You are on page 1of 14

GROUP 1 - KAHIRAPAN

Scene 1: SA BAHAY
Mga Karakter:
• AMA
• PANGANAY
• KAPATID 2
• BUNSO

Ama: (Gumising habang kinakapa ang bote ng alak)

Panganay: (Bunso) uy gising na (hinipo ang noo at nagulat) hala! Ano ba yan! Bat ang taas taas
ng lagnat mo! (Nagpapanic na tinawang ang kapatid na lalaki) (Kapatid 2) bumili ka muna ng
gamot dali! Inaapoy ng lagnat si (Bunso)

Kapatid 2: Ate, yung pera wala na. Kinuha sa akin ni tatay yung pera at pinambili ng alak.

Panganay: (Napansin ang pasa sa kaliwang braso) Tsk! Makiusap ka muna sa tindahan at
mangutang dali!

Kapatid 2: Sige po ate! (Tumakbo palabas)

(Transition)

Bunso: A-ate (mahina nitong sambit)

Panganay: Bakit? Anong masakit sayo?


(Napatigil sa pagsasalita ng marinig ang malakas na dabog)

Ama: Ano ba namang buhay to! Nasan ang pagkain?! (Pumasok at hinanap ang magkakapatid)
antatamad niyo! Yun na nga lang ang trabaho niyo! Hindi niyo pa magawa! (Sigaw nito)

Panganay: Pa teka lang po, nilalagnat po si (Bunso) eh. Saka wala na po yung pera.

Ama: Ha! Anong nilalagnat? Saka anong wala ng pera? Gawan niyo ng paraan! Gutom na ko !

Panganay: (Nainis at tumayo) Pa! Sumusobra na kayo! Baka po nakakalimutan niyong kayo ang
gumastos ng pera na sanay pambili ng pagkain! Magkameron naman kayo ng pake oh!
Ama: Aba sumasagot ka na ah (galit na sinampal ang panganay)

(DUMATING ANG KAPATID NA LALAKI AT NAKITA ANG AMANG SINAMPAL ANG PANGANAY)

Kapatid 2: Teka! Pa tama na po yan! ( Sabay takbo at lapit sa ama) tumigil na po kayo! Wala na
po kayong ginawang tama kundi ang uminom!

Ama: Isa ka pa! Sumasagot ka na din! Sisihin niyo ang ina niyo na iniwan tayo! Kasalanan niya
tong lahat! Kaya kayo! Umayos kayo ha?! Ayusin niyo kung ayaw niyong kayo naman ang
maiwan! (Sabay alis palabas )

Kapatid 2: Ate ayus ka lang?

Bunso: Ate, pasensiya na wala ako maitulong.

Panganay: Okay lang ako (sabay ngiti) ikuha mo ng tubig ang kapatid mo ng makainom na ng
gamot)

Kapatid 2: sige ate(sabay alis)

Panganay: (napatingin sa pinto at bulong) sana ngay nawala ka na lang)

2
Scene 2: SA TINDAHAN
Mga Karakter:
• MARITES1
• MARITES2
• PANGANAY
• MANININGIL NG UTANG

(NAGUUSAP ANG DALAWANG MARITES)


Marites 1: Mare! Napapansin mo ba?

Marites 2: Ano nanaman mare?

Marites 1: Palagi na lang nangungutang yang magkakapatid na yan no?

Marites 2: Eh pano ba naman! Yung wala nilang kwentang ama nag inom na lang ng nag inom!

Marites 1: Eh nasan na ba ang asawa?

Marites 2: Ayun sa pagkakaalam ko eh iniwan, yun yung sabi sabi sa kabilang kanto eh.

Marites 1: Napakamiserable ng buhay nila hays

(DUMAAN SI PANGANAY AT NAPATINGIN SA NAG UUSAP)

Marites 2: Hoy shh! Baka marinig ka!

Marites 1: kaya nga( sabay tahimik )

Marites 2: Uy ineng! Parne ka nga!


(Sabay lapit ni panganay)

Marites 2: Eto para senyo tong magkakapatid. Wag niyo na ipakita sa inyong ama ah? Siguradong
kukunin ito senyo

Panganay: Nako salamat po! Maraming salamat po!

Marites 1: Siya ineng uwi na ikaw at alam kong di pa kayo nakain.

Panganay: Marami po ulet salamat!

(HABANG NAGLALAKAD AY NAKASALUBONG NIYA ANG MANININGIL NG UTANG)

3
Maniningil ng utang: Ineng alam mo ba kung san ang bahay ni (AMA).

Panganay: po? Bakit po? Sino po sila?

Maniningil ng utang: Hm teka parang pamilyar ka! Anak ka ni (AMA) no? Nasan ang iyong ama?

