You are on page 1of 6

EsP: Performance Test

SCRIPT

Cast and Roles:

 Kaaway – Andrea Levida, Jhuenz Mendoza, Jenny Endaya


 Kamag-aral – Veronica Estollano
 Guidance Counselor – Andre Anthony Aniciete
 Ama – Dave Zildjan Lindo
 Ina – Cire Eilreg Dela Cruz
 Panganay na anak – Hyacinth Katigbak
 Bunsong anak – Charlene Rose Badillo

INTRODUCTION:

Cire: Magandang hapon po. Mula sa ika-apat na pangkat, naririto kami upang ibahagi sa inyo ang aming dula-dulaan
tungkol sa pagkamit ng kalayaan.

*clapperboard*

SCENE 1:

Cha: *naglalakad ng naka earphones at hindi nakatingin sa dinadaanan at nabangga sina Levi at Jhuenz*

Levi: Paumanhin, pero sa susunod tumingin ka din po sa dinadaanan para hindi ka nakakabangga.

Cha: Aba’t sino ka para pagsabihan ako ng dapat kong gawin?

Jhuenz: Tayo pa yata ang may mali dito Levi?

Cha: Kayo naman talaga! Alam niyo naman pala na hindi ako nakatingin sa dinadaanan, bakit di nalang kayo umiwas para
di nyo ako nabangga?

Jenny: Alam mo ba?

Cha: Naku hindi pa. Ano ba ‘yon?

Jhuenz: Nanghahamon ka ba ng away?

Cha: *itutulak-tulak si Jhuenz* Eh ano naman kung… Oo?

Levi: Ah ganun ah. *hahatakin si chacha mula kay Jhuenz*

Cha: *Iwawaksi ang kamay* Ah lalaban ka pala ah. Tignan natin.

*magkakainitan ang tatlo, magsisigawan, mag-aawayan, magtutulakan hanggang sa dumating ang kapatid ni Chacha*

Hya: Anong kaguluhan ang nangyayari dito?

*mapapatigil ang tatlo sa ginagawa*

Cha: *iirap*

Jenny, Levi at Jhuenz: *magugulat*

Hya: Kayong tatlo! Sumunod kayo sa akin sa Guidance. May kailangan tayong ayusin sa kaguluhan na ginawa nyo. At
ikaw Charlene, umayos ka. ‘Wag mo sisirain ang pangalan ko dito sa school. Ang ayos-ayos ko tapos ikaw manggugulo
lang? Para san pa’t pumasok ka pa?!
*maglalakad papuntang Guidance Office. Tatawagan naman ni Hyacinth ang mga magulang nila para dumalo sa
disciplinary hearing.*

Hya: *dialing…* Hello ma. Ma punta po kayo dito sa school. Ang magaling mong anak may ginawa na naman. Ma ayusin
nyo ‘to. Ang taas ng ranggo ko dito sa school tapos sisirain lang ng isang ‘yon. Sige ma. Bye.

SCENE 2:

Cire: Hon, tumawag ang anak natin. May nangyari daw sa school.

Dave: Si Charlene na naman ba?

Cire: Sino pa ba? Hay nakung batang ‘yan.

SCENE 3:

*kumatok sa pinto ng office ng guidance counselor. Papasok pa lanmang ay nauna nang pumasok si Charlene*

Hya: Tss. Walang galang. *pabulong*

Andre: May ginawa ka na naman ba? Sobra ka na yata sa salitang suki ah.

Hya: Pinatawag ko na po ang mga magulang ng nag-umpisa ng gulo. Andito na din po ang mga nakita ko pong kasama sa
kaguluhan kanina.

Andre: Sige, maraming salamat. Pwede ka na munang bumalik sa klase mo.

*paglabas ni Hyacinth ay saktong naksalubong niya ang kanyang mga magulang*

Cire: Anak, anong nangyari?

Hya: Malalaman nyo po pagpumasok kayo. Nga po pala paayos po ah. Salamat po. Pa, pasok na po ako sa klase. Kita
nalang po tayo mamaya sa bahay.

Dave: Sige anak, mag-iingat ka.

*pumasok na sa pinto ang mag-asawa*

Andre: Magandang hapon po sa inyo. Maupo po kayo.

Dave: Magandang hapon din po.

