You are on page 1of 27

Flavors of Youth (Script)

written
by

Hanna Faith Enriquez


1.

Address
Phone
E-mail
FLAVORS OF YOUTH (SCRIPT)
Introduction: Ethan wakes up from a dream (memories)
(All black) (Pumikit ulit si Ethan habang nakaupo)
(Students are laughing)
Scene 1: Blockmates
(Inside their room) (Break time)
(Nagreretouch sina Lily at Clarabelle)
Lily: Girls did you see my lipstick?
Clarabelle: Here (sabay abot nito kay Lily) Hiniram ko,
ganda kasi ng shade.

(Kay Kallie tas ibang blockmates naman nakafocus, naguusap


at nagtatawanan)

Kallie: Hahahaha ano ba kayo, hindi ko naman kasi alam na


madulas don.

Student 1: Ang aga-aga nags-swimming ka agad sa sahig.


Student 2: Kung nakita nyo lang mukha ni Kallie kanina
hahahaha ang laughtrip.

Kallie: Yan, ganyan naman kayo. Ang sama nyo pag dating
sa’kin, hay okay lang. (playfully rolled her eyes)

Student 3: Hoy joke lang naman hahaha.


Kallie: Hindi, okay lang talaga (kunware nagtatampo) Joke!
Hahaha teka nga puntahan ko lang sina Lily.

Student 1: Sige!
Pumunta na si Kallie kung nasaan sina Lily at Clarabelle.
Kallie: Hahahaha ang laughtrip talaga nitong mga blockmates
natin, ang kukulit.

Lily: Really? Ikaw lang naman ang pinakamadaldal at


pinakamakulit dyan eh.

Clarabelle: Hahaha true, dadamay mo pa sila sa kakulitan mo.


Kallie: Bestfriend ko ba talaga kayo ha?
(Sabay tawanan sina Lily at Clarabelle)
Kallie: Anyway, kablockmate pala ulit natin si Ethan ‘no?
Clarabelle: Really?
Kallie: Oo nga! Ulit-ulit ha.
Clarabelle: Hindi naman s’ya pumasok kanina ah.
Kallie: Eh ang narinig ko hindi raw nagising ng maaga kaya
hindi na pumasok.

Lily: Bakit n’yo ba pinaguusapan yan, kayo talagang dalawa


ang chismosa nyo. (playfully roll her eyes)

Clarabelle: Hala nadamay na ‘ko, si Kallie lang ‘no.


Kallie: Hmp! (sabay cross ng arms)
(Clarabelle chuckle)

Scene 2: Late
(Inside their classroom)
Ms. Reyes: Good morning, today I will divide you into group,
consisting of 5 members for your groupwork that will due on
friday.

Student 1: Ma’am pwede pong tatlo lang?


Student 2: Ano ka ba naman, kakasabi lang ni Ma’am na 5
members, ‘di ba?
3.

Nagtawanan ang mga studyante.


Ms. Reyes: Hahaha ang kukulit nyo talaga! Anyway, this
activity will be part of your pt, so i’m expecting na ang
mga ipapasa n’yo ay mga quality output. Now, let’s start.

Kallie: Sana magkagrupo tayong tatlo. (excited nyang sabi)


Ms. Reyes: Ms. Diaz, Ms. Clemente, Ms. Lopez, Ms. Cordova,
and Ms. Zamora. Next group will be, Ms. Cuevas, Ms. Torres,
Ms. Ledezma, Ms. Alvarez, and Mr. Revamonte.
4.

Nilibot ni Lily ang tingin sa kanyang mga kaklase para


tingnan kung sino yung mga kagrupo n’ya nang biglang
napukaw ang atensyon n‘ya kay Ethan dahil nakatingin din
ito sa kanya.

Tinaas ni Lily ang isang kilay na para bang nagtataka bakit


siya tinitignan nito. Ethan playfully smile at her kaya
naman kumunot ang noo ni Lily at umiling na lang.

(Kinabukasan)
May group study sina Lily, pagkarating ni Lily nandon na
lahat ng kagrupo n’ya maliban kay Ethan.

Lily: Hello guys, good morning.


Raine: Start na ba tayo?
Lily: Wait, where’s Mr. Revamonte?
Valerie: Wala pa eh, late siguro.
Lily: Alam n‘ya naman ang call time natin, right? Wala ba
s’yang nasabi sainyo bakit siya mal-late? Or if pupunta pa
ba siya?

(Umiling lahat ng kagrupo n’ya)


Lily: My gosh, that boy.
Maya-maya ay dumating si Ethan, mukhang nagmamadali
makarating sa kung nasaan sina Lily.

