga lesson kasi silang hindi niya naiintindihan at baka
bumagsak siya kung sakaling hindi siya tuturuan ng lalaki.
Luna: baka pagod ka nang magturo sakin ah! Wag
Kalix: wala akong choice
Luna: ay oo nga, sabagay
Hindi naman mahirap turuan si luna sadya lang talagang maingay at makulit ito
kaya’t tumatagal sila sa library. Mahigit dalawang oras ang pamamalagi ng dalawa
sa library at minsan ay nakakatulugan ni luna ang pakikinig.
Kalix: dito naman tayo sa next lesson, luna? (tapik sa pisngi)
Kalix :maganda kaso ang ingay naman
Luna: talaga maganda ako? (hawi sa buhok)
Luna: thanks pero bakit mo ko tinititigan? Gusto mo na ko noh?
Kalix: what if, oo?
Luna: edi gusto rin kita
Kalix: grabe, iba ka talaga
Luna: dzuh ako na ‘to
Setting: KALIX’s house
Props: upuan, tarpapel
Kalix: ma! nakauwi na po ako
Mom: how are you anak? Hindi ka ba pagod?
Kalix: no, ma. ‘wag po kayong mag alala, si tita?
tita: andito ako sa kusina!
Sa bahay nila kalix namamalagi ang tita niya, ang ama niya kasi ang busy sa
pagtratrrabaho sa ibang bansa at habang nasa kusina ang mag-anak at hindi
maiwasang magkaroon ng mga kwentuhan kapag nasa harap ng hapag-kainan.
tita: check up mo bukas anak, wag ka munang pumasok, okay?
Kalix: okay, tita
Mom: anak, magsabi ka lang if hindi mo kaya ah pwede namang andito ka lang sa
bahay para magpahinga eh
Kalix: kaya ko pa naman, ma.
Setting: classroom
Props: tables, chair, tarpapel
Tulalang nakikinig si kalix sa guro para bang ang dami nitong problema at hindi ito
matapos tapos. Habang nagsusulat hindi maisiwan ni Luna ang lumingon kay kalix
sapagkat tahimik ito. Tahimik naman talaga ang binate ngunit iba ang angking
katahimikan niya sa araw na iyon. Hindi rin naman maiwasan ni luna ang mag-
alala
Luna: huy! Okay ka lang?
Kalix: ha?
Luna: pansin ko kasi parang wala ka sa rili mo
Kalix: ahh may iniisip lang, pwede mo ba kong samahang kumain mamaya?
Luna: date ba yan? Sige!
Kalix: after class ah
Luna: yes yes
Naglalakad ang dalawa at napaisip si kalix kung tama ng aba ang gagawin niya?
Habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa, hindi niya maiwasan ang mahulog
pero natatakot siya. Sino ba namang hindi takot sumagal sa pag-ibig, hindi ba?
Ang salitang pag-ipig kasi ay parang walang kasiguraduhan. Pwede kang sumugal
pero hindi mo naman malalaman kung sasaya ka ba? O masasaktan lang sa huli.
For Kalix, Will it be worth it? Or not? Pero ika nga ng iba take the risk or lose the
chance. Wala namang mawawala if susubukan niya, hindi ba?
Setting: restaurant
Props: tarpapel, table cloth, table, chair
Kinakabahan si Kalix pero susubukan niyang sumugal para kay luna.
Luna: huy ano ba? Okay ka lang?
Kalix: actually, hindi. Inaya kitang lumabas kasi may gusto sana akong sabihin sayo
Luna: ano yon?
Kalix: Pwede ba kitang ligawan?
Luna: ha? Ako? Bakit? Pano? WEh?
Kalix: liligawan kita
Luna: Narinig kita pero bakit ako? I mean gusto rin naman kita pero ha? Ako? Like
parang hindi kapanipaniwala
Kalix: kailangan ba yon? basta bigla ko nalang naramdaman na gusto kita
Luna: ‘wag kana manligaw kasi tayo na!
Kalix: ang bilis naman?