Panganay: Nako diko po alam eh, umalis po kanina.

Maniningil ng Utang: Ah! Siguro ay oras na din para magbayad siya ng Utang! Antagal na niyang
di nagbabayad eh.

Panganay: Ano pong utang?

Maniningil ng utang: Pede gang pumunta muna tayo sa inyo ng mapag usapan? Ang init eh!
(mataray nitong sambit)

4
Scene 3: PANININGIL NG UTANG
Mga Karakter:

• MANININGIL NG UTANG
• PANGANAY

Panganay: Maupo po muna kayo.

Maniningil ng utang: hmm ano meron dito bakit sobrang kalat at ambaho?!

Panganay: pasensya napo at medyo magulo ang aming tirahan, ano pobang nagging utang nang
aking (Ama) sainyo po? (Sabay sulpot ng kapatid2 dahil sa maingay na usapan)

Maniningil ng utang: umutang kasi saakin ang iyong ama pam bayad sa sugalan kung san sya
nabaon din talaga nang utang, pero wala nakong pakielam don, bayaran nya kamo ako!!!

Kapatid2: ganun poba, magkano poba ang kabuuang halagang kailangan naming bayaran po
sainyo? (Malungkot nitong sambit)

Maniningil ng utang: Aba! Masyadong mala---

Lawyer: Ako na ang bahala makipag usap sa mga bata, natatakot sila sayo

Kapatid2: Sino po kayo?

Lawyer: Ah ako nga pala ang Lawyer ni Mrs.Pagsinuhin

Kapatid2: ah so magkano po ba ang naging utang ng aking ama?

Lawyer: Sa totoo lang malaki at at masyadong malaki eh, matagal na din siyang umutang at
nangako na babayaran ngunit hanggang ngayon ay di pa din siya nagbabayad

Kapatid2: ay pano po kaya ang mangyayari?

Lawyer: kung gayon ay mapipilitan kameng magsampa ng kaso at hulihin ang inyong ama

Kapatid2: Marami pong salamat sa pag iinform po nito samen

Lawyer: oh siya! Mauuna na kami ah? Mag iingat kayo palagi!

Kapatid2: ingat din po! (AT INIISIP NIYA KUNG PAANO MAKAKATULONG SA UTANG)

5
Scene 4: SA BARANGGAY
Mga Karakter:
⚫ KAPITAN
⚫ AMA
⚫ MARITES 1
⚫ TANOD(UNTIVEROS)

Untiveros: Kapitan! May naghahanap po sa inyo!

Kapitan: Sige kamo at pumasok!


(Pumasok si King sa opisina ni kapitan)

Ama: Kapitan kumusta (sabay dighal)

Kapitan: Maayos naman ako, ikaw ba?

Ama: Maayos din naman ako kap (Sabay tingin sa paligid na parang iniscan)

Kapitan: Alam ko na balak mo pre. Yun yung pinunta mo dito no?

Ama: (sabay labas ng sobre na may lamang pera) May goods ba?

Kapitan: HAHAHAHAHAHA oo naman basta ikaw. Tagal mo na saking costumer kaya may
discount ka sakin.

Ama: Aba aba mabuti yan, nitong nakaraang araw eh stress ako eh tas kanina nakakabarino sa
bahay.

Kapitan: HHAHAHAHA ay siya tapusin mo na ang business mo ng makaalis ka na, baka mahuli
tayo. (Sabay abot ng droga)

Ama: (sabay ngiti) sige kap! Sa susunod ulet!

(Napadaaan sa Tindahan)

Ama: Hoy! Alak nga!

Marites1: Alak nanaman? Di ka ba nagsasawa? Baon na kayo sa utang kelan mo ba balak


magbayad?

Ama: Huh? Anong utang? (Galit nitong sabi)

6
Marites1: umuutang dito ang mga anak mo ah! Karaniwan pagkain, wala ka ban maiprovide?
Kung nakakabili ka ng alak magbayad ka din ng utang!
Ama: Aba! Diko na kasalanan yon!
(sabay alis ng galit)

(Pagdating sa bahay)

Ama: Hoy! Anong sinasabi nung tindera na maraming utang?

(NAPATAHIMIK SIYA AT WALANG TAO)

Bunso: Pa, wala po si ate at kuya umalis.

Ama: Aba! Ay nasaan! Saka ano yung mga utang utang ninyo na naririnig ko? Dagdag problema
ko pa! Ako ang sinisingil!

Bunso: Diko po alam tay eh

Ama: Nako nako! Malilintikan sakin yang dalawa! Wag ko sila makikita!

Bunso: (Tahimik)

Ama: At ikaw! Wag ka pahila hilata diyan! Kumilos ka din! Sakit sakit na nalalaman! Hala
magsaing ka don!