Ethan: Nandito na ‘ko, sorry guys.


Lily: Mr. Revamonte alam mo ba kung anong oras na? We have
a call time, remember? Matuto ka namang sumunod don, kanina
pa kami nandito oh. (galit na sabi n’ya)

Ethan: Sorry. (napayukong sabi n’ya)


Scene 3: Argument
(School Canteen)
ETHAN’S POV:
Habang kumakain kami sa canteen, nakita ko si Lily kasama
ang mga kaibigan n’ya na paparating.

LILY’S POV:
5.

Kasama ni Lily sina Kallie at Clarabelle. Nakita ni Lily si


Ethan sa kabilang table. Nairita s’ya.
Lily: My gosh I really hate groupmates na late dumadating.
Like be considerate naman sa time ng iba, ‘di ba?

Nagtinginan sina Kallie at Clarabelle dahil hindi nila alam


kung saan galing ang sinabi ni Lily.

Napatingin si Ethan kay Lily dahil sa narinig n’ya.


Kallie: Hmm, mukhang may hindi ka kinukwento samin ha.
Spill mo na ‘yan!

Clarabelle: Oo nga, dali!


Nakatingin na silang dalawa kay Lily, hinihintay na may
magkwento ito.

Lily: Eh kasi naman kahapon, ‘di ba may group study kami


para doon sa pt ni Ma’am, eh itong si Ethan late dumating.

Kallie: Ilang minuto ba s’ya na-late?

Lily: 10 minutes.

Clarabelle: 10 minutes lang naman pala eh, malay mo may


importanteng ginawa. Tinanong mo ba kung bakit s’ya na-
late?
Lily: Hindi, pero kahit na! Sana man lang nagsabi s’ya, ‘di
ba? Ilang minuto rin kaming naghintay sa kanya.

Kallie: Hay nako, kumain ka na lang nga muna para naman


mabawasan ‘yang init ng ulo mo. Oh ito (binigyan ng pagkain
si Lily)

Lily: Ugh! Nakakainis kasi. (She rolled her eyes at inis na


binuksan ang pagkain na bigay ni Kallie.)

Umiling na lang si Ethan at binaling ang tingin sa kanilang


mga kaklase.

Scene 4: Consideration

(After class)
6.

Ethan: Uhh Lily, hindi muna ako makakasama ngayon sa group


study natin. May kailangan lang gawin eh.

Lily: What? Late ka na kahapon hindi ka pa sasama ngayon?


Ano na lang ambag mo n’yan?

Napayuko si Ethan.

Ethan: Pasensya na talaga.

Lily: Hmm, may kailangan kang gawin? Mas mahalaga pa ba


‘yan kaysa sa pt natin, ha? Alam mo kahapon pa ko
nagtitimpi sa’yo, parang wala kang pakialam dito sa
activity na ‘to eh. Hindi mo ba nar-realize na nagiging
pabuhat ka? We all making efforts here, and you? You didn’t
even care, mas inuuna mo pa ’yang mga useless things kaysa
sa grade natin. (galit na sabi n‘ya sa lalaki)

Ethan: Teka na lang ha, anong sabi mo? Useless things?


Pwede ba ’wag mo ‘kong pagsalitaan ng ganyan dahil wala
kang alam. Alam mo ba ’yang useless things na sinasabi mo
na inuuna ko pa kaysa sa grades natin? Para sa pamilya ko
‘yon. Oo, nagppart time job ako para makatulong sa kanila
dahil kapos kami sa pera. Sorry kung nal-late ako at sorry
kung hindi ako makakasama sa group study natin ngayon,
hindi kasi ako pinayagang hindi pumasok eh.

(Ipapakita rito yung POV ni Ethan na nagp-part time job


s’ya. Kung bakit s’ya na-late nung group study nila, at
yung pagpaalam n’ya sa boss n’ya.)

Napatigil si Lily. Bakas sa mukha niya na parang nagsisisi


s’ya sa mga nasabi n’ya rito.

Lily: Uhh Mr. Revamonte, I’m sorry. I didn’t know. I


should’ve know your reason muna bago ako nagsabi ng mga
ganong salita. I’m really sorry.

Ethan: Ngayon alam mo na. Sa susunod magtanong ka muna bago


ka magsabi ng mga ganon dahil hindi mo namamalayan na
nakakasakit ka na pala.

Lily: Sorry again.


7.

Ethan: ’Wag kang mag alala, gagawin ko ‘yong part ko sa pt


natin. Bigay ko sa’yo bukas.