Luna: ayoko na kasing patagalin, matagal naman na kitang gusto eh
Kalix: liligawan muna kita
Luna: ih sige na nga
NARRATION: HABANG TUMATAGAL MAS LUMALALIM ANG NARARAMDAMAN NG
DALAWA SA ISA’T ISA. MASDYADONG PLATONIC PARA SA IBA SAPAGKAT WALA
SILANG PAGKAKAPAREHO. MAINGAY SI LUNA, TAHIMIK SI KALIX, ACTIVE SI LUNA
SA LAHAT, SI KALIX AY PARANG PAGOD ARAW-ARAW AT PARA BANG HINDI
KAPANIPANIWALA SA MGA PANAHONG IYON PARA KAY KALIX NA KAYA NIYA
PALANG SUMAYA DAHIL LANG SA ISANG TAO. IKAW NGA NIYA “LUNA IS THE
RISK, HE IS WILLING TO TAKE”
Setting: school
Luna: amina yang bag ko!
Kalix: ayoko
Luna: hindi naman mabigat yan
Kalix: hindi naman pala mabigat edi ako na magbubuhat
Luna: bahala ka diyan (naglakad ng mabilis
Kalix: teka lang luna!
Luna: ewan ko sayo! (naglalakad pa rin)
Kalix: grabe naman ang luna na yan ang bilis magtampo
Luna: pake mo
Kalix: halika na nga
Setting: canteen
Kalix: ano sayo?
Luna: spaghetti
Kalix: yun lang? drinks mo ngay?
Luna: water nalang
Kalix: sige dito ka lang
(dumating si kalix with food tas nagumpisa na silang kumain)
Kalix: ang kalat mo kumain, para kang baby
Luna: ah ganun?
Kalix: oo, para kang baby ko
Luna: corny mo, yuck
Kalix: normal lang toh
Luna: ganiyan ka pala magkagusto, nakakapangilabot
Kalix: ah ganun?
Luna: oo pero okay yan kesa naman sa iba kang lumandi
Kalix: sayo lang ako luna

SETTING: LIBRARY
PROPS: TABLE, CHAIRS, TARPAPEL
Habang nag-aaral ang dalawa hindi mapigilan ni luna na titigan si kalix.
Luna: pst!
Kalix: yes po?
Luna: yiee ang bait
Kalix: ano kailangan mo, mahal na reyna?
Luna: tayo na
Kalix: ha?
Luna: Sinasagot na kita!
Kalix: talaga? Okay
Luna: wow, ganyan lang reaksiyon mo?
Kalix: masaya ako luna, nakakahiya naman kung sumigaw ako nasa library tayo
Luna: oo nga pala
Kalix: sa bahay kana maghapunan, matagal na kitang ustong ipakilala kila mom
Luna: ang bilis naman! Tsaka ang yaman niyo baka ibash ako
Kalix: hindi sila ganun, luna.
Luna: sorry pero kasi nakakakaba
Kalix: kilala ka naman nila, palagi kita kwinekwento
Kalix: ihh sige na nga
SETTING: KALIX’s house
Kalix: halika, nasa kusina sina mama
Luna: kinakabahan ako
Kalix: huwag
Luna: wow, thanks. Sige, hindi na ko kinakabahan.
Kalix: HAHAHAHHA halika na nga
Mom: iho andyan nap ala kayo, hi, luna.
Luna: hello po! Ang ganda niyo po
Kalix: sipsip
Luna: shh
kalix: aray, bakit mo ko kinurot?
Mom: thank you, luna. Alam mo palagi kang kwinekwento ng anak ko sa amin ng
dad niya
tita: oh iha ikaw ba si luna?
Luna: yes po! Nice to meet you po!
Tita: titanalang iha ang itawag mo saamin, welcome to the family
Mom: halina kayo at kumain na tayo
Habang nasa pagkainan marami silang pinag-usapan tulad nalang ng pag aaral
Mom: basta mga anak, know your limitations ha? Tas unahin niyo muna yung mga
pag-aaral niyo.