(SABAY LABAS NG BAHAY NG PADABOG)

7
Scene 5: Trabaho
Mga Karakter:
• Kapatid2
• Kapitan

Kapatid2: Tao po!! Tao po!! Nako wala ata tao, dine sa kabila.
(NAKITA SI UNTIVEROS)

Kapatid2: Ah! Kuya! Maari mo ba kong matulungan?

Untiveros: ah ano ba yon?

Kapatid2: Andiyan ba si kapitan sa loob?

Untiveros: ah oo nasa loob nga siya, bakit?

Kapatid2: Gusto ko lang po sana makausap at makahingi ng konting tulong.

Untiveros: Siya sige pasok ikaw sa loob

Kapatid 2: Salaamat po!

(PUMASOK SA LOOB)

Kapitan: Oh toy anong sadya mo?

Kapatid2: Kapitan, nakakahiya man po ay humihingi po ako ng tulong

Kapitan: bakit? Ano meron toy?

Kapatid2: Sa totoo lang po nalubog kame sa utang gawa ng aking ama


Kapitan: Ay nako nga sino ba ang iyong ama?

Kapatid2: si Arturo po

Kapitan: Ah anak ka pala ni arturo?

Kapatid2: Opo, ako poy humihingi ng tulong, kahit ano pong trabaho basta po tulungan niyo po
kame.

Kapitan: eh kung sa ganun eh sige tutulungan ko kayo sa isang kondisyon!

8
Kapatid2: Ano pong kondisyon?

Kapitan: Simple lang, kelangan mo lang mag deliver sa mga taong sasabihin ko sayo nagegets
mo? At wag mo sasabihin ang aking pangalan pag tinanong ka ha?

Kapatid2: sige po kapitan masusunod po!

Kapitan: O siya sige eto deliver mo to kina (Araña).

Kapatid2: sige po!

(MABILIS NA TUMAKBO SI KAPATID2)

Kapatid2: Kayo po ba si (Araña)?

Araña: ako nga, bakit?

Kapitan: Ah pinapabigay po kasi ni kapitan (Sabay abot sa dala dala)( sabay narealize na hindi
niya dapat sinabi na galing yun kay kapitan)

Araña: Kapitan? Sabay bukas sa dala dala (Nakita na droga, kinuha ang selpon at tumawag) Pre!
Confirm! Nagtutulak ng droga si kapitan!

Kapatid2: D-droga? (Sabay tatakbo sana ng mahawakan siya ng lalaki)

Araña: Isa akong pulis! Sasama ka sa akin ngayon. At nasaan si kapitan?

Kapatid2: Nasa Hall po! Wag niyo po akong saktan wala akong ginagawang masama!

9
Scene 6: Ang Paghuli kay Kapitan
Mga Karakter:
• Pulis
• Kapitan
• Kapatid 2

Pulis: Taas ang Kamay!

Kapitan: Bakit po! Ano pong meron?!

Kapatid2: Yan po si Kapitan! Kap! Dinamay niyo pa ko! Gusto ko lang naman ng magkameron ng
trabaho at pera pero bat moko ginanto!

Kapitan: Anong sinasabi mo?

Pulis: Ako yung pinagdeliveran nitong batang to, ako din yung ka transaction mo. Bistado ka na
kapitan!

Kapatid2: Diko alam na droga pala yung ipapadeliver mo kapitan, kung alam ko lang di na ko
pumayag pa!

Kapitan: Tutal bistado na din ako bat di nyo tanungin yung tatay ng batang iyan kung anong
ginagawa.

Scene 7: Ang Paghaharap ni Maniningil ng utang


at Arturo
Mga Karakter:
• Maniningil ng utang
• Ama
• Panganay

Ama: Nasan na ba yang mga batang yan! Malilintikan yan saken

(NAGKASALUBONG SILA NG MANININGIL NG UTANG)

Maniningil ng Utang: Aba aba! Kundi nga si Arturo to?!

Ama: Akk! Ikaw pala yan haha

Maniningil ng Utang: Hoy!!! Magbayad ka na ng utang ngayon din kundi ipapakulong kita!

10
Ama: Pasensiya na pede bang bigyan moko ng ilang weeks pa? Wala pa ko pera ngayon eh

Maniningil ng utang: Aba! Hindi na maaari at napakatagal na simula nung umutang ka! Inaamag
na yung mga pangako mo!

Ama: Hindi! Eto totoo na sa susunod na buwan magkakapera na ko

(Biglang sulpot ni panganay)

Panganay: Pano ka po magkakapera eh wala ka namang trabaho?

Ama: Ayan! Ikaw! San ka nanaman nagpunta ha?!