Lily: Okay.

(Umalis na si Ethan)

LILY’S POV:

Scene 5: Basketball

Hapon na kaya naman may mga basketball player na


nagttraining sa quadrangle, kasali na roon si Ethan.

Nagk-kwentuhan kami nina Kallie at Clarabelle habang


naglalakad, dala namin ang project na ipapasa sa aming
guro.

Clarabelle: Hay, sa wakas tapos na tayo rito sa pinapagawa


ni Ms. Reyes.

Kallie: True, nakakastress din ‘to ha.

Lily: Agree, almost 3 days din ako nagpuyat para rito.

Kallie: Ah alam ko na! Dahil natapos na natin itong


nakakapagod na pt na ‘to, deserve natin magmilktea mamaya!
(excited nitong sabi)

Clarabelle: Magandang idea ‘yan, g ako!

Lily: Me too!

Pagkabaling ko ng tingin sa harap namin habang naglalakad,


napatigil ako ng makita ko si Ethan na naglalaro. Tila ba
bumagal ang oras, hindi ko namalayan na nakatitig na pala
ako sa kanya. At dahil nga nakatulala ako, hindi ko nakita
ang paparating na bola sa aking direksyon.

Ethan: Lily!

Tumama sa akin ang bola kaya naman natauhan ako.


8.

Lily: Ouch!

Ethan: Ops, sorry! Bakit ka kasi nandyan?

Lily: Of course dadaan, obvious naman siguro? Uhh so


annoying! (i rolled my eyes to him and continue walking)

(Nakasunod sa kanya si Kallie at Clarabelle. Pagdaan ni


Clarabelle sa harap ni Ethan, she slightly smiled at him)

Scene 6: Bike

(Sa labas ng school)

Pauwi na ako ng bigla ko nakita si Ethan sa labas ng aming


eskwelahan. Nakasakay ito sa kanyang bike.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, para bang


bumagal na naman ang oras.

Lily: (in her mind) He looks like a captivating work of art


with a youthful charm, giving off kindness and strength
through his confident smile. The combination of his playful
eyes, charming dimples, and classy features leaves a
lasting impression, making his face a timeless symbol of
youth and mystery.

Nung nawala na s’ya sa paningin ko, doon ko napagtanto na


parang nakangiti ako. Kaya naman tinapik ko nang marahan
ang aking pisngi.

Lily: Lily, what were you thinking? Ugh! Stop it!

Student 1: Oh Lily, sino kausap mo?

Lily: Oh nothing.

Student 1: Bakit ka nga pala nandito pa? Kanina pa uwian


ah.

Lily: Ahh may pinasa lang. Ikaw? Uuwi ka na ba?


9.

Student 1: Ahh oo eh, mauna na ko ah. Ingat!

Lily: Ingat din!

Umuwi na rin ako.

Scene 7: Family Oriented

Habang naglalako ang Nanay ni Ethan (Lourdes) ng kakanin ay


tinulungan n’ya ito.

Ethan: Nay!

Lourdes: Oh anak!

Nagmano si Ethan.

Ethan: Tulungan ko na po kayo dyan.

Lourdes: ‘Wag na. Umuwi ka na at magpahinga, alam pagod ka.

Ethan: ’Wag na po kayong makulit. Tutulungan ko po kayo,


ako na po magbibitbit n’yan. (sabay kuha sa lagyanan ng
kakanin)

Lourdes: Hay ang sipag-sipag talaga ng anak ko, salamat


nak.
(sabay yakap)

Ethan: Nako oh, si nanay oh, nagdadrama pa. Tara na po!

Naglako na ulit sila ng kakanin.

Walang ideya si Ethan na nakita s’ya ni Lily sa hindi


kalayuan.

Lily: In fairness, he’s really hardworking pala talaga.

Napangiti si Lily ng kaunti at naglakad na rin sa ibang


direksyon.

Scene 8: Money
10.

(Bahay nila Ethan) (Hapagkainan)

Kakauwi pa lang ng Papa ni Ethan (Simon) galing sa trabaho


at nakita n’ya ang asawa na nakaupo sa hapagkainan, may mga
nililista at binibilang ito na kakarampot na pera.

Simon: Oh, anong problema? (sabay upo)

Napabuntong-hininga ang ina.

Lourdes: Kulang pa rin eh, kahit araw-araw akong maglako ng


kakanin at ikaw may trabaho, kulang pa rin sa gastusin
natin sa pang araw-araw.