Luna: yes po tita
tita: nak samahan mo nga muna akong kunin yung mga gamit ko sa kotse
Kalix: sige po, tita
Noong lumabas na ang mga tita ay hindi maiwasang maging emosyonal ng ina ni
kalix sapagkat pati siya ay hindi makapaniwalang may ipapakilalang babae ang
anak niya sakanila.
Mom: anak, alagaan mo si Kalix ha? Ayoko sanang sabihin sayo pero mahalin siya
ng sobra. Time is gold, iha.
Luna: oo naman po! Mahal na mahal ko po yang anak niyo kahit parang limited
lang yung mga salita niya.
Mom: HAHAHAHAH ganiyan talaga magmula nung bata iha, tahimik.
Luna: Ay tita anong oras na po pala kailangan ko na pong umuwi
Mom: oh sige iha, balik ka lang ha? Teka at ipapahatid kita
Luna: opo, thank you po!
Setting: CLASSROOM
Teacher: oh wala pa rin si mr. Ramirez? Luna, alam mo ba kung asan si mr.
Ramirez? Isang linggo na siyang wala.
Luna: ma’am ito po yung excuse letter niya, may inaasikaso raw po silang
importante eh
Teacher: as mch as possible papasukin mon a siya at marami na siyang hahabulin
Luna: sige po ma’am
Setting: kalix’s house
Props: tarpapel at pinto
Luna: tao po? Tao po!
tita: Oh iha andito ka pala, wala kasing tao sa bahay. Hinahanap mo ba si clyden?
Luna: opo tita eh
tita: halika at dadalhin kita sakaniya
Setting: hospital
Props: bed, tarpapel
Hindi maiwasan ni luna ang kabahan habang naglalakad papunta sa isang silid sa
loob ng hospital
Luna: bakit po tayo nasa hospital tita?
tita: I think mas maganda if si Kalix mismo ang magsasabi sayo, iha
Kalix: luna? Anong ginagawa mo dito?
Luna: hindi ba dapat ako ang magtanong niyan Kalix?
Mom: nak labas muna kami
Kalix: hindi ka dapat nandito luna! Ayokong makita mo kong ganito
Luna: nahihibang ka na ba? Nag-aalala ako, kalix!
Kalix: kaya nga hindi ko na sinabi sayo para hindi ka mag-alala diba? Ikaw lang
tong makulit
Luna: makulit? Ha? Girlfriend mo ko! Ineexpect mo bang maging kalmado ako
kahit isang lingo ka nang hindi pumapasok tas pagkita natin nasa hospital ka?
Hindi ako makatulog kakaoverthink, Kalix. Pakiusap naman oh, sabihin mo sakin,
ano bang nangyayare? Bakit ganito?
Kalix: may sakit ako sa puso, luna.
Luna: h-haa? Bakit hindi mo sinabi agad?
kalix: kasi hindi ko alam kung pano ko sasabihin, luna. Bago magsimula ang school
year naadmit ako sa hospital tas dun naming nalaman yung sitwasyon ko
FLASHBACK setting: hospital
doctor: we need to find a donor as much as possible ma’ams. Palaki na po ng
palaki ang butas sa puso ng anak ninyo and I’m afraid na 6 months nalang ang
itatagal ng puso ng anak niyo.
tita: we are trying out best doc pero wala po talaga eh
(unti unting mumulat si clyden)
Kalix: no need, tita
Mom: anak naman, gagawin naming ni tita at daddy mo ang lahat para
makahanap ng donor
Kalix: mom, ayoko na po eh, ‘wag na po nating ipilit ha? Tanggap ko naman nap o
eh
PRESENT
Kalix: Wala akong planong sabihin sayo kasi natatakot ako.
Luna: sa tingin mob a mapapantag ako pag nawala ka? Sasamahan kitang
matakot, Kalix
Kalix: Gusto kitang pakawalan para mas mabilis mo kong makalimutan pero hindi
ko kaya, luna.
Luna: hindi ko rin kayang iwan ka. Sasamahan kita okay?