Maniningil ng Utang: Aba! Arturo niloloko mo ba ko? Pano ka makakabayad ngayon?!

Ama: Sa susunod nga! Promise!

Scene 8: Ang Paghuli sa Ama


Mga Karakter:
• Kapitan
• Pulis
• Kapatid 2
• Ama
• Panganay
• Maniningil ng utang

(FLASHBACK)

Kapatid 2: ano pong sinasabi niyo kapitan?

Kapitan: Hindi mo talaga alam? Di mo alam kung bakit nawawalan at kinukuha ng ama niyo ang
pera niyo? Para bumili ng shabu! HAHAHAHAHA

Pulis: Totoo ba yang sinasabi mo?!

Kapitan: Oo! Kaya kung ako sayo hulihin niyo na din siya para di ako nag iisa!

(TULALA SI KAPATID 2)

(END OF FLASHBACK)

(NASA REALIDAD NA AT NASA TUNAY NA SITWASYON)

11
Panganay: Ayan ka pala! Kanina pa kita hinahanap eh!

Kapatid 2: Ate, makinig ka

Ama: Ikaw na bata ka! San---

Kapatid 2: Gumagamit ka ba ng ipinagbabawal na gamot pa?

Ama: Napatahimik

Kapitan: HAHAHA dimo na kelangan tanungin pa!

Ama: Kapitan!

Pulis: Magandang Araw Maam. Pagsinuhin! May warrant of arrest na din po akomh dala para
damputin tong si Mr. Arturo, doble doble na po ang kaso niya at sangkot siya sa ipinagbabawal na
gamot.

Panganay: Kaya pala! DAHIL SAYO! NAGKAGANYO SITWASYON NATEN! DAHIL SAYO HIRAP
NA HIRAP KAME! WALA KANG KWENTA!

(SABAY TAKBO NI PANGANAY NA SINUNDAN NG KAPATID NA LALAKI)

Marites1: Hala! Anong nangyayare! Picturan mo dali! Hindi I video mo!

Marites2: ala oo mare sige sige! Viral to!

Pulis: (Pinosasan si Arturo) Dahil sa inyo madaming naghirap na tao

Maniningil ng utang: Dahil din sayo! Madaming naperwisyo!

Pulis: Sisiguraduhin kong mapaparusahan kayo

Maniningil ng Utang: Ikaw Arturo! Magtino tino ka na!

(FAST FORWARD SA HEARING NAPATUNAYAN AT HINATULAN NG PAGKAKABILANGGO


ANG KAPITAN AT SI ARTURO NA MAY PATONG PATONG NA KASO)

12
Scene 9: FINALE
Mga Karakter:
• Panganay
• Kapatid 2
• Bunso

(DUMATING NG BAHAY ANG PANGANAY AT KAPATID NA LALAKI)

Bunso: Ate! Kanina pa kayo hinahanap ni pa! Sabi nya mayayari daw kayo sa kanya!

Panganay: Hindi na yan mangyayare bunso, umalis na si tatay at di na babalik, di na niya tayo
sasakyan

Bunso: eh? San po siya pupunta?

Kapatid2: Sa malayo yung di niya tayo makikita

Panganay: Siya Ccr diyan muna kayo ha?

Bunso: Kuya nagugutom ako

Kapatid 2: Oh eto, pasensiya na bunso yan lang ang kaya ko maibigay sa ngayon.

Bunso: Okay lang kuya hati tayo

Kapatid 2: Iyo na lang bunso busog pa ang kuya


Bunso: Sure ka kuya? Salamatt!!

Kapatid 2: Siya kain na ikaw

(Sabay sulpot ng panganay)

Panganay: Minalas man tayo sa sitwasyon sa buhay at pinaulanan ng problema, masasabi kong
maswerte naman ako sa inyo.

Bunso: Salamat po kuya! Ate!

Kapatid 2: Naghihirap man tayo ngayon, marami man tayong problema yaan niyo at makakaraos
din tayo pagdating ng panahon.

Panganay: Tama yan kaya magsikap tayo okay?

13
Bunso: Ako paglaki ko gusto ko maging mayaman! Para di na tayo magutom

(NAPATINGIN ANG PANGANAY AT KAPATID NA LALAKI SA BUNSO SABAY TAWA)

Panganay: Magkakatotoo yan tiwala lang sa diyos

Kapatid 2: Mahirap man tayo ay mayaman naman tayo sa isat isa

END

"Ang kahirapan ay hindi hadlang sa tagumpay. Ngunit ang kawalan ng pangunahing


pangangailangan tulad ng pagkain, edukasyon, at kalusugan ay nakakapagpahirap sa buhay ng
maraming tao."

14

You might also like