Simon: Hayaan mo pag iigihan ko ang pagtatrabaho,


maghahanap din ako ng iba pang pwedeng pagkakitaan.
Makakayanan din natin ‘to, pagtutulungan natin ito. Basta
kasama natin ang anak natin, may awa ang Diyos. (sabay
hawak sa kamay ng asawa)

Hinawakan din ng ina ang kamay ng kanyang asawa at ngumiti


ito.

Hindi alam ng mag asawa na narinig ng kanilang anak ang


kanilang pag uusap.

Mas lalong naging determinado si Ethan na tulungan ang


kaniyang pamilya.

Scene 9: Dean’s List

(Room)

Ms. Reyes: Good morning, today is the release of Dean’s


List for this Semester. You can see the list outside later.

Kinakabahan si Lily sa resulta.

(Break time)

Clarabelle: Tara, canteen?


11.

Kallie: Mamaya na, tignan muna natin yung list. For sure
nandon si Lily.

Clarabelle: Sige, tara!

Lumabas na sila para tignan ang mga pangalan na nasa


dean’s list.
Lily: Kinakabahan ako.

Clarabelle: Ano ka ba, tiwala lang.

Kallie: Nandyan ka, for sure.

Hinanap na nina Lily ang kanyang pangalan sa list, ngunit


gumuho ang mundo niya nung wala ang kanyang pangalan.

Kallie: Hala ba’t wala name mo, Lily? Baka nagkamali lang
sila, ‘di ba?

’Di na makaimik si Lily, namumuo na ang mga luha sa kanyang


mata. Tila ba wala na s‘yang naririnig kundi ang kanyang
isip, sinasabi nito na marami s’yang mad-disappoint.
Tumakbo si Lily papasok ng kanilang room, umiiyak. Sumunod
naman sina Kallie at Clarabelle.

(School canteen) (Lunch)

Magkakasama ang tatlong magkaibigan.

Kallie: Lily? Gusto ko lang malaman mo na naiintindihan ka


namin. Nakita namin kung gaano ka nagpursigi para makapasok
sa dean’s list, at proud kami sa’yo.

Clarabelle: Tama si Kallie, Lily. Nandito lang kami palagi


para sa’yo.

Kallie: Sabihin mo lang kung ano pwede naming gawin for you
to feel better. Mahal ka namin at proud na proud kami
sa’yo.

Tumingin si Lily sa dalawang kaibigan with her teary eyes.

(Niyakap nila Kallie at Clarabelle si Lily)


12.

Scene 10: Awkward

Nakahiga si Lily sa kanyang kwarto, magdamag umiyak. Wala


s’yang gana sa lahat, kahit bumangon at kumain. Hindi niya
alam ang gagawin, nakatulala at head empty nang biglang
tumunog ang kanyang cellphone.

Nagmessage si Ethan.

Umupo ako bago iyon basahin.

Ethan: Lily, I know you’re not alright pero maybe we can


eat ice cream or take a walk muna? :)

I slightly smiled at his message. How sweet of him.

Tumayo ako at nag ayos na.

Tumayo ako sa harap ng salamin at sinabi sa sarili.

Lily: Pull yourself together, Lily. You got this.

At lumabas na ako ng kwarto.

Scene 11: Ethan


Nasa park sina Lily, Ethan, Kallie, Clarabelle, at Julian.
Ethan: Buti naman at pumunta ka, Lily.

Ngumiti lang si Lily.

Kallie: Ay teka nga lang, bibili lang kami ng makakain


natin.
Samahan niyo ’ko Clarabelle at Julian, dali gutom na ’ko.

Clarabelle: Wait lang naman.

Julian: Iiwan natin silang dalaw-

Kallie: Shh, ’wag ka na magsalita d’yan. Tara na!


13.

Umalis na yung tatlo kaya naman sina Ethan at Lily na lang


ang magkasama.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa ng


biglang basagin ito ni Lily.

Lily: Why the sudden change of heart, Mr. Revamonte?

Ethan: ETHAN, just call me Ethan.

Lily: Okay, Ethan. So bakit nga?

Ethan: Bakit? Bawal ba maging concern?

Nagkibit-balikat lamang si Lily.

Lily: Anyway, saan mo nakuha number ko?

Ethan: Ah kay Kallie.

Tumango-tango lamang si Lily.

Ethan: Salamat nga pala kasi sumama ka samin.

Lily: I need distractions.

Ethan: Ahh mabuti yan.


Alam mo, pwede naman maging malungkot eh pero ang hindi
okay eh yung hahayaan mong hadlangan ka nito na magpatuloy
sa buhay. Remember that setbacks are a part of life, and
they don't define your future success. This is just one
chapter in your story.