NARRATOR: SA BUONG ANIM NA BUWAN, SINULIT NI LUNA AT KALIX YUNG MGA
ORAS NA MAGKASAMA SILA. MATYAGANG INAALAGAAN NI LUNA SI KALIX AT SA
HOSPITAL ANG DIRETSO NIYA PAGKATAPOS NG KLASE. HINDI NILA INIWAN YUNG
ISA’T ISA SA MGA ORAS NA MAYROON SILA. HIND DIN KASI NATIN MASASABI
ANG MGA MANGYAYARE SA SUSUNOD NA MGA ORAS
Setting: Hospital
Luna: love, nagdala ako ng fruits!
Kalix: thank you, galing kang school?
Luna: oo eh nag-ask ako sa proof natin if pwede bang magsummer class nalang
ako kasi gusto kitang alagaan ang they agreed kasi okay naman daw ang
performance ko
Kalix: you don’t have to do that, luna. Ayokong maging pabigat sayo
Luna: okay lang, kalix. Pumayag din sila mama tsaka never kang magiging mabigat
sakin, okay? Halika at kumain ka muna
Setting: Hospital
Luna: pwede na kong magsummer class, ang dami naman activities na binigay,
nubayan
Kalix: patingin nga
Luna: ito oh
Kalix: madali lang ‘to, ganito lang oh
Luna: ehhh? Oo nga, dapat magteacher ka
Kalix: talaga?
Luna: oo! Magaling ka mag explain eh

Setting: Hospital
Kalix: luna, come here
Luna: bakit? May masakit ba sayo?
Kalix: wala, pero thank you kasi andito ka lagi sa tabi ko
Luna: yiee mahal mo nanaman ako
Kalix: sobra
Luna: pagaling ka ha? Hahanap pa tayo ng donor
Kalix: opo, hanggat kaya ko para sayo lalaban ako
Setting: Hospital
December 30, 2023
Kalix: love, pagod na ko
Luna: gusto mo bang matulog?
Kalix: hindi
Luna: pahinga lang?
Kalix: pwede ba yung pang habang buhay, love?
Luna: clyden naman eh, napag usapan na natin diba? Hahanapan pa kita ng donor
Kalix: pero hanggang kailan akong maghihintay,luna? Hindi ko na kasi kaya
Luna: hindi ka pwedeng mawala clyden,hindi ko kaya
Kalix: Kung sana mas maaga pa kitang nakilala noh? Edi sana mas matagak pa
kitang nakasama. I’m sorry, luna
Luna: ano bang sinasabi mo dyan? Matagal pa tayong magsasama baliw
Kalix: Can I rest now, luna?
Luna: yes, I love you Kalix
Kalix: I was ready to let go of everything but you came into my life to give me a
reason to live. If I would be given chance to have another life, ikaw at ikaw pa rin
ang gusto kong makasama habang buhay. I will now sleep, luna. goodnight "
Luna: noooooo, kalix!!!!!!

Setting: cementeryo
Props: tarpapel, candila
Kalix: You’re so selfish, ang daya mo. Sabi ko ako muna diba? Sorry kasi ngayon
lang ako nakabisita. Masakit kasi eh. I thought mamamatay na ko, I was so ready
to let go na. Galit na galit ako sayo pero hindi ko magawa kasi mahal kita eh.
Gusto ko lang malaman mo na I will love you forever. Hindi man ako ang
nakasama mo habang buhay pero lagi mong tatandaan na ikaw at ikaw pa rin ang
mamahalin ko. I will now let go, luna. I love you so much. Wait for me up there,
okay?

● NARRATION: It turns out that luna donated her heart to kalix. Grabe ang
pagmamahal noh? Sa larangang ito mo talaga malalaman kung hanggang
saan nga ba ang kaya mong gawin para sa isang tao. This roleplay is entitled
IKAW HANGGANG SA HULING PAGKAKATAON. This symbolizes the true
meaning of “what can you do for love? Nakakatakot isipin ang mga bagay
na kaya mong gawin para sa isang pagmamahal hindi ba? Sa larangang ito
mo mararamandan ang kasiyaha, kalungkutan, galit, selos at tampuhan
pero ang pagmamahal at tiwala niyo para sa isa’t isa ang siyang magiging
tulay upang ang inyong pagsasama ang tumagal at mas maging matatag.

THE END

You might also like