Cha: *tinitigan lang ang mga magulang*

Jenny, Levi at Jhuenz: *Yumuko ng kaunti*

Andre: Narito po tayo upang ayusin ang naging kaguluhan kanina at pagbatiin ang dalawang panig. Maari nyo bang
ikwento ang nangyari?

Cha: *tahimik na seryoso, di mababakas ang pagkatakot*

Jenny: Naglalakad po kami ng binangga kami ni Charlene. Hindi po siya nakatingin sa dinadaanan at naka earphone din
po siya.

Levi: Pinilosopo niya rin po kami. Sabi niya, na alam naman namin na di siya nakatingin sa daanan kaya kami na dapat
ang umiwas.
Cha: Eh tama naman ah. Alangan naming magmuka kayong bulag di ba? Mas malala pa yon sa di nakatingin!

Jhuenz: Ah, so dapat kami pa mag-adjust para lang makadaan ka?

Cire: Tama na! Walang patutunguhan ang pagbabangayan niyo.

Andre: Sana naman kahit papaano, inintindi nyo ang sitwasyon. Grade 10 na kayo, ang lalaki nyo na.

Cha: As if naman kaintindi-intindi.

Levi: As if naman malaki na yong isa dyan.

Andre: ENOUGH! Ang mga simpleng bagay, hindi dapat pinapalaki. Maliit lang na bagay ang pagkabanggaan nyo. Kung
mag pag-uunawa kayo at madaling magpatawad, hindi na tayo hahantong sa ganito. Charlene, sa susunod, wag kang
maglalakad ng nakaearphone lalong lalo na ang hindi mo pagtingin sa dinadaanan. Ito ang ikapapahamak mo sa susunod
na uulitin mo ito. At kayo naming dalawa, kahit papaano may point si Charlene. Kayo na ang mag-adjust. Kailangan din
natin mag-adjust hindi lang para sa atin kundi para na din sa kapwa at para sa ikabubuti ng lahat. Nauunawan ba?

Jenny, Levi at Jhuenz: Opo

Cha: *tango*

Andre: Sige maaari na kayo kayong bumalik sa mga klase niyo.

Jenny, Levi at Jhuenz: Salamat po.

Cire: Sir, pwede po ba namin isama si Charlene pag-uwi? May pag-uusapan lang po kami. Malapit na din po ang labasan.

Andre: Sige po. Maraming salamat po sa pagpunta. Charlene, nawa’y di kana makabalik dito sa office ko.

Dave: Sige po sir, alis nap o kami.

*Lumabas na sila ang mag-anak*

SCENE 4:

*naglalakad na mukang kakapasok lang sa loob ng bahay sina Cire, Dave, at Charlene*

*pagkapasok sa loob ng bahay, dirediretso lang si Charlene sa kanyang kwarto*

Cire: At san ka pupunta?

Cha: Sa pupuntahan.

Cire: Aba tong batang to! *Akmang susugurin*

Dave: *pipigilan si Cire* Huminahon ka muna.

Cire: Ba’t ka ba nagkakaganyan? Kung hindi ka pikunin, nanghahamon naman ng away. Ano ba talaga ang gusto mo sa
buhay? Ang gusto mo lang ang sinusunod mo. Lahat ng naiisip mo, sige gawa.

Cha: Bakit nga ba ako nagkakaganyan? Ba’t di mo sagutin ang tanong mo?

Dave: Ano ang ibig mong sabihin?

Cha: Tsk. Acting like you know everything.

Cire: Edi sabihin mo para nalaman namin.


*biglang papasok si Hyacinth sa bahay*

Hya: OMGulay! Why so intense? Anong nangyayari dito?

Cha: Hi my dear sister. Buti naman at andito ka at maririnig mo din ang usapan.

Cire: Hindi mo kailangan idamay ang ate mo.

Cha: At bakit? Isa din siya sa dahilan kaya ginugusto ko ang lahat ng gusto ko.

Dave: Oh di sige. Pagbibigyan kita. Ipaliwanag mo na lahat lahat sa amin.