Napatingin si Lily kay Ethan.

Ethan: Your worth isn't defined by that one achievement.


You have so many strengths and qualities that make you an
amazing person, regardless of what's on a piece of paper.

Lily: Ethan..

Ngumiti si Ethan at inayos ang buhok ni Lily.


14.

Ethan: I’m so proud of you, Lily.

Lily: Thank you. (sabay ngiti)

Dumating na sina Kallie, Clarabelle, at Julian dala ang


pagkain na binili nila.

Kallie: Oh ito na ang pagkain natin! (masiglang sabi n’ya)

Scene 12: Closer

As the day goes by they become closer.

Madalas na silang magkasama, magkatabi sa upuan, sabay


magsnack, sabay umuwi, at kung ano-ano pang mga bagay na
ginagawa nila ng magkasama.

Ngunit kasabay ng unti-unti nilang pagiging malapit sa


isa’t isa at pagiging masaya ay mayroon ding hindi masaya
sa nangyayari sa kanila. Si Clarabelle.

(Dito sa Scene 12 mga clips lang ang ipapakita, walang


script.)

Scene 13: Kaibigan

(School Canteen)

Mag isang kumakain si Lily sa canteen, nang biglang


tinabihan s’ya ni Ethan.

Ngumiti sila sa isa’t isa.

Ethan: Oh nasaan sina Kallie? Bakit mag-isa ka?

Lily: May binili lang sa labas, hindi na ‘ko sumama.

Ethan: Ahh.

Kumakain sila nang bilang sumigaw ang isa sa kaibigan ni


Ethan.

Friend: Gf mo tol?
15.

Ethan: Kaibigan.

Nag side eye si Lily kay Ethan at pasimpleng ngumiti.

Awkward na ngumiti si Ethan kay Lily.

Scene 14: Jealousy

(School hallway)

Kallie: Lily, may papakilala ako sa’yo.

Lily: Huh? Sino?

Kallie: Oh nandito na pala siya eh.

LILY’S POV

Paglingon ko may paparating na isang lalaki, unang beses ko


pa lang siya nakita.

Kallie: Lily this is Geib. Geib this is Lily.

Inabot ni Geib ang kamay niya para makipagkamay.

Geib: Hi Lily, It’s nice finally meeting you. Lagi kang


kinikwento ni Kallie sa’kin eh.

Tiningnan ko si Kallie at ngumiti lang ito.

Nakipagkamay ako kay Geib.

Lily: Lily. (sabay ngiti)

ETHAN’S POV:

Habang papunta ako kay Lily ay bigla ko silang nakita


magkasama ni Kallie, ngunit may isa pa silang kasama.
Lalaki.
Napatigil ako habang tinitingnan silang magkamayan ni Lily.
16.

Hindi na ako tumuloy.

Scene 15: Avoidance

ETHAN’S POV:

Hindi ko alam bakit gusto kong umiwas kay Lily, hindi ko


ito gusto ngunit sa ngayon, sa tingin ko ito ang tamang
gawin. Nalilito ako sa nararamdaman ko, indenial kumbaga.
Ayokong aminin sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya kasi
siguro natatakot ako na baka iwasan niya ako pag nalaman
n’ya.

LILY’S POV:

(Room) (Break time)

Kallie: Lily, tara sa canteen!

Lily: Sige una na kayo.

Clarabelle: Hindi ka sasabay?

Kallie: Ahh, kasabay na naman n’yan si Ethan. Sige una na


kami ha.

Tumango na lang ako.

Papunta sana ako kay Ethan para alukin s’ya para sabay ulit
kami magsnack pero nagulat ako sa inasal niya.

Lily: Ethan, tara sa canteen?

Ethan: Ah may gagawin pa kasi ako eh.

Sabay dali-daling umalis.

Lily: Hala, anong nangyari dun? Iniiwasan n’ya ba ako?

Nagtataka akong pinagmasdan siya habang umalis sa harap ko.


Unang beses ’to nangyari kaya pakiramdam ko iniiwasan n‘ya
ako, ngunit hindi ko alam kung bakit.
17.

LILY’S POV:

Scene 16: You

Ilang araw na ang nakakalipas, ilang araw na rin akong


iniiwasan ni Ethan. Labis na nagtataka na ako kung bakit,
kaya naman isang hapon nakita ko siyang sumakay sa
tricycle, sa kagustuhan kong makausap s’ya at malaman kung
bakit niya ako iniiwasan, sinundan ko s’ya.

Bumaba si Ethan sa isang park, kung saan kami pumunta nung


una n’ya akong niyaya.

Paglingon n’ya nakita n’ya ako.


Bakas sa mukha n’ya ang pagkagulat at kaba. Naglakad s’ya
papunta sa direksyon ko, akala ko kakausapin ako pero
nilagpasan niya lang ako. Hindi ko na ito natiis kaya naman
kinausap ko ito.

Lily: Ethan!

Napatigil s’ya sa paglalakad.

Lily: Ano bang problema? May nagawa ba ako? May nasabi?

Lumingon si Ethan.

Lily: ’Wag mo naman na akong iwasan oh. Pag usapan natin.

Ethan: Hindi kita iniiwasan.

Medyo nainis na ako.

Lily: Really, huh? It’s obvious that you’re avoiding me


since last week, tas ngayon sasabihin mo hindi? Ano ba,
Ethan!

Hindi umimik si Ethan.

Lily: Magsalita ka naman!


18.

Hindi pa rin umimik si Ethan, nakayuko lang ito. Kaya naman


nilapitan ko ito at niyugyog ang braso.

Lily: Ano ba, Ethan! Mag salita ka kasi, why are you
avoiding me? (iritable kong tanong)

Ethan: Kasi gusto kita!

Biglang sabi ni Ethan.

Napatigil ako at napabitaw ng hawak sa kanyang braso.

Lily: H-huh? (nauutal kong sabi dahil sa pagkabigla


ko)
Ethan: Oo Lily, gusto kita. Yan ang dahilan kung bakit kita
iniiwasan nitong mga nakaraang araw. Nalilito ako, naging
indenial ako sa nararamdaman ko kaya mas pinili kong umiwas
muna para makasiguro kung tama ba ‘tong nararamdaman ko.
Natakot din ako na baka pag sinabi ko, ikaw naman ang
umiwas sa’kin.

Nakatitig lang ako sa kanya, ganon din s’ya sa’kin.

Lily: Ethan.. I think I like you too.

(After 1 month)

Scene 17: Together

They finally together. They are comfortable in each other’s


company. They are each other’s solace.

(May mga clips dito na nagd-date sila, sweet lang ganon)

(Park)

Ethan: 1 month na pala since nagconfess ako ‘no? hahaha.

Lily: May paiwas-iwas ka pang nalalaman eh. (playfully


rolled her eyes)

Parehas silang tumawa.


19.

May nakita silang nagb-bike.

Ethan: Marunong ka magbike?

Lily: Yup, tinuruan ako.

Ethan: Nino?

Lily: Nung friend ko, si Etha- (gulat siyang lumingon kay


Ethan sabay takip ng bibig)

Unti-unti ring napagtanto ni Ethan na si Lily yung tinuruan


niya.

(Magf-flash dito yung scene nung 12 years old sila na


tinuturuan ni Ethan si Lily magbike.)

Ethan: Ikaw si Lily?

Lily: Ikaw si Ethan?

Sabay nilang sabi sabay turo sa isa’t isa. Hindi


makapaniwala.

Lily: My gosh, what a small world.

Ethan: Ano ba yan, bakit hindi natin ‘yon narealize dati pa


lang?

Sabay silang umiling at tumawa.

Scene 18: Weird

(Room) (Break time)

Magkatabi sina Ethan at Lily sa upuan, nagkukulitan.

Ethan: Grabe talaga, akalain mo ‘yon magkakilala pala


talaga tayo dati.

Lily: Oo nga eh, hindi man lang ’yon sumagi sa isip ko.

Ethan: Parang may invisible strings. Soulmates talaga tayo!


20.

(sabay kindat kay Lily)

Lily: Yan ka na naman sa mga kalokohan mo! (sabay tapik sa


braso ni Ethan)

Kallie: Uy, tara sa canteen?

Lily: Kayo na lang muna, busog pa ako eh.

Kallie: Okay. Tara Clarabelle!

Clarabelle: Ikaw na lang muna,may pinapanood pa ako.

Clarabelle: Magandang panoorin na nagsasaya sila kasi baka


huli na nila ‘yan. (pabulong na sabi n’ya)

Kallie: Huh? Bahala ka nga d’yan, gutom na ‘ko. (sabay


alis)

Sabay lumingon sina Ethan at Lily kay Clarabelle.

Ngumiti si Clarabelle sa kanila pero parang pilit.

Nagkatinginan sina Ethan at Lily.

Ethan and Lily: Weird.