Cha: Tinatanong nyo ba’t ako nagkakaganito? Pwes, dahil sa inyo. Kaya ko ginagawa ang mga gusto ko kahit na may
masasaktan dahil pinabayaan niyo ako. Lagi kayong nasa trabaho. Wala na kayong oras para sa amin. Para sa akin. Tapos
itatanong niyo kung bakit ako nagkakaganito? Kayo ang dahilan. KAYO! Iniisip ko nga kung may pakialam pa kayo kung
magrebelde ako. Hah! Asa.

Cire: Wala kang galang. Lahat ginagawa namin ng Papa mo para mapag-aral ka at may makain ka. Tapos susumbatan mo
lang kami sa walang kwentang dahilan mo? *naiiyak*

Hya: Charlene! Sumusobra ka na ata ah. Kung gusto mong magsalita’t sumigaw. Kahit man lang sana isipin mo ang
sinasabi mo.

Cha: Isa ka pa. Akala mo’y alam mo na ang lahat lahat. Ikaw na! Ikaw na ang magaling, ikaw na ang mabait, ikaw ang
gusto ng lahat. Lahat ng gusto mo nasusunod pero ang gusto ko, ipinagbabawal.

Dave: Wag mo pagsalitaan ng ganyan ang ate mo. Nasa sakanya na kung babait ba siya o hindi. Nung pinili niya maging
mabait, iyon ang naging advantage niya kaya nagugustuhan at iginagalang din siya, hindi lang namin kundi ng mga kapwa
niyo kaklase.

*nabuo ang tensyon sa loob ng bahay. May umiiyak, sumisigaw, at di makapagtimpi*

Hya: Alam mo ba Charlene, lahat tayo may kalayaan. May kalayaan ka na gawin ang gusto mo. Pero kung ang paggamit
mo ay nasa mali, talagang magiging sanhi ito ng problema. Dito rin matutukoy kung anong klaseng tao ka.

Cire: Tama ang ate mo. Kung nagiging mabait ka at may pag-unawa, hindi mo maiisipan na wala kaming oras para sa
inyo, lalong lalo na para sa iyo.

Cha: Talaga ba?

Dave: Oo naman anak. Hayaan mo sa isang araw, magbobonding tayong lahat para maging matibay muli ang pagsasama
natin bilang pamilya.

Hya: At isa pa Cha, mag-open ka rin ng nararamdaman mo para hindi ka nahihirapan sa dinadala mo.

Cha: Sorry ate, sorry sa inyong lahat.

*magyayakapan ang pamilya. May ngiti sa mga labi*

SCENE 5:

Hya: Sis tara na. Malalate na tayo.

Cha: Sige tara na.

*naglalakad ang magkapatid nang biglang…*


Hya: Sis una na ako. Iyan na classroom ko. Ingat ka sa pangpunta sa room mo.

Cha: Sige sis. Salamat.

*naglalakad na si Chacha nang makita niya si Jenny na inaaway ang isang SPED at nakaluhod na sa sahig na kaniyang
kamag-aral.*

Cha: Hoy! Anong nangyayare dito? Jenny anong ginagawa mo? Pati ba naman walang kakayahan na kalabanin ka,
pinapatulan mo.

*inalalayan ni Chacha si Veronica na makatayo*

Cha: Nikki, ako nang bahala dito, mauna ka na. Mag-iingat ka. *pabulong kay Veronica*

Jenny: At anong paki mo?

Cha: May paki ako. Hindi porket may kalayaan ka na na gawin ang gusto mo, ay gagawin mo na. Mag- isip ka muna bago
gumawa dahil hindi mo nalang alam, nakakasakit ka na.

*Darating sina Levi at Jhuenz*

Levi: Anong nangyayare dito?

Jhuenz: Nanghahamon ka ba uli ng away?

Jenny: Ibibigay namin kung gusto mo.

Cha: Hindi na kailangan. Nandito ako para sabihin sa inyo na, gusto kong makipag-ayos sa inyo. Alam kong nagkamali ako
nung nakaraan. Pero ngayon alam ko na, ang kalayaan ay pinahahalagahan dahil hindi lamang ito pagpapahalaga sa sarili
kundi pagpapahalaga din sa kapwa.

Levi: Ay nagspeech ang lola niyo.

*nagkaroon ng kalmadong atmospera. Nagtawanan ang bagong magkakaibigan.*

Cha: So apology accepted?

Jhuenz: Yes.

Jenny: Yes. New friend.

You might also like