LILY’S POV:

Scene 19: Choice

(House nina Lily) (Living room)

Pagkauwi ko galing school ay dumiretso na ako sa bahay,


pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na nasa living room sina
Mommy (Cathy) at Daddy (Dave) Hindi ko alam ang nangyayari
pero mukhang seryoso sila.

(Nagmano muna ako sa kanila)

Lily: Mom, Dad what’s happening po?


21.

Cathy: Hindi ba kami dapat nagtatanong n‘yan sa’yo? What’s


happening to YOU?

Nagtataka akong nagkunot noo sa kanila.

Lily: What do you mean po?

Dave: We heard that you have a boyfriend already, is that


true?

Nagulat ako, how did they know?

Nakayuko akong tumango.

Cathy: At doon pa talaga sa Ethan na ‘yon? What were you


thinking, Lily? (pasigaw na sabi ni Mommy)

Dave: Also, hindi mo matatago na you were removed from the


dean’s list. We’re very disappointed in you! (napataas na
ang boses ni Daddy)

Humihikbi na ako.

Cathy: Natanggal sa dean’s list, nagkaroon ng boyfriend,


ano pa bang kahihiyan ang ibibigay mo sa amin, ha?!

Lily: I’m sorry, Mom, Dad. (umiiyak kong sabi)

Cathy: Walang magagawa ang sorry mo! Tapos na ang kahihiyan


na ginawa mo, hindi kita pinalaking gan’to! Ano ba, Lily!
(galit na sabi ni Mommy)

Galit na galit sina Mommy at Daddy, hindi ko na alam ang


gagawin ko.

Cathy: You’re so irresponsible, wala ka na ginawang tama!

Para akong sinasaksak ng mga salitang binibitawan nila.


Pero mas nawindang ako sa sunod na sinabi ni Dad.

Dave: It’s your choice now, Lily. Are you going to break up
with that Ethan or will i have just slaughter him myself!
(pasigaw at seryosong sabi ni Daddy)
22.

Napaangat ang tingin ko sa kanya, bakas sa mata ko ang


takot para sa minamahal ko. Hindi ko alam ang gagawin ko,
ayaw kong mawala s’ya sa’kin.

Lily: Mom, Dad, Mahal ko si Ethan! Please don’t do this.


(napalakas na sagot ko)

Nagulat ako ng bigla akong sinampal ni Mommy.

Cathy: Yan para matauhan ka sa mga sinasabi mo! Anong


mahal?
You’re too young for that love! Mag isip ka nga, Lily!

Lily: But Mom..

Dave: It’s your turn to choose now, Lily. Choose now!


(pasigaw na sabi ni Daddy)

Natatakot ako, sobrang natatakot.

Lumuhod ako kina Mom at Dad.

Lily: Mom, Dad, please don’t do this. Please. (saad ko


habang labis na umiiyak)

Tinignan lang ako nina Mom at Dad.

Scene 20: Accident

Pagkatapos umiyak ni Lily ay tinawagan s’ya ni Ethan.

Ethan: Lily? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?

Lily: Ethan, magkita tayo please. It-text ko sa’yo kung


saan.

Ethan: Bakit? Ano bang nangyayari?

Lily: Basta. Sasabihin ko lahat sa’yo pag nagkita na tayo.

Ethan: Sige, mag i-ingat ka. (nag aalalang sabi ni Ethan sa


telepono)
23.

Nang magkita ang dalawa ay sinabi ni Lily ang lahat sa


kanyang kasintahan pati na rin ang banta na ipapapatay s‘ya
ng mga magulang nito kapag hindi pa nila tinigil ang
kanilang relasyon.

Habang nag uusap ang dalawa may biglang lumiwanag,


nakakasilaw na linawag mula sa isang sasakyan na patungo sa
kanilang kinatatayuan. Bago pa sila umalis sa kinatatayuan
nila biglang sumalpok sa dalawa ang itim na sasakyan lulan
na hindi maaninag kung sino. Walang malay at duguan si
Ethan, samantalang si Lily naman ay ipinipilit iminumuklat
ang mga mata.

Bumaba sa sasakyan ang isang babaeng nakasuot ng black coat


at mahaba ang buhok. Kahit na hirap ay nagawa pang maaninag
ni Lily ang mukha ng babaeng bumaba mula sa kotse, mas
lalong nanghina si Lily nang mapagtanto na ang babaeng
bumangga sa kanila ay ang kanyang matalik na kaibigan, si
Clarabelle.

Lily: Clarabelle.. (pabulong na banggit nito)

(Insert yung mga clips na galit at nagseselos si Clarabelle


kay Lily.)

Scene 21: Too late

Narration: Tama nga sila, nasa huli talaga ang pagsisisi.


Hindi natin makikita ang mga pagkakamali at pagkukulang
natin sa mga mahal sa buhay kung wala pang nangyayaring
masama sa kanila. So, before it’s too late, we should make
our loved ones feel seen, understood, and loved.

(Clips na humihingi ng tawad ang parents ni Lily sa kanya


at sa parents ni Ethan.)

(Clips na humihingi ng tawad ang parents ni Lily sa kanya


at sa parents ni Ethan.)
(Clips na dadalhin si Clarabelle sa mental hospital.)

End of Flashback
24.

(All black)

ENDING:

(Clips nung pagkabangga sa kanila)

Lily wakes up gasping for breath.

(Talking to herself)

Lily: What’s happening to me? Hindi ko maintindihan bakit


palagi ko ‘yon napapanaginipan. My gosh, Lily. Suit
yourself.
(napabuntong hininga na lang ito)

(Continuation of the first part of the film.)

ETHAN’S POV:

Ethan wakes up with gasping breath. (there tears in his


eyes)

(Talking to himself)

Ethan: Ano na naman ‘yon? Nababaliw na yata ako.

His friend: Oh tol okay ka lang? Napanaginipan mo na naman?

Ethan: Oo, s’ya ulit.

His friend: Epekto ata ‘yan ng mga gamot na iniinom mo,


ipagpahinga mo muna, ilang araw ka na ring ganyan eh.

Tumingin si Ethan sa kaibigan.

His friend: Sige tol una muna ako, may trabaho pa ‘ko eh.

Tinapik ang balikat ni Ethan.

Tumango naman si Ethan.


25.

Ethan: Panaginip lang nga ba talaga?

Napabuntong hininga na lang s’ya.

LAST PART:

(Narration) (Voice record)

It’s seems like a moment filled with unspoken emotions and


missed connections. Life often interwines paths in
unexpected way.

The rejoice in the blessings that love brings. The


importance of forgiveness, empathy, and finding unexpected
blessings in unlikely places.

Flavors of Youth captures the essence of life's fleeting


moments through its poignant exploration of love,
nostalgia, and the bittersweet taste of growing up.

(Raining)

Makulimlim ang kalangitan, pumapatak ng marahan ang ulan.


Tinatangay ng hangin ang mga dahon mula sa naglalakihang
puno.

Sa kahabaan ng daan may isang babae na nakasuot ng puting


bestida at pastel pink na sling bag. Hawak n’ya sa kanang
kamay ang kanyang payong bilang panangga sa ulan. Akap n’ya
sa kaliwang kamay ang isang manipis at pamilyar na libro.

Mabagal itong naglalakad, napatigil ito sandali at


pinagmasdan ang naglalakihang mga puno at ang mabagal na
pagbagsak ng ulan. Kita sa mga mata n’ya ang bahid ng
kalungkutan at hindi maipaliwanag na pangamba.

Nakasalubong n‘ya sa daan ang isang matangkad na lalaking


nakasuot ng itim na coat, itim na pantalon at sapatos. May
hawak din itong payong bilang panangga sa ulan.
26.

Nagpatuloy ito sa kanyang paglalakad, nang magtama ang


kanilang mga mata, pareho nilang naramdaman ang pamilyar na
kasiyahan at kalungkutan na para bang bumabagsak ang mga
alaala ng nakaraan na pilit na humihiling ng isa pang
pagkakataon.

Nagtapat ang kanilang balikat, tila ba bumagal ang oras at


tumigil ang takbo ng paligid.

Naunang nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki, napatigil ang


babae at pinagmasdan ang pamilyar na likuran ng lalaking
nakasalubong. Napahawak s’ya sa kanyang puso sa hindi
malamang dahilan nang pagtibok nang mabilis nito. Huminga
s’ya ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Napatigil sa
paglakad ang lalaki at nilingon ang babaeng nakasalubong na
ngayon ay patuloy pa rin sa paglalakad. Hinawi n’ya ang
luha na tumakas sa kanyang mga mata.

Ethan: Ba’t ba ako umiiyak? Something is off pero hindi ko


maipaliwanag kung ano. (huminga ng malalim at napailing na
lang)

Nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki at ganoon na rin ang


babae sa kabilang direksyon. Hindi na ito muling lumingon,
ni isa sa kanila ay wala nang lumingon upang balikan ang
alaala ng nakaraan.

THE END.

You